You are on page 1of 2

Hindi Mandatoryong Pagsusuot ng Uniporme sa Pampublikong Paaralan

Ang pagsusuot ng uniporme ay isa sa mga bagay na nakaugalian nang gawin ng mga
estudyante alinsunod sa mga patakaran na ipinapatupad sa iba’t ibang paaralan sa ating bansa.
Ang kagawaran ng Edukasyon ang nagbaba ng kaukulang order tungkol sa wastong pagsusuot
ng pampaaralang uniporme na nailahad sa DepEd Order 46, s. 2008. Ayon dito, ang pagsusuot
ng polo para sa mga lalaki, at blusa at palda naman sa babae, ay ipapatupad sa elementarya at
sekondaryang paaralan. Dagdag pa dito, sinasabi din sa order na ang uniporme ay hindi dapat
maging ugat ng dikriminasyon at karahasan lalong lalo na sa mga estudyanteng may mas
mababang antas ng pamumuhay.

Subalit, dahil sa pandemya na nangyari halos tatlong taon na ang nakakalipas,


nagpasya ang DepEd na maglabas ng bagong order na kaugnay ng pagsusuot ng uniporme.
Ayon sa pahayag ng Department of Education (DepEd) Secretary at Vice President Sara
Duterte-Carpio, hindi na raw mandatoryo ang pagsusuot ng uniporme ng mga estudyante sa
mga pampublikong paaralan ngayong panuruang taon 2022-2023. Aniya, sa gitna ng patuloy na
pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa ay magiging dagdag gastusin lamang
ito bawat pamilya.

Ayon kay Ian Bautista (2016), ang hindi raw pagsuot ng school uniform ay makatutulong
sa magulang ng estudyante na magtipid ng pera at naaabala lamang daw sa paglalaba ang
pagkakaroon ng uniporme. Para naman kay Dave Anderson (2015) ang uniporme daw ay
pumipigil sa mga estudyante na piliin ang ‘dress code’ na nais nila at ang uniporme daw ay
sadyang ‘boring’.

Kung ating pakalilimiin, ang pagbili ng uniporme ay maaaring isang beses lamang na
nagaganap sa buong taong panuruan at kung maingat sa uniporme, ay aabot ng higit pa sa
isang taon lalo na’t hindi naman pabago bago ang istilo ng uniporme. Siguro nga’t ang iba ay
‘wash and wear’ sa kanilang uniporme ngunit kung hindi ipapatupad ang pagsusuot ng
uniporme ay higit na mahihirapan ang mga estudyante na pumili ng dapat nilang suotin sa loob
ng paaralan. Ito ay dahil sa iba’t ibang dahilan gaya ng pagnanais na makasunod sa uso o kaya
ay kawalan ng maayos na damit. Bilang resulta, ay mas mao-obliga sila na bumili at gumastos
para sa kanilang kasuotan. Dagdag pa dito, ang pagnanais na sumunod sa sariling ‘dress code’
ay hindi malayong magresulta sa pagsusuot ng mga damit na hindi naman angkop sa loob ng
paaralan at maaring magdulot ng diskriminasyon. Ika nga, ang mga paaralan ay hindi naman
lugar upang magmodel at ibida ang ating pangangatawan o antas ng pamumuhay sa
pamamagitan ng kasuotan. Itinayo ang mga istitusyong ito upang itaas angating dignidad sa
pamamagitan ng pagkakatutong intelektwal at moral. Mas nakabubuti sa estudyante ang
pagsuot ng school uniform sapagkat unang una nakaiiwas ito sa pang-aapi. Tulad nga ng
nabanggit kanina, kung walang school uniform magkakaroon ng presyur sa mga estudyante na
magpalit palit ng kanilang mga kasuotan dahil kung hindi nila gagawin iyon ay tutuksuhin sila ng
mas nakaaangat sa kanila o maging ang kanilang mga kaibigan.

Ayon naman sa pananaliksik na isinagawa nina Salvejo at Colon noong 2018, ang
pagsuot ng uniporme ay isang malaking obligasyon bilang isang estudyante dahil sa ito ay
isang alituntunin o batas na ipinapatupad ng isang paaralan o unibersidad upang makilala ang
isang institusyon. Ito ay nagpapakita ng pagiging maayos at displinado sa pagsunod sa mga
alituntunin at patakaran ng paaralan. Mahalaga ang pagkakaroon ng uniporme sapagkat ito ay
sumisimbolo sa bawat paaralan na kinakatawan ng mga mag-aaral. Maging ito ay isang
tradisyonal na kasuotan hindi lamang upang makilala ang paaralan kundi ito din ang nag-
uudyok upang maihanda ang sarili at isipan sa pag-aaral.

Dagdag pa sa mga ito, masasabing mahalaga ang uniporme dahil ito ang nagbibigay ng
pagkakakilanlan, pagkakaisa at seguridad hindi lamang sa estudyante kung hindi pati na rin sa
mga eskwelahan. Sabi nga ni Bishop Mallari (2016), ang uniporme ay nakatutulong upang
mapanatili ang pagkakakilanlan at ang no uniform policy ay sadyang mas magastos sa mga
estudyante. Isipin na lamang natin kung walang uniporme, ang mga estudyante ay
magkakaroon ng iba’t ibang klase ng pananamit na hindi malabong magpapakita sa estado nila
sa buhay hindi katulad ng may uniporme, ang mga estudyante ay pantay pantay at
nagkakaroon pa ng pagkakaisa. Ang pagkakaisang ito ay makatutulong sa pagtiyak ng kanilang
seguridad at mas madaling makikilala na ang batang iyon ay parte sa ganitong organisasyon.
Panghuling punto ay ang pagsusuot ng uniporme ay paghahanda sa mga estudyante sa tunay
na takbo ng buhay at iyon ang pagiging propesyunal. Bawat propesyon ay may kaniya kaniyang
unipormeng nagpapakita ng kanilang kaibhan sa iba pang propesyon tulad na lamang ng
doctor, empleyado sa opisina, maging ang mga guro. Na tulad lamang sa isang paaralan ay
may sari-sarling uniporme na nagpapakita ng natatanging pagkakakilanlan mula sa iba pang
paaralan.

Bilang konklusyon, ang pagsuot ng uniporme sa paaralan ay tunay na nakabubuti sa


estudyante maging sa paaralan at magulang nito. Marapat lamang na tangkilikin pa rin ito nang
tuluyang magkaisa at masiguro ang seguridad ng bawat estudyante.

Sanggunian:

(1) https://kids.lovetoknow.com/wiki/History_of_School_Uniforms

(2) https://ianzigen.wordpress.com/2016/02/28/ang-pagsusuot-ng-uniporme-sa-eskwelahan-
ay-hindi-dapat-argumentatibo/

(3) https://www.listland.com/top-10-reasons-school-uniforms-should-be-banned/

(4) https://www.veritas846.ph/no-uniform-policy-mas-gastos-sa-mga-estudyante-bishop-
mallari/

(5) https://enthusairastic.wordpress.com/2018/03/21/

(6) https://pia.gov.ph/news/2022/08/11/deped-says-uniform-optional-in-public-schools

(7) https://www.deped.gov.ph/2010/05/19/do-65-s-2010-general-guidelines-on-the-opening-
of-classes-including-collection-of-school-contributions-enrolment-student-uniforms-and-
release-of-mooe/

You might also like