You are on page 1of 5

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Ang pagnanakaw at pag-uumit ng pag-aari ng iba ay isang pagkakasalang may

katumbas na parusa. Ito ay labag sa karapatan ng indibidwal na ninakawan, gayundin sa

mga pamantayang moral ng tao. Ang pandaraya at pangongopya ay maituturing na isa

ring kaso ng pagnanakaw. Nakalulungkot isipin na ang mga kabataang inaasahan na mag-

aahon sa bayan tungo sa kaunlaran ay isa at unti-unting nahuhulog sa pagkakasalang ito

nang hindi nila namamalayan.

Mula elementarya hanggang kolehiyo, hindi maikakailang ang pangongopya o

pandaraya ay nakasanayan at nakaugalian na ng mga mag-aaral. Mapa-quiz man o

markahang pagsusulit, isa nang normal na eksena ang pagkokopyahan sa loob ng apat na

sulok ng kuwarto sa bawat paaralan. Hindi na bago ang makarinig ng mga ugong

patungkol sa mga gawaing ito ng mga mag-aaral ngunit walang may ideya kung paano

mababago ang kaisipang ito.

Ang isang mag-aaral, kung nasanay na sa gawaing mandaya at mangopya sa

kanyang mga kamag-aral, ay magsisimulang masanay na rin sa pagnanakaw ng munting

mga bagay sa kanyang kapaligiran at hanggang umabot na sa mas malalaki pang mga

bagay. Ang siyang nasanay sa kanyang kabataan na magnakaw ay siyang mga

magnanakaw nang tumanda na.

Mayroong mga salik na nakaaapekto o hindi kaya naman ay nag-uudyok sa

isang mag-aaral na mandaya at mangopya sa kanyang mga asignatura, iyon ay ang


inaasahang matuklasan ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito upang sa gayon ay

magkaroon ng kalinawan kung ano nga ba ang puno’t dulo o dahilan ng suliraning ito na

kinahaharap ng mga mag-aaral sa kasalukuyang panahon, nang sa gayon naman ay

magkaroon ng ideya kung paano ito masosolusyonan at mabawasan ang pagkakaroon ng

mga kriminal sa lipunan.

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin sa pag-aaral na ito ay malaman at masagot ang mga sumusunod:

1. Malaman ang dahilan kung bakit nandaraya ang mga mag-aaral sa bawat

asignatura.

2. Matuklasan kung anong asignatura ang madalas na dinadaya ng mga mag-aaral.

3. Malaman kung saan natututunan ng mga mag-aaral ang mandaya sa mga

pagsusulit at pang-asignaturang gawain.

4. Matukoy ang positibo at negatibong epekto ng pandaraya sa mga mag-aaral.

5. Malaman kung bakit hindi maiwasan o matigilan ng mga mag-aaral na mandaya

sa bawat asignatura.
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga mananaliksik ay para sa mga sumusunod:

 Mag-aaral - Ang mga mag-aaral ang pokus ng pag-aaral na ito kaya't sadyang

mahalaga ito sa kanila upang magkaroon sila ng kaalaman sa mga karaniwan

nilang idinadahilan upang mandaya sa iba't ibang asignatura at malaman na hindi

lamang sila nag-iisa dahil marami sila.

 Guro - Mahalaga ang pag-aaral na ito para sa mga guro upang sila ay magkaroon

ng kamalayan sa mga dahilan ng mga mag-aaral kung bakit nandaraya sa kanilang

asignaturang itinuturo.

 Paaralan - Mahalaga ang pag-aaral na ito sa paaralan dahil ito ang magsilbing

gabay at sanggunian ng mga guro at mag-aral ng impormasyon na makatutulong

sa paglutas ng suliranin hinggil sa pandarayang nangyayari sa paaralan.

 Department of Education (DepEd) - Mahalaga ang pag-aaral na ito para sa DepEd

upang mabigyan ng angkop na solusyon ang suliranin sa pandaraya ng mga mag-

aaral sa iba't ibang asignatura na sadyang talamak at hindi maiwas-iwasan sa lahat

ng paaralan.

Saklaw at Limitasyon

Nakapaloob sa pag-aaral na ito kung ano ang mga dahilan ng pandaraya sa mga

asignatura ng mga mag-aaral sa Mataas na Paaralang Quirino. Sakop ng pag-aaral ng mga

mananaliksik ang makakalap ng impormasyon hinggil sa mga asignaturang madalas na

dinadaya ng mga mag-aaral, positibo at negatibong epekto nito, dahilan bakit hindi
maiwasan o matigilan ng mga mag-aaral na mandaya sa bawat asignatura at kung saan

natututunan ng mga mag-aaral ang mandaya sa mga pagsusulit.

Nakabase lamang ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral ng Quirino High School

at labing-apat(14) na mag-aaral ang nais na interbyuhin upang magkaroon ng sapat na

datos na magbibigay ng kasagutan sa mga dahilan ng pandaraya sa iba't ibang asignatura

ng piling mag-aaral.

Hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang mga paraan ng pagpaparusa sa mga

mahuhuling nandaraya at hindi na rin sakop ang anumang reaksyon o saloobin na

ipahahayag ng mga mag-aaral na nahuli sa aktong pandaraya.


Dahilan ng Pandaraya ng mga Piling Mag-aaral ng Mataas na Paaralang Quirino sa

mga Asignatura

Mga Mananaliksik:

Grade 11- Centaurus (STEM)


Marl Angelo C. Potal

Aaron D. Atienza

Gener B. Bitancur

Lance C. Buenavista

Gift Jam M. Carbaquil

Monica M. Fabrero

Dexter Paul B. Gaddi

G. Virgel A. Pinlac

Tagapayo sa Pananaliksik

You might also like