You are on page 1of 1

Ang Mundo sa Gitna ng Pandemya

Ang mundo ay biglang nagbago


Sa pandemyang kinahaharap nito
Mga nakasanayang gawain
Tila kasalanang dapat pigilin

Maraming buhay na ang lumisan


Dulot ng “virus” na ating kalaban
Paano nga ba ito nagsimula?
Paano ito maaantala?

Kung akin lang nababatid


Mga sagot sa katanungang nabanggit
Agad itong ipapahiwatig
Mailigtas lang ang ating daigdig.

Tula ni: JESTONI S. GERONIMO


Guro I-Cutcut Elementary School

You might also like