You are on page 1of 9

Ano ang teenage pregnancy?

Ito ay ang maagang pagbubuntis o ang


pagdadalang tao ng isang babae na nasa edad
20 pababa kung saan ay wala pa siya sa hustong
gulang ng para pagbubuntis. Masama ito sa
mata ng diyos sapagkat ang pakikipagtalik ng
hindi pa dumadaan sa sakramento ng kasal ay
matatawag na isang kasalanan.
Ano ang mga dahilan ng teenage pregnancy?

Isa sa mga dahilan kung bakit mataas ang


bilang ng mga maagang nabubuntis ay dahil sa
hiwalay na pamilya. Uhaw sila sa atensiyon at
pagmamahal na dapat ang mga magulang at
mga kapatid nila ang nag papadama. Nakukuha
nila ang atensiyon at pag mamahal na yun sa
kanilang kasintahan at bilang sukli ibinibigay
nila ang lahat ng bagay kahit na hindi naman
dapat ibigay. Ang pagpasok sa isang relasyon na
kung saan ay hindi pa handa ang kanilang isipan
sa iba’t-ibang bagay ay isa sa piakamalaking
dahilan kung bakit mayroong mga kabataang
nabubuntis.
Sa kabilang dako, isa sa mga matinding dahilan
ng maagang pag bubuntis ay ang kuryosidad.
Nang dahil sa kuryosidad nagagawa nilang
makipag talik sa kanilang kasintahan sapagkat
gusto lamang nilang sumabay sa uso at dahil
binabalot sila ng kanilang kuryosidad na
malaman ang pakiramdam ng pakikipagtalik.
Ngunit isa sa mga nakakalungkot na dahilan ng
maagang pag bubuntis ay ang "RAPE". Ang iba
sa kanila ay biktima lamang ng pang gagahasa
ng walang awang mga tao. Sa makatuwid, wala
silang balak na magkaroon ng anak sa murang
edad pa lamang.
Ano ang mga epekto nito?

Mayroon ding epekto ang maagang


pagbubuntis sa buhay ng isang tao. Isa dito ay
nahihinto sila sa pag-aaral sa kadahilanang
kailangan nilang kumayod para sa pambili ng
mga pangangailangan ng kanilang anak. Isa
pang epekto nito ay ang hindi mapapalaki ng
maayos ang bata sapagkat wala pang sapat na
kaalaman ang mga magulang sa pagpapalaki ng
tama. Maaring lumaking payat at hindi malusog
ang pangangatawan ng bata. At ang huling
epekto ay hindi mabigay na pangangailangan ng
bata kapag ito ay lumaki sapagkat walang
magandang trabaho ang mga magulang.
Maaring wala silang makuhaan ng pera na
panggastos at pambili ng pangangailangan ng
bata. Makikita natin na maraming masamang
epekto ang maagang pag bubuntis.
Ang maagang pagbubuntis ay isang
komplikadong sitwasyon sapagkat nakasalalay
dito ang kinabukasan mo at ng magiging anak
mo. Mahalaga na isipin muna ang kahihinatnan
ng lahat bago sumubok ng isang bagay sapagkat
sabi nga nila matangkad ang pag sisisi kaya lagi
itong nasa huli.
Ang mga kabataan ay may mas mataas na
panganib din sa pagbubuntis dahil maaaring
maging sanhi ito ng pagtaas ng presyon ng dugo
at mga komplikasyon nito kaysa sa mga ina na
nagbuntis sa wastong edad. Ang maagang
nagbubuntis ay may malaki ding posibilidad na
maging anemic. Ang anemia ay pag unti ng mga
pulang selula ng dugo o red blood cells sa
katawan.
Paano naapektuhan ng maagang pagbubuntis
ang mga sanggol?

Ang malusog na pagbubuntis ay tumatagal


lamang ng 40 linggo. Ang sanggol na
ipinanganak bago ang 37 linggo ng pagbubuntis
ay tinatawag na premature. Ang mga kabataang
nabubuntis ay may mas malaking tyansa na
magsilang ng mga premature na sanggol. Kung
minsan, ang mga sanggol ay naisisilang ng may
panghabamhubay na kumplikasyon sa katawan
at utak depende kung gaano ito kapremature.

Ang mga premature na sanggol ay


kadalasang kulang sa timbang na pwedeng
magresulta sa mahirap na paghinga at
pagpapakakain sa kanila. Sila din ay may
malaking posibilidad ng pagkakaroon ng
diabetes at sakit sa puso. Bukod pa dito,
madami sa mga sanggol na kulang sa timbang o
underweight ay may komplikasyon sa utak na
sanhi ng mahinang pagkatuto
Ang tungkulin ng mga magulang
Ito ang oras kung kailan mas kailangan ka
nila.
Para sa ikabubuti ng iyong anak na siya’y iyong
tulungan. Ito ang mga pwede mong gawin:
1. Samahan mo ang iyong anak sa ospital.
Maging kasangkot ka sa kanyang
pagbubuntis. Samahan mo siya kapag checkup
nya na sa ospital at siguraduhin mong alam mo
ang estado at progreso ng kanyang
pagbubuntis.
2. Timpiin ang iyong mga emosyon
Ikaw man ay nakakaramdam ng gulat,
pagkabigo, galit, o ang pakiramdam na
kasalanan mo ang lahat ng nangyari. Natural
lang ito. Pero gawin mo pa rin ang lahat ng
iyong makakaya para timpiin ang iyong mga
emosyon para maayos mong makausap ang
iyong anak.
Pero dapat ay meron ka ding makakausap na
ibang tao tungkol sa iyong sitwasyon. Kaibigan,
kamag-anak, o sinomang mapagkakatiwalaan
mo.
Ang pagkakaroon ng masasabihan tungkol
sa isyu na ito ay makakatulong sa estado ng
iyong pag-iisip at mga emosyon. Pwede ka ring
matuto ng mga aral kung paano mo pa
masusuportahan ang iyong anak.
3. Tumulong ka
Siguradong mangangailangan ng tulong na
pinansiyal ang iyong anak habang siya ay
nagbubuntis, at pagkatapos niyang manganak.
Kung kaya mo, subukan mong tumulong.Pwede
mo ring tulungan ang iyong anak na maghanap
ng pinakamahusay at murang maternity
package. Dapat subukan niyo pa ring maging
praktikal.
4. Maghanda para sa bata
Naranasan mo nang magka-anak kaya
naman makakatulong ka sa pagpapalaki ng bata
at pagsuporta sa iyong anak.
Kasama na sa paghahanda ang pakikipag-usap
sa ama ng bata. Lahat ng mangyayari sa bata ay
dapat mapag-usapan ng parehong pamilya.
Hindi nila kailangang piliting magpakasal, pero
dapat ay mapag-usapan kung paano ang hatian
ng gastusin para sa bata.
5. Bigyan ng suporta ang iyong anak.
Kailangan maramdaman ng iyong anak na
kaya niyang magtiwala sa iyo para sa iyong
suporta. Bigyan mo sya ng maayos, mabuti, at
mapagtanggap na kapaligiran kung saan
mararamdaman niyang ligtas siya. Dito siya
magiging komportable para humingi sa iyo ng
tulong.

Dapat tandaan ng mga maagang


nagbubuntis, na meron sila parating
matatakbuhan sa oras ng pangangailangan.

You might also like