You are on page 1of 2

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pananaw ng mga ilang estudyante na hindi

nagsusuot na tamang uniporme sa nasabing paaralan. Ang pag-susuot ng uniporme sa


paaralan ay isa sa mga palatuntunan ng ating paaralan. Ito ay palatuntunan na
kinakailangang sundin ng lahat maging estudyante man o mga guro. Mahalaga ang pag
susuot ng uniporme para sa bawat isa dahil dito makikita kung gaano ka dapat
irespeto ng kapwa mo mag-aaral o guro. Ang pag susuot din ng uniporme ng isang
estudyante ay nag papatunay na ikaw ay isang mag aaral. Nais siyasatin ng mga
mananaliksik kung ano ang nilalaman ng isipin ng mga estudyante kung bakit hindi
sila nagsusuot ng wastong uniporme sa loob ng nasabing paaralan. Napili ng mga
mananaliksik ang paksang ito dahil na rin sa direktang obserbasyon na hindi lahat
ng mag-aaral o estudyante sa nasabing paaralan ay nagsusuot ng preskribong uniporme
na inirekomenda ng paaralan
Ang kasuotan ng estudyante ay dapat na sumasalamin bilang paggalang para sa mga
paaralan bilang isang institusyon.

Si Todd A DeMitchell, Propesor ng Edukasyon, at Propesor ng Pag-aaral ng


Katarungan, ang Unibersidad ng New Hampshire ay nag-aaral ng mga ligal na mekanismo
na nakakaapekto sa mga paaralan at kolehiyo. Ang kanyang pangunahing pokus ay sa
batas sa edukasyon at mga relasyon sa paggawa. Ang kanyang huling dalawang libro,
co-authored na may Richard Fossey, na nakatutok sa mga code ng paaralan dress
(2014) at mga uniporme ng paaralan (2015).

Ayon sa US Department of Education, ang suot na uniporme ay maaaring bawasan ang


panganib ng karahasan at pagnanakaw, makapagturo ng disiplina at makatulong sa mga
opisyal ng paaralan na kilalanin ang mga manloloko na pumupunta sa paaralan.
Bilang isang dating guro, punong-guro at superintendente at ngayon ng isang
patakaran at batas scholar, ako may pag-aalinlangan tungkol sa mga tulad claims.
Ang pananaliksik sa mga epekto ng mga uniporme sa paaralan ay lumalabas pa rin. At
ang mga natuklasan sa epekto ng mga uniporme sa paaralan sa pag-uugali ng mag-
aaral, disiplina, koneksyon sa paaralan, pagdalo at pang-akademikong mga nadagdag
ay ang pinakamahusay na halo-halong.

Sabi nga ni Bishop Mallari (2016), ang uniporme ay nakatutulong upang mapanatili
ang pagkakakilanlan at ang no uniform policy ay sadyang mas magastos sa mga
estudyante. Isipin na lamang natin kung walang uniporme, ang mga estudyante ay
magkakaroon ng iba’t ibang klase ng pananamit na hindi malabong magpapakita sa
estado nila sa buhay hindi katulad ng may uniporme, ang mga estudyante ay pantay
pantay at nagkakaroon pa ng pagkakaisa. Ang pagkakaisang ito ay makatutulong sa
pagtiyak ng kanilang seguridad at mas madaling makikilala na ang batang iyon ay
parte sa ganitong organisasyon. Panghuling punto ay ang pagsusuot ng uniporme ay
paghahanda sa mga estudyante sa tunay na takbo ng buhay at iyon ang pagiging
propesyunal. Bawat propesyon ay may kaniya kaniyang unipormeng nagpapakita ng
kanilang kaibhan sa iba pang propesyon tulad na lamang ng doctor, empleyado sa
opisina, maging ang mga guro. Na tulad lamang sa isang paaralan ay may sari-sarling
uniporme na nagpapakita ng natatanging pagkakakilanlan mula sa iba pang paaralan.

Ang pagsuot ng uniporme ay sinasabing unang nakita sa bansang Inglatera noong 1222
(Meleen, 2015). Samantala wala namang kasiguraduhan kung kailan unang naipatupad
ang pagsusuot ng uniporme sa bansang Pilipinas. Gayunpaman, patuloy na nagaganap
ang pagsusuot ng uniporme sa eskwelahan sa ating bansa. Ngunit kahit patuloy ang
pagtangkilik ng iba sa uniporme, mayroon naman ang hindi sang-ayon dito at
sinasabing ang uniporme ay pabigat lang sa estudyante at sa magulang nito. Ako ay
lubusang tumututol sa mga taong nagsasabi nito at naniniwala ako na ang pagsuot ng
uniporme sa eskwelahan ay mas nakabubuti sa mga estudyante.

Ayon sa BUHAY NG TEACHER (2017) sa bawat suot na uniporme ang pagkakakilanlan ng


isang unibersidad kung saan bitbit naman ng mag-aaral ang pangalan ng pinapasukan
niyang eskuwelahan o pamantasan.
Ang pagsusuot ng uniporme ay malaking tulong din para makatipid hindi lamang para
sa estudyante kundi higit sa mga magulang kung saan isa rin itong paraan upang
maging safe at komportable ang isang mag-aaral sa pamamalagi nito sa paaralan.Sa
pamamagitan ng pagsusuot ng school uniform ay nakakatipid sa oras bago pumasok ang
isang estudyante dahil hindi na ito maglalaan pa ng oras para pumili ng kanyang
susuotin. Bukod dito’y mas madaling protektahan o tiyakin ng mga awtoridad ang
kanilang seguridad kung sila ay naka-uniform.
Higit sa lahat ay matatanim sa isipan ng bawat estudyante ang pagkakapantay-pantay
sa buhay dahil hindi sukatan sa pag-aaral ang presyo o tatak ng suot na damit, sa
halip ay mabibigyan pa ng sapat na lakas ng loob ang isang indibidwal na harapin
ang kapwa niya mag-aaral o sino pa mang makakasalamuha nito.

You might also like