You are on page 1of 24

FILIPINO 6

WEEK 4 DAY 2
LAYUNIN:
LAYUNIN:

Nasasabi ang paksa/mahahala-


gang pangyayari sa binasang/
napakinggang sanaysay at
Teksto. F6RC-IIb-10
Tinutulungan mo ba ang Nanay mo
sa pagluluto ng kakainin ninyo?
Paano nyo ito gi-
nawa?
Halimbawa:
Ang paksa nito ay ang
isdang tuna. Nauuna ito sa
mga detalye.
Mahahalagang pangyayari o detalye:
• Nangunguna ang ating bansa sa
pagluluwas ng mga de latang tuna sa iba’t
ibang panig ng daigdig.
• Mahigit sa 50% ng mga tunang ito ay
nanggagaling sa Mindanao o sa timog na
bahaging bansa.
Mahahalagang pangyayari o detalye:

• Kabilang narito ang Golpong Moro,


Dagat Sulo, Dagat Bohol, Look ng Batangas
at Golpong Ragay.
B) Maaaring nauuna ang detalye sa paksa/
pangunahing diwa.
Pakinggan ang nirekord na talata o ipabasa ito
sa magulango kasamahan sa bahay ang
ibinigay ng guro.Sabihin kung ano ang paksa sa
bawat talata at piliin ang titik nang tamang
sagot.Isulat ito sa sagutang papel o notbuk.
1. Ang pagre-recycle o muling paggamit ng
mga bagay ay isang mabuting paraan ng
pagbabawas ng basura. Itabi at tiklupin nang
maayos ang mga plastik upang muling
magamit. Mabuting tamnan ng halaman ang
mga lumang gulong ng sasakyan. Ang
mga damit na maayos pa subalit napagliitan
na ay maaaring ipamimigay sa
nangangailangan.
a. Pagtatabi ng mga plastic.
b. Sa pagre-recycle, mababawasan ang basura.
c. Mga lumang gulong na mabuting tamnan ng halaman.
d. Maaaring ipamigay ang mga maliliit na damit sa
Nangangailangan.
2. Maraming likas na yaman ang magandang lalawigan
ng Bohol. Maraming magagandang lugar doon ang
dinarayo hindi lamang ng mga lokal na turista kundi
maging turista mula sa ibang bansa. Taglay rin ng Bohol
ang malalawak na karagatan at malalagong kagubatan.
a. Dinarayo ng mga turista ang magagandang lugar sa
Bohol.
b. May malalawak na karagatan ang taglay ng Bohol.
c. May malalagong kagubatan ang lugar ng Bohol.
d. May maraming likas na yaman ang Bohol.
3. Mayaman ang lupain ng Bohol. Maraming uri ng
halaman at puno ang nabubuhay rito. Pagsasaka ang
pangunahing gawain ng mga tao rito bagama’t marami
ring mangingisda. Inaalagaan ng mga Boholano ang
kanilang mayamang lupain.
a. Mayaman ang lupain sa Bohol.
b. Nabubuhay ang iba’t ibang uri ng halaman sa Bohol.
c. Pag-aalaga ng mga Boholano sa mayamang lupain
nila.
d. Pagsasaka ang pangunahing gawain ng mga tao sa
Bohol.
PANUTO: Iguhit ang kung tama at kung mali.

_____ 1. Ang kabataan ang simbolo ng pagbabago.


_____ 2. Sa social media nakatuon ang atensyon ng
kabataan ngayon.
_____ 3. Ang mga kabataan ang tagapagtanggol ng
bayan noon at ngayon.
_____ 4. May mga kabataang kulang sa gabay ng
magulang ay nagiging pariwara.
_____ 5. Marami pa rin sa mga kabataan ang
nagsusumikap na makapagtapos ng
ng kanilang pag-aaral.
Paano natin matutukoy
ang paksa ?
PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na talata na nagsasaad
ng paksa ng bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.

____ 1. Maaga pa ay gising na ang lahat ng mga tao sa bahay ni


Mang Isidro. Ang bawat isa ay abalang nagbibihis at naghahanda
papunta sa simbahan. Nakasuot ng magandang puting damit si
Eloisa. Ito ang araw ng kanyang kasal.

A. Araw ng kasal ni Eloisa C. Araw ng pagsisimba


B. Araw ni Mang Isidro D.Araw ng paghahanda
_____2. May iba’t ibang kahulugan ang bawat kulay. Ang asul ay
kapayapaan at ang pula ay katapangan. Pag-ibig naman ang
kahulugan ng rosas at panibugho naman ang dilaw. Kasaganaan
naman ang berde at kalungkutan ang itim. Marami pang kulay
ang may kahulugan.

A.Kahulugan ng bawat kulay


B.Ang ibat-ibang kulay ng buhay
C.Bawat kulay ay maganda
D. Kahulugan ng buhay
_____ 3. Ang aklat ay nagbibigay ng iba’t ibang impormasyon. Ito
rin ang nagdadala sa atin sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng
pagbabasa. Ang dating pagkatao ay nagbago rin. Ang lahat ng
bagay ay matutuhan natin sa aklat. Ito ang mga kahalagahan ng
aklat.

A. Ang iba’t ibang impormasyon sa aklat.


B. Ang kahalagahan ng aklat.
C. Ang mga pagbabago pagbasa ng aklat.
D. Ang aklat ay binibili.
____ 4. Ang isang pagdiriwang na pinakahihintay ng halos sa
karamihan ay ang kapaskuhan. Ang lahat ng tao ay abala sa
paghahanda sa araw na ito. Mga bagong damit at sapatos naman
ang kinasasabikan ng mga paslit. Ang pagpunta at pagbibigay-
galang nila sa kanilang ninong at ninang ay kinakikiligan din. At
higit ay ang pagpapasalamat sa Diyos para sa araw na ito.

A. Ang pasko ay ang pinakahihintay na pagdiriwang ng karamihan.


B. Ang pasko ang araw ng mga kabataan.
C. Ang pasko ang araw na naghahanda ang mga ninong at ninang.
D. Ang pasko ang nagpapasaya.
_____ 5. Malalaki at matataas na gusali ang matatagpuan sa Ay-
ala, Makati. Kilalang-kilala ang lungsod na ito dahil na rin sa mga
subdibisyong magagara at malapalasyong bahay ng mga
milyonaryo. Narito rin ang iba’t ibang mga hotel at restawran na
tanyag. Ang Makati ay isa sa pinakamayamang lungsod ng bansa.

A. Ang Makati ang isa sa pinakamayamang lungsod sa bansa.


B. Ang Makati ay puno ng malalaking gusali.
C. Ang Makati ay ang lugar ng mga mayayaman.
D. Ang Makati ay may mapapalasyong bahay at subdibisyon.
Maraming
Salamat !

You might also like