You are on page 1of 8

EDITORIAL ARTICLES / NEWS

FACEMASK, NO MORE?!
Naglabas ng executive order si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagpapahintulot sa
boluntaryong pagsusuot ng face mask sa loob ng pribadong trabaho sa buong bansa sa gitna ng pandemya
ng COVID 19 ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE). Maraming mga Pilipino ang
nagalak nang ipinatupad ng Pangulo ng executive no. 7. Subalit ngayon, matapos ang matinding
pandemya hindi pa rin tuluyang naglaho ang virus sa ating bansa.
Sinabi ng DOLE na ang mga employer ay maaaring magtupad ng isang patakarang
nangangailangan ng pagsuot ng face mask depende sa mga panganib na naroroon sa lugar ng trabaho,
tulad ng sa mga opisina na nakapaloob o may mahinang bentilasyon o mga opisina na may mataas na
insidente ng mga nakakahawang sakit.
Sa ilalim ng kautusan, isang kopya na inilabas ng Palasyo, dapat paring magsuot ng mga mask sa
loob ng mga healthcare facility, medical transport vehicle, at pampublikong transportasyon. Alam naman
natin na ang karamihang transportasyon ay crowded na lugar lalo na sa pampublikong transportasyon,
kaya’t ang Palasyo ay naisipang sa pribado lamang ito ipapatupad.
Higit pa rito hinihikayat parin ng ahensya ang pagsuot sa mga matatanda, immunocompromised,
mga buntis, hindi nabakunahan, mga taong may kumorbilidad at mga indibidwal na nagpapakita ng mga
sintomas ng tulad ng trangkaso na patuloy na magsuot ng mga face mask. Sila ang mga “easy to get” o
madaling mahawaan na mga mamamayan kaya’t inirerekomeda ng DOLE ang pagsusuot ng face mask.
Ipagpatuloy ang mga nakasanayang gawi tulad ng pagsunod ng mga health protocols habang
hindi pa tuluyang lumaho ang COVID – 19. Ito ang pinakamabisa’t nararapat na isagawa nang sa gano’y
maiwasan ang pagkakahawa ng nasabing virus.
By: Joshua R. Magno
GINTONG SIBUYAS
Maraming mamamayan ang naiiyak sa nangyayaring pagtaas ng presyo ng Sibuyas. Ang presyo
ng sibuyas ay umabot na sa 720 pesos kada kilo. Sino ang hindi maiiyak sa presyong ganito? Sagana ang
bansa sa taniman ng sibuyas kaya hindi na maganda ito. Maraming nagtatanim nito lalo na sa hilagang
bahagi ng Luzon. Hindi kapani – paniwala pero maraming palengke ang mahal ang sibuyas. Dinaig pa
ang sibuyas ang presyo ng karne ng mga baboy. Noon ang inirereklamo ay ang mataas na presyo ng
karne, pero ngayon sibuyas na ang inirereklamo dahil sa pagkataas – taas ng presyo nito.
Ayon sa mga bali – balita ay may maitataas pa din ang presyo ng mga sibuyas sa mga susunod na
araw o buwan. Ano na ang nangyayari? Bakit pataas nang pataas ang presyo ng mga sibuyas kung ano
nalang ang idikta ng mga nagtitinda sa mga palengke ay yun na yun ang nasusunod? Nag isyu ang
Department of Agriculture (DA) ng price cap sa sibuyas ng 250 pesos bawat kilo. Subalit marami pa din
ang umaberya dahil mahal pa rin ito.
Nang lomobo ang pagmahal ng mga Sibuyas sa bansa, ang anunsyo ng mga taga – DA sa publiko
ay huwag na muna saw bumili ng mga kilo – kilo kundi kung ano lang daw na muna ang kailangan,yun
lang daw muna ang bilhin.
Ibinunyag no Senador Cynthia Villar Chairman ng Senate Committee on Agriculture Food and
Agrarian Reform. Ito raw ay kagagawan umano ng Kartel ang mataas na presyo at kakapusan sa supply
ng sibuyas. Ayon kay Villar, noong 2013 pa nila natukoy ang Kartel at siyang binabarat ang mga
magsasaka ng mga namimili ng Sibuyas.
Kailangan na sa lalong madaling panahon ay gawan na nang gobyerno ng paraan o hanapan ng
solusyon ang pangyayaring ito, dahil marami nang mamimili ang nagrereklamo,dahil sa sagad – sagad na
presyo ng Sibuyas sa bansa. Nakakaiyak na ang problems sa sibuyas.
By: Irish Aquino
PAGSUOT NG UNIPORME, NARARAPAT NGA BA?
Uminit ang usapan sa isyu na hindi na kinakailangang magsuot ng uniporme sa paaralan ang mga
mag – aaral. “Hindi na magiging “strict requirement ang pagsusuot ng mga estudyante sa public school ng
kanilang school uniform ngayong school year 2022 – 2023, ito ang pahayag ni Vice President at
Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte noong ika – 18 ng Hulyo sa taong 2022.
Ayon sa DepEd Order No. 65 noong ika – 19 ng Mayo sa taong 2010, isinasaad dito na, “Ang
pagsusuot ng uniporme ng paaralan ay hindi kinakailangan sa mga pampublikong paaralan. Ang mga mag
– aaral na may umiiral ng uniporme ay maaaring magpatuloy sa paggamit ng mga uniporme na ito, kung
gusto nila, upang maiwasan ang pagkakaroon ng karagdagang gastos para sa mga bagong kasuotan”.
Malaking obligasyon ng isang estudyante ang pagsuot ng Uniporme dahil isa ito sa mg
alituntunin o batas na ipinatupad ng isang paaralan o unibersidad upang makilala kung saang institusyon
ka nabibilang. Nagpapakita din ito ng pagiging maayos at desente sa pagsunod sa mga patakaran ng
paaralan.
Hindi bat mas magandang tignan kung naka proper school attire ang mga estudyante? Mas kaaya
– ayang tignan at maaliwalas sa matang tignan kung ang mga estudyante ay nakauniporme, sa paraang din
ito ay binibigyang galang mo ang paaralang kinabibilangan mo at dito rin nagsisimula ang karunungan.
Karamihan ay mas sumasang ayon sila sa pagsuot ng uniporme,sapagkat hindi ito magastos, may
dalawang pares ka na nang uniporme ay magagamit mo na yun sa limang araw na pagpasok sa
eskuwelahan.
Marami din naman ang tumututol dito, dahil nga sa dagdag gastos nga naman ito sa gastusin ng
mga magulang. Ngunit hindi ba mas magastos ito? Kung plain clothes o aesthetic na mga damit yung mga
nauuso na pananamit kailangang pang problemahin o magproduce nang limang plain clothes o mga
aesthetic na mga damit para sa pagpasok sa paaralan. Kabataan nga naman,sinasabi na yun daw ang
nauuso, tama naman! Kailangan pa din nating makisabay sa mga uso – uso na yan, ngunit importante
paba yun kaysa sa patakaran ng inyong paaralan?
Ugaliin pa din ang pagiging presentable at pagiging maayos sa sarili, upang maiwasan ang
pangungutya at pang aapi ng dahil lang sa kasuotan.
By: Irish Aquino
DEPED ORDER NO. 49: OK LANG BA?
Inilabas ang Department Order 49 Series of 2022, noong ika – 2 ng Nobyembre, matapos
pinirmahan ng kagawaran para sa mga guro, upang isulong ang propesyunalismo ng mga guro sa loob ng
paaralan. Dahil dito, pinagbabawal na kausapin ng mga guro ang kanilang mga estudyante sa labas ng
eskwelahan, kahit sa pag – follow sa social media ay bawal na.
Sa ilalim ng batas na ito, ipinasigurado na gagawin ng mga guro ang kanilang mga
responsibilidad ng patas at ipinagbabawal din ang pagkakaroon ng aktibidad o relasyon na maaaring
makaapekto sa tungkulin nito bilang isang guro. Pinaalalahanan din ng DepEd ang mga guro na iwasan
ang pagkakaroon ng relasyon o usapan sa kanilang mga estudyante, may kaugnay man ito sa personal,
pisikal, mental na bagay o kahit sa pamamagitan ng social media kung ito ay labas na sa paaralan,
maliban na lamang kung sila ay family – related. Hindi ba masyadong nang nakakasakal ito para sa mga
guro at estudyante? Ibig bang sabihin nun hindi na namin babatiin ang mga guro namin pag nagkatagpuan
kami sa kung saan,yung tipong parang walang koneksiyon ang isat Isa? Paano nalang kung may
tatanongin tungkol sa mga aralin gamit ang social media,at hindi sila puwede ifollow dahil sa batas na
sinusunod nila? Parang tinuturing ang isat isa na parang hindi magkakilala.
Karamihan sa mga estudyante ay umangal dito dahil bakit nila haharangan ang ugnayan na meron
ang guro at mga estudyante kung hindi naman ito kalaliman? Hindi sa hindi kami sang ayon dito ngunit
makatarungan ba na panghinalaan ang mga guro sa kanilang mga kakayahan at naniniwala ba kayo na
basta basta nalang nilang hahayaan na magkaroon sila ng malalim na ugnayan sa kanilang mga estudyante
maliban sa pagkakaibigan?
Sa isang taong pumapasok ang mga mag aaral sa paaralan,oras oras nagkikita at nagkakausap ang
mga guro at estudyante sa isang silid, sa isang taon na yun imposibleng walang mabubuo na
pagkakaibigan sa bawat indibidwal, dalawang hindi magkakilala nga,nagkausap lang ng saglit sa gilid ay
naging magkaibigan na ,sa guro at estudyante pa kaya? Walang masama na makabuo ng pagkakaibigan
relasyon ang guro at estudyante lalo na kung ka – vibes nila ito. Ang masama lang ay hahayaan ng mga
guro na magkaroon sila ng malalim na ugnayan sa pagitan ng kaniyang mga estudyante, sana sa unang
pasok palang ng guro sa mundo ng edukasyon ay alam na niya ang mga patakaran at dapat iwasan.
Ang punto naman ng gobyerno ay dahil sa pag usbong ng mga insidente ng sexual harassment
laban sa mga mag aaral, na may ilang mga guro ay nasangkot at nasuspende na. Ipinaliwanag din ni
Duterte na ipinatupad nila ito upang maiwasan ang magkaroon ng problems sa eskwelahan. Kaya alamin
at sanayin ang ating mga responsibilidad bilang mga mamamayan ng bayan na ito, huwag maging sanhi
ng pagkasira ng kinabukasan ng mga inaasahang pag asa ng bayan.
By: Irish Aquino
EDITORIAL SPORTS
ARGENTINIAN PLAYERS SINIPA SA FIFA WORLD CUP 2022 ANG MGA FRANCE
Sa naganap na FIFA World Cup Finals sa Lusail Stadium, Qatar noong ika – 19 ng Disyembre
2022 at naging kaabang – abang ang tapatang Argentina at France. Nakuhang muli ng mga Argentinian
players ang kampiyonato matapos ang 36 na taon na pinangunhunahan ng kapitan na si Lionel Messi na
siyang naka – goal ng dalawang beses.
Ang mga Francenian naman ay pinangunhunahan ni Julian Mbappe na nagpakitang gilas ng
kaniyang hat – trick. Makikita sa iskor ng dalawang team na 2 – 0 nangunguna ang Argentina, ang akala
ng lahat ay hindi na makakascore ang mga Francenian, ngunit nababaliktad umano ang mga pangyayari
lalo na nang makagoal ang France at tumabla ang score sa 2 – 2. Sa bawat pagpatak mg oras nagiging
mainit ang labanan, nagtabla ang iskor ng dalawang pangkat sa 3 – 3. Tinuloy ang laro sa isang penalty
shoot – out kung saan nagwakas ang labanan sa iskor na 4 – 2.
Nakabawi na ang mga Argentinian sa mga Francenian na siya ring nakatapat nila sa World Cup
taong 2018, sa pagkapanalong ito ng Argentina.
Pinangunahan no Lionel Messi na isa siya sa pinakamabisa’t na sa larangan ng football ngayong
mayroon na siyang panalo sa international level. Kung matatandaang natalo ang Argentina sa opening
game laban sa Saudi Arabia dahil sa pagdududa ngayon ay winakasan na niya. Ito na ang ikatlong titulo
ng Argentina sa kasagsagan ng World Cup.
By: Irish Aquino
KAMITHI-MITHING CITY MEET, MULING MAKAKAMIT
Sa mahigit na dalawang taong walang ganap sa larangan ng isports dahil sa kasagsagan ng
pandemya, inaabangan nang lahat ang nalalapit na City Athletic Meet sa lungsod. Ang huling City Meet
sa lungsod ay sa taong 2020 pa lamang ito.
Ang City Meet ay nagaganap kada taon, sa Quirino Stadium at UNP Oval idinadaos ito. Tampok
sa group sports ang basketball at volleyball, samantalang sa indibidwal sports naman kabilang ang
Running, Badminton, Sepak Takraw, Table tennis, Long jump at marami pang iba. Lumutang ang
maraming atleta na galing sa pribado at pampublikong paaralan sa siyudad.
Ngayon na naikasa na ang plano at tuloy na tuloy na nga ang palarong ito. Ang tanong ngayon
ay... Handa na kaya ang mga manlalaro pagkatapos ng pagkatengga ng dalawang taon? Handa rin kaya
ang lokal na pamahalaan sa pagho-host at pagbibigay ng pinansyal na suporta sa mga atleta?
Ito ang ilan sa problema kapag palaro ang pinag-uusapan dahil malaki ang pondong kailangan
para maisagawa ito. Isang hamon sa lokal na pamahalaan kasama na rin ang mga paaralan kung saan
kukuha ng pondo para dito. Puspusang pag-eensayo rin ang kailangan para siguradong handa ang mga
kalahok.
Galing sa Local Government Unit (LGU) sa kanilang Special Education Fund (SEF) ang
pinanggagalingan ng pundo para sa mga atleta, sa kanilang mga pangangailangan sa kalagitnaan ng
kanilang pag -eensayo. Dapat lang na suportantahan ng gobyerno ang mga atleta dahil sila ang
magbabahagi sa bawat lungsod sa Region 1 Athletic Association (R1AA). Obligasyon ng gobyerno na
ibigay ang mga kagamitan at kailangan ng mga atleta, upang sila ay ganahan sa pag-eensayo at mas lalo
silang humusay sa larangan na kanilang pinasukan. Pati na rin sa ikatatagumpay ng pagbabalik ng City
Meet.
By: Irish Aquino
KOMPLETONG KAGAMITAN SA PAGLALARO TUNGO SA MEDALYO
Noong Disyembre 2022, idinaos ng Barkada Kontra Droga (BKD) ang programa nilang “Bola
Kontra Droga” sa VNHSW, basketball at volleyball ang sangkop na sports dito. Ngunit kinulang sila sa
mga kagamitan tulad na lang ng net at bola. Pero ngayon lang 2023 ay may nagbigay ng kagamitan na
kailangan sa palaro.
Ngayong lang Enero 2023, ang D.O Personal na si Mr. Roel Pangalanan ay nagbigay ng mga
kagamitan na kailangan sa sports sa Vigan National High School (VNHSW), dahil dito hindi na pro
problemahin pa kung saan kukuha o hihiram ng mga kagamitan, sa pamamagitan ng mga kagamitang ito
ay mas marami pang mga aktibidad patungkol sa sports ang magaganap, mas maraming estudyante ang
maeenganyong sumali hindi lamang upang matuto kundi dahil hindi na luma ang kanilang gagamitin, mas
magiging maganda din ang kanilang laro, masasayahan ang bawat manlalaro at mas lalo nilang
pagbubutihin ang paglalaro dahil lahat ito sa bagong kagamitan ibinigay sakanila.
Malaking tulong ito sa aming paaralan at maging sa mga estudyanteng nag aaral dito, lalong lalo
na sa mga mag aaral na may kakayahan sa sports, at mas malaki ang posibilidad na mas maraming
kabataan pa ang mas lalakas loob na ipakita ang kanilang mga talento lalo na ngayon na may bagong
kagamitan na para sa sports.
By: Bea Paiste

You might also like