You are on page 1of 19

3

Arts
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Paggawa ng Disenyo Gamit ang
Istensil
Arts – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Paggawa ng Disenyo Gamit ang Istensil
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marielle Joy Purificacion Candolita
Editor: Marivic O. Arro, Neal Keith Gonzales, Reynaldo Deocampo,
Arcel Gacasan, Lynneth B. Baptista
Tagasuri: Marivic O. Arro, Alejandre S. Fernandez Jr., Alemer O. Veloso
Tagaguhit: Rheina Norma Puyat, Aileen T. Calvo, John Bill Juen
Tagalapat: Guillesar P. Villarente
Tagapamahala: Allan G. Farnazo Reynante A. Solitario
Mary Jeanne B. Aldeguer Janwario E. Yamota
Analiza C. Almazan Djhoane C. Aguilar
Ma. Cielo D. Estrada Maria Perpetua Angelita G. Suelto
Jeselyn B. dela Cuesta Reynaldo C. Deocampo

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City

Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147


E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
3

Arts
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Paggawa ng Disenyo Gamit ang
Istensil
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa
tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila
upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong
o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat
ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong
mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang
SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan.
Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad
sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin
Magandang araw sa iyo. Ang modyul na ito ay ginawa at
isinulat para ikaw ay matutong gumawa ng isang disenyo ng
print design, sa pamamagitan ng pag-uulit ng maraming beses
gamit ang makina o mano-mano. Ang paraang ito ay
ginagawa sa pamamagitan ng pag-iistensil.

Ang istensil ay isang piraso ng papel , plastik, o metal na may


disenyo na pinutol dito. Ilalagay mo ang istensil sa ibabaw at
ipinta ito upang ang pintura ay dumaan sa mga butas at mag-
iiwan ng marka o isang disenyo sa ibabaw.

Ang mga nalikhang istensil ay idinisenyo sa mga kagamitan


sa bahay tulad ng unan, kumot, kurtina, bag at telang
pangtakip sa mesa. Maaaring ibahagi ang ginawang obra sa
iba gamit ang mga etnikong disenyo

Pagkatapos mong malaman ang aralin na ito, ikaw ay


inaasahang:

 napagtatanto na ang print design ay maaaring


doblehin sa pamamagitan ng makina o mano-manong
paggawa (A3PL-IIId);
 nakagagawa ng etnikong disenyo sa pamamagitan
ng mano-manong paggawa; at
 nababahagi sa iba ang ginawang disenyo.

1
Subukin

Panuto: Ngayon ating subukan ang iyong kaalaman. Lagyan ng


tsek (/) ang patlang kung etniko ba ang disenyo, ekis (x) naman
kung hindi. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.
______1.

______2.

______3.

_______4.

_______5.

2
Aralin
Paggawa ng Disenyo Gamit
1 ang Istensil

Balikan

Natutunan natin sa nakaraang aralin ang paggawa ng


disenyo gamit ang finger printing. Lagyan ng tsek ang patlang
kung ito ba ay finger printing, ekis naman ito kung hindi. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

1.______ 2. ______ 3. _______

4. _______ 5. _______

3
Tuklasin

Narito ang iba’t ibang etnikong disenyo sa Davao Region.


Ito ay dinesenyo ng ating mga katutubo na nagrerepresenta ng
kani-kaniyang grupong etniko. Maaari mo itong gawing
inspirasyon sa paglikha ng disenyo ng istensil at doblehin ang mga
ito.

Manobo Mandaya Kalagan Mansaka Maranao

 Ano ang mapapansin mo sa mga disenyong ito?

 Paano kaya ginawa ang mga larawan?

 Sa anong paraan natin puwedeng doblehin o


paramihin ang disenyong ito?

4
Suriin

Ang pag – iistensil ay isang paraan upang makapagparami


ng mga disenyo. Ito ay sa pamamagitan ng pagpasa ng tinta o
pintura sa mga butas na pinutol sa karton o metal papunta sa
ibabaw ng materyal upang mapalamutian.
Ito ay may dalawang pamamaraan ng pagpaparami, ang
makina at mano-mano. Sa pag-iistensil, isa sa pinakasimpleng
pamamaraan ng pagdoble ay ang mano-mano. Ang disenyo ay
ginupit na papel (o anumang iba pang angkop na manipis,
malakas na materyal) na nakalimbag sa pamamagitan ng
gasgas, pag-ikot, o pag-spray ng pintura sa mga lugar na ginupit.
Maaari kang gumamit ng iba’t ibang kulay ng pintura, watercolor
o poster paint para sa gawaing ito.
Ang isa pang paraan sa pag-iistensil ay ang paggamit ng
makina.
Tingnan ang halimbawa ng mga nagawang istensil na
inimprinta sa iba’t ibang kagamitan.

5
Pagyamanin

Basahin at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa paraan ng pagpaparami ng disenyo sa


pamamagitan ng pagpasa ng tinta?
a. pag-iistensil c. pagpinta
b. pagguhit d. pagkulay
2. Sa anong bansa unang nakilala ang pag-iistensil ?
a. China c. Pilipinas
b. Japan d. Amerika
3. Ano ang dalawang uri ng pamamaraan na maaaring
gamitin upang madoble ang ginawang design?
a. makina at photocopy c. mano-mano at pagguhit
b. makina at mano-mano d. mano-mano at pagpicture
4. Ito ang pinakasimpleng paraan ng pag-iistensil?
a. makina c. mano-mano
b. Pagpicture d. pagphotocopy
5. Ano ang mas mainam gamitin na disenyo para sa paggawa
ng istensil?
a. bahay c. bulaklak
b. etniko d. halaman

6
Isaisip
1. Ang paggawa ng print design ay maaaring doblehin sa
pamamagitan ng makina o mano-mano.
2. Istensil ang tawag sa paraan ng paggawa ng print design.
3. Ang mano-manong paggawa ang pinakasimpleng paraan
ng pag-iistensil.
4. Ang paggamit ng makina ay isang paraan para mapadali
ang paggawa ng print design.
5. Maaaring gamitin ang ginawang disenyo sa panyo, t-shirt, at
iba pa.

7
Isagawa

Panuto: Iguhit at gamitin ang disenyong ito bilang iyong


istensil. Iimprinta ito ng maraming beses sa isang malinis na papel.

8
Rubrik para sa Isagawa
Lagyan nang tsek (/) ang kahon kung sa tingin mo ay
magkatugma ang ginawa mo ng may katapatan sa pagtataya
ng puntos.

3 2 1
Lubos Malinaw Kailangang
Mga Batayan
na paghusayan
Malinaw pa
1. Nagpapakita ba ng
angking pagkamalikhain sa
paggawa nang disenyo?
2. Ginamitan ba ng iba’t
ibang hugis o linya ang
disenyo?
3. Maganda ba ang
nagawang disenyo?
4. Maayos at mahusay ba
ang pagkagawa?

9
Tayahin
Panuto: Ngayon, tayahin natin ang iyong kaalaman.
Punan ang patlang ng tamang sagot. Piliin sa loob ng ulap
ang tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

print design tela etniko


pag-iistensil mano-mano

1. Ang nalikhang sining sa pag-iistensil ay tinatawag na _______.


2. Ang ________ ay maaaring gawin sa pamamagitan ng
mano-mano.
3. Ang paggawa ng print design ay pwedeng gawin sa
pamamagitan ng makina at ___________.
4. Ang nagawang print design ay maaaring iimprinta sa isang
__________.
5. Ang __________ disenyo ay mas mainam gamitin sa istensiling
upang mabigyang halaga ang gawang Pinoy.

10
Karagdagang Gawain

Gumuhit ng etnikong disenyo. Gamitin ang nabuong


disenyo bilang istensil. Iimprinta ito ng maraming beses sa malinis
na papel at ibahagi ang nagawang disenyo sa iba.

11
Rubrik para sa Karagdagang Gawain.
Lagyan nang tsek (/) ang kahon kung sa tingin mo ay
magkatugma ang ginawa ng may katapatan sa pagtataya nang
puntos.

Mga Batayan 3 2 1
Lubos na Malinaw Kailangang
Malinaw paghusayan
pa
1. Nagpapakita ba ng
angking
pagkamalikhain sa
paggawa nang
disenyo?
2. Ginamitan ba ng iba’t
ibang hugis o linya ang
disenyo?
3. Maganda ba ang
nagawang disenyo?
4. Maayos at mahusay ba
ang pagkagawa?

12
13
Tayahin
Pagyamanin Balikan Subukin
1.print design
1. a 1. x 1. /
2. pag-iistensil
2. d 2. / 2. x
3. mano-mano
3. b 3. / 3. x
4. tela
4.c 4./ 4. /
5. etniko
5. a 5. x 5. /
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
K-12 Curriculum Grade 3 Kagamitan ng Mag-aaral -
MAPEH in Action Sinugbuhanon Bisaya, pahina 186 – 189

K-12 Curriculum Grade 3 Gabay ng Guro –


MAPEH in Action Sinugbuhanon Bisaya, pahina 75-78

Encyclopedia Britannica
https://www.britannica.com/art/stenciling

Collins Dictionary
https://www.collinsdictionary.com/dictionary/english/stencil

14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like