You are on page 1of 11

1

Aralin 2 KAKAIBA PERO PAREHO


Maging handa sa aralin natin ngayon. Ilaan mo ang lahat ng iyong oras

sa pagsusuri at pag-iisip sa paksang inyong pag-aaralan.

1. Basahin at intindihin ang panuto sa mga naibigay na gawain para matamo

ang layunin sa modyul na ito.

2. Isulat sa inyong kuwaderno ang mahahalagang paksa na iyong natutuhan sa

aralin. Ang pagsusulat ay nakatutulong upang mas lalong maintindihan ang

konsepto ng pinag-aaralan.

3. Sagutan ang lahat ng mga naibigay na gawain para mas lalong maintindihan

at makita ang pagkaintindi sa aralin.

4. Magpaturo sa inyong mga magulang at mas nakakatanda sa inyo sa mga

gawaing kailangan mo ng gabay o mas malalim na paliwanag para mas

maintindihan ang aralin, sila ang magiging katuwang mo sa iyong pagkatuto

kasama ng iyong guro.

5. Sagutan ng buong puso ang huling pagsubok gamit ang natutuhan mo sa

ating aralin. Huwag kalimutang gamitin sa totoong buhay ang bawat aralin

upang hindi makalimutan.

6. Gumawa ng may kasiyahan para mas magaan ang pag-aaral at pag-intindi sa

mga aralin at ugaliing manalangin sa Diyos bago at matapos ang aralin.

Mga Inaasahan

Inaasahan ko na sa pagtatapos ng aralin na ito ay matututuhan mo

ang mga sumusunod na kasanayan:

1. Nakapagbibigay- alam sa kinauukulan tungkol sa kaguluhan at iba

pa, (pagmamalasakit sa kapwa na sinasaktan/ kinukutya/ binubully) EsP5P-

IIb-23; at

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Ikalawang Markahan: Ikatlo at Ikaapat na Linggo
2

2. Nakapagpapakita ng paggalang sa mga dayuhan sa pamamagitan ng:

2.1. mabuting pagtanggap/pagtrato sa mga katutubo at mga dayuhan; at

2.2. paggalang sa natatanging kaugalian/paniniwala ng mga katutubo at

dayuhang kakaiba sa kinagisnan. EsP5P –IIc – 24.

Ano ang masasabi mo sa ating paksang, “Kakaiba pero Pareho”? Ano sa

palagay mo ang kahulugan nito? Habang pinag-aaralan mo ang modyul na ito ay

malalaman mo kung ano ang ibig sabihin nito. Alam kong gusto mo nang matuto

at simulan ang pagsagot sa modyul na ito. Kaya, kumuha ka na ng panulat at

sagutan mo muna ang paunang pagsubok na inihanda ko para sa iyo. May

dalawang bahagi ang pagsubok.

Paunang Pagsubok

Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba. Kikilalanin natin kung sino sino sila.

Amerikano Tsino Koreano

Igorot (Pilipino) Tausug (Pilipino) Mangyan (Pilipino)

A. Isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.

_____ 1. Ang mga Amerikano, Koreano, at Intsik ay masasabi nating mga ____.

a. katutubo b. dayuhan c. kababayan d. kalahi

_____ 2. Alin sa mga sumusunod ang masasabi mong katutubo?

a. Bisaya b. Ilokano c. Kapampangan d. Ita

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Ikalawang Markahan: Ikatlo at Ikaapat na Linggo
3

_____ 3. Anong pangkat ng mga dayuhan ang napakarami sa Pilipinas?

a. Amerikano b. Australyano c. Intsik d. Hapon

_____ 4. Alin sa mga sumusunod na pangkat ang maituturing na tunay na

Pilipino?

a. Bumbay b. Mangyan c. Intsik d. Koreano

_____ 5. Alin sa mga sumusunod ang pangkat ng katutubo na karaniwang

makikita sa Metro Manila?

a. Mangyan b. Igorot c. Ita o Aeta d. Tausug

B. Isulat ang masayang mukha kung tama at malungkot na mukha

kung mali ang ipinapahayag ng pangungusap.

______ 6. Binigyan ni Elsa ng pagkain ang pulubing naglalakad sa kalsada.

______ 7. Pinagsabihan niya ang nakita niyang mga bata na pinagtatawanan ang

mga Igorot sa kanilang kasuotan.

______ 8. Sinamahan ni Mang Bong sa barangay ang Amerikano na naliligaw

upang makauwi sa tinutuluyang bahay.

______ 9. Tumakbo palayo ang mga kabataan ng makakita sila ng mga Tsino.

______ 10. Sinisisi ng pamilya Monte ang kanilang kapitbahay na nagkasakit ng

Covid-19.

Balik-tanaw

Nanonood ka ba ng telebisyon? Simula ng buwan ng Enero hanggang sa

kasalukuyan ay marami tayong mga naranasang kalamidad, suliranin at

paghihirap sa ating pamayanan. Isa na dito ang pagputok ng Bulkang Taal,

lindol, bagyo at itong nararanasan nating pandemya sa Covid-19.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Ikalawang Markahan: Ikatlo at Ikaapat na Linggo
4

Sumulat ng tig-iisang talata na ukol sa mga nabanggit na kalamidad o

suliranin. Ipahayag mo ang iyong naramdaman sa mga nakita mong ginagawang

tulong at pagmamalasakit ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng kalamidad.

1. Pagputok ng Bulkang Taal

Photo credit: philstar.com


__________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________.

2. Lindol sa Davao

Photo credit: philstar.com

________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

___________________________________________________.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Ikalawang Markahan: Ikatlo at Ikaapat na Linggo
5

3. Bagyong Yolanda

_____________________

Photo credit: movement.generation.org

________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

Pagpapakilala ng Aralin

Nagkaroon ka na ba ng pagkakataong makakita ng dayuhan o

katutubo? Saan mo sila nakita? Ano ang ginawa mo noong nakita mo sila?

A. Bago natin talakaying mabuti ang aralin, alamin mo muna ang

kahulugan ng mga sumusunod na salita:

• Dayuhan

• Kaugalian

• Kultura

• Katutubo

B. Basahin ang maikling kuwento at sagutan ang mga tanong sa ibaba.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Ikalawang Markahan: Ikatlo at Ikaapat na Linggo
6

KAKAIBA PERO PAREHO

Patungo sa Baguio ang mag-anak na Cruz. Habang nasa sasakyan ay

nakita ni Lovie ang mga batang naglalaro sa kalsada, maiitim at kulot ang buhok

at ang liliksi nilang kumilos at tumakbo. Sila ang mga Aeta o mga katutubo.

Kakaiba sila sa ating buhok at maitim ang kanilang kulay pero sila ay Pilipinong

katulad din natin. “Kakaiba pero pareho lang ng ating lahi, mga Pinoy din sila,

ang pagpapakilala ni Liane na nakatatandang kapatid ni Lovie.

Nang dumating sila sa Baguio ay nakita naman nila ang mga batang iba

ang kasuotan at sumasayaw habang tumutugtog. “Sila ay mga Igorot, mga

katutubo sila dito sa Baguio”, sabi ng kanilang ama. “Pinoy din po ba sila

Daddy?”, tanong ni Lanz, ang isa pang anak ng mag-asawang Cruz. “Oo, sila ay

mga Pinoy din katulad natin”. Maya maya ay nakakita naman sila ng grupo ng

mga Amerikano. “Sila naman ay mga Amerikano na mula sa Amerika.

Pumupunta sila dito sa ating bansa para mamasyal. Iba rin ang kanilang anyo.

Sila ay matangkad, maputi ang buhok at matangos ang ilong. Hindi sila mga

Pinoy. Sila ay mga dayuhan sa ating bansa. Maraming dayuhan ang pumupunta

dito sa ating bansa upang mamasyal,” ang wika ni Lola Rosie.

May mga lahing katutubo sa Pilipinas na iba ang anyo at kaugalian sa atin

ngunit sila ay kapwa din natin mga Pilipino. May mga dayuhan naman na iba

din ang anyo at kaugalian sa atin. Igalang natin sila at respetuhin ang kanilang

tradisyon o kaugalian. Sabay sabay na sumagot ang mga anak, “Tama!” Kakaiba

pero pareho nating kapwa Pilipino ang mga katutubo.”

Mga Gawain

Gawain 1

Base sa iyong nabasang kuwento, sagutin ang mga sumusunod na

tanong: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Ikalawang Markahan: Ikatlo at Ikaapat na Linggo
7

______ 1. Saan papunta ang mag-anak na Cruz?

a. Bulacan b. Bohol c. Bataan d. Baguio

______ 2. Ano ang dapat nating gawin kapag nakakita tayo ng mga dayuhan?

a. pagtawanan b. awayin c. batuhin d. batiin at ngitian

_____ 3. Bakit sila sinabing kakaiba pero pareho?

a. dahil kakaiba ang kanilang anyo pero parehas nating Pinoy

b. dahil kakaiba ang kanilang kaugalian pero parehas nating Pinoy

c. dahil kakaiba ang kanilang pinagmulan pero parehas nating dapat

igalang

d. lahat ng nabanggit

_____ 4. Ang mga nakita ng mag-anak ay tinatawag nating mga _______.

a. dayuhan at katutubo b. kabataan c. kaibigan d. kapamilya

_____ 5. Ang mga Pilipino ba ay may iba’t ibang anyo at kaugalian?

a. tama b. mali

Gawain 2

Lagyan ng ang kahon kung ito ay tamang gawain at kung maling gawain.

6. 7.

8. 9.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Ikalawang Markahan: Ikatlo at Ikaapat na Linggo
8

10.

Tandaan

Ang mga katutubo ay kapwa natin Pilipino. Iba man ang kanilang anyo,

kulay, kasuotan, at kaugalian sila ay dapat nating igalang. Respetuhin ang

kanilang paniniwala at tradisyon. Katulad din ng mga dayuhan. Kakaiba o

pareho tayo ay pantay – pantay. Ipakita natin ang pagmamahal sa kanila

pamamagitan ng pagmamalasakit, pagtulong, at pakikiisa.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Mahusay! Natapos mo ang mga gawaing ibinigay. Patuloy mo

pang palawakin ang iyong kaalaman.

Bilang isang bata, ano ano ang maari mong gawin upang maipakita mo

ang pagmamalasakit mo sa iyong kapwa? Paano mo sila matutulungan kung

dumating ang panahon na sila ay mangangailangan? Ilahad ang mga bagay na

maari mong ibigay na tulong sa iyong kapwa. Isulat sa kahon ang iyong sagot

sa pamamagitan ng pagsulat ng talata.

Photo credit: ipsnews.net

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Ikalawang Markahan: Ikatlo at Ikaapat na Linggo
9

________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

________________________________________________________

Pangwakas na Pagsusulit

A. Isulat ang TAMA kung nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa at

MALI kung hindi.

________ 1. Ikinandado ng mga kapitbahay ang bahay ng isang pamilya na may

sakit na Covid-19 upang hindi ito makalabas.

________ 2. Iginagalang ng mga Muslim ang paniniwala at tradisyon ng mga

Mangyan.

________ 3. Pinagbabawalan ng pumunta sa Pilipinas ang mga Tsino.

_______ 4. Ang pamunuan ng barangay ay lumibot sa lugar na kanilang

nasasakupan upang mamigay ng ayuda sa mga residente.

_______ 5. Pinaalis ng may ari ng paupahan ng bahay ang nangungupahan na

Igorot sapagkat ito daw ay nakakahiya ang kasuotan.

B. Gumupit ng limang (5) larawan ng iba pang katutubo at dayuhan. Idikit ito

sa isang malinis na bond paper. Isulat ang kanilang anyo, kaugalian, at

pinagmulan.

Halimbawa:

DAYUHAN - Intsik o Tsino

Anyo – singkit ang mata

Kaugalian – Naniniwala sa Feng Shui

Pinagmulan – China

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Ikalawang Markahan: Ikatlo at Ikaapat na Linggo
10

Pagninilay

May mga taong magkahawig pero di magkapatid, meron namang

magkaiba ngunit magkapatid. Sa silid-aralan ay makikita mong nagkakaiba ang

mga mag-aaral ngunit sila ay nagmamahalan, naggagalangan, at nagtutulungan.

Kahit sa kaibigan, iba ang kaniyang pinagmulan at kaugalian ngunit tayo ay

nagkakaunawaan. Ipakita natin sa lahat ng pagkakataon ang pagmamalasakit

natin sa ating kapwa, maging ito man ay dayuhan o katutubo.

Gumawa ng poster sa islogan na nakasulat sa ibaba. Iguhit ito sa

kahon.

“Ang pagkutya sa kapwa ay iwasan sa halip ipakita ang pagmamahal.”

Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung

mayroong bahagi sa modyul na ito na hindi mo naunawaan mangyaring

makipag-ugnayan ka sa iyong guro.”

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Ikalawang Markahan: Ikatlo at Ikaapat na Linggo
11

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
SAGUTANG PAPEL
Aralin: Kakaiba Pero Pareho

Pangalan:____________________________Baitang at Pangkat: ______________


Guro: ______________________________ Petsa: _________________________

Sagot sa Paunang Pagsubok: Gawain 1 Gawain 2

1. 6. 1. 6.
2. 7. 2. 7.
3. 8. 3. 8.
4. 9. 4. 9.
5. 10. 5. 10.

Pangwakas na Pagsusulit:

1.

2.

3.

4.

5.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Ikalawang Markahan: Ikatlo at Ikaapat na Linggo

You might also like