You are on page 1of 11

Tiyak na Paksa: Kultura sa Pananamit

Pamagat: Pananaw ng mga Ninanais na Istilo ng Uniporme ng mga Estudyanteng Babae

na nasa Labing-Isang Baitang sa Paaralan ng Paso De Blas National High School

Panimula

Ang eskwelahan ay sinasabing tagahubog ng ating katauhan, kabilang na ang

ating kaalaman at kakayahan. Ang bawat eskwelahan ay may kanya-kanyang

unipormeng ginawa upang malaman ang pagkakakilanlan ng mga estudyante sa

ispisipikong eskwelahan o unibersidad. Ginawa ito upang matukoy ang eskwelahan na

ating pinapasukan kung kaya't ang bawat uniporme ay may pagkakaiba-iba lalo na sa

mga matataas na baitang.


Suliranin sa Pagaaral

Ang pag-aaral na ito na pinamagatang Pananaw ng mga Ninanais Suotin na

Uniporme ng mga Estudyanteng Babae na nasa Labing-Isa Baitang sa Eskwelahan ng

Paso De Blas National High School ay nagnanais na masagot ng piling mag-aaral ang

ilang katanungan.

1. Sang-ayon ba sila sa unipormeng itinatag ng eskwelahan para sa kababaihan?

2. Bakit ninanais ng kababaihan ang mas maganda at komportableng uniporme

kesa sa itinatag na uniporme ng paaralan?

3. Kung pagbibigyan ang mga kababaihan na pumili ng unipormeng susuotin sa

paaralan, ano ito?


Kaugnay na Pagaaral at Literatura

Ang bawat estudyante ay nakaatas na isuot, upang ipagmalaki at irepresenta ang

kanilang paaralan sa pamamagitan nang maayos na pagsusuot nito. Sinasabi nga na

ang pagsuot ng uniporme ay isang malaking obligasyon batay na rin sa mga batas at

alituntuning pinagbabatayan ng iba’t ibang mga paaralan at unibersidad (Salvejo, et al.,

2018).

Hindi ito basehan sa imahe ng eskwela ngunit sa pagsuot ng uniporme na itinakda

ng unibersidad ay nagpapakita ng pagiging disiplinado ng mga estudyante sa ispisipikong

paaralan.

Nilikha ang mga uniporme bilang isang tatak na ang partikular na mag-aaral ay parte

ng kinabibilangan niyang institusyon o unibersidad. Maraming naniniwala na ang

pagkakaroon ng isang tiyak na kasuotan para sa mga estudyante ay makakatulong sa

kanilang akademiko at tunay ngang umangkla ito sa isang pag-aaral mula sa 39 na mga

bansa na totoo ngang nakakatulong ito, ngunit sa isang pag-aaral din mula sa bansang

Amerika lumabas na mas maganda ang pinapakita ng mga estudyante kapag hindi sila

nakauniporme (Mergler, 2017).

Nakakatulong ang pagkakaron ng uniporme dahil nararamdaman nila na disente sila

tignan at marapat lang nilang itaas at bigyan ng magandang pangalan ang paaralan lalo

na sa matataas na unibersidad dahil suot nila ang unipormeng nagpapakilala dito.


Ang uniporme rin ang sinasabing batayan ng kaayusan at isang uri ng pagpapabuti

ng disiplina ng mga mag-aaral sa isang partikular na institusyon na nakakatulong upang

makamit ang isang akademikong karangalan o kahusayan (DeMitchelle, 2015).

Masasabing maganda pagmasdan kung lahat ng estudyante ay makikitang

nakasuot ang kanilang itinakdang uniporme kaya hanggat maari ay itinatakda ng

paaralan na pagsuotin ang mga estudyante ng kasuotang nagpapakilala sa kanilang

paaralan.

Maraming dahilan kung bakit mayroong uniporme ngunit ayon sa American Civil Liberties

Union ng Nevada, ang pagkakaroon ng kakayahan ng isang mag-aaral na pumili ng

kanyang kasuotan ay nagpapakita ng kanyang kakayahan na gumawa ng desisyon tungo

sa kanyang personal na pag-unlad (Thurston, 1970).

Sa pagbibigay ng karapatan pumili ng uniporme ay isang hakbang tungo sa

pagkakaron ng personal na pag-unlad dahil komportable sila sa sinusuot nila.

Marahil nakasanayan na nga sa ating kultura ang pagsusuot ng uniporme na may

tiyak na pagkakaiba sa mga kasarian ng mga estudyante. Lumabas din sa isang pag-

aaral noong 2007, mula sa mga mananaliksik ng Oxford Brookes University na malaki

ang ambag ng pagkakaroon ng ispisipikong pananamit sa isang paaralan dahil dito ay

hindi na nagkakaron ng problema ang mga mag-aaral sa kanilang susuotin at hindi na rin

sila mangangamba na makaharap pa ng mga pagsubok tulad ng pambubulas dahil

mayroon silang iisang kasuotan (Burgess, 2018).


Sa isang paaralan ay walang kinalaman ang estado ng buhay kaya sa pagsuot ng

uniporme ay kayang maiwasan ang pambubulas at diskriminasyon dahil parehas sila ng

saplot na sinusuot.

May mga kaso rin na ang pagkakaroon ng itinakdang uniporme ay nagiging sanhi ng

“racial division”, dahil sa mga kakailanganin upang maabutan ang mga panuntunan ng

mga bawat eskwelahan sa kung ano ba ang kanilang nararapat na suotin (Sherwin, 2015)

Hindi talaga maiiwasan ang pagkakaron ng hindi pantay na pagtrato sa magkakaibang

unipormeng sinusuot dahil may mga eskwelahan na nagtatatag ng magarbong uniporme

at may iilan na simple lang ang disenyo.

Sa isang pag-aaral naman mula sa Nevada, nakita sa isang pag-aaral na

tumatalakay sa pagsusuot ng mga mag-aaral sa paaralang panggitna na mula sa unang

pamantayan ng pananamit ay lumalabas na ang mga kababaihan ay mas pinipiling

magsuot ng mga di kaaya-ayang damit at hindi nila nais magsuot ng uniporme; nakita rin

dito na mas maraming rumerespeto sa mga kababaihan kapag sila ay nakauniporme at

konti lamang din ang napaparusahan kapag sila ay hindi nakauniporme kumpara sa mga

kalalakihan (Sanchez, 2012).

Marami din namang estudyante ang mas ninanais na magsuot ng kanilang kasuotan

na kung saan mas napapakita nila kung ano sila ngunit hindi parin matatalo nito ang

pagsusuot ng uniporme dahil mas nirerespeto ang mga estudyante lalo na sa parte ng

mga kababaihan.
Bagama’t may natatamo pa ring maganda ang mga kababaihan sa mga uniporme

nilang isinusuot, ‘di pa rin mapipigilan ang pagkakaroon ng mga opinyon at suwestyon

ang ilang mga kababaihan ukol sa uri ng kanilang uniporme. Nakasanayan na ang mga

kababaihan ay magsusuot ng palda at blusa na karaniwan ay may laso pa. Ayon sa isang

pananaliksik, ang dahilan kung bakit nararapat na magsuot ang mga kababaihan ng

palda ay upang mas kontrolado ang kanilang paggalaw lalo na ang kanilang pag-upo, ito

rin ay nagpapakita ng pagkamahinhin at pagkakonserbatibo ng isang babae (Happel,

2010).

Sa pagsuot ng uniporme ay hinuhubog din nito ang pagiging mahinhin at pagiging

elegante sa galaw ng mga estudyante lalo na sa kababaihan. Marahil dala na ito ng

kultura natin kaya ay nasanay tayong gawin at ipatupad na kapag babae ay nakapalda

at sa lalaki naman ay pantalon.

Tunay ngang ang pagsuot ng mga kababaihan ng iisang uri ng uniporme na walang

iba kundi ang pagsuot ng palda ay nakakapaglimita sa mga kagustuhan nilang gawin.

Ang paglilimita ng kanilang kasuotan sa ay nagpapakita ng mahigpit na paghubog sa

kanila dahil lamang ito ang inaasahang galaw nila sa loob ng eskwelahan (Girls' Uniform

Agenda).

Nakakatulong ito sapagkat natuturuan ang mga kababaihan upang gumalaw na

naayon sa kanilang kasarian at matutong respetuhin ang sarili sa pamamagitan ng

pagsuot ng palda dahil nalilimitahan nito ang paggalaw ng mga kababaihan. Sa pagsuot

ng palda sa kababaihan ay nakakapaghubog ito ng kanilang katauhan dahil inaasahan

na maging mahinhin at konserbatibo sila kapag suot ito.


Ayon sa isang dalubhasa sa larangan ng pag-iisip ng tao, karaniwan ay pinipili na

lamang na palda ang uri ng kasuotan ng mga mag-aral na babae dahil lamang ay

maganda at disente sila tignan mula rito, iginiit din nito na sa mga lugar kung saan mas

aktibo ang mga tao ay hindi naman makikitaan na nakasuot sila ng mga palda o bistida

kaya’t tinatawag niya itong “sexism” (Mergler, 2015).

Sexism o di pantay na trato dahil sa kasarian ay hindi marapat na payabungin bagkus

mas kaaya-aya kung pantay ang pagtrato sa babae at lalaki at mayroon silang kalayaan

upang pumili ng kanilang susuotin na uniporme ngunit kalaban nito ay ang kultura kung

kaya't mahirap ipatupad ito dahil ito ang nakasanayan ng madla.

Naging kaso na rin ang pagsusuot ng mga kababaihan ng mga damit na maaari

raw makaistorbo sa klase dahil maaaring makuha nito ang atensyon ng ilang kalalakihan,

naging kaso ito sa isang paaralan sa Texas at mas apektado raw dito ang mga itim na

kababaihan, dahil dito ay mas kakaunti ang natutunan ng mga kababaihan na ito dahil

lamang sa kanilang paraan ng pagpapakita ng kanilang sarili (Jones, 2018).

Minsan hindi maiiwasan ang mga pangyayari kung saan imbes na nakatuon ang

estudyante sa pagaaral ay mas napapansin ang pananamit ng babae dahil sa ang itsura

ng uniporme ay nakakapang-akit.

Lumabas din sa isang pag-aaral na isinigawa sa Australia na mas aktibo ang mga

kababaihan sa tuwing suot nila ang kanilang P.E uniform kumpara sa mga kalalakihan

dahil mas malaya silang nakakagalaw kung ikukumpara sa kanilang normal na uniporme

(Norrish, Farringdon, Bulsara, & Hands, 2012).


Nagiging aktibo ang mga kababaihan kapag suot nila ang kanilang P.E dahil hindi nila

kailangan mangamba sa paninilip at wala silang dapat ikahiya kahit ano pang galaw nila

dahil sa kahit anong galaw ang gawin nila ay di sila masisilipan kesa sa palda.

Sa isang paaralan sa Australia, ang mga kababaihan mula sa isang pribadong

paaralan na limitado lamang para sa kababaihan ay ipinaglaban ang pagkakaroon ng

kalayaan sa mga pagpipiliang uniporme ang shorts at pantalon (Cohen-Woods, 2018),

naging matagumpay ito pagkatapos suportahan ng NSW Education Minister.

Sa kabilang banda may mga eskwelahan parin ang binibigyan ng oportunidad ang

mga babae na maisuot ang unipormeng nais nila suotin sapagkat binigyan tuon nila ang

kalayaan sa pananamit partikular sa babae.

Isinulong na rin noong 2017, na ang mga kababaihan, dahil sila ay madalas at

malayang nakapagsusuot ng mga shorts at pantalon, ay nararapat na ring magkaroon

sila ng pagkakataon upang makapamili ng kanilang isusuot na uri ng uniporme (Hilton,

2017).

Sabi nga lahat ng tao ay may kalayaan pumili ng ninanais nila kung kayat maraming

babae ang gusto isulong ang pagkakaroon ng abilidad na pumili ng kanilang unipormeng

isusuot sa kanilang paaralan.

Nilabas na rin ng Department of Education (DepEd) sa bisa ng DepEd Order 65

s.2010, na hindi sapilitan ang pagsusuot ng uniporme sa mga pampublikong paaralan

(Echaluce, 2017).
Ipinatupad ito dahil hindi lahat ng magaaral ay kayang magkaroon ng uniporme at

dahil nga pampubliko ito ay karamihan dito ay laki sa hirap. Dito rin binigyan ng sariling

kakayahan ang mga magaaral na pumili ng kanilang nais suotin at hindi ang naitatag na

uniporme ng isang partikular na pampublikong paaralan.

Maraming babaeng estudyante ang kinakaharap ang suliranin sa pagsuot ng

kanilang uniporme dahil iilan sa kanila ay hindi sanay sa pagsuot ng palda o di

komportable sa sinusuot na uniporme kaya't ninanais ng mga mananaliksik na alamin

kung anong mas ninanais nilang suotin na uniporme.

Kahit sabihing nakasanayan na babae ang magsusuot ng palda, may iilan parin sa

kanila ang di sanay sa pagsuot nito dahil may mga unipormeng masyadong maikli o hapit

ang palda o kaya ay masyadong mainit sa katawan o masyadong makapal ang tela ng

uniporme.

Sa pagsisiyat nito ay mangyaring malaman ng mga mananaliksik ang pananaw

ukol sa ninanais na istilo sa uniporme ng mga estudyanteng babaeng nasa labing-isang

baitang ng Paso De Blas National High School at kung papalarin ay mabigyang pansin

ng kinauukulan ang mga hinaing ng mga estudyanteng nagaaral sa paaralang nabanggit.


 Burgess, D. (2018, July 2). The Schoolwear Association. Retrieved from

https://schoolwearassociation.co.uk/

 Cohen-Woods, S. (2018, July 30). EduResearch Matters. Retrieved from

Australian Association for Research in Education:

https://www.aare.edu.au/blog/?tag=girls-uniform-agenda

 DeMitchelle, T. A. (2015, December 15). The Conversation. Retrieved from

https://theconversation.com/does-wearing-a-school-uniform-improve-student-

behavior-51553

 Echaluce, C. C. (2017, June 11). Manila Bulletin. Retrieved from

https://news.mb.com.ph/2017/06/11/deped-students-uniform-not-mandatory-in-

public-schools/

 Happel, A. (2010). Ritualized girling: school uniforms and the compulsory

performance of gender. 92-96.

 Hilton, K. (2017, September 19).

 Jones, S. (2018, August 31). Education Week. Retrieved from

https://www.edweek.org/ew/articles/2018/09/05/do-school-dress-codes-

discrimate-against-girls.html

 Mergler, D. (2015, January 17). Girls wearing skirts as part of school uniform is

'gender discrimination', experts say. (N. Nielson, Interviewer)

 Salvejo, S., Colon, M., Banos, J., Bregildo, R., Roche, I., & Amancio, J. (2018).

Salik sa mga estudyante ng hindi wastong pagsuot ng uniporme ng Junior High

School sa paaralang Isabel National High School.


 Sanchez, J. (2012). Uniforms in the Middle School: Student Opinions, Discipline

Data, and School Police Data. 345-356.

 Girls' Uniform Agenda. (n.d.). Retrieved from http://girlsuniformagenda.org/why-

options-2/arguments-counter-arguments/

 Mergler, A. (2017, April 4). theconversation.com. Retrieved from

https://theconversation.com/why-do-schools-want-all-students-to-look-the-same-

75611

 Norrish, H., Farringdon, F., Bulsara, M., & Hands, B. (2012). The effect of school

uniform on incidental physical activity among 10-year-old children. Asia-Pacific

Journal of Health, Sport and Physical Education, 51-63.

 Adam Sherwin, “High Price of School Uniforms Leaves Children at Risk of

Bullying,” independent.co.uk, Feb. 24, 2015

 United States Court of Appeals for the First Circuit, Richards, Jr. v. Thurston,

ahcuah.com, Apr. 28, 1970

You might also like