You are on page 1of 15

KASAL-SAKAL: ALITANG MAG-ASAWA

MODYUL
8
ni: Balba, Ma. Francilia Q.
Castronuevo, Eva A.

Sa katapusan ng ating aralin, ang bawat mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy ang kahalagahan ng wika sa ugnayang mag-asawa sa loob ng


tahanan.

b. Naipaliliwanag ang mga kadalasang dahilan ng alitang mag-asawa.

c. Nakagagawa ng 3 minute docu-video presentation sa karanasan ng mag-


asawa tungkol sa mga sumusunod: a. Economic pressure, b.
Komunikasyon, c. Pagpapalaki ng anak

Ngayon sa modyul na ito, aalamin mo ang naging pananaw ng mag-


asawa sa usapin ng alitang mag-asawa at mga karanasan nila sa buhay bilang
mag-asawa. Sa modyul na ito matutuklasan mo ang mga kadalasang dahilan
ng alitang mag-asawa at kung papaano nila ito binibigyan ng solusyon. Dahil
dito, dapat mo munang alamin ang iyong kakayahan sa bahaging ito.

A. Panuto: Pagnilayan at sagutin mo ang sumusunod na katanungan. Gamiting


gabay ang pamantayan.

PAMANTAYAN:

Kaisipan/nilalaman - 2 puntos
Paninindigan - 2 puntos
Maayos na pagkagamit ng mga salita- 1 puntos

Kabuoan 5 puntos

DEPARTAMENTO NG FILIPINO
1. Ano sa palagay mo ang kahalagahan ng wika sa loob ng isang
tahanan/komunidad partikular na sa ugnayang mag-asawa?

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Bakit kaya hindi naiiwasan ng mag-asawa ang alitan/pag-aaway?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

“Ang pag-aasawa ay hindi parang kaning isusubo na iluluwa kapag


napaso”. Minsan ba’y narinig mo na ito sa iyong nanay at tatay, lola at lolo?
Marahil may kalumaan na ang kasabihang ito ngunit hindi mo maipagkakaila na
mayroon itong napakalaking impak sa iyong isipan. Halina’t umpisahan mong
basahin at unawain ang aralin ngayon.

KASAL- SAKAL : ALITANG MAG-ASAWA


Balba, Ma. Francilia Q.
Castronuevo, Eva A.

Ang alitang mag-asawa ay isang kaganapang karaniwan sa pagsasama.


Layunin ng pag-aaral na ito na mailarawan ang saloobin tungkol sa alitang
mag-asawa ng mga naninirahan sa GK Alaska Village, San Pedro, Laguna. Sa
pamamagitan ng paggamit ng katutubong metodo na pagmamasid-masid,
pakikiramdam, pagtatanung-tanong,pagdadalaw-dalaw at pakikipagkuwentuhan
hanggang sa maabot ang pakikipagpalagayang-loob sa sampung pares ng
mag-asawa. Napag-alaman na tinuturing “normal” at “salitaan” lang ang alitang
mag-asawa ng mga taga GK Alaska. Ang mga karanasan sa buhay mag-asawa
ay mahirap ngunit masaya at nalalampasan ang mga pagsubok sa tulong ng
Diyos at pagtutulungan ng mag-asawa. Ang karaniwang sanhi ng alitang mag-
asawa ay tungkol sa usapin sa pera at nasusulosyunan ang alitang magasawa
sa paraan ng mabuting pag-uusap sa pagitan ng mag-asawa.

Mga Susing Salita: Kasal, Mag-Asawa, Alitan, komunikasyon

Ang pamilya ay ang pangunahing yunit ng lipunan. Ang pamilya ay ang


nagsisilbing pundasyon ng isang indibidwal, kung saan nagsisimula ang
edukasyon, kung saan ang pang-unawa, mabuting-asal at pakipipagkapwa ay
natututunan, kung saan matatagpuan ng isang tao ang mga bagay na hindi
tinuturo sa paaralan. Sa pamilya nagsisimula ang pagkahubog ng pagkatao,

DEPARTAMENTO NG FILIPINO
kung kaya’t malaki ang ginagampanang papel ng pamilya sa buhay ng isang
tao. Katulad ng nakasaad sa ating konstitusyon, kinikilala ng Estado ang
pamilyang Filipino na pundasyon ng bansa (1987 Phil. Const. Art. XV sec. 1).
Ang mga Filipino ay kilala bilang makapamilya. Katulad nga ng sinabi nina Saito,
Imamura at Miyagi (2010) ang mga Filipino ay kilala sa pagbibigay ng halaga at
pag-aaruga sa kanilang pamilya. Ang mga Filipino ay nagbibigay ng malaking
pagpapahalaga sa oras para sa pamilya, mula sa taunang pagsasama-sama at
pagtitipon ng pamilya sa mga pagdidiriwang pati na rin ang mga simpleng salu-
salo sa hapag kainan. Ngunit bago ang lahat, ang pamilya ay nagsisimula sa
dalawang taong pinagbuklod ng kasal, kung saan ang dalawang tao ay
nagiging isa. Subalit, katulad ng karaniwang mga relasyon, dahil sa mga
pagkakaiba, hindi maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mag-
asawa, at kapag hindi ito naayos, tumataas ang pagkakaroon ng alitan ng mag-
asawa. Ayon sa Philippines Statistics Authority website, sa taong 2011, ay
nagkaroon ng 1.3 porsyentong pagbaba sa bilang ng mga Pilipinong ikinasal
kumpara sa nakaraang taon. Sa kabilang dako naman, ayon sa Office of
Solicitor General , nagkaroon ng 40 porsyentong pagtaas ang bilang ng mga
annulment cases na inihain sa loob ng sampung taon. Bagamat ang divorce ay
hindi pinapayagan dito sa Pilipinas, ang hindi pagkakaayos ng alitang mag-
asawa ang lumalabas na isa sa mga sanhi ng pagkasira ng pagsasama ng
mag-asawa. Bagay na sinusuportahan ng pag-aaral nina Birditt, Brown, Orbuch,
at McIlvane, (2010) kung saan nakasaad na ang pagpapakita ng conflict
behaviors ay maaaring humantong sa divorce. Ang alitang mag-asawa ay isang
distressing context (Koss, George, Bergman, Cummings, Davies, and Cicchetti,
2011). Hindi lang ang mag-asawa ang naaapektuhan dito, pati na rin ang
kanilang mga anak. Maaari itong magkaroon ng matagal na epekto sa bata
sapagkat ang mga magulang ang tumatayong unang guro, at mga taong
tinutularan ng mga bata.

Alitang Mag-asawa

Sa bawat kasal, ang alitan ay hindi maiiwasan (Mccoy, Cummings, at


Davies, 2009). Ang mga tao ay sadyang hindi magkakapareho, ang bawat tao
ay may natatanging katangian na nagpapaiba sa bawat isa. May sariling
paniniwala, hilig, at mga bagay na hindi gusto, at ang mga ito ang
pinagmumulan ng mga alitan sa relasyon. Sa lahat ng bagay hindi maiiwasan
ang alitan, maaari magkaroon ng alitan sa pagitan ng mga magkapitbahay,
magkapatid, magkaibigan, magkasintahan at lalo na sa mga mag-asawa.

Alitang Mag-Asawa at Economic Pressure

Sa isang pag-aaral mula kina Papp, Cummings, & Goeke-Morey (2009),


nakasaad na ang pera ay ang hindi pinakamadalas na isyu na nagdudulot ng
alitang mag-asawa sa tahanan. Subalit, kung ikukumpara sa ibang mga
problema na hindi tungkol sa pera, ang alitang mag-asawa na tungkol dito ay
mas malala, laganap at bumabalik. Isinaad nina Robila at Krishnakumar (2005),
na ang mas mataas na antas ng economic pressure ay konektado sa mas
mataas na antas ng alitang mag-asawa. Natuklasan nina Hardie at Lucas
(2010), na ang mga kadahilanang pang ekonomiya na ito ay important
predictors ng alitan sa parehong kasal at mga cohabiting couples at ang

DEPARTAMENTO NG FILIPINO
economic pressure ay may kinalaman sa mas maraming alitang mag-asawa at
cohabiting couples. Sinusuportahan ng mga pag-aaral na ito ang katunayan na
ang economic pressure ay nakakadagdag sa alitang mag-asawa.

Alitang Mag-Asawa at Komunikasyon

Ang komunikasyon ay importanteng bahagi ng ating buhay, kung kaya’t


hindi nakakagulat na ang komunikasyon ay may kinalaman sa alitang mag-
asawa. Sa isang pag-aaral mula kina Ledermann, Bodenmann, Rudaz, at
Bradbury, (2010), ang kanilang mga natuklasan ay nagsaad na ang parehong
mababang “relationship stress” at mataas na antas ng positibong komunikasyon
ay importante sa mga relasyon. Ang pag-aaral nina Zarnaghash, Zarnaghash at
Shahni, (2013); Tavakolizadeh, Nejatian and Soori, (2015) ay nagsabi na ang
kakayahan sa komunikasyon ay may ginagampanang malaking papel upang
maiwasan ang alitang mag-asawa. Isinaad nina Zarnaghash et al. (2013), na
ang useful communication skills sa pagsisimula ng buhay mag-asawa ay hindi
pa natutunan kung kaya’t ang problema ng mga asawang kalahok sa pag-aaral
na ito ay dulot ng problema sa komunikasyon. Sa isang pag-aaral na ginawa
nina Tavakolizadeh et al. (2015), na may kalahok na 60 na kasal na kababaihan,
lumabas sa resulta na kung ikukumpara sa control group, ang pagsasanay sa
kakayahan sa komunikasyon ay nagdulot sa pagbaba sa alitang mag-asawa sa
isang case group.

Alitang Mag-Asawa at Pagpapalaki ng anak

Ayon sa mga pag-aaral sa loob ng sampung taon, (Doyle and


Markiewickz, 2005; Du, Schudlich, and Cummings, 2007; Schwebel, Roth,
Elliott, Chien, Mrug, Shipp, Dittus, Zlomke and Schuster, 2012) mayroong
patunay sa relasyon ng alitan o hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa sa
pagpapalaki ng anak. Sinabi nina Doyle & Markiewickz (2005), na ang hindi
pagkakaunawaan ng mag-asawa ay may kinalaman sa mababang
pagpapahalaga sa sarili at ang more externalizing symptoms ay konektado sa
parental warmth. Naobserbahan ni Du et al. (2007) na ang emosyonal na
seguridad ng mga bata sa konteksto ng mga partikyular na marital conflict
styles ay may kinalaman sa pagitan ng marital conflicts at child adjustment
problems. Mula pa sa isang pagaaral, isinaad nina Schwebel et al., (2012), na
ang marital conflict ay may kinalaman sa pagtaas ng bilang ng mga aksidente
ng nangangailangan ng propesyunal na atensyong medikal sa mga bata.
Kasama ng mga pagaaral na ito, ang mga karagdagang natuklasan nina
Sturge-Apple, Davies and Cummings (2006), na sumusuporta sa papel ng
alitang mag-asawa na dulot ng pagpapalaki ng anak.

Pagiging Relihiyoso ng Mag-asawa

Kilala ang mga Pilipino bilang mga relihiyosong tao, maging ano man
ang relihiyon na kinabibilangan nito. Ayon kay Mahoney (2005), ang relihiyon ay
nagbibigay ng mga estratehiya sa pamilya na maaring makatulong o
humadlang sa pagresolba ng hindi pagkakasunduan. Mula naman sa pag-aaral
nina Lambert at Dollahite (2006), isinaad ng mga mag-asawang kalahok na ang
pagiging relihiyoso ay nakakaapekto sa mga hindi pagkakasunduan sa kasal sa

DEPARTAMENTO NG FILIPINO
tatlong bahagi ng conflict process: (a) problem prevention, (b) conflict resolution,
at (c) relationship reconciliation. Iminungkahi din ng pag-aaral na ito na
maaaring matulungan ang mga relihiyosong mag-asawa sa alitang mag-asawa
sa pamamagitan ng paghimok sa kanila na tignan ang relihiyosong paniniwala
at gawi. Samantala, salungat naman ito sa sinabi ni Denton (2012), na ang
paghihiwalay ng mag-asawa ay maiuugnay sa pagtaas ng religious
engagement.

Sintesis

Ang pamilya ay ang pangunahing yunit ng lipunan. Isa ang bansang


Pilipinas sa mga hindi sumasangayon sa divorce o paghihiwalay ng mag-asawa
kung kaya’t ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa pagdagdag ng kaalaman
para sa Sikolohiyang Pilipino. Mahalaga ang pamilya sa mga Filipino at ang
pamilya ay nagsisimula sa dalawang taong pinagbuklod ng kasal, masasabi na
ang alitang mag-asawa ang isa sa mga sanhi kung bakit naghihiwalay ang
mag-asawa, at dahil dito nais alamin ng mananaliksik kung ano ang pananaw
ng mga magasawa rito at kung paano ito sinusulosyunan ng mag-asawa. Dahil
din dito naisip ng mananaliksik ang pamagat na kasal-sakal sapagkat kapag
unang marinig ang mga katagang ito ay maiisip agad na may problema sa
pagitan ng mag-asawa. Nilalayong ng papel na ito na mailarawan ang pananaw
ng mga naninirahan sa GK-Alaska Village, Bayan-Bayanan, San Pedro, Laguna
tungkol sa alitang mag-asawa. Nais malaman ng mananaliksik kung ano-ano
ang: 1.) Ano ang pananaw ng mag-asawa sa alitang mag-asawa? 2.) Anu-ano
ang mga karanasan sa buhay mag-asawa? 3.) Anu-ano ang mga dahilan ng
alitang mag-asawa? 4.) Paano sinusulusyunan ng magasawa ang alitang mag-
asawa?

Metodolohiya

Disenyo ng pananaliksik

Ang mananaliksik ay gumamit ng kwalitatibong pananaliksik.


Naglalayong ang mananaliksik na malaman ang mga sanhi ng alitan ng mag-
asawang Filipino. Gumamit ang mananaliksik ng katutubong pamamaraan na
angkop sa pananaliksik katulad ng pagmamasid-masid, pakikiramdam,
pagtatanung-tanong, pagdadalaw-dalaw, at pakikipagkwentuhan, upang
makakalap ng mga datos. Sinigurado ng mananaliksik na maabot ang antas ng
pakikipagpalagayang-loob upang makakuha ng datos na angkop at
mapagkakatiwalaan para sa pananaliksik.

Mga Kalahok

Ang mga kalahok ng pananaliksik na ito ay sampung mag-asawa na


naninirahan sa GK-Alaska Village, Bayan-Bayanan, San Pedro, Laguna. Ang
GK-Alaska Village ay isang komunidad na nabuo mula sa pagtutulungan ng
tatlong grupo: Ang gobyerno, ang industriya at isang NGO, kasalukuyang
mayroong 146 na pamilya ang naninirahan dito. Karaniwang housewife ang
trabaho ng kababaihan at karaniwang manggagawa naman ang kalalakihan

DEPARTAMENTO NG FILIPINO
meron ding isang pares na senior citizen na pensioner. Malapit ang mga
kalahok sa isa’t isa marahil na rin ito sa maliit ang kanilang komunidad at dahil
din sa tulong ng pagbabayanihan.

Mga Instrumento

Gumamit ang mananaliksik ng mga simpleng katanungan upang


makakuha ng pangunahing impormasyon ng mga kalahok katulad ng pangalan,
edad, ilang taon ng naninirahan sa lugar at kung ilang taon ng kasal. Gumamit
ang mananaliksik ng lapis at papel upang maisulat ang mga makakalap na
datos na maaaring maisulat pati na din ang rekorder upang mas maging
maayos ang pagkuha ng datos.

Pamamaraan

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa alitang mag-asawa, isang isyu na


hindi madaling ibahagi sa ibang tao kung kaya’t minarapat ng mananaliksik na
paabutin sa pakikipagpalagayang-loob ang antas na patutunguhan. Tatlong
beses bumisita ang mananaliksik sa lugar. Ginagawa ng mananaliksik ang
kanyang pagbisita tuwing katapusan ng linggo, sapagkat ang mga araw na ito
ay kung kailan kumpleto ang pamilya sa lugar. Nagsuot ng simpleng kasuotan
ang mananaliksik upang hindi matakot at mahiya ang mga kalahok sa
mananaliksik. Dahil sa tulong ng kakilala sa lugar, napadali ang pagpapakilala
ng mananaliksik sa mga naninirahan doon, at dahil malapit ang kakilala ng
mananaliksik sa mga naninirahan, naging mabilis din ang pagiging palagay ng
loob ng mga tao rito. Nakahingi din ng tulong ang mananaliksik sa ibang mga
opisyal ng komunidad, nairaos ng mananaliksik ang kanyang pagtatanung-
tanong at pakikipagkuwentuhan sa isang multi-purpose hall, kung saan
napagtipon-tipon ang mga kalahok ng mananaliksik. Umpukan ang naging
estilo ng pananaliksik, maihahalintulad din ito sa isang sharing ng magーasawa
sapagkat magkasama sila habang ginagawa ang pananaliksik, ngunit kahit
ganito, halos kababaihan ang nagkukuwento at ang kanilang asawa ay
tumatayong suporta o taga-sang ayon lamang, iilan lang ang kalalakihan na
nagbahagi ng kanilang saloobin. Bago nagsimula ang mananaliksik ay
nagpaalam ito kung maaari bang gumamit ng rekorder habang isinasagawa ang
pananaliksik. Sa tulong ng Gawad Kalinga, pinagbuklod ang mga ito sa
pamamagitan ng isang kulturang sariling atin, ang bayanihan, kung saan ang
mga nabigyan ng bahay ay nagtulong-tulong sa paggawa ng bahay sa lugar
kasabay din nito ang pagkakaroon nila ng values formation at team building
upang mabuo ang komunidad. Sa perspektibo ng mananaliksik, dahil sa mga
pinagdaanan ng mga taong kasalukuyang naninirahan sa GK Alaska na dating
mga informal settlers, sila ay maraming karanasan tungkol sa hirap ng buhay
na pinagdadaanan ng mag-asawa. Sa unang pagbisita ng mananaliksik ay
nagmasidmasid sa kapaligiran, kasama ng kakilalang naninirahan sa lugar,
nilibot nila ang komunidad. May ngiti sa labi ng mananaliksik at handang
makipagkamay at makipagkilala sa mga taong makakasalubong. Sa ikalawang
pagbisita ay nagpakilala na ang mananaliksik sa ibang mga opisyal sa
komunidad, humingi ng permiso upang maisagawa ang pananaliksik at
malugod naman itong tinanggap ng mga opisyal. Sa pangatlong pagbisita,
pinakilala na ang mananaliksik sa mga magiging kalahok, nakipagkuwentuhan

DEPARTAMENTO NG FILIPINO
ang mananaliksik upang makilala pa ng mabuti ang mga kalahok. Pagkatapos
makipagkuwentuhan ng mananaliksik, nang maramdaman na magaan na ang
loob ng mga kalahok, sinimulan na ang pagtatanong na may kinalaman sa
pananaliksik. Maayos ang daloy ng pakikipagkuwentuhan at naramdaman ng
mananaliksik na siya ay kabilang sa kanilang komunidad. Matapos ang
pananaliksik, nagbigay ng mamon at juice ang mananaliksik sa mga kalahok,
ito ay ang simpleng pasasalamat ng mananaliksik sa mga kalahok dahil sa
binigay na oras at tulong upang maisagawa ang pananaliksik.

Presentasyon at Diskusyon

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng katutubong metodo na


pagmamasid-masid, pakikiramdam, pagtatanung-tanong, pagdadalaw-dalaw at
pakikipagkuwentuhan upang maabot ang pakikipagpalagayang-loob sa mga
kalahok. Sa pag-abot ng pakikipagpalagayang-loob nakakuha ang mananaliksik
ng datos na mapagkakatiwalaan at makapagbibigay kabuluhan sa pananaliksik
at makakasagot sa mga katanungan ng pananaliksik na: 1. Ano ang pananaw
ng mag-asawa sa alitang mag-asawa, 2. Anu-ano ang mga karanasan sa
buhay mag-asawa, 3. Anu-ano ang mga dahilan ng alitang mag-asawa 4.
Paano sinusulusyunan ng mag-asawa ang alitang mag-asawa. Mula sa mga
nakuhang pahayag sa mga kalahok, pinag-isa ng mananaliksik ang mga
kasagutan na karaniwang nababanggit ng mga kalahok pati na rin ang mga
kasagutang tumatak sa mananaliksik na makakapagbigay kabuluhan sa
pananaliksik.

1. Pananaw ng mag-asawa sa alitang mag-asawa

Ayon sa mga naninirahan sa GK Alaska, ang alitang mag-asawa ay


isang normal na pangyayari. Ang mga kadahilanan ng pananaw na ito ay
makikita sa mga sumusunod na pahayag na sinipi ng mananaliksik.

“Normal” at “Salitaan” ang Alitang mag-asawa

“Normal lang yun sa mag-asawa, yung pag-aaway...huwag lang pisikal,


salitaan lang” ani ni Babaeng Kalahok 1. Sinasabi na ang alitang mag-asawa ay
nangyayari sa pamamagitan ng salitaan lang, at kapag ito ay naging pisikal ay
pang-aabuso na ito. Pahayag na sinuportahan ni Babaeng Kalahok 3,
“...Normal lang yun. Meron kasing mga pagtatalo na medyo mild lang,
pagkatapos ay magkakabati na rin naman, wag lang talaga yung pisikal kasi
hindi na maganda iyon.” Sa mga pahayag na iyon ipinakita na ang alitang mag-
asawa ay isang pangyayaring hindi naiiba at naiiwasan sapagkat ito ay
karaniwang nangyayari sa mag-asawa. Sinusuportahan ito ng pag-aaral nina
Mccoy et. al (2009) kung saan nabanggit na sa bawat kasal, ang alitan ay hindi
maiiwasan. Sabi nga ni Babaeng Kalahok 7, “...Kasi kung walang away, walang
love, kasi ano.. Kung lagi na lang kayong okay, parang hindi na nagkakaroon
ng challenge yung pagsasama niyo...” Mula sa obserbasyon ng mananaliksik
ang mga kalahok na kabilang sa pananaliksik ay masiyahin at mapapansin ang
pagiging malapit sa isa’t isa. Makikita na mula sa mga nakuhang pahayag,
tinuturing ng mga kalahok na ang alitang mag-asawa ay isang normal o

DEPARTAMENTO NG FILIPINO
pangkaraniwang penomena sa buhay mag-asawa, walang kasamang dahas,
taasan lamang ng boses. Mula rin sa pahayag ng mga kalahok, isa itong bagay
na makakatulong upang makilala nila ang isa’t isa at mapatibay ang pagsasama
ng mag-asawa.

2. Mga karanasan sa buhay bilang mag-asawa ng mga taga GK Alaska

Ang mga naninirahan sa GK Alaska ay dating mga informal settlers, na


dating naninirahan sa ilalim ng tulay at iba rin sa mga ito ay dating naninirahan
na sa lugar bago pa man ito gawing relokasyon. Ang mga sumusunod ay ang
mga siniping pahayag mula sa pakikipagkuwentuhan tungkol sa karanasan sa
buhay bilang
mag-asawa.

A. Pagpapalaki sa Anak

Halos magkakapareho ang naging sagot ng mga kalahok patungkol sa


pagpapalaki sa anak, na naging maayos naman ang kanilang pagpapalaki sa
anak at hindi naman gaano naging problema para sa kanilang magasawa. Mula
kay Lalakeng Kalahok 6, “Naging mahirap pero sa awa ng diyos, napatapos ko
lahat ng aking anak ng may takot sa diyos at hindi nakakaperwisyo sa kapwa.”
Ani ni Babaeng Kalahok 3,“... sa pagpapalaki naman sa anak, nahingi pa ako
ng guide kay Lord para mapalaki ko sila ng maayos kasi, mga bata pa anak
ko…” Sa bahaging ito, karamihan ng mga sumagot ay ang mga babaeng
kalahok sapagkat halos lahat ng kalahok ay housewife, kung kaya’t tungkol sa
karanasan sa hirap ng pagiging ina ang nababanggit, ang kalalakihan ay hindi
gaanong nakapagbahagi sapagkat sila ay naghahanapbuhay at pinapaubaya
ang pagpapalaki sa anak sa mga asawang babae. Mula sa mga pahayag ng
kalahok, hindi naman nagkaroon ng matinding pagtatalo dahil sa pagpapalaki
ng anak, kung meron man katulad lamang ito ng karanasan ni Lalakeng
Kalahok 5, na tungkol sa pagpapalit ng diaper ng anak, “Eh ayokong mag-ano
ng tae niyan. ” Dahil doon mag-aaway kami, tapos babatuhin niya ako ng mga
damit “uhm ikaw na!”. Kapansinpansin din na mula sa mga pahayag makikita na
tuwing makakaranas sila ng hirap, humihingi sila ng tulong mula sa diyos upang
bigyan sila ng lakas na mapalaki ng maayos ang kanilang mga anak.

B. Usaping Tungkol sa Pera

Sa pahayag ni Babaeng Kalahok 8 na, “Mas nagkakaproblema talaga sa


pera eh, lalo na kung may anak ka nag-aaral, hihingi, doon talaga nagsisimula
yung alitan...” naipakita ang relasyon ng pagpapalaki ng anak at pera. Mula sa
ibang pang pahayag laging lumalabas ang salitang pagbubudget. Dagdag ni
Lalakeng Kalahok 8, “...isa sa pangunahing pangangailangan ng mag-asawa
yung pera, tsaka yun nga may trabaho nga ako, regular pero ayun sapat lang
sa amin lalo na kung magkakasakit yung mga bata, napakahirap talaga, kung
saan-saan lalapit…” Mula sa kasagutan ng mga kalahok sa bahaging ito, nakita
ng mananaliksik na ang mga kababaihan ang lagging naiipit, sapagkat sila ang
naiiwan sa tahanan at ang gumagawa ng paraan upang mapagkasya ang mga
gastusin sa pang araw-araw at ang mga kalalakihan ang taga bigay ng pera
kung kaya’t hindi nakikita at nalalaman ang hirap ng paglalaan ng pera, mula

DEPARTAMENTO NG FILIPINO
din sa isang pahayag makikita ang kahalagahan ng pera sa mag-asawa,
katulad nga ng sinabi ni Lalakeng Kalahok 8, isa iyon sa pangunahing
pangagailangan ng mag-asawa upang maitaguyod ang pamilya.

C. Pagiging Relihiyoso

Sa pagbahagi ng karanasan nabanggit ng ilang asawa ang tulong na


dulot ng paghingi ng gabay sa Panginoon. “Wala talaga kaming totally pag-
uusap dati, talagang wala kasi, iba talaga kasi yung sa amin eh, hmm di ko siya
maano eh, yung hindi pa naming kilala ang Diyos nun, kung baga, hindi pa kami
nagsisimba, pero nung nagstart kaming sumali sa couple’s doon, parang medyo
ah alam ko na” Ani ni Babaeng Kalahok 10. Mula sa pahayag na ito ni Babaeng
Kalahok 10 makikita na simula ng sila ay naging malapit sa diyos ay nabuksan
ang kanilang isipan at nagkaroon ng kaalaman tungkol sa kanilang relasyon.
Sinusuportahan ang karanasang ito ng pag-aaral nila Lambert at Dollahite
(2006). Nabanggit din ni Babaeng Kalahok 7, na sa pamamagitan ng paglagay
nila sa Panginoon sa kanilang buhay ay naging mas matatag ang kanilang
pagsasama, “...may mga pagsubok sa buhay ng isang mag-asawa na
paminsan pag hindi kayo nagkaintindihan nauuwi talaga sa paghihiwalay, kasi
yun nga wala wala si God sa sentro ng pagsasama niyo, pero kapag kasama
niyo siya sa ano sa relasyon niyo, ang mahirap napapadali kasi nga nandiyan
siya…” Mula sa obserbasyon ng mananaliksik, kahit ganito man ang nangyayari,
pagkatapos ng araw ang mag-asawa ay nagkakaintindihan sa tungkulin na
ginagampanan sa pamilya, at nalalampasan ang kung ano man ang pagsubok
na darating. Karamihan sa kalahok na mag-asawa ay hindi nagkaroon ng
matinding pagtatalo dahil sa pagpapalaki ng anak, at lahat ng karanasan sa
buhay ay nalampasan sapagkat magkatuwang ang mag-asawa sa bawat
pagsubok na kanilang hinarap at humihingi ng tulong mula sa Diyos.

3. Dahilan ng alitang mag-asawa ng mga taga GK Alaska

Pagdating sa katanungang ito, karamihan sa sagot ng mag-asawang


kalahok ay pera ang dahilan ng kanilang alitang mag-asawa. Hindi maitatago
na ito ang dahilan sapagkat lahat sila ay nakaranas ng hirap at kahit ngayon na
mas maayos na ang kalagayan, dahil pa rin sa hirap ng buhay at mataas na
gastusin nararanasan pa rin ito. May isa ding nagbahagi ng tungkol sa third
party. Ang mga sumusunod na pahayag ang siniping kasagutan na nagpapakita
ng dahilan ng alitang mag-asawa.

Usaping Tungkol sa Pera

Karaniwang kasagutan ang tungkol sa pera na dahilan ng alitang mag-


asawa, dahil sa hirap ng buhay at kasalukuyang sitwasyon. Sabi nga ni
Babaeng Kalahok 5, “Sa pera din eh, pero sa amin kahit gipit kami, iniisip namin
na kikitain pa rin naman yun sa susunod.” Mula sa pag-aaral nina Papp et. al
(2009), nabanggit na ang alitan tungkol sa pera ay laganap at bumabalik, isang
bagay na napatunayan mula sa kasagutan ng mga kalahok. Para naman kay
Babaeng Kalahok 3, “Para sa akin...ang pinaka major na magiging problema ng
isang magasawahan, pag nagkaroon ng third party, magulo talaga yan, iyan
talaga ang sisira sa pamilya.” Sinangayunan naman ito ng iba pang kalahok ng

DEPARTAMENTO NG FILIPINO
ito ay mabanggit. Bagamat nabanggit ang tungkol sa third party, wala ni isa sa
kalahok ang umabot sa puntong ito, isang bagay na kanilang pinagpapasalamat.

Mula sa mga kasagutan ng kalahok pati na rin sa unang bahagi ng


diskusyon tungkol sa alitang magasawa, hindi naaalis ang usapin tungkol sa
pera. Pinapakita din nito ang realidad na mahirap ang mag-asawa ng hindi
handa at walang pera sapagkat kailangang isipin din ng mag-asawa ang
kanilang magiging pamilya at kung paano ito maitataguyod lalo na sa mataas
na bilihin at hirap ng buhay sa panahong ito.

4. Solusyon sa alitang mag-asawa

Ang karaniwang solusyon ng mga taga GK Alaska sa alitang mag-asawa


ay ang pag-uusap. Ang mga sumusunod ang siniping pahayag na sumusuporta
rito.

Pag-uusap ng Mag-asawa

“Sa pag-uusap. Dapat pinag-uusapan, hindi puwede yung bulyawan lang


kayo ng bulyawan. Kailangan talaga kapag nawala na yung init ng ulo niya
doon mo siya kakausapin, kasi kung mainit pa din yung ulo niya tapos para
kayong magkakasalubungan.” Ani ni Babaeng Kalahok 10. Mula naman kay
Babaeng Kalahok 7, “...kailangan kasi sa mag-asawa may communication yan
eh...Atsaka kahit matatanda na kayo kailangan may bonding moments kayo,
kasi dahil doon mas lalong magogrow yung relasyon niyong mag-asawa...”
Mula sa mga napiling pahayag ng mga kalahok, makikita ang kahalagahan ng
pag-uusap sa pagitan ng mag-asawa. Sinusuportahan nito ang pag-aaral nina
Tavakolizadeh et. al (2015) na nagsasabi na ang kakayahan sa komunikasyon
ay may ginagampanang malaking papel upang maiwasan ang alitang mag-
asawa. Mula sa mga pahayag, makikita na ang pag-uusap talaga ang
pinakasolusyon ng mga naninirahan sa GK Alaska, mula sa pahayag makikita
na binibigyang kahalagahan nila ang pag-uusap sa pagitan ng mag-asawa at
hangga’t maaari ay sinusubukan nilang maayos ang alitan bago matapos ang
araw. Tumatak din sa isipan ng mananaliksik ang sagot ng isang kalahok
tungkol sa pag-alala sa mga pinagdaanan ng mag-asawa sapagkat nakikita ng
mananaliksik na isa rin itong magandang paraan upang manumbalik ang
pagmamahal ng mag-asawa sa isa’t isa.

Konklusyon at Rekomendasyon

Mula sa mga nakalap na datos, lahat ng kalahok ay sumasangayon na


ang alitang mag-asawa ay isang normal at hindi maiiwasang pangyayari, at
ayon sa kanila ang alitan ay sa uri ng salitaan. Sa karanasan namansa buhay
mag-asawa, sumasangayon sila na ito ay mahirap ngunit sa tulong ng
pagdadasal at pagtutulungan ng mag-asawa lahat ng pagsubok ay
malalampasan. Nakikita rin na ang kadahilanan ng alitang mag-asawa ay pera
ngunit lahat ng kalahok ay naniniwala na ito ay kayang solusyunan at hindi
dapat masyadong pinoproblema sapagkat dumadating ang pera at puwedeng
gawan ng paraan. Para naman sa solusyon, nakikita ng mga magasawang
kalahok na importante ang komunikasyon at dapat pinag-uusapan ang mga

DEPARTAMENTO NG FILIPINO
hindi pagkakasunduan kapag parehong mahinahon na ang damdamin ng mag-
asawa. Inirerekomenda ng mananaliksik na mas paigtingin pa ang pagkalap ng
impormasyon at humanap ng lugar kung saan magiging mas malawak ang
makukuhang datos. Inirerekomenda rin ng mananaliksik na paghiwalayin ang
mag-asawa sa pagdaos ng pananaliksik upang magkaroon ng mas maraming
impormasyon. Inirerekomenda rin na humanap ng mga kalahok na nakaranas
na ng pagkakaroon ng third party upang lalong makatulong sa pagdagdag ng
impormasyon tungkol sa alitang mag-asawa.

Halina’t sukatin mo ang iyong galing!!

PANUTO: Gumawa ng video documentary tungkol sa buhay ng mag-asawa na


tumatalakay sa aspektong

a. Pagpapalaki ng anak
b. Komunikasyon
c. Economic pressure
Gabay na tanong sa Pakikipanayam

Pangalan ng mag-asawa: _______________________ Edad:______


Taon ng paninirahan sa lugar: _______________________________
Ilang taon ng kasal: _______________________________________

1. Ilang anak mayroon po kayo?

2. Anong mga suliranin ang inyong kinakaharap sa pagpapalaki


ng inyong anak?

3. Ano ang malimit ninyong pag-usapan sa loob ng tahanan?

4. Ang inyong mga anak ba nagkukwento ng tungkol sa kanilang


personal na buhay?

5. Mahalaga ba talaga ang pagkaroon ng bukas na


komunikasyon sa loob ng tahanan? Bakit?

6. Ano ang kadalasang suliranin ninyo bilang mag-asawa?

7. Ano ang inyong gingagawa upag mabigyang solusyon ang


isang partikular na suliranin?

8. Ano ang inyong maimumungkahi upang maiwasan ang alitan


ng mag-asawa?

9. Ano ang inyong pananaw sa kasabihang, “ Ang pag-aasawa ay


hindi kaning isusubo na iluluwa kapag ikaw ay napaso?
Naniniwala po ba kayo dito?

DEPARTAMENTO NG FILIPINO
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA SA
PAGGAWA NG VIDEO DOCUMENTARY
PRESENTATION

Hindi nakamit
Bahagyang
Higit na Nakamit ang ang
Pamantayan nakamit ang
inaasahan inaasahan inaasahan
inaasahan
Nilalaman Kritikal, Malinaw ang ang Malinaw ang Hindi malinaw
malaman at kabuoang kabuoang ang kabuoang
(40 puntos) malinaw ang nilalaman. nilalaman ngunit nilalaman at
kabuoang Kompleto ang kulang ng kulang na
nilalaman. impormasyong impormasyon kulang ng
Kompleto hinihingi. ang ibang impormasyon.
ang bahagi.
impormasyon
g hinihingi.

Pagkamalik Ang kabuoan Ang kabuoan ng Ang kabuoan ng Ang kabuoan


hain ng docu- docu-bidyu ay docu- bidyu ay ng docu-bidyu
bidyu ay nalapatan ng hindi gaanong ay hindi man
(30 puntos) nailapatan ng pagkamalikhain . nalapatan ng lamang
napakahusay nakahikayat ito ng pagkamalikhain. nilapatan ng
na mga manonood. pagkamalikhai
pagkamalikh n
ain.
Nakatawag
ng pansin at
nakahikayat
sa mga
manonood.
Akmang-
akma ang
titulo o
pamagat sa
proseso ng
ginawang
docu-bidyu

DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Organisasy Malinaw ang Malinaw ang Malinaw ang Hindi malinaw
on ideyang nais ideyang nais ideyang nais ang ideyang
ipabatid, ipabatid, malinaw ipabatid, hindi nais ipabati.
(30 puntos) malinaw ang ang mga salita, gaanong Hindi gaanong
mga salita, mayroong malakas nakapagbigay malinaw ang
mayroong na impak ang ng impak ang mga salitang
malakas na nilalaman ng docu- nilalaman ng ginamit.
impak ang bidyu, tama docu-bidyu. Walang impak
nilalaman ng lamang ang sa mga
docu-bidyu, pagkakagawa ng manonood ang
mahusay ang docu-bidyu. ginawang
pagkakagaw docu-bidyu at
a ng docu- hindi malinaw
bidyu. ang
pagkagawa ng
docu-bidyu.

Sa pamamagitan ng komunikasyon, naipahahayag ng mga kasapi ng


pamilya ang kanilang mga pangangailangan, ninanais, at ang kanilang
pagmamalasakit sa isa’t isa. Ang bukas at tapat na komunikasyon ay daan
upang maipahayag ng bawat kasapi ang pagkakaiba ng pananaw o ‘di-
pagsang- ayon gayon din ang kanilang pagmamahal at pagmamalasakit sa isa’t
isa. Sa pamamagitan ng komunikasyon, nagagawa ng mga kasapi ng pamilya
na malutas ang mga suliraning dumarating.

Ang mga kaalamang naidagdag ay higit mo pa sanang pagyamanin at


pahalagahan upang ito ay magamit mo sa hinaharap!

Pagbati saiyo !

➢ Ang mas mataas na antas ng economic pressure ay konektado sa mas


mataas na antas ng alitang mag-asawa.

➢ Makikita ang kahalagahan ng pag-uusap sa pagitan ng mag-asawa. Ang


kakayahan sa komunikasyon ay may ginagampanang malaking papel upang
maiwasan ang alitang mag-asawa.

DEPARTAMENTO NG FILIPINO
➢ Mahirap ang mag-asawa ng hindi handa at walang pera sapagkat
kailangang isipin ng mag-asawa ang kanilang magiging pamilya at kung paano
ito maitataguyod lalo na sa mataas na bilihin at hirap ng buhay sa panahong ito.

➢ Sa relasyon ng alitan o hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa sa


pagpapalaki ng anak. Ang hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa ay may
kinalaman sa mababang pagpapahalaga sa sarili ng isa sa mag-asawa at ang
more externalizing symptoms ay konektado sa parental warmth.

https://www.sanbedaalabang.edu.ph/bede/images/researchpublication/BedanJo
urnalPsych/BJP2017v1-29.pdf

DEPARTAMENTO NG FILIPINO
DEPARTAMENTO NG FILIPINO

You might also like