You are on page 1of 18

Persepsyon ng mga Mag-aaral sa

Far Eastern University ukol sa


Mahigpit na Patakaran sa
Uniporme

Mga Mananaliksik:
Lecera, Roselle Marie A.
Lopez, Christian Jacob O.
Munder, Saharaimah M.
Ribao, Marc Conrad
Solas, Chino Martin C.
Valdes, Kenneth

1 ng 18
Panimula
Bukod sa pangalan ng unibersidad ay maituturing rin na pagkakakilanlan ang
unipormeng suot ng mga estudyante nito, na sya namang nagbibigay ng parte ng
deskripsyon ukol sa displina at kaayusan ng bawat indibidwal na bumubuo sa isang
pamantasan. Sa madaling salita, ang uniporme ang opisyal na kasuotan ng isang
estudyante.

Ang pagsusuot ng uniporme ay itinuturing na isang obligasyon sapagkat ito ay bahagi


ng alituntuning ipinapatupad sa isang unibersidad. Malaki ang porsyento ng mga
unibersidad na nagpapatupad ng patakaran sa pagsusuot ng uniporme. Kabilang na
dito ang Far Eastern University na mahigpit na nagpapatupad sa alitunturin. Ito ay dahil
sa ang kasanayan na ito ay nag eensayo sa mga estudyante sa pagpapahalaga sa
tamang kasuotan at pagiging presentable. Sinasabing ang pagsusuot rin ng uniporme
ay nagdudulot ng sekuridad para sa mga estudyante at pagiging disiplinadong hindi
lumiban sa kanilang mga klase. Kaugnay nito ang kadahilanang ito ay nagsisilbing
pagbibigay ng respeto sa institusyon na syang pinagmumulan ng karunungang
nagtatakda ng bahagi ng magiging kinabukasan ng mga estudyante. Bukod pa sa mga
nasabing kahalagahan, ang kaugaliang ito rin ay sumasalamin sa pagkakapantay-
pantay ng mga estudyante dahil sa pagkakapare-pareho ng kanilang kasuotan.

Sa kabila ng mga nasabing kadahilanan ng kagandahan ng pagpapatupad ng


patakaran ukol sa pagsusuot ng uniporme ay mayroon rin namang mga kasalungat na
ideyang maaring dulot ng nasabing talakayin. Isa sa mga ito ang gastos ng mga
magulang sa itinatakdang uniporme ng unibersidad batay sa kursong kinukuha ng
kanilang supling. Halimbawa nito ang Institute of Tourism and Hotel Management sa
Far Eastern university na mayroong halos limang klase ng uniporme (regular na
uniporme, PE, “corporate”, uniporme pang-laboratoryo at “institute shirt”) na nababatay
sa uri ng kaganapan na mayroon sa instusyon. Idagdag pa dito ang kawalan ng
kalayaan ng mga estudyante na ipahayag ang sariling saloobin sa pamamagitan ng
kasuotan.

2 ng 18
Dahil sa mga argumentong dulot ng paksa, isinagawa ng mga mananaliksik ang pag-
aaral na ito upang bigyang pansin ang persepsyon ng mga estudyante ng Far Easterrn
University ukol sa mahigpit na pagpapatupad ng pakataran sa pagsusuot ng uniporme.

Ang kasuotan ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng isang indibidwal. Ito ay


nagsisilbing proteksyon ng isang tao mula sa malamig na temperatura at init ng araw.
Bukod dito ay maituturing ring materyal na pamprotekta ang kasuotan sa mga insekto at
kulisap. Maliban dito, ang kasuotan ay hindi lamang pananggalang para sa ikabubuti ng
katawan. Ang mga damit ay ginagamit na rin ngayon bilang isang uri ng pagpapahayag
ng damdamin at saloobin ukol sa isang pangyayari. Halimbawa nito ang pagsusuot ng
itim na sumasalamin sa pagluluksa o pagkawala ng isang mahal sa buhay. Ang
malayang pagsusuot ng damit ay maituturing rin na nagpapahayag ng pagiging
malikhain sa kadahilanang ito ay nagiging disenyo ng katawan.

Bawat lahi at lugar ay may naangkop na kasuotan na nababagay na suotin. Kung


minsan nga ay na-aayon ang kasuotan sa kultura at paniniwala ng isang pamayanan.
Ang bawat bahagi nga pamayanan ay may nababagay na kasuotan. Halimbawa na nito
ang modestong pananamit ng mga babaeng Muslim na nangangahulugan ng
deskripsyon ng babae kung s’ya ba ay may asawa, dalaga o balo na. Higit pa roon, ang
ganitong klase ng pananamit ay maituturing na banal at kaaya-aya base sa kanilang
paniniwala at relihiyon. Ganoon rin naman pagdating sa mga paaralan. Bukod sa
pangalan ng unibersidad ay maituturing rin na pagkakakilanlan ang unipormeng suot ng
mga estudyante nito, na sya namang nagbibigay ng parte ng deskripsyon ukol sa
displina at kaayusan ng bawat indibidwal na bumubuo sa isang pamantasan. Sa
madaling salita, ang uniporme ang opisyal na kasuotan ng isang estudyante.

Ang pagsusuot ng uniporme ay itinuturing na isang obligasyon sapagkat ito ay bahagi


ng alituntuning ipinapatupad sa isang unibersidad. Malaki ang porsyento ng mga
unibersidad na nagpapatupad ng patakaran sa pagsusuot ng uniporme. Kabilang na
dito ang Far Eastern University na mahigpit na nagpapatupad sa alitunturin. Ito ay dahil
sa ang kasanayan na ito ay nag eensayo sa mga estudyante sa pagpapahalaga sa
tamang kasuotan at pagiging presentable. Sinasabing ang pagsusuot rin ng uniporme

3 ng 18
ay nagdudulot ng sekuridad para sa mga estudyante at pagiging disiplinado na hindi
lumiban sa kanilang mga klase. Kaugnay nito ang kadahilanang ito ay nagsisilbing
pagbibigay ng respeto sa institusyon na syang pinagmumulan ng karunungang
nagtatakda ng bahagi ng magiging kinabukasan ng mga estudyante. Bukod pa sa mga
nasabing kahalagahan, ang kaugaliang ito rin ay sumasalamin sa pagkakapantay-
pantay ng mga estudyante dahil sa pagkakapare-pareho ng kanilang kasuotan.

Sa kabila ng mga nasabing kadahilanan ng kagandahan ng pagpapatupad ng


patakaran ukol sa pagsusuot ng uniporme ay mayroon rin namang mga kasalungat na
ideyang dulot ng nasabing talakayin.

Mga tanong sa Pananaliksik

Bilang karagdagan, ang pananaliksik na ito ay sumasagot sa mga sumusunod na


katanungan: 1) Ano ang iyong palagay sa patakaran ng uniporme sa Far Eastern
University, nakakatulong bai to sa iyong pag-aaral?; 2) Mas komportable ka ba kapag
ikaw ay hindi nakasuot ng uniporme?; 3) Tingin mo ba sapat na dahilan ang hindi
pagpapasok ng mag-aaral sa eskwelahan dahil hindi ito nakasuot ng tamang uniporme?;
4) Tingin mo ba mas maipapahayag mo ng maayos ang iyong sarili o freedom of
expression pag ikaw ay hindi nakasuot ng uniporme?; 5) Sa iyong palagay ang kasuotan
ba ay nakakaapekto sa iyong pag-aaral at pagganap bilang isang mag-aaral?

Layunin

4 ng 18
Konseptwal Balangkas

1. May sarling
identification ang
estudyante na nagaaral
sa isang unibersidad.
2.Para mas maging PATAKARAN NG
pormal ang tingin ng UNIBERSIDAD SA
mga tao sa mga mag- UNIPORME
aaral.
3. Mas magiging ligtas
ang estudyante sa
kapahamakan.

INDEPENDENT VARIABLE DEPENDENT VARIABLE

INTERVENING VARIABLE

PROBLEMA NG ESTUDYANTE SA UNIPORME


1. Di pinapapasok ang estudyante sa loob ng
unibersidad pag wala ito sa wastong
uniporme.

2. Nawawalan ang estudyan ng freedom of


expression o pagpapahayag ng kanyang
sarili.

3. Dagdag gastos sa matrikula ng estudyante.

5 ng 18
Ang pagpapaliwanag mula sa diagram sa itaas ay sa estado ng Far Eastern University,
ang mga mag-aaral kinakailangan sumuot ng uniporme upang maiwasan ang abirya o
pagkakaroon ng problema sa pagpasok sa paaralan, dahil sa mahigpit na patakaran sa
uniporme. Madaming mga mag-aaral ang nagkakaroon ng problema makapasok dahil
sa hindi pagsuot ng tamang uniporme o paglabag sa pamantayan ng pananamit o dress
code.

6 ng 18
Rebyu ng Kaugnay na Pag-aaral

Isa sa pinakamadaling obserbasyon sa isang tao ay mula sa kanyang kasuotan


(Pete 4). At ang isang tao, nakakakuha ito ng naiilang impormasyon sa iba base sa
kanilang panunuot (4). Maaring totoo naman ito kung ihahalintulad ito kung papaano
nagkakaroon ng impresyon at ideya ang isang tao mula sa panlabas na anyo at kasuotan
ng isang tao (Pete, mula kay Levy & Deck 4). Isa din itong mahalagang parte sa pakikipag
ugnayan sa pang araw-araw sa lipunan, na naging isa itong napakatagal na alalahanin
ng maraming eskwelahan at mga burukrasya ng edukasyon (Meadmore & Symes 174).

Ang uniporme sa eskwelahan, maski sa ano mang antas, ay pinapaniwalaang


sinisimbolo sa mga opsiyal, mga magulang at sa komunidad ang isang kapaligigiran kung
saan ang pagkakaroon ng mataas na layunin, organisasyon at kaligtasan ay
pinaprayoridad (Holloman, Lapoint, Alleyne 268). Ayon naman sa Departamento ng
Edukasyon sa Estado Undos, ang pagkakaroon ng uniporme sa eskwelahan ay para sa
pagpapaayos ng klima sa eskwelahan (mula kay Dacosta 49). Kung saan sa manwal nila
nakasaad ang mga benepisyo ng pagtatayo ng uniporme sa eskwelahan, ang patakaran
na ito ay binansagan nilang “isang positibo at malikhaing paraan sa pagbabawas ng
problema sa disiplina at lalo pang patibayin ang kaligstasan sa eskwelahan” (49). Ayon
naman kay Lopez, may mga naniniwala naman na ang uniporme sa eskwelahan ay
nakapagbibigay ng isang maayos na kapaligiran kung saan matututo ng maayos ang mga
mag-aaral (mula kay Reed 5). Isa pa dito naipapakita sa ilang pananaliksik na sa
pamamagitan ng pag-gawa ng isang ligtas at may disiplinang paaralan, napapalawak at
napapahusay ang mga estudyante sa pagkakaroon ng isang mataas na layunin tungo sa
pag-aaral at nagkakaroon ng disiplina sa sarili. Ayon naman kay Holloman, ang
pagkakaroon ng uniporme sa eskwela ay naiiwasan ang mga posibleng krimen at
karahasan sa loob ng eskwelahan at nababawasan ang negatibong peer pressure sa
mga mag-aaral (268). Kaya naman naging mahigpit na ang patakaran ng mga ibang
eskwelahan. Ang lahat na mga nabanggit ay mga magandang naidudulot ng

7 ng 18
pagkakaroon ng uniporme sa esweklahan at ang mga dahilan na iyon kung bakit
nananatili parin ang uniporme sa mga eskwelahan kahit ilang taon na ang lumipas

Ngunit may mga iilan naman na hindi sang-ayon sa pagkakaroon ng mahigpit na


patakaran sa uniporme at sa pamantayan ng damit o dress code. Ang pagsusuot ng iba’t
ibang damit ng mga kabataan nagpapakita na ito ay nagsisilbing ekstensyon ng kanilang
sarili o personalidad, tulad nalang ng pag-iimita ng kanilang paboritong ‘rock star’ o kung
sino man ang kanilang iniidulo (Eicher, Baizerrnan & Michelman, 155). Isa din itong
integral na presentasyon ng sarili, kung saan ang damit ay isang mahalagang bahagi ng
pormasyong sosyal ng katawan (Meadmore & Symes 175). Ang manwal ng
Departamento ng Edukasyon sa Estados Unidos ay nakapokus sa positibong hatid ng
uniporme sa eskwelahan, kalakip nito ang kaligtasan ng mga mag-aaral. Mula doon
nakadiin ang pagsasama sa mga magulang sa pagpapalaganap at pagpapatupad ng
patakaran tungkol sa uniporme (Dacosta 49). Ayon kay Dacosta ang pagsasama sa
magulang mula roon sa manwal ay para makapagtaguyod ng pagtutulungan tungkol sa
maayos na pagsunod sa polisiya (50). Ngunit may iilang hindi sang-ayon sa pagkakaroon
ng mahigpit na patakaran sa uniporme at sa pamantasan ng damit o dress code.Isang
kritisismo sa patakaran ng uniporme ay kung ito’y talagang epektibo sa pag-aaral at pag-
uugali ng mga mag-aaral na pinapangako nang administrasyon ng eskwelahan (50). Isa
sa pinakaunang dahilan sa hindi pagsang-ayon sa uniporme ay pinapaniwalaang ito ay
humahadlang sa pagkakaroon ng kalayaan ng estudyante na ipahayag ang kanyang
sarili, ang kanyang mga ideya at kanyang mga pinaniniwalaan sa pamamagitan ng damit
(Mitchell & Knechtle 2).Sa mga ibang mag-aaral naman na may relihiyon at kultura na
hindi maaring sumuot ng mga uniporme gaya ng palda na mula tuhod, ang kanilang
pamilya at mga miyembro ng kanilang kumunidad titingnan ang dress code at patakaran
sa uniporme na ito bilang pagbabawal sa ekspresyong kultural na pananamit ng mga
mag-aaral. Ang pangalawang dahilan naman ay ang pagkakaroon ng uniporme
humahadlang sa pakikipag-ugnayan ng mga kabataan sa normal na pagpapaunlad ng
kanya-kanyang eksperimentasyon ng identidad mula sa pananamit (2). Pinaniniwalaan
din na mas dinadagdagan ng administrasyon sa paaralan ang mahigpit na patakaran

8 ng 18
tungkol sa disiplina para sa mga mag-aaral. Isa ding dahilan ng mga hindi pabor sa
uniporme ay naniniwala sila na ang uniporme kumakatawan at hinihiyakat ang
panghihimasok ng lokal at pamahalaang patakaran sa pribadong buhay ng mga mag-
aaral at ng kanilang mga magulang (2).

Sa resulta ng pananaliksik ni Dacosta tungkol sa reaksyon ng mga urban na mag-


aaral tungkol sa patakaran ng uniporme, mahigit 75% ang hindi sang-ayon sa patakaran
at tanging 23% lamang ang sumasang-ayon mula iyon sa 22 na mag-aaral na kinuhanan
ng datos. Sa 75% na hindi sumasang-ayon sa patakaran ng uniporme, 56% ang tutol sa
pagkakakait sakanila ng kalayaang maipahayag ang kanilang sarili; 25% naman ang tutol
sa pagbili o pag gastos pa para sa uniporme; 19% naman ang tutol sa walang saysay na
patakaran tungkol sa uniporme. Kung ang kapaligaran at kanyang pag iinteraktibo tungkol
sa personal na karakter ng bawat isa ay kritikal sa pagdedetermina sa ‘human behavior’,
papaano iyon nakakamtan base sa kadamitan para mapanipula o makontrol ang isang
ugali at kilos ng isang tao? Ayon kay Kaiser, kung sinusuporta mo ang paniniwala na
kung ano ang iyong suot ganoon din ang iyong personalidad, bagkus posible ito para
mapalitan ang ugali ng bawat isa. Kung saan sinabi niya na ang panlabas na anyo ay
nakaakilap kung papaano ang isang tao mag-isip at kung papaano ito kumilos mula sa
sakanyang pagdedesisyon kung ano ang kanyang itsura. Ang appearance perception
pumapakitungo kung papaano suriin, pagkakaroon ng konklusyon at paghuhusga mula
sa itsura ng bawat isa (Kaiser, 1996, p. 4). Kung naniniwala ang isang estudyante na siya
ay matalino base sa kanyang hitsura at kanyang pananamit, bagkus kikilos ito na siya ay
matalino. Ganoon din naman kung ang pinaparamdam sa isang estudyante ay may mali
sakanya dahil sa iyong panunuot, ganoon din ang kanyang iisipin at ito ay kikilos na hindi
wasto at mas mawawalan ng gana gumawa ng kung ano mang gawain.

Kung ihahalintulad ito sa mahigpit na patakaran ng uniporme sa Far Eastern


University, maraming estudyante ang nakikritisisa dahil sakanilang panunuot mula sa
mga gwardya. Nung ipinatupad ang patakaran na bawal sumuot ng jogger pants,
leggings, at trousers, napakadaming estudyante ang sinita at napakadami ang nakapila

9 ng 18
sa OSA dahil sa kanilang paglabag sa patakaran ng eskwelahan. Ang malala pa ay, hindi
pinapapasok ang estudyante pag mali ang kanilang suot. Simula noong pinatupad ang
mg autos na iyon sa mga gwardya, napakadaming hindi nakapasok sa eskwelahan dahil
hindi sila nasa wastong uniporme ayon sa mga gwardya. Kung saan nakasaad sa Student
Handbook ng Far Eastern University na hindi na sakop ng Student Discipline ang
pagdedesiplina sa mga estudyante na lumabag sa patakaran tungkol sa uniporme, agad
nang hindi maaring papasukin ang estudyante kung lumabag ito sa patakaran ng
uniporme. Samantalang ang mga sikat at magagandang unibersidad sa Pilipinas gaya
ng Ateneo De Manila at De Lasalle University wala silang uniporme at mayroon lamang
silang dress code. Nakasaad sakanilang student handbook na ang paglabag sa dress
code ay mabibigyan ang mag-aaral ng minor offense. Sa Ateneo De Manila pag
pangalawang labag mo na ito sakanilang patakaran ang kinakailangang gawin ng
estudyante ay sumulat ng written apology at sa pangatlong paglabag naman ay
community service at ang pinakahuli ay major offense na kung saan kinakailangan
pumunta ang estudyante sa Student Discipline at kinakailangan ng hearing (131).
Samantalang sa De Lasalle University sinabi ng kanilang Student Discipline and
Formation Ofiice Director na si Christy Santiago, na ang patakaran naman talaga sa
paglabag sa dress code ay hindi dapat pinapapasok ang estudyante sa paaralan, ngunit
aniya na ang mga estudyante ay stakeholders din ng unibersidad. Ang hindi sakanila
pagpapasok sa eskwelahan ay paghahadlang sakanila makapasok sakanilang klase
kung saan ito ay kanilang binayaran at sila ay may karapatan pasukan o dumalo. Sa halip
na hindi pagpapasok sa estudyante sa paaralan, ang ginagawa ay pagsasabi sa mga
estudyante na ayusin ang kanilang pananamit na dapat ito’y nakasang-ayon sa dress
code istandard ng paaralan. Kung titingnan din ang patakaran sa pambansang
unibersidad na eskwelahan sa Pilipinas at isa sa nangunguna sa akademiko, ang
University of the Philippines ay walang dress code. Sa madaling salita, kahit ano man
ang iyong suot, makakapasok ka parin sa paaralan. Dito naipapakita na hindi
nakakasagabal ang hindi pagsuot ng uniporme sa pag-aaral. Napagtanto din ng mga
mananaliksik na ang pagsuot ng uniporme ay nakakapag dagdag gastos lalo na doon sa
mga estudyanteng iskolar sa isang eskwelahan na may kahirapan sa kanilang
pampinansyal. Ang kadamitan ay hindi dapat pinagbabasehan tungkol sa pag gampan

10 ng 18
ng isang estudyante sa kanyang pag-aaral, sapagkat ito lamang ay isang kasuotan at
hindi ito nakakapagdetermina kung gaano kahusay ang estudyante sa pag-aaral Ayon
kay Professor Sequiera, nakakuha sya ng mga imporsyan tungkol sa mga ikinabubuti at
masamang dulot ng pagsuot ng uniporme base sa isang debate (3). Para mga hindi pabor
sa pagsuot ng uniporme, ang kanilang mga adhikain ay nalilimit at ang karapatan ng
isang estudyanteng ipahiwatig ang kanyang sarili base sakanyang kasuotan ay
nahahadlangan. Isang pang dahilan ay nakasasagabal ang uniporme sa pagtutunton ng
isang estudyante tungkol sakanyang identidad. At ang pagkakaroon ng uniporme ay
nagsisilbing pagdidiskriminatibo sa mga estudyante na may problema sa pera. Ayon din
kay Balarishna, ang mga babae sakanyang paaralan ay dumadaan sa mga nakakahiyang
karanasan dahil sakanilang kadamitan, kung saan pinipigilan daw sila ng gwardya
pumasok ay tititigan mula ulo hanggang paa para tingnan kung may mali ba sakanilang
suot (mula kay Sequiera 4). At ang pinakamalala ay ang pagbayad ng multa pag ang
kanilang kasuotan ay di pasok sa libel ng moralidad ng gwardya. Kung sa madaling salita
para mga gwardya ay ito ay malaswa at hindi dapat isinusuot ng estduyante sa paaralan.
Kung sakanila nagbabayad ng multa, sa FEU naman ay hindi pinapapasok ang
estudyante. Alin ang mas malala ang magbayad ng multa o ang hindi makapasok sa
paaralan dahil hindi wasto ang kanilang kasuotan ayon sa patakaran ng eskwelahan?
Lahat ay mali ayon sa mga mananaliksik. Ang mga estudyante, pumapasok para mag-
aral at nagbabayad para mag-aral, ang hindi pag papasok sakanila sa eskwelahan dahil
sa maling kasuotan ay parang kinuhanan na din ng karapatan ang mga estudyante para
mag-aral kung saan nakasaad sa “Child & Welfare Youth of the Philippines”, Artikulo 3
“Rights of the Child number 6. Every child has the right to an education commensurate
with his abilities and to the development of his skills for the improvement of his capacity
for service to himself and to his fellowmen.chanrobles virtual law library”, lahat ng
kabataan ay may karapatan mag-aral, ang hindi pagpapasok sa eskwela dahil sa
kanilang kasuotan ay hindi tama at parang tinanggalan na din sila ng karapatan. Isa pa
riyan ay matagal nang pinatupad ng Depatamento ng Edukasyon sa Pilipinas na hindi na
kinakailangang sumuot ng uniporme ang mga mag-aaral, bagkus maari na itong tanggalin
ng mga eskwelahan, kaya naman ang University of the Philippines, Ateneo De Manila at

11 ng 18
De Lasalle University ay wala nang uniporme tanging dress code lamang maliban nalang
sa University of the Philippines.

Metodolohiya at Etika

Ang bahagi na ito ay nakapokus sa metodo na ginamit para sa pananaliksik. Dito


rin matatagpuan ang Disenyo ng Pananaliksik, Lokal na pag-aaral, Pagmumulan ng
Datos, Instrumentong gagamitin sa Pananaliksik, Etikal na Pagsasaalang- alang,
Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos, Pamamaraan ng Pagsuri ng Datos, at Saklaw at
Limitasyon ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng survey analysis para sa kanilang


pananaliksik. Ang sarbey ay isang uri ng pag-aaral na ginagamit para sukatin ang mga
umiiral na pangayari nang hindi nagtatanong kung bakit o ganon ang isang paksa, bagay
o pangyayari. Ito ang napili ng mga mananaliksik dahil ang mga kalahok ay magmumula
sa maliit lang na populasyon mula sa nasabing unibersidad. Maaari rin masabi ng mga
kalahok ang kanilang mga opinyon tungkol sa patakaran pagdating sa uniporme.

Lokal ng Pag-aaral

Ang pananaliksik ay isinagawa sa Far Eastern University(FEU). Isa itong


pribadong unibersidad na matatagpuan sa Nicanor Reyes St. Sampaloc, Siyudad ng
Maynila. Ang nasabing unibersidad ay isa sa mga sikat at itinaguyod ito ni Nicanor Reyes
Sr. noong 1928.

Pagmumulan ng Datos

Ang mga kalahok sa pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral mula sa nasabing
unibersidad. Ang bilang ng mga kalahok ay limampu (50) na mag-aaral. Pipiliin ang

12 ng 18
mga kalahok gamit ang convenience sampling. Ang convenience sampling ay ang
pagpili ng kalahok base sa kanilang libreng oras at kung papaunlakan nila ang mga
mananaliksik sa pagsagot ng kanilang sarbey.

Instrumentong Gagamitin sa Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng instrumento na sarbey para sa kanilang


pananaliksik dahil mas marami ang makakalap at mas angkop na gamitin sa pagkalap
ng kanilang mga datos mula sa kanilang mga kalahok.

Etikal na Pagsasaalang-alang

Magiging kompidensyal ang pribadong impormasyon ng mga kalahok upang


mapangalagaan ang kanilang personal na pagkakakilanlan. Kukunin rin ng mga
mananaliksik ang kanilang mga pahintulot bago nila bigyan ito ng sarbey. Mananatiling
neutral at tapat ang mga mananaliksik kahit ano pa man ang lumabas sa mga nakalap
na datos.

Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos

Ang pamamaraan sa pagkalap ng datos ay nagsisimula sa paglikha ng


palatanungan o sarbey. Sasagutan ito ng mga mag-aaral mula sa Far Eastern University.
Meron silang kalayaan na ibahagi ang kanilang sariling pananaw ukol sa paksang pinag-
uusapan. Susundan ito sa pagsasaayos ng instrumento para maiwasto ang kaayusan ng
mga tanong upang sagayon ay matiyak ang kaayusan ng mga tanong sa mga
problemang nais lutasin. Ang pamamaraan na ito ay gumagamit ng mausisang pag-
eembentayo sa pagbilang ng mga sagot ng mga kalahok upang maisagawa ng husto ang
pananaliksik.

Pamamaraan ng Pagsuri ng Datos

Sa kabanatang ito, ipapakit ang pagsusuri ng mga datos na nakuha batay sa


instrumentong ginamit sa pananaliksik. Gagamitin ng mga mananaliksik ang resulta sa
serbey na isasagawa mula sa ginawang palatanungan na pinasagutan sa mga piling

13 ng 18
kalahok na mag-aaral mula sa Far Eastern University. Bubuo ng konklusyon ang mga
mananaliksik upang maipakita ng maayos ang interpretasyon sa mga nakuhang datos.

Saklaw at Limitasyon ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay ang Far Eastern University. Isinagawa ang pagkalap ng
datos sa pamamagitan ng pagpapasagot sa mga piling kalahok na mag-aaral sa nasabing
unibersidad. Ang limitasyon ng pananaliksik na ito ay sa pagkuha lang ng mga opinyon
mula sa mga mag-aaral dahil sila lang ang may mahigpit na patakaran pagdating sa
uniporme.

14 ng 18
Mga Sanggunian

Eicher, J. B., Baizerman, S., & Michelman, J. “Adolescent dress, part II: A qualitative
study of suburban high school students.” Adolescence, Volume 26, No. 103,
1991, pp. 151-155. Libraries Digital Conservancy. 30 Hunyo 2019.
https://conservancy.umn.edu/bitstream/handle/11299/170410/Adolescent%20II.p
df?sequence=1&isAllowed=

Holloman, Lillian O., et al. “Dress-Related Behavioral Problems and Violence in the
Public School Setting: Prevention, Intervention, and Policy--A Holistic Approach.”
The Journal of Negro Education, vol. 65, no. 3, 1996, pp. 267–281. JSTOR. 30
Hunyo 2019. www.jstor.org/stable/2967344.

Kaplan, A. & Maehr, M. L. (1999) Achievement goals and student well-being.


Contemporary Educational Psychology. 24(4), 330-358. Web. 30 Hunyo 2019.
http://condor.depaul.edu/hstein/NALPAK.pdf

Pete, S. Sharon. “Influence of Mandatory Uniform Policy”. The Influence of a Mandatory


School Uniform Policy, (1999): 3-13.Web. 30 Hunyo 2019.
https://files.eric.ed.gov/fulltext/ED458695.pdf

Robles Charon. “PHILIPPINE LAWS, STATUTES AND CODES - CHAN ROBLES


VIRTUAL LAW LIBRARY”.CRALAW. 30 Hunyo 2019.
http://www.chanrobles.com/bataspambansabilang232.htm#.XR1hmOgzbIU

Mitchell, Harold W., and John C. Knechtle. “Uniforms in Public Schools and the First
Amendment: A Constitutional Analysis.” The Journal of Negro Education, vol. 72,
no. 4, 2003, pp. 487–494. JSTOR. 30 Hunyo 2019.
www.jstor.org/stable/3211199.

Keeping UP. “No Dress Code Culture”. Keeping Up Blog Project. Web. 30 Hunyo
2019. https://keepingupblogproject.wordpress.com/about/

15 ng 18
Mitchell, Harold W., and John C. Knechtle. “Uniforms in Public Schools and the First
Amendment: A Constitutional Analysis.” The Journal of Negro Education, vol. 72,
no. 4, 2003, pp. 487–494. JSTOR. 30 Hunyo 2019.
www.jstor.org/stable/3211199.

Sequeira, Prof. A. “A Study on Dress Codes for College Students”. A Study on Dress
Code for College Students, (2014). Web. 30 Hunyo 2019.
https://www.researchgate.net/publication/314532547_A_Study_on_Dress_Code_
for_College_Students?fbclid=IwAR03VwHuZSFoLLpmYpDRlms7hMslEVKIxtSzE
7bg5U8LTspzI0C15ly9z18

Meadmore, Daphne, and Colin Symes. “Keeping up Appearances: Uniform Policy for
School Diversity?” British Journal of Educational Studies, vol. 45, no. 2, 1997, pp.
174–186. JSTOR. 7 Hulyo 2019. www.jstor.org/stable/3122010.

Zirkel, Perry A. “A Uniform Policy.” The Phi Delta Kappan, vol. 79, no. 7, 1998, pp. 550–
551. JSTOR. 7 Hulyo 2019. www.jstor.org/stable/20439267.

DaCosta, Kneia. “Dress Code Blues: An Exploration of Urban Students' Reactions to a


Public High School Uniform Policy.” The Journal of Negro Education, vol. 75, no.
1, 2006, pp. 49–59. JSTOR. 7 Hulyo 2019. www.jstor.org/stable/40026503.

Sherwin, Galen. “5 Things Public Schools Can and Can’t Do When It Comes to Dress
Code”. ACLU. American Civil Liberties Union, 9 Hulyo 2019. Web. 30 Mayo
2017. https://miamioh.edu/hcwe/handouts/mla-style-7th/index.html

Procon.org. “Should Students Have to Wear School Uniforms?”. ProCon.org. 24


Oktubre 2018. Web. 9 Hulyo 2019. https://school-uniforms.procon.org/

Park, Madison. “Here’s a shocks…kids don’t like school uniforms!”. The Baltimore Sun.
14 Disyembre 2007. Web. 9 Hulyo 2019. https://www.baltimoresun.com/bs-
mtblog-2007-12-heres_a_shocker_kids_dont_like-story.html

16 ng 18
Reed, Joshua. “Effects of a School uniform Policy on an Urban School District”. School
Uniform Effects. 1 Agosto 2011. Pp. 28. Web. 9 Hulyo 2019.
https://www.nmu.edu/sites/DrupalEducation/files/UserFiles/Files/Pre-
Drupal/SiteSections/Students/GradPapers/Projects/Reed_Joshua_MP.pdf

Tabaquero, Debrah Louise at Mary Grace Dandan. “Clarifying the Dress Code Policy”.
The Lasallian. 11 Septiyembre 2016. Web. 10 Hulyo 2019.
https://thelasallian.com/2016/09/11/clarifying-the-dress-code-policy/

Ateneo De Manila University Loyola Schools. Undergraduate Student Handbook.


Ateneo Edu. 2012 edition. Web. 10 Hulyo 2019.
https://ateneo.edu/sites/default/files/LS%20Undergraduate%20Students%20Han
dbook%20Revised%202012%20ed.compressed.pdf

17 ng 18
Mga Kontribyusyon
Pangalan Kontribyusyon
Panimula Valdes, Kenneth

Layunin Lopez, Christian Jacob O.

Solas, Chino Martin C.


Konseptwal na Balangkas Almalbis, Ivan Richard

Munder, Saharaimah
Rebyu ng Kaugnay na Pag-aaral Lopez, Christian Jacob O.
Solas, Chino Martin C.
Ribao, Marc Conrad
Metodolohiya Lecera, Roselle Marie A.

Munder, Saharaimah
Nangalap ng sources Almalbis, Ivan Richard
Solas, Chino Martin C.
Valdes, Kenneth
Lopez, Christian Jacob O.
Ribao, Marc Conrad
Valdes, Kenneth
Ribao, Marc Conrad
Grupo na nag edit at nagsalin ng Filipino Almalbis, Ivan Richard
mula sa Ingles Solas, Chino Martin C.
Lecera, Roselle Marie A.

18 ng 18

You might also like