You are on page 1of 11

MAPEH 4

MODULE
2, WEEK 2
M
US
IK
A
4
2
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

A. nakikilala sa pamamagitan ng pakikinig at pagbabasa ang mga halimbawa ng 2-


Part Vocal o Instrumental Music;
B. natutukoy ang pagkakaiba ng vocal music sa
Instrumental Music at natutukoy ang Harmonic Interval
(2 pitches) ng isang awitin at
C. nasasabi ang kahulugan ng Harmonic Interval.

X
Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang patlang kung TAMA ang pangungusap at ekis ( ) naman kung MALI .
Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

_____ 1. Ang Soprano ay nasa itaas na bahagi ng awitin.


_____ 2. Ang 2- Part Vocal ay binubuo ng Alto at Soprano.
_____ 3. Binubuo ng dalawang magkaugnay na tone na inaawit o tinutugtog
nang sabay ang 2-Part Vocal song/instrument.
______4. Nakikilala sa pamamagitan ng pakikinig at pagbabasa ang mga
halimbawa ng mga
Harmonic Interval.

_____ 5. Ang thirds ay halimbawa ng Harmonic Interval .


Batay sa ating nakaraang aralin, tukuyin ninyo ang sagot sa bawat tanong.
Kumpletuhin ang letra ng bawat salita.
1. Anong elemento ng musika na naglalarawan ng bilis o bagal ng awitin?
(T__mp__ )

2. Anong tempo ng musika ang may mabilis na awit o tugtog? (P__e__to )

3. Anong tempo ng musika ang may mabagal na awit o tugtog? (__a__go )


4. Anong Texture ng awitin ang may paulit-ulit na hulwarang ritmo o himig na
ginagamit bilang pansaliw? (Ost__n__to )
5. Anong Texture ng awitin ang may isang himig na inaawit na magkasabay ngunit
sa itaas na melody . Ito ay kaiba sa pangunahing melody ? (Des__an__ )

Pakinggan ninyo ang awiting “Manang Biday” .

Musika at Sining 4 TG p. 174

Ilang tinig ang inyong napansin sa ating awit?


Sa musika, ang 2-Part Song/Vocal ay nagtataglay ng dalawang magkasabay na tinig
samantala ang 2-Part Instrumental Music naman ay may dalawang tunog ng instrumento
sa isang awitin.

Tignan at suriin ang piyesang 2-part song ng “Manang Biday”.

4
Napansin ba ninyo na may mga bahaging dalawa ang magkatapat na note?

Ito ay halimbawa ng 2- Part Song/Vocal. Ang mga magkatapat na tone ay inaawit


nang sabay at ito ay nagdadagdag ng texture ng isang awitin. Sa itaas na bahagi ay
Soprano , sa ibabang bahagi naman ay Alto . Maaari rin ang boses ng Soprano at Tenor

ay inaawit nang sabay.

Upang lubos na maintindihan, pakinggan ninyo ang isang halimbawa ng Vocal


Music .

Ang Vocal Music ay karaniwang nagtatampok ng mga awiting nagtataglay ng mga


salitang tinatawag na liriko.

Pakinggan naman ang isang halimbawa ng Instrumental Music.


Ang Instrumental Music ay isang pag-record nang walang anumang mga tinig.
Tanging tunog lamang ng mga instrumento ang nasa tugtog.

Tignan ang iskor ng “Ode to Joy” .

Musika at Sining 4 TG p. 178

Suriin ang nabilugang mga nota, napansin ba ninyo na may dalawang notang
magkaugnay?
Interval ang tawag sa dalawang magkaugnay na notang inyong nakikita sa iskor ng
“Ode to Joy”. Bilangin natin ang interval ng magkaugnay na nota, maaaring magsimula
sa unang ibabang head ng isang nota na susundan ng space o linya ng staff hanggang sa
huling itaas na head ng isa pang nota o vice versa. May tatlong bilang ang interval ng
mga nota.
Kung kaya’t sa musika, ito ay tinatawag na Harmonic Interval. Ang mga Harmonic
Interval ay binubuo ng dalawa o higit pang magkakaugnay na note na inaawit nang
sabay. Ito ay nagbibigay ng kakaibang kulay sa tunog ng awit. Thirds ang tawag sa may
tatlong bilang ng interval .
Mga halimbawa ng notang may Harmonic Third Interval

Musika at Sining 4 TG p.179

PAGSASANAY 2
Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang numero ng larawang may

notang Harmonic Third Interval at ekis (X) kung hindi.

1. 2. 3.

Musika at Sining 4 TG p.179 Musika at Sining 4 TG p.179 Musika at Sining 4 TG p.179

4. 5.

6
Musika at Sining 4 TG p.179 Musika at Sining 4 TG p.179

PAGSASANAY 3
Panuto: Basahin at isulat ang letra ng tamang sagot.

1. Ang 2- Part Vocal o Instrumental Music ay binubuo ng ______ himig.

A. Dalawa B. Tatlo C. Apat D. Lima

2. Paano inawit ang mga bahaging may Harmonic


Interval?

A. Hindi magkasabay
B. Magsasabay sa unang bahagi lamang
C. Magkasabay ang lahat ng bahagi
D.Magsasabay sa huling bahagi lamang

3. Anong mga himig ng 2- Part Vocal ang maaaring pagsabayin?

A. Soprano at Tenor C. Soprano at Bajo


B. Tenor At Bajo D. Soprano at Alto

4. Ano ang maaring maidagdag ng Harmonic Interval sa isang awitin?

A. oras sa kanta C. liriko sa kanta


B. kulay sa kanta D. wala sa nabanggit

5. Sa paanong paraan nakikilala ang Harmonic


Interval?

A. sa pakikinig C. titik A at B
B. sa pagbabasa D. wala sa nabanggit

Narito ang mga mahahalagang konsepto na natutunan mo sa araling ito. Piliin sa


loob ng kahon ang tamang salita sa pangungusap.

❖ Ang 2- Part Vocal ay binubuo ng dalawang himig

(1) _______________________ na makikita sa taas ng iskor at

(2) ________________________ na makikita sa ibaba ng nota. Maaari ring boses


ng Soprano at Tenor na inaawit nang sabay.
❖ Ang (3) ________________________ ay binubuo ng dalawang magkaugnay na
tone na inaawit o tinutugtog nang sabay.
Ito ay nagbibigay ng kakaibang kulay sa tunog ng awit.

❖ Ang (4) ________________________ ay isang pag-record nang walang anumang


mga tinig.

❖ Ang (5) ___________________ ay karaniwang nagtatampok ng mga awiting


nagtataglay ng mga salitang tinatawag na liriko.

8
Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng 2- Part Vocal o Instrumental Music at
Harmonic Interval?

Panuto: Basahin at isulat ang letra ng tamang sagot.

1. Anong mga himig ang bumubuo sa 2- Part Vocal o Instrumental Music?

A. Soprano at Tenor C. Soprano at Bajo


B. Tenor At Bajo D. Soprano at Alto

2. Anong himig ng 2- Part Vocal ang nasa itaas na bahagi ng iskor?

A. Alto C. Largo
B. Soprano D. Bajo

3. Anong himig ng 2- Part Vocal ang nasa ibabang bahagi ng iskor?

A. Alto B. Soprano C. Tenor D. Largo

4. Ito ay binubuo ng dalawa o higit pang magkakaugnay na note na inaawit


nang sabay.

A.Tempo C. Dynamics
B. 2- Part Song D. Harmonic Interval

5. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng


Harmonic Interval?
A. Descant B. Largo C. Presto D. Third

SUSI SA PAGWAWASTO

10
SINING 4

You might also like