You are on page 1of 1

KALIKASAY WAG SIRAIN

Talumpati

Sa paggising sa umaga at sa pagpasok sa eskuwela. Sa pagkatok sa pintuan nakita ang


elektrikpan ako'y nakaharap dito. Dito! Sa harap ninyo. Para maunawaan ninyo kung ano ang nakita ko
habang papunta sa eskwelahan. Ang kalikasan ay dapat alagaan ito ay mahalaga dahil sa ito ay nilikha
ng Diyos. Huwag natin sirain dahil bunga ay kalamidad. Tayong mga tao ang nilikha ng diyos para
mangalaga sa kapaligiran dahil tayong mga tao ang mas pinakamakapangyarihang nilalang na
nilikha. Isipin natin na ang mundong ating ginagalawan ay hiram lang natin sa kanya. Paano kung bawiin
nya ito? dapat itong alagaan.
Kalikasan !Ano ba ang kalikasan? Ano ba ang unang pumapasok sa mga isipan o utak niyo sa
tuwing naririnig ninyo ang salitang kalikasan? Sumasang-ayon ba kayo sa patuloy na gawain ng mga tao
sa pagsira ng inang kalikasan? Kaibigan, ang sagot ko ay hindi.Bakit?! Dahil gusto niyo ba na ang ating
mga anak ay maranasan ang kawalan ng puno sa buhay nila? At makita nalang ito sa mga letrato?
Kaibigan, ito ay isang pagkakamali dapat ituwid. Huwag na tayo magbingi-bingian, bulag-bulagan at dapat
tayo ay mag-isip-isip sa lahat ng ating gagawin kung ito ba ay tama o mali..
Sa ngayong ay unti unti nang nauubos ang ating likas na yaman, kapag itoy patuloy na mangyari
may posibilidad na masira din ang ating sariling tirahan. Kaya ngayon palang dapat na nating tigilan ang
pag-abuso at paglustay sa walang kabuluhan ng ating likas na yaman o ang ating kalikasan, nang sa
gayoy tayong mga tao ay makapamuhay ng maayus ay matiwasay. Dapat alalahanin kalikasa'y bigay ng
diyos para alagaan para sa ating mga taong naninirahan sa mundong ibabaw.

You might also like