You are on page 1of 84

Pagbibigay ng

Pamagat sa Akda o
Teksto
BALIK-ARAL

Tukuyin kung nasa anong aspekto ang


sumusunod na pandiwa.
A – naganap
B – nagaganap
C – magaganap pa lang
______1. umiiyak
______2. lumipad
______3. nag-aaral
______4. tatawa
______5. tumatakbo
PAGGANYAK

Tukuyin kung ano ang nasa larawan.


Saang bansa makikita ang mga ito?

May napuntahan ka na ba sa mga lugar


na ito?
PAGLALAHAD

Basahin ang teksto:


“Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan.
Ito ang sinasabi sa ating pambansang awit.
Ibig sabihin mayaman ang Pilipinas. Bakit
kaya? Mayaman ang Pilipinas. Sa lawak ng
kalupaan at katubigan ng Pilipinas sa bansa,
napakaraming natural na yaman ang makikita
rito.
Maraming nakukuha sa lupa. Ilan sa mg
maituturing na yaman ay mga halaman, puno,
metal, at hindi metal na makukuha sa
kalupaan.
Sa katubigan naman, makikita at
makukuha ang iba’t ibang klaseng isda,
halamang dagat, perlas, at korales na
ginagawang alahas sa
tubig din natin kinukuha ang enerhiya at
kuryente na pinakikinabangan ng maraming
Pilipino sa iba’t ibang sulok ng bansa.
Kayamanan ding maituturing ang mga
mamamayan ng bansa. Sila ang mamamahala
at magpapaunlad ng mga biyayang bigay ng
Poong Maykapal.
Tunay nga na mayaman ang Pilipinas.
Mayaman ang mga Pilipino. Kailangan
kamang na pahalagahan natin an gating
kapaligiran at an gating kapwa Pilipino.
TANONG
1. Tungkol saan ang binasang talata?
2. Ano ang ibig sabihin ng Perlas ng
Silanganan?
3. Bakit sinasabing mayaman ang PIlipinas?
4. Ano-ano ang mga nakukuha sa kalupaan?
TANONG
5. Nakatutulong ba ang mga ito sa ating
pamumuhay?
6. Ano-ano ang nakukuha sa katubigan?
7. Sino pa ang itinuturing na kayamanan ng
bansa?
8. Bakit dapat pangalagaan ang mga yaman ng
Bansa?
Ano ang angkop na pamagat sa binasang
talata?

Ano ang magiging batayan mo sa


pagbibigay ng pamagat?
Mula sa talatang binasa, alin sa mga
nakasulat sa ulap ang angkop na pamagat
para dito?

Alin naman sa palagay mo ang detalye na


sumusuporta sa napili mong pamagat?
Sa pagbibigay ng pamagat ng isang talata,
alamin mo muna ang paksang-diwa o
paksang pangungusap. Ang mga ito ay
nagbibigay ng ideya sa pagpili ng pamagat.
Ang Paksang Diwa ang siyang magiging
batayan mo sa pagbibigay ng pamagat,
siguraduhin lamang na may mga detalyeng
susuporta dito. Tulad nito.
Sa pagsulat ng pamagat sinisimulan ito sa
malaking letra. Mahalagang tandaan na sa
pagbibigay ng pamagat, mabuting gawin
itong maikli at nakatatawag ng pansin. Ito ay
kalimitang humihikayat sa mambabasa na
ituloy ang pagbabasa sa akda.
PAGLINANG

Basahin ang talata. Piliin ang angkop na


pamagat nito. Piliin ang letra ng tamang
sagot.
1. Si Aleya ay lumaki sa Japan, kung saan
nagtratrabaho at nakatira ang
kanyang mga magulang. Umuwi siya para
mag-aral sa Pilipinas. Sa
paaralan, pinagtatawanan siya ng mga
kaklase niya dahil kapag nasasalubong niya
ang kanyang guro at mga kaklse ay
yumuyuko siya.
A. Si Aleya
B. Sa Japan
C. Ang Magulang
2. Ang San Joaquin ay isang napakalayo at
napakaliit na baryo ngunit ang mga tao ay
magagalang at mapayapa. Sila ay may
kakaibang kaugalian ng pagbati sa
pamamagitan ng pagkapit ng isang kamay
habang tinatapik ang balikat ng isa’t isa.
A. Ang Baryo
B. Ang mga Tao
C. Ang San Joaquin
3. Ang pamilyang Aman ay lumipat sa isang
lungsod. Ang tingin sa kanila
ng mga kapitbahay ay kakaiba at
nakatutuwa. Naririnig nila ang pamilyang
umaawit sa ibang salita tuwing umaga at
gabi. Walang gustong makipaglaro sa mga
batang Aman sa kabahayan.
A. Ang Pamilya Aman
B. Ang Kapitbahay
C. Ang Lungsod
4. Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino
ay ang kapistahan. Ang bawat lugar sa ating
bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang
bilang
pasasalamat sa kanilang patron. Isa pang
kilalang tradisyon natin ay bayanihan, Ang
bayanihan ay ang pagtutulungang ng mga tao
para sa
isang gawain. May mga kababayan pa rin
tayong sumusunod sa ganitong tradisyon lalo
na sa mga lalawigan.
A. Ang Bayanihan
B. Ang Kapistahan
C. Mga Tradisyong Pilipino
5. Ang pamilyang Pilipino ay isang
napakahalagang institusyon. Sa gitna ng
maraming suliranin, dapat umiral ang
pamamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan
upang lalong tumibay ang pagsasamahan ng
isa’t isa. Anumang problema ang dumating,
kailangang mapanatiling
buo at mqtatag ang pamilya. Ang pamilya ay
biyaya ng Diyos na dapat nating ingatan.
A. Napakahalagang Institusyon
B. Ang Pamilyang Pilipino
C. Ang Pamahalaan
PAGLALAPAT

Basahin ang talata. Ibigay ang angkop na


pamagat nito.
1. Ang transportasyon sa ating bansa ay
medyo kulang sa pag-unlad. Ito ay dulot ng
bulubunduking bahagi at magkakahiwalay na
isla. Ito’y maari ring dulot ng kakulangan sa
pondo ng pamahalaan. Kaya naman, ang
kasalukuyang pamhalaan ay nagsisikap na
mapaunlad ang
transportasyon sa bansa sa pamamagitan ng
paglulunsad ng mga proyekto.
2. Ipinagmamalaki natin sa bahagi ng Rehiyon
IV ang Puerto Galera na matatagpuan sa Oriental
Mindoro. May 130 kilometro ang layo nito mula
sa bahaging Timog ng Maynila. Dinarayo ng
mga turista ang mapuputing buhangin sa mga
karagatan nito. Gayundin napakaganda ng mga
corals at iba pa.
PAGLALAHAT

Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng


pamgat sa isang kwento o eksto?
Sa pagsulat ng pamagat sinisimulan ito sa
malaking letra. Mahalagang tandaan na sa
pagbibigay ng pamagat, mabuting gawin
itong maikli at nakatatawag ng pansin. Ito ay
kalimitang humihikayat sa mambabasa na
ituloy ang pagbabasa sa akda.
PAGTATAYA

Basahin ang talata. Piliin ang angkop na


pamagat at isulat sa patlang ang letra ng
tamang sagot.
1. Ang niyog (cocos nucifera) ay may
karaniwang taas na 6 na metro o higit pa.
Natatangi sa lahat ng puno ang niyog
sapagkat bawat bahagi nito ay maari ring
sangkap sa paggawa ng sabon, shampoo, at
iba pa.
A. Ang Niyog
B. Cocos Nucifera
C. Niyog
2. Isa sa mga katangiang maipagmalaki
nating mga Pilipino ay ang mabuti nating
pagtanggap sa mga panauhin. Kapag ang
isang pamilya ay may inaasahang panauhin,
bawat isa ay abala sa paghahanda. Sila’y
naglilinis at nag-aayos ng kabahayan.
Nagluluto ang
pamilya ng masarap na pagkain at
naghahanda ng maraming prutas at inumin.
Pinakakaabalahan din nila kung ano ang
maipauuwing pasalubong ng panauhin.
A. Pagbabayanihan
B. Katangian ng mga Pilipino
C. Pagtanggap sa mga panuhin
3. Nakapahalaga ng bitamina A sa ating
katawan. Ito ang tumutulong upang luminaw
ang ating mata. Ang kakulangan sa
bitaminang ito ay maaring magdulot ng
paglabo ng paningin. Ang mga pagkain na
mayaman sa bitamina A ay atay (manok o
baka) itlog, gatas, keso,
mga luntian at dilaw na gulay at prutas.
A. Bitamina A
B. Napakahalaga ng Bitamina A sa ating
Katawan
C. Ang mga Pagkain na Mayaman sa
Bitamina A ay atay
4. Si Lapulapu ang unang bayaning Pilipino.
Nang matuklasan ni Magellan ang Pilipinas,
gusto niyang kilalalnin ng mga katutubo ang
hari ng Espanya. Tinutulan ito ni Lapulapu at
nagdaan pang digmaan sa pagitan ng mga
Kastila at katutubo kung saan tinalo ni
Lapulapu si Magellan at
naging sanhi ng pagkasawi nito sa laban.
A. Si Lapulapu
B. Si Lapulapu at Magellan
C. Si Lapulapu ang Unang Bayaning Pilipino
5. May binasa si Luisa na kuwento tungkol sa
asong nagpakita ng pagmamahal sa amo ng
ito ibinuwis ang buhay upang masagip ang
isang batang babae sa rumagasang motor.
Natanggal ang itaas na bahagi ng nguso ng
aso. Ang akala nila ay namatay si Kabang,
pangalan
ng aso, dahil hindi na ito nagpakita. Subalit
makalipas ng ilang lingo, umuwi ito sa bahay.
Nabalitaan ng isang beterinaryo ang nangyari
kay Kabang at nagboluntaryong dalhin siya sa
Amerika upang ipagamot. Nagtagumpay ito
at naging mas malambing at masayahin si
Kabang
sa kabila ng kawalan ng nguso. Tunay ngang
ang aso ay matalik na kaibigan ng tao.
A. Si Kabang
B. May binasa si Luisa na kuwento
C. Tunay ngang ang aso ay matalik na
kaibigan ng tao.
Karagdagang Gawain

Lagyan ng tsek (√) ang puso kung ang


mungkahing paraan ng pangangalaga ng
likas na yaman ay wasto at ekis (X) kung
hindi.
1. Iiwasan ang pagtatapon ng basura sa mga ilog
at dagat.
2. Magtanim ng mga puno at halaman sa mga
bakanteng lote.
3. Ipagwalang bahala ang mga batas
pangkalikasan.
4. Sundin at gawin ang programang 3Rs (Reuse,
Reduce, Recycle)
5. Hayaang nakabukas ang gripo kahit umaapaw
na ang tubig sa timba.
PAGLINANG

Piliin ang angkop na pamagat ng akda o


teksto.
1. Malinis at maituturing na kahanga-hanga
ang aming pamayanan. Kayraming turista ang
nagaganyak na pasyalan ang aming lugar.
Tanyag ang mga bundok, ilog, at iba pang
tanawin. Marami rin kaming mga kababayang
may kani-kaniyang talino sa iba’t ibang
larangan — sa sining, sa edukasyon, at sa
palakasan.
A. Mga Gawain sa Pamayanan
B. Ang Aming Pamayanan
C. Turista sa Pamayanan
2. Mahalaga sa pagpapanatili ng kalusugan at
pag-iwas sa sakit ang pagkain ng prutas at
gulay. Isa ang mga madilaw na prutas at gulay
na kailangan ng katawan. Ang bitaminang
taglay ng mga ito ay nakapagpapalinaw ng
paningin. Kaya, kumain ng carrots, kalabasa,
kahel, hinog na mangga, at iba pa.
A. Pagkain ng Prutas at Gulay
B. Iba’t ibang Prutas
C. Pag-iwas sa Sakit
3. Ang niyog (coconut) ay mahalagang
produkto ng Pilipinas. Natatangi sa lahat ng
puno ang niyog sapagkat bawat bahagi nito ay
mahalaga. Bukod sa pagbibenta ng kopra,
buko at niyog sa pagluluto, marami pa itong
gamit. Ang niyog ay sangkap rin sa paggawa
ng sabon, shampoo, at iba pa.
A. Ang Paggawa ng Sabon at Shampoo
B. Pagbebenta ng Kopra, Buko at Niyog
C. Kahalagahan at Gamit ng Niyog
PAGLALAPAT

Bigyan ng angkop na pamagat.


4. Ang pating ay isang uri ng karniborong
isda. Sa kasalukuyan, mayroong mahigit na
limandaang uri ng pating. Karamihan ng uri
ng pating ay nananatili sa tubig dagat ngunit
may iilang nabubuhaybsa yubig tabang. Ang
pinakamaliit na pating ay may habang anim
na pulgada.
Ang pinakamahaba naman ay ang butanding.
Ito ay umaabot sa haba na labindalawang
metro.
5. Nagpunta sa pamilihan sina Iya at ang kaniyang
nanay isang hapon. Habang naglalakad ay
nakabitaw si Iya sa kaniyang ina habang
pinagmamasdan niya ang mga laruang nakasabit
sa mga tindahan. Hindi niya namalayan na wala
na sa kaniyang tabi ang ina. Iiyak nang iyak sa
takot si Iya. Maya-maya pa’y natanaw na niya ang
kaniyang ina sabay yakap dito.
PAGTATAYA

Basahin ang sumusunod na pangungusap.


Lagyan ng / kung ito ay paraan sa
pagbibigay ng pamagat, x kung hindi.
___ 1. Basahin ang teksto o akda.
___ 2. Unawain ang nilalaman ng akda.
___3. Salungguhitan ang mahaha-lagang
paksa.
___ 4. Mag-isip n mahabang pamagat.
___ 5. Bumuo ng pamagat na simple, maikli at
angkop sa paksa
Pagbibigay ng
Pamagat sa Akda o
Teksto
PAGTATAYA

Piliin ang angkop na pamagat.


1. Ang matibay na Pamilya ay dapat na may
pagmamahalan,
pagkakaisa at pagtutulungan ang bawat isa.
Ano mang problema ang
dumating, kailangan mapanatiling buo at
matagtag ang pamilya.
A. Ang matibay na Pamilya
B. Ang Pamilyang Masaya
C. Pagmamahalaan
2. Isa sa mga naging mahalagang personalidad
sa People Power ay si
Hilario G. Davide Jr. Siya ang punung-hukom
ng katas-taasang Hukuman ng
Pilipinas. Siya rin ang nagtalaga kay dating
Pangalawang Pangulo Gloria,
Macapagal-Arroyo bilang bagong Pangulo ng
Bansa.
A. People Power
B. Gloria M. Arroyo
C. Hilario G. Davide Jr.
3. Si Pablo Planas ay isang dating tsuper at
mekaniko siya ang naka- imbento ng khaos
Super Turbo Charger (KSTC) na isang tipid-
gas na
gamit para sa mga de-gasolinang sasakyan.
Hindi siya nasilaw sa multi- milyong pisong
alok ng bansang Amerika para lamang ibenta
ang
kanyang imbento.
A. Super Turbo Charger
B. Si Pablo Planas
C. Tsuper at Mekaniko
4. Ang Pasko sabi ni Lola Mameng ay para sa
mga bata. Simbolo ng Pasko ang parol,
krismas tri, keso de bola, hamon, regalo at
hindi kumpleto kung wala si Santa Claus.
Pagkasimba sa Araw ng Pasko kami ay
nagmamano kina lolo, lola, tatay, nanay, at
mga tiya at tiyo. Pagkatapos nagpupunta rin
kami sa mga ninong at ninang.
A. Ang Pasko
B. Sabi ni Lola Mameng
C. Simbolo ng Pasko
5. Si Mariang Sinukuan ay diwata ng Bundok
Arayat. Mabait at maganda siya. Siya ay
mahal ng mga tao. Ang kanyang ama ay
tinatawag ng lahat na Apo. Ang kagandahan ni
Mariang Sinukuan ay hinahangaan ng mga
kalalakihan. Kapag may liwanag na
nagmumula sa bundok, si Mariang
Sinukuan ay namamasyal sa paligid ng
Bundok Arayat. Ang bundok ay nasa
Pampanga.
A. Diwata ng Bundok
B. Si Mariang Sinukuan
C. Bundok Arayat
PAGTATAYA

Piliin ang angkop na pamagat.


1. Dahil sa pandemya, lahat ay inatasang
magsuot ng face mask. Ang mga tao, bata man o
matanda ay hindi maaaring lumabas ng bahay
nang hindi nakasuot nito. Ang paglabag dito ay
may nakalaang kaparusahan. Kaya naman, ang
face mask ay kasama na sa mga pangunahing
pangangailangan ng bawat tao.
A. Ang Pangangailangan
B. Ang Pandemya
C. Ang Face Mask
D. Ang Pagsusuot ng Face Mask
2. Ang Covid-19 ay isang virus na nagmula
sa Wuhan, China. Malaki ang naging epekto
nito sa buhay ng bawat tao na hanggang sa
kasalukuyan ay nabubuhay sa takot at
pangamba.
A. Ang Covid-19
B. Ang Virus
C. Epekto ng Covid-19
D. Ang Virus sa China
3. Si Pablo Planas ay isang dating tsuper at
mekaniko. Siya ang nakaimbento ng Khaos
Super Turbo Charger (KSTC) na isang tipid-
gas na gamit para sa mga de-gasolinang
sasakyan.
A. Ang Dating Tsuper
B. Si Pablo Planas
C. Ang Khaos Super Turbo Charger
D. Ang Tipid-gas na Sasakyan
4. Napakahalaga ng Bitamina A sa ating
katawan. Ito ang tumutulong upang lalong
luminaw ang ating mga mata. Ang kakulangan sa
bitaminang ito ay maaaring maging sanhi ng
paglabo ng paningin. Ang mga pagkain na
mayaman sa bitamina A ay atay, itlog, gatas,
keso, mga luntian at dilaw na gulay at prutas.
A. Mahalagang Bitamina
B. Pagkaing May Bitamina A
C. Sanhi ng Paglabo ng Mata
D. Ang Bitamina A
5. Ang matibay na pamilya ay dapat na nag-
uusap, nagkakaisa at nagtutulungan. Ano
mang problema ang dumating kailangang
mapanatiling buo at matatag ang pamilya.
Bukod dito, biyaya ng Diyos ang pamilya
kaya dapat patuloy na magmahalan.
A. Ang Biyaya ng Diyos
B. Ang Pamilyang Matatag
C. Ang Magulong na Pamilya
D. Ang Pagkakaisa ng Pamilya

You might also like