You are on page 1of 6

Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Parañaque

FILIPINO 5 IKAPITONG LINGGO


Kwarter 1

AKO AT ANG KAPWA KO PILIPINO

Balikan Natin

Basahin at unawain ang kuwento.

Batang Maaasahan

Sabado ng umaga. Maagang lumabas si Roland para maglaro. Sa tarangkahan


ay nabungaran niya ang isang matandang nakahandusay. “Totoy, Totoy! Tulungan mo
naman akong makatayo rito,” pagmamakaawa ng matanda kay Roland. Nakita niyang
dumurugo ang tuhod ng matanda.

Nilapitan ni Roland ang matanda at inalalayan niya ito. Nakita niyang dumurugo
ang tuhod ng matanda.

“Inay! Inay!” ang palahaw ni Roland. Napatakbong lumabas ng bahay si Aling


Ason at dinaluhan ang matanda.
“Naku, ipagpaumanhin ninyo at ako’y nadulas at napatama ang aking tuhod sa
matutulis na bato,” paliwanag ng matandang babae. Iniupo nila ang matanda at ipinatong
ang dalawang paa nito sa mesitang nasa kanyang harapan.

Panuto: Ayusin ang mga pangyayari ayon sa tamang pagkakasunod-sunod. Isulat ang
bilang 1-5 sa loob ng kahon.

Iniupo nila ang matanda at ipinatong ang dalawang paa nito sa


mesitang nasa kanyang harapan.

Maagang lumabas si Roland para maglaro.

Napatakbong lumabas ng bahay si Aling Ason at dinaluhan ang


matanda.

Sa tarangkahan ay nabungaran niya ang isang matandang


nakahandusay.

Nakita niyang dumurugo ang tuhod ng matand

1
Unawain Natin

A. Basahin at Unawain

Paksang Diwa - ay ang pangunahing tema ng isang kwento o kung anumang


panitikan ito. Ito ang madalas na tinalakay inilalarawan sa isang kasulatan.
- tinatawag din itong pinakaluluwa ng maikling kwento sapagkat dito
nakapaloob ang kabuuan ng tema at kahulugan ng isang kwento. Kung wala ito,
mawawalan ng saysay ang pagsulat nito.
Pamagat- ay bahagi ng isang kwento, o kahit ano mang paksa na pwedeng
magbigay ng pangunahing kaisipan sa panitikan .

Halimbawa:

Si Lapulapu ang unang bayaning Pilipino. Nang matuklasan ni Magellan ang


Pilipinas, gusto niyang kilalanin ng mga katutubo ang hari ng Espanya. Tinutulan ito ni
Lapulapu at naganap ang digmaan sa pagitan ng mga Kastila at katutubo kung saan tinalo
ni lapulapu si Magellan at naging sanhi ng pagkasawi nito sa laban.
Paksang diwa: Si Lapulapu ang unang bayaning Pilipino.
Pamagat: Si Lapulapu

B. Basahin at Unawain ang kasunod.

Liham - ay isang isinusulat na mensahe na naglalaman ng kaalaman, balita o saloobin


ng isang sumulat.
Liham Pangkaibigan - ay isinusulat para sa isang kaibigan o kakilala. Ito din ay
isang paraan ng mabuting pakikipag-ugnayan. Mahalaga ito upang
mapanatili ang komunikasyon ng dalawang tao kahit sila ay magkalayo.

Halimbawa:

Better Living, Don Bosco


Parañque City
Agosto 15, 2020
Mahal kong Kaibigan,
Kumusta ka na? Ako ay may bagong natutuhan sa aming aralin sa Araling
Panlipunan at ito ay tungkol kay Lapu-lapu. Kilala mo ba siya? Siya ay isang datu sa
pulo ng Mactan sa Cebu. Siya ang dahilan ng pagkamatay ng manlalakbay na si
Fernando Magallanes at siya rin ay itinuturing na pinakaunng bayaning Pilipino.
Natutuwa ako dahil ang dami kong nalaman tungkol sa kanya. Napag-aralan mo rin ba
siya?

Sana sagutin mo rin ang aking sulat. Hanggang sa muli!


Nagmamahal,
Annie

2
Ilapat Natin
Gawain 1
A. Basahin at ibigay ang mga hinihingi pagkatapos.

Hindi na mabilang ang mga kababayan nating nanguna sa larangan ng pag-


awit, pagpipinta at pag-ukit. Hinahangaan ng mga dayuhan ang mga produkto nating
gawang kamay na tulad ng binurdahan at nililok.Tunay na ang mga Pilipino ay
malikhain sa iba’t ibang larangan.
Ano ang paksang diwa ng talata? ______________________________________
Ano ang maaari mong ibigay na pamagat sa talata? _______________________
Gawain 2
Panuto: Basahin nang mabuti ang liham. Sagutin pagkatapos ang mga katanungan.

Sta, Ana, Sun Valley


Parañaque City
Enero 23, 2019
Mahal kong kaibigan,

Inaayayahan kitang manuod sa nalalapit na Sunduan Festival dito sa siyudad ng


Paranaque na magaganap sa ika-13 ng Pebrero, alas 8:00 ng umaga. Manunuod tayo ng
parada at dadaluhan ito ng aming masipag na Mayor Edwin Olivarez . Alam kong matutuwa
ka dahil magluluto si nanay ng masasarap na pagkain. Inaasahan ko ang iyong pagdating.

Nagmamahal,

Jess

Sino sa palagay mo ang sumulat?________________________________


Sino ang tatanggap ng sulat?___________________
Ano-anong bantas ang mga ginamit sa paggawa ng liham?_____________
Anong napansin mo sa petsa sa taas at ang sa salitang nagmamahal sa ibaba?

Suriin Natin
Gawain 1
Panuto: Basahin at Suriin ang mga dapat tandaan sa pagbibigay ng pamagat.

Mga Dapat Tandaan sa Pagbibigay ng Pamagat


Sa pagbibigay ng pamagat ng isang talata, alamin mo muna ang paksang diwa o
paksa ng pangungusap. Ang mga ito ay nagbibigay ng ideya sa pagpili ng pamagat. Ang
pangunahing diwa ang pinakabuod ng mga pangyayari sa talata o kuwento. Ang paksang
pangungusap ang pinagtutuunan ng mga detalye upang mabuo ang pangunahing diwa
ng talata o kuwento. Ginagamit ang malaking letra sa mahahalagang salita sa pamagat
ng talata o kuwento. Ang unang salita sa pamagat ay nagsisimula din sa malaking letra.

3
Gawain 2
Panuto: Suriin ang iba't-ibang bahagi ng liham.

Bahagi ng Liham

Pamuhatan - bahaging nagsasaad ng lugar o tirahan ng sumulat at petsa kung kailan


ito isinulat. Isinusulat ito sa itaas at makikita sa kanang bahagi ng pahina
ng sulat.
Bating Panimula - ikalawang bahagi ng isang liham . I sinusulat ito sa susunod
na linya ng liham sa kaliwang bahagi ng palugit. Nagsasaad ito ng
pangalan ng sinusulatan. Nagsisimula ito sa malaking letra at nagtatapos
sa kuwit.
Katawan ng Liham - dito nakasaad ang nilalaman o nais ipabatid ng taong sumulat.
Ito ay isinusulat ng patalata. Nakapasok sa palugit ang unang linya ng
talata nito.
Bating pangwakas - nagsasaad ng relasyon ng taong sumulat sa sinulatan o minsan
nama'y ang panghuling bati ng sumulat. Siguraduhing magkatapat ang
pamuhatan at bating pangwakas sa bahagi ng liham. Nagsisimula ito sa
malaking letra at nagtatapos sa kuwit.
Lagda - nagsasaad ng pangalan ng sumulat.Ito ay isinusulat sa ilalim ng bating
pangwakas.

Narito ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng liham.

4
Tayain Natin
Pagtataya 1
Panuto: Piliin ang angkop na pamagat sa bawat talata. Bilugan ang letra ng tamang
sagot.

1.Isa sa pinakamahusay na 2. Ang niyog (cocos nucifera) ay may


mananalumpati at manunulat na bayani ay karaniwang taas na 6 na metro o higit pa.
si Graciano Lopez Jaena. Kilala siya bilang Natatangi sa lahat ng puno ang niyog
nagtatag ng La Solidaridad, ang sapgkat bawat bahagi nito ay maaari ring
pahayagang propagandista ng mga sangkap sa paggawa ng sabon, shampoo
Pilipinong nasa España. Dito nila isinulat at iba pa.
ang nagaganap na pang-aapi sa Pilipinas
ng mga namumunong Español. Dahil dito, A. ang niyog
hindi na nakabalik sa Pilipinas si Graciano B. Ang Niyog
Lopez Jaena. C. Ang Mga Gamit ng Niyog
ndista
D. ang mga gamit ng niyog
A. Si Graciano Lopez Jaena
B. Manunulat at Mananalumpati
C. Ang Propaga
D. La Solidaridad

3. Nagtayo ng pagawaan si Guillermo 4. Isa sa mga katangiang


Tolentino sa Kalye Retiro at sa Rizal Park, maipagmamalaki nating mga Pilipino ay
Maynila. Sa pagawaang ito niya ang mabuti nating pagtanggap sa mga
pinasimulan ang kaniyang malikhaing mga panauhin, bawat isa ay abala sa
gawa sa sining na nagbigay sa kaniya ng paghahanda. Sila’y naglilinis at nag-
katawagang “Prinsipe ng mga Manlililok na aayos ng kabahayan. Nagluluto ang
Pilipino.”Ang dalawa niyang kahanga- pamilya ng masarap na pagkain at
hangang likha ay ang masagisag na naghahanda ng maraming prutas at
Monumento ni Bonifacio na makikita sa inumin. Pinagkakaabalahan din nila kung
Rotonda ng siyudad ng Caloocan at ang ano ang maipadadalang pasalubong sa
Oblation sa kampus ng Pamantasan ng panauhin.
Pilipinas.
A. Ang mga Pilipino
A. Si Guillermo Tolentino B. Pagsalubong sa mga Panauhin
B. Monumento ni Guillermo Tolentino C. Pagluluto ng Masasarap na Pagkain
C. Ang mga Likha ni Guillermo Tolentino D. Mabuting Pagtanggap ng mga Pilipino
D. Ang Pagawaan ni Guillermo Tolentino sa mga Panauhin

5. Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang


bawat lugar sa ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang
pasasalamat sa kanilang patron. Isa pang kilalang tradisyon natin ay
ang bayanihan. Ang bayanihan ay ang pagtutulungan ng mga tao para
sa isang gawain. May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa
ganitong tradisyon lalo na sa mga lalawigan.

A. Ang Bayanihan
B. Ang Kapistahan
C. Ang Kapistahan at Bayanihan
D. Ang mga Tradisyon ng mga Pilipino

5
Pagtataya 2
Panuto: Ayusin ang liham ayon sa tamang anyo at pagkakasunod-sunod. Isulat ang
iyong liham sa ibang papel. (bond paper, intermediate pad paper)

Nagmamahal,

Cathy

Kumusta ka na? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Sumulat ako sayo dahil gusto
kong kumustahin ka. Alam mo talagang nalungkot ako nang lumipat ako ng paaralan at
lalawigan. Naalala ko pa noong magkaklase pa tayo ay sabay sabay tayong kumakain ng
ating kaibigan. Sana ay magkita tayong muli. Hanggang dito na lang.

Sta. Ana, Sun Valley


Parañaque City
Marso 25, 2020
Mahal kong Beth,

Likhain Natin
Panuto: Sumulat ng isang liham pangkaibigan na nagpapahayag ng pagpapasalamat
sa natanggap na tulong.

Pamantayan sa Paggawa Puntos


ng Liham Pangkaibigan
Paggamit ng wastong bantas 1
(Malaki at maliit na letra)
Nilalaman ng liham 1
Orihinalidad 1
Paggamit ng mga salita 1
Kalinisan at kaayusan 1
Kabuoan 5

You might also like