You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CARCAR CITY
P. Nellas St., Poblacion III, Carcar City, Cebu

Instructional Plan (iPlan) sa EPP 4

Teacher: Jana A. Tangian School: UES Grade Level: 4


Learning Area: EPP Time: Date: March 27, Checked by:
2023
iPlan No: 4 Quarter: 3 Duration: 40 mins.
Mga Kasanayan: 2.3.2 Nagagamit ang iba’t-ibang productivity Code:
tools sa paggawa ng iba’t-ibang disenyo ng EPP-4IA-0e5
basic sketching, shading at outlining.
Susi ng Pag-unawa na Sa paggawa ng disenyo para sa isang proyekto ay maaari tayong
Lilinangin gumamit ng iba’t ibang productivity tools sa tulong ng
computer. Isa na rito ay ang graphic editing tool na Micosoft
Paint.
I. Mga Layunin
Kaalaman Natutukoy ang iba’t ibang uri ng productivity tools na maaaring
magamit sa paggawa ng disenyo.
Kasanayan Naipaliliwanag ang gamit ng iba’t ibang uri ng productivity tools
sa pagdidisenyo.
Kaasalan Naipapakita ang pagtutulungan at respito sa pangkatang
gawain.
Kahalagahan Naipapakita ang kahalagahan ng productivity tools bilang mag-
aaral sa makabagong teknolohiya.
II. Mga Kagamitan Powerpoint presentation, video clip, visual aids
sa Pagtuturo
III. Nilalaman Productivity tools sa paggawa ng disenyo
IV. Pamamaraan
1. Panimulang Gawain Ipakita ang dalawang larawan sa klase at ipabahagi sa mga mag-
aaral ang kanilang obserbasyon tungkol dito.

Katanungan:
1. Ano ang masasabi ninyo sa mga larawan?
2. Ano ang pinagkaiba sa dalawang larawan?
3. Alin sa dalawang larawan ang nagpapakita ng drowing
gamit ang isang software mula sa computer?
2. Mga Gawain/ Hulaan Mo!
Estratehiya

Ipakita sa mga mag-aaral ang mga sumusunod


na larawan at pahulaan sa kanila kung ano
ang tawag sa mga ito.

Mga Sagot :
Computer, Lapis, heart, curve line, color picker icon, arrow, fill
with color icon, paint brush, diamond.

3. Pagsusuri Ipakita ang jumbled letters at ipa ayos ito sa mga mag-aaral
upang mabuo ang tamang salita.

 DUCPROTIVITY (PRODUCTIVITY)
 OOLST (TOOLS)
 YOSENDI (DISENYO)

Tanungin:
 Ano ang mga salita na inyong nabuo?
(Ipaliwanag ang bawat salita sa klase)
 Base sa mga salitang ito ano kaya ang ating tatalakayin
ngayon?

Sabihin: Ngayon ay tatalakayin natin ang mga productivity tools


mula sa Ms Paint sa paggawa ng disenyo.
4. Pagtatalakay Ang Productivity Tools sa paggawa ng disenyo

Microsoft Paint – Ito ay isang graphic editing tool na maaaring


gamitin sa paglikha ng mga drowing gamit ang isang computer.
Ang mga tools sa Ms Paint ay matatagpuan sa Ribbon na nasa
itaas ng Paint Window.
(Ipakita ang larawan ng Ms Paint at ang mismong Ms Paint na
software)

1. Pagguhit ng mga linya


Narito ang mga tools na maaari mong magamit sa paglikha ng
linya sa Ms Paint:

a. Pencil tool-ginagamit sa paglikha ng maninipis


na linya o mga kurba

b. Brushes: ginagamit sa paglikha ng mga linya


na mukhang ginamitan ng artistic brushes

c. Line tool: ginagamit sa paglikha ng mga tuwid


na linya. Maaari mong piliin ang kapal ng
linyang nais mong gawin.

d. Cursive tool: ginagamit sa paglikha ng mga


pakurbang linya

2. Paglikha ng iba’t ibang hugis


Maaari kang makalikha ng iba’t ibang hugis gamit ang Ms Paint.
Maaari kang pumili ng hugis na nais mo sa ready-made shapes.

Narito ang listahan ng iba’t ibang hugis na maaari mong piliin sa


ready-made shapes.
Line

Curve

Oval

Rectangle and
Rounded rectangle

Triangle and Right Triangle

Diamond
Pentagon

Hexagon

Arrows
(Right, left, up, down)

Stars
(4-point, 5-point, 6-point)

Callouts
(Rounded rectangular, oval, cloud)

Heart

Lightning bolt

3. Paglalagay ng Kulay
Ang sumusunod ay maaari mong gamitin sa paglalagay ng kulay
sa iyong drowing gamit ang Ms Paint.

a. Color boxes – ang color boxes ay


nagsasabi ng kasalukuyang kulay:
color 1(foreground color) , color 2
(background color)

b. Color picker – ginagamit ang color picker


sa pagpili ng kasalukuyang foreground or
background na kulay

c. Fill with color – ginagamit ang fill with


color upang lagyan ng kulay ang kabuuang
larawan o mga hugis.

d. Editing colors – ginagamit ang editing


colors sa pagpili ng ibang kulay. Ang
paghahalo ng mga kulay ay makatutulong
sa pagpili ng eksaktong kulay na nais
mong gamitin.

(Ipakita ang video clip ng isang drowing gamit ang Ms Paint


https://youtu.be/vboEh_hPyI8)
4. Paglalapat Hatiin sa anim (6) na pangkat ang klase at bigyan ang bawat
grupo ng kanilang mystery word na e di-decode gamit ang
Alphabet Number Code. Pagkatapos ma decode ang mystery
word ay isusulat nila ito sa bond paper at lalagyan ng paliwanag
kung ano ang gamit sa productivity tool na ito.
Pipili ang bawat grupo ng isang miyembro na siyang mag pre-
presenta sa nagawang output.

Alphabet Number Code:

Pangkat 1

Pangkat 2

Pangkat 3

Pangkat 4

Pangkat 5

Pangkat 6

(Mga Sagot: Pencil tool, Line tool,


Color picker, Cursive tool, Color boxes, Brushes)

Sa bawat pag presenta ng mga pangkat sa kanilang sagot ay ipa


turo sa kanila kung saan makikita ang mismong tool sa Ms Paint.
5. Pagtataya Panuto: Piliin mula sa kahon ang sagot sa mga tanong.

Microsoft Paint Cursive tool Oval


Color picker Color boxes Pencil tool
Line tool Arrow Brushes Fill with color

1. Ito ay isang graphic editing tool na maaaring


gamitin sa paglikha ng mga drowing gamit ang
computer. Microsoft Paint
2. Ginagamit sa paglikha ng mga tuwid na linya.
Line tool
3. Ginagamit sa pagpili ng kasalukuyang
foreground or background na kulay. Color
picker
4. Ginagamit sa paglikha ng mga pakurbang linya.
Cursive tool
5. Ginagamit sa paglikha ng mga linya na mukhang
ginagamitan ng artistic brushes. Brushes
6. Ito ay ginagamit upang lagyanng kulay ang
kabuuang larawan o mga hugis. Fill with color
7. Ito ay nagsasabi ng kasalukuyang kulay. Color
boxes
8. Ginagamit sa paglikha ng maninipis na linya o
mga kurba. Pencil tool
9. Ito ang hugis na ginagamit kapag ikaw ay
nagtuturo ng direksyon. Arrow
10. Ito ang hugis na ginagamit sa pag guhit ng bola
o gulong. Oval

6. Paglalagom Ilahad ang mga natutunan mo sa aralin na ito.


 Ang kahalagahan ng Microsoft Paint.
 Ang iba’t ibang productivity tools sa paggawa ng disenyo.
7. Takdang Aralin Pumili ng 2 hugis mula sa halimbawa ng mga ready-made
shapes na makikita sa Ms Paint. Iguhit ang mga ito sa short bond
paper at lagyan ng makukulay na disenyo.

You might also like