You are on page 1of 16

2

Arts
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Pag-uukit ng mga Hugis at Letra
Arts – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Pag-uukit ng mga Hugis at Letra
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marian M. Dondriano


Patnugot ng Wika: Remedios C. Gerente, Marie Ann C. Ligsay,PhD
Tagasuri: Edquel M. Reyes, Alma T. Bautista,PhD
Marlon S. Fernandez, Remedios C. Gerente
Sonny N. De Guzman,EdD, Marie Ann C. Ligsay,PhD
Tagaguhit: Isagani D. Tique, Norman B. Cruz
Tagalapat: Armando Deogines A. Garcia, Norman B. Cruz
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong,PhD, CESO V, Ronilo Al K. Firmo,PhD, CESO V
Librada M. Rubio,PhD, Ma. Editha R. Caparas,EdD
Nestor P. Nuesca,EdD, Engr. Edgard C. Domingo,PhD, CESO V
Leondro C. Canlas,PhD, CESE, Elizabeth O. Latorilla,PhD
Sonny N. De Guzman,EdD, Remedios C. Gerente

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon-Region III


Address: Matalino St.,Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo upang malinang ang


iyong kaalaman, kasanayan at pagkamalikhain. Ito ay tumatalakay sa
pag-uukit ng mga hugis at letra gamit ang pambura at kamote sa
paglilimbag.
Sa modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang mga
sumusunod:
 Gumawa ng inukit na letra at hugis gamit ang pambura at
kamote.
 Linangin ang kasanayan sa pag-ukit ng hugis at letra gamit ang
pambura o kamote.

Subukin

Panuto: Tignan ang mga larawan sa ibaba. Sagutin sa sagutang papel


ang sumusunod na tanong.

1. Ano sa palagay mo ang ginamit upang makabuo ng disenyo?

2. Ano kaya ang mga paraan upang makabuo ka ng ganitong disenyo?

Aralin Pag-uukit ng mga Hugis at

1
1 Letra

Marami ang maaaring gamitin mula sa mga bagay sa ating


paligid upang makagawa ng isang likhang-sining.
Ang pambura at kamoteng hilaw ay maaaring gamitin upang
makapag-ukit ng mga hugis at letra na maaaring gamitin sa
paglilimbag ng isang likhang-sining.

Balikan

Sa nakaraang aralin, natutunan mo ang paggawa ng pattern sa


pamamagitan ng dalawa o tatlong paglilimbag na ginagamitan ng pag-
uulit o pagsasalitan ng hugis o kulay.
Panuto: Iguhit ang masayang mukha  kung ito ay nagpapakita ng
pattern at malungkot na mukha  kung hindi.

1.

2
2.

3.

Tuklasin
Nakakita na ba kayo ng taong nag-uukit? Naranasan mo
na bang mag-ukit? Ano ba ang mga bagay na kailangan sa pag-
uukit?
Sa kuwentong iyong babasahin ngayon matututunan mong
mag-ukit ng mga hugis at letra at kung ano-ano ang mga bagay
na maaaring gamitin sa pag-uukit.

Si Nilo
ni Marian M. Dondriano

Si Nilo ay isang bata na ang lahat ng kanyang gusto ay naibibigay ng


kanyang mga magulang.
Minsan, napansin ni Bb. Mallari si Nilo na itinatapon ang
kanyang lumang pambura. Kaagad siyang
nilapitan

3
kanyang guro. “Nilo, Bakit mo itinatapon ang mga pambura?”
ang tanong ni Bb Mallari.

“Luma na po kasi, kaya itinapon ko na lang,” ang sabi ni Nilo.


“Alam mo bang maari pa yang gamitin ng iba o maari pang gamitin
iyan upang maka-ukit ng hugis at letra” ang sabi ni Bb. Mallari.
“Talaga po ba?” manghang tanong ni Nilo. “Oo Nilo, halika at tuturuan
ko kayong mag-ukit ng hugis at letra gamit ang pambura,” masayang
tugon ni Bb. Mallari. Pinulot ni Nilo ang itinapong pambura.
Pagdating sa silid-aralan tinuruan ni Bb. Mallari ang mga mag-
aaral sa pag-ukit ng hugis at letra gamit ang pambura. Sinabihan niya
rin ang mga bata na hindi lang pambura ang
maaring gamitin, puwede ring gumamit ng
kamote kung sila ay nasa bahay.

Masayang ginawa ng mga bata ang pag-


ukit ng hugis at letra gamit ang pambura.

Suriin

May mga paraan na dapat sundin upang makapag-ukit ng hugis


at letra gamit ang pambura o hilaw na kamote.
1. Maghanda ng mga gagamitin sa pag-uukit tulad ng lumang
pambura o hilaw na kamote at patpat.
2. Gumuhit ng gusto mong hugis o titik sa pambura bilang
pattern.

4
3. Tanggalin ang sobrang bahagi ng pattern na iginuhit mo.
*Paalala:
Magpatulong sa iyong magulang o nakatatanda.
Mag-ingat sa paghawak ng patpat o matalim na bagay.
Linisin ang pinaggamitan pagkatapos ng iyong gawain.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat sa sagutang
papel ang iyong sagot.
1. Anong bagay ang ginagamit sa silid-aralan ang maaaring
gamitin upang makapag-ukit ng hugis at letra?
__________________________________________________
2. Maliban sa pambura ano ang maaari pang gamitin sa pag-uukit
na maaaring makita sa tahanan na binanggit sa kuwento?
__________________________________________________

3. Ano dapat mong gawin ang upang makagawa ka at mapakag-


ukit ng hugis sa pambura?
___________________________________________________

Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga larawan upang ikaw ay makapag-
ukit sa pambura o sa hilaw na kamote. Ilagay ang wastong bilang
sagutang papel.

______________

5
______________

_____________
Gawain 2
Panuto: Lagyan ng tsek() kung ang larawan ay nagpapakita ng
inukit na larawan at ekis (X) naman kung hindi. Isulat ang tamang
sagot sa sagutang papel.

1.

2.

3.

6
4.

5.

7
Isaisip

Maraming bagay sa ating paligid ang maaari nating gamitin


upang makagawa ng likhang-sining. Tayo ay makapag-uukit ng iba’t
ibang hugis at letra gamit ang lumang pambura at hilaw na kamote.
Maaari rin nating gamitin ang mga inukit na hugis at titik na pantatak
o panlimbag upang makagawa ng magandang disenyo. Maipapakita
natin ang ating kakayahan sa pag-ukit.

Isagawa
Panuto: Umukit ng mga letra ng iyong pangalan gamit ang hilaw na
kamote. Sundin ang mga paraan ng pag-ukit sa ibaba. (Maaring
magpatulong sa magulang sa pag-aalis ng labis na bahagi ng pattern)

Una, maghanda ng mga gagamitin


sa pag-uukit tulad ng hilaw na kamote
at patpat.

Ikalawa, Gumuhit ng letra ng iyong


pangalan sa hilaw na kamote
bilang pattern.

8
Ikatlo, Tanggalin ang sobrang
bahagi ng pattern na iginuhit mo.

Panghuli, ipakita ang inukit mong pangalan gamit ang hilaw na


kamote.

Tayahin

Panuto: Lagyan ng masayang mukha  kung oo ang iyong sagot at


malungkot na mukha  kung hindi. Ilagay ang sagot sa sagutang
papel.

9
________1. Sinunod ko ang paraan sa pag-uukit ng hugis at letra?

________2. Gumamit ako ng lumang pambura o hindi lutong


kamote sa pag-uukit?

________3. Gumamit ako ng papel sa pag-uukit?

________4. Nakagawa ako ng ibang disenyo gamit ang inukit na


hugis at letra?

________5. Masaya ako sa aking ginawang likhang-sining?

Susi sa Pagwawasto

10
Pagyamanin Suriin Subukin
Gawain 1 1. Lumang pambura 1. Lumang
2. Hindi lutong pambura
1. Batang naghahanda kamote 2. Sa pamamagitan
ng gamit sa pag- 3. Guamawa ng ng pag-uukit
uukit
pattern sa
2. Batang gumagawa
ng pattern sa pamamagitan ng
pamamagita ng pagguhit
pagguhit
3. Batang nagtatanggal
ng sobrang bahagi ng
pattern.

Pagyamanin Tayahin
Gawain 3
1. 
1. X 2. 
2.  3. 
3. X
4. 
4. 
5. 
5. 

11
12
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like