You are on page 1of 6

FILIPINO QUARTER 3 WEEK 7-8

Pagbibigay ng Angkop na Pamagat


Aralin sa Tekstong Napakinggan
18

Alamin
Pagkatapos ng aralin na ito inaasahang mahahasa ang inyong kakayahan sa:
Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa tekstong napakinggan

Balikan

Panuto: Isulat ang MK- Magkakasingkahulugan at MS- Magkakasalungat.

1. namataan – nakita
2. marumi- malinis
3. malawak-makipot
4 .tama- wasto
5. umiiyak- tumatawa

Tuklasin

Sa pagbibigay ng pamagat ng talata/teksto, alamin mo muna ang paksang diwa o


pangungusap. Ang mga ito ang magbibigay ng ideya sa pagpili ng pamagat. Ginagamit ang
malaking titik sa mahahalagang salita sa pamagat ng talata o kwento.

Suriin
Panuto: Basahin ang talata sa ibaba. Sagutin ang mga sumusunod na tanong

Ika -19 ng Hunyo, kaarawan ng bayaning si Dr. Jose Rizal ay may palatuntunan sa
paaralan. Ang saya sa paaralan. Maraming magulang ang dumating upang mapanood ang
kanilang mga anak na sasayaw ng iba’t –ibang katutubong sayaw. Karamihan sa mga batang
babaeng sa, sayaw ay nakasuot ng baro’t saya. Nagtayo ng isang malaking entablado sa tabi
ng mataas na puno. Maraming dumayo upang mapanood ang palatuntunan kaya puno ng tao
ang bakuran ng paaralan.

1
Pito ang pulis na tulung-tulong na nangangalaga sa kapayapaan. Kapag may
natutulakan o nanggugulo, agad hinihipan ng pulis ang kanilang pito. Pagdaka nama’y
tumigil ang gulo.

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang mayroon sa paaralan?


2. Ano ang suot ng karamihan sa mga batang sasayaw?
3. Saan nagtayo ng malaking entablado?
4. Ano ang nangyari dahil maraming dumalo sa palatuntunan?
5. Ano ang ginawa ng mga pulis kung may kaguluhan?
6. Maibibigay mo ba ang angkop na pamagat ng talata?

Pagyamanin
Panuto: Basahin at bigyan ng angkop na pamagat ang talata.

Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat lugar sa ating
bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang patron.
Isa pang kilalang tradisyon natin ay ang bayanihan. Bayanihan ay ang pagtutulungan
ng mga tao para sa isang gawain. May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa ganitong
tradisyon lalo na sa mga lalawigan.

Ang angkop na paamagat ng talata ay ______________________________________

Ang Kawanihan ng Rentas Internas ( Bureau of Internal Revenue) ay ang sangay ng


pamahalaan na namamahala sa pangongolekta ng buwis ng mga mamamayang may
hanapbuhay. Bawat manggagawang Pilipino ay may tungkuling magbayad ng kaukulang
buwis. Ang buwis na ibinabayad ang siyang ginagamit na pondo ng pamahalaan sa
pagpapaganda at pagpapaunlad ng ating bansa.

Ang angkop na paamagat ng talata ay ______________________________________

2
Isaisip
Panuto: Basahin nang maayos ang talata sa ibaba. Bigyan ito ng angkop na
pamagat.

. Ang pamilyang
Pilipino ay isang
napakahalagang institusyon. Sa
gitna ng maraming suliranin,
dapat umiral ang
pagmamahalan, pagkakaisa at
pagtutulungan upang lalong
tumibay ang pagsasamahan ng
isa’t- isa. Ano mang problema
ang dumating, kailangang
mapanatiling buo at matatag ang
pamilya. Bukod dito biyaya ng
Diyos ang ating pamilya kaya’t
patuloy mong ingatan.

Ano ang angkop na


Isagawa
pamagat ng talata?

Panuto: Bigyan ng angkop na pamagat ang talata.

A. Si Lapulapu ang unang bayaning Pilipino. Nang matuklasan ni Magellan ang


Pilipinas, gusto niyang kilalanin ng mga katutubo ang hari ng Espanya. Tinutulan ito
ni Lapulapu at naganap ang digmaan sa pagitan ng mga Kastila at katutubo kung
saan tinalo ni Lapulapu si Magellan at naging sanhi ng pagkakasawi nito sa labanan.

Pamagat: ___________________________________________________________

B. Si Melchora Aquino ay ipinanganak noong ika-6 ng Enero, 1821. Ang kanyang mga
magulang ay sina Juan Aquino at Valentina Aquino. Noong kabataan niya ay madalas
siyang maimbitahan sa kanilang parokya upang umawit lalong- lalo na sa mga araw ng
pabasa. Hinirang din siyang Reyna Elena na Santakrusan. Kahit na walumpu’t tatlong
taong gulang na si tandang Sora, ito ay hindi naging hadlang sa kanyang paglilingkod sa
bayan. Lihim niyang tinulungan ang mga katipunerong maysakit at nagugutom.

Pamagat: ________________________________________________________

3
Pagsasabi kung ano ang Simuno at
Aralin Panag-uri sa Pangungusap
19

Alamin
Pagkatapos ng aralin na ito inaasahang malilinang ang inyong kakayahan sa:

Nasasabi kung ano ang simuno at panag-uri sa pangungusap

Balikan
.

Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa patlang kung ang gamit ng mga
salitang may salungguhit ay pang-uri o pang-abay.

__________1. Mainit ang kapeng ininom ni Nanay.


__________2. Talagang matalinong bata si Elsa.
__________3. Naglagay ako ng sariwang bulaklak sa plorera.
__________4. Masayang ikinuwento ni Liza ang kanyang karanasan.
__________5. Totoong mabilis lumundag ang kuneho.

1.

Tuklasin

May dalawang bahagi ang pangungusap ito ay ang simuno at panag-uri

Simuno - ang paksa o pinag-uusapan sa pangungusap.


Panag – uri – ang nagsasabi tungkol sa simuno.
Ang pangngalan at panghalip ang mga bahagi ng pananalita na ginagamit na simuno
at ang pandiwa at ang pang-uri ang ginagamit na panag-uri
Halimbawa:

1. Ang bakasyon ay masaya

Simuno: – ang bakasyon


Pang-uri: – ay masaya

2. Kami ay nagpiknik sa bukid

Simuno: Kami
Panag-uri: ay nagpiknik sa bukid

4
Suriin
Pagbasa sa pangungusap hango sa usapan

a. Ang Luisiana ay matatagpuan sa timog silangan ng Laguna


b. Sina Lolo Ding at Lola Maring ay nakatira sa nayon

Basahin ang mga pangungusap.


a.. Ang Luisiana ay matatagpuan sa timog silangan ng Laguna
Simuno:
Ang Luisiana
Panag-uri:
Ay matatagpuan sa timog silangan ng Laguna
b. Sina Lolo Ding at Lola Maring ay nakatira sa nayon
Simuno:
Sina Lolo Ding at Lola Maring
Panag-uri:
Ay nakatira sa nayon

Pagyamanin

A. Panuto: Basahin ang mga pangungusap Salungguhitan ng minsan ang buong simuno at
nang makalawa ang panag-uri .

1.Si Ashid ay nasiyahan sa pamamasyal.


2. Ang magandang pook sa ating lugar ay dapat panatilihing malinis at maayos.
3. Ang kinikita ng bansa sa turismo ay malaki.
4. Ang buwis ay mahalaga sa pagpapaunlad ng bayan
5. Ang taong bayan ay naglilinis sa pasyalan.
B. Panuto: Buuin ang pangungusap gamit ang simuno o panag-uri .

1. ____________ ay kumuha ng bulaklak sa harden.


2. Ang mga hayop __________________________.
3. Sina Nilo at Rey _________________________.
4. Malakas ang ulan kagabi _______________________.
5. Mapapalad ang mga batang _____________________.

5
6

You might also like