You are on page 1of 34

PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO BILANG MIDYUM NG

PAKIKIPAGTALASTASAN SA LIPUNAN

Bilang pagtupad sa kahingian ng Asignaturang

Filipino 2 - 00427 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa


Pananaliksik)

MARCELINA A. BAGASALA

JAYVELYN C. MALIGDONG

DENVER A. NABLO

MARIELLE A. PACAOL

RAMELISSA C. SABIAN

Taong Panuruan 2017 – 2018


PASASALAMAT

3 0
Ang pag-aaral na ito ay napakahiarap ngunit amin itong

nalampasan sa tulong ng mga taong walang sawang sumuporta at

gumabay sa amin mula sa simula hanggang sa maisakatuparan na

naming ang aming pag-aaral. Taos puso ang aming pasasalamat sa

mga taong ito.

Sa aming mabuting guro sa pananaliksik, Gng. Marife M.

Lacaba, na kahit may maraming gawain ay walang sawa parin

siyang gumabay at tumulong sa ikatatagyumpay ng aming

pananaliksik.

Kay Dr. Arnel N. Mabingnay, na isa sa mga tumulong sa amin

upang maisakatuparan ng lubos an gaming pananaliksik. Isa siya sa

mga ekspertong aming nilapitan upang magkaroon kami ng balidong

instrumento.

Sa aming tagapayo na si G. Lemuel Karl A. Tadios, na naging

kaagapay namin sa pagsasagawa ng isang malinis na papel na kahit

nahihirapan siyang intindihin ang midyum na aming ginagamit sa pag-

aaral ay nagsumikap parin siyang kami’y tulungan.

Sa aming aktibong Direktor ng Kampus, Dr. Lourdes C.

Delmonte, na nagpahintulot sa amin na makapagsagawa ng pag-

aaral kahit sa labas ng institusyong ito.

Sa mga ulo ng bawat institusyong aming pinaglunsaran ng pag-

aaral, Bb. Jeanne C. Villanobos (Punong Guro ng WNHS), Dr.

Francis Langi (Municipal Physician RHU Paranas), at sa kagalang-

galang na Hon. Eunice U. Babalcon (Punong Lungsod ng Paranas),

3 0
sa pagpapahintulot sa amin na gawing mga kalahok ang kanilang

mga manggagawa at sa lubusang suporta na kanilang ibinahagi.

Sa mga magulang ng mga mananaliksik na lubusang

sinuportahan ang kanilang mga anak sa pagasasagawa ng ng

pananaliksik, mula sa sustento hanggang sa magagandang payo nila.

Sa mga kalahok mula sa Mataas na Paaralan ng Wright


(WNHS),

Pangkalusugang Lokal ng Paranas (RHU Paranas), at sa Gobyernong

Panglokal ng Paranas (LGU Paranas), na lubusang nakilahok sa aming

pag-aaral.

Higit sa lahat, kami ay nagpapasalamat sa Poong Maykapal na

siyang tagapagbigay ng lakas ng loob at karunungan na nakatulong

sa amin upang maisakatuparan ng lubos ang aming pag-aaral.

Mga Mananaliksik

DEDIKASYON

3 0
Una sa lahat, maraming salamat sa Poong Maykapal na siyang

lumalang at nagbigay buhay sa amin, sa aming mapagpayo at

mapagmahal na mga magulang na siyang sumuporta unang una sa

moral at pinansyal. Sa pag-aaral na ito, aming nabatid ang mga

paghihirap at sakripisyo ng isang buhay estudyante. Gayunpaman,

aming natatamasa ang karunungan na aming hinahangad,

pagkagutom, pagod at puyat ay di alintana matapos lamang nang

mahusay at matiwasay ang aklat na ito na nagbibigay inspirasyon

upang mapagtagumpayan ang hamong sinubok. Itong dedikasyon

ay alay sa inyong lahat upang magamit ninyo ang aklat na ito sa

pagtupad ng inyong mga pangangailangang may kaugnayan sa pag-

aarala na ito.

Mga Mananaliksik

3 0
ABSTRAK

Ang Wikang Filipino ay ang wikang ginagamit ng mga Pilipino,

nararapat lamang na mas maging bihasa ang mga mananalita nito

kaysa sa iba pang mga wika na umiiral sa lipunang kinasasakupan. Ang

layunin ng pagkakaroon ng pambansang wika ay ang pagkakaroon

ng pagkakaintindihan sa kapwa at ayon pa nga sa iba, ito raw ay

susi ng kaunlaran.

Sa pag-aaral na ito, binibingyang tuon ang kahalagahan ng

paggamit ng Wikang Filipino bilang midyum ng pakikipagtalastasan

sa lipunan, ito ay nagsisilbing tugon sa mga isyung kinakaharap ng

Wikang Filipino sa pag-iral nito sa lipunang kinagisnan.

Ang pag-aaral ay nabibilang sa penomenolohiyang kwalitatibong

pag-aaral na kung saan, binibigyang tuon ang mga karanasang

karaniwang nangyayari sa lipunan ng mga kalahok. Sa

pamamagitan ng mga gabay na katnungan, nakalap ang mga datos na

kinailangan sa pag-aaral. Binigyang pagpapakahulugan ng mga

mananaliksik ang mga tugon ng bawat kalahok na siyang ginawang

batayan upang makabuo ng mga tema patungkol sa pag-aaral.

Dahil ditto, tatlo ang grupo ng mga kalahok at natukoy mula sa

kanilang mga sagot sa mga gabay na katanungan ang

pinakakaraniwang tugon ng bawat grupo na lubos na nakatulong sa

pag-aaral.

Ayon sa nakalap na mga datos, lumalabas na hindi na

gaanong napapahalagahan ng mga Pilipino ang paggamit ng Wikang

Filipino sa

3 0
Lipunan na kinapapalooban ng iba’t ibang salik na nakakaapekto sa

paglaganap nito, na mula parin sa mga nagging sagot ng mga kalahok.

Narito ang ilang mga salik: paggamit ng inang wika o dayalekto,

impluwensiya ng kulturang banyaga, bilinggwalismo, globalisasyon,

at marami pang iba. Sa likod ng mga tugong ito, marami parin ang

naniniwala na ang Wikang Filipino ay makatutulong sa pag-unlad ng

ating lipunan.

Makatutulong ang pag-aaral na ito sa pagtukoy ng mga

balakid sa paglaganap ng Wikang Filipino at kung paano ito

malalampasan para lubusang mapahalagahan ang paglaganap ng

Filipino bilang wika n gating lipunan.

Note: Ang inyong abstrak ay patungkol lamang sa inyong panukalang

pananaliksik, kabanat 1 hanggang kabanata 3.

3 0
TALAAN NG NILALAMAN

PAMAGAT . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

. . . . . . i DAHONG PAGPAPATIBAY. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

. . . . . . . . . ii

PASASALAMAT . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

...... iii

DEDIKASYON . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

.....v

ABSTRAK . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

. . . . . . vi

TALAAN NG NILALAMAN

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . viii

TALAAN NG MGA TALAHANAYAN

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . xi

TALAAN NG MGA PIGURA. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

. . . xiii

KABANATA

Pahina

1. ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL

Introduksyon..........................................................................................................1

3 0
Paglalahad ng

Suliranin....................................................................................3

Teoritikal na

Balangkas.................................................................................4

Konseptwal na

Balangkas............................................................................6

Kahalagahan ng Pag-

aaral............................................................................9

Saklaw at

Delimitasyon................................................................................10

Depinisyon ng mga

Termino.....................................................................11

2. KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Kaugnay na

Literatura.......................................................................................14

Kaugnay na Pag-aaral. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

. . . . . 16

3. METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

. . . . 20

Instrumenstasyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

. . . . . 20

3 0
Balidasyon ng

Instrumento............................................................................21

Paraan ng Pagkalap sa

Bilang ng mga

Kalahok.....................................................................................21

Pamamaraan ng Pagkalap ng mga Datos . . . . . . . . . . . . . . .

. . . 22

Istatistikal na Tritment ng

Datos.................................................................22

KURIKULUM BITA. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

. . . . . 91

3 0
TALAAN NG MGA PIGURA

Pigura

Pahina

1. Konseptwal na Balangkas ng Pag-aaral. . . . . . . . . . . .

.........8

2. Pangkabuuang Sagot ng

mga Kalahok.....................................77

3 0
KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Wikang Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas. Wika ang

pinaka-pangunahing ginagamit ng tao sa araw-araw na

pakikipagsapalaran sa buhay. Sa halos 7,107 na mga pulo ng Pilipinas,

iba't iba man ang kultura, etniko, o lokal na wika, pinag-iisa tayo ng

bigkis ng lahi sa pamamagitan ng ating pambansang wika (Burdeos,

2015). Sa mga panahon ngayon, nasasapawan na ng ibang wika

ang ating wikang pambansa, marami ang mga kabataan, empleyado

at maging mga kawani ng gobyerno ang nakalilimot na Filipino ang

wikang dapat na lumalabas sa mga bibig natin.

Ang paglinang ng wika ay siyang nagbibigay buhay sa ating

sibilisasyon. Sa pagkakaroon nito ay lubusang naipapahayag ng

karamihang mamamayan ang kanilang kaisipan sa pakikipagtalastasan

at pakikipag-ugnayan.

Ngunit dala ng globalisasyon, napakarami ring mamamayan

ang nakakalimot sa kahalagahan ng wika. Sa kabila nito nananaig

pa rin ang wikang Filipino sa puso’t diwa ng bawat mamamayang

Pilipino. ‘Ika

3 0
nga ng dalubwika, “Walang tatamis pa sa kanyang sariling wika”

(thewebmaster, 2012).

Ayon sa aklat na “Ang Wikang Filipino Bilang Global na Wika”,

may mahigit kumulang 100,000 na mga Pilipino ang nasa Canada na

gumagamit parin sa wikang Filipino bilang kanilang wika sa kani-

kanilang pamamahay. At ayon pa dito, hindi lang sa Canada ang

mayroon nito, maging sa Estados Unidos, Saudi Arabia, Taiwan at

iba pang mga bansa na may naninirahang Pilipino (Santiago, 2013).

Masasabi nga natin na sa kalakaran sa ibang bansa,

kinakailangan nating gumamit ng wikang banyagang kagaya ng Ingles

ngunit bakit pa nating pag-iinglesan ang kapwa natin Pilipino kung

pareho naman tayong nakakaintindi ng Filipino. Mas mabuti pa ang

mga kalapit bansa natin, kagaya ng Hapon at Korea, sinisikap nilang

gamitin ang kanilang wika maging sa lahat ng larangang panlipunan.

Marahil ay naiimpluwensiyahan na tayo ng makabagong

teknolohiya kagaya ng soyal media kaya’t nasasanay na tayong

gamitin ang mga wikang banyaga. Ayon sa datos ng Tumblr, may

6.9 milyong Pilipino ang gumagamit ng sosyal midya at wala ni isang

social networking sites ang gumagamit ng wikang Filipino bilang

pangunahing wika, kaya’t napipilitan nalang tayong gumamit ng ibang

wika.

Sa panahon ngayon, marami nang mga Pilipino ang hindi

gumagamit ng purong Filipino sa pakikisalamuha sa kapwa, kagaya

na

3 0
lamang ng Conyo – ang pakikipag-usap gamit pinaghalong Ingles at

Tagalog na may kahawig sa Taglish, na kung saan nababahiran ng

ibang wika ang identidad ng ating wikang pambansa. Malaking

pagmamalaki sa ating bansa ang pagpapanatili sa ating wika bilang

midyum sa pakikipagtalastasan.

Paglalahad ng suliranin

Ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anu-ano ang profayl ng mga gurong tagasagot ayon sa mga

sumusunod na baryabol:

1.1 edad;

1.2 kasarian;

1.3 trabaho;

1.4 istatus ng trabaho at

1.5 pinakamataas na antas ng pinag-aralan ?

2. Ano-ano ang mga profayl ng mga empleyado sa

pangkalusugang tagasagot ayon sa mga sumusunod na

baryabol:

2.1 edad;

2.2 kasarian;

2.3 trabaho;

2.4 istatus ng trabaho at

2.5 pinakamaataas na antas ng pinag-aralan ?

3 0
3. Ano-ano ang mga profayl ng mga empleyado sa

gobyernong pang-lokal na tagasagot ayon sa mga

sumusunod na baryabol:

3.1 edad;

3.2 kasarian;

3.3 trabaho;

3.4 istatus ng trabaho at

3.5 pinakamataas na antas ng pinag-aralan ?

4. Ano-ano ang pananaw ng mga sumusunod na grupo ng

tagasagot base sa paggamit ng wikang Filipino bilang midyum

ng pakikipagtalastasan sa lipunan:

4.1 pampaaralan;

4.2 pangkalusugan at

4.3 gobyerrnong pang-lokal?

5. Ano-anong implikasyon ang maihahango sa magiging

resulta ng pag-aaral?

Batayang Teoritikal

Ang pananaliksik na ito ay higit na may kaugnayan sa isa sa mga

teoryang pangwika na tumatalakay sa paraan ng paggamit ng mga

mananalita ng isang ispesipikong wika o linggwahe. Ang teoryang

ito

3 0
ay ang Teoryang Sosyolinggwistik na tumatalakay sa kaugnayan ng

Wika at Lipunan (Shiffield Academy, United Kingdom)

Ayon sa Teoryang Sosyolinggwistik, nagiging makabuluhan

ang anumang pahayag, aksyon at salita ng isang indibidwal kung ito’y

naka konteksto sa loob ng lipunan at sinasabi ng ibang Indibidwal o

grupo. At dahil dito, nakakabuo ng iba’t ibang konteksto ang

paggamit ng wika dahil sa iba’t ibang Gawain, papel, interes,

saloobin, at pananaw na kasangkot sa komunikasyon. Sang-ayon sa

teoryang ito, isa ang Pilipinas sa mga bansang maraming katutubong

wika ang sinasalita, ito ay dahil sa arkipelago ang ating bansa. Ang

paggamit natin ng iba’t ibang katutubong wika ay hindi hadlang sa

paggamit ng Wikang Filipino sa pakikipagtalastasan sa lipunan, dahil

bahagi ng Wikang Filipino ang mga wikang ito na dapat nating

pagyamanin.

Kaugnay sa Teoryang Sosyolinggwistik, ang Teoryang

Akomodasyon na nahahati sa Linguistic Convergence at Teoryang

Linguistic Divergence ni Howard Giles (1970). Ang teoryang ito ay

hango rin sa teoryang SLA (Second Language Acquisition). Sa

Linguistic Convergence, sinasabi na nagkakaroon ng tendensya na

gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap para bigyang halaga ang

pakikiisa, pakikilahok, pakikipagpalagayang-loob, pakikisama, o kaya’y

pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo. Samantalang sa Linguistic

Divergence sinasabing pilit nating iniiba o pilit tayong hindi nakikiisa,

o kaya’y lalong paggigiit sa sariling kakayahan at identidad. Sa

Linguistic

3 0
Convergence, mahihahalintulad natin ang paggamit ng wikang

Filipino na kung saan ipinagmamalaki natin na tayo ay mga Pilipino.

Sa Linguistic Divergence maihahalintulad na rin natin ang ating

dignidad sa sariling identided na gamitin ang wikang Filipino kahit sa

mga banyaga o dayuhan (Murton, 2011).

Isa pang teoryang susuporta sa pag-aaral na ito ay ang Teoryang

Pakikisalamuha ni Revesz (1958). Ang teoryang ito ay naglalahad ng

kaugnayan ng pangangailangan ng tao na matuto ng wika upang

makipagsalamuha sa kapwa. Nangangahulugan lamang na kung ang

isang tao ay may karaniwang wika na sinasalita, marapat lamang na

matuto siya sa wikang ginagamit ng kanyang kapwa (Tropp, 2011).

Tayo, bilang mga Pilipino ay may wikang panlahat na Filipino, nararapat

lamang na gamitin natin ito sa pakikisalamuha sa kapawa dahil dito

tayo nagkakaintindihan at nagkakaisa.

Konseptwal Na Balangkas

Ang pag-aaral na ito ay tutukoy sa sitwasyong kinakaharap ng

ating pambansang wika ngayon, ang kalagayan nito bilang pagiging

midyum ng pakikipagtalastasan sa lipunan. Mapagtutuunan sa pag-

aaral na ito ang mga tugon ng mga kalahok na siyang pinakasentro ng

pag-aaral.

Ang balangkas ng pag-aaral ay patungkol sa pakasang paggamit

ng Wikang Filipino bilang midyum ng pakikipagtalastasan sa

lipunan.

3 0
Ang mga kalahok nito ay ang mga manggagawa na nagbibigay ng

publikong serbisyo sa lokal ng Paranas, Samar sa taong 2017- 2018.

Nahati sa tatlong klaster ang mga kalahok sa pag-aaral, una

ay ang mga guro ng Write National High School (WNHS), mga

pampublikong nars sa pangkalusugang lokal ng Paranas, at ang mga

empleyado sa lokal na gobyerno ng Paranas.

Kinakailangang magbigay ng tugon ang mga kalahok at ang mga

mananaliksik tungkol sa paksang pinag-aaralan. Gagawa ng pag-

aanalisa at inerpretasyon tungkol sa pag-aaral o pananaliksik na

magiging daan nito sa pagkakaroon ng magandang resulta. Ang

aasahang magiging resulta ay ang “Mapahalagahan ang Paggamit

ng Wikang Filipino bilang Midyum ng Pakikipagtalastasan sa Lipunan”.

Malalaman sa pag-aaral na ito kung gaano kadalas gamitin ng

mga manggagawa ang Wikang Filipino sa pakikipag-usap sa bisita,

kliyente, kapwa manggagawa at sa publikong pinaglilingkuran.

Matutukoy din kung ano-ano ang mga salik na nakakaapekto sa

paggamit ng Wikang Filipino sa pakikipagtalastasan. Matatasa kung

komportable ba ang mga manggagawa na gamitin ang Wikang

Filipino sa pakikipagtalastasan sa kanilang trabaho.

3 0
Napapahalagahan ang
kalagayan ng Paggamit
ng Wikang Filipino bilang
Midyum ng
Pakikipagtalastasan sa
Lipunan

Pag-aanalisa

Paggamit ng Wikang Filipino


bilang Midyum ng
Pakikipagtalastasan sa
Lipunan

Mga Guro Mga


sa Mataas Empleya
na Paaralan sa Lokal
ng Wright Gobyern
(WNHS) (LGU)

Mga
Manggagawa
sa
Pangkalusuga
ng Lokal
(RHU)

Manggagawa
Paranas, Samar
S.Y. 2017

3 0
Kahalagahan ng pag-aaral

Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga

mag- aaral na bigyang halaga ang wika sa pamamagitan ng

paggamit nito sa pakikipagtalastasan sa kapwa mag-aaral.

Malilinang ang kanilang kakayahan na maging bihasa sa sariling

wikang kinagisnan na tinatangkilik ng nakararami sa isang lipunang

may wikang pinagbabatayan lalong-lalo na yaong

nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino na kung saan

mapapaunlad nila ang kakayahang gramatikal at kabihasaan na

magsalita sa wikang Filipino.

Guro. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga guro na

pahalagahan paggamit ng Wikang Filipino sa pagtuturo, lalong-lalo

na yaong mga guro sa pagkatuto ng wika. Maiuugnay nila ang

kanilang aralin nang may epektibong pagkatuto sa mga mag-aaral

gamit ang wikang naiintindihan ng nakararami.

Empleyado sa Pangkalusugan. Ang pag-aaral na ito ay

makatutulong sa mga empleyado sa pangkalusugan ng local ng

3 0
Paranas, Samar na malaman ang kahalagahan at kagandahan ng ating

Wikang Pambansa na gamitin ito sa pakikisalamuha sa kapwa at bilang

midyum ng pakikipagtalastasan sa publikong pinaglilingkuran.

Empleyado sa Gobyernong Panglokal. Ang pag-aaral na ito

ay makapag-uudyok sa mga empleyado sa gobyernong lokal ng

Paranas, Samar na ipakita ang pagiging makabayan sa

pamamagitan ng paggamit ng Wikang Filipino sa pakikipagtalastasan

sa lipunan. Makatutulong ito upang lubos na mapahalagahan nila ang

sariling wika na gamitin ito sa kanilang gawain at trabaho.

Pangasiwaang Pangwika. Ang pag-aaral na ito ay

makapagbibigay sa mga tagapangasiwang pangwika na mas lalong

pag-ibayuhin ang pagpapalaganap at pagpapaulad sa Wikang

Filipino. Sila ay makapagmumudmod ng mga gawain sa bawat

paaralan na makapapalinang sa pagpapaunlad ng wikang pambansa.

Mga Mananaliksik sa Hinaharap. Ang pag-aaral na ito ay

makapagbibigay ng ideya sa mga mananaliksik sa kasalukuyan na

magkaroon ng sandigan sa kanilang pag-aaral. Ito ay magsisilbing

gabay para sa hakbangin sa pananaliksik na kanilang isasagawa.

Maaari nilang isaliksik ang mga salik na kaugnay sa aming pananaliksik

na hindi namin pinagtuunan sa pag-aaral.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral.

3 0
Ang pokus ng pag-aaral na ito ay tungkol sa paggamit ng

Wikang Filipino sa pakikipagtalastasan sa lipunan na nangangailangan

ng masigasig na pangangalap ng mga impormasyon at datos upang

mapagtuunan ang mga pananaw ng mga respondent sa paksang

pinag-aaralan. Nakapaloob sa pag-aaral na ito ang kaibahan ng mga

propayl ng bawat respondente sa isa’t-isa at ang kaugnayan ng mga

ito sa pananaw nila sa paggamit ng Wikang Filipino bilang midyum sa

pakikipagtalastasan sa lipunan. Ang pag-aaral na ito ay tutugon sa

mga manggagawa ng Paranas, Samar sa taong 2017 – 2018.

Kahulugan ng mga Termino

Ang sumusunod na mga terminong ginamit sa pag-aaral ay

binigyang kahulugan mula sa diksyunaryo at gamit nito.

Acquisition – ang pagkatuto o pagpapaunlad ng isang

kakayahan, Gawain o kalidad (Dictionary.com Unabridged, 2018:

www.dictionary.com). Ayon sa gamit nito sa aming pag-aaral, ito ay

nangngahulugang pagtatamo ng isang kakayahan kagaya ng

kakayahan sa pagkatuto ng wika.

Akomodasyon – ang pagbibigay ng kailangan o kagustuhan

para sa kaginhawaan o kaluwagan (American Heritage Dictionary of

the English Language, 2011: www.englishdictionaries.com). Bilang

gamit sa pag-aaral na ito, ito ay nangangahulugang pagbibigay puna

3 0
sa kakulangan o kagustuhan na gumamit ng isang bagay kagaya ng

wika.

Bilinggwalismo – ang paggamit ng dalawang wika sa pakikipag-

usap (Merriam-Webster Dictionaries, 2018: www.merriam-

webster.com)

Convergence – isang pangyayari na kung saan ang dalawa o

higit pang bagay ay nagsama-sama para makabuo ng isang

panibagong bagay (Merriam-Websters Dictionary, 2018: www.merriam-

webster.com). Base sa gamit nito sa pag-aaral, ito ay ang pakikilahok,

pakikiisa o pakikisama upang makisalamuha o maging makabuluhan

ang sarili sa mga kasama.

Divergence – ang pag-iiba sa kung ano ang nararapat

(vocabulary.com Dictionary, 2018: www.vocabulary.com). Ayon sa pag-

aaral na ito, ito ay ang pilit na pag-iiba o di pakikiisa sa kasama.

Globalisasyon – Ito ang pagiging parte sa umiiral na ugnayan

sa ibang bansa (Dictionary.com Unabridged, 2018:

www.dictionary.com). Base naman sa gamit nito sa pag-aaral, ito ay

nangangahulugang ang maging konektado sa labas ng bansa, kagaya

ng pagtratrabaho roon.

Linguistic – Anumang may kaugnayan sa wika (Oxford

Dictionary, 2018: en.oxforddictionaries.com) Ayon sa pag-aaral, ito ay

3 0
nangangahulugang anumang bagay na may kinalaman sa pag-usbong

ng wika o ang kabuuan nito.

Pakikipagtalastasan – karaniwang pangyayari sa aspektong

pangwika (Chomsky, 2000). Ayon naman sa gamit nito sa pag-aaral,

ito ay ang pakikipagsalamuha sa kapwa gamit ang wika.

Sosyolinggwistik – kaugnayan ng wikang ginagamit ng mga

tao sa isang lipunan (Cambridge Dictionary, 2017:

www.cambridgedictionaries.com). Sa pag-aaral na ito, ito ay

nangangahulugang ang pagiging parte ng lipunan sa paggamit ng tao

sa wikang mayroon sila.

Sosyal – ang pakikisalamuha ng isang tao sa kanyang lipunan

(Merriam-Webster Dictionary, 2018: www.merriam-webster.com). Ayon

naman sa pag-aaral, ito ay nangangahulugang ang pakikipagsapalaran

ng isang indibidwal sa kanyang lipunan.

3 0
KABANATA 2

REBYU SA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura

Makulay at makapangyarihan ang wikang Filipino kung

ikukumpara sa ibang wika. Sadyang napakasarap pakinggan ng ating

pambansang wika kung gagamitin lamang sa tama ng tagapagsalita.

Batid sa ating lahat na may suliranin pagdating sa usaping pangwika

dito sa ating bansa sapagkat mas tinatangkilik ang wikang banyaga.

Kahit saan ka magawi ay maririnig mo ang hindi wastong paggamit ng

3 0
ating wika maging sa mga establisyemento propesyunal. Ngunit

mayroon pang pag-asa sa kabila ng lahat ng ito. Hanggat buhay sa

bawat Pilipino ang kanyang pagmamahal sa wikang pambansa, mas

mapapaunlad pa natin ang ating wika (Manibo, 2016).

Subalit, ayon sa artikulo ni Santos (2016), may isang malaking

balakid sa pa-unlad ng wikang Filipino, at yun ay ang idendtidad. Sa

manwal na inilimbag ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na

“Pagpaplano ng Wika at Filipino”, isinalaysay ang madugong

kasaysayan kung paano humantong ang wikang Filipino sawikang

pambansa at ang kinabukasa ng ating wika at nakapaloob sa manwal

na ito kung bakit identidad ang nagging malaking suliranin.

Pagkakakilanlan o identidad ang pinaka-pangunahing problemang

kinakaharap ng ating wika, ngunit mawawala at malulutas ang

suliraning ito sa pamamagitan ng pag-iintindi sa kasaysayan ng

wikang Filipino na hindi lamang Tagalog ang kinapapalooban ng ating

wikang pambansa datapwat ito ay ang buong mga wikang nagmula

mismo sa ating kultura na ginagamit at patuloy na pinapaunlad ng mga

Pilipino.

Sa kalagayan naman ng pagtuturo, inilahad ni Senador Edgardo

Angara, chairman ng Senate Committee on Education (2015), mas

mainam gamitin ang sariling wika sa pagtuturo, lalo na sa mga batang

nagsisimula palang mag-aral. Mas mahalaga raw ang hakbang na ito

sa identidad ng bansa, sa katunayan nga raw ay may mga bansang

hindi naman gaanong kahusay magsalita ng Ingles pero ang ang

3 0
kanilang kompetensi at achievement rates sa Agham at Matematika ay

mataas. Isinulong niya na gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo

na umani ng iba’t ibang pahayag mula sa mga guro at mga

mambabatas (Fernandez, 2015).

Ang Filipino, bilang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay patuloy na

pinapaunlad at pinapalaganap sa buong bansa. Taong 1946 pa lamang

ay malayo na ang narating ng Wikang Pambansa bilang instrumento sa

pakikipagtalastasan o komunikasyon. Nangangahulugan lamang na

ang paggamit ng wikang Filipino ay napapanatili parin ng mga

mananalita nito at mas napapahalagahan pa nila ito (Jocson et. al.,

2014: 83).

Ayon pa kay Jarguilla (2012), ang pagkakaroon ng wikang

pambansa ay nagpapatunay na mayroon tayong sariling wikang

maipagmamalaki. Kaylangan natin itong gamitin, mahalin, at higit sa

lahat ay huwag nating ikakahiya ang ating wikang Filipino. Ito ang

wikang nagbibigay sa atin ng sariling kasarinlan, kalayaan at dignidad

na maging isang lipunan na may dugo at lahing pagka-Pilipino. Huwag

nating kakalimutang gamitin natin ito kasabay ng pag-unlad ng ating

bansa.

Sa kabuuhan nito, masasabi sa pag-aaral na ito na ang wikang

Filipino ay kailangang umunlad kahit na may maga balakid sa likod ng

pag-usbong nito. Ang mahalin, tangkilikin, kilalanin at ipagmalaki ang

3 0
wikang Filipino ay ang mas magpapabuhay at magpapalaganap sa

wikang ito hanggang sa hinaharap.

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon sa pag-aaral nina Gamoso, et.al., (2017) na pinamagatang

“Wikang Filipino: Sangkap sa Pagpapakilala ng Kultura”, nabanggit ni

Imelda De Castro, propesor sa Unibersidad ng Santo Tomas, ang

kahalagahan ng tamang estruktura at gramatika sa Filipino upang

makamit ang estandardisasiyon ng wika tungo sa mas progresibo at

modernisadong Wikang Filipino.

“Ang wika ay kailangang sumulong sa tinatawag na transpormasiyon

para maka-adapt ito sa [pagbabago ng] panahon,” ani De Castro.

Ang pag-aaral nina Gamoso, et.al., ay lubos na may kaugnayan

dahil ito ay tumutukoy sa kung paano ngaba mapapaunlad ang Wikang

Pambansa na siya ring layunin ng pag-aaral na ito.

Ayon naman sa pag-aaral nina Demetrio III at Felicilda (2015) na

pinamagatang “Ang Ugnayan ng Wika, Pananaliksik at,

Internalisasyong Akademiko”, ang wika at pananaliksik ay tunay na

magkaugnay, dahil mataas na antas ng pag-iisip ang kailangan sa

pananaliksik. Kapag sinayang ng isang bansa ang edukasyong

elementarya at sekundarya sa paglustay ng panahon para matutuhan

ang Ingles, sa halip na turuan ang mga mag-aaral gamit ang wikang

pambansa sa pag-aaral sa matematika, agham, teknolohiya, at iba pa,

3 0
mahiihirapan ang mga mag-aaral na manaliksik nang may sentrong

pag-iisip sa mataas na antas ng edukasyon. Kapansin-pansin pa raw

na ang mga karatig bansa na nangunguna sa pananaliksik ay may

kanya- kanyang polisiya tungkol sa paggamit ng una at pamabansang

wika.

Ang pag-aaral nina Demetrio III at Felicilda ay lubos na may

kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral, dahil bahagi ng lipunan, ang

pananaliksik na siyang pinkabasehan sa pag-aaral kung paano

mapapaunlad ang lipunan, subalit ang pinagkaiba ng dalawa ay ang

pagkakaroon ng pagtutulad sa ibang bansa na hindi sakop ng pag-

aaral na ito.

Ayon naman sa pag-aaral ni Asuncion (2014), na pinamagatang

“Wikang Filipino: Tanglaw sa Pag-unawa sa ating Edukasyon”, nalaman

niya na sa edukasyon, marami ang nahihirapan sa mga asignaturang

matematika, agham, at teknolohiya. Ayon pa nga sa resulta,

kinakailangan na raw nating gumamit ng wikang Filipino bilang

instrument upang maihayag nang mabuti ang iba’t ibang aspekto sa

mga asignaturang ito. Upang maintindihang mabuti ng mga mag-aaral

ang mga impormasyong makukuha natin dito.

Ang pag-aaral ni Asuncion ay kaugnay sa kasalukuyang pag-

aaral dahil sa layunin rin nitong mapahalagahan ang paggamit ng

Filipino sa pakikipagtalastasan subalit, kanyang binibigyang tuon

lamang ang dahilan kung bakit dapat nating gamitin ang Wikang

Filipino, samantalang sa pag-aaral na ito, kinikilala kung ano-ano

ang mga

3 0
dahilan kung bakit hindi na masyadong nagagamit ang Wikang Filipino

nang malawakan at kung paano ito malalampasan.

Ayon kay Peña (2014) sa kanyang pag-aaral na pinamagatang

“Wikang Filipino: Hininga, Kapangyarihan at Puwersa”, sa landas na

tinatalunton natin bilang mga Pilipino, dapat magkaisa tayo. Tigilan na

ang kolonyal na pag-iisip na nagpapabagal sa pag-unlad ng identidad

at karunungan nating mga Pilipino. Kung may naiaambag man ang

kasalukuyang administrasyon sa pagpapalakas ng sariling wika, huwag

lang doon umasa, higit dapat tayong maging malakas bilang mga

Pilipino. Magiging malakas tayo kung mananatiling matatag ang ating

sariling wika dahil idiniin ni Lumbera, “Parang hininga ang wika, sa

bawat sandali ng buhay natin ay nariyan ito.”

Ang pag-aaral ni Peña ay lubos na may kaugnayan sa

kasalukuyang pag-aaral dahil sa ito ay tumutukoy sa kung bakit natin

kailangan pahalagahan ang Wikang Filipino na siya ring pinakasentro

ng pag-aaral.

Sa kabuuan, naniniwala si Lucas na malayo na ang narating ng

wikang Filipino at tunay nga na marami pa rin sa atin ang nagkakamali

at marahil dahil narin sa paniniwala nitong flexible ang ating wika

ngunit para sa kanya, mahalaga pa rin ang na pagsasaalang-alang sa

pamantayan nito pasulat o pasalita man.

“Mahalaga ang pamantayan (sa wikang Filipino) dahil marami

pang mga Pilipino ang mag-aaral nito, marami pang mga dayuhan ang

3 0
paiibigin nito at marami pa tayong pag-aaralan sa kung gaano ito

kalalim at gaano ito kahalagang sangkap ng ating kultura at lipunan,”

pagtatapos ni Lucas (Heremia, 2013: Ang Wikang Filipino Bilang Wika

ng Kaunlaran).

KABANATA 3

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

3 0
Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nauuri sa Penomenolohiyang

Kwalitatibong disenyo at pamamaraan na kung saan binibigyang tuon

ang pag-aaral sa karanasan ng mga respondente ukol sa Paggamit ng

Wikang Filipino Bilang Midyum ng Pakikipagtalastasan sa Lipunan. Sa

pamamagitan nito nalikom ang mga datos gamit ang mga karanasang

binigyang pagpapakahulugan na karaniwang nangyayari sa lipunan.

Ang pag-aaral ay isang penomenolohiyang kwalitatibong disenyo

at pamamaraan dahil binibigyang tuon rito ang karanasan ng mga

kalahok na siyang magiging basehan upang matukoy nang lubos ang

inaasahang tugon sa pag-aaral.

Instrumentasyon

Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng pakikipanayam bilang

instrumento sa pangangalap ng mga datos na kakailanganin sa pag-

aaral. Sa pamamagitan ng mga gabay na katanungan, naisakatuparan

nang lubos ang pakikipanayam. Dahil sa buong-buo ang mga

katanungan, madaliang ipinamahagi sa mga kalahok ang mga

instrumento at binigyan sila ng sapat na oras para sagutan ang mga

katanungan. Kasama sa instrumento na ito ang mga propayl ng bawat

respondente tulad ng pangalan, edad, kasarian, trabaho, istatus ng

trabaho at pinakamataas na antas ng pinag-aralan.

3 0
Balidasyon ng mga Instrumento

Naging katanggap-tanggap ang instrumento sa pamamagitan ng

pagapapasuri sa mga nabuong katanungan ng mga mananaliksik sa

mga eksperto. Binigyang suhestyon ng bawat eksperto ang mga

katanungang iprenesenta ng mga mananaliksik at inayos ang mga ito

hanggang sa maging balido. Ang tatlong eksperto ay sapat na upang

mapatunayan na katanggap-tanggap ang instrumento.

Paraan ng pagkalap sa bilang ng mga Kalahok

Inalam ng mga mananaliksik ang kabuuang bilang ng aming

target na mga kalahok, aming naidentipika na may tatlumpo (30) sa

pangkalusugan, limampo (50) sa pampaaralan at tatlumpo (30) sa

gobyernong panglokal. Sinubukan naming gamitan ito ng “simple

random na pamamaraan”, ngunit dahil sa labis na dami ng mga

kalahok para sa isang penomenlohiyang pag-aaral, ginawa na lang

naming patas ang bawat bilang ng mga naging kalahok sa bawat

klaster. Pinagbatayan namin ang inirekomenda ni Creswell (1998) na

sapat na ang lima (5) hanggang dalawamputlima (25) ang bilang ng

mga kalahok para sa isang penomenolohiyang pag-aaral kaya’t naging

apatnaput-lima ang mga kalahok ng pag-aaral, labinlima (15) sa bawat

klaster.

Pamamaraan ng Pagkalap ng mga Datos

3 0
Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng mabusising

pangangalap ng mga datos upang matugunan ang mga

pangangailangan sa pag-aaral. Sa pamamagitan ng pakikipanayam,

naibahagi ng mga respondente ang kanilang karanasan ukol sa

paggamit ng Wikang Filipino bilang midyum ng pakikipagtalasan sa

lipunan. Upang mas mapadali ang pagkalap ng mga datos,

ipinamahagi nalang ng mga mananaliksik ang mga gabay na

katanungan sa mga kalahok at binigyan sila ng sapat na oras para

makapag-isip at tugunan ang mga katanungan. Ang paglalarawan ng

mga respondente sa kanilang karanasan ay lubos na makatutulong

upang maging matagumpay ang pag-aaral.

Nangalap din ang mga mananaliksik ng mga impormasyon mula

sa mga aklat na may kaugnayan sa paggamit ng wika at mas

mapapalawig pa nila ito sa pamamagitan ng paghahanap ng mga

impormasyon mula sa internet o social media.

Tritment ng Datos

Ang mga nakalap na mga datos ay dumaan sa mabusising pag-

aanalisa at interpretasyon. Sa pamamagitan ng tematikong pag-

aanalisa, nabaha-bahagi ang mga tugon ng mga kalahok sa

labintatlong (13) tema at hinati naman ito sa dalawang kategoriya.

Ang mga datos ay binigyang pagpapakahulugan ng mga

mananaliksik sa pamamagitan ng pagkuha ng pinakapangunahing

3 0
ideya sa bawat sagot ng mga kalahok hanggang sa makabuo ng

samutsaring mga ideya na ginamit sa pagsagot sa suliranin ng pag-

aaral. Kinuha rin ng mga mananaliksik ang pinakakaraniwang tugon ng

mga respondente sa paksa ng pag-aaral.

3 0

You might also like