You are on page 1of 26

5

Arts
Ika-apat na Markahan - Modyul 1
Mga Kagamitan at Paraan sa
Paggawa ng 3 Dimensyonal Crafts
Arts– Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ika-apat na Markahan – Modyul 1: Mga Kagamitan at Paraan sa
Paggawa ng 3 Dimensyonal Crafts
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat/tagaguhit/tagalapat/Editor
Ma. Salome R. Magsakay
Ma. Lyn Q. Cruz
Rosalie R. Concepcion
Arbygail I. Marcelo
Ma. Lourdes C. Valentin/ Jay-lord G. Angeles
Tagasuri ng Nilalaman: Romarico C. Sarondo
Tagasuri ng Wika: Romarico C. Sarondo
Tagasuri ng Paglapat: Romarico C. Sarondo
Tagapamahala: Gregorio C. Quinto, Jr.
Rainelda M. Blanco
Agnes R. Bernardo
Marquez T. Cartel
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia
Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________
Department of Education – Schools Division of Bulacan
Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
5

Arts
Ika-apat na Markahan - Modyul 1
Mga Kagamitan at Paraan sa
Paggawa ng 3 Dimensyonal Crafts
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa


kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan naman na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at sinulat upang magbigay tulong


para sa mga mag-aaral sa Ikalimang Baitang upang matutunan kung
papaanong naipaliliwanag ang disenyong ginawa.

Gamit ang modyul na ito, mapapatnubayan ang bawat mag-aaral


ng angkop na kaalaman at mga gawain upang maipamalas ang
kakayahan sa paggawa ng likhang-sining.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:


1. Natutukoy ang mga paraan sa paggawa ng 3 dimensyonal crafts.
(A5EL-IVb).
2.1 mobile art
2.2 paper mache
2.3 paper beads
2. Nabibigyang halaga ang mga lumang bagay o gamit sa
paligid.
3. Naiisa-isa ang mga kagamitan sa paggawa ng 3 dimensyonal
crafts na nagpapakita ng iba’t-ibang elemento ng sining. (A5EL-
IVa).
1.1 mobile art
1.2 paper mache
1.3 paper beads

1
Subukin

Panuto: Isa-isahin ang mga kagamitan sa paggawa ng paper beads.


Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang wastong sagot sa
sagutang papel.

A B
_____ 1. Oasis Florist Block A. para sa pagrorolyo ng papel

_____ 2. Patpat na kahoy B. para magkakulay at hindi


kumapit ang dumi

_____ 3. Soft paint brush C. para sa sa pag-aapplay ng


glue sa papel

_____ 4. Barnis D. para sa pagpapatuyo ng


beads pagkatapos barnisan

_____ 5. Maliit na paint brush E. para sa seguridad ng beads

_____ 6. Ruler F. para sa pagdidikit ng papel

_____ 7. Gunting G. para sa pagguhit ng hugis

_____ 8. Manipis na kahoy H. para sa pagsusukat


o alambre

_____ 9. Glue I. para sa paggupit ng papel

_____ 10. Lapis J. para sa pagpapahid ng barnis

2
Balikan

Panuto: Subukin natin ang iyong kaalaman sa paggawa ng disenyo gamit ang
rubber, linoleum o kahoy. Basahing mabuti ang bawat pangungusap.
Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa paggawa nito. Lagyan ito ng
bilang 1-6. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____ Lapatan ang gawa ng angkop na kulay sa pamamagitan ng pagdidiin


dito.
_____ Ilahad ang lahat ng mga kinakailangan sa paggawa.
_____ Gumamit ng matulis na bagay sa pagdisenyo.
_____ Gamit ang sketch o balangkas ilapat ito sa kahoy, linoleum o rubber.
_____ Gawin ito ng may pag iingat at sa malikhaing pamamaraan.
_____ Tiyaking angkop at wasto ang paglalapat ng balangkas upang matiyak
na buo ang disenyong nais na mabuo.

Tuklasin

Panuto: Pagmasdang mabuti ang mga larawan sa ibaba.

Paper Beads Paper Mache Mobile Art

Ito ay ilan sa mga halimbawa ng 3D crafts na ating pag-aaralan.

3
Ang paggawa ng paper beads ay isang gawaing nakalilibang na
maaari ring pagkakitaan kung gagamitan ng kaalaman sa paglikha ng mga
palamuti. Ito ay nagmula sa bansang Inglatera na kung saan ang mga
kababaihan ay matiyagang nagbibilot ng maliliit na papel upang makulayan
at maituhog para gawing palamuti sa katawan gayundin upang gawing
palamuti sa bahay tulad ng kurtinang gawa sa tinuhog na beads.
Nangangailangan ng masusi at matiyagang pagbibilot o pagrorolyo ng maliliit
na papel upang makalikha ng beads na kukulayan ng pintura at didisenyuhan
ayon sa nais.
Maaaring tuhugin at gawing pulseras, kwintas, palawit sa hikaw at iba
pang palamuti sa katawan at bahay ang nagagawang tinuhog na beads.

Ang simpleng mobile art ay maaaring magawa sa pamamagitan ng


mga disenyong nakatali sa isang tali o lubid. Maaari ding gawa ito mula sa
dalawang nakasabit na bagay sa isang patpat o piraso ng alambre na
nakasabit kung saan ito ay malayang nakagagalaw nang may balanse. Ang
isang mobile art ay magiging mahirap kung dadagdagan ang mga bagay na
nakasabit habang pinapanatili ang paggalaw ng malaya na may balanse.

Sa paggawa naman ng paper mache, may dalawang paraan na


maaaring gamitin. Ang una ay ang paggamit ng pinilas na papel na idinikit sa
moldeng hulmahan. Ang ikalawa ay ang paggamit ng dinurog na papel na
ibinabad sa tubig na hinaluan ng pandikit o glue.

Ang tamang hakbang at paraan ng paggawa ay nararapat sundin


upang matagumpay na makabuo ng paper mache o taka.

Ang hugis ay base sa moldeng hulmahan at ang mga gagamiting


papel at pandikit ay nararapat na maayos na naihanda para mabuo ang taka.

4
Suriin

Mga Kagamitan at Paraan sa Paggawa ng 3 dimensyonal


craft (Mobile art, Paper Mache at Paper Beads)

Mobile Art
Ang mobile art ay isang gawang sining na nagmula sa bansang Tsina
na gawa mula sa palamuting bubog na may pinta na nakasabit sa pinto o
bintana at tumutunog kapag nahahanginan.

Kagamitan:
1. lumang sanga ng kahoy
2. lumang laso o yarn
3. mga nakolektang lumang bagay (mga butones, lumang susi, maliliit na
bote)
4. gunting

Mga Hakbang Sa Paggawa ng Mobile Art:

1. Ihanda at linisin ang mga nakolektang bagay-bagay. Maaari itong hugasan


at patuyuin.

5
2. Ayusin ang mga bagay na isasabit sa mobile art.

3. Isahang talian at isabit sa lumang sanga ang mga nakolektang lumang


bagay. Lagyan ng wastong pagitan, at magkakaibang haba ang mga
isasabit na bagay upang magkaroon ng magkakaibang lalim sa paningin
ang mobile art.

4. Isabit ang nagawang mobile art. Tingnan kung ito ay balanse at umiikot.

6
Paper Beads
Ang paggawa ng paper beads ay isang gawaing nakalilibang na maaari
ring pagkakitaan kung gagamitan ng kaalaman sa paglikha ng mga palamuti.
Ito ay ang masusi at matiyagang pagbibilot o pagrorolyo ng maliliit na papel
upang makalikha ng beads na kukulayan ng pintura at didisenyuhan ayon sa
nais.

Kagamitan:
1. Papel - Magasin, art paper, colored paper ay maaaring gamitin.
2. Lapis - Para sa pagguhit sa korte ng papel.
3. Ruler - Para sa pagsusukat.
4. Gunting - Para sa paggupit ng mga papel.
5. Manipis na kahoy o alambre - para sa pagrorolyo ng papel.
6. Maliit na brush- para sa pag-aaplay ng glue sa papel.
7. Glue/Pandikit - para sa pagdidikit – dikit ng mga paper beads.
8. Patpat na kahoy - Para sa pagpapatuyo ng beads pagkatapos barnisan.
9. Soft Paint Brush - para sa pagpapahid ng barnis.
10. Barnis - para magkakulay at hindi kapitan ng dumi.
11. Oasis Florist Block - para sa seguridad ng beads.

Mga Hakbang Sa Paggawa ng Paper Beads:

1. Sukatin ang papel na irorolyo, tiyakin na ang may disenyong harapan ng


papel ay nakadapa.

7
2. Kapag nakapagsukat na ng maraming tatsulok ay maingat na gupitin ang
mga ito gamit ang gunting. Tandaan laging mag-iingat sa paggamit ng mga
matutulis at matatalim na bagay.

3. Gumamit ng alambre na may tamang sukat at may pabilog na pihitan sa


gawing kaliwa upang mairolyo ng maayos ang papel at magkaroon ito ng
sapat na espasyo sa gitna kung saan isusulot ang tali. Lagyan ng glue sa
itaas na bahagi ng papel.

4. Habang inirorolyo ang papel ay huwag kalilimutang lagyan ng glue sa


gawing gitna at sa gawing dulo ng binibilot na papel.

8
5. Mahalaga na maisara ang binilot na papel sa pamamagitan ng pandikit.

Maaaring gumawa ng iba’t- ibang disenyo ng paper beads.

6. Patuyuin ang mga nagawang paper beads. Siguraduhin na maayos at


tuyong-tuyo ang glue o pandikit bago ito tuhugin.

9
Paper Mache
Ang Paper-mache ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay nginuya
o dinurog na papel na binuo sa pamamagitan ng glue, starch o pandikit.

Kagamitan:
1. lumang papel (diyaryo)
2. pandikit o glue
3. gunting
4. hulmahan

Mga Hakbang Sa Paggawa ng Paper Mache:

1. Mahalaga na ihanda ang mga kagamitan na gagamitin bago magsimula


ang pagtataka.

2. Lutuin at ihanda ang pandikit na gagamitin sa pamamagitan ng paghahalo


ng gawgaw at tubig na pakukuluin hanggang lumapot.

10
3. Kapag malamig na ang pandikit ilubog ang mga pinilas na papel dito at isa-
isa itong idikit sa hulmahan.

4. Ipagpatuloy ang pagdidikit hanggang makuha ang hugis ng moldeng


hulmahan.

5. Patutuyuin sa sikat ng araw ang taka at kapag tuyong-tuyo na ay


babakbakin at tatanggalin ito sa molde at pagdikitin ang ugpungan.

11
6. Papatungan ng piraso ng papel ang ugpungan at patutuyuing muli.

7. Kapag tuyo na ay pakikinisin ito sa pamamagitan ng liha o is-is.

8. Dikitan ng brown paper bilang pang pinal na hakbang.

12
Pagyamanin

Pang-isahang Gawain 1
Panuto: Tukuyin mula sa mga sumusunod na pangungusap ang tamang
paraan sa paggawa ng paper mache. Iguhit ang sa linya sa tapat
ng bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____1. Mahalaga na ihanda ang mga kagamitan na gagamitin bago


magsimula ang pagtataka.
_____2. Ihanda ang pandikit na gagamitin sa pamamagitan ng paghahalo ng
gawgaw at tubig. Pakuluin ito hanggang lumapot.
_____3. Ang paper beads ay gawa mula sa binilot o inirolyo na maliliit na papel
na kinulayan at dinisenyuhan.
_____4. Ipagpatuloy ang pagdirikit hanggang makuha ang hugis ng moldeng
hulmahan.
_____5. Patutuyuin sa sikat ng araw ang taka at kapag tuyong-tuyo na ay
babakbakin at tatanggalin sa molde at muling pagdikitin sa ugpungan.

Pang-isahang Pagtataya 1
Panuto: Sagutin ng Tama kung ang pangungusap ay tumutukoy sa wastong
paraan ng paggawa ng paper beads at Mali kung hindi. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

_______1. Maaaring gumamit ng iba’t-ibang sukat ng papel na gagamitin sa


pagrorolyo.
_______2. Gumamit ng dowel o alambre sa pagrorolyo ng mga papel na
gagamitin sa paggawa ng paper beads.
_______3. Patuyuin ang mga nagawang paper beads bago ito tuhugin.
_______4. Isara ang binilot na papel sa pamamagitan ng pandikit o glue.
_______5. Sukatin ang mga papel na gagamitin sa paggawa ng paper
beads.

13
Pang-isahang Gawain 2
Panuto: Iguhit sa patlang ang kung ang mga larawan ay ginagamit
sa paggawa ng paper beads at kung hindi. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

______1. _____4.

______2. _____5.

_____3.

Pang-isahang Pagtataya 2
Panuto: Palawakin ang kaalaman sa mga gamit ng likhang sining sa
pamamagitan ng pagpupuno ng salita sa tamang kolum. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Mobile Art Paper Mache Paper Beads

kwintas laruang kabayo pulseras

kurtina sisidlang kahon

replica ng hayop

palamuti sa pinto na may disenyo

14
Pang-isahang Gawain 3
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Punan ng angkop na letra
ang bawat kahon na bubuo ng salita na tinutukoy sa bawat bilang.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1 1 2

Pahalang
1. Likhang-sining na gawa sa mga lumang bagay na nakasabit.
2. Parte o bahagi ng puno na ginagamit sa mobile art.
3. Moldeng ginagamit sa pagbuo ng paper mache.

Pababa
1. Pinanggalingan ng likhang-sining na paper beads.
2. Bansang pinagmulan ng sining na mobile art.

15
Pang-isahang Pagtataya 3
Panuto: Kilalanin ang mga 3 dimensyonal crafts na nasa larawan. Tukuyin kung
ito ay Mobile art, Paper beads o Paper mache. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

_______________________1.

_______________________2.

_______________________3.

_______________________4.

_______________________5.

16
Isaisip

Panuto: Suriin ang iyong natutunan sa kabuuan ng aralin. Punan ng tamang


salita ang mga patlang. Piliin sa loob ng kahon ang wastong salita
upang mabuo ang mga talata. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Mobile art Paper mache Paper beads

May dalawang paraan na maaaring gamitin sa paggawa ng

(1)_________________________. Ang una ay ang paggamit ng pinilas na

papel na idinikit sa moldeng hulmahan. Ang ikalawa ay ang paggamit ng

dinurog na papel na inilubog sa pinaghalong tubig at pandikit.

Sa paggawa ng (2)_________________________ nangangailangan

ng pagkakatulad ng sukat ng mga papel na irorolyo na may iisang disenyo. At

para mas mapatibay pa ang beads maaari itong pintahan ng barnis na mas

lalong magpapatingkad ng kulay nito.

Ang (3)_________________________ ay gawang sining na nagmula

sa bansang Tsina na gawa mula sa palamuting bubog na may pinta na

isinasabit sa pinto o bintana na tumutunog kapag nahahanginan.

17
Isagawa

Panuto: Tukuyin ang mga paraan sa paggawa ng paper beads sa


pamamagitan ng pagguhit ng sa linya sa tapat ng bilang.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____ 1. Ang paper beads ay gawa mula sa binilot o inirolyong maliliit na
papel na kinulayan at dinisenyuhan.
_____ 2. Ang paggawa ng paper beads ay nagmula pa noong unang panahon
sa bansang Inglatera.
_____ 3.Isang teknik sa paggawa ng paper beads ay ang pagsukat ng
bibiluting papel upang makagawa ng pare-parehong laki at hugis ng
paper beads.
_____ 4. Kinakailangan na matiyaga at masusi ang paggawa ng paper beads.
_____ 5. Sa paggawa ng paper beads hindi na isinasaalang-alang ang sukat
at espasyo para makagawa ng pare-parehong hugis nito.

Tayahin

Gawain A. Panuto : Tukuyin ang mga paraan sa paggawa ng mobile art sa


pamamagitan ng pagguhit ng sa linya sa tapat ng
bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____ 1. Ang mobile art ay maaaring gamitan ng mabibigat na palamuti na
isinasabit sa pamamagitan ng tali.
_____ 2. Ang simpleng mobile art ay gawa sa maliliit na bagay o disenyo na
nakasabit sa pamamagitan ng tali o lubid.
_____ 3. Isang teknik sa paggawa ng mobile art ay ang paggamit ng higit
pa sa dalawang disenyong bagay na palamuti na isasabit sa
pamamagitan ng tali na gumagalaw ng malaya na may balanse.
_____ 4. Kinakailangan na ang paggawa ng mobile art ay may balanse upang
gumalaw ang mga disenyong palamuti ng malaya.
_____ 5. Sa paggawa ng mobile art kinakailangan ang tamang espasyo upang
magkaroon ng balanse ang disenyo.

18
Gawain B. Panuto: Tukuyin ang mga kagamitan sa paggawa ng paper beads.
Punan ang patlang ng wastong sagot. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Ang ____________________ ay ginagamit upang mairolyo ng maayos ang


papel.
2. Ang ____________________ ay para sa pag-aaplay ng glue sa papel.
3. Ginagamit ang _________________ sa pagsusukat ng papel na irorolyo.
4. Ang barnis ay para magkaroon ng __________________ at upang
maiwasan ang pagkapit ng dumi.
5. Ang malambot na brush ng pintura ay ginagamit para sa pagpapahid ng
________________________.

Karagdagang Gawain

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang gawain ay tumutukoy sa
wastong paraan ng paggawa ng paper mache at ekis (X) kung hindi.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____1. Ihanda ang mga kagamitang kakailanganin sa paggawa ng likhang-


sining.
_____2. Mabilis na magagawa ang paper mache kung walang hulmahan.
_____3. Lutuin at ihanda ang pandikit na gagamitin sa pamamagitan ng
paghahalo ng gawgaw at tubig.
_____4. Maaaring tanggalin ang idinikit na papel sa hulmahan kahit ito ay
basa pa upang mapakinis.
_____5. Kapag tuyo na maaari na itong pakinisin at kulayan.

19
20
Subukin Pang-isahang Gawain 3
1. E 1. Mobile art
2. D 2. Sanga
3. J 3. Hulmahan
4. B 1. Inglatera
5. C 2. Tsina
6. H
7. I Pang-isahang Pagtataya 3
8. A 1. Mobile art
9. F 2. Paper beads
10. G 3. Paper mache
4. Paper beads
Pagyamanin 5. Mobile art
Pang-isahang Gawain 1
1. – Isaisip
2. Paper mache
3. – Paper beads
4. Mobile art
5.
Pang-isahang Pagtataya 1 Isagawa
1. Mali 1.
2. Tama 2.
3. Tama 3.
4. Tama 4.
5. Tama 5.
Pang-isahan Gawain 2 Tayahin
1. – 1.
2. 2.
3. – 3.
4. – 4.
5. – 5.
Pang-isahang Pagtataya 2 1. Manipis na kahoy na dowel
Mobile 2. Malambot na brush
-Kurtina 3. Ruler
-Palamuti sa pinto 4. Kulay
na may disenyo 5. Glue
Paper Beads
-Pulseras Karagdagang Gawain
-Kwintas 1. /
Paper Mache 2. X
-Laruang Kabayo 3. /
-Replika ng Hayop 4. X
-Sisidlang kahon 5. /
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Halina’t Umawit at Gumuhit 5, Patnubay ng Guro, pahina 110 - 112


Halina’t Umawit at Gumuhit 5, Kagamitan ng Mag-aaral, pahina 152-162

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

22

You might also like