You are on page 1of 1

Sa Hirap at Ginhawa

Ni Anna Mikaela C. Manuel

“Tinatanggap mo ba siyang maging kaisang dibdib, na maging kabiyak ng iyong puso, sa


habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa
habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?” Ayan ang tinatanong ng pari bago tuluyan
na ikasal ang magkasintahan sa simbahan. Tinatanong sa ikakasal kung tinatanggap ba nila ang
kasintahan nila kahit marami silang pagdadaanan na pagsusubok. Para sa iba, simple lang ito at
madaling makamit ang tunay na pagmamahal. Ngunit ayon sa iba’t ibang pananaliksik, sa
kabuuan ng 102,000,000 na mga tao sa populasyon ng Pilipinas, higit 14,000,000 na tao ay nag-
iisang magulang lamang, at 1,800,000 dito ay mga nag-iisang ina.

Ayon sa iba-ibang opinyon ng mga taong hiwalay sa asawa at mga sikolohikal na


pananaliksik, maraming mga dahilan kung bakit naghihiwalay ang mag-asawa at iisa lamang ang
nagiging magulang ng ibang bata. Ang kalimitan na dahilan ng paghiwalay ay hindi
pagkakasundo ng mag-asawa sa kung anuman ang pinag-uusapan o ginagawa ng dalawa.
Puwede rin daw na dahilan ang pagtataksil, na mayroong kinalaman sa hindi pagiging tapat ng
isa, kaya nawawala na ang tiwala at hindi na kinaya ang sakit na dulot nito. Mayroon ding
nagkakaroon ng mga pinansiyal na problema, kaya kahit gusto man ng magkasintahan na
magsama, hindi nila kayang mabuhay ang isa’t isa, at lalo na kung mayroon pa silang anak. Isa
pang posibleng dahilan nito ang pananakit ng kanilang asawa na bukod pa sa pagiging labag sa
batas, ay talagang hindi dapat gawin sa asawa dahil nangako kayo sa isa’t isa noong kayo’y
ikinasal na magiging kaisang dibdib mo siya at mamahalin mo ng tunay, ngunit pisikal mo
siyang nasaktan at maaari rin itong magdulot ng emosyonal na problema sa tao.

Hindi lang ang mag-asawa ang naapektuhan ng paghihiwalay nila. Kung sila man ay
nagkaroon ng anak, hindi rin maganda ang magiging epekto nito sa bata. Maaari silang
magkaroon ng mga problema na emosyonal at hindi lumaki ng maayos kung iisa lang ang
magulang. Mabubuhay pa rin naman na normal ang bata kung iisa lang ang magulang na
kinalakihan nito, at puwede rin naman magkaroon ng kustodiya ang dalawang magulang kung
gusto nilang maging parte sa buhay ng bata, ngunit hindi nga lang magkasama ang magulang.
Mas mainam pa rin na ang bata ay lumaki na kasama ang parehas na magulang, lalo na kung iisa
lamang ang bata para maganda ang pagtingin niya sa buhay.

You might also like