You are on page 1of 7

EPEKTO NG PAGSUSUOT NG UNIPORME SA AKADEMIKONG PAG GANAP

NG MGA MAG-AARAL SA PAMPRIBADONG PAARALAN

Tesis na iniharap
Sa Departmento ng Senior High School
Westminster High School INC

Bilang Bahagi
Ng Pangangailangan sa Pagtatapos
Ng Ikalawang Semestre sa ika-11 baitang sa istrand ng
General Academic Strand

Canja, Marienell Jane A.


Colares, Bhenedict Ahron F.
Kadusale, Desiree C.
Tamayo, Kim Gabriel
Tantuan, Mark Kevin
Perez, Wilmer U.
KABANATA 1
ANG SULIRANIN

PANIMULA

Ang pagsuot ng uniporme ay isang malaking obligasyon bilang isang mag-aaral

dahil sa ito ay isang alituntunin o batas na ipinapatupad ng isang paaralan o

unibersidad upang makilala ang isang institusyon. Ito ay nagpapakita ng pagiging

maayos at displinado sa pagsunod sa mga alituntunin at patakaran ng paaralan.

Mahalaga ang pagsusuot ng uniporme sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa

pampanibagong paaralan ay isang mahalagang aspeto ng edukasyon. Ito ay

nagbibigay ng pagkakanlanlan, pagpapakapantay-pantay, at disiplina sa mga mag-

aaral. Sa pamamagitan nito, ang mga mag-aaral ay nagkakaroon ng pagkakataon na

mag-focus sa kanilang pag-aaral at hindi maabala sa mga isyu ng kasuotan. Gayundin,

ito ay nagpapakita ng kanilang paggalang sa paaralan at sa mga kanilang mga

kasamahan. Subalit, may mga mag-aaral at guro na naniniwala na ang pagsusuot ng

uniporme ay maaaring hadlangan ang indibidwal na ekspresyon. Sa kabuuan, ito ay

isang usaping patuloy na tinatalakay sa larangan ng edukasyon.

Sa panahon ngayon marami ng mga paaralang hindi masyadong mahigpit sa

pagsusuot ng uniporme sa mga mag-aaral, kaya marami naring mga mag-aaral na

hindi isinusuot ng wasto ang mga uniporme sa kadahilanan nilang walang sapat na

pambili ng uniporme, walang sapat na pera panggawa ng uniporme.

Ang hindi wastong pagsuot ng uniporme ay posibling mag-udyok sa mga mag-

aaral sa maling gawain tulad ng pagliliban sa klase, paninigarilyo o madalas pa sa

ibang bisyo, pagiging bulakbol sa klase at maging sa pagsali sa mga masasamang


grupo na maghahatid sa piligro. Iilan lang ito sa mga salik sa hindi wastong pagsuot

ng uniporme. Ito ay nakakasama sa kanila lalo na’t ito ay maaring humantong sa

piligro na maaring ikapahamak na sisira sa kinabukasan ng mga mag-aaral. Ang

pagpapatuloy sa suliraning ito ay maaaring magdulot ng mas malaking problema sa paaralan

nagging sa mga mag-aaral.

Napiling pag-aralan ng mga mananaliksik ang epekto ng pagsusuot ng uniporme

sapagkat napansin ng mga mananaliksik na mas ninanais ng mga mag-aaral na magsuot ng

sibilyang kasuotan kaysa sa uniporme. Ang layunin ng mga mananaliksik ang malaman kung

ano nga ba ang magiging epekto ng pagsuot ng uniporme ng mag-aaral sa pribadong

paaralan. Nilalaman ng pag-aaral na ito kung nakakabuti ba ang pagsuot ng sibilyan na

kausotan o nakakasama sa pagganap ng mga mag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na Epekto ng Pagsusuot ng uniporme sa akademikong pagganap ng

mga mag-aaral sa Westminster High School. ay naglalayong alamin ang positibo at

negatibong epekto ng pagsusuot ng uniporme sa akademikong pagganap ng mga mag-

aaral sa pampanibagong paaralan. Nilalayon ng mga mananaliksik na bigyang

kasagutan:

1. Ano ang demograpikong tala ng mga mag-aaral batay sa:

1.1 kasarian; at

2.2 baitang:

2. Ano ang epekto ng pagkakaroon ng aircon sa mga mag-aaral sa oras ng talakayan base sa:
2.1 pribadong pagdalo:

2.2 proyekto:

3. Ano ang halagang pagkakaiba ng epekto sa pagkakaroon ng aircon sa oras ng talakayan sa mga

mag-aaral ayon sa demograpikong tala:

3.1 kasarian; at

3.2 baitang:

4. Ano ang kagamitang mabubuo matapos sa isasagawang pananaliksik?

Konseptwal na Balangkas

Ang Konseptuwal na Balangkas: Paghahanda, Proseso at Kinalabasan na may paksang

“Epekto ng Pagsusuot ng Uniporme sa Akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral sa

Pampanibagong Paaralan.”

jf

KAHANDAAN
PROSESO KINALABASAN
* Ayon sa tuntuning:
* Ebalwasyon sa
kasarian at paaralang * Isang makabuluhang
pagsasagot ng
pinagmulan ng mag- slogan na kung saan
pagkakakilanlan ng mga
aaral na nasa ika-pitong ipinaghahambing ang
mag-aaral na nasa ika-
baitang hanggang ika- mga mag-aaral na
pitong baiting hanggang
sampong baiting nagsusuot ng sibilyan
ika-sampong baitang
kaysa sa uniporme
* Malalaman ang iba’t- ayon sa kasarian at
mababasa dito ang
ibang epekto ng Pagsuot baitang;
epekto ng pagsuot ng
ng Uniporme sa mga * Analisa ang
sibilyan at pagsuot ng
mag-aaral base sa pagsasagot ng mga
uniporme.
akademikong pagganap talatanungan sa mga
respondante sa nasabing
* Malalaman din ang baitang;
halagang pagkakaiba ng * Pagsuri ng mga datos
epekto sa pagsusuot ng na nakalap mula sa mga
uniporme sa tugon at pagbibigay ng
akademikong pagganap interpretasyon tungkol
dito.
Pigura 1. Konseptwal na Balangkas ng “Epekto ng Pagsusuot ng Uniporme sa Akademikong
Pagganap ng mga Mag-aaral sa Pampanibagong Paaralan.”

Ang nilalaman ng kahandaan sa pag-aaral na ito ay tumutukoy sa demograpikong tala ng mga

mag-aaral na mula sa ika- pitong baitang hanggang ika-sampung baitang ayon sa kasarian at

baitang . Malalaman ang iba’t ibang epekto ng Pagsusuot ng uniporme sa mga mag-aaral base

sa akademikong pagganap at estado sa kaalaman.

Ang nilalaman naman ng Proseso sa pag-aaral na ito ay tumutukoy sa mga magiging

Pagsusuot ng uniporme sa mga napiling respondante tungkol sa mga katugon at pag-aanalisa

ng mga puntos na nanggaling mula sa napiling repondante at pagbibigay interpretasyon

tungkol dito.

Gayundin, nilalaman naman ng awput sa pag-aaral na ito ay tumutukoy sa

makabuluhan na newspaper patungkol sa paghahambing ng mga mag-aaral na nagsusuot ng

sibilyan at uniporme kung ano nga ba ang magiging epekto nito sa mga mag-aaral sa

Pribadong paaralan.

Kahalagahan ng Pag-aaral - Ang Pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga epekto ng Pagsusuot

ng sibilyan sa mga mag-aaral sa Pribadong pagganap. at napagpasyahan ng mga

mananaliksik na ang uniporme ay tanyag na henerasyon ngayon at makikinabangan ng mga

mag-aaral na ito ang mga sumusunod:

Para sa mga mag-aaral- ang resulta ng Pag-aaral na ito ay naglalayong alamin kung

nakakatulong nga ba ang pagsuot ng uniporme sa mga mag-aaral at ano ang epekto sa

kaalaman ng Pagsusuot nito.

Para sa mga guro- makapagbibigay ang mga mag-aaral ng kaalaman kung ang pagsuot ng

uniporme ay nakakatulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa oras ng talakayan.


Para sa mga magulang ng mga mag-aaral.- Sapagkat magiging makabuluhan din ito

para'sa mga mag-aaral dahil nalalaman natin ang epekto ng pagsuot ng sibilyan at uniporme.

Para sa administrasiyon ng paaralan- sapagkat magiging makabuluhan ang pag-aaral na

ito ng sa kadahilanan at malalaman ng mga mag-aaral at mga guro sa Pagsusuot ng uniporme

sa akademikong pagganap sa pampanibagong paaralan.

Para sa mga susunod na mananaliksik- sapagkat ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa

atin bilang isang pagkukunan ng mga ideya tungkol aa paksang ito.

Saklaw at Limitasyon ng pag aaral

Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang epekto ng pagsusuot ng uniporme sa akademikong

pagganap ng mga mag-aaral sa oras ng talakayan.

Ang pag-aaral na ito ay naka-pokus sa perspektibo ng mga mag-aaral kabilang sa ika-labing

isang baitang ng Westminster High School Inc. sa pagsusuot ng uniporme. At kung ano ang

epekto nito sa mga mag-aaral sa akademikong pagganap.

Pinapakita na ang mga mag-aaral sa ika-labing isang baitang sa Westminster High School

Inc. sa pangunahing respondante sa pag-aaral na ito. Samakatuwid, binibigyang pansin ang

pag-aaaral na ito ang epekto ng pagsusuot ng uniporme sa akademikong pagganap ng mga

mag-aaral.

Ang mga mananaliksik ay nililimitahan lamang ang pag-aaral sa ika-labing isang baitang ng

Westminster High School Inc. mapa lalaki o babae man ito ay magiging sapat na upang

malaman ang impormasyong nais malaman ng mga mananaliksik.

Depinisyon ng mga Katawagan

Binigyang pagpapaliwanag ang mga salita sa pamamaraang operasyonal. Makakatulong ito

upang higit na maunawaan ang mga nakapaloob sa pag-aaral


Uniporme - Ito ay isang uri ng damit na isinusuot ng mga kasapi ng isang samahan habang

nakikilahok sa aktibidad ng samahan na iyon.

Akademikong Pagganap - tumutukoy sa pagganap ng mga mag-aaral sa oras ng talakayan ayon sa

mga pagsusulit, proyekto, partisipasyon at ang magiging marka ng mga mag-aaral.

Demograpikong Tala- nakapaloob dito ang mga personal na impormasyon ng isang mag-aaral

tulad ng kasarian, baitang, edad at iba pa.

Epekto – nagiging bunga ng pagsusuot ng uniporme sa pribadong paaralan.

Kasarian – tumutukoy sa biolohikal na pagakaiba babae o lalaki.

Baitang- tumutukoy sa bilang ng isang hilera o antas ng isang istraktura (tulad ng

paaralan)

Talakayan - tumutukoy sa diskusyon ng mga mag-aaral at guro sa loob ng silid-aralan.

You might also like