You are on page 1of 37

ST.

VINCENT COLLEGE OF CABUYAO


Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

PERSEPSYON NG MGA PILING MAG-AARAL NG SAINT VINCENT

COLLEGE OF CABUYAO TUNGKOL SA PAGKAKAROON NG

SARILING PAMPALIKURAN PARA SA MGA MIYEMBRO

NG LESBIAN, GAY, BISEXUAL AT TRANSGENDER

(LGBT) COMMUNITY

Suliraning Pananaliksik

na iniharap kay Gng. Perla Gliponeo

Iniharap nina:

Anitan, Glenn Mark F.

Eco, Hannah Mae P.

Lucero, Joyce Sherly Ann A.

Rebucas, Florian O.

Marso 2020
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NITO

Introduksyon

Nilikha ng Diyos ang tao na kawangis niya, may kakayahang makapag-isip ng

tama at umaksyon ng naaayon. Kalakip nito, nilikha ng Diyos ang tao na may dalawang

kasarian lamang; ito ay ang babae at lalaki. Paano kung ang isang lalaki o babae ay

nagnanais mabuhay sa mundo ng isang taong taliwas sa kanilang tunay na kasarian?

Sa mga pag-aaral tungkol sa kalagayan ng LGBT sa lipunan, iilan pa lamang ang

nagbigay-tuon sa kahalagahan ng pagkakaroon ng kanilang sariling pampalikuran sa

mga publikong lugar.

Ang silid palikuran ay masasabing isang pangangailangan ng mga tao at ito ay

nagdudulot ng kaginhawahan sa atin. Ayon sa mga mananaliksik na sina Leano, Lim,

Lumanglas, Malabuyok, at Mancolintas (Pebrero 2010), sila ay nagsagawa ng

pamanahong papel ukol sa silid palikuran. Ayon sa kanila, hindi nalalayo sa 2.6 na

bilyong tao ang naninirahan na walang mga pangunahing pangangailangan,

napupwersang dumumi sa kalsada o di kaya naman ay magbayad upang makagamit ng

pampublikong mga palikuran (The Truth About Toilets, Manila Bulletin, 2008).

Ang isyung ito ay malaking tanong sa nakakarami sapagkat bago ito sa iilan.

Patuloy silang nagtatanong sa kahalagahan ng pagkakaroon nito. Kung ito ba ay

1
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

dagdag gastusin lamang kung bibigyan ng karampatang pondo o isang pakikibagay sa

taglay na karapatan ng LGBT members?

Kasalukuyang pinag-aaralan ng kongreso ang pagpasa sa Sexual Orientation,

Gender Identity and Expression (SOGIE) Bill na pinanukala nina Senador Risa

Hontiveros, Imee Marcos at Francis “Kiko” Pangilinan. Ito ay nagbibigay importansiya

sa mga miyembro ng LGBT.

Sa kabilang banda, idiniin ni Judyann Pineda na ang LGBT ay hindi makakaiwas

sa diskriminasyon sa lahat ng oras. Nararapat silang umani ng respeto upang

respetuhin ng ibang tao. Maaari nila itong gawin sa pagkakaroon ng magandang

trabaho at maayos na antas sa lipunan.

Sa panahon natin ngayon marami ng pagbabago ang nagaganap hindi lamang

sa ating kapaligiran pati na rin sa ating mga sarili. Sa populasyon natin ngayon halos

kumalahati na ang nabibilang sa LGBT community maraming sumang-ayon na

maipatayo ang organisasyong ito subalit marami rin ang di sumang-ayon isa na rito

ang simbahang katoliko. May iba‟t ibang opinyon ang mga tao ukol sa suliraning ito.

Marami sa kanila ay ayaw tanggapin ang pagkatao nila sapagkat ito raw ay labag sa

bibliya o walang kalalagyan sa mundo, may iba naman na nagsabi na di natin sila

mapipilit sa anumang maging kasarian nila at respetuhin na lang kung ano sila. Sa mga

naririnig at nakikita ay di madali ang sitwasyon ng LGBT sa isang komunidad.

Napakahirap para sa isang LGBT ang makipaghalubilo sa isang komunidad na hindi

2
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

sila tanggap at nakakaramdam sila ng sakit nang dahil sa sarili nilang bansa ay hindi

sila komportable.

Kung susumahin, ang pag-aaral na ito ay magbibigay daan upang madinig ang

persepsyon ng mga piling mag-aaral ukol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng

pampalikuran para lamang sa mga miyembro ng LGBT. Bubuksan nito ang mga

opinyon ng kabataan mapababae man o lalaki hinggil sa nasabing isyu.

Ang mga mananaliksk ay pinili ang paksang ito upang higit na maunawaan ang

kanilang pinaglalaban at sa gayon ay hindi lamang ang mga miyembro ng LGBT, sa

pag-aaral na ito matutulungan din ang mga babae at lalaki na maipapahayag ang

kanilang saloobin hinggil sa nasabing isyu. Makatutulong din ito upang mabuksan ang

kaisipan ng mga taong hindi maintindihan ang panig ng mga miyembro ng LGBT.

Mapapalawak nito ang kanilang ideya o persepsyon sa pagkakaroon ng sariling

palikuran.

3
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

Paglalahad ng Suliran

Nilalayon nito na masagot ang mga katanungan hinggil sa pagkakaroon ng

pampalikuran para lamang sa mga miyembro ng LGBT Community.

I. Paglalarawan ng mga respondente base sa:

1. Edad

2. Kasarian

3. Kurso

II. Ano ang mga benepisyo nito sa aspetong:

1. Pangseguridad

2. Praybasi; at

III. Ano ang mga dapat gawin upang maging pantay ang pagtingin sa

mga LGBT?

4
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makamit ang mga sumusunod:

1. Malaman ang mga opinyon ng mga piling mag-aaral sa Saint Vincent College of

Cabuyao tungkol sa pagkakaroon ng pampalikuran para lamang sa mga

miyembro ng LGBT community.

2. Mailahad ang mga benepisyong maibibigay ng pagkakaron ng sariling

pampalikuaran sa mga miyembro ng LGBT community.

3. Maibigay ang mga paraan upang maging pantay ang pagtingin sa mga miyembro

ng LGBT community.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik upang tuklasin ang

persepsyon ng mga mag-aaral ng St. Vincent College of Cabuyao. Magiging malaking

tulong ito para sa mga mag-aaral ng nasabing eskwelahan dahil magiging instrumento

ito kung saan maipapahayag nila ang kanilang saloobin. Maari din nila itong gamiting

basehan kung sakaling magbubuo rin sila ng isang papel pananaliksik.

Makikinabang din sa pag-aaral na ito ang mga magulang ng mga miyembro ng

LGBT community sapagkat magbibigay ito ng mga payo sa angkop na aksyon na

kanilang maaring gawing tugon sa bawat sirkumstansya na kakaharapin o kinakaharap

ng kanilang mga anak.

5
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

Bibigyang benepisyo ng pag-aaral na ito ang institusyon, sapagkat magmumulat

ito sa may kapangyarihan kung ano ang kanilang dapat ikonsidera para sa ikakabuti ng

kanilang mga estudyante.

Saklaw at limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pag susuri ng mga persepsyon tungkol

sa pagkakaroon ng pampalikuran para sa mga LGBT.

Ang mananaliksik ay nagbibigay ng mga tanong sa 50 na mag-aaral sa Saint

Vincent College of Cabuyao. Saklaw ng pag-aaral na ito ang pagkuha ng mga baryabol

tulad ng preperensya, saloobin, pananaw at iba pang may kaugnayan sa paksa.

Nalimitihan ang pag-aaral na ito sa piling mag-aaral sa Saint Vincent College of

Cabuyao sapagkat sila ay maaring miyembro ng LGBT din o may kaalaman upang

tumugon sa pangangailangan ng pananaliksik. Naniniwala ang mga mananaliksik na sa

kasalukuyang panahon ay magkakaroon ng ganitong pag-aaral upang malaman ang

kahihinatnan ng pag-aaral para sa mga LGBT na nakaranas ng diskriminasyon.

6
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

Teoretikal na Gabay

Ayon kay Kerwin Ray Marbella (2017), marami na siyang nakasalamuha na

mga LGBT na nakararanas ng matinding diskriminasyon mula sa kapwa nila. May mga

nakakasalamuha rin syang LGBT na takot maging totoo sa sarili nila dahil takot sila

madiskrimina ang kanilang pagkatao.

Ayon naman kay Miko Obtinario (2017), isang napakahalagang aspeto sa buhay

ang naapektuhan nang dahil sa pang hahamak sa ating LGBT Community. Ito ay ang

edukasyon. Karamihan sa mga Gay na mag-aaral ay hindi pumapasok sa pang-

babaeng pampalikuran dahil ito ay bawal, ngunit ang pagtingin sa kapwa ng pantay-

pantay ay isang paraan upang maging katanggap-tanggap sa komunidad.

Ayon din kay Georgina Marie Moya (2017) ilan na lamang sa atin ang marunong

umintindi at marunong making. Ang ating LGBT Community kailanmay hindi

pinakinggan, kailanma‟y hindi pinaniwalaan, mayroon man tayong ibat ibang

paniniwala, dapat padin nating tanggapin kung ano at sino ang ating nakakasalamuha.

Ayon kina MooMan, Annemarie, et al. (2018), ang pagkakaroon ng

pampalikuran para sa mga LGBT ay magandang ideya na naisasagawa ng karamihan

dahil ang LGBT ay parte na nang buhay ng tao at sila ay dapat ring tanggapin ng

komunidad.

7
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

Konseptwal na Balangkas

PINAGBABATAYAN PROSESO KINALABASAN

 Interbyu o Sarbey 
 Ang propayl ng Mabatid ang
 Questionnaire
mga tagatugon kahalagahan ng
 Dokumentasyon
base sa kanilang:  Analysis pagkakaroon ng
1. Edad pampalikuran sa
2. Kasarian mga
3. Kurso pampublikong
 Benepisiyo ng mga lugar para sa mga
miyembro ng miyembro ng
LGBT community LGBT community.
sa pagkakaroon ng
sariling
pampalikuran sa
pampublikong
lugar.
 Karaniwang
enkawnter ng mga
miyembro ng
LGBT community
sa pampublikong
pampalikuran.

8
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

Paradimo

Ang konseptuwal na balangkas o “conceptual framework” ng pag-aaral na ito ay

ginagamitan ng input-process-output model. Inilalahad ng pinagbabatayang balangkas

ang propayl ng mga tagatugon tulad ng edad, kasarian, at kurso. Nilalaman din nito ang

mga karaniwang sirkumstansiya ng mga miyembro ng LGBT community sa araw-araw

higit na sa mga pagkakataon na gumagamit sila ng tradisyunal na pampalikuran sa

pampublikong lugar. Ang proseong balangkas ay tumutukoy sa mga hakbang na

gagawin ng mga mananaliksik ukol sa pagkuha ng mga datos saklaw ang sarbey at

dokumentasyon ng mga nakalap na resulta. Ang kinalabasang balangkas ay

sumasaklaw sa implikasyon ng mga nakalap na datouts at ang epekto ng pagkakaroon

ng sariling pampalikuran ang mga miyembro ng LGBT community.

9
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

Katuturan ng mga Katawagang Ginamit

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa “Persepsyon ng mga Piling Mag-Aaral ng Saint

Vincent College of Cabuyao Tungkol sa Pagkakaroon ng Sariling Pampalikuran para sa mga

Miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender (LGBT) Community”. Binibigyang

katuturan ang sumusunod na mga katawagan ayon sa pagkakagamit sa pag-aaral at

pananaliksik na ito.

 Bisexual ay isang taong may emosyonal, seksuwal, at romantikong atraksiyon

sa higit sa isang kasarian (gender o gender identity). Maaaring hindi sabay ang

damdaming tinutukoy at maaaring hindi rin magkapareho ang uri at lalim ng

atraksiyon.

 Diskriminasyon ay ang tratuhin ang isang partikular na pangkat ng mga tao na

mas mababa kaysa sa iba dahil sa kanilang lahi, kulay, nasyonalidad, o etniko o

pambansang pinagmulan.

 Gay ay isang taong may emosyonal, seksuwal, at romantikong atraksiyon sa

mga taong kapareho niya ng kasarian.

 Gender Identity ay ang internal na pakiramdam ng isang tao - kung sino siya. Ito

ay ukol sa pagiging babae, pagiging lalaki, pagiging parehong babae at lalaki, o

hindi pagiging babae o lalaki.

 Heterosexual ay nangangahulugang naaakit sa kabaligtaran na kasarian

lamang.

10
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

 Kwestyonaryo ay isang instrumento sa pananaliksik na ginagamit upang

makakalap ng mga sagot sa mga tanong na nais bigyang linaw.

 Lesbian ay isang homosexual at parte ng LGBT Community. Ang isang Lesbian

ay isang babae na naaakit din sa kapwa niya babae.

 LGBT Community ay nangangahulugang isang samahan ng mga Lesbian, Gay,

Bisexual, at Transgender. Maari itong magkaron ng espisipikong pangalan.

 Propayl ay ang mga impormasyong personal ng isang tao.

 Palikuran ay isang kasangkapang pangtutubero at sistmang pagtatapon na

ginagamit para sa pagtapon ng dumi at/o ihi.

 Queer ay isang terminong tumutukoy sa sexual orientation o sexual identity na

hindi nakapirmi o nag-iiba. Kung minsan ay ginagamit ito bilang pamalit sa

terminong LGBTQ.

 Sexual orientation o kamalayang pangkasarian ay tumutukoy sa kung kanino

naaakit ang isang tao. Ito rin ay kung ano ang emosyonal, sekswal at

romantikong pakiramdam ng isang tao ukol sa ibang tao na may parehong

kasarian, ibang kasarian o higit pa sa isang kasarian.

 Sexual Orientation and Gender Identity Expression (SOGIE) Equality Bill, na

kilala rin bilang Anti-Discrimination Bill (ADB), ay isang panukalang batas na

iminungkahi ng Kongreso ng Pilipinas. Ito ay inilaan upang maiwasan ang iba't

ibang mga pang-ekonomiyang at pampublikong aksyon na may kinalaman sa

11
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

diskriminasyon laban sa mga tao batay sa kanilang sekswal na oryentasyon,

pagkakakilanlan ng kasarian o pagpapahayag.

 Transgender ay ang malawak na terminong tumutukoy sa mga taong mayroong

gender identity/expression na hindi naaayon sa inaasahan ng lipunan base sa

kanilang kasarian nang sila ay ipinanganak. Ang pagiging transgender ay hindi

lamang tumutukoy sa sexual orientation at ang mga transgender ay maaaring

maging straight, lesbian, bisexual, gay, at iba pa.

12
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

KABANATA II

REBYU NG MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang kabanatang ito ay may kabilang sa iba‟t-ibang literatura at pag-aaral na

nakolekta mula sa mga iba‟t-ibang sanggunian tulad ng libro, internet, mga artikulo,

report at iba pang makakalapan ng impormasyon. Ang mga kaugnay na pag-aaral at

literatura na ito ay magsisilbing gabay sa pag-aaaral ukol sa pagkamit ng seguridad at

praybasi ng mga lesbian, gay, bisexual at transgender sa pamamagitan ng

pagkakaroon ng ekslusibong silid-palikuran.

Mga Lokal na Pag-aaral at Literatura

Ang LGBT ay pinaikling anyo mula sa pinagsama-samang inisyal na letra na

tumutukoy sa mga taong lesbiyan, bakla, biseksuwal, at mga transgender.

Ang katagang LGBT ay inilaan upang bigyang-diin ang pagkakaiba-iba ng

pagkakakilanlan base sa seksuwalidad at pangkasariang kultura na kung minsan ay

ginagamit upang tingnan ang kahit sino na hindi heterosekswal sa halip na eksklusibo

sa mga tao na homoseksuwal, biseksuwal at transgender.1

Ayon naman kay Katelyn Nicolas (2016), ang panliligalig sa sekswal at sa

kasarian ay mga uri ng diskriminasyon; ang sekswal na panliligalig o pang-aasar ng

isang tao dahil sa kanilang kasarian, o sekswal na oryentasyon ay hindi ti natanggap

1
Shankle, Michael D. (2006, ISBN 1-56023-496-2). The Handbook of Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgener Public
Health: A Practitioner’s Guide To Service. Haworth Press.

13
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

dahil nakakasakit ito sa karangalan ng isang tao, nararamdaman nila na hindi sila ligtas,

at pinipigilan sila na maabot ang kanilang buong kakayanan.

Para kay Steve (2017) ani niya, “Kung ang mga pangit o lampa, at minsan yung

mga may kapansanan ay binu-bully, sila (LGBT) rin ay nakakaranas din ng ganoon.

Kung yung mga kababaihan na ilang daang taon nang pinaglalaban ang pagkakaroon

ng pantay na karapatan ay napagkakaitan pa rin, mas lalo na sila na unti-unti pa lang

natatanggap ng lipunan. Kung ang „straight‟ ay naloloko sa relasyon at paulit-ulit na

nasasaktan at nate-take for granted, ganun din sila. Kung yung mga Pinoy at Asians ay

nakakatanggap pa din ng pambu-bully ng mga racists sa modernong daigdig na ito,

ganun din sila. Ano ang „bottom line‟ nito? Tao rin sila. Kagaya natin, nasasaktan, may

nararamdaman, may pinaglalaban. Tao rin sila nakailangan nating irespeto tulad din ng

nais natin na irespeto tayo bilang tao.”

Dagdag pa niya, “Sa panahon ngayon karamihan sa atin ay hindi tanggap ang

mga LGBT. Lagi silang may nasasabing hindi maganda kahit hindi naman nila ito kilala.

Sa tuwing sila‟y nakikita, matinding diskriminasyon ang kanilang nararanasan sa ibang

tao.”

Ayon naman kay Kerwin Ray Marbella (2017), madami na siyang nakasalamuha

na mga LGBT na nakakaranas ng matinding diskriminasyon mula sa kapwa nila. May

mga nakakasalamuha rin siyang LGBT na takot maging totoo sa sarili nila dahil takot

silang madiskrimina ang kanilang personal na pagkatao. Hindi nya maipagkakaila na

14
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

may LGBT na may respeto, may pakikitungo sa kapwa at mabuting asal. Meron

namang mga walang respeto, mahirap pakitunguhan at may masamang asal. May

makasalamuha man tayo na mga ganitong LGBT, napakahalaga pa rin na bigyan natin

sila ng maayos na pakikitungo at respeto dahil di natin alam ang pinagdadaanan nila.

Madaming LGBT na dumadanas ng matinding depresiyon dahil sa mga taong

nanghuhusga sa kanila. Marami rin ang dumadanas ng matinding kalungkutan dahil sa

pakiramdam na walang tumatanggap sa kanila. Kaya upang makatulong sa kanila,

imbis na sila ay husgahan natin, pakitaan natin sila ng pagmamahal at pag-aalala. Sa

ganon ay matutulungan natin sila dahil mararamdaman nila na may karamay sila. Sa

mundo natin, hinding-hindi mawawala ang diskriminasyon, mapa-LGBT man o hindi,

kaya para sa kanila matuto sana tayo para ipaglaban ang sarili natin at tumayo sa sarili

nating paa. Para naman satin, matuto tayong rumespeto ng kahit anong personalidad

ng isang tao.

Ayon naman kay Miko Obtinario (2017), isang napakahalagang aspekto sa

buhay ang naaapektuhan nang dahil sa pang-aalipusta sa ating LGBT community. Ito

ay maaaring epekto ng kakulangan sa edukasyon. Karamihan sa mga baklang mag-

aaral ay hindi na pumapasok sa eskwela dahil sa matinding pang-iinsulto na

natatanggap ng mga ito. Pagkawala ng pinag aralan hanggang sa pagkawala ng

trabaho. Ito ang madalas na sinasapit ng LGBT. Dahil sa panunukso ng marami ay

buong buhay ng tao ang nasisira, massging ang pamilya nito.”

15
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

Ayon din kay Georgina Marie Moya (2017), iilan na lamang sa atin ang

marunong umintindi at marunong makinig. Pakiramdam niya na ating LGBT community

ay kailanman ay hindi pinakinggan at kailanman ay hindi pinaniwalaan. Mayroon man

tayong iba‟t-ibang paniniwala, dapat ay ang pagkakaintindihan pa rin ang mananaig sa

puso at isipan ng bawat isa, kabilang man sa LBGT o hindi. Tayo ay nilikha ng

Panginoon nang may kaibahan sa isa‟t isa. Lahat tayo ay nararapat narespetuhin sa

kung sino o ano man tayo. Ang paghusga sa ibang tao ay di makakatulong sa atin o sa

iba. Simulan natin sa ating sarili ang pag-intindi at dito natin maiintindihan ang ating

kapwa mamamayan. Hindi pagkukumpara sa bawat isa ang solusyon. Pagtanggap sa

kaibahan angmakatutulong sa lahat pagtanggap sa LGBT Community.

Ayon kay Ace (2016), kawawa naman ang lesbian, gay, bisexual at transgender

(LGBT) na naaagrabyado sa paggamit ng restroom o comfort room (CR). Wala silang

magamit sa oras ng biglaang pangangailangan sapagkat may mga tumatanggi sa kanila

na gumamit ng CR. Hindi dapat mangyari ang ganito.

Nag-viral sa social media ang nangyari sa Farmer‟s Plaza nang posasan si Diez

ng mga security guard ng mall makaraang makipagtalo ito sa janitress. Ayaw payagan

ng janitress si Diez na makagamit ng comfort room para sa mga babae.

Ayon kay Marie (2018), ang insidente na kinasasangkutan ng transgender

woman na si Gretchen Custodio Diez na hindi pinagamit ng comfort room para sa mga

babae sa Farmer‟s Plaza, Cubao, Quezon City noong nakaraang linggo ay hudyat sa

16
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

mga kinauukulan para gumawa ng sariling restroom para sa LGBT community.

Nararapat na resolbahin ang problemang ito ng LGBT. Kung hindi ito bibigyang-pansin,

tiyak na mauulit ang pangyayari at maaaring mas malala pa. Bigyan o igawa ng sariling

comfort room ang LGBT para walang problema.

Ayon kay Diez (2016), pinagtabuyan siya ng janitress at sinabihang doon siya

mag-CR sa mga lalaki. Nagtalo sila hanggang makialam na ang mga guard at

pinosasan siya at dinala sa Quezon City Police Department (QCPD) Station 7.

Ayon naman sa janitress, nagalit siya kay Diez sapagkat kinunan pa siya nito ng

picture at agad na ipinost sa Facebook ang pangyayari. Nagbanta siyang idedemanda

si Diez dahil sa pagkuha ng picture. Sabi naman ni Diez, irereklamo niya ang

pamunuan ng mall dahil sa hindi makataong pagposas at pagpapaalis sa kanya ng mga

guard.

Makaraang mai-post sa Facebook ang hindi pagpapagamit ng comfort room kay

Diez, bumuhos ang suporta sa kanya ng mga miyembro ng LGBT community.

Sumugod ang mga grupo ng LGBT at kinokondena ang sa palagay nila ay hindi

makataong pagtrato kay Diez at isa umano itong diskriminasyon.

Ang komedyanteng superstar na si Vice Ganda, na isang walang tigil na

tagapagtaguyod ng LGBTQ + (lesbian, bakla, bisexual, transgender, queer) ay

naniniwala na ang solusyon sa debate sa paggamit ng pampubliko at naka

espesipikong banyo ay maglaan ng isang hiwalay na lugar para sa mga miyembro ng

17
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

pamayanan. Si Vice Ganda, na nanawagan sa pamahalaan na ipasa ang SOGIE

(sekswal na orientation at pagkakakilanlan ng kasarian at pagpapahayag), binanggit na

siya ay dating laban sa ideya na magtalaga ng isang hiwalay na banyo para sa mga

LGBTQ + indibidwal. Siya ay bumalangkas mula sa kaniyang sariling karanasan sa

pagpapaliwanag ng kanyang pagbabago ng mindset, itinuro na kahit ang mga

transgender na indibidwal ay nakakaramdam ng "hindi ligtas" kapag gumagamit ng mga

banyo sa kalalakihan o kababaihan. Si Vice Ganda, na kinikilala bilang isang bakla, ay

nagbahagi na sa paggamit ng mga pampaligo sa publiko, may posibilidad na maging

"kakulangan sa ginhawa" kapag ang ilang mga LGBTQ + indibidwal ay gumagamit ng

isang tradisyunal na naatasang banyo.2

Ang ideya ni Pangulong Rodrigo Duterte para mabawasan ang diskriminasyon

laban sa mga LGBTQ + (lesbian, gay, bisexual, trans, at queer) na mga tao ay ilagay

ang "3rd restrooms" para sa kanila, sinabi ng Malacañang nitong Martes, Agosto 20,

2019. "Siya (Duterte) ay nakiling din doon sa 3rd restroom para sa kanila, mayroon

silang sarili (hilig na suportahan ang mga 3rd banyo para sa kanila, kaya mayroon

silang sariling)" sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa isang news

briefing. Tinanong kung sa pamamagitan ng ika-3 banyo, ang ibig sabihin ni Duterte ay

mga kasarian na neutral-neutral, sinabi ni Panelo, "Para lamang sa LGBT. Para sa

kanila, hindi pareho." Gayunpaman, sinabi ni Panelo na siya mismo ang susuportahan

2
https://news.abs-cbn.com/entertainment/08/16/19/watch-vice-ganda-wants-separate-lgbtq-restrooms-anne-
says-trans-women-are-women

18
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

ang mga banyo na "pangkaraniwan sa lahat," anuman ang kasarian, na siyang

konsepto ng isang restawran-neutral na kasarian. Ngunit ang konsepto ng "3rd banyo"

ay tinanggihan ni Gretchen Diez, ang trans woman na pinigilan mula sa paggamit ng

banyo ng isang babae sa isang mall at mula nang ginamit niya ang kanyang karanasan

upang tawagan ang pagpasa ng SOGIE (Sexual Orientation at Gender Identify at

Pagpapahayag) pagkakapantay-pantay na panukalang batas. Sinabi ni Diez na ang

pagtatatag ng mga 3rd banyo ay maaaring mapalakas ang diskriminasyon laban sa

mga LGBTQ + person.3

Ang insidenteng ito ay nararapat magbukas sa isipan ng mga local na opisyal

para magpagawa ng restroom na naaangkop para sa LGBT. Maaaring magpasa ng

batas ang LGUs na lahat nang mall, sinehan, government building at iba pang mga

establisyamento na magkaroon ng CR para sa LGBT. Sa ganitong paraan, maiiwasan

na ang mga insidente kung saan may nagkakasakitan dahil ayaw pagamitin ng CR ang

LGBT.

Nakisawsaw na rin ang ilang senador sa usapin ukol sa diskriminasyong

naranasan ng isang transgender woman na iginiit ang kaniyang karapatang gamitin ang

banyong pambabae sa isang mall sa Cubao. Sabi ni Sen. Risa Hontiveros, “Ang

naranasang pambabastos ni Gretchen Custodio Diez ay isang halimbawa kung bakit

lubos na kailangang maipasa ang Sexual Orientation and Gender Identity and

3
https://www.rappler.com/nation/238115-duterte-wants-3rd-restrooms-lgbtq

19
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

Expression (SOGIE) Equality Bill”. "Ipasa na natin ang SOGIE Equality Bill, para kay

Gretchen at sa lahat ng Filipino lesbians, gays, bisexuals, transgenders, intersex,

queers at asexuals (LGBTQIA+) na matagal nang nakaposas" ani Hontiveros sa isang

talumpati. Naging kontrobersiyal ang karanasan ni Diez noong Martes matapos siyang

hiyain ng empleyado ng Farmers Plaza sa Cubao dahil sa pagbabanyo nito sa ladies'

toilet. Pansamantalang idinetene si Diez matapos siyang ireklamo ng unjust vexation

dahil sa pag-video niya sa insidente.

Giit ni Hontiveros, karapatan ni Diez at sino mang miyembro ng LGBTQIA+

community na magbanyo sa kung saan man nila nais bilang proteksiyon sa kanilang

sarili. Pero delikado umano ito, ayon sa tatlong lalaking senador dahil maaari umanong

magpanggap na babae ang mga manyakis na lalaki. "I see a little danger here... What

if a straight male person who is voyeuristic, would enter a female restroom and do his

intention," tanong ni Sen. Panfilo Lacson (2016). "While kino-consider natin ang rights

nang LGBT, hindi lang LGBT ang tingnan natin. Iyong straight din tingnan natin kung

apektado sa ganoong batas. Dapat balanse tayo" sabi naman ni Sen. Ronald dela

Rosa. "How about the sensitivities of women who are uncomfortable with transgenders

using women's restrooms; or straight men donning women's clothes... Konting reality

check naman" sabi naman ni Senate President Vicente Sotto III (2017).

May kakaibang mungkahi naman si Sen. Cynthia Villar para iwas-gulo. Ani niya

"Dapat gumawa na lang ng additional toilet... Di ba may toilet tayo para sa mga PWD

20
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

(persons with disability), baka puwedeng 'yun na ang ipagamit para wala nang gulo,"

sabi ni Villar.

Sa ulat ni Sherrie Ann Torres, ABS-CBN, sa Kamara naman, naghain na ng

resolusyon ang Makabayan bloc at ang transwoman na mambabatas na si Bataan Rep.

Geraldine Roman para imbestigahan ang nangyaring diskriminasyon laban kay Diez.

Lusot na sa ikalawang pagbasa ang House Bill 4982 o SOGIE Equality Act na

panukalang batas na pagpapataw ng parusa sa diskriminasyon sa mga miyembro ng

lesbian, gay, bisexual and transgender (LGBT) community. Oras na maisabatas ito,

makakasuhan at maari nang makulong ang mga magpapairal ng diskriminasyon base

sa Sexual Orientation and Gender Identity or Expression (SOGIE).

Ikinatuwa naman ito ng kauna-unahang transgender na mambabatas na si

Bataan Rep. Geraldine Roman at tinawag itong “Milestone for Equality.”

Maraming mga miyembro ng LGBT ang nagpapasalamat sa mga mambabatas

na nanandigan at sumusuporta sa nasabing panukala.

Ayon sa isang report mula sa ABS-CBN, kabilang sa mga discriminatory

practices na nakasaad sa SOGIE ay ang pagkakait sa public service kasama ang

military service; pagsama sa SOGIE sa criteria para sa hiring, promotion, transfer,

assignment at re-assignment, dismissal at iba pang human resource action; pagtanggal

o hindi pagtanggap sa isang tao sa paaralan dahil sa SOGIE; pagpapataw ng parusa o

21
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

mas mahigpit na parusa dahil lang sa SOGIE; pagkakait ng public o private medical o

health services at marami pang iba pa.

Ang paglalagay ng magkahiwalay na banyo sa pampublikong lugar ay mas

madaling sabihin kaysa gawin. Tulad ng alam ng bawat arkitekto, mas mahal ang

pagbuo ng isang banyo kaysa maglagay ng isang silid. Ang pagtutubero na

nagpapamahal. Ang bawat karagdagang palikuran ay nangangahulugan ng

karagdagang pagkonsumo ng tubig. Kaugnay nito, nangangahulugan ito ng isang

pagtaas sa bill ng tubig. Gayundin, ang paglalagay ng isang karagdagang banyo ay

nangangailangan ng karagdagang espasyo. Mula sa isang mercantile na pananaw, ang

isang karagdagang banyo ay sumasalin sa mas kaunting puwang para sa komersyal na

aktibidad. Ang paglalagay ng hiwalay na mga palikuran para sa komunidad ng LGBT ay

maaaring hindi isang problema para sa malalaking shopping mall at mga high-end na

hotel. Makakaya nila ang karagdagang gastos, o maaari nilang ibahin ang ilan sa

kanilang maraming umiiral na banyo para sa paggamit ng LGBT. Bukod dito, ipapasa

lamang nila ang karagdagang gastos sa kanilang mga nangungupahan. Ngunit, ang

mga maliliit na restawran at mga kainan sa klase ng badyet ay maaaring

magkaproblema. Ang gastos para sa pagtatayo at pagpapanatili ng isang karagdagang

banyo ay magdaragdag sa mga gastos sa overhead, at bawasan ang anumang

limitadong puwang na mayroon sila para sa kanilang mga customer. Sa katagalan, ang

mas maliit na mga establisimento sa kainan ay maaaring magsara ng tindahan at

22
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

magdagdag ng maraming tao sa linya ng kawalan ng trabaho. Tumatakbo din ito sa

patakaran ng bansa na hikayatin ang mga maliliit at katamtamang mga negosyo.4

Sa kabilang banda, may nagsasabi naman na ang gastos sa pagtatalaga ng

isang neutral na banyo ay hindi dapat maging isyu kung ang isang pagtatatag ay may

hindi bababa sa isang banyo na maaaring buksan sa lahat ng mga kasarian. Sa ilang

mga kaso, ang mga banyo ng PWD ay bukas din para sa lahat ng mga kasarian, tulad

ng sa Quezon City Hall, Mandaluyong City Hall, at sa ilang mga paaralan tulad ng

Ateneo de Manila University at Lyceum ng Philippines University.

Mga Banyagang Pag-aaral at Literatura

Ang isang “bathroom bill” ay ang karaniwang pangalan para sa batas o isang

batas na tumutukoy sa pag-access sa mga pampublikong banyo ng kasarian (banyo) -

isang transgender na indibidwal. Ang mga panukalang pang-banyo ay nakakaapekto sa

pag-access sa mga pampublikong pasilidad na naka-hiwalay sa sex para sa isang

indibidwal batay sa pagpapasiya ng kanilang kasarian na tinukoy sa ilang partikular na

paraan— tulad ng kanilang kasarian na itinalaga sa kapanganakan, ang kanilang

kasarian na nakalista sa kanilang sertipiko ng kapanganakan, o ang kasarian na

tumutugma sa kanilang pagkakakilanlan ng kasarian.5 Ang mga kritiko ng mga

panukalang batas na nagbubukod sa mga indibidwal na transgender mula sa mga

banyo na sumasangayon sa kanilang pagkakakilanlan ng kasarian ay nagtaltalan na

4
https://tribune.net.ph/index.php/2019/08/31/solving-the-lgbt-public-toilet-problem
5
Lopez, German (April 7, 2016). "Tennessee's anti-transgender bathroom bill, explained".

23
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

hindi nila ginagawa ang mga pampublikong banyo kahit na mas ligtas para sa mga

cisgender (non-transgender) na mga tao, at na ginagawang mas ligtas ang mga

pampublikong banyo para sa parehong mga transgender na tao at hindi kasarian pag-

uugnay sa mga taong cisgender.6

May isang panukalang batas sa banyo, ang Public Facilities Privacy & Security

Act sa North Carolina, ay naaprubahan bilang isang batas noong 2016, bagaman ang

mga bahagi ng panukala ay kalaunan ay napawi sa 2017 bilang bahagi ng isang

kompromiso sa pagitan ng Demokratikong gobernador at Lehislatura na kinokontrol ng

Republikano.

Gayundin noong 2016, ang gabay ay inilabas ng Departamento ng Katarungan

at Edukasyon ng Estados Unidos na nagsasabi na ang mga paaralan na tumatanggap

ng pederal na pera ay dapat tratuhin ang pagkakakilanlan ng kasarian ng isang mag-

aaral bilang kanilang kasarian (halimbawa, patungkol sa mga banyo). Gayunpaman,

ang patakarang ito ay binawi noong 2017.7

Ang mga banyo at fights para sa mga karapatang sibil ay magkakasunod; at ang

mga taong transgender ay kailangang makipaglaban para sa pagiging tunay at pati na

rin sa pagkakapantay-pantay ay mga dahilan kung bakit ang tanong sa banyo ay isang

mainit na isyu.

6
Bianco, Marcie (April 2, 2016). "Statistics Show Exactly How Many Times Trans People Have Attacked You in
Bathrooms"
7
"Trump Administration Rescinds Protections For Transgender Students | HuffPost". Huffingtonpost.com.
February 22, 2017.

24
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

Sa panahon ni Jim Crow, ang mga banyo — kasama ang mga bukal ng tubig at

mga counter ng tanghalian - ay mga lugar na maaaring markahan ng mga "puti lamang"

na mga palatandaan. Ang banyo ay naging isang larangan ng digmaan para sa mga

kababaihan at mga manggagawa na may kapansanan na nakikipaglaban para sa

pantay na paggamot sa lugar ng trabaho. Dahil sa likas na katangian ng mga bagay na

ginagawa ng mga tao sa banyo, maaari itong maging isang puwang kung saan sa

palagay nila nakalantad o nasusugatan at samakatuwid ay lumaban sa pagbabago. Ito

rin, tulad ng sinabi ng transgender na si Janet Mock, "ang mahusay na pangbalanse

para sa ating lahat." Ang average na tao ay maaaring magtanong sa kanilang edad

kung ang pagbili ng alak o ang kanilang ID ay naka-check sa paliparan, ngunit ang mga

tao ay nagdududa sa tunay na pagkatao ng transgender sa mas regular at mas malalim

na antas. Para sa mga bata ng transgender, maaaring gawin ang anyo ng mga

magulang na iginiit na sila ay dumadaan sa isang yugto o inilalagay ang mga ito sa

therapy sa conversion. Para sa mga may sapat na gulang, marahil ay ang mga tao na

nagtatanong kung si Caitlyn Jenner ay talagang ginagawa lamang ito para sa

publisidad. "Mayroon pa ring pag-aatubili na tanggapin ang mga taong trans para sa

kanila," sabi ni Mock.8

Ang bawat mag-aaral ay dapat magkaroon ng isang makatarungang

pagkakataon upang magtagumpay sa paaralan. Ngunit maraming mga mag-aaral ng

transgender ang nahaharap sa poot, diskriminasyon at pang-aapi pagdating sa

8
https://time.com/3974186/transgender-bathroom-debate/

25
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

paggamit ng banyo. Ang isang lumalagong bilang ng mga paaralan ay nakipagtulungan

sa mga mag-aaral ng transgender at non-transgender at kanilang mga magulang upang

bumuo ng mga patakaran na matiyak na ligtas na kapaligiran sa pag-aaral para sa

lahat. Ang mga patakarang ito ay makakatulong upang matiyak na ang mga mag-

aaral ng transgender ay may pagkakataon na ganap na makilahok at magtagumpay sa

paaralan, kaya maaari silang magtapos sa kanilang mga kamag-aral. Ang mga kalaban

ng mga batas at patakaran na nagpoprotekta sa mga mag-aaral ng transgender ay

madalas na inaangkin na ang mga patakarang iyon ay naglalagay sa kaligtasan at

privacy ng ibang mga mag-aaral. Gayunpaman, ang mga opisyal ng paaralan na

nagpatupad o nangangasiwa sa mga patakarang ito ay natagpuan na ang mga habol

na ito ay simpleng walang batayan. Sa liham na ito na nilagdaan ng mga opisyal ng

paaralan mula sa Kentucky, Massachusetts, California, Washington, Illinois, New York

at Oregon-nagsasalita nang direkta sa kanilang karanasan sa pagsasama ng mga mag-

aaral ng transgender sa mga pasilidad na tumutugma sa kanilang mga pagkakakilanlan,

ipinaliwanag nila: Ang mga talakayan tungkol sa patakaran ng paaralan na

kinasasangkutan ng mga mag-aaral ng transgender ay madalas na nakatuon sa mga

alalahanin ng hypothetical na iginagalang ang pagkakakilanlan ng kasarian ng mga

mag-aaral, at pinapayagan silang gumamit ng mga pasilidad alinsunod sa kanilang

pagkakakilanlan ng kasarian, ay lalabag sa pagkapribado o "aliw" ng ibang mga mag-

aaral, at humantong sa pag-aalis ng mga hiwalay na kasangkapan sa kasarian tulad ng

mga banyo at mga silid ng locker. Ang iba pang mga karaniwang ipinahayag na mga

26
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

alalahanin ay kinabibilangan ng ideya na ang mga mag-aaral ng transgender ay

maaaring "malito," malamang na baguhin ang kanilang isip tungkol sa kanilang

pagkakakilanlan ng kasarian, o maling sinasabing transgender para sa ilang hindi

magandang layunin. Natugunan namin - at sa ilang mga kaso na personal na nakipag-

ugnay sa-marami sa parehong mga alalahanin. Ngunit sa aming karanasan, wala sa

mga alalahanin na iyon ang naging materyal sa anyo ng mga aktwal na problema sa

ating mga paaralan. Hindi kami nakakaranas ng mga problema sa mga patakaran na

nagpapahintulot sa mga mag-aaral ng transgender na mag-access sa mga banyo o

mga silid ng locker alinsunod sa kanilang pagkakakilanlan ng kasarian. Ni nakaranas

tayo ng mga mag-aaral ng transgender o anumang iba pang mga mag-aaral na

nagtatangkang maging hindi tapat o masira ang mga patakaran. Sa kabilang banda,

ang aming mga mag-aaral ng transgender ay nais lamang na maging ligtas habang

gumagamit ng mga pasilidad sa paaralan. Sa gitna ng pambansang kaguluhan sa mga

batas sa pagbabawal sa banyo mas maaga sa taong ito, higit sa 300 sa nangungunang

sekswal na pang-aatake at pambansang pag-iwas sa karahasan sa bansa ang

naglabas ng isang pahayag na nagsasabing tapusin ang batas na pumipinsala sa mga

taong transgender at hindi kasama ang mga ito sa mga banyo at iba pang pasilidad.

Nababahala ang lahat tungkol sa kaligtasan at privacy sa mga banyo. Ang dahilan kung

bakit mahalagang tandaan na ang mga batas ng nondiscrimination na nagpoprotekta sa

mga taong lesbian, bakla, bisexual at transgender ay matagal nang nasa paligid. Sa

katunayan, 18 na estado at higit sa 200 mga lungsod sa buong bansa ang naipasa at

27
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

matagumpay na ipinatupad ang mga batas na nagpoprotekta sa mga lesbian, bakla,

bisexual at transgender na mga tao mula sa diskriminasyon sa mga pampublikong

tirahan-at walang pagtaas ng mga insidente sa kaligtasan ng publiko sa mga banyo sa

alinman sa mga lungsod na ito o estado. Gayunpaman, ang mga sumasalungat na

protektahan ang bakla at transgender na mga tao mula sa diskriminasyon ay maling

nagsasabing ang mga batas na ito ay naglalagay sa kaligtasan ng mga kababaihan at

mga bata - sinabi nila na ang mga batas na ito ay maaaring maabuso ng mga

mandaragit na pumasok sa mga pasilidad ng kababaihan. Gayunpaman, ang mga pag-

angkin ay walang batayan sa katotohanan.9

Ang kaligtasan at privacy sa mga banyo ay mahalaga para sa ating lahat. Iyon ay

bakit mayroon tayong mga batas sa lugar na ginagawang iligal na makapinsala o

abalahin ang mga tao, o salakayin ang kanilang privacy. Ang sinumang gumawa nito

maaari at dapat na naaresto at iakusahan. Ginagamit ito ng mga pulis mga batas upang

maiwasan ang pag-atake, panatilihing ligtas ang mga tao, at humawak ng mga

nagkasala may pananagutan. Lahat tayo, kabilang ang mga taong transgender, ay nag-

aalala tungkol sa kaligtasan sa mga banyo. At kung titigil tayo at iniisip ito, bawal na ang

pagpasok ng isang banyo o silid ng locker upang makasama isang tao. Hindi binabago

iyon ng mga batas sa kawalan ng impresyon. Ang sinumang predator na sumusubok na

saktan ang isang tao ay maaaring at dapat inaaresto at inuusig.10

9
https://transequality.org/what-experts-say
10
https://www.lgbtmap.org/file/talking-about-transgender-people-and-restrooms.pdf

28
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

Sa oposisyon, iminumungkahi ng mga panukalang batas sa banyo na ang

naramdaman ng mga taong transgender ay hindi wasto. Ang tinatawag na "bathroom

bills” na ipinakilala ng mga social conservatives sa mga estado tulad ng Arizona,

Maryland, Kentucky at Florida ay karaniwang utos na ang mga tao ay gumagamit ng

banyo na tumutugma sa kasarian sa kanilang sertipiko ng kapanganakan. Iyon ay isang

marker na mahirap para sa karamihan sa mga transgender na mga tao na baguhin, pati

na rin ang isa na, para sa kanila, ay isang indikasyon ng burukrasya na napagpasyahan

ng ibang tao na hindi dapat timbangin sa kanilang likas na pakiramdam ng sarili. Ang

ilang mga estado ay may mga proseso na "modernisasyon" na ginagawang mas madali

para sa mga taong transgender na baguhin ang kanilang mga sertipiko ng

kapanganakan. Ang ilan sa komunidad ay nagprotesta sa pamamagitan ng pagkuha ng

mga selfies sa mga banyo na kakailanganin nilang gamitin sa ilalim ng nasabing mga

batas, na binibigyang diin kung paano ang mga puwang na ito ay hindi nagbubunga sa

kanilang hitsura o sa kanilang damdamin.

Ang mga konserbatibo ay tumutol na ang mga naturang panukala ay

kinakailangan upang protektahan ang privacy ng mga tao at kaligtasan ng publiko. Ang

ilang mga social conservatives ay sasabihin na sa palagay nila ang mga transgender na

mga tao ay pinaglaruan. "Hindi ko gusto ang mga lalaki na sa tingin nila ay mga

kababaihan sa aking mga banyo," patotoo ng isang Maryland na babae sa isang

pagdinig sa 2014 sa isang panukalang batas na hindi diskriminasyon sa LGBT. Nguni t

ang isang mas karaniwang argumento ay ang pagpayag sa mga kababaihan ng

29
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

transgender na gamitin ang silid ng kababaihan ay magbubukas ng mga pintuan para

sa mga sekswal na mandaragit o sumisilip sa mga batang tinedyer na gamitin ang mga

proteksyon bilang isang mapanganib na rusa upang makapasok sa mga babaeng

puwang.11

Ang mga batas sa pagtatayo (kabilang ang mga regulasyon) sa ilang mga estado

ay nangangailangan na ang mga banyo ay mahihiwalay na magkahiwalay para sa

parehong kasarian, na gumagawa ng mga unisex na banyo na halos iligal. Ang mga

banyo ng Unisex ay lalong nagpapatakbo sa mga unibersidad at malalaking lungsod,

bagaman ang karamihan sa mga institusyong ito ay nag-aalok din ng alternatibo.12

Noong 2016, ang Kagawaran ng Hustisya ng Estados Unidos at Kagawaran ng

Edukasyon ng Estados Unidos, sa ilalim ni Pangulong Barack Obama ay naglabas ng

"patnubay" sa estado at pribadong institusyong pang-edukasyon na nagsasabi na ang

mga institusyong ito ay kailangang payagan ang mga mag-aaral ng transgender na

gumamit ng mga banyo ayon sa kanilang pagkakakilanlan ng kasarian. Ang mungkahi

ng Obama ay iminungkahi na ang mga paaralan at pribadong institusyon ay

nagpanganib sa pederal na pondo kung hindi sila sumunod.13

11
https://time.com/3974186/transgender-bathroom-debate/
12
"U.S. Departments of Justice and Education Release Joint Guidance to Help Schools Ensure th e Civil Rights of
Transgender Students"
13
"Dear Colleague Letter". Department of Justice. May 13, 2016.

30
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

Sagutang Papel

Pangalan (Opsiyonal): Edad:

Kurso: Kasarian:

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang naaayon na degri ng kasagutan sa bawat tanong.

5- Lubos na sumasang-ayon 4- Sang-ayon 3- Nyutral

2- Hindi sang-ayon 1- Lubos na hindi sumasang-ayon

A. Pangseguridad
5 4 3 2 1
Sa aking palagay…

1. ligtas ang mga miyembro ng LGBT

community sa tuwing sila ay gumagamit

ng pampublikong palikuran para sa

tunay nilang kasarian.

2. ligtas ang mga miyembro ng LGBT

community sa tuwing sila ay gumagamit

ng pampublikong palikuran na taliwas

sa kanilang kasarian.

31
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

3. sa tuwing nagkakasabay ang mga tunay

na lalaki o babae at ang mga miyembro

ng LGBT community sa paggamit ng

pampalikuran ay banta sa seguridad ng

mga tuna na lalaki o babae ang

posibleng interes ng mga LGBT.

4. isang kasiguraduhan sa seguridad ng

mga lalaki, babae at mga mga

miyembro ng LGBT community ang

pagkakaroon ng kani-kanilang sariling

palikuran.

5. kinakailangan ang ekslusibong silid-

paliran para sa mga LGBT.

B. Praybasi
5 4 3 2 1
Sa aking palagay…

1. kwestyonable ang paggamit ng mga

miyembro ng LGBT ng pampalikuran

na taliwas sa kanilang kasarian sa

mga praybasi ng mga tunay na lalaki

at babae.

32
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

2. isang kasiguraduhan sa praybasi ng

mga LGBT ang pagkakaroon nila ng

sariling palikuran.

3. kasiraan sa praybasi ng mga LGBT

ang paggamit nila ng palikuran na

naaayon sa kanilang totoong

kasarian kung sa kasalukuyan ay

may bago na silang interes.

33
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito, inilalahad ang mga pamamaraan na ginamit sa pag-aaral.

Inilalarawan din nito ang paksa ng pag-aaral, ang mga instrumento na ginamit, at pamamaraan

ng pangangalap ng data at ang estadistika na pahayag ng data.

Disenyo ng Pananaliksik

Ginagamit ang deskriptibong pamamaraan ng pananaliksik sa pangangalap ng mga

kinakailangang impormasyon sa pag-aaral na ito. Ang pamamaraang ito ay nagpapagana sa

mga mananaliksik na bigyang kahulugan ang teoretikal na kahulugan ng mga natuklasan at

pag-unlad ng hypothesis para sa karagdagang pag-aaral. Higit pa rito, ang mga mananaliksik

ay gumamit ng isang uri ng palatanungan ng deskriptibong pamamaraan ng pananaliksik na

naging paraan para sa mga mananaliksik na magtipon ng impormasyon mula sa mga

respondente nang walang mga respondente na nahihirapan sa pagsagot sa mga tanong na

kinakailangan para sa mga mananaliksik na magkaroon ng impormasyon tungkol sa

persepsyon ng mga piling mag-aaral ng saint vincent college of cabuyao tungkol sa

pagkakaroon ng sariling pampalikuran para sa mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual at

transgender (LGBT) community.

34
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

Mga Respondent

Sa pagkuha ng datos, ang mga mananaliksik ay sinuring mabuti ang mga nakapaloob

sa internet, komento, at panayam sa mga respondenteng pangunahing makakatulong sa pag-

aaral na ito. Bawat impormasyon na kanilang ibinigay sa mga mananaliksik ay walang sapilitang

nangyari o naganap at lahat ng mga katanungan na nakapaloob sa mga sagutang papel ay

angkop sa napapanahong problema na kinakaharap ng mga respondente

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga persepyon ng 50 estudyante

mula sa St. Vincent College of Cabuyao tungkol sa pagkakaroon ng ekslusibong pampalikuran

para sa mga miyembro ng LGBT community. Ang mag-aaral na ito ay nasa antas na kolehiyo

na maaring mula sa kahit anong kurso at nagbabari sa edad at kasarian.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga pangunahing ginamit ng mga mananaliksik upang kumalap ng datos ay ang

mga sumusunod:

1. Sagutang Papel- Napili ang sagutang papel bilang isa sa pinakamahalagang

aspekto sa pagkuha ng mga datos base sa mga katanungang nakapaloob dito.

Ito ay may dalawang bahagi. Ang una ay tungkol sa propayl ng mag-aaral, Ang

pangalawa ay tungkol sa praybasi at seguridad ng mga respondente.

2. Panayam- Upang makausap ng personal ang bawat indibidwal at malamang

mabuti mula sa kanila ang mga komento ukol sa mga hinaing, mga

35
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO
Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna

DEPARTAMENTO NG AKAWNTANSI

nararamdaman o maging ang kanilang mga saloobin sa mga problemang

kanilang nararanasan sa pagpapatakbo ng kanilang maliit na negosyo.

3. Riserts sa Internet- Upang kumalap ng mga karagdagang datos na

makakatulong sa pag-aaral na ito.

Tritment ng Datos

Ang bahaging ito ay tumutukoy sa mga ginagamit ng isang mananaliksik upang

mailarawan ang mga datos na nakalap sa pananaliksik. Maari itong na kompyut ng mano-mano

o ginamitan ng mga aplikasyon o software. Sa paggamit ng istatistikal na tritment,

ikinokonsidera dito Ang disenyong ng pananaliksik, distribusyon ng data at uri ng baryabol na

ginamit. Ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik ng pag-aaral na ito ay ginamitan ng

Descriptive Statistical Analysis, isang uri ng istatistikal tritment na ipinipresenta ang mg datos sa

tabular na paraan at inalalahad ang mga mean, median, mode ng mga numero na nagbabari sa

bawat digri ng kasagutan ng bawat respondente. Ang bawat konklusyon sa datos na nakalap ay

binibigyang paliwanag.

36

You might also like