You are on page 1of 29

4

Edukasyong
Pantahanan at
Pangkabuhayan
(EPP-ICT)
Ikatlong Markahan – SIM 7
Pagguhit Gamit Ang Drawing Tool
o Graphic Software at Pag-edit ng
Larawan Gamit ang Basic
Photo Editing Tool

Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng Misamis Occidental

22
EPP – Baitang 4
Ikatlong Markahan– SIM 14 Pagguhit Gamit ang Drawing Tool o Graphic
Software at Pag-edit ng Larawan Gamit ang Basic Photo Editing Tool
Ikalawang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikap ang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental
Pansangay naTagapamanihala ng mga Paaralan: Edwin R. Maribojob, EdD, CESO VI
Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan: Eugene I. Macahis Jr.

Development Team of the Module


Developer/s: Arnel M. Saluta, Jenelyn D. Tiongson
Reviewers/Editors: Liezl L. Talip, Principal I
Daisy V. Saycon, Principal I
Thelma B. Yorong, Principal I
Jorenda C. Biñas, Head Teacher III
Illustrator and Layout Artist: Leoma O. Tabanao, Teacher II
Mehille N. Lanorias, Teacher III
Management Team
Chairperson: Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Eugene I. Macahis Jr.


Assistant Schools Division Superintendent

Samuel C. Silacan, EdD


CID Chief

Members: Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMDS


Joseph T. Boniao, EPS – TLE/EPP
Edwin V. Palma, PSDS
Rey G. Salcedo, P-II/DIC
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental
Office Address:Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
(088) 531-1872 / 0977 – 8062187

4
Contact Number:
E-mail Address: deped_misocc@yahoo.com

22
Pagguhit Gamit ang Drawing
Tool o Graphic Software at
Pag-edit ng Larawan Gamit ang
Basic Photo Editing Tool
EPP Ikatlong Markahan SIM 7

Nilalaman….. MS Paint
Aralin 1
Gabayan Mo Ako . .1
Gawain 1 ….. . . . . .4
Gawain 2 ….. . . . . .5
Graphic software
Gawain 3….. . . . . . 6
Subukan Ko ….. . .. 7
Ipakita Ko ….. . . . . 8
Dagdag Kaalaman.. 9
Wastuhin Ko …. ....10
Aralin 2
Gabayan Mo Ako . 11
Gagawin Ko Arnel M. Saluta, T-I
Gawain 1 ….. . . . . 18 Migsale Elementary School
Gawain 2 ….. . . . . 19
Jenelyn D. Tiongson, T-I
Gawain 3….. . . . . .20 Ignacio Tan Mem. Integrated School
Subukan Ko ….. . ..21
Ipakita Ko ….. . . . 23
Dagdag Kaalaman .24
Wastuhin Ko …. ....25

22
Gabayan Mo Ako

Ang modyul na ito ay edenisenyo at isinulat para sa inyo. Ito


ay isinasagawa upang kayo ay matulungan at madagdagan
ang inyong mga kaalaman at kasanayan sa komunikasyon
gamit ang teknolohiya. Ang kahulugan, kahalagahan ng
pagguhit gamit drawing tool o graphic software ay lubos
mong matutuhan upang magamit sa iyong pang araw- araw
at panghinaharap na mga gawain.

Aralin Pagguhit Gamit ang Drawing

1 Tool o Graphic Software


Ang Modyul na ito ay sumusunod sa Most Essential
Learning Competency (MELC) na:

 Nakaguguhit gamit ang drawing tool o graphic


software. EPP4IE -0i-18

Maaari kang gumuhit ng larawan gamit ang computer sa


pamamagitan ng drawing tools o graphic software.
Malilinang ang iyong pagiging malikhain dahil nagtataglay ito
ng mga tools na gaya ng ginagamit ng mga propesyonal na
pintor.
Gaya ng nakagawiang paraan ng pagguhit at pagpipinta
na di gumagamit ng computer, ang graphic software ay
mayroong drawing area na nagsisilbing canvas o papel sa
isang pintor.

Sundan ang mga sumusunod upang masiyasat ang


paggamit nito

1
22
1. Buksan ang MS Paint. Tingnan ang interface nito. Ano
ang pagkakaiba nito sa word processor at spreadsheet
application?
Quick Access Drawing
Paint Toolbar Area
Tool Ribbon

a. Paint Tool – naglalaman ng mga command tools na


gagamitin sa paggawa bago, pagbukas at pag-save
ng file.
b. Quick access toolbar – naglalaman ng mga tool
shortcuts para sa mabilisang pag-access dito.
c. Ribbon – naglalaman ng iba’t ibang tools na
maaaring gamitin sa pagguhit, pagkulay, pag-eedit
ng larawan at iba pa.
d. Drawing area – canvas kung saan maaaring
gumuhit o mag-edit ng larawan.
2. I – click ang pencil tool at color 1. Pumili ng kulay sa
color pallette sa pamamagitan ng pag-click nito.

22
2
3. I-click at drag ang mouse sa bahagi ng drawing canvas
kung saan mo gustong gumuhit.
4. Maari kang magset ng dalawang kulay gamit ang Color
1 at Color 2. I-click ang Color 2 at pumili ng kulay gamit
ang color pallete.

5. Subukin mong magpalit ng brush at kulay. Mapapansin


na may iba’t ibang uri ng brush na maaaring gamitin.
Ang bawat brush ay nakagagawa ng iba’t ibang effects
gaya ng mga artistic brush na gamit ng mga pintor.

6. I-click ang eraser tool at itapat ang cursor sa drawing


area na may larawan. I-click at i-drag ang mouse sa
bahaging may larawan. Pagmasdan kung ano ang
mangyayari rito.
7. Patuloy na i-explore ang graphic software.

22
3
Gagawin Ko

Gawain 1
Panuto: Gamit ang graphic software, gayahin ang imahen
sa Hanay A. Piliin ang mga tools sa Hanay B na maaaring
gamitin upang makagawa ng tulad na imahen sa Hanay A.
Isulat ang sagot sa papel.

Hanay A Hanay B

____1. A.

____2. B.

____3. C.

____4. D.

____5. E.

22
4
Gagawin Ko

Gawain 2
Panuto: Unawaing mabuti ang bawat pangungusap at
piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

A. Drawing Area E. Graphic Software


B. Paint Tool F. Computer
C. Ribbon
D. Quick Access Toolbar

_____ 1. Ito ay nagsisilbing canvas kung saan maaaring


gumuhit o mag-edit ng larawan.

_____ 2. Bahagi ng interface na naglalaman ng iba’t ibang


tools na maaaring gamitin sa pagguhit, pagkulay,
pag-edit ng larawan at iba pa.

_____ 3. Ito’y naglalaman ng mga command tools na


gagamitin sa pagguhit ng mga larawan bago
magbukas at pag-save ng file.

_____ 4. Malilinang ang iyong pagiging malikhain dahil


nagtataglay ito ng mga tools na gaya ng ginagamit
ng mga propesyonal na pintor.

_____ 5. Ito’y naglalaman ng mga tool shortcuts para sa


mabilisang pag-access dito.

5 22
Gagawin Ko

Gawain 3

Panuto: Punan ang mga nawawalang titik upang mabuo


ang wastong sagot sa bawat bilang.

1. Anong Software ang iyong buksan upang gumuhit o


magpinta?

M S P A N

2. Anong tool ang ginagamit upang makagawa ng iba’t


ibang effects sa pagpipinta gaya ng mga artistic brush
na gamit ng mga pintor?

B U H
3. Aling button ang iki-click kung nais pumili ng kulay?
C O L O R 1 C O R 2
4. Ano ang iki-click at i-drag sa bahagi ng drawing
canvas kung saan mo gustong gumuhit?
M S E
5. Saang bahagi ng computer makikita ang Paint tool,
Quick Access toolbar, Ribbon at Drawing Area?
I T R F C E

22
6
Subukan Ko

Panuto: Gamit ang graphic software, ikabit ang mga larawan


ng limang hugis na nasa loob ng kahon upang
makabuo ng isang parol.

1.
3.
5.
Pentagon Four-point Star

2.
4. Line

Five-point Star Four-point Star

Sundin ang mga hakbang:


1. Iguhit ang pentagon.
2. Ilagay sa loob ng pentagon ang five-point star.
3. Ikabit sa baba, sa may kaliwang bahagi ng five-point
star ang unang four-point star.
4. Sa kanang bahagi naman ang pangalawang four-point
star.
5. Ikabit sa ibabaw ang line bilang tali.

7
22
Ipakita Ko

Panuto: Gamit ang graphic software, gayahin ang larawan


na nasa baba at kulayan ito.

Kulay ng Petals:
Pula - may
Dot na
Yellow

Kulay ng dahon:
Green o berde

22
8
Dagdag Kaalaman

Tandaan Natin

Ang drawing tools o graphic software ay


mabilisang tool upang gumuhit ng larawan. Maaaring
gumuhit gamit ang pencil tool at maglagay ng kulay
gamit ang brushes at color tool ng isang graphic
software. Mas mapapabilis naman ang pagguhit ng
iba’t ibang hugis kung gagamitin ang shape tool.

Sanggunian

Eden F. Samadan, et.al., Aklat ng Edukasyong Pantahanan


at Pangkabuhayan 4, 168 – 178 Binagong Edisyon,
2019.

229
Wastuhin Ko

Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3


1. B
1. A 1. MS PAINT
2. A
2. C 2. BRUSH
3. C
3. B 3. COLOR 2
4. E
4. E 4. MOUSE
5. D
5. D 5. INTERFACE

Subukan Ko Ipakita Ko

22
10
Gabayan Mo

Ang Self-Instructional Material (SIM) na ito ay naglalayon


na ikaw ay matutong mag-edit ng larawan o photo gamit ang
Basic Photo Editing Tool.

Pag-edit ng Larawan Gamit ang


Aralin
Basic Photo Editing Tool
2
Nakakapag-edit ng photo gamit ang Basic Photo Editing
Tool, EPP4IE-0i-19

Basahing mabuti ang mga gabay sa ibaba.


Pag-edit ng Larawan
- ay isang paraan upang mas mapaganda ang isang
larawan.

Paint graphic software


- ay maaring gamitin sa pag-edit ng larawan.
Gamit ang Paint graphic software, ang larawan ay pwedeng:

 Paliitin
 Dagdagan ng text, shapes at iba’t ibang disenyo
 Magtanggal ng background ng text
 Putulin o e-crop
Sundin ang mga sumusunod na hakbang sa Pag-edit ng
larawan.

22
11
Pagbukas ng Larawang I-edit
1. Buksan ang Paint Graphic software.

2. Magbukas ng larawan sa pamamagitan ng pag-click ng


Open button.

3. Piliin ang gagamiting larawan sa inyong folder. I-click ang


Open.

22
12
A. Pagdagdag ng Text

1. I-click ang text button upang makadagdag ng kataga


o text sa larawan. Pagkatapos maclick ang text button, i-
click at i-drag ang mouse sa bahagi ng larawang gusto
mong lagyan ng text. Bitawan ang mouse para lumabas
ang kahon o text box.

2. Magtype ng salita sa loob ng kahon o text box. Kung


hindi kasya ang salita sa loob ng kahon, i-click ang point
na nasa gilid ng kahon at hilain ito para lumaki ang
kahon.

22
13
3. Pumili ng angkop na text style at text size sa menu bar.

4. Pumili ng angkop na kulay ng text.

5. Kung gusto mong lagyan ng background ang text, i-click


ang Opaque at i-click naman ang transparent kung
gusto mong matanggal ang background ng text.

14 22
6. I-save ang iyong proyekto.
B. Pagdagdag ng Shapes
1. Pumili ng shapes na gusto mong idagdag sa larawan. I-
click ang napiling shape.

2. I-click ang bahagi ng larawan na lalagyan ng shape at


sabay na i-click at i-drag ang mouse. Bitawan ang
mouse para lumabas ang shape na napili. Maaaring
palakihin at paliitin ang shape na napili sa
pamamaagitan ng paghila sa gilid ng shape na may
point.

22
15
3. Pumili ng angkop na kulay ng shape.

4. I-save ang iyong proyekto.


C. Pagputol o pag-crop ng larawan
1. I-click ang Select button at pumili ng selection shape
(Rectangular selection o Free-form selection) na gustong
gamitin.

2. Kung rectangular selection ang gagamitin, i-click ang


bahagi ng larawan na gusto mong i-crop at sabay na i-
click at i-drag ang mouse para ma-adjust ang selection
shape. Pagkatapos mai-adjust ang selection shape,
bitawan ang mouse.

22
16
3. Kung may isang partikular na bagay o tao na nasa
larawan na gusto mong i-crop, gamitin ang free-form
selection. Sabay na i-click at i-drag ang mouse sa guhit
na nasa gilid ng bagay o tao hanggang mapalibutan ito
ng selection shape. Pagkatapos, bitawan ang mouse.

4. I-click ang crop button para mawala ang bahagi ng


larawang puputulin.

5. I-save ang iyong proyekto.

1722
Gagawin Ko

Gawain 1

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga buttons at


software na gagamitin upang makumpleto ang mga hakbang
na nasa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
notbuk.

A. Text

B. Transparent

C. Open

D. Paint

E. Text Style

1. Upang makapag-edit ng larawan, buksan ang


________Graphic Software.

2. Magbukas ng larawan sa pamamagitan ng pag-click sa


_____button.

3. I-click ang ________ upang makadagdag ng salita sa larawan.

4. Kung pipili ng angkop na desinyo ng text, i-click ang ________.

5. Upang matanggal ang background ng text, i-click ang _________.

18
22
Gagawin Ko

Gawain 2

Panuto: Isaayos ang mga sumusunod na hakbang ayon sa


wastong pagkakasunod-sunod nito. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel o notbuk.

a. I-save ang iyong proyekto.

b. Pumili ng shapes na gusto mong idagdag sa larawan at i-


click ang napiling shape.

c. Magbukas ng larawan sa pamamagitan ng pag-click ng


Open button.

d. I-click ang bahagi ng larawan na lalagyan ng shape at


sabay na i-click at i-drag ang mouse. Maaaring palakihin
at paliitin ang shape na napili sa pamamaagitan ng
paghila sa gilid ng shape na may point.

e. Pumili ng angkop na kulay ng shape.

19
22
Gagawin Ko

Gawain 3

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung tama ang isinasaad


ng pangungusap at isulat ang MALI kung hindi tama ang
isinasaad.

1. Para ma-crop ang isang larawan, gamitin ang erase


tool.

2. Ang dalawang uri ng selection tool ay ang rectangular


shape at free-form shape.

3. Ang pag-crop ay isang paraan ng pagdagdag ng text sa


larawan.

4. Kung magcrop ng larawan, gamitin muna ang selection


tool bago i-click ang crop button.

5. Kung may isang partikular na bagay o tao na nasa


larawan na gusto mong i-crop, gamitin ang rectangular
shape selection.

22
20
Subukan Ko

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong notbuk.

1. Alin sa mga sumusunod ang dapat na i-click para


makapagdagdag ng text?

A. B. C. D.
2. Kung puputulin o i-crop ang larawang ito, ano ang
magiging resulta?

A.

B.

22
21
C.

D.

3. Anong software o application ang puwedeng gamitin sa


pag-edit ng larawan?
A. Spotify B. Skype C. Paint D. Facebook

4. Kung tatanggalin ang background ng text, anong


button ang dapat na i-click?

A. B. C. D.

5. Ang button na ito ang i-click kung gusto mong


magbukas ng larawang i-edit.

A. B. C. D.

22
Ipakita Ko

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong notbuk.

1. Balak ni Ana na magtinda ng mga damit sa kanilang


tindahan. Upang magkaroon siya ng maraming
mamimili, maglalagay siya ng isang tarpaulin sa labas
ng kanilang tindahan. Alin sa mga sumusunod na
larawan na kanyang na-edit ang puwede niyang
gamitin?

A. B.

2. Inutusan si Dexter na mag-edit ng larawan na


gagamitin para makumbinsi ang mga taong kumain sa
kanilang karinderya. Alin sa mga sumusunod ang
maaari niyang gamitin?

A. B.

3. Alin sa mga sumusunod na larawan ang mas


napaganda o na-edit gamit ang Basic Photo Editing
Tool?

A. B.

22
23
Dagdag Kaalaman

Maaaring lalo pang mapaganda ang isang larawan


kung lalagyan ito ng iba’t ibang disenyo. Ang tamang
paggamit ng kulay, hugis, at text ay napakahalaga upang
mas maging epektibo ang nilalayong desinyo sa larawan.

Sanggunian:

Eden F. Samadan et al, Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan 4 Kagamitan ng Mag-aaral, FEP
Printing Corporation, 2019, 179-188

www.canva/education/

22
24
25
22
Subukan Ko
1. A
2. B
3. C
4. C
5. C
Gagawin Ko Gagawin Ko Gagawin Ko
Gawain 3 Gawain 2 Gawain 1
1. MALI 1. C 1. D
2. TAMA 2. B 2. C
3. MALI 3. D 3. A
4. TAMA 4. E 4. E
5. MALI 5. A 5. B
Wastuhin Ko
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental

Osilao St., Poblacion 1, Oroquieta City, Misamis Occidental


Contact Number: (088) 531-1872 / 0977 – 8062187
E-mail Address: deped_misocc@yahoo.com

You might also like