You are on page 1of 12

Department of Education

National Capital Region


Schools Division of Parañaque City
Self – Learning Modules
MAPEH 5 IKALAWANG MARKAHAN MODYUL 3

Pangalan: ________________________ Baitang at Seksyon: ____________ Iskor: _______

MUSIKA 5: Ikalima, Ika-anim, Ikapito at Ikawalong Linggo

Mga Kasanayang Pagkatuto


Read notes in different scales: Pentatonic scale, C major scale, G major Scale.
Creates simple melodies & performs his/her own created melody
MU5ME-llf-9, MU5ME-IIg –10, MU5ME- IIh-11

Layunin

Naipakikita ang kasanayan sa pagbasa at pag-awit ng mga nota sa tunugang Pentatonic, eskalang
C mayor at eskalang G mayor.
Nakagagawa ng simpleng melodiya gamit ang eskalang G mayor at naitatanghal nang maayos ang
nilikhang melodiya.

Balikan Natin

Tukuyin kung narrow range o wide range ang ipinapakita ng mga nota sa sukat.

Unawain Natin

https://www.youtube.com/watch?v=_-m--DnBZaE Pag-aralan ang awiting Yaman ng Bayan sa link na


ito at sagutan ang mga sumusunod na tanong.

Mga tanong:

1. Ano ang tunugan ng awit na “Yaman ng Bayan?


2. Ilang bilang mayroon ang bawat sukat?
3. Saan nakalgay ang “do” sa tunugang C Mayor?
1
Ilapat Natin
Gumuhit sa iyong sagutang kuwaderno ng limguhit na naglalarawan ng iskala ng tunugang C
Mayor at G Mayor. Ipakita ang iskalang pataas na may kaukulang so-fa silaba. Awitin ng may kaukulang
himig ng so-fa silaba, pataas-pababa.

Suriin Natin

Awitin ang “O, Nanay Ko” at alamin ang tunugan nito.

Tayain Natin

2
Likhain Natin
Gumawa ng sariling melodiya gamit ang eskalang G mayor at itanghal ang nilikhang melodiya sa oras ng
klase.
Rubrics
Pamantayan Napakamahusay Mahusay Bahagyang Mahusay Kailangan pang
(5 Puntos) (3 Puntas) (2 Puntos) paunahin (1 puntos)

Nakalikha ng melodiya
gamit ang eskalang G
mayor
Naawit nang asto ang
nilikhang melodiya

Masining na pagtatanghal

SINING 5: Ika – apat na Linggo


Mga Kasanayang Pagkatuto
Presents via Power Point the artistry of famous Filipino artists in painting different
landscape and is able to describe what makes each artist’s masterpiece unique from others. A5Elld

Sa Mga Bata
Magandang araw mga bata! Ngayon naman ang ating aralin ay kapupulutan ng mga mahahalagang
impormasyon tungkol sa mga mahuhusay at tanyag na mga Pilipinong Pintor.Sa ating pagpapatuloy ng
ating aralin ditto natin mapapagtanto ang kahalagahan at pagkakaiba ng kanilang mga obra.

Mga Dapat Matutunan

Ano-ano nga ba ang inaasahan nating matututunan sa aralin na ito? Sa araling ito ay ating
tatalakayin kung sino sino ang mga kilalang pintor na hinangaan ng galing sa pagpipinta sa paraang
landscape painting kung saan sila ay kinilala dahil sa kanilang husay sa pagguhit hindi lang Pilipinas kundi
maging sa ibang bansa ay umabot ang kanilang katanyagan at husay ng kanilang mga kakaibang obra. Ito
rin ay inyong lilikumin at ipapakita ninyo sa pamamagitan ng pagpapakita sa power point.

Balikan Natin

Naalala nyo pa ba ang ibat-ibang element ng sining na napag-aralan ninyo noong kayo ay nasa
ikaapat na baitang? Isulat sa loob ng bilog ang iyong sagot.

3
Unawain Natin
Halinat ating kilalanin ang mga tanyag na pintor ng ating bansa at ang mga naging kontribusyon
nila sa larangan ng sining maging ang pagkakaiba-iba ng kanilang mga obra. Narito ang mga halimbawa
ng mga kilalang pintor; Presented via PowerPoint presentation

Ilapat Natin

Paggawa ng slides ng mga kilalang Pilipinong pintor gamit ang powerpoint presentation.
Mga Hakbang sa paggawa.

1.Buksan ang MS powerpoint presentation sa iyong computer.

2.Maglagay ng mga larawan na naipinta ng mga kilalang pintor sa ating bansa sa bawat slide.
3.Maaaring gumamit ng mga animations, transition at mga designs upang maging kaakit -akit ang
gagawing presentation.

4
4.Pagkatapos ng gawain ay i-save ito sa inyong documents file at maaring ipadala sa inyong guro gamit
ang email, Facebook at messenger pindutin lamang sa ibabang bahagi ang attached file upang mailakip sa
ipadadalang mensahe.
5.Maaari din itong iprint sa bond paper kung wala kayong internet connection.

Suriin Natin

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at piliin ang letra ng tamang sagot:

1. Sa paggawa ng power point ano ang inyong unang dapat i click na icon?

A. B. C. D.
2. Saan ninyo maaaring ilagay ang mga larawang nais ninyong ipakita sa powerpoint?

A. Word art B. Slides C. Office word D. Font


3. Ano ang dapat ninyong ilagay upang maging kaiga igaya ang pagpapakita ng power

point?
A. Larawan B. Picture border C. Animation D. Tugtog
4. Kung nais mong gumanda ang slides ano ang maaari mong ilagay?

A. Animation B. Tugtog C. Slide design D. Tugtog


5. Pagkatapos mong maisagawa ang power point ano ang dapat mong gawin o i click?

A. Save B. Unsave C. Print D. Send

Tayain Natin
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot:

1.Kilala siya sa tawag na botong at isa din siya sa bumuo ng triunvirato ng modernisismo sa larangan ng
sining ?

a. Fernando Amorsolo

b.Vicente Manansala

c.Carlos Francisco

d. Juan Luna

2.Kilala siya sa kanyang paraan ng pagguhit na realism o makakatutuhanang obra. ?

a.Vicente Manansala

b.Victor Edades

c.Jose Blanco

d.Carlos Francisco.

5
3. Naging tampok sa kanyang mga obra ang pagpipinta ng ibat-ibang paraan ng pagpapakita ng mga
tauhang katutubo o folk art.?

a.Manuel Baldemor

b.Juan Arellano

c.Vicente Manansala

d.Jose Blanco

4.Kilala siya para sa kanyang mga dibuho na ipinapakita ang kagandahan ng Plilipinas,lalo ng mga babaeng
Filipina.Ipinanganak sa Paco Maynila at tinaguriang pambansang alagad ng sining ng Pilipinas?

a.Jose Blanco

b. Victor Edades

c. Fabian dela Rosa

d. Fernando Amorsolo

5. Nakilala siya sa paggamit ngestilong kubismong naaaninag (transparent cubism)–ang kaniyang mga
pigura sa kanilang pinakapayak na hugis heometriko ay nanatiling nakikita sa kanilang kabuuan.?

a.Fabian dela Rosa

b.Vicente Manansala

c.Manuel Baldemor

d.Prudencio Lamarroza

Likhain Natin
Paggawa ng power point.
Magsaliksik ng mga tanyag na Pilipinong pintor at kanilang obra at gumawa ng power point.
Sundin ang mga hakbang kung paano isagawa ang power point na ipinakita sa itaas.

Bigyan ng kaukulang puntos ang iyong natapos na gawain gamit ang rubrik.
Nakasunod sa Nakasunod sa Hindi nakasunod
pamantayan pamantayan sa pamantayan
nang higit sa subalit may ilang
inaasahan pagkukulang

(5 Puntos) (3 Puntos) (1 punto)


PAMANTAYAN

1. Nakagagawa ng slides gamit ang MS Powerpoint


Presentation.

2. Maayos at naangkop ang nailagay na mga larawan


na likha ng mga pintor na Pilipino.

3. Nakapaglalagay ng magandang design o disenyo sa


bawat slides ng ginawang presentasyon.

6
4.Nakagagamit ng animations at transition

5.Nakakapagsave ng file at nabibigyang pagpapahalaga


ang nagawang presentasyon mula sa mga kilalang
pintor ng bansa.

EDUKASYONG PANGKATAWAN 5
Modyul 3 – Ikalima at Ika – anim na Linggo

Kasanayan sa Pampagkatuto
Executes the different skills involved in the game PE5GS-Ic-h-4

Layunin
- Naisasagawa ang mga kasanayang nagpapakita ng liksi at bilis na kailangan sa paglalaro
- Nakikilala ang kahalagahan ng paglahok sa mga pisikal na gawain

Balikan Natin

Panuto: Ilagay ang tsek (√) kung ang pangungusap ay nagsasaad ng ligtas na gawain sa paglalaro
at ekis (x) kung hindi.
_____1. Maglaro kahit saan.
_____2. Maglaro agad pagkatapos kumain.
_____3. Gumamit ng tamang kasuotan sa paglalaro.
_____4. Sumunod sa mga patakaran ng laro.
_____5. Ugaliing mag-warm-up at mag-cool-down bago at pagkatapos ng laro.

Unawain Natin

Sa araling ito, isasagawa mo ang isang laro na may kaugnayan sa pag-agaw o pagdampot ng isang
bagay. Masusubok sa larong ito ang inyong bilis at liksi sa pagdampot o pag-agaw ng isang bagay.

Agawang Panyo
Ang layunin ng larong ito ay malinang ang mga gawaing nakapagpapaunlad ng kalusugang pisikal
upang magkaroon ng sapat na liksi at bilis. Ang bilis (speed) at liksi (agility) na nakapaloob sa skill-related
fitness ay bibigyan ng pansin upang lubos na maunawaan ang kahalagahan nito sa paglalaro at paggawa
ng mga pang araw-araw na gawain. Photo Credit: https://natmalino-philgames-blog
blog.tumblr.com/post/22016241538/game-16-agawang-panyo

7
Mga Kasanayang Kailangan sa Laro:
Alerto – pagiging mapamatyag sa mga nangyayari sa paligid.
Bilis – kakayahang makapunta at makabalik sa isang lugar.
Liksi – kakayahan na makapagpalit ng direksiyon habang gumagalaw nang mabilis.
Pamamaraan:
• Bumuo ng dalawang grupo.
• Bigyan ng bilang ang bawat manlalaro ng bawat pangkat at pumila ayon sa pagkasunod-sunod.
• Pumila nang magkaharap ang magkabilang panig na magkatapat ang bawat bilang na iniatas.
• Magtalaga ng isang taong hahawak ng panyo at tatawag sa numero.
• Ang tagahawak ng panyo ay tatawag ng numero ng manlalaro.
• Ang mga manlalaro ay mag uunahan sa pagkuha ng panyo, at tatakbo pabalik sa puwesto.
• Ang manlalarong nakakuha ng panyo ang may puntos.
• Ang grupo o pangkat na may pinakamaraming puntos ang siyang panalo.

Ilapat Natin

Sa tulong ng iba pang kasapi o miyembro ng pamilya, laruin ang Agawang Panyo. Sagutan ang
mga tanong sa inyong papel pagkatapos maglaro.
Tanong:
1. Kumusta ang inyong paglalaro?
2. Ano ang inyong nararamdaman habang kayo ay naglalaro?
3. Ano ang kahalagahan ng pakikilahok sa mga gawain gaya ng paglalaro?

Suriin Natin

Ayon sa inyong naisagawang paglalaro ng Agawang panyo. Sagutan ang mga sumusunod nang buong
katapatan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Gawain 3 Puntos 4 na Puntos 5 Puntos


1. Pagtakbo Mahina Katamtaman Mabilis
2. Pagka-alerto Hindi Minsan Lagi
3. Nagamit ang bilis at liksi sa
Hindi Minsan Lagi
paglalaro.

8
Tayain Natin
Basahin at unawain ang mga sumusunod. Isulat ang TAMA o MALI ayon sa isinasaad ng pangungusap.

1. Ang larong Agawang Panyo ay sumusubok sa bilis at liksi ng katawan.


2. Ang larong Agawang Panyo ay nangangailangan ng lakas sa paglukso.
3. Ang pagtakbo nang mabilis ay nakatutulong upang mapalakas ang puso at baga.
4. Ang pagsali sa mga pisikal na gawain ay nakatutulong upang mapalakas ang pangangatawan.
5. Higit na nakabubuti ang paglalaro ng computer games kaysa sa paglalaro ng mga pisikal na
gawain.

Likhain Natin

Panuto: Gumawa ng isang Collage ng mga gawain na nagpapakita ng bilis at liksi.

Pamantayan 5 puntos 4 puntos 3 puntos


Kaangkupan sa Lahat ng mga Karamihan sa larawan Ilan sa larawan ay
paksa larawan ay angkop sa ay angkop sa paksa angkop sa paksa
paksa
Kalinisan ng Napakalinis ng Malinis ang Hindi gaanong malinis
pagkakagawa pagkakagawa pagkakagawa ang pagkakagawa

Disenyo o Napakaayos at Maayos at mahusay ang Hindi gaanong maayos


pagiging napakahusay ng disenyo at mahusay ang disenyo
malikhain disenyo

EDUKASYONG PANGKALUSUGAN 5
Aralin 3: Mga Isyung Pangkalusugang Kaakibat ng Pagbibinata at Pagdadalaga

Mga Kasanayang Pampagkatuto


- Describe the common health issues and concerns during puberty (H5GD-lef-5)
- Accepts the most of these concerns are normal consequence of bodily changes during puberty
but one can learn to manage them (H5GD-lef-6)

9
Unawain Natin
Habang ikaw ay lumalaki may mga suliraning maaari kang masangkot o mga isyung kailangan
mong harapin. Maaari kang maapektuhan sa mga isyung seksuwal at panlipunan. Ngunit ito’y
matutunang bigyang solusyon o maiiwasan ang problemang kahaharapin habang ika’y lumalaki.
Matutuhan mo na ang mga pangyayari ay bahagi ng iyong paglaki at maaaring maging iyong lakas sa
iyong hinaharap na buhay.

Ang iba ay humihingi ng tulong sa mga tao o grupo ng taong kanilang pinagkakatiwalaan kung
sila ay nahihirapang bigyang solusyon ang isyu o suliranin.

Ilan sa mga suliraning maaari mong kaharapin sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ay ang
mga sumusunod:

1. Mga isyung may kinalaman sa nutrisyon- nagiging sinsitibo ang mga babae sa hugis ng
kanilang katawan sa panahon ng puberty. Sa ikapitong baiting lubusang mauunawan ng tao ang
tinatawag nating eating disorder. Ilan sa mga eating disorder ay anorexa nervosa, bulimia
nervosa at binge eating disorder (BED).
2. Mga isyung may kinalaman sa pabago-bago ng pag-iisip at damdamin- ito ay tinatawag
natin sa ingles na mood swing. Ito ay dulot ng tinatawag nating Pre-Menstrual Syndrome at
epekto ng mabilis na daloy ng mga hormones na nakakaapekto sa ating pag-iisip.
3. Mga isyung may kinalaman sa pag-aalaga ng katawan-
a. Amoy sa katawan – dahil sa aktibo ang katawan ng tao lumalabas ang pawis at
langis na nagiging sanhi ng mabilis na pagdami ng mikrobyo na siyang nagiging
dahilan upag magkaroon ng amoy and gating katawan.
b. Tigyawat – ay isang maliit na butlig sa balat na ang sanhi ay ang pagbabara ng
labasan ng pawis at langis sa balat. Isa ito sa epekto ng pagiging aktibo ng glandula
na gumagawa ng pawis.
c. Tindig sa katawan- ang postura ng katawan ay maaaring itama sa pamamagitan ng
pag-upo, pagtayo, paglakad, at pagbuhat ng mga bagay sa tamang ayos.
4. Mga isyung may kinalaman sa kabuwanan- maliban sa pre-menstrual syndrome (PMS), ang
isang babae ay nakararamdam din ng iba pang mga kondisyon tuwing dumarating ang kanyang
kabuwanan. Isa na rito ay ang pagkakaroon ng dysmenorrhea.
Ang dysmenorrhea ay isang kondisyon sa panahong may regla ang babae kung

Saan nakararamdam ng matinding pulikat (cramps) sa kanyang puson.

5. Mga isyu tungkol sa mga alalahanin sa ngipin- dahil sa dami ng libangan at gawain ng isang
taong nagdadalaga at nagbibinata ay nakakaligtaan nilang maglinis ng kanilang ngipin na
nagiging sanhi ng pagkasira nito.
6. Mga isyu tungkol sa kakulangan o pagkakaroon ng hindi sapat na tulog- ang isang taong
nagdadalaga o nagbibinata ay kailanagan ng sapat na tulog, siyam na ora sa gabi upang maging
handa sa araw-araw na gawain.
7. Mga isyu tungkol sa maaga at di inaasahang pagbubuntis- ang pagbubuntis ng maaga ay
maaaring magdala ng komplikasyon sa kalusugan ng batang ina na puwedeng humantong sa iba
pang medikal na kondisyon at pagkamatay ng ina at kaniyang sanggol. Ang pakikipagtalik ng
isang nagdadalaga ay labag sa batas at may karampatang parusa sa nakakatanda.
8. Mga isyu sa sexual harassment- ito ay ang pangliligalig ng isang tao o pangkat ng tao
partikular sa tahanan, paaralan, trabaho, at iba pang lugar kung saan ang biktima o mga biktima
ay pinakikitaan ng mga seksuwal na motibo. Ito ang ilan sa seksuwal na motibo: salita o verbal,
di-verbal, pisikal.

10
Ilapat Natin
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang sumusunod na sitwasyon ay nagpapahayg ng pagtanggap sa mga
isyung kinakaharap ng taong nagbibinata o nagdadalaga at MALI kung hindi.

________ 1. Laging maghugas ng kamay bago hawakan ang mukha o bahagi ng katawang laging
nagkakaroon ng tigyawat.
________ 2. Huwag maging perpekto. Gawin ang tama at ipagmalaki ang sarili.
________ 3. Palaging gumagamit ng tawas, baking soda, o deodorant sa kilikili upang maiwasan ang amoy
sanhi ng bacteria.
________ 4. Tanggap ang maaaring maganap na sakuna habang naglalaro.
________ 5. Gumagamit ng maligamgam na tubig kapag naliligo sa araw ng kabuwanan.

Suriin Natin
Panuto: Anong isyu ang ipinapahayag ng mga sumusunod na pangungusap.

1. Magdala lagi ng pamunas ng pawis at pampalit ng damit. Ang naipong pawis sa damit ay
nangangahulugang naiipon din ang mikrobyo, kung kayat nawawala ang amoy.
2. Aktibong paglilibang kasama ang mga kaibigan na kadalasang sa gabi ginaganap.
3. Pag-ehersisyo ng tama sa oras arw-araw. Mangyaring makipag-ugnayan sa doktor sa tamang oras ng
ehersisyo.
4. Pagpapanatili ng magandang tindig ano man ang ginagawa – nakaupo, nakatayo, naglalakad, at may
bubuhatin o itutulak man.
5. Paninigarilyo at pag-inom ng alak.

Tayain Natin
Panuto: sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Bakit mahalagang matutuhan ang mga isyung kahaharapin ng isang taong nagbibinata at nagdadalaga?

2. Sa paanong paraan mo haharapin ang mga isyung pangkaisipan at pandamdamin na haharapin sa


pagbibinta o pagdadalaga?

3. Ano ang iyong gagawin kung ang isang pinagkakatiwalaang nakakatanda ay pinakikitaan ka ng seksuwal
na motibo?

4. Ano ang magiging epekto sa bata ng maagang pagbubuntis o teenage pregnancy?

5. Paano mo maiiwasan ang isyu tungkol sa mga alalahanin sa ngipin?

11
Likhain Natin

Panuto: Gawin ang mga sumusunod upang maging malakas, masigla, at masaya sa panahon ng
pagbibinata at pagdadalaga. Ang ibang gawain ay maaaring gawin kasama ang kaibigan o kapatid. Lagyan
ng tsek ang kahon o bahagi ng mga araw na nagawa ito. (5 puntos kung nagawa lahat ng gawain)

Gawain Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes

1. Mag-ehersisyo 10 minuto
araw-araw
2. Kumain ng masustansiyang
pagkain.
3. Maligo araw-araw

4. Maglinis ng katawan
pagkatapos mag-ehersisyo
5. Mag relax o mag-meditate ng
limang minuto bago matapos
ang klase.

5 – kung nagawa lahat ng Gawain sa 5 araw

4- kung nagawa lamang ay iilang Gawain sa 5 araw

3- kung kalahati ng Gawain ay di nagawa sa 5 araw

2- kung halos hindi nagawa lahat ng Gawain sa 5 araw

1 – kung maraming hindi nagawang Gawain sa 5 araw

12

You might also like