You are on page 1of 38

EPEKTO NANG PAGKAKAROON NG OFW NA MAGULANG SA MGA

PILING MAG-AARAL NG SHS STEM-STRAND SA OUR LADY OF FATIMA


UNIVERSITY LUNGSOD NG VALENZUELA

Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Kagawaran


ng Kolehiyo ng Sining at Agham
Our Lady of Fatima University

Bilang bahagi ng pangangailangan sa asignaturang Filipino


Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa pananaliksik

Ipinasa nina:
Montoya, Angela Mae
Palting, Johnver
Peralta, Jerwin
Tenedero, Raymond
Alfeche, Lister
De guzman, Melody
Bosoboso, Victoriano
Aguiflor, CArlo
Reyes, Abigali

Ikaapat na Pangkat
STEM 11-18

Ipinasa kay:
Ma. Rizalina M. Rosalin
Tagapayo

Marso 2017
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagpapatupad sa isa sa mga pangangailangan ng assignaturang Filipino,

Pagbasa at Pagsulat sa iba’t-ibang Disiplina Tungo sa Pananaliksik ang pamanahong

papel na ito na pinamagatang “EPEKTO NANG PAGKAKAROON NG OFW NA

MAGULANG SA MGA PILING MAG-AARAL NG SHS STEM-STRAND SA OUR

LADY OF FATIMA UNIVERSITY LUNGSOD NG VALENZUELA” ay inihanda at

iniharap ng pangkat 4 ng mga mananaliksik mula STEM 11-18 na binibio nina:

Montoya, Angela Mae


Palting, Johnver
Peralta, Jerwin
Tenedero, Raymond
Alfeche, Lister
De guzman, Melody
Bosoboso, Victoriano
Aguiflor, CArlo
Reyes, Abigail

Tinatanggap ang Pamanahong-papel na ito sa ngalan ng Departamento ng Filipino,

Kolehiyo ng Our Lady of Fatima University sa Valenzuela City, bilang isa sa

pangngailangan ng asignaturang Filipino, Pagbasa at Pagsusuri sa iba’t-ibang teksto

tungo sa pananaliksik.

MA. RIZALINA M. ROSALIN

Panelista Dalubguro-Filipino
PAGHAHANDOG

Sa pagsasakatuparan ng pag-aaral na ito ay aming ibinabahagi para sa lahat sa

kapwa naming mag-aaral, mga guro, mga mambabasa, sa aming pamilya, tagasuporta at

higit sa lahat sa Poong Maykapal. Aming maipababatid sa inyo na sa lahat ng panahon,

konsentrasyon, at hirap sa aming tungkulin bilang mananaliksik ngayon ay itong aming

inaalay ang pamanahong papel na ito ng makabuluhang pagsisikap.

Sa kapwa naming mag-aarl na tulad naming matiyaga ginamit ang buong buhay, at

oras patibat na sa bawat pagsubok at siya nming tunay ding nagsikap upang matapos ang

pamanahonh papel.

Sa aming gura sa pagtitiyaga sa paggabay, pagpapasensya, pagtuturo ng mabuti sa

bawat kabanata na aming kailangang talakayin at sa pagsuporta at paniniwala na kami ay

matatapos.

Lahat kayo ay aming naging insipirasyon upang ang bawat sandal ay maging

makabuluhan at kapani-pakinabang kung kaya’t an gaming pananaliksik na ito ay naging

makatotohanan at makabuluhan.
PAGPAPASALAMAT

Ang mga mananaliksik sa paksang “EPEKTO NANG PAGKAKAROON NG

OFW NA MAGULANG SA MGA PILING MAG-AARAL NG SHS STEM-STRAND

SA OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY LUNGSOD NG VALENZUELA” ay

lubos na nagpapasalamat ang nais ipahatid sa mga taong taus-pusong tumulong, nagpabot

ng suporta at nagbigay kontribusyon upang maisakatuparan ang pamanahong papel na

ito. Ang tagumpay ng pananaliksik na ito ay nagpapasalamat sa mga sumusunod:

 Una sa lahat ang Panginoong Maykapal na naging sandigan ng mga pagagawa ng

pamanahong papek na ito at nagbigat ng sapat na katalinuhan at lakas ng bawat

isa.

 Sa bawat pamilya ng mga mananaliksik na siyang nagbigay suporta at pahintulot

upang matapos ang pananaliksik na ito.

 Gng. Ma. Rizalina Rosalin sa paggabay sa bawat hakbang na aming isinagawa at

sa pag tulong sa mga mananaliksik upang mapabilis at maisaayos ang ginawang

pananaliksik at sa pagbibigay ng lakas ng loob upang mapagtagumpayan ng mga

mananaliksik ang pananaliksik na ito.

 Sa mga kapwa naming mag-aaral ng SHS STEM-STRAND sa ika labing isang

baiting na nagsilbing respondent na naglaan ng kanilang oras upang sagutan ng

walang pagaalinlangan ang sarbey kwestyuner na inihanda ng mananaliksik.

Muli po, sa lahat n gaming nabanggit, maraming salamat po!


ABSTRACK

Pangalan: Montoya, Angela Mae

Palting , Johnver

Peralta, Jerwin

Tenedero, Raymond

De Guzman, Melody

Alfeche, Lister

Aguiflor, Carlo

Reyes, Abigail

Paaralan: Our Lady of Fatima University

Pamagat: EPEKTO NANG PAGKAKAROON NG OFW NA MAGULANG SA MGA

PILING MAG-AARAL NG SHS STEM-STRAND SA OUR LADY OF FATIMA

UNIVERSITY LUNGSOD NG VALENZUELA

Tagapayo: Ma. Rizalina M. Rosalin

I. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Pangkalahatang Layunin

Ang pangkalahatang layunin ng isinagawang pag-aaral ay ang malaman ang

epekto nang pagkakaroon ng OFW na magulang sa piling mag-aaral ng shs stem-strand

sa Our Lady of Fatima University patungkol sa epekto sa isang anak na may OFW na

nakakaramdam ng ibat ibang epekto sakanila


Tiyak na mga layunin:

 Malaman ang pananaw ng mga mag-aaral na STEM sa pangingibang bansa ng

kanilang mga magulang.

 Matukoy ang kalagayang sitwasyon pag-akademikong ng mga piling mag-aaral

ng STEM.

 Mabatid ang mga epekto ng pagkakaroon ng magulang nangingibang bansa.

 Magabayan ang mga mag-aaral ng Our Lady of Fatima University sa senior high

na STEM tungkol sa pagkakaroon ng magulang na OFW na kasalukuyan na

nararanasan.

II. MATODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumagamit ng diskriptibong pananaliksik ito ay isang

paraan na may kinalaman sa taktika na ginagamit upang makuha ang impormasyon na

siyang gagamitin ng grupo sa pag-aaral tungkol sa pagkakaroon ng OFW na magulang sa

mga piling mag-aaral ng SHS STEM strand.

Respondente

Ang Saklaw ng Pag-aaral na ito ay binubuo ng 100 mga piling mag-aaral ng

Senior high School ng Stem strand na pangunahing edukasyon na sakop lamang ng Our

Lady of Fatima University.sumasailalim sa katangian ng pagkakaroon ng OFW na

magulang at Akma na makakatugon sa pananaliksik na ayon sa Epekto na nararanasan

nila.
Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrument ng pananaliksik na gagamitin ay serbey kwestyuner na

nilalaman ng mga katanungan tungkol sa epekto ng pagkakaroon ng OFW na magulang

sapagkat mainam to sa pagkalap ng datos at malaman sa mga respondente ang inaasam na

tutugon sa pag-aaral upang maiband mabuti sa mga estudyante,guro,mananaliksik ang

masuring layunin nap ag-aaral nito maging gabay sa respondent ang kahalagahan ng

pananaliksik.

Mga hakbang sa pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay naghahanda ng mga kwestyuner na kung saan ito ay

sasagutan ng mga respondente. Kumakalap din ang mga mananaliksik ng iba pang

impormasyon na akma sa pagkakaroon ng OFW na magulang.sa mga nakalap na sagot na

mula sa mga respondente ay ililikumin at paguugnay-ugnayin ang mga sagot na mga

magkakatulad upang madali itong mahanap. Sunod aalamin ng mga mananaliksik ang

bahagdan o porsyento ng bawat magkakaparehong sagot sa bawat termeno sa kwestuyner

na galling sa respondente. Pag-aaral ng mabuti bibigyan ng buod at konklusyon.

III. PRESENTASYON NG MGA DATOS

GRAP BLG. 1 - Batay sa nakalap na datos ang pinakamalakas na epekto ay ang

mamahalin ng lubos ang kanilang magulang na may ∑=3.69 sumunod naman ang

pangalawang Nauunawaan ang kalagayan ng magulang na may ∑=3.61 at ang ikatlong

may pinakamataas ay ang nagiging pursigido sa pag-aaral na may ∑=3.42 .


GRAP BLG. 2 - Maraming respondent ang nagdesisyon na ang epekto

sakanila pagaarala ay may ∑=3.31 na nagiging pursigido sa pagaaral at ang

sumunod na nasa ikalawang may pinakamataas ay ang pagtaas ng marka sa mga

asignatura na may ∑=3.30 ikatlo ay may∑=3.06 na nagiging Disiplinado sa lahat

ng bagay ang mga may magulang na OFW

GRAP BLG.3 - Mayroong mga paraan upang malagpasan ng mga piling mag

aaral ng stem ng SHS ang pag kakaroon ng OFW na magulang ang pinakamataas

na nakuhang sagot ay may ∑=3.4 ito ang napapalapit sa diyos para tumibay ang

loob Ang pumapangalawa naman na mayroong ∑=3.05 ang pagsasabi at

pagkkwennto ng mga nagiging karanasan sa kaibigan Sumunod na mayroong

pinakamataas ay may ∑=3.05 din ang pagttuloy ng kommunikasyon sa magulang

IV. KONKLUSYON

Mula sa nakuhang resulta ng mga mananaliksik sa kanilang pagsarbey, ito ang mga

nabuo konklusyon

1. Ang kadalasang nagiging epekto ng pagkakaroon ng OFW na magulang ng SHS

stem ng OLFU lungsod ng Valenzuela ay ang mamahalin ng lubos ang magulang

dahil ang karamihan sa mga anak ng isang OFW ay hindi nagiging negatibo ang

epekto ng mayroon isang OFW na magulang ginagawa pa nila itong mahalin ng

lubos dahil sa mga sakripisyong binibigay ng kanilang magulang upang

matustusan lang ang kanilang pangangailangan.

2. Ang karamihan sa mga magaaral sa stem ay may opinion na ang nagiging epekto

sakanila ng pagkakaroon ng OFW na magulang sa akademik performance ay mas


lalo silang naiinganyo sa kanilang pagaaral dahil nagkakaroon sila ng pagtaas ng

marka sa mga asignatura sa kabila nag pagkawalay sa kanilang magulang

ginagawa nilang isang inspirasyon ang kanilang magulang sa kanilang pag aaral

at hindi sa negatibong epekto ang kanilang ginagawa, marahil ito siguro ang

kanilang isinusukli sa pagsasakripisyo ng kanilang magulang.

3. Sa mga mag aaral na mayroong OFW na magulang ang mga piling magaaral ng

stem kanilang paraan upang malagpasan ang pagkakaroon ng ofw na magulang ay

mas lalong silang pumapalapit sa diyos dahil doon sila kumukuha ng tibay ng

loob sa kabila ng pangungulila sa kanilang magulang.

4. May ilang mga respondent ding sumagot ng mga negatibong epekto sakanila

halimbawa ng pagtanim ng sama ng loob ng magulang ang nnaging epekto

naman sakanila pag dating sa akademik performance ay naapektuhan ang

konsentrasyon sa pag aaral at ang kanilang paraan upang malagpasan ang

pagkakaroon ng OFW na magulang ay nagkakaroon sila nag bisyo upang maibsan

ang kanilang kalungkutan.

V. RECOMENDASYON

Base sa mga kasagutan at konklusyon mahinuha, ang mga mananaliksik ay

nagbibigay ng mga rekomendasyon.

1. Nirerekomenda para sa mga OFW na magulang upang maunawaan nila ang

kalagayan nag kanilang anak na naiwan sa pilipinas na huwag titigilan

makipag komunikasyon sakanilang laging gabayan kahit na kayo ay malayo

upang hindi mapunta sa masamang impluwensya ang anak at maunawaan ito

nag lubos.
2. Para sa mga guro, malaki ang maitutuong ninyo sa pamamagitan ng

paggabay sa mga mag-aaral. Kausapin pag nakikitang nawawala na ang

inyong istudyante sa kanilang konsentrasyon Patuloy na suportahan ang

studyante ‘di lang pang akademiko kundi pati rin sa emosyonal na

pangangailangan dahil kayo ang nagsisilbing pangalawang magulang upang

gabayan ang inyong estudyante.

3. Para sa mga mag-aaral, pagbutihin ang pag-aaral, sulitin ang opportunidad na

binigay ng ating mga magulang wag magkulang sa pagbibigay ng oras sa

pagkomunikasyon dahil ito ay makakatulong ng malaki sa kanilang hinaharap.

4. Para sa mga mananaliksik, magsagawa pa ng malalalim na pag-aaral upang

hinggil sa ganitong paksa upang mas lubusang mabatid ang pananaw ng mga

mag-aaral sa SHS stem sa pagkakaroon ng OFW na magulang, at ang

magsagawa ng iba pang mga pananaliksik upang mabigyang linaw ang

kasalukuyang isyu na patungkol sa epekto nang pagkakaroon ng OFW na

magulang at nang sa ganoon ay matuklasan pa ang mga hindi pa nalalaman na

epekto nito.
TALAAN NG NILALAMAN

Dahon ng pagpapatibay …………………………………………………………

Paghahandog …………………………………………………………

Pasasalamat …………………………………………………………

Abstract …………………………………………………………

KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula …………………………………………………………

Pagpapahayag ng suliranin …………………………………………………………

Layunin ng Pag-aaral …………………………………………………………

Kahalagahan ng Pag-aaral …………………………………………………………

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral ………………………………………………

Batayang Konseptwal o Paradigma ……………………………………………………

Mga Terminolohiyang ginamit sa pag-aaral……………………………………………

KABANATA II: MGA KAUGNAY NA LITERARURA AT PAG-AARAL

Dayuhan …………………………………………………………

Lokal …………………………………………………………

Literatura ng Pag-aaral …………………………………………………………

KABANATA III: DISENYO AT METODO NG PANANALIKSIK

Disenyo ng pananaliksik…………………………………………………………

Respondent…………………………………………………………

Instrument ng pananaliksik…………………………………………………………

Pamamaraan ng pagkalap ng datos…………………………………………………………

Istatistikal na tritment ng mga datos……………………………………………………


KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Grap blg. 1 …………………………………………………………

Grap blg. 2 …………………………………………………………

Grap blg 3 …………………………………………………………

KABANATA V: LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom …………………………………………………………

Konklusyon …………………………………………………………

Rekomendasyon …………………………………………………………

TALAAN NG SANGGUNIAN

APPENDIX
TALAAN NG SANGGUNIAN

AKLAT
APPENDIX
OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY

Valenzuela city

Pebrero 24, 2018

PETSA

GURO

ASIGNATURA

Mahal naming Guro,


Isang Magandang araw pos a inyo ! Kami po ay ang mga mannaliksik mula sa
BE- STEM 11-18 ng Our Lady of Fatima University sa Lungsod ng Valenzuela kaugnay
po n gaming asignnaturang Fil –Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa
Pananaliksik kami po ay kasalukuyang magsasagawa ng isang pag-aaral na may pamagat
na “EPEKTO NANG PAGKAKAROON NG OFW NA MAGULANG SA MGA
PILING MAGAARAL NA SHS- STEM STRAND SA OUR LADY OF FATIMA
UNIVERSITY LUNGSOD NG VALENZUELA”. Kaugnay po nito kami poay
humihingi ng pahintulot na makapagpasagot ng sarbey kwestyuner sa inyong
nasasakupan.
Ang inyo pong tugon sa aming kahiligan ay isang malaking tulong sa isinasagawa
naming pag-aaral. Maraming Salamat po!

Lubos na gumagalang,

Montoya, Angela Mae E.


Pinuno ng Ika-apat na Pangkat

Binigyang pansin ni: Sinang-ayunan ni:

Ma.Rizalina M. Rosalin
EPEKTO NANG PAGKAKAROON NG OFW NA MAGULANG
SA MGA PILING MAG-AARAL NA SHS STEM-STRAND SA
OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY LUNGSOD NG
VALENZUELA

Pangalan ( Opsiyonal ) :

Edad : Kasarian : Trabaho ng magulang :

PANUTO: Lagyan ng tsek ( ) ang kolumn na katumbas ng inyong sagot.

1-HINDI SUMASANGAYON 3 -SUMASANGAYON

2-LUBOS NA HINDI SUMASANGAYON 4-LUBOS NA SUMASANGAYON

I. EPEKTO NAG PAGKAKAROON NG OFW NA 1 2 3 4

MAGULANG.

1. Nakakaramdam ng kalungkutan

2. Naiingit sa kumpletong pamilya

3. Pangungulila sa magulang

4. Nauunawaan ang kalagayan ng magulang

5. Nagiging pursigido sa pag-aaral

6. Nagtatanim ng sama ng loob sa magulang

7. Mamahalin ng lubos ang kanilang magulang


II. PAANONG PARAAN MALALAGPASAN 1 2 3 4
ANG PAGKAKAROON NAG OFW NA
MAGULANG
1. Patuloy na pakikipagkomunikasyon
sa magulang.

2. Napapalapit sa diyos para tumibay


ang loob

3. Pagsasabi at pagkukwento ng mga


nagging karanasan sa kaibigan

4. Nagkakaroon ng bisyo para maibsan


ang kalungkutan. (hal. Paninigarilyo,
pagiinom atbp)

III.EPEKTO SA AKADEMIK 1 2 3 4

PERFORMANCE

1. Disiplinado sa lahat ng bagay

2. Nagiging pursigido sa pagaaral

3. Pagtaas ng marka sa mga asignatura

4. Lumiliban sa klase

5. Hindi magawang makapag-aral ng

mabuti dahil sa kalungkutan na

nararamdaman
KABANATA I
Ang Suliranin at Sanligan ng Pag-aaral

Panimula

Ang OFW o mas kilala bilang Overseas Filipino Workers, sila ang mga

manggagawang Pilipino na maaring sa lupa o sa dagat naghahanap-buhay

(Pulmano,2005).Sila din ay kinikilalang bilang mga bagong bayani at pinakamainam na

produktong pang export ng bansa(Bert Cabual ,2005) . Dumarami ang mga pamilyang

nawawalay sa isa’t isa sapagkat libo-libong OFW ang umaalis ng bansa bawat araw para

magtrabaho sa iba’t ibang parte ng mundo. .Dahilan nito ay sa kakulangan sa trabaho

kaya mayroon tayong OFW. Kadalasan ay taon ang binibilang bago sila makabalik ng

bansa dahil gusto nila magbigyan ng mabuting buhay at mabigyan ng sapat na sustento

ang kanilang anak o pamilya .

Subalit sa kanilang pag-uwi ay mayroong mga pagbabagong hindi naiiwasan.

Mahirap at masakit ang mga pangyayaring ito para sa isang OFW ngunit magkasing hirap

din para sa pamilyang naiwan nila sa bansa ng ganoong sitwasyon. Lingid sa kaalaman

ng mga magulang ay nagkakaroon ng malaking epekto ang paglayo nila sa kanilang mga

anak. Bawat pawis at pagod na iginugugol nila sa kanilang trabaho. Ngunit iba ang

nagyayari maraming estudyante ang naaapektohan sa pagkalayo sa kanilang mga mahal

sa buhay o magulang.

.
Ayon kay Gemma Minda Iso (2017), maraming mga magulang na nagtatrabaho sa

ibang bansa ang ipinapalagay na ang kanilang mga anak na lalake/babae ay lubos na

nauunawaan kung bakit dapat silang umalis; na ang kanilang pag-alis ay para sa

benepisyo ng mga bata pati na rin para sa kanilang kinabukasan. Sinabi nito, karapat-

dapat na tandaan na kapag ang mga magulang ay umalis sa mga bata, ang mga bata ay

mas madalas, walang bakas kung saan nagtatrabaho ang ina o ama o kahit anong gawain

ang mga ito. Sa ibang salita, may isang malinaw na kakulangan ng matalik na

pagkakaibigan at pagkakaisa mula sa isang maagang edad.

Ang mga klinika na sikologo (Clinical Psychology) ay nagpapahiwatig na ang mga

bata, lalo na ang mga batang may edad na sa paaralan(school-aged), ay nangangailangan

ng mas maraming atensyon mula sa mga magulang, dahil ditto nagsisimula ang

pangunahing sikolohikal na pag-unlad ng isang bata. Habang mahalaga na bigyan ang

isang bata ng kanyang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, pananamit,

tirahan at edukasyon, mahalaga din na magbigay ng pagmamahal, pakiramdam ng

pagmamay-ari, kalayaan, masaya at kagyat na pagkilala sa tagumpay.

Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang pinakamatimbang na suliranin na

dinadala ng mga mag-aaral sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Ito ay

naglalayon na mas makapangalap pa ng mga kaalaman tungkol sa nararanasan ng mga

anak ng OFW. Hinahangad din ng pag-aaral na ito na malaman pa kung paano nila

isinasabuhay ang kanilang pang-araw-araw, kung ano ang pakiramdam na maging anak

ng isang OFW at kung paano nila nailalarawan ang relasyon nila sa kanilang mga

magulang.
Nawa’y maging matagupay ang pag aaral na ito at magbunga ng maganda ang

pagsisikap at pagsasakripisyon ng mga mananaliksik na makamit ang kanilang mga

minimithing hangarin para sa kabataan ng ating bansa.

Paglalahad ng Suliranin

May mangilang-ngilang mga problema ang natalakay ng mga mananaliksik mula sa

paksa ng pananaliksik.Ang pangunahing suliranin ay ang pag-alam sa pananaw ukol sa

mga anak na mayroong magulang na OFW ng mga Grade 11 ng Our Lady Of Fatima

University; Mac Arthur, Valenzuela; taong kasalukuyan (2017-2018).

Ang ilan pang suliraning nakikita ng mga mananaliksik na may kinalaman sa pag-

aaral ay ang mga sumusunod.

1. Ano-ano ang iba’t-ibang demograpikong propayl ng mga mag-aaral ng Our Lady

Of Fatima University na sumasailalim sa pagkakaroon ng OFW na magulang?

1.1 Edad

1.2 Kasarian

1.3 Trabaho ng Magulang

2. Ano ang mga epekto ng pagkakaroon ng magulang na OFW sa mga piling mag-

aaral na SHS sa OLFU?

3. Paano natanggap ng anak ang pagkakaroon ng OFW na magulang?

4. Paano nalagpasan ng mga piling mag-aaral ang pagkawalay sa magulang na

nagtratrabaho sa ibang bansa?


Layunin ng Pag-aaral

Ang pangkalahatang layunin ng pananaliksik na isinagawa ng mga mananaliksik ay

“Matukoy at malaman ang epekto ng pagkakaroon ng magulang na OFW sa

akademikong kalagayan ng mga estudyante”.

1. Malaman ang pananaw ng mga mag-aaral na STEM sa pangingibang bansa ng

kanilang mga magulang.

2. Matukoy ang kalagayang sitwasyon pag-akademikong ng mga piling mag-aaral

ng STEM.

3. Mabatid ang mga epekto ng pagkakaroon ng magulang nangingibang bansa.

4. Magabayan ang mga mag-aaral ng Our Lady of Fatima University sa senior high

na STEM tungkol sa pagkakaroon ng magulang na OFW na kasalukuyan na

nararanasan.

Kahalagahan ng Pananaliksik

Naniniwala ang mga mananaliksik na ang pag-aaral na isinasagawa ay

makakapaghatid ng sapat na impormasyon na makakatulong sa mga taong nasasaklaw ng

pag-aaral na ito. Hinahangad ng mga mananliksik na mabatid ng mga mag-aaral pati

nang ating bansa.


Ang mga tiyak na kahalagahan ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:

1. Maunawaan ng mga magulang ang saloobin kanilang anak sa kakulangan na

maibigay ang sapat na atensyon at gabay sa piling mag-aaral.

2. Malaman ng guro ang sanhi ng pagkababa ng grado sa kalagayan ng kanyang

estudyante.

3. Mabigyan ng tamang impormasyon at kaalaman ang mga magaaral sa ika-labing

isang antas ng senior high ng Our Lady of Fatima University ukol sa pagkakaroon

ng OFW na magulang.
Paradigma

Ayon sa pag-aaral na ito,ipinapakita ng figura 1 ang kadahilanan ng pagkakaroon ng

magkakaibang pananaw ng mga piling mag-aaral patungkol sa epekto ng pagkakaroon ng

magulang na OFW.

PINAGBATAYAN PROSESO AWTPUT

 Ano ang mga epekto ng  Pagsangguni sa mga  Inaasahan ng mga


pangkakaroon ng Media mananaliksik na
mauling na OFW sa mga
 Paggamit ng matutukoy ang mga
piling mag-aaral na
Internet epekto ng
SHS sa OLFU? pagkakaroon ng OFW
 Paano natanggap ng  Pagpunta sa mga
na magulang sa mga
anak ang pagkakaroon Silid-Aklatan
piling SHS-Stem na
ng OFW na magulang? estudyante ng OLFU
 Pagsasagawa ng
 Paano nalagpasan ng at makapagbigay ng
sarb
mga piling mag-aaral mahalagang katuturan
ang pagkawalay sa at mabisang paraan
magulang na upang makatulong sa
nagtratrabaho sa ibang mga kapwa mag-aaral
bansa. at sa mga taong may

ganitong kalagayan.

Figura 1: Paradigma ng Pag-aaral


Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral ng pagbuo ng pamanahunang papel na ito ay sumasaklaw ng ilang

mga indibidwal na siyang magiging taga-tugon sa sarbey kwestyuner, sa pamamagitan ng

purposive sampling. Kumuha ang mga mananaliksik ng 100 respondente mula sa ika-

labing isang baiting ng senior high sa Our Lady of Fatima University.Sa loob lamang ng

PBB building ng Our Lady of Fatima University ang sakop na pagkukunan ng mga

mahahalagang impormasyon.

Pili ang mga kalahok dahil sila ay may kinalaman sa nasabing pananaliksik.Hindi

sakop ng pananaliksik ang mga nasa ibang strand katulad ng ABM,HUMMS at GAS.

Hindi din kabilang ang mga mag-aaral na di aayon sa sinabing pamantayan at mga mag-

aaral na hindi OFW ang magulang.

Depinisyon o Kahulugan ng mga Terminong Ginamit

Ang sumusunod na terminolohiya ay pinunan ng mga mananaliksik base sa kanilang

sariling pagkakaunawa o/pagkakaintindi upang magbigay kalinawan at kaalaman sa mga

mambabasa at sa mag-aaral.

 OFW o Overseas Filipino Workers - tumutukoy sa mga manggagawang Pilipino

na umaalis sa sariling bansa upang punan ang pangangailangang pinansyal alang-

alang sa kanilang layunin mapa-pamilya man ito o mapa-sarili.

 STEM - Science Technology ,Engineering and Mathematics


 OLFU - Our Lady of Fatima University

 SHS - Senior high school o huling dalawang taon sa sekondarya.

 DEMOGRAPIKONG PROPAYL- personal na impormasyon ng mga respondent.

 SARBEY KWESTYUNER - Ang sarbey ay isang proseso kung paano

makakakuha ng isang datos o impormasyon.

 QUANTITATIVE - isang uri ng pananaliksik na ginagamitan ng mga numero

 PURPOSIVE SAMPLING - paraan ng pangangalap ng mga natatanging kalahok

na may kinalaman sa pananaliksik

 RESPONDENTE – tao na siyang tutugon sa katanungan ng sarbey, at siyang

sentro ng pananaliksik.

 PBB BUILDING – Padre pio building

 STRAND – ito ang programang k-12 na madaling makakatulong sa kabataan na

mapaghandaan ang kolehiyo at meron naghihintay na magagandang

opurtyunidad.
KABANATA II

Mga Kaugnay na Literatura

Dayuhang Literatura

Ayon kay Elspeth Graham at Lucy P. Jordan, (2011) Bagama’t ang pag t-trabaho

sa ibang bansa ay nagdudulot ng makabuluhang benepisyong pang-ekonomiya sa mga

pamilyang naiwan.Subalit ang kahihinatnan sa pag-unlad ng kapakanan ng mga batang

naiwan ay nasasakripisyo.

Hindi din naten masisisi ang mga OFW dahil sa pag-iwan nila sa kanilang

pamilya,isa na sa mga dahilan neto ay tulad ng sinabi ni Hannah Enriquez, (2017) High

Rate ng Unemployment, ang mga bagong graduates na lumalahok sa labor force na

nagpapataas sa kompetisyon sa labor market. Sa halip na maghintay para sa kanila na

umupa sa lokal, hinahanap ng mga Pilipino ang trabaho sa ibang bansa.

Pangalawa, ang mababang suweldo na inaalok ng mga employer sa Pilipinas kaya

naman ang mga Pilipino ay handa na magtrabaho sa ibang bansa dahil sa mababang

suweldo. Kahit na ang mga propesyonal tulad ng mga nars, inhinyero at guro ay mas

gusto magtrabaho sa ibang bansa bilang katulong sa sambahayan o mga manggagawa sa

opisina dahil sa mas mataas na suweldo na katumbas na inaalok sa ibang bansa.


Lokal na Literatura

Maraming Pilipino ang nagtatrabaho sa iba’t – ibang bansa dahil sa kakulangan ng

pera sa kanilang pamilya, ang tanging solusyon lamang sa kanilang mga suliranin ay

magtrabaho at magsakripisyo sa ibang bansa. Kapag ang mga overseas Filipino workers

(ofws) ay umalis sa bansa iniiwan din nila ang kanilang mga pamilya-kasama ang

kanilang mga anak. Noong 2007, tinatantya ng UNICEF na may 5.25 milyong mga

batang pilipino na naiwan ng mga magulang na OFW. Habang ang migration ng

magulang ay nagdudulot ng maraming mga gantimpala, karamihan sa pera, ito rin ay mga

iba pang mga gastos.(Micah Sulit, 2011)

Ayon kay Nathalie Blanco sa kanyang Artikulong 2013 artikulong kursada: “Bayani

ng pamilya”(2012) kung tatanungin ang mga Overseas Filipino Workers matatag tayong

mga Pilipino maaaring may mga kwento ng kalungkutan,pero sa kabila nito marami rin

naman ang kwento tagumpay. Di lang Sa panahon ngayon may marami pagsubok ang

dinaranas ng bawat pilipinong pamilya o kahit nino man.

Hindi maiwasan na maantig ang mga puso ng Pilipino sa katotohanang ito. Ang mga

anak ng mga Ofw ay madaling kapitan ng emosyonal, sikolohikal , at asal.

Napagobserbahan din na maraming mga anak ng OFW ang nagiging mapagduda sa sarili

at , umaasa sa mga droga. Bilang karagdagan, karamihan sa mga anak ng OFW ay naging

materyalistiko at ginugol ang pera ng kanilang magulang sa mga gadget at internet

gaming mula sa kakulangan ng patnubay.(Gemma Minda Iso, 2017)


Batay sa ilang mga pag-aaral na ginawa ng mga organisasyon ng gobyerno at di-

gobyerno, mga siyam (9) milyong batang Pilipino na wala pang 18 taong gulang ay

iniiwan ng isa o dalawang magulang upang magtrabaho nang mabuti o manirahan sa

ibang bansa (Hugo, Graeme, 2005).


KABANATA III

Disenyo at Metodolohiya ng pananaliksik

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng metodolohiyang ginagamit para sa pag-

aaral.Ito ay naglululan ng disenyo ng pag aaral, lugar kung saan isasagawa ang pag-aaral,

mga halimbawang teknik na ginmit ng mga mananaliksik, instrumentasyon, at

pangangalap ng datos pati ang istatistikong ulat.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumagamit ng diskriptibong pananaliksik ito ay isang

paraan na may kinalaman sa taktika na ginagamit upang makuha ang impormasyon na

siyang gagamitin ng grupo sa pag-aaral tungkol sa pagkakaroon ng OFW na magulang sa

mga piling mag-aaral ng SHS STEM strand.

Respondente

Ang Saklaw ng Pag-aaral na ito ay binubuo ng 100 mga piling mag-aaral ng

Senior high School ng Stem strand na pangunahing edukasyon na sakop lamang ng Our

Lady of Fatima University.sumasailalim sa katangian ng pagkakaroon ng OFW na

magulang at Akma na makakatugon sa pananaliksik na ayon sa Epekto na nararanasan

nila.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrument ng pananaliksik na gagamitin ay serbey kwestyuner na

nilalaman ng mga katanungan tungkol sa epekto ng pagkakaroon ng OFW na magulang

sapagkat mainam to sa pagkalap ng datos at malaman sa mga respondente ang inaasam na


tutugon sa pag-aaral upang maiband mabuti sa mga estudyante,guro,mananaliksik ang

masuring layunin nap ag-aaral nito maging gabay sa respondent ang kahalagahan ng

pananaliksik.

Pamamaraan ng pagkalap ng datos

Ang mga mananaliksik ay naghahanda ng mga kwestyuner na kung saan ito ay

sasagutan ng mga respondente. Kumakalap din ang mga mananaliksik ng iba pang

impormasyon na akma sa pagkakaroon ng OFW na magulang.sa mga nakalap na sagot na

mula sa mga respondente ay ililikumin at paguugnay-ugnayin ang mga sagot na mga

magkakatulad upang madali itong mahanap. Sunod aalamin ng mga mananaliksik ang

bahagdan o porsyento ng bawat magkakaparehong sagot sa bawat termeno sa kwestuyner

na galling sa respondente. Pag-aaral ng mabuti bibigyan ng buod at konklusyon.

Istatistikal na Tritment ng mga Datos ang pag-aaral Ginagamit bilang Istatistikong

Pamamaraansa Pagtitimbang at Pagsukat ng mga Datos

Ang istatistikong pormula na ito ay ginagamit upang Makita ang resulta ng

gagamiting pagsusuri batay sa mga sagot ng mga respondente.Ginagamit din ito upang

makuha ang pangkalahatang bahagdan ng bilang ng magkakamukang sagot sa iisang

particular na tanong. Ang ginamit na pormula ay ang 𝑃 =F/N ×100 kung saan:

P=%

F=bilang ng sagot

N=kabuuang bilang ng respondent


Kabanata IV

Presentasyon at Interpretasyou ng mga Datos

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga resultang nakalap mula sa sarbey

kwestyuner na sinagutan ng mga piling mga-aaral sa stem- senior high school ng Our

Lady of Fatima University lungsod ng Valenzuela.

Grap Blg. 1

Mga epekto ng pagkakaroon ng magulang na OFW sa mga piling mag-

aaral na SHS sa OLFU

EPEKTO NG PAGKAKAROON NG OFW NA


MAGULANG

Mamahalin ng lubos ang kanilang magulang 3.69


0

Nagtatanim ng sama ng loob sa magulang 1.53

Nagiging pursigido sa pag-aaral 3.42

Nauunawaan ang kalagayan ng magulang 3.61

Pangungulila sa magulang 2.59

Naiingit sa kumpletong pamilya 2.47

Nakakaramdam ng kalungkutan 3.05

0 0.5 1 1.5 2 2.5 3 3.5 4

Batay sa nakalap na datos ang pinakamalakas na epekto ay ang mamahalin ng

lubos ang kanilang magulang na may ∑=3.69 sumunod naman ang pangalawang
Nauunawaan ang kalagayan ng magulang na may ∑=3.61 at ang ikatlong may

pinakamataas ay ang nagiging pursigido sa pag-aaral na may ∑=3.42 .

Batay sa nakalap na datos sa pananaliksik na ito ang may pinakamataas na bilang

ng sagot na may ∑= 3.69 mula sa sarbey na isinagawa ng mga mananaliksik ito ang

mamahalin ng lubos ang kanilang maguang. Napatunayan ng mga mananaliksik na di

nagkakaroon ng hadlang o masamang epekto sa anak ang pagkakaroon ng OFW na

magulang kundi mas minamahal pa nila ito dahil sa sakripisyo na ginagawa ng kanilang

maguang

Grap Blg.2

Paano nakakaapekto sa akademik performance ng anak ang pagkakaroon

ng OFW na magulang

EPEKTO SA AKAMEDIK
3.5

3 3.31 3.3
3.06
2.5
Total na sagot

1.5 1.77
1.58
1

0.5

0
Disiplinado sa Nagiging Pagtaas ng marka Lumiliban sa klase Naapektuhan ang
lahat ng bagay pursigido sa sa mga asignatura konsentrasyon sa
pagaaral pag-aaral

Maraming respondent ang nagdesisyon na ang epekto sakanila pagaarala ay may

∑=3.31 na nagiging pursigido sa pagaaral at ang sumunod na nasa ikalawang may


pinakamataas ay ang pagtaas ng marka sa mga asignatura na may ∑=3.30 ikatlo ay

may∑=3.06 na nagiging Disiplinado sa lahat ng bagay ang mga may magulang na OFW

Nagiging pursiguido sa pagaaral ang nagkaroon nag pinakamataas na bilang

nagsagot na may ∑=3.30 .Ito ang nangingibabaw na epekto sa akademik performance ng

mga piling mag-aaral ng SHS stem ng OLFU , dahil dito nasuri ng mga mananaliksik ang

nagiging epekto sa anak ng isang OFW sa akademik performance na nagkakaroon sila

nag motibation sa kanilang pagaaral na ginagawa nilang isang inspiration ang kanilang

mga magulang.

Grap Blg.3

Paano nalagpasan ng mga piling mag-aaral ang pagkawalay sa magulang na

nagtratrabaho sa ibang bansa

PARAAN
4
3.5
3
2.5
2
3.4
1.5 3.05 3.05
1
0.5 0.99
0
Patuloy na Napapalapit sa diyos Pagsasabi at Nagkakaroon ng bisyo
pakikipagkomunikasyon para tumibay ang loob pagkukwento ng mga para maibsan ang
sa magulang. nagging karanasan sa kalungkutan. (hal.
kaibigan Paninigarilyo, pagiinom
atbp)
Mayroong mga paraan upang malagpasan ng mga piling mag aaral ng stem ng SHS

ang pag kakaroon ng OFW na magulang ang pinakamataas na nakuhang sagot ay may

∑=3.4 ito ang napapalapit sa diyos para tumibay ang loob Ang pumapangalawa naman na

mayroong ∑=3.05 ang pagsasabi at pagkkwennto ng mga nagiging karanasan sa kaibigan

Sumunod na mayroong pinakamataas ay may ∑=3.05 din ang pagttuloy ng

kommunikasyon sa magulang .

Batay sa nakalap na datos ng mga mananaliksik ang napapalapit sa diyos para

tumibay ang loob ang may pinakamataas na ∑=3.4 lahat ng kabataan ngayon o karamihan

ay mas lalong napapalapit sa diyos sa paraang ito ay mas lalong nagiging matatag ang

isang mag-aaral na may magulang na OFW ditto din nailalabas ang lahat ng pwedeng

ibahagi at bigyang gabay sa puong may kapal.

Kabanata V

Lagom,Konklusyon at Recomendasyon

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng binalangkas na lagom, konklusyon mula sa

datos nanakuha sa sarbey at ang rekomendasyon ng mga mananaliksik ukol sa suliranin

base sa impormasyon nakuha

Lagom

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay matukoy ang panananw ng mga

mag piling mag-aaral ng SHS stem ng OLFU lungsod ng Valenzuela ukol sa Epekto ng

pagkakaroon nang OFW na magulang sa piling mag aaral sa SHS stem ng Our lady of

Fatima university lungsod ng Valenzuela


Ang panananliksik na ito ay gumagamit ng desciptibing sarbey ,upang makalakap ng

mga datos na hahanguan ng interpretasyon upang makamit ang layunin ng

pananaliksik.Pumunta ang mananaliksik sa ibat-ibang aklatan upang kumuha ng

impormasyong magagamit sa pag-aanalisa ng mga panananw ng mga respondent

Batay sa sarbey na isisnagawa, mayroong 100 na piling mag-aaral ng SHS stem sa

OLFU lungsod ng Valenzuela ang naging respondente na sumagot sa sarbey-kwestyuner.

Buhat sa mga naging kasagutan ng mga respondent, nakagawa ng interpretasyon ang mga

mananaliksik ukol sa paksang napili.

Nang matapos magpasarbey ang mga mananaliksik,ginamitan ng istatistikong

pamamamaraan ito ang weighted mean sa mga datos na nakalap, upang masiguradong

ang kalidad ng mga impormasyon

Konklusyon

Mula sa nakuhang resulta ng mga mananaliksik sa kanilang pagsarbey, ito ang mga

nabuo konklusyon

5. Ang kadalasang nagiging epekto ng pagkakaroon ng OFW na magulang ng SHS

stem ng OLFU lungsod ng Valenzuela ay ang mamahalin ng lubos ang magulang

dahil ang karamihan sa mga anak ng isang OFW ay hindi nagiging negatibo ang

epekto ng mayroon isang OFW na magulang ginagawa pa nila itong mahalin ng

lubos dahil sa mga sakripisyong binibigay ng kanilang magulang upang

matustusan lang ang kanilang pangangailangan.

6. Ang karamihan sa mga magaaral sa stem ay may opinion na ang nagiging epekto

sakanila ng pagkakaroon ng OFW na magulang sa akademik performance ay mas


lalo silang naiinganyo sa kanilang pagaaral dahil nagkakaroon sila ng pagtaas ng

marka sa mga asignatura sa kabila nag pagkawalay sa kanilang magulang

ginagawa nilang isang inspirasyon ang kanilang magulang sa kanilang pag aaral

at hindi sa negatibong epekto ang kanilang ginagawa, marahil ito siguro ang

kanilang isinusukli sa pagsasakripisyo ng kanilang magulang.

7. Sa mga mag aaral na mayroong OFW na magulang ang mga piling magaaral ng

stem kanilang paraan upang malagpasan ang pagkakaroon ng ofw na magulang ay

mas lalong silang pumapalapit sa diyos dahil doon sila kumukuha ng tibay ng

loob sa kabila ng pangungulila sa kanilang magulang.

8. May ilang mga respondent ding sumagot ng mga negatibong epekto sakanila

halimbawa ng pagtanim ng sama ng loob ng magulang ang nnaging epekto

naman sakanila pag dating sa akademik performance ay naapektuhan ang

konsentrasyon sa pag aaral at ang kanilang paraan upang malagpasan ang

pagkakaroon ng OFW na magulang ay nagkakaroon sila nag bisyo upang maibsan

ang kanilang kalungkutan.

Rekomendasyon

Base sa mga kasagutan at konklusyon mahinuha, ang mga mananaliksik ay

nagbibigay ng mga rekomendasyon.

5. Nirerekomenda para sa mga OFW na magulang upang maunawaan nila ang

kalagayan nag kanilang anak na naiwan sa pilipinas na huwag titigilan

makipag komunikasyon sakanilang laging gabayan kahit na kayo ay malayo


upang hindi mapunta sa masamang impluwensya ang anak at maunawaan ito

nag lubos.

6. Para sa mga guro, malaki ang maitutuong ninyo sa pamamagitan ng

paggabay sa mga mag-aaral. Kausapin pag nakikitang nawawala na ang

inyong istudyante sa kanilang konsentrasyon Patuloy na suportahan ang

studyante ‘di lang pang akademiko kundi pati rin sa emosyonal na

pangangailangan dahil kayo ang nagsisilbing pangalawang magulang upang

gabayan ang inyong estudyante.

7. Para sa mga mag-aaral, pagbutihin ang pag-aaral, sulitin ang opportunidad na

binigay ng ating mga magulang wag magkulang sa pagbibigay ng oras sa

pagkomunikasyon dahil ito ay makakatulong ng malaki sa kanilang hinaharap.

8. Para sa mga mananaliksik, magsagawa pa ng malalalim na pag-aaral upang

hinggil sa ganitong paksa upang mas lubusang mabatid ang pananaw ng mga

mag-aaral sa SHS stem sa pagkakaroon ng OFW na magulang, at ang

magsagawa ng iba pang mga pananaliksik upang mabigyang linaw ang

kasalukuyang isyu na patungkol sa epekto nang pagkakaroon ng OFW na

magulang at nang sa ganoon ay matuklasan pa ang mga hindi pa nalalaman na

epekto nito.

You might also like