You are on page 1of 4

Mary Angel Diana Jamon

BSSW 1-C

MODULE 3

1. Bakit mahalaga ang paglalatag ng mga argumento sa pagsulat ng posisyong


papel?
Mahalaga ang paglalatag ng mga argumento sa pagsulat ng posisyong
papel sapagkat mapapagtibay at maipaglalaban nito ang pinaninindigan o
pinaniniwalaan mo. Masusuportahan nito ang nilalatag mong hinaing ukol sa isang
partikular na isyu. Magiging malinaw at mahusay din ang posisyong papel na iyong
isinasagawa sapagkat matibay at tiyak ang mga ebidensyang iyong inilatag. At
dahil ditto maaaring mabigyang pansin at maaksyunan ang iyong kahilingan.

POSISYONG PAPEL

ACADEMIC FREEZE: PAGKANSELA SA ACADEMIC YEAR 2020-2021

Edukasyon para kanino ba?

Hindi magkakaroon ng face to face na interaksyon sa loob ng paaralan ngunit tuloy


pa rin ang pasukan sa pamamagitan ng alternatibong paraan ito ay ang online class o
online learning. Patuloy ang pag lobo ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas na nagsasanhi
ng kawalan ng trabaho lalo na ng mga taong nasa laylayan. Hindi lahat ng mag-aaral ay
may kakayahang bumili ng gadgets o magkaroon ng aksebilidad sa internet lalo na’t sapat
lamang ang pera sa kanilang pagkain at pangunahing pangangailangan ng kanilang
pamilya sa gitna ng pandemic. Ating isipin, kailangang manatiling online sa isang linggo,
pagbabayad sa load o internet at pagpunta sa computer shop upang isumite ang mga
gawain sa takdang oras, at hindi rin tiyak kung may matutunan ba ang mga mag-aaral
dahil sila’y nagagahol sa oras sapagkat may kailangan ding isumite sa ibang asignatura.
Kulang na ba sa pagmamalasakit ang nasa katungkulan? Hindi lahat pantay pantay, hindi
lahat may kakayahang makipagsabayan sa krisis na ito. Maraming mapagkakaitan ng
pag aaral o edukasyon at maiiwan na mga mag-aaral sapagkat mapipilitan silang mag
drop out dahil sa kanilang pinansyal na problema. Imposible ring magkaroon ng maayos
at de kalidad na pagkatuto dahil ang internet connection sa pilipinas ay mahina lamang.
Academic freeze lamang ang nakikita kong solusyon dito. Oo nga’t masasayang ang
isang taon ngunit mas mahalaga pa ba ito sa kapakanan at kalusugan ng nakararami.
Hindi nga lang pinansyal at pagkatuto ang nakasalalay dito pati na rin ang kalusugang
mental ng mga mag-aaral, nakakaranas sila ng depresyon dahil sa academic pressure.
Ano kung tuloy nga ang pasukan ngunit hindi ito de kalidad na pagkatuto at mahirap na
porma ng edukasyon dahil hindi ito kayang i-access ng lahat? Paano na lamang ang mga
mag-aaral na pursigido at gustong matuto at mag-aral ngunit hindi kayang bumili ng
gadget, walang pang load at walang aksebilidad sa internet? Marami na ang naiwan sa
proseso pa lamang ng enrollment paano pa kaya sa susunod na mga buwan? Academic
Freeze ang kailangan upang walang mapag iwanan. Ito ang solusyon upang mailigtas
ang mental na kalusugan ng kabataan. Ito ang solusyon na matutugunan
pangangailangan ng mas nakararami.

Kailangan din nating isaalang alang ang sitwasyon ng mahihirap na walang ibang
pagpipilian kundi tiisin ang ganitong kondisyon o di kaya ay mapilitang tumigil sa pag
aaral, isaalang alang ang mas kailangan ng nakararami.Hindi na maisasakatuparan ang
kasabihan na ang kabataan ang pag asa ng bayan kung marami ang maipag iiwanan?
Pakiusap. Nanawagan kami na pakinggan niyo sana ang aming hinaing sapagkat walang
mag aaral ang dapat maiwan. May karapatan ang lahat sa edukasyon, karapatan nating
magkaroon ng de kalidad na pagkatuto para sa lahat. Ang edukasyon ay karapatan at
hindi isang pribilehiyo.
RESOLUTION PAPER

RESOLUSYON HINGGIL SA ACADEMIC FREEZE: EDUKASYON PARA SA LAHAT


HINIHILING NG IGUALDAD ASSOCIATION NA PAGKANSELA NG ACADEMIC
SCHOOL YEAR 2020-2021

• SAPAGKAT hindi ito tumutugon sa pangangailangan at karapatan ng mag-aaral


na magkaroon ng epektibo at de kalidad na edukasyon. Hindi man pantay pantay
ang antas sa buhay ay Karapatan pa rin ng bawat tao ang makapag-aral.

• SAPAGKAT nahihirapan nang intindihin ng mag aaral ang aralin sa paaralan kahit
may face to face interaction sila ng guro araw-araw, paano pa kaya kung smart
phone lang ang kaharap ng mag-aaral? May matututunan pa kaya sila?

• SAPAGKAT hindi lahat ng pamilyang pilipino ay may hanapbuhay kaya’t sapat


lamang ang perang ipinangbibili nila ng pagkain at iba pang pangangailangan sa
pang araw-araw. Hindi lahat ng mag-aaral ay may perang pang load o pambili ng
gadgets katulad ng tablet, smart phone o kaya laptop.

• SAPAGKAT hindi lahat may malakas na signal o internet connection sa bahay


kaya’t kinakailangan pang lumabas o di kaya’y pumunta sa internet shop na mas
lalong nakakapangamba dahil baka ito pa ang magdulot ng pagkahawa sa virus.

• SAPAGKAT hindi lamang pinansyal na status ang problema kundi pati na rin ang
mental na kalusugan ng mga mag-aaral. Nang dahil sa academic pressure may
iilang kabataan na nagtatangkang magpakamatay dahil sa kanilang sitwasyon.

• SAPAGKAT walang mag aaral ang dapat mapag iwanan dahil lamang sa
kaniyang pinansyal na kakulangan.
KAYA NGAYON, libo libong mag aaral ang nagsasign up para sa isang petition
para magkaroon ng academic freeze gayong hindi sigurado kung mabibigyang
pansin ba ito ng nasa katungkulan.

PINAGTIBAY AT NILAGDAAN ngayong 26 Agosto 2020 sa isang pulong na ginanap


sa Gusali ng Droit Pas Privilège, Manila.

S N Galves
PROF. SNOW NIEVES GALVES

Percival R.
DR. PERCIVAL ARCHER RIEGO

Vincent Hidalgo
PROF. VICENTIUS ADLER HIDALGO

Raj V Riego
PROF. RAOUL VESARIUS RIEGO

Mercadejas Z amiel
PROF. ZAMIEL MERCADEJAS

F Cassandra Karolina
DR. CASSANDRA KAROLINA FERNANDEZ

You might also like