You are on page 1of 5

OUR LADY OF FATIMA LEARNING CENTER

ALLACAPAN INCORPORATED
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSUSLIT
Araling Panlipunan III
Pangalan: ________________________________________Puntos: _____
A. Basahin at unawain ang inilalahad sa sumusunod na mga sitwasyon.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Iba’t-ibang palamuti at mumuning ilaw ang nakasabit sa loob at labas ng
bahay ng pamilya Cagas. Masasarap na pagkain ang nakahain sa mesa.
Maraming regalo ang nasa ilalim ng puno na kumikintab sa dami ng
makukulay na bola at ilaw.
A. Pasko B. Ramadan C. Semana Santa
2. Sina Jihan ay kabilang sa pamilyang Muslim mula sa Maguinadanao.
Pagkatapos ng ilang araw na pag-aayuno ay pumunta sila sa mosque upang
manalangin at magpasalamat kay Allah. Pagkatapos ay nagsalo ang buong
pamilya sa masasarap na pagkaing nakahain sa kanilang hapag.
A. Ramadan B. Eid’l Fitr C. Semana Santa
3. Napakagara ng suot ni Loida. Kumikinang ang suot niyang gown at
marami ang humahanga sa kanyang ganda. Siya kasi ang napiling Reyna
Elena sa kanilang barangay sa taong ito.
A. Santa Cruzan B. Pasko C. Araw ng mga Patay
4. Napakaraming tao sa sementeryo. Marami ang nagtirik ng kandila para sa
mga yumao nilang mahal sa buhay. Isa si Helen sa mga pumunta sa
sementeryo. Nagdala siya ng bulaklak, nagtirik ng kandila, at nagdasal para
sa yumaong lola.
A. Santa Cruzan B. Pasko C. Araw ng mga Patay
5. Biyernes Santo, pumunta si Helen at kanyang magulang sa isang simbahan
sa Maynila upang making ng “Huling Pitong Salita ni Hesus” kung saan
inalala ng pitong tagapagsalita ang pitong huling mga salitang sinambit ni
Hesus bago siya namatay sa jrus.
A. Ramadan B. Semana Santa C. Eid’l Fitr
6. Nakatira si Mang Bestre sa tabing-dagat. Araw-Araw sakay ng kanyang
Bangka ay pumupunta siya sa dagat. Inihahagis niya ang kanyang lambat
sa tubig at maya-maya pa’y masaya na siya sa kanyang huli. Ano ang
hanapbuhay ng magsasaka.
A. Magsasaka B. Mangingisda C. Bangkero
7. Nakatira sa lungsod ng Parañaque sina Faye. Ang klinika ng nanay niya ay
pinupuntahan ng mga pasyente, bata man o matanda para magpaayos,
magpalinis o magpabunot ng ngipin. Ano ang hanabbuhay ng nanay ni
Faye?
A. Dentista B. Doktor C. Abogado
8. Nakatira sa malawak na kapatagan sina Patricia. Umagang-umaga pa lang
ay nag-aararo bna ang kanyang tatay sa bukid. Ang nanay naman niya’y
nagtatanim ng mga butyl. Ano ang hanapbuhay ng magulang ni patricia?
A. Mangingisda B. Kasambahay C. Magsasaka
9. May-ari ng isang minimart ang magulang ni Alvin. May apat na emplyado
silang katulong sa pagpapatakbo nito. Matao ang lugar ng minimart kaya
marami ang pumupunta’t bumili rito. Ano ang hanapbuhay ng magulang
ni Alvin?
A. Call Center Agent B. Negosyante C. Chef
10. Nasa isang kabundukan ng Zambales ang tirahan nina Ronnie. Mayaman
sa mga mineral tulad ng chromite ang kabundukan dito. Ang tatay ni
Ronnie ay isa sa mga taong kumukuha nito sa ilalaim ng lupa. Ano ang
hanabuhay ng kanyang tatay?
A. Minero B. Magsasaka C. Mangingisda
11. Si Gerry ay batang mula sa sa lalawigan ng Bulacan. Ang nakararaming
pangkat ng mga tao sa kanilang lalawigan ay mga . . .
A. Tagalog B. Ilocano C. Bicolano

12. Si Ben ay mula sa lalawigan ng Cebu. Ang kanilang wika ay pangalawa sa


pinakagamiting wika sa buong Pilipinas dahil maliban sa Cebu ay
ginagamit din ito sa iba pang lalawigan sa mga rehiyon sa Visayas at maging
sa ilang lalawigan sa Mindanao. Anong wika ito?
A. Cebuano o Bisaya B. Tagalog C. Ilonggo

13. Hindi kalayuan sa Bulacan ay matatagpuan naman ang lalawigan ni Anna,


ang Pampanga. Ang nakararaming pangkat ng mga tao sa lalawigang ito ay
nagsasalita ng wikang . . .
A. Kapampangan B. Waray C. Ilocano

14. Si Fatima ay nakatira sa lalawigan ng Cotabato. Kabilang siya sa


pinakamalaking pangkat ng mga Muslim sa ating bansa. Ang iba sa kanila
ay matatagpuan sa Rehiyon 12 na tinatawag ding SOCSARGEN. Ang
kanilang pangkat ay tinatawag na. .
A. Maguindanaoan B. Manobo C. Tausug
15. Si Lora ay mula sa lalawigan ng Iloiolo. Ang karamihan sa mga
mamamayan sa kanilang lalawigan at maging sa kanilang Rehiyon 6 ay
kabilang sa pangkat na . . .
A. Ilonggo B. Ilocano C. Cebuano

16. Sa tahanan ng Pamilya Gomez ay laging naririnig ang biruan, tawanan at


masayang kwentuhan kapag nagsama-sama sila. Anong pag-uugali ang
naglalarawan sa kanila?
A. Masipag at matiyaga B. magalang C. masayahin

17. Ang anak nila Mang Oscar ay matiyagang tumutulong sa paggawa ng


kanilang mga produkto lalo na kung wala silang pasok sa paaralan. Anong
pag-uugali ang naglalarawan sa kanya?
A. Masipag at matiyaga B. masayahin C. matapat

18. Nabalitaan ng pamilya na isang malakas na bagyo ang tumama sa mga


rehiyon sa Kabisayaan. Agad silang naghanda ng mga selatang pagkain,
mga gamit at damit na puwedeng itulong sa mga nasalanta. Anong pag-
uugali ang naglalarawan sa kanila?
A. Masayahin B. matulungin C. malikhain

19. Ang pamilya ay may pagawaan ng bag, wallet at sapatos. Si Mang Badong
ang gumagawa ng magaganda at nakakaakit na disenyo kaya nagugustuhan
ng mamimili. Ano ang naglalarawan sa kanya?
A. Matapat B. malikhain C. matulungin

20. Ginagawa ni Kaye ang kanyang proyekto nang Makita niya sa telebisyon
ang paboritong artista. Nanoos na lang muna siya at nasabi niya sa
kanyang sarili na bukas na lang niya iyon itutuloy ang paggawa ng
proyekto. Anong pag-uugali ang naglalarawan sa kanya?
A. Crab mentality B. mañana habit C.palagiang pagkahuli
B. Piliin sa loob ng kahon ang mga kultura ng bawat konsepto sa ibaba.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
a. Edukasyon b. Kasangkapan c. Kasuotan d. Kaugalian

e. Pagkain f. Pamahalaan g. Paniniwala h. Pananampalataya

i. Sining j. Tahanan k. Wika

_________1.Ang mga sinaunang Pilipino ay gumamit ng mga pana, palaso at sibat sa


pangangaso.
_________2.Baro’t saya angkasuotan ng mga kababaihan.
_________3.Ang mga magulang ang nagtuturo sa kanilang mga anak ng mga gawaing
bahay, pangangaso, pangingisda at pagsasaka.
_________4.Ang mga sinaunang Pilipino ay nanirahan sa mga kuweba at angib ay
nagpapalipat-lipat ng tirahan.
_________5.Naniniwala ang ating mga ninuno sa iba’t-ibang ispiritwal na taga bantay
tulad ng diyos, diwata at anito.
_________6. May 8 pangunahing wika o diyalekto ang ginagamit sa bansa.
_________7.Ang Datu ay ang pinuno ng isang balangay.
_________8.Habang isinasagawa ang paglalamay, may mga taong taga-iyak na siyang
nagsasalaysay ng mga kabutihang nagawa ng namatay.
_________9.Nakakamay kung kumain ang mga sinaunang Pilipino.
_________10.Makikita sa mga haligi ng mga bahay ang mga nakaukit at nakalilok na
mga disenyo.
C. Tama o Mali. Basahing mabuti ang sumusunod na mga pangungusap. Isulat sa
linya ang Tama kung tama ang ipinapahayag at Mali kung ito ay mali.
_________1. Ang palay ay isa sa mga pangunahing produkto ng mga magsasaka sa
ating bansa. Ilan sa probinsiyang pinanggagalingan ng play ay sa Nueva
Ecija at Isabela.
_________2. Ang abaka ay tinatawag ding “puno ng buhay” dahil sa napakaraming
kapakinabangan nagmumula sa lahat ng bahagi nito mula sa laman,
dahon, puno, bao, balat, sabaw, ugat at maging sa ubod nito.
_________3. Strawberry ang pinamalaking eksport na prutas sa Pilipinas at ito’y
masaganang inaani sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
_________4. Ang Lungsod ng Cebu ay tinatawag na “Tuna Capital of the Philippines”
dahil dito nanggagaling ang pinakamalalaki at pinakamaraming tuning
ipinagbibili sa ib’t-ibang pamilihan as bansa at inieksport din sa iba’t-ibang
bansa.
_________5. Ang ating bansa ay kapuluan kaya naman, pangingisda ang isa sa mga
pangunahing hanapbuhay ng mga Pilipino.
_________6. Mahalagang sector o bahagi ng ating lipunan ang mga negosyante o
namumuhunan sapagkat nakapagbibigay sila ng trabaho o hanapbuhay sa
ating mga kababayan.
_________7. Ilan sa mga trabaho ng mga manggagawang nonskilled ay guro, abogado,
at arkitekto.
_________8. Ang mga negosyo ay karaniwang matatagpuan sa malalaking lungsod ng
bansa dahil maraming tao ang naninirahan dito.
_________9. Maraming iba’t-ibang pangkat ng mga tao ang makikita sa Luzon, Visayas
at Mindanao.
_________10. Ang pangalawang pinakamagamiting wika sa ating bansa kung dami ng
mga taong nagsasalita nito basehan ay ang wikang Cebuano o Bisaya.

“Believe in yourself and all that you are.


Know that there is something inside YOU that greater than any obstacle”

GOOD LUCK & GODBLESS!!

Prepared By:

LORENA COSTALES-RUECO
Teacher

You might also like