You are on page 1of 34

MAPEH GRADE 4

Kaalama’y Pagsikapan Tungo sa Magandang


Kinabukasan

QUARTER 1, WEEK 3
Most Essential Learning Competencies:
… distinguishes aurally and visually between sound and silence
… relates visual images to sound and silence using quarter note
, beamed eighth notes and quarter rest in a rhythmic pattern

… discusses the rich variety of cultural communities in the


Philippines and their uniqueness (1.1 LUZON- Ivatan, Ifugao,
Kalkminga, Bontok, Gaddang, Agta 1.2 VISAYAS – Ati 1.3
MINDANAO-Badjao, Mangyan,Samal, Yakan, Ubanon, Manobo,
Higaonon, Talaandig, Matigsalog, Bilaan, T’boli, Tiruray, Mansaka,
Tausug) and the distinctive characteristics of these cultural
communities in terms of attire, body accessories, religious practices,
and lifestyles.

… assesses regularly participation in physical activities based on


physical activity pyramid

… analyzes the nutritional value of two or more products by


comparing the information in their food label

{1}
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit
ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit
ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.


2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong kwaderno.
Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong matatandaan
ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang
antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin
ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong
natutuhan ay gamitin sa pangaraw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong


kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
2. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos
makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating kaalaman
at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng
aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa
bagong aralin

{2}
Unang Pagsubok
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng
tamang sagot.
1. Ano ang ginagamit upang mapangkat ang mga nota at pahinga?
A. duple C. limguhit
B. bar line D. ritmo
2
2. Ilan ang bilang ng kumpas ng palakumpasan 4?
A. tatluhan C. isahan
B. dalawahan D. apatan

3. Paano nabuo ang hulwarang ritmo sa bawat sukat?


A. Sa pamamagitan ng pagdudugtong sa mga nota at pahinga.
B. Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga nota at pahinga
na naaayon sa katumbas na bilang ng kumpas. C. Sa
pamamagitan ng kumpas ng awit.
D. Sa pamamagitan ng pinagsama samang simbolo na nagpapahayag ng
bilang ng kumpas.

4. Sa anong sining kilala ang mga Yakan na ginagamitan nila ng hibla ng


pinya at abaka bilang pangunahing materyales?
A. pagsayaw C. pagpipinta
B. paglalala D. pag-awit

5. Anong kagamitan ng pangkat-etnikong T’boli ang gawa sa mga hibla ng


abaka?
A. sarong C. t’nalak
B. sibat D. sulo

6. Ano ang pagkakapare-pareho ng mga disenyong kultural sa Mindanao?


A. linya, kulay, hugis C. linya, porma, ganda
B. kulay, tekstura D. manipis, linya

{3}
7. Sinusubok nito ang kakayahang matagalan ang isang gawain mula sa
katamtaman hanggang sa mataas na antas ng kahirapan at pinabibilis ng
pintig ng puso na naayon sa itinakdang oras.
A. Stork stand test C. 3-minute step test
B. Push up D. Partial curl-ups

8. Gawaing naglilinang ng muscular strength o lakas ng kalamnan sa braso


at dibdib sa patuloy na pag-angat.
A. Stork stand test C. 3-minute step test
B. Push up D. Partial curl-ups
9. Gawaing naglilinang ng speed dahil sa pagsubok ng bilis ng pagtakbo
patungo sa itinakdang lugar sa pinakamabilis na oras.
A. Push up C. 50 Meter run
B. Partial curl ups D. Stork stand test
10. Ano ang tawag sa kumpletong listahan ng mga sustansyang makukuha
sa produkto?
A. Food Web C. Food Groups
B. Food Labels D. Nutrition Facts

11. Bakit mahalagang basahin ang impormasyon sa nutrition facts?


A. Upang malaman ang lasa.
B. Upang malaman natin kung kailan ito ginawa.
C. Upang malaman ang tamang oras kung kailan kakainin.
D. Upang malaman ang mga nutrisyong makukuha rito.

12. Ang mga sumusunod ay mga impormasyong nakalimbag sa nutrition


facts maliban sa isa.
A. Protein C. Warning
B. Carbohydrates D. Vitamins and Minerals

{4}
MUSIKA 4
ARALIN 3: Ang ibat- ibang Kahulugan ng Hulwarang
Ritmo ayon sa Palakumpasang 2
4

Inaasahan
Sa araling ito bibigyang pansin ang iba’t ibang nota at pahinga.
Natutukoy ang iba’t-ibang kahulugan ng hulwarang ritmo ayon sa
palakumpasang 2.
4

Balik-tanaw
Panuto: Kilalanin ang mga nota at pahinga at isulat sa patlang ang bilang
ng kumpas kung dalawahan, tatluhan o apatan.

1. _____________

2. _____________

3. _____________
4. _____________

5. _____________
LM- MUSIKA 4- DepEd

Maikling Pagpapakilala ng Aralin


Ano ang palakumpasan na nasa dalawahan?
Ang 2 ay may palakumpasan na dalawahan ang bilang ng
4

kumpas. Ito ay karaniwang iniuugnay sa kilos o galaw na pang martsa. Ang


bilang nito ay 1-2│1-2│1-2│.

{5}
Napapangkat ang mga bilang na ito sa pamamagitan ng
paglalagay ng barline.
Suriin ang makikita sa bawat sukat sa palakumpasan 2
4
Ilan ang bilang ng bawat sukat?

https://brainly.ph/question/214723
https://www.google.com/search?q=2/4+time+signature&sxsrf=ALeKk022sl1mgPUyz2eoEvzQ2tuNDdC -
Uw:1592619803973&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiD87WNq4_qAhXS f

Gawain
I. Tingnan ang iskor ng awiting Baby Seeds.
Sagutin ang mga tanong:
1. Ilang sukat mayroon ang awit?
Sagot: ___________________________________
__________________________________________

2. Ano-anong mga simbolo ng musika ang


https://www.google.com/search?q=baby+seed+clip+art&sxsrf

Sagot: __________________________________
=ALeKk02MmFqlrHPJ9ry7ykz9eIJ4TW_yxg:1592620693153
&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwi0k7W1ro_qA
hVU_GEKHUmHAsQQ_AUoAXoECAsQAw&biw=1366&bih=6
_________________________________________
nasa loob ng mga sukat?
3. Tukuyin ang mga nota at pahinga na ginamit
sa awitin.
Sagot: __________________________________
_________________________________________
4. Paano nabuo ang mga sukat?
Sagot: __________________________________
_________________________________________
5. Ano ang palakumpasan ng “Baby Seeds”?
Sagot: __________________________________
_________________________________________

DepEd Teacher’s Guide p. 12/DepEd Learner’s Material p. 13

II. Suriin ang iskor ng awiting “Baby Seeds”, lagyan ng naaangkop


na salita ang bawat hulwarang ritmo.

{7}
1._____________, __________,
_________

2. ______________, __________,
_________

3. ____________, __________,
__________

4. _____________, __________, _________


DepEd Teacher’s Guide/DepEd Learner’s Material

Tandaan

Ang hulwarang ritmo ay ang pinagsama-samang nota at pahinga na


naaayon sa isang nakatakdang 2 palakumpasan.
4

Pag-alam sa mga Natutuhan

Ipalakpak o itapik ang mga note at rest ng


clipart.clap clipart.student

bawat hulwarang ritmo na may palakumpasan 2.


4

{8}
Pangkatin ang mga nota gamit ang barline ayon sa palakumpasan
2 at batay sa tamang bigkas ng mga salita.
4

Halimbawa: Sagot:

1. _________________

2. _________________

SINING 4
ARALIN 3: Mga Disenyo sa Kultural na Pamayanan sa
Mindanao
Inaasahan
Makikilala mo ang Mga Disenyo sa Kultural na
Pamayanan sa Mindanao. Ang modyul na ito ay
makakatulong sa iyo upang:
• Makilala ang kahalagahan ng mga kultural na
pamayanan sa Mindanao.
• Mailarawan ang iba’t ibang kultural na pamayanan sa
Mindanao ayon sa uri ng kanilang pananamit, palamuti
sa katawan, at kaugalian tulad ng Maranao, Yakan, at
T’boli.
• Makalikha ng isang likhang-sining na ginagamitan ng
mga disenyo ng Mindanao.

Halina’t umpisahan na natin ang paglalakbay patungo sa bagong kaalaman na


hatid ng ating aralin ngayong araw!

{9}
Balik-tanaw
Panuto: Tingnan ang bawat larawan sa ibaba. Tukuyin kung sa
LUZON, sa VISAYAS, o sa MINDANAO matatagpuan ang mga
kagamitang ito. Isulat ito sa loob ng kahon.

1.

https://www.facebook.com/TubunganBukidno
nProject/photos/a.495730150521407/96296 0
093798408/?type=3&theater

2.

https://cnnphilippines.com/life/culture/2017/06/27/mindana o-
weaves.htm l

3.

https://angbatangpinoy.wordpress.com/2018/11/10/obrgaddang/#jp-carousel-174 a-ng-

Maikling Pagpapakilala ng Aralin


Ang Disenyong Kultural ng mga Pamayanan sa Mindanao

Ang Pilipinas ay isang bansang hitik na hitik sa kultura. Ito

ay nagpapakita sa pamamagitan ng iba’t ibang bagay na

makasining, tradisyon, at mga kaugalian.

{10}
Marami sa mga katutubong disenyo sa bansa malikhaing

gawa ng mga kultural na pamayanan sa Mindanao. Kilala silang

mga dalubhasa sa mga ito. Ilan sa kanilang mga gawa ay mga

damit, banig, hikaw, kuwintas, maliliit na kampanilya, placemat,

table runner, wall décor, at marami pang iba. Lahat ng mga ito ay

ginagamitan ng iba’t ibang hugis, kulay, at linya.

Tingnan ang larawan sa ibaba. Ito ay ilan sa kanilang kilalang

produkto sa Mindanao.

https://mataidmindanao.wordpress.com/2018/01/30/mag
uindanao-celebrates- textile-tradition-in-a-festival/

https://aboutphilippines.org/files/tboli- https://www.pinterest.ph/pin/245164
120820072202-phpapp01.pdf 773439127442/

Suriin natin ang mga sumusunod na katutubong disenyo na

gawa ng mga pangkat-etniko sa Mindanao.

MARANAO

Ang mga Maranao ay nakatira sa

Lawa ng Lanao – Lanao del Sur,

Lanao del Norte, Lungsod ng

Marawi, at Lungsod ng Iligan.

Nananatili pa rin ang kanilang


https://cnnphilippines.com/life/culture/2017/06/27/mindanao- weaves.html

mga gawang ukit, damit, at banig, at sa kanilang mga

kagamitang gawa sa tanso.

{11}
Ang Landap ay maituturing na pinakanatatanging malong

dahil sa isa hanggang dalawang solidong kulay nito. Ang

Sarimanok ay isang pangunahing pigura sa sining ng Maranao, sa

kabila ng pagbabawal sa Islam sa paggamit ng isang

representasyon.

T’BOLI

Ang mga T’boli ay

matatagpuan sa Lake Sebu sa

Cotabato.

Gumagawa sila ng tela para

sa damit na t’nalak na hinahabi


mula sa hibla ng abaka. Ang t’nalak ay may tatlong kulay – deep

reddish brown, itim, at puti.

Naniniwala sila na ang mga disenyo na para sa t’nalak ay nagmula

sa pangarap ng manghahabi at ang diwa ni Fu Dalo

(tagapangalaga ng mga disenyo ng t’nalak) ay naninirahan dito sa

pagsisimula ng paggawa nito.

YAKAN

Seputanga, isinusuot ng mga Yakan ito sa kanilang ulo Tennun bunga sama, na may burdang sawaisang uri ng
kanilang tela

{12}
Ang mga Yakan ay ang pangunahing pangkat ng mga Muslim

sa Basilan. Sila ay kilala sa paglalala na ginagamitan nila ng mga

halaman at prutas tulad ng pinya at abaka. Gumagamit din sila

ng mga dagta ng dahoon, ugat, at sanga bilang pangkulay. Sila

rin ay nagtitina ng mga hibla na may iba’t ibang kulay at disenyo.

Lahat ng mga gawang tela ng mga Yakan ay may kakaibang

disenyo at kulay tulad ng table runner, placemat, wall décor, at

iba pa.

Ano nga ba ang pagkakapare-pareho ng mga disenyong

kultural sa Mindanao?

Gawain
Ngayon ay guguhit tayo ng sariling disenyo ng Seputangan na
gawa ng mga Yakan.

PAGDISENYO NG SARILING SEPUTANGAN NG YAKAN

Kagamitan: bond paper, lapis at pambura, makukulay na marker o krayola

MGA HAKBANG:

1. Gamit ang mga hugis at linya, bumuo ng isang Yakan pattern

sa inyong bond paper. Lagyan ito ng kulay upang lalo pa itong

mapaganda.

2. Ang gawaing ito ay tatagal lamang ng 10 minuto.

{13}
Pangalan : _________ ____ ___ Baitang at Pangkat: __________

________________________

Pamagat

Tandaan

• Ang mga disenyo sa kultural na pamayanan sa Mindanao ay

makikita sa kanilang mga kagamitan at kasuotan na

ginagamitan ng iba’t ibang linya, kulay, at hugis.

• Ang mga ito ay hango sa kalikasan at sa kapaligiran tulad ng

hayop, dahon, bundok, araw, at bituin.

{14}
Pag-alam sa mga Natutuhan

DISENYO SA CONSTRUCTION PAPER

Kagamitan: cotton buds, chlorine, construction paper

MGA HAKBANG:

1. Ihanda ang mga kagamitang gagamitin.

2. Umisip ng disenyo ng mga kultural na pamayanan sa

Mindanao tulad ng Maranao, Yakan, at T’boli. Maaari ding

gumamit ng sariling disenyo na ginagamitan ng iba’t ibang

hugis, kulay, at linya.

3. Isawsaw ang cotton buds sa chlorine. Marahan itong ipahid

sa colored construction paper. Maaaring humingi ng tulong

sa nakatatanda para sa hakbang na ito upang maiwasan ang

disgrasya sa paggamit ng chlorine.

4. Maingat na ipahid ang chlorine sa construction paper upang

hindi ito mapunit.

5. Patuyuin muna nang ilang minuto ang ginawang likhang-

sining.

6. Ang gawaing ito ay tatagal lamang ng 15 minuto.

{15}
Pangalan: ______________________ Baitang at Pangkat: __________
________________________
Pamagat

EDUKASYONG PANGKATAWAN 4
ARALIN 3:
Ang Pagsubok sa mga Sangkap ng Physical Fitness
Inaasahan
Sa araling ito masusubok ang iyong kakayahan at
kaalaman sa Physical Fitness at mga sangkap nito. May
susundang pamamaraan at sasagutang Physical Fitness Card
na pagbabatayan ng estado ng iyong physical health.

{16}
Balik-tanaw

Panuto: Basahin nang maigi ang bawat pangungusap. Isulat sa


activity notebook ang titik ng tamang sagot.

1. Reaction Time:Ruler Drop Test, Power: ___________ A. Sit and


Reach C. Vertical Jump
B. Sit-up D. Push-up

2. Sa tuwing ginagawa ang sit and reach inuunat natin ang ating
braso at likuran. Anong component ng health-related fitness
ang ipinapakita nito?
A. Muscular Endurance C. Reaction Time
B. Flexibilty D. Skill-related

3. Kakayahang magpalit o mag-iba ng posisyon ng mabilis: Agility,


Kakayahan ng iba’t ibang bahagi ng katawan na kumilos ng
sabay-sabay: _________________
A. Muscular Strength C. Power
B. Coordination D. Skill-related

4. Ang push-up ay isang gawaing naglilinang ng kakayahan ng


ating kalamnan (muscle) na makapaglabas ng puwersa o buhos
ng lakas. Anong Health-related component ang sinusubok nito?
A. Muscular Strength C. Reaction Time
B. Coordination D. Power

5. Pagpukol ng bola: Power, Pag-iwas sa taya: _________


A. Muscular Endurance C. Reaction Time
B. Balance D. Skill-related

Maikling Pagpapakilala ng Aralin


Ang Physical Fitness card ay magsisilbing talaan ng iyong mga
iskor sa mga mga gawain ipapagawa sa araw na ito. Ito ay magiging
gabay upang makita mo ang iyong pag-unlad sa bawat pagsubok
sa katapusan ng taon. Isalin ang Physical Fitness card sa iyong
kuwaderno.

{17}
DepEd, LM - EDUKASYONG PANGKATAWAN 4

3 Minute Step-Test

Gawaing naglilinang ng Cardiovascular Endurance dahil


sinusubok nito ang kakayahang matagalan ang isang gawain mula
sa katamtaman hanggang sa mataas na antas ng kahirapan at
pinabibilis ng pintig ng puso na naayon sa itinakdang oras.
Damhin ang iyong pulso sa pamamagitan ng dahan dahang
paghaplos sa iyong pulsuhan o sa may leeg sa ilalim ng panga
gamit ang iyong hintuturo at gitnang daliri. Labinlimang (15)
segundo ang nilaan para sa gawaing ito.
Sa pag-umpisa ng timer, simulan ding bilangin ang iyong resting
heart rate simula zero kasabay ng paghinto ng pagbilang ng timer
ay ang paghinto din ng iyong pagbilang.

(Check your pulse, 2020) (Check your Pulse Step 4, 2020)

{18}
Sa pag-umpisa ng timer, simulan ding bilangin ang iyong resting
heart rate simula zero kasabay ng paghinto ng pagbilang ng timer
ay ang paghinto din ng iyong pagbilang.
Ilan ang iyong nabilang? Isulat ang resulta sa talaan ng iskor.
Kagamitan :
Tungtungan, upuan o hagdan na may sukat na 8 pulgada
(inches)
Pamamaraan:
1. Ihakbang ang kanang paa pataas sa tungtungan,
isunod ding ihakbang ang kaliwang paa.
2. Matapos ay ihakbang pababa ang kanang paa at
isunod ang kaliwa.
3. Ulitin ang proseso sa loob ng tatlong minuto.

(Step up fitness test, 2020)

Muling damhin ang iyong pulsuhan, sa loob ng labinlimang (15)


segundo ay bilangin ang pintig na iyong madarama. Isulat muli
ang resulta sa iyong talaan ng iskor.

Partial Curl Up
Gawaing naglilinang sa muscular endurance o tatag ng
kalamnan sa tiyan dahil sa patuloy na pag-angat
Pamamaraan:
1. Humiga na nakabaluktot ang tuhod, nakatuwid ang
braso habang ang mga kamay ay nasa hita.

{19}
2. Dahan-dahang iangat ang ulo at at ang iyong likod
upang maabot ng
iyong kamay ang
iyong tuhod.

3. Pagkatapos ay bumalik sa pagkakahiga. Ulitin ang


buong proseso.

4. Bilangin ang iyong pag-angat sa loob ng isang


minuto.Isulat ang iyong nabilang sa talaan ng iskor.

Push up
Gawaing naglilinang ng muscular strength o lakas ng
kalamnan sa braso at dibdib sa patuloy na pag-angat
Pamamaraan:
1. Dumapa sa sahig na nakatukod ang dalawang kamay
na nakapantay sa balikat.

2. Iunat ang iyong braso at ituwid ang buong katawan.

{20}
3. Ibaluktot ang mga braso upang bumaba ang katawan at
lumapit ang iyong dibdib sa sahig.

4. Iunat muli ang mga braso upang tumaas ang katawan.


Ulitin ang buong proseso hanggang sa abot ng iyong
makakaya.

5. Bilangin kung ilang ulit bumaba ang katawan. Isulat


ang iyong nabilang sa talaan ng iskor.

{21}
Stork Stand Test

Gawaing naglilinang ng balance dahil sa kakayahang panatilihin


ang wastong tikas at kapanatagan ng katawan kahit na gamit ang
isang paa lamang.
Pamamaraan:

1. Tumayo ng tuwid. Ilagay ang mga kamay sa baywang.

2. Iangat ang kaliwang paa at ilapat sa kanang tuhod.

3. Tumingkayad gamit ang kanang paa. Sisimulan ang


oras kapag nakatingkayad na ang paa.

4. Ititigil ang oras at gawain kapag (a) natanggal ang


kamay sa baywang (b) naalis ang nakaangat na paa sa
pagkakadikit sa tuhod (c) naalis sa pagkakatingkayad
ang paa o bumuba ng tuluyan ang paa sa
pagkakatingkalad.

5. Isulat ang resulta sa talaan ng iskor.

6. Ulitin ang proseso sa kabilang paa at isulat din ang


resulta o ang oras na nagawa ng maayos ang gawain.

50 M Sprint
Gawaing naglilinang ng speed dahil sa pagsubok ng bilis ng
pagtakbo patungo sa itinakdang lugar sa pinakamabilis na oras.

{22}
Pamamaraan:

1. Magtakda ng lugar na may


sukat na 50 metro ang layo.

2. Sa hudyat ay tumakbo ng
mabilis patungo sa dulo ng
itinakdang lugar. (Speed running, 2020)

3. Sisimulan ang oras kasabay ng hudyat at ititigil ito


kapag nakarating na ang tumatakbo sa itinakdang
lugar.
Isulat ang oras sa talaan ng iskor.

Gawain
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Alamin kung
anong sangkap ng physical fitness ang nililinang ng bawat gawain.

1. Mapapansin ang pagbabago ng resting heart rate at pulse


rate pagkatapos gawin ang tatlong (3) minutong step-test.
Hinihingal at bumibilis ang pintig ng puso ang karaniwang
nararamdaman pagkatapos ang step-test. Anong sangkap ng
Physical Fitness ang nililinang nito? _______________________
2. Ang 50 meter run ay nagpapakita ng kakayahang makagawa
ng kilos sa maiksing panahon. Anong sangkap ng Physical
Fitness ang nililinang ng gawaing ito?
___________________________

3. Habang ginagawa ang partial curl-up nakakaramdam tayo ng


kaunting pananakit sa kalamnan ng tiyan dahil sa matagal
at paulit-ulit na paggawa ng gawain. Anong sangkap ng
physical fitness ang nililinang ng gawaing ito?
___________________________

4. Ang push-up ay nagpapakita ng kakayahan ng ating


kalamnan (muscle) na makapaglabas ng puwersa o buhos ng
lakas. Anong sangkap ng physical fitness ang nililinang ng
gawaing ito?
___________________________

5. Sa paggawa ng stork stand test nasusubok ang kakayahan


ng ating katawan na mapanatili ang wastong tikas at

{23}
kapanatagan habang nakatayo sa isang paa. Anong sangkap
ng Physical Fitness ang nililinang nito?
___________________________

Tandaan

1. Ang Physical Fitness Card ay talaan ng iskor sa mga


pagsubok na nakalaan at gabay sa pag-unlad physical health ng
isang tao.

2. Ang gawain tulad ng 3 minute step test ay sumusubok sa


cardiovascular endurance samantalang ang partial curl up
naman ay nagpapakita ng muscular endurance.

3. Ang gawaing curl-up ay sumusubok sa muscular


strength.

4. Ang gawaing stork stand test naman ay sumusubok sa


kakayahang mapanatili ang watong tikas at kapanatagan ng
katawan kahit na gamit ang isang paa lamang at ang
50 M Sprint naman ay naglilinang ng speed dahil
sa pagsubok ng bilis patungo sa itinakdang lugar.

Pag-alam sa mga Natutuhan


Gawain I
Panuto: Isulat ang iyong naramdaman pagkatapos ng mga gawain
sa iyong Fitness Diary.
Ano ang iyong naramdaman pagkatapos gawin ang mga gawain?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

{24}
________________________________________________________________
Gawain II
Panuto: Basahin nang maigi ang bawat pangungusap. Isulat sa
patlang bago ang bilang kung ano ang isinasaad sa bawat
pangungusap.
________1. Lakas ng kalamnan sa braso at dibdib sa patuloy na
pag-angat
________2. Pagsubok sa bilis ng pagtakbo patungo sa itinakdang
lugar sa pinakamabilis na oras.
________3. Tatag ng puso sa tuloy-tuloy na paghakbang
_________4. Tatag ng kalamnan sa tiyan sa patuloy na pag-angat
________5. Pagbalanse gamit ang isang paa lamang.

EDUKASYONG PANGKALUSUGAN 4
ARALIN Ang Nutritional Value sa Food Label
3:
Inaasahan
Makikita ang iba’t ibang bahagi ng Nutrition
Facts sa Food Label ng pagkain o inumin.
Makatutulong ang modyul na ito upang:
• matukoy ang bawat bahagi ng Nutrition
Facts ng isang pagkain o inumin;
• maunawaan Nutritional Value ng pagkain o
inumin.

Balik-tanaw

Panuto: Pag- aralan at suriin ang pakete ng inumin. Sagutin ang


mga tanong base sa isinasaad ng bawat pangungusap.

{25}
Clipart.bread.image, 2020

Sagutin ang mga tanong:


1. Anong klaseng pagkain ang nasa larawan?
Sagot: ____________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
2. Anong petsa ang makikita sa pakete ng pagkain?
Sagot: ____________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
3. Anong klase ng petsa ang makikita sa pakete ng pagkain?
Sagot: ___________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
4. Sa iyong palagay, maaari mo pa bang kainin ang tinapay
sa September 15, 2020?
5. Ipaliwanag ang iyong sagot?
Sagot: ____________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

{26}
Maikling Pagpapakilala ng Aralin
Isa sa mga mahahalagang nakalimbag sa pakete ng pagkain
ay ang Nutirition Facts. Ito ay makikita sa lahat ng pakete ng
pagkain at inumin.

Isinasaad sa Nutrition Facts ang kumpletong listahan ng mga


sustansiyang makukuha sa produkto.

Ang Nutrition Facts ay isang talaan kung saan nakasaad ang


uri at sukat ng mga sustansiyang makukuha sa pagkaing nasa
loob ng pakete.
Tignan ang mga larawan upang mas maunawaan ang mga
nakasaad sa Nutrition Facts.

Ang Serving Size ay tumutukoy


sa mungkahing dami ng isang
serving na dapat kainin.
Ang Serving Per Container
naman ay tumutukoy sa
kabuuang bilang ng servi ngs na
makukuha sa isang pakete

Ang calories ay sukat ng


enerhiyang maaaring makuha sa
isang serving ng pagkain nasa
pakete.

Ang Fats ay sukat ng sustansiyang


maaring pagkunan ng enerhiya.

Ang sodium ay isang uri ng


mineral na makukuha sa karne
ng hayop, itlog, gatas, asin at
vetsin.
Nutritionfacts, 2020
Ito ay nakatutulong sa
pagbalanse ng timbang ng likido
sa loob ng katawan. Ngunit ang
maraming sodium sa katawan ay
maaring magdulot ng mataas na
presyon.

{27}
Ang carbohydrates ay
pangunahing pinagkukunan ng
enerhiya ng katawan.
Ang dietary fiber ay isang uri
na hindi natutunaw at
inilalabas lang sa katawan
ngunit nakalilinis ng digestive
system.
Ang sugar ay isang uri na
nagbibigay na mabilis at
panandaliang enerhiya sa
katawan.
Ang protein ay isa sa mga
“macronutrients” o pangunahing
sustansya na kailangan ng
katawan nang malakihang dami
upang mabuhay.

Ang vitamins at minerals ay


tumutulong sa pagpapanatiling
maayos na mga proseso sa loob ng
ating katawan
Nutritionfacts, 2020

Gawain 1
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Lagyan
ng tsek (√) sa hanay ng araw kung ang ipinapahayag dito ay totoo
at sa lagyan naman ng tsek (√) sa hanay ng ulap kung hindi.

1. Ang Nutrition Facts ay mga petsa kung


kailan ginawa at kailan masisira ang
pagkain o inumin.

2. Ang sodium ay sukat ng sustansiyang


maaring pagkunan ng enerhiya.

{28}
3. Ang calories ay sukat ng enerhiyang
maaaring makuha sa isang serving ng
pagkain.

4. Ang iron ay tumutukoy sa kabuuang


bilang ng servings na makukuha sa isang
pakete

5. Ang carbohydrates ay pangunahing


pinagkukunan ng enerhiya ng katawan.

Gawain 2
Sagutin ang tanong:
Sa paanong paraan mo malalaman na ang iyong pagkaing
kakainin ay masustansya? Ipaliwanag ang iyong sagot sa loob ng
kahon.

Tandaan
Narito ang iba’t ibang bahagi ng Nutrition Facts na
makikita sa pakete ng pagkain o inumin:

{29}

Serving Size

Serving Per Container

Calories

Fats

Sodium

Carbohydrates

Dietary Fats

Sugar

Protein

Vitamins

Minerals
Pag-alam sa mga Natutuhan
Panuto: Suriin ang Nutrition Facts at sagutin ang mga tanong.
1. Ilang grams ng serving size ang mungkahing dami ng pagkain?

Sagot: _______________________________

2. Ilang porsiyento ang kabuuang


bilang ng carbohydrates?

Sagot: _______________________________

3. Ilan ang kabuuang bilang ng


calories?

Sagot: ______________________________

4. Ilan ang bilang ng calories from

fat?

Sagot: _______________________________

5. Ilang grams ang kabuuang bilang


ng
protein? Sagot: _________________________

{30}
Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang
titik ng tamang sagot.
1. Ano ang ginagamit upang mapangkat ang mga nota at pahinga?
A. duple C. limguhit
B. bar line D. ritmo
2
2. Ilan ang bilang ng kumpas ng palakumpasan 4?
B. tatluhan C. isahan
B. dalawahan D. apatan
3. Paano nabuo ang hulwarang ritmo sa bawat sukat?
A. Sa pamamagitan ng pagdudugtong sa mga nota at
pahinga.
B. Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga nota at
pahinga na naaayon sa katumbas na bilang ng kumpas.
C. Sa pamamagitan ng kumpas ng awit.
D. Sa pamamagitan ng pinagsama samang simbolo na
nagpapahayag ng bilang ng kumpas.
4. Sa anong sining kilala ang mga Yakan na ginagamitan nila ng
hibla ng pinya at abaka bilang pangunahing materyales?
A. pagsayaw C. pagpipinta
B. paglalala D. pag-awit
5. Anong kagamitan ng pangkat-etnikong T’boli ang gawa sa mga
hibla ng abaka?
A. sarong C. t’nalak
B. sibat D. sulo
6. Ano ang pagkakapare-pareho ng mga disenyong kultural sa
Mindanao?
C. linya, kulay, hugis C. linya, porma, ganda
D. kulay, tekstura D. manipis, linya
7. Sinusubok nito ang kakayahang matagalan ang isang gawain
mula sa katamtaman hanggang sa mataas na antas ng
kahirapan at pinabibilis ng pintig ng puso na naayon sa
itinakdang oras.
A. Stork stand test C. 3-minute step test
B. Push up D. Partial curl-ups

{31}
8. Gawaing naglilinang ng muscular strength o lakas ng kalamnan
sa braso at dibdib sa patuloy na pag-angat.
A. Stork stand test C. 3-minute step test
B. Push up D. Partial curl-ups
9. Gawaing naglilinang ng speed dahil sa pagsubok ng bilis ng
pagtakbo patungo sa itinakdang lugar sa pinakamabilis na oras.
A. Push up C. 50 Meter run
B. Partial curl ups D. Stork stand test
10. Ano ang tawag sa kumpletong listahan ng mga sustansyang
makukuha sa produkto?
A. Food Web C. Food Groups
B. Food Labels D. Nutrition Facts

11. Bakit mahalagang basahin ang impormasyon sa nutrition


facts?
A. Upang malaman ang lasa.
B. Upang malaman natin kung kailan ito ginawa.
C. Upang malaman ang tamang oras kung kailan kakainin.
D. Upang malaman ang mga nutrisyong makukuha rito.

12. Ang mga sumusunod ay mga impormasyong nakalimbag sa


nutrition facts maliban sa isa.
A. Protein C. Warning
B. Carbohydrates D. Vitamins and Minerals

{32}

You might also like