You are on page 1of 12

KABANATA 1

ANG SULIRANIN

PANIMULA

Isa sa pinaka masayang bahagi sa buhay ng isang tao ay ang makahanap

ng isang katuwang sa buhay. Taong makakasama hanggang sa pagtanda ang

mag-asawa. Bago maging mag-asawa ang dalawang taong nag-iibigan ay dapat

silang magpakasal upang mabasbasan ang kanilang pagsasama. Ang

pagpapakasal ay isang tradisyon at sagradong sakramento ng pag-iisang dibdib

ng magkasintahan na hindi dapat basta-basta sinusuway. Kaakibat na nito ang

pag-buo ng pamilya na dapat pahalagahan at ingatan. Tungkulin ng mga

magulang na protektahan ang kanilang mga anak sa ano mang hirap na

pagdadaanan. Mula sa pagsilang ng kanilang mga anak, sila ang nagsisilbing gabay

at nagbibigay aral na magagamit ng mga ito hanggang sa magkaroon ito ng

sariling pamilya. Ngunit may mga mag-asawa na dumarating sa punto na

napapagod at nagsasawa na at nauuwi sa hiwalayan.

Ang paghihiwalayan ng isang mag-asawa ay isang napapanahong isyu na

dapat pag usapan lalo na at hindi lang ang dalawang nagsasama ang naapektuhan

sa isyung ito kundi pati na rin ang kanilang mga anak. Ayon sa Office of the

Solicitor General, 28 na mag-asawa na nagdedeklara ng annulment kada araw

mula noong 2012 at 10,528 na annulment cases ang naihain sa OSG base sa datos

ng gobyerno na nakuha ng GMA NEWS pa ito taon-taon. Ang paghihiwalayang ito


ay nagdudulot sa mga kabataang nakararanas nito sa kanilang pamilya ng tatlong

beses na mas maraming mabibigat na problema sa ugali, emosyon, at paglaki

kaysa sa mga anak na nasa buong pamilya. Gaano kabigat ang problemang ito?

Tulad ng sabi ng pangulong Hinckly noong 1995, ang mga bagay na ito ang

“pinakamabigat niyang alalahanin”. At ang kalakarang bumabagabag sa kanya

noon ay mas malala pa ngayon. Gaya ng sinabi ng isang manunulat sa time

magazine: “wala ng ibang nag-iisang puwersang nagsasanhi ng maraming

paghihirap at kalungkutan sa tao sa bansang ito tulad ng pagkabigo ng pagsasama

ng mag-asawa. Masakit ito sa mga anak binabawasan nito ang pinansiyal na

seguridad ng ina, at mga partikular na winawasak nito ang mga taong halos

walang kakayahang magtiis ang maralita bansa.

Napakaraming masamang epekto ang senaryong ito sa buhay ng bawat

miyembro ng pamilya na nakakaranas nito. Hindi lamang ang mismong mag-asawa

na naghihiwalay ang nasasaktan ngunit pati na rin ang kanilang mga anak.

Gayundin ang mga taong nakapaligid sa kanila at nasubaybayan ang kanilang

pagsasama. Ang epektong ito ang nais matukoy ng mga pananaliksik sa pag-aaral

na ito. Kasabay na din ang mga maaring gawing paraan upang maiwasan ito.

Upang mapigilang at masulusyunan ang nagbabadyang maaaring kahantungan ng

paghihiwalayang ito.

LAYUNIN NG PAG_AARAL

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang mga epekto ng

paghihiwalay ng mag-asawa sa kanilang mga anak. Naglalayong din itong


malaman ang karaniwang dahilan ng paghihiwalayan ng mag-asawa. Isa pang

layunin nito ay mailahad ang mga maaring gawin upang maiwasan ang

paghihiwalayan ng isang mag-asawa. Sa pag-aaral na ito ay sasagutin ang mga

sumusunod ng mga katanungan:

1. Ano-ano ang madalas na pinagmumulan ng pagkakaroon ng hindi

pagkakaunawaan ng isang mag-asawa?

2. Ano-ano ang maaaring maging epekto ng hindi pagkakaunawaang ito sa

pagsasama ng buong pamilya?

3. Ano-ano ang mga maaaring maging epekto nito sa pag-uugali ng mga batang

nakararanas ng ganitong sitwasyon sa pamilya?

4. Paano maiiwasan ang paghihiwalay ng mag-asawa?

KAHALAGAHAN NG PAG AARAL

Ang mga resulta at kalalabasan ng pag-aaral na ito ay magiging

kapakipakinabang sa mga sumusunod:

MGA APEKTADONG KABATAAN. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong

makatulong sa mga apektadong kabataan kung paano nila haharapin ang mga

epekto ng paghihiwalay ng kanilang mga magulang at kung paano nila

malalagpasan ang mga ito.

MGA MAGULANG. Ang mga magulang ang dapat gumagabay sa kanilang

mga anak sa pamamagitan ng pagbibigay ng pamilyang payapa at masaya. Ngunit


sa mga pagkakataong hindi maiwasan gaya ng paghihiwalayan ng mag-asawa.

Ang bawat panig ng magulang ay nararapat na maging responsable sa pag-gabay

at pagmumulat sa kanilang mga anak sa ganitong sitwasyon.

MGA GURO. Malaki ang epekto ng suliraning ito sa pag-uugali ng mga

kabataang apektado nito. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga guro na

maunawaan ang pagbabago sa mga mag-aaral na nakararanas nito.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay naglalayang malaman ang mga epekto ng

paghihiwalayan ng mag-asawa sa kanilang mga anak kung kaya’t saklaw nito ang

tatlumpung (30) kabataan na nabibilang sa hindi kompletong pamilya o mga

nakararanas ng sitwasyong ito sa kanilang pamilya. Nasisiguro naman ng mga

katanungan na hindi ito labag sa mga kalooban ng mga nasangkot.

Ang pag-aaral na ito ay sinimulan sa buwan ng Nobyembre taong 2018

hanggang Pebrero ng taong 2019.


TALA

https://www.lds.org/liahona/2015/08/the-proclamation-on-the-family-

transceding-cultural-confusion?lang=tgl

https://www.termpaperwarehouse.com/essay-on/Epekto-Ng-Paghihiwalay-Ng-

Magulang-Sa-Pag-aaral-Ng-mga-Piling-estudyante-Ng-Plm/347179
KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA

Ang paghihiwalay ng mag-asawa ay malawakang isyu na nararapat na

masulusyunan. Ipanakikita ng pag-aaral na hindi nawawala ang problema at mas

lumalala pa nga kapag nakipagdiborsiyo ang isa at muling nag-asawa kahit ilang

ulit pa. May isang dahilang binanggit si M. Gary Neuman sa kaniyang aklat na

Emotional Infidelity, “Kung nagkaproblema kayo ng una mong asawa” ang sabi

niya, “hindi iyon dahil sa mali ang napili mong asawa. Nasa inyo ang diperensiya.

Minahal mo siya. Anuman ang kalagayan ninyo ngayon, ikaw, pati na ang iyong

asawa ang gumawa nito”. Ang konklusyon ni Nueman? Mas mabuting tapusin ang

problema at patuloy na magsama, kaysa tapusin ang pagsasama pero patuloy pa

rin ang problema”.

Sabihin sa iyong anak na tinedyer ang nangyayari. Hangga’t maaari, ang

dalawang magulang ang dapat gumawa nito. Ipaalam ninyo sana hindi na

mababago ang pasiya ninyong magdiborsiyo. Tiyakin sa kaniya na wala siyang

kasalanan at mahal niyo pa rin siya kahit ano ang mangyari. Tama na tapos na

ang laban. May ilan na kahit nagdiborsiyo na, away pa rin ng away. Gaya ng sinabi

ng isang eksperto, nagdiborsiyo na sila pero ayaw pa ring magpaawat. Dahil dito,

napagkakaitan ang kanilang mga anak ng panahon at pagmamahal, yamang lagi

silang nagtatalo kahit sa maliit na bagay. Bukod diyan, maari pa ngang gamitin ng

mga bata ang hindi pagkakasundo ng kanilang mga magulang para makuha ang

gusto nila. Halimbawa, maaaring sabihin ng bata sa kaniyang ina: “Si itay nga
pinapayagan akong magpagabi. Bakit kayo, ayaw niyo?” Papayag naman itong

nanay, palibhasa’y ayaw niyang kumampi ang bata sa dati niyang asawa. Hayaan

ang tin-edyer na magsabi ng kaniyang nadarama. Maaaring ikatuwiran ng mga

tinedyer, “ kung hindi na nila mahal ang isa’t isa, baka hindi na nila ako mahal, o

“ kung sila nga hindi sumusunod, bakit ako susunod? Para mawala ang pangamba

ng bata at maituwid ang kaniyang maling kaisipan, hayaan siyang magbuhos ng

kaniyang niloloob. Pero tandaan: Ikaw ang magulang. Ikaw ang magbibigay ng

emosyonal na suporta sa iyong anak, hindi ang kabaliktaran. Pasiglahin ang

tinedyer na maging malapit sa dati mong asawa. Magulang pa rin siya ng iyong

anak. Makakasama kung sisirain mo siya. Ganito ang ang sabi ng aklat na Teens

in Turmoil A Path to Change for Parents, Adolescnents and Their Families; “kung

gagamitin ng mga magulang ang kanilang mga ana bilang depensa sa korte,

ihanda ang sarili nila sa magiging epekto nito”. Huwag mong pabayaan ang sarili

mo. Kung minsan , madarama mong parang hindi mon a kaya. Pero huwag kang

susuko. Maging abala sa makabuluhang mga Gawain. Kung isa kang kristiyano,

patuloy kang maging abala sa espirituwal na mga gawain. Makakatulong ito sa iyo

at sa anak mo mong tin-edyer na manatiling timbang. Awit 18:2; Mateo 28:19, 20;

Hebreno 10:24, 25.

Mula naman sa The Bedan Journal of Psycology (2017) ang alitang mag-

asawa ay isang kaganapang karaniwan sa pagsasama. Layunin ng pag-aaral na

ito na mailarawan ang saloobin tungkol sa alitang mag-asawa ng mga naninirahan

sa GK Alaska Village, San Pedro, Laguna. Sa pamamagitan ng paggamit ng


katutubong metodo na pagmamasid-masid, pakikiramdam, pagtatanung-tanong,

pagdadalaw-dalaw at pakikipagkwentuhan hanggang sa maabot ang

pakikipagpalagayang-loob sa sampung pares ng mag-asawa. Napag-alaman na

tincturing “normal” at “salitaan” lang ang alitang mag-asawa ng mga taga GK

Alaska. Ang mga karanasan sa buhay mag-asawa ay mahirap ngunit masaya at

nalalampasan ang mgapagsubok sa tulong ng Diyos at pagtutulungan ng mag-

asawa. Ang karaniwang sanhi ng alitang mag-asawa ay tungkol sa usapin sa pera

at nasusulosyunan ang alitang mag-asawa sa paraan ng mabuting pag-uusap sa

pagitan ng mag asawa.


KABANATA 3

PARAAN NG PANANALISIK

Ayon kay Sevilla (2000), ang palarawang paraan ay dinedesenyo para sa

pananaliksik upang makalap ang mga impormasyon tungkl sa kasalukuyang

kalagayan. Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay mailarawan ang

kalikasan o kalagayan ng isang sitwasyon habang ito ay nagaganap sa panahon

ng partikular na pangyayari. Ayon naman kay De Jesus (2001), ang palarawang

pagsusuri ng sumusuri, nagtatala, naglalarawan at nagpapaliwanag kaugnay ng

umiiral na kalagayan ngayon. Nang sa gayon ay mailarawan ang isang particular

na sitwasyon gayundin upang mabigyan ito ng kaukulang pansin.

MGA RESPONDENTE

Ang mga respondent sap ag-aaral na ito tungkol sa mga epekto ng

paghihiwalayan ng mag-asawa sa kanilang mga anak ay ang tatlumpong (30)

kabataan na nakararanas mismo nito sa iba’t ibang baiting ng Don Servillano

Platon Memorial National High School, Sta. Cruz, Tinambac, Camarines Sur.

INSTRUMENTO

Ang mga respondent sap ag-aaral na ito tungkol sa mga epekto ng

paghihiwalay ng mag-asawa sa kanilang mga anak ay ang tatlumpong (30)

kabataan na nakararanas mismo nito sa iba’t ibang baiting ng Don Servillano

Platon Memorial National High School, Sta. Cruz, Tinambac, Camarines Sur.
1. FREQUENCY- ito ay nagbibigay datos tungkol sa mga maaaring maging epekto

ng paghihiwalay ng mag-asawa sa kanilang mga anak.

2. BAHAGDAN- upang mabatid ang mga respondent na sumagot sa talatanungan

Ito ang bilang sa panimula ni Pagozo et Al (1992) na kung saan:

𝒇𝒙
𝑷= 𝒙 𝟏𝟎𝟎
𝒏

Kung saan ang:

P=bahagdan

fx=bilang ng respondent na sumagot

N=bilang ng respondent

3. RANGGO- upang malaman kung ano-ano ang maaaring maging epekto sa mga

kabataang nakararanas ng ganitong sitwasyon sa loob ng tahanan.

4. WEIGHTED MEAN (w+d.x)- Ayon kay Pagozo et Al (1992) ito ay gagamtin

upang malaman ang bilang at matatama sa pamamagitan ng pagtatakda ng

halaga o higit pa. Ang panimula sa paghahanda ng weighted mean ay:

∑𝒇𝒙
𝑴𝒘 =
𝑵

w+d.x=(wx)/N na ang w+d.x=weighted mean

w=halaga o bigat g aytem


x=bilang bawat aytem

N=bilang ng respondent
TALA

Sevilla, Consuelo etd al. Pananaliksik Rey book Stall, Quezon City Belen de Jesus.

Guide Book on Thesis Writing.

Philippine Association for Graduate Education, 2001 Cristobal M. Pogozo et Al

Fundamental Statistics Sinag Tala publisher Manila, Philippines

You might also like