You are on page 1of 22

6

Filipino
Ikatlong Markahan-Modyul 3:
Pagbibigay ng Impormasyong Hinihingi ng
Nakalarawang Balangkas at Pagbubuo ng mga
Salita Gamit ang Panlapi at Salitang-ugat

Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Oriental Mindoro


FILIPINO – Ikaanim na Baitang
Contextualized Self-Learning Module
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Pagbibigay ng Impormasyong Hinihingi ng
Nakalarawang Balangkas at Pagbubuo ng mga Salita Gamit ang
Panlapi at Salitang-ugat
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon,
pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng
mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Dibisyon ng Oriental Mindoro

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Felisa R. Labador, Dalubguro II at Arlyn B. Gervacio, Guro III
Editor: Maria Fe L. Gonzales, Dalubguro II
Tagasuri: Liezl E. Orbeta, Dalubguro II
Tagaguhit: Arlyn B. Gervacio
Tagalapat: Jasmin M. Panelo
Tagapamahala:
Susana Marasigan Bautista, Tagapamanihala ng mga Paaralan
Rafael G. Manalo PhD, Pangalawang Tagapamanihala ng mga Paaralan
Charity R. Agabas- Capunitan, Hepe ng Pandibisyong Tagapagpaganap ng Kurikulum
Elmer P. Concepcion, Tagamasid Pansangay, LRM-Tagapangasiwa
Magdalena B. Morales, Tagamasid Pansangay-Filipino
James T. Zamora, Tagamasid Pampurok
Leona P. Conti PhD, Punong Guro IV

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA
Dibisyon ng Oriental Mindoro
Office Address: Barangay Sta. Isabel, Calapan City
Telefax: (043) 2887810
E-mail Address: oriental.mindoro@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi
na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman


ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang
bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit
ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
FILIPINO 6 Pagbibigay ng Impormasyong
Ikatlong Markahan Hinihingi ng Nakalarawang
Ikatlong Linggo
Balangkas
Aralin 1
MELC: Naibibigay ang impormasyong hinihingi ng nakalarawang balangkas.
F6EP -IIIa-i-8

Subukin Natin
Nakikinig o nanonood ka ba ng balita sa radyo at telebisyon?. Kapag
nakapanood ka ng balita tungkol sa isang sakuna o aksidente, tiyak na
nakararamdam ka ng awa sa mga biktima. Minsan ba ay nakaramdam ka rin ng
kaparehong damdamin para sa drayber na kasangkot sa aksidente o hindi?
Bakit?

Panuto: Basahin at unawain ang kuwento. Punan ang balangkas sa


ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
902
Lunes ng madaling -araw, nakatanggap ako ng isang mensahe
mula sa pinakamatalik kong kaibigan. Siya ang kaibigang halos
kapatid ko na kung ituring. Sa pagitan ng alas 3:00-4:00 ng
umagang iyon, isang malagim na aksidente ang naganap habang
binabagtas niya ang kahabaan ng Daang Maharlika.
Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan ay nawalan naman
ng preno ang minamaneho niyang sasakyan. Sa pagpigil sa
manibela at sa lakas ng pagpihit ng sasakyang may numerong 902
ay humampas ang kanang bahagi nito sa may puno. Nasa 11 ang
sugatan at isa pang lubhang nasugatan na agad binawian ng buhay
habang nilalapatan ng lunas sa pagamutang panlalawigan.
Ang aking matalik na kaibigan, ang aking itinuring na
kapatid, ay ilang araw at gabi ding nagpalipas sa likod ng rehas na
bakal. Siyay nanalangin at umasang malampasan ang pagsubok na
dumating sa kanyang buhay. Lahat ng ito ay maginoo niyang
tinanggap, hinarap at nilampasan.
( halaw mula sa Alab Filipino, Batayang Aklat 6,p.30-31)

1
902
I. Naganap, Lunes ng Madaling-Araw
a.
b.
II. Aksidente
a.
b.
c.
III. Mga Nasaktan
a.
b.

Ating Alamin at Tuklasin


Basahin ang teksto. Suriing mabuti upang masagot ang mga tanong.

Yamang – Tubig
Ang Pilipinas ay napalilibutan ng katubigan kaya
napakayaman sa mga lamang-dagat. Matatagpuan sa atingn
katubigan ang koral, perlas at iba pang halamang – dagat. Sa
lalawigan ng Sulu, tanyag ang magagandang perlas na
nakukuha rito. Ang mga lalawigan ng Palawan, Cebu, Quezon,
Sorsogon at Camarines Norte ang itinuturing na may malaking
pangisdaang tubig-tabang.
Sa tubig-alat makukuha ang sumusunod na uri ng isda:
tambakol, alumahan, hasa-hasa, dalagang-bukid, lapu-lapu,
tulingan, galunggong, alimasag, tahong, suwahe, sugpo at
posit.
Sa tubig-tabang naman makukuha ang sumusunod na
uri ng isda: tilapia, kanduli, karpa, bangus, dalag, hito, igat,
alimango, tulya, hipon, kuhol, suso at talangka.
Mahalagang matutuhan din ng mamamayan lalo na ng
mga mangingisda na pangalagaan ang yamang-tubig ng bansa
bago maging huli ang lahat.
( halaw mula sa Alab Filipino Batayang Aklat Filipino 6 )

1.Ano ang pamagat ng tekstong iyong binasa?


2. Ano-ano ang mga yamang-dagat na matatagpuan sa ating
katubigan?
3. Ano-anong mga lalawigan ang may malalaking pangisdan?
4. Ano anong mga lalawigan ang may malalaking pangisdaang tubig-
tabang?
2
5. Ano-anong uri ng isda ang makukuha sa tubig-alat?

6. Ano-ano namang isda ang makukuha sa tubig-tabang?

Narito ang balangkas ng tekstong iyong binasa. Basahin at unawain.

I. Pamagat
a. Yamang - Tubig
II. Lamang-Dagat na nasa ating Katubigan
a. koral
b. perlas
c. mga halamang-dagat
III. Mga Lalawigang may malalaking Pangisdaan.
a. Palawan
b. Cebu
c. Quezon
d. Sorsogon
e. Camarines Norte
IV. Mga Lalawigang May Malaking Pangisdaang Tubig-
Tabang
a. Mindoro
b. Agusan
c. Batangas
V. Mga Isdang Makukuha sa Tubig-Alat
a. tambakol g. alimasag
b. alumahan h. tahong
c. hasa-hasa i. suwahe
d. dalagang-bukid j. sugpo
e. lapi-lapu k. pusit
f. tulingan l. galunggong
VI. Mga Isdang Makukuha sa Tubig-Tabang
a. Tilapia h. alimango
b. Kanduli i. tulya
c. Karpa j. hipon
d. Bangus k. kuhol
e. Dalag l. suso
f. Hito m. talangka
g. igat
Naunawaan mo ba ang nilalaman nito? Ito ang tinatawag na
balangkas.Ano ba ang balangkas? Paano ito nabubuo?
Ang pagbabalangkas ay maayos na pagtatala ng mga
pangunahin at pantulong na paksa sa isang akda.
Maaring gamitin sa balangkas ang anyong papaksa at
anyong pangungusap. Ginagamit ang bilang Romano,
malaking titik at bilang Arabic sa pagtatala ng mga
kaisipan sa balangkas ng akda.
3
Tayo’y Magsanay
Pagsasanay A.
Panuto: Basahing mabuti ang teksto at ibalangkas ito.
Talentong Biyaya ng Maylikha
Ika-17 ng Disyembre taong 1978, isinilang mula sa mag-
asawang Rosalio Pacquiao at Dionesia Dapidran-Pacquiao ang
isang sanggol na pinangalanang Emmanuel Dapidran
Pacquiao, ang maghahatid ng karangyaan sa kanilang buhay.
Mas kilala siya bilang Manny. Sa Kibawe,Bukidnon siya
isinilang at pang-apat sa anim na magkakapatid. Habang siya
ay nasa ikaanim na baitang, ang kanyang mga magulang ay
nagkahiwalay.
Ikinasal si Manny Pacquaio kay Maria Geraldine Jamora o
mas kilala bilang “Jinkee” at biniyayaan sila ng apat na
supling. Tumira sila sa General Santos, South Cotobato at
Kiamba,Saranggani.
Si Manny Pacquiao ay pinagkalooban ng ranggo bilang
Seargeant Major for the 15th Ready Reserve Division of the
Philippine Army. Sa kanyang kabataan, pangarap na niyang
maging isang sundalo. Sa katunayan, siya ay naging Private
Army noon.
Dahil sa kahirapan sa buhay,hindi niya naipagpatuloy ang
kanyang pag-aaral. Nakatapos si Manny Pacquiao sa
elementarya sa Saavedra Saway Elementary School sa General
Santos City. Napilitang iwanan ni Manny ang kanyang pamilya
sa edad na 14 para makipagsapalaran sa ibang lugar.
Dahil sa galing at talino, kumuha siya ng high school
equivalency exam,para makatuntong sa kolehiyo. Noong
Pebrero 2007, naipasa niya ang nasabing exam at siya ay
napagkalooban ng Department of Education ng high school
diploma. Pagkatapos noon, siya ay nag-enrol sa Notre Dame of
Dadiangas University sa General Santos City at kumuha ng
kursong Business Management. Pinagkalooban siya ng
maraming pagkilala sa larangan ng boksing. Ilan sa
ipinagkaloob sa kanya ang Forbes The Celebrity 100 taon 2010,
Time 100 Most Influential People noong 2009 at naging cover pa
ng The Asia Magazine.
Kamangha-mangha ang talento ni Manny sa pagboboksing na
isang biyayang kaloob sa kanya ng dakilang lumikha.
4
Manny Pacquiao

I. Kapanganakan at mga magulang


a.
b.
c.
II. Sariling Pamilya
a.
b.
III. Pag-aaral
a.
b.
c.

IV. Mga Parangal bilang pagkilala


a.
b.
c.
d.
e.
Pagsasanay B.

Panuto: Basahing mabuti ang maikling teksto at ibalangkas


ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Noong nakaraang Sabado, Pebrero 27, 2021,


pumunta ang pamilya Bunyi sa swimming pool para
ipagdiwang ang ika-7 taon kaarawan ng bunso nilang si
Stephanie. Nagdala si Nanay Gladys ng pansit, hotdog,
pritong manok, tinapay at inumin. Dala naman ni Kuya
Michael ang tinapay at inumin. Si Tatay Steve naman ay
nagdala ng saranggola para paliparin ito ng magkapatid na
sina Maeden at Marianne. Si Evette, ang panganay sa
magkakapatid ay nagdala ng libro para basahin niya habang
nagpapahinga. Naging masaya ang Pamilya Bunyi noong
araw na iyon.

5
Kaarawan ni Stephanie

I. Pamilya Bunyi
a.
b.
c.
d.
e.
f.
g.
II. Mga handa
a.
b.
c.
d.
e.
III. Naging libangan
a.
b.
Pagsasanay C.
Panuto: Isulat ang T kung ang sinasabi patungkol sa balangkas ay
TAMA at M kung ang sinasabi sa balangkas ay MALI.
______1. Ang pagbabalangkas ay nakatutulong at nakapagsasaayos ng
impormasyon tungkol sa teksto?

______2. Sa pagbabalangkas ay gumagamit ng numero na Roman.

______3. Ito ay nagpapakita ng kawalang suporta o pokus sa paksa.

______4. Sa pagbabalangkas ay madaling matutukoy ang mga


impormasyon na nais malaman sa isang teksto.

______5. Sa pagbabalangkas, ito ay makakatulong upang makabuo ng


konklusyon tungkol sa binasang teksto.

6
Ating Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Basahin ang kuwento at isulat ang balangkas nito sa sagutang
papel.
Ang Kayamanan
( Salin mula sa “The Treasures” ni Gretel Laura M. Cadiong )

Bago pa man makapagsaboy ng liwanag ang araw, gising na gising


na si Mang Erning. Bitbit ang kaniyang pala at itak, nagtungo siya sa
kanilang bakuran. Nagsimula siyang magtanggal ng mga ligaw na damo at
binuhaghag din niya ang lupa sa kaniyang taniman.
Sa buong paligid niya ay mga samu’t-saring pananim na gulay.
Pumipilang parang kawal ang mga pananim niyang kamatis, talong at okra
malapit sa bakod. Ang mga naggagapangang baging ng malulusog na sitaw,
ampalaya at patola ang mga nasa gitnang bahagi ng kaniyang taniman.
May mga mababang puno rin ng kalamansi na hitik sa malalaking bunga.
Inari nilang kayamanan ang kanilang gulayan sapagka’t dito nila
kinukuha ang pampaaral nila sa kanilang anak na si Von. Malapit na muli
ang bayaran ng matrikula kaya kinabukasan, abalang-abala sila sa pag-
aani ng mga gulay. Ilang sandali pa ay dumating na ang trak at isinakay
ang inaning gulay at di nagtagal ay nakita ni Von na nagbibilang na ng
pera ang kanyang ina mula sa pinagbilhan ng mga gulay.
“Hindi tayo dapat mag-alaala hanggat nasa bakuran natin ang mga
kayamanang iyan palagi tayong may maaasahan,” nakangiting wika ni
Mang Erning.
Ang Kayamanan
I. Mga Gawain ni Mang Erning bago sumikat ang araw
a.
b.
c.
II. Mga Pananim sa Hardin ni Mang Erning
a.
b.
c.
d.
e.
f.
g.
III. Ginawa ni Mang Erning at kanyang asawa kinabukasn
a.
b.
c.
7
Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Isulat ang balangkas nito.
Pinakbet
Paboritong lutuin ni Nanay Noemi ang Pinakbet. Sapagka’t ito’y
masustansiya at gustong-gusto ng kaniyang mga anak.
Isang umaga pumunta si Nanay Noemi sa kanyang hardin sa likod bahay
at namitas ng mga gulay na sangkap sa pinakbet. Pumitas siya ng 2 ampalaya, 5
talong, 3 kamatis, luya, kalabasa at sitaw.
Inihanda niya ang lahat ng sangkap. Hinugasan at hiniwa. Iginisa niya
ang bawang, sibuyas, kamatis, luya, kalabasa, sitaw talong at ampalaya.
Tinakluban ang kawali. Mayamaya ay nilagyan ng bagoong, kaunting magic
sarap at tubig. Pinakulo hanggang lumambot. Muling natuwa si Nanay Noemi
nang malasahan niya ang kanyang niluto at sabay sabing, “tiyak masisiyahan na
naman ang aking mga anak sa napakasarap kong pinakbet”.
( Sariling katha ni Felisa R. Labador)

Pinakbet
I. Sangkap ng Pinakbet
a. f.
b. g.
c. h.
d. i.
e. j.
II. Paraan ng Pagluluto ng Pinakbet
a.
b.
c.
d.
e.

Ang Aking Natutuhan


Panuto: Lagyan tsek (/) kung ito ay natutunan at ekis (X)
kung hindi.
_____1. Naibibigay ko ang mga wastong impormasyon sa mga
tekstong aking binasa.

8
_____2. Natutunan ko ang pagbabalangkas ay pagkuha ng mga
impormasyon tungkol sa paksa o tekso.

_____3. Natutunan ko ang pagbabalangkas ay nakakatulong sa


pagsasaayos ng mga impormasyon sa isang teksto o paksa.

_____4. Nasagot ko ang mga tanong gamit ang pagbabalangkas.

_____5. Ang pagbabalangkas ay isang paraan upang mapabilis


ang pagbibigay konklusyon sa isang tekstong binasa.

Panuto: Unawain ang bawat tanong upang masagot ito ng wasto.


Bakit mahalaga na malaman natin ang paggamit ng
balangkas? Ipaliwanag ang iyong sagot.

________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_______________________________________________________________.

Ito ba ay magagamit natin? Paano?

________________________________________________________
________________________________________________________
__________________________________________________________.

Ating Tayahin
Panuto: Basahin ang maikling talambuhay ni Marcelo H. Del
Pilar. Ibigay ang mga impormasyon upang mabuo ang
balangkas.
Marcelo H. Del Pilar
Si Marcelo H. Del Pilar ay isa sa mga dakilang bayani ng bansa.
Isinilang siya sa Cupang,San Nicolas,Bulacan noong Agosto
30,1850. Noong 1869, natigil ang kanyang pag-aaral dahil sa
nagkagalit sila ng kura ng simbahan ng San Miguel, Maynila.
Ngunit nagpatuloy siya ng pag-aaral at nagtapos bilang
abogado noong 1880.

9
Itinatag niya ang pahayagang “Diaryong Tagalog” noong 1882.
Dito ay inilathala niya ang mga puna sa hindi mabuting
gawain at pamamalakad ng pamahalaan. Bunga nito,
pinaratangan siya ng mga Espanyol ng iba’t ibang kasalanan.
Bilang paghihiganti ng mga prayle at upang maiwasan niya
ang binabalak na pagpapatapon sa kanya. Napilitan siyang
maglakbay sa Espanya noong 1888. Noong una’y maginhawa
ang buhay niya sa Espanya ngunit nang lumaon ay
naghirap,nagutom at nagkasakit siya.
Binawian siya ng buhay noong ika-4 ng Hulyo 1896 sa Espanya.

Sagutin.

I. Kapanganakan
a.
b.
II. Pag-aaral
a.
b.
III. Pagtatrabaho
a.
IV. Kamatayan
a. c.
b.

10
SUSI SA PAGWAWASTO

Pagsasanay A Pagsasanay B Gawain 1.


5. C I.Kapanganakan I.Pamilya Bunyi I. Gawain ni Mang Erning
4. C a.Disyembre 17, 1978 a. Nanay Gladys a.pumunta sa bakuran dala
3. B b. Rosalio Pacquiao b. Tatay Steve ang pala at
c. Dionesia Dapidran-Pacquiao c. Stephanie itak
2. D
1.A II. Sariling Pamilya d. Evette b. nagtanggal ng damong
Subukin a. Maria Geraldine Jamora e. Michael ligaw
b. 4 supling/anak f. Marianne c. binuhaghag ang lupa
III. Pag-aaral g. Maeden II. Mga Tanim
a. Saavedra Saway Elementary School II. Mga Handa a. Kamatis
b. High School Equivalency Exam a. Pansit b. Talong
c. Notre Dame Dadiangas University ( b. Hotdog c. Okra
Business Management c. Pritong manok d. Sitaw
IV. Mga Parangal Bilang Pagkilala d. Tinapay e. Ampalaya
a. Seargent Major for the 15th Ready e. Inumin f. Patola
Reserve Division III. Libangan g. Kalamansi
b. Forbes the Celebrity 100 a. Saranggola III. Ginawa bago magmatrikula
c. Time 100 Most Influential People b. aklat a. Nag-ani
d. The Asia Magazine

Tayahin Pagsasanay C Paglalahat


I. Kapanganakan 1.T 1. /
a.Agosto 30, 1850 2. T 2. /
b. Cupang, San Nicolas< Bulacan 3. M 3. /
II. Pag-aaral 4. T 4. /
a. 1869- natigil 5. T 5. /
b. 1880- nagging abogado
III. Pagtatrabaho
a.Pagtatatag ng Diyaryong Tagalog Sanggunian
Iv. Kamatayan
a.naghirap
b.naguom
c.nagkasakit
d. Hulyo 4, 1896- namatay

Yamang Filipino 6-Rex BookStore


Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino
Emilia L. Banlaygas-Eleanor D. Antonio
Mga may Akda/Koordineytor
Lorna B. Castillo – Jennifer F. Dichoso
Mga may-akda

11
FILIPINO 6 Pagbuo ng mga Bagong Salita
Ikatlong Markahan
Ikatlong Linggo Gamit ang Panlapi at
Aralin 2 Salitang-Ugat
MELC: Nakabubuo ng mga bagong salita gamit ang panlapi at salitang-ugat.
F6PT -IIIj-15

Subukin Natin
Panuto: Basahin ang mga salita. Isulat ang salitang-ugat at panlaping
pinagsama sa bawat salita.

Salita Salitang-Ugat Panlapi


1.nagtanim
2.binuhat
3.punasan
4.umikot
5.hinugasan

Ating Alamin at Tuklasin


Nasusunod mo ba ang mga panuntunan laban sa Covid-19? Bakit
kailangan nating sundin ang mga panuntunan laban sa Covid-19?
Basahing mabuti ang teksto at sagutin ang mga sumusunod na tanong
tungkol dito.
Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban
sa COVID-19
Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot
ng bagong coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay
makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay
makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at mga may dati
nang karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na maaari mong
gawin upang maprotektahan ang kalusugan mo at ng iba.
12 mga kamay
1. Hugasan nang madalas ang iyong
2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig
3. Takipan ang iyong ilong kung uubo at babahing.
4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong
may lagnat o ubo.
5. Tumigil sa bahay kung ikaw ay may sakit.
6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad
– ngunit tawagan mo muna ang health facility.
7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad
https://www.who.int/philippines/news/feature-stories/detail/pitong-simpleng-hakbang-upang-
maprotektahan-ang-sarili-at-ang-iba-laban-sa-covid-19

 Tungkol saan ang tekstong binasa?


 Ano-ano ang mga salitang may salungguhit?
 Ano ang napansin ninyo sa mga salitang may salungguhit?
 Paano nabuo ang mga salitang may salungguhit?
 Alin ang panlapi at salitang-ugat sa salitang may salungguhit?
(hugasan, iwasan, paghawak, takipan, tumigil, tawagan at kumuha)

Ang salitang-ugat ay punong salita na walang kahit na anong dagdag na


titik, kataga o pantig.
Ang panlapi ay mga kataga o pantig na idinadagdag sa salitang-ugat
upang makabuo ng bagong salita na may bagong kahulugan.
Uri ng Panlapi
Ang mga sumusunod ang mga uri ng panlapi na ginagamit sa wikang
Filipino (at Tagalog):
Unlapi
Ito ay mga panlapi na ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat.
Unlapi + Salitang-Ugat = Salita
um- + asa = umasa
mag- + aral = mag-aral
mang- + isda = mangisda
ma- + ligo = maligo
Gitlapi
Ito ang mga panlaping isinisingit sa pagitan ng unang katinig at kasunod
nitong patinig. Sa madaling salita, ito ay matatagpuan sa gitna ng
salitang-ugat. Nagagamit lamang ang gitlapi kung ang salitang-ugat ay
nagsisimula sa katinig.
Gitlapi + Salitang-Ugat = Salita
-um- + basa = bumasa
-in- + sulat = sinulat
-um- + punta = pumunta
-in- + biro = biniro
Hulapi
Ito ay mga panlaping matatagpuan sa hulihan ng salitang-ugat.

13
Salitang-Ugat + Hulapi = Salita
basa + -hin = basahin
gupit + -an = gupitan
sulat + -in = sulatin
Halaw sa https://tl.wikipedia.org/wiki/Panlapi

Tayo’y Magsanay
Pagsasanay 1
Panuto: Lagyan ng tamang panlapi ang patlang upang makabuo ng wastong
salita ayon sa pangungusap.
1. Ang kakaiba kong facemask ay t___ahi ni Lola noong isang buwan.
2. ______bili si Aling Lucita ng isang kahong alkohol at sanitizer sa Mercury
Drugs.
3. Noong Lunes ay h____ingi ng tulong kay Mayor Lito Malabanan ang mga
nawalan ng trabaho.
4. Alaga___ nating mabuti ang ating sarili upang hindi tayo mahawaan ng
COVID 19.
5. Huwag mong ____limut_____ ang magsuot ng facemask tuwing aalis ka ng
bahay.

Pagsasanay 2
Panuto: Pagsamahin ang salitang ugat at panlapi upang makabuo ng bagong
salita. Isulat ang nabuong salita.
Salitang-ugat Panlapi Bagong Salita
1.hiram in
2.sabay ka
3.saya pa, hin
4.bago in
5.tapon mag
6.alis um
7.talon um
8.yaman kasing
9.tawa nag, nan
10.walis an

14
Ating Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Basahin ang ilang bahagi sa kuwentong “ Ikaw ang Aking Bayani”.
Pumili ng 5 salitang maylapi sa bawat pangungusap at bilugan ang mga
panlaping ginamit.
Bayani ni Sara ang nanay niya dahil siya ang pinakamagaling na
nanay at pinakamagaling na siyentipiko sa buong mundo. Ngunit kahit ang
nanay ni Sara ay walang mahanap na lunas para sacoronavirus.
“Ano ang itsura ng COVID-19?” tanong ni Sara sa nanay niya.
“Sa sobrang liit ng COVID-19, o coronavirus, hindi natin iyon
nakikita,” sabi ng nanay niya. “Ngunit kumakalat ito sa mga ubo at bahing
ng mga taong may sakit, at kapag hinawakan nila ang mga tao o bagay na
nasa paligid nila. Ang mga taong may sakit ay nagkakalagnat at
nagkakaubo at puwede ring mahirapang huminga.”
https://interagencystandingcommittee.org/system/files/2020-05/My%20Hero%20is%20You%2C%20Storybook%20for
%20Children%20on%20COVID-19%20%28Tagalog%29.pdf

1. __________________________ 4. _________________________________
2. __________________________ 5. _________________________________
3. ___________________________

Gawain 2
Panuto: Sumulat ng mga salitang may panlapi sa unahan, gitna, at
hulihan.
Mga salitang maylapi sa…
Unahan Gitna Hulihan
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.

Gawain 3
Panuto: Sumulat ng salitang maylapi gamit ang ibinigay na salitang-
ugat at uri ng panlapi. Tingnan ang halimbawa sa ibaba.

Salitang-Ugat Uri ng Panlapi Bagong Salita


halik hulapi halikan
1.hingi gitlapi
2.tapos hulapi
3.sulat gitlapi
4.handa unlapi
5.kuwento unlapi at hulapi

15
Ang Aking Natutuhan
PANUTO: Punan ang bawat patlang ng mga natutunan mo sa araling ito upang
mabuo ang talata.
Ang _____________ay punong salita na walang kahit na anong dagdag na
titik, kataga o pantig.
Ang _____________ay mga kataga o pantig na idinadagdag sa salitang-ugat
upang makabuo ng bagong salita na may bagong kahulugan.
Ang _____________ay mga panlapi na ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat
tulad ng um-, mag-, nag-, mang-, ma-
Ang ______________ay ang mga panlaping isinisingit sa pagitan ng unang
katinig at kasunod nitong patinig. Ito ay matatagpuan sa gitna ng salitang-ugat
tulad ng –um-, -in-.
Ang _____________ay mga panlaping matatagpuan sa hulihan ng salitang-
ugat tulat ng –hin, -han, -in, -an.

Ating Tayahin
Panuto: Dagdagan ng wastong panlapi ang salitang nasa loob ng panaklong
upang makabuo ng bagong salita na naaayon sa pangungusap. Isulat ang
nabuong salita sa guhit.
Unlapi at Hulapi 1. (Sabi) _________________ ng guro ang mga mag-aaral na pag-
aralang mabuti ang modyul na ibinibigay sa kanila.
Gitlapi 2. Kagabi ay (pasok) __________________ ng magnanakaw ang tindahan
nila G. Marquez.
Unlapi 3. (Tanim) ______________ tayo ng mga gulay sa ating bakuran upang
hindi tayo magutom sa panahon ng pandemya.
Hulapi 4. Pagkatapos ng pandemya ay (punta) ________________ natin ang
magagandang pasyalan sa Lalawigan ng Oriental Mindoro.
Gitlapi 5. (Sagot) _____________ ng aming kapitan ang gastusin ng pamilya na
nawalan ng trabaho ngayong panahon ng pandemya.

Gabay sa Pagwawasto
16

Subukin Natin
1. tanim – nag- 3. punas - an 5. hugas - -in-, -an
2. buhat - - in- 4. ikot – um-
17
Sanggunian
Alab Filipino6-Department of Education
Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Patricia Jo C. Agarrado/Perfecto R. Guerrero III
Maricar L. Francia/Genaro R. Gojo Cruz
Mga May-Akda

Komunikasyon6 -Rex Bookstore


Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino
Emilia L. Banlaygas-Eleanor D. Antonio
Mga may Akda/Koordineytor
Lorna B. Castillo – Jennifer F. Dichoso
Mga may-akda

G.A.B.A.Y
Workteks sa Edukasyong Pagpapahalaga
Eleanor D. Antonio
Emilia L. Banlaygas
Evangeline M. Dallo
Imelda V. Codog
Roel G. Lodronio
Arleen R. Pateña
Mga may Akda

Most Essential Learning Competencies 2020


https://www.who.int/philippines/news/feature-stories/detail/pitong-simpleng-hakbang-
upang-maprotektahan-ang-sarili-at-ang-iba-laban-sa-covid-19
https://interagencystandingcommittee.org/system/files/2020-
https://tl.wikipedia.org/wiki/Panlapi
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Oriental Mindoro


Barangay Sta. Isabel, Calapan City
Telephone No. (043) 288-7810
Email Address: oriental.mindoro@deped.gov.ph

You might also like