You are on page 1of 7

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ICT 4

Agusto 18, 2015


I.

Mga Layunin
Pagkatapos ng 40 minutong talakayan, ang mga mag-aaral sa ika-apat na baitang ay
inaasahang magagawa ang mga sumusunod na mayroong 75% na pagkatuto:
a. nakapag-eedit ng larawan gamit ang basic photo-editing tool;
b. nakalilikha ng isang produktong maaring inegosyo gamit ang basic photo editing tool; at
c. nakapagpapahayag ng pagkamalikhain sa pag-edit ng sariling larawan.

II.

Paksang Aralin
Paksang Aralin: Pag-Edit Ng Larawan Gamit Ang Basic Photo Editing Tool
Batayang Aklat: Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4
Eden F. Samadan, Marlol L. Lalaguna, Virgilio L. Laggui, Marilou E.
Marta R. Benisano
Pahina 179-188
Kagamitang Panturo: Overhead Projector, Laptop, Kartolina
Pagpapahalaga: Pagkamalikhain

III.

Pamamaraan
Gawain Pang Guro

Gawain Pang Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
(Pagdarasal, Pag tsek ng mga lumiban
sa klase, at pampasiglang gawain).
B. Balik Aral
Sino sa inyo ang nakakaalala pa ng ating
nakalipas na aralin?

Guro, ang atin pong nakalipas na aralin ay


patungkol sa MS Paint.

Magaling!
Anu-ano ang ibat-ibang bahagi ng MS
Paint? Magbigay ng isa.

Guro ako po. Ang isang bahagi ng MS


Paint ay Paint tool.

Magaling!
Ano na nga ang paint tool?

Mahusay!
Ano pa ang ibang bahagi?

Guro ang paint tool po ay naglalaman ng


mga command tools na gagamitin sa
paggawa ng bago, pagbukas , at pag-save
ng file.
Guro, isa pa po ay ang Quick Access

toolbar.
Ano ang Quick Access toolbar?
Tama!
Ano pa?

Ang Quick Access toolbar po ay


naglalaman ng tool shortcuts para sa
mabisang pag-acces dito.
Guro, ribbon po.

Ano ang ribbon?

Tumpak!
At ang huli?
Bigyan ng 5 palakpak ang mga sumagot.

Ito po ay naglalaman ng ibat-ibang tools


na maaring gamitin sa pagguhit, pagkulay
at iba pa.
Guro, ang huli po ay ang drawing area.
Dito po gumuguhit at nag-eedit ng
larawan.

C. Bagong Aralin
a) Mga Gawain
Gawain 1
Ang guro ay
magpapakita/magdidikit ng isang
kartolina sa pisara na kung saan
naglalaman ng mga sumusunod na
katanungan:

Sa kapirasong papel sagutin ang mga


katanungan. Kung taglay mo na ba ang
mga sumusunod na kaalaman at
kasanayan gamit ang drawing software?
Lagyan ng tsek () kung taglay mo na at
ekes (X) kung hindi pa.
1. magbukas ng larawan para i-edit.
2. mag-crop ng larawan.
3 .maglagay ng shape sa larawan.
4. maglagay ng text na may angkop na
kulay sa ibabaw ng larawan.
Ang mga estudyante ay sasagot.
5. magtanggal ng puting background ng
text.

Gawain 2
Masasabi mo ba ang pagkakaiba ng
dalawang larawan? Ituro ang bahagi ng
larawan B na naiiba sa larawan A.

LARAWAN A
LARAWAN B
Ngayon sa palagay ninyo ano ang ating
aralin ngayong umaga?
Magaling !
Tama ang iyong sagot.
Ano nga ba ang photo-editing?

Guro, sa akin pong palagay ang atin pong


Sa pag edit ng larawan ay mayroon tayong aralin ay tungkol sa pag-edit ng larawan
sumusunod na mga hakbang:
gamit ang photo edting tool.
1. Buksan ang paint. Kumuha ng
larawan na naka-save sa picture
folder o kahit saang folder na Ang Photo Editing ay pagbabago ng itsura
may larawan.
ng isang larawan.
2. Magbukas ng bagong larawan
sa pamamagitan ng pag-click sa
paint
button.
Piliin
ang
gagamiting larawan.
3. May iba pang paaran upang
kumuha ng larawan.(Maglaan
ng ilang minuto para gawin ito)
4. I-click ang eraser, pencil, at iba
pang
tools
tignan
ang
mangyayari sa paggamit ng
ibat-ibang tools.
5. I-click ang select at pumili sa
selection shape. I-click at hilain
sa canvas ang selection shape
hanggang lumabas ang broken
lines. I-click ang gitnang bahagi
na pinalilibutan ng selection
shape. Igalaw ito at tingnan ang
mangyayari sa larawan.

6. Patuloy na diskubrehin ang


pagbabagong maaaring gawin
sa larawan. (Limang minuto)
D. Pagsusuri
Ang guro ay magpapakita ng larawan na
ginamitan ng basic photo editing.

Larawan na ginamitan ng photo editing.


1.) Anong mensahe ang pinapahayag ng
larawan?
2.)
Naging
epektibo
ba
ito
sa
pagpapahayag sa mensahe??
3.) Paano ito naging epektibo?
4.) Anong elemento ng pagdedisenyo?
(kulay, hugis at text atbp.)
Magpapakita ang guro kung papaano mag
crop ng larawan, maglagay ng shape sa
Sasagot ang mga bata.
larawan, maglagay ng text. Maaring
sumabay ang mga bata.

E. Paglalahat
Mga bata ano ang ibig sabihin ng Photo
Editing?
Tama!
Mga bata anu-ano na nga ang mga

hakbang sa pag-eedit ng isang larawan?


Magbigay ng isa Joshua.

Maam ang Photo Editing ay pagbabago ng


mukha o itsura ng isang larawan.

Mahusay!
Ano pa? Jayann.
Magaling Jayann!
Magbigay pa ng isa Chin.

Tumpak! Ano pa? Marnelie?

Tama Marnelie!
Dalawa pa. Monica?

Maam ang isa sa mga hakbang sa pagedit ng larawan ay buksan ang paint.
Kumuha ng larawan na naka-save sa
picture folder o kahit kahit saang folder na
may larawan.

Maam magbukas ng bagong larawan sa


pamamagitan ng pag-click sa paint button.
Piliin ang gagamiting larawan.
May iba pang paaran upang kumuha ng
larawan.katulad ng pag drug ng larawan
mula sa folder.(Maglaan ng ilang minuto
para gawin ito)

Mahusay!
At ang pinakahuling hakbang ay Jade.
Magaling!
Kayong lahat ay nakikinig.

Maam i-click ang eraser, pencil, at iba


pang tools tignan ang mangyayari sa
paggamit ng ibat-ibang tools.

E-click po Maam ang select at pumili sa


selection shape. E-click at hilain sa canvas
F. Pagtataya
ang selection shape hanggang lumabas
ang broken lines. E-click ang gitnng
(Hahatiin ng guro ang Klase sa apat na
bahagi na pinalilibutan ng selection shape.
grupo. Pabubunutin sa kahon ang bawat
Igalaw ito at tingnan ang mangyayari sa
ang grupo. Sa loob ng kahon ay may

papel na nakasulat kung anong larawan


ng produkto ang kanilang i-eedit na
maaaring gamitin sa negosyo.Gawing
basihan sa pag-edit ang rubric sa ibaba.
Ito ay ipapakita sa harapan ng buong
klase pag katapos ng 10 minuto.)

larawan.

Maam ang pinaka huling hakbang po ay


Patuloy na diskubrehin ang pagbabagong
maaaring gawin sa alarawan.

1.) Mangga
2.) Niyog
3.) Saging
4.) Kasoy
Rubrik sa Pag-edit ng larawan.
Paglalarawan
Malinis, kaakit-akit at
organisado.
Malinis at Kaakit-akit.
Malinis.

Punto
s
20
15
10

Taglay mo na ba ang mga sumusunod na


kaalaman at kasanayan gamit ang drawing
software? Lagyan ng tsek () kung taglay
mo na at ekes (X) kung hindi pa.
1. magbukas ng larawan para i-edit.
2. mag-crop ng larawan.
3 .maglagay ng shape sa larawan.
4. maglagay ng text na may angkop na
kulay sa ibabaw ng larawan.
5. magtanggal ng putting background ng
text.

IV.

TAKDANG ARALIN
I-edit ang sariling larawan gamit ang photo editing tool. Maging malikhain sa pag edit.

Inihanda nina:

LENNETH MAZE C. DELA ROSA


MACKLINE P. ARZAGA

You might also like