You are on page 1of 51

LAPU-LAPU CITY COLLEGE

COLLEGE OF EDUCATION
Don B. Benedicto Road,
Gun-ob, Lapu-Lapu City 6015

Filipino 1-Pagtuturo ng
Filipino sa Elementarya 1-
Estruktura at Gamit ng
Wikang Filipino
3rd Quarter Module

Inihanda ni:

Portia B Neri
Tagapagturo ng Kurso

Aralin 1 Bahaging Pangnilalaman: Pandiwa


I. Pangkalahatang Layunin

a. Naipapaliwanag ang depinisyon ng pandiwa.


b. Nababanghay ang mga salita sa bawat aspekto at iba pang
kategorisasyon ng pandiwa.
c. Natatalakay ang pokus at kaganapan ng pandiwa gamit ang mga tamang
]halimbawa.
.Naipapaliwanag ang
depinisyon ng pandiwa.
b. Nababanghay ang mga salita
sa bawat aspekto at iba pang

II. Subukin Natin

Basahin ang sumusunod na teksto. Bigyang-pansin ang mga salitang


sinalungguhitan sa teksto. Tukuyin kung paano nabuo ang mga ito.

Sa kasalukuyan, malaki ang demand sa pandaigdigang pamilihan ng


mga prutas na nagmumula sa Pilipinas tulad ng pinya, saging na lakatan, at
manggang kalabaw. Nagging produktibo ito sa mga nagtatanim dahil sa mga
makabagong paraan na natuklasan na nagpapalaki, nagpapabunga, nag-aani,
at nag-iimbak ng mga prutas. Maaari nang mamunga ang mga punong
mangga anumang buwan ng taon. Makapagsusuplay ang Pilipinas ng mga
prutas anumang oras na kailangan ito ng mga bansang umaangkat. Bukod sa
mga prutas na ito, malaki rin ang demand sa durian, mangosteen, lanzones,
honeydew, at pakwan na walang buto lalo na sa Hong Kong, Japan, at
Singapore.

III. Alamin Natin

Ang mga salitang may salungguhit ay tinatawag na pandiwa.


Ang pandiwa ay salitang nagpapahayag ng kilos, aksyon o gawa (hal. kumain,
mag-aral, maglinis), proseso o pangyayaring karaniwang sadya o di-sadya,
likas o di likas (hal.masunog, bumagyo, umulan, nabuwal) o karanasan o
damdamin (hal. natuwa, sumaya, nalungkot, magmahal).

May dalawang pangkalahatang anyo ang pandiwa. Maaaring binubuo ito ng


salitang-ugat lamang na karaniwang ginagamit sa pag-uutos tulad ng:
Lakad na! Takbo na!Kain na! Alis na!

Maaari ding binubuo ng salitang-ugat + panlapi gaya ng:


-um- + kain = kumain
mag- + luto = magluto
-in + sayaw = sayawin
i- + sulat =isulat
magsipag- + aral = magsipag-aral
pag + puyat + an = pagpuyatan
mag + awit + an = mag-awitan

Nakikilala rin ang pandiwa sa pamamagitan ng mga makadiwang panlaping


naghuhudyat ng mga aspekto at pokus nito.

Balikan ang mga pandiwang sinalungguhitan sa panimulang teksto. Paano


nabuo ang mga ito? Ano-anong mga panlapi ang ginamit?

Pandiwa ang tawag sa mga salitang nagpapahayag ng kilos, aksyon o gawa,


proseso, o pangyayaring sadya o di-sadya, karanasan o damdamin. May
dalawang
pangkalahatang anyo ang pandiwa. Maaaring binubuo ito ng salitang-ugat
lamang ng karaniwang ginagamit sa pag-uutos at maaari din naman sa
pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang panlapi.

IV. Pagtatasa 3.1

Gawain A
Salungguhitan ang mga pandiwa sa sumusunod na mga
pangungusap.

1. Tumatanggap ng makabagong makinarya ang mga


magsasaka.
2. Bawat mamamayang Pilipino ay may tungkuling ginagampanan sa
bayan.
3. Ang mga anak-pawis ay dapat tulungan upang umangat ang kanilang
pamumuhay.
4. Libo-libo ang umaasang mabibiyayaan sa proyekto ng pamahalaan.
5. Ang mga seminar ay isinasagawa upang magkaroon ng bagong
kaalaman ang mga magsasaka.
6. Walang hinahangad ang pangulo ng isang bansa kundi ang kabutihan ng
nakakarami.
7. Ang bagong siglo ay naglalaan ng pag-asa sa mga mamamayan.
8. Aangat ang kalagayan ng bansa kung ang pagkilos ay nasa puso at isip.
9. Sa harap ng batas, umiiral ang pagkakapantay-pantay

10. Abot-kamay na ang tagumpay na inaasam ng lahat.

Gawain B

Basahin ang talataan sa ibaba. Piliin ang mga pandiwa at ilagay sa angkop na hanay ayon
sa hinihingi sa talahanayan. Isulat ang salitang-ugat at ang panlaping ginamit upang
mabuo ang pandiwa.
Ako ang bagong Pilipino. Isang tinig na nagbubuhat sa damdaming tigib ng pag-asa.
Isang tinig na tinatangay sa malayo ang malamig na hanging nakarating sa dako pa
roon ngunit abot ng balana. Isang tinig na naririnig. Ako ang sibol ng Bagong
Republikang nagkakaloob. Isang Pilipinong dati-rati’y nag-aalinlangang magsalita para
sa kanyang karapatan at kaunlaran. Ako ngayo’y saligan ng mga panukalang dagling
makapagtataas sa aking kalagayan. Masigla na akong nakikilahok sa mga gawaing
pambayan, at malayang nakapaglalahad ng mga kuro-kuro tungo sa kagalingang
panlahat.

Pandiwa Salitang-ugat Panlaping ginamit

Gawain C ( Suhestiyon na gawain)


Sumulat ng limang pangungusap hinggil sa mahahalagang pangyayari na may
kaugnayan sa pangangalaga sa ating kapaligiran. Gumamit ng mga pandiwa.
1. ___________________________________________________________
2. ___________________________________________________________
3. ___________________________________________________________
4. ___________________________________________________________
5. ___________________________________________________________

A. Magdala sa klase ng limang iba’t ibang uri ng dahon ng halaman.


Tukuyin ang mga gamit nito bilang gamot at bilang ornamental na
palamuti. Gawing halimbawa ang talahanayan sa kabilang pahina.

Dahon Bilang Gamot Bilang Palamuti


ampalaya
bayabas
alugbati
lagundi
makahiya

B. Bilang pagwawakas, ipaliwanag ayon sa sarili mong pagkaunawa ang


pamagat ng tekstong binasa. Isaalang-alang ang wastong baybay,
bantas, at gamit ng malaki at maliit na titik upang maipahayag ang
ideya, damdamin, o reaksiyon mo sa akdang binasa. Gawin ito sa isang
buong papel.
C. Sa tulong ng iyong magulang o nakatatandang kapatid, humanap ng
video o larawang may pangyayaring nahahawig sa nilalaman ng
binasang akda. Pagkatapos, isulat ang reaksiyon mo hinggil dito sa
iyong kuwaderno. Humandang ibahagi ito sa klase.

Aralin 2 Panahunan ng Pandiwa


Subukin Natin
Pakinggang mabuti ang usapang iparirinig ng iyong guro. Itala sa iyong
kuwaderno ang maririnig na mga pandiwa. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na mga
tanong,
1. Ano ang itinanong ni Tessie kay Alma?

2. Ano naman ang naging sagot ni Alma?

3. Ano-ano ang mga naging pahayag ni Tessie?

4. Ano ang naging pangako ni Alma?

Basahin ang sumusunod na mga pangungusap mula sa pinakinggang usapan.


1. Naibigan mo ba ang alamat na iyong binasa?
2. Oo. Nagbibigay iyon ng mga impormasyon at nagtuturo ng aral.
3. May iba ka pa bang nalalamang mga alamat?
4. Bakit mo itinatanong?
5. Nagpapagawa kasi ng album ng mga alamat si Ginang Ruiz.
6. Mabibigyan mo ba ako ng dalawa?
7. Bukas dadalhin ko ang aklat ng mga alamat ni Mommy.
8. Makapamimili ka ng iyong gusto.
Naitala mo ba sa iyong kuwaderno ang mga pandiwa sa binasang mga pangungusap? Ang
mga pandiwang ito ay maaaring pangkatin nang ganito:

I II
Naibigan nagbibigay
Binasa Nagtuturo
Nalalaman
Itinatanong
Nagpapagawa

Alamin Natin
Paano pinangkat-pangkat ang mga pandiwa? Kailan nangyari ang mga kilos na
isinasaad ng mga pandiwa sa hanay 1? sa hanay II?
Ang mga pandiwa ay mauuri ayon sa panahon ng pagkakaganap ng mga kilos na isinasaad
ng mga ito. May mga pandiwang pangnagdaan o nagsasaad ng kilos na naganap. May
pangkasalukuyan o nagsasaad ng kilos na ginaganap pa.

IV. Pagtatasa 3.2


Gawain A
Bilugan ang pandiwang ginamit sa bawat pangungusap at tukuyin ang panahunan nito.
Isulat sa linya ang PN kung ito ay pangnagdaan at ang PK kung ito ay pangkasalukuyan.

_______1. Noong unang panahon ay may nanirahang tatlong raha sa isang isla.
_______2. Sila ay namumuno roon.
_______3. Si Raha Baginda ang siyang nangangalaga sa mga mamamayan.
_______4. Si Raha Hassim ay nagbibigay ng kasanayan sa mga kawal.
_______5. Siya rin ang namamahala sa mga sakahan at palaisdaan.

Gawain B

Punan ng angkop na pandiwa ang bawat linya upang mabuo ang diwa ng mga
pangungusap. Piliin sa kahon ang sagot at isulat ito sa linya.

Isinumpa Nagtayo Pinagpuputol


Gumawa Inaalis Nanlupig
Nangangamba Namatay Pinagpapatay
nawala

1. Maraming _________________ dahil sa sobrang lamig at gutom.


2. _____________________ si Raha Halil na magagalit ang Diyosa.
3. _____________________ sila ng mga sibat at sasakyang balsa.
4. _____________________ pagdating nila sa bayan, agad silang
5-6. _____________________, __________________, _________________ nila ang mga
hayop at ang mga puno sa kagubatan.

7. _______________ sila ng malalaking bahay.

8. Mula ngayon _____________________ ko ang iyong karapatang manirahan sa aking


nasasakupan, wika ng galit na Diyosa.

9. ____________________ na ang tiwala ko sa inyo.

10. Ang mga bulate’y ang mga rahang __________________ ng Diyosa dahil sa pagiging
gahaman.

Gawain C. Suhestiyon na Gawain

Buoin ang maikling salaysay. Piliin sa panaklong at ikahon ang pandiwang angkop sa bawat
pangungusap.
Isang Bahagdang Inspirasyon

Paano (pinipisa, pinisa) ng inahin ang itlog? Paano (sinusugpo, sinugpo) ng tubig ang
apoy? Ilan lamang ito sa mga (itinanong, itinatanong) noon ni Thomas Edition sa kanyang
mabait at mapagbigay na ina. Hindi lubos na (nasiyahan, nasisiyahan) si Edison sa sagot ng
ina sa unang tanong. Subalit hindi siya (tumitigil, tumigil) sa paghahanap ng tamang sagot.
Isang araw, isang eksperimento ang kanyang (isinagawa, isinasagawa). (naglagay,
naglalagay) siya ng itlog ng gansa at manok sa isang banig. (pinaupuan, pinapaupuan) niya
ang mga ito upang mapisa ang mga itlog. Ang pagkamausisa ni Edison ay nagkaroon ng
katangi-tanging bunga. Siya ay (itinanghal, itinatanghal) na pinakadakilang imbentor sa
buon daigdig.

A. Binigyang-kahulugan mo sa nakaraang gawain ang ilang babala. Ngayon nama’y


subukin mong gumawa ng babala o paalala para sa bawat sitwasyon.

1. Pagod na pagod si Bebot nang pumanhik sa kanilang bahay. Agad siyang tumungo sa
banyo para maligo. Ano ang sasabihin mo sa kanya kung ikaw ay nakatatanda niyang
kapatid?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
______________

2. Naparaan sina Ely at Della sa halamanan ni Ginang Rosal. Akmang pipitas ng bulaklak si
Della. Ano ang sasabihin mo kay Della kung ikaw si Ely?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
______________

3. Tanghali na kaya’t matuling pinatakbo ng kuya mo ang inyong sasakyan para hindi
kayo mahuli sa klase. Huminto kayo dahil pula ang ilaw-trapiko sa dinaraanan ninyo.
Hindi pa ito berde ngunit ibig na ng kuya mo na patakbuhin ang inyong sasakyan. Ano
ang sasabihin mo sa iyong kuya?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
______________
4. Nakita mo ang isang batang lalaki na nagpupumilit na sumabit sa sinasakyan mong
dyip. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
______________
B. Mahalaga ang pagsunod sa mga babala, bunga nito’y ating kaligtasan at maayos na
pamumuhay. Isa sa mga babalang dapat na pinapahalagahan ay ang tamang
pagmamaneho ng sasakyan. Bagama’t wala ka pa sa tamang gulang upang
magmaneho, may magagawa ka upang makaiwas ka sampu ng iyong pamilya. I-scan
ang QR code para mabasa ang isang infographic tungkol sa maingat na
pagmamaneho nang may kasamang bata. http://ichhoose.ph/blogs/safe-driving-
children-infographic/
I-print ito at pag-usapan sa inyong pamilya. Hingin ang reaksiyon nila tungkol dito.
Ibahagi sa klase ang napag-usapan sa inyong pamilya.

Aralin 3 Bahaging Pangnilalaman: Pang-uri

I. Subukin Natin
A. Pakinggan ang kuwentong iparirinig ng iyong guro. Itala o
tandaan ang sunod-sunod na mga pangyayari dito upang maisalaysay
ang kuwento pagkatapos. itala rin ang mga pang-uring ginamit sa
kuwento. Pagkatapos pakinggan ang kuwento, sagutin ang sumusunod
na mga tanong.
1. Ano ang paksa ng kuwento?

2. Saan at kalian ito nangyari?

3. Ano ang inihandog ng ama kay Nida? Ilarawan ito.

4. Alin ang pinakamadamdaming bahagi ng kuwento? Maisasalaysay mo


ba ito kasama ng isang kamag-aral?

5. Maisasalaysay mo ba ang kuwento sa iyong sariling mga


pangungusap?

B. Isaayos ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng


mga ito sa binasang kuwento. Isulat sa mga linya ang mga bilang 1
hanggang 6.

_______ Iniabot ng ama kay Nida ang isang berdeng bagay na nakaplastik.
_______ Sabik na sabik na hinintay ni Nida ang pag-uwi ng kanyang ama.
_______ Nagpasalamat si Nida at nagsabing mag-iipon siya ng pera upang
lumaki ang pera niya sa bangko.
_______ Kaarawan ni Nida. Marami siyang natanggap na regalo.
_______ Ipinaliwanag kay Nida ng ama kung ano ang libreta de banco at
ang mga kailangang gawin dito.
_______ Nangako kay Nida ang ama na nabigyan siya nito ng
regalo pagdating galing sa trabaho.

C. Bigyang-pansin ang pang-uring may salungguhit sa bawat pangungusap.


Sabihin kung ito’y nagsasaad ng kulay, bilang, hugis, dami, o ibang
katangian.
_________1. Ikasampung kaarawan ni Nida.

_________2. Marami siyang regaling natanggap.

_________3. May magandang manikang pumipikit-dumidilat.

_________4. May bestidang rosas.

_________5. May mga kending biluhaba na animo’y itlog.


II Alamin Natin
Tulad ng nabanggit na, pang-uri ang tawag sa mga salitang
naglalarawan ng katangian, anyo, kulay, hugis, amoy, lasa ng pangngalan
o panghalip. Pang-uring panlarawan ang tawag sa uring ito ng pang-uri. Pang-
uring pamilang naman ang naglalarawan sa bilang o dami ng pangngalan o
panghalip.

IV. Pagtatasa 3.2

Gawain A

Salungguhitan ang pang-uri at bilugan ang inilalarawan nitong pangngalan sa bawat

pangungusap.

1. Limandaang piso ang inihulog niya sa bangko.

2. Dilaw ang suot niyang bestida.


3. Putimputi ang mga talulot ng sampaguita.

4. Mabango ang mga bulaklak.

5. Matangkad si Joseph.

6. Iba-iba ang kulay ng bahaghari.

7. Matinik ang tangkay ng rosas.

8. Tagpi-tagpi ang kanyang suot.

9. Malawak ang bukirin nina Don Roman.

10. Nakabili ang kanyang Nanay ng sariwang Isda.

Gawain B
Basahin ang talataan. Ikahon ang ginamit na mga pang-uri. Pagkatapos, itala ang mga ito
sa mga linya. Isulat sa tabi ng bawat pang-uri kung ito’y panlarawan o pamilang.

Halimbawa: Ikatlong – pamilang

Si Sarah ay nasa Ikatlong baiting ng mababang paaralan sa kanilang nayon. Napag-


aralan niyang ang kalamansi ay nagbibigay ng napakahalagang bitamina sa katawan ng
tao. Pinatitibay nito ang mga ngipin, nagbibigay lakas sa mga buto, at nagpapaganda ng
buhok. Isang gabi, nakapanood si Sarah ng libreng panoorin sa malawak na looban ng
kanilang paaralan. Narinig niya roon na ang sustansiya ng isang bayabas na may
katamtamang laki ay katumbas ng 12 kalamansi. Hindi lamang iyon, ang lahat daw ng
maaasim na prutas tulad ng santol, sampalok, at iba pa ay mayaman din sa bitamina C.
Kapag ang isang tao raw ay madaling magdugo ang gilagid, matagal gumaling ang sugat,
at laging sinisipon, siya ay kulang sa bitamina C. Mula noon lagi nang pinauusukan ni Sarah
ang mga puno ang mga ito, nakatitipid ang kanilang pamilya dahil hindi na nila kailangan
pang bumili ng mga mahal na gamot.

1. ___________________

2. ___________________

3. ___________________

4. ___________________

5. ___________________

6. ___________________

7. ___________________

8. ___________________

9. ___________________

10.___________________

Gawain C- Suhestiyon na Gawain


Bumuo ng diyalogo tungkol sa ginagawa ninyong pagtitipid sa bahay o sa paaralan.
Gumamit ng iba’t ibang pang-uring panlarawan at pamilang. Isulat ang usapan sa mga talk
balloon.
Aralin 4 Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa
Pagtuturo ng Bahaging Pangnilalaman

I. Learning Compass

A. a. Naipapamalas ang kahusayan sa pagtuturo ng Filipino gamit ang wikang Filipino


B. at mother tongue at akmang dulog sa pagtuturo at pagkatuto ng/sa wikang
C. Filipino ayon sa kahingian ng K-12 kurikulum
b. Nakakapili, nakakalikha at nakakagamit ng kagamitang panturong nakaugat sa lokal
na kultura at
c. Nakakapili, nakakalikha at nakakagamit ng mga akmangpagdulog sa pagtasa at
pagtaya sa pagtuturo at pagkatuto ng/sa wikang Filipino
Sa paaral ang ele mentary a, ang araling Filipino ay tinatawag na
Sining ng Komunikasyon sa Filipino mula Kinde r hanggang Ikaanim
na B ait ang. Sa arali ng it o, magkakaugnay na itinuturo ang mga makrong
kasanayang nauukol sa Pakikinig, Pagsasalita, Pagbasa, at Pagsulat.
Makikita sa Pang-elementaryang Kasanayan sa Filipino ( P h i l i p p i n e
E l e m e n t a r y L e a r n i n g C o m p e t e n c i e s ) n a ipinamamahagi ng
Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education (DepED ) ang mga
batayang kasanayan na dapat matamo ng mga mag-aaral sa bawat taon ng
kanilang pag- aaral sa elementarya.

Simula noong 1998, ang DepED ay nagsasagawa na ng mga pangunahing


hakbang upang rebyuhin ang umiiral na kurikulum. Sa mga konsultasyong
isinagawa sa iba’t ibang sektor, naririto ang karaniwang naging obserbasyon.

1. Paulit-ulit lamang ang istrukturang gramatikal na itinuro mula sa


elementarya hanggang sa tersyarya. H i n d i p a n l i n g g w i s t i k a a n g
p a g s u s u r i a t p a g - aanalisang ginagawa.

2. Hi ndi nai hahanda ang mga m ag-aaral t ungo sa pagpapalawak ng


kaalamang hinihingi sa kolehiyo.

3. Hindi lubusang nililinang ang apat na komponent ng kasanayang


komunikatibo (kaalamang gramatikal, k a a l a m a n g d i s k o r s ,
k a a l a m a n g s t r a t e g i c , a t kaalamang sosyolinggwistik).

4 . H i n d i w a s t o n g p a g t a l a k a y s a p a n i t i k a n b i l a n g isang disiplina.

5. Hindi halos napagtutuunan ng pansin ang paglinang sa mga kasanayan


at kaalaman sa masining na pagbasa at malikhaing pagsulat

6. Hindi lubusang nakatutulong upang matutuhan ng mga mag-aaral ang iba


pang asignatura na ginagamitan ng Filipino bilang wikang panturo.

7. Nanatiling napakababa ng iskor sa National Secondary Achievement Test


(NSAT) 64% sa loob ng tatlong taon.

Sa tulong ng mga obserbasyong nakalap mula sa mga isinagawang


konsultasyon, nabuo ang kapasyahang nararapat na magkaroon ng pagre-
refocus ang kurikulum ng Filipino sa batayang edukasyon.

Narito ang mga naisagawang hakbangin


tungo rito.

1. Naghanda ng isang batayang framework


S a n a s a b i n g f r a m e w o r k , m a l i n a w n a a n g pangunahi ng m i t hi i n ng
pagt ut ur o ng F i li pi no ay makalinang ng isang mag-aaral na maging mahusay sa
pakikipagtalastasan sa Filipino, kinakailangang taglay niya ang apat na kasanayang
makro – pagbasa, pagsulat, pagsasalita, at pakikinig. Dapat ding taglayin niya ang
mga kaalamang hinihingi tulad ng kaalamang
gramatikal, diskors, strategic, at sosyolinggwistik. Sa proseso ng pagkatuto, ang mga
aralin ay hahanguin sa mga asignaturang pangnilalaman.

2. Tiniyak na deskripsyon bilang isang asignatura Sa binagong kurikulum para sa


batayang edukasyon, ang Filipino ay makikilala bilang isa sa mga pantulong na
asignatura. Bilang pantulong na asignatura sa elementarya, binigyan ng
pokus ang paglinang sa apat na makrong kasanayan at sa kaisipang Pilipino.

S a l e b e l 1 - 3 , a n g m g a m a k r o n g k a s a n a y a n a y lilinangin sa mga
komunikasyong sitwasyunal sa tulong ng iba’t ibang materyales tulad ng mga
tugma, tula, kwento, at mga dayalog na ang layon ay makapagtamo ng masteri. Sa
pagtatapos ng lebel 3, inaasahang ang lahat ng mag-aaral ay marunong nang
bumasa at umunawa ng mga simpleng talata.

Sa lebel 4-6 naman, ang pantulong na asignatura na ito ay lilinang sa kakayahan


at kasanayan ng mga mag- aaral na gamitin ang Filipino sa malikhain at kritikal na
pag-iisip at maging mahusay sa pakikipagtalastasan. At sa pagtatapos ng lebel 6,
inaasahang ang mag-aaral ay nakapagbubuod ng binasa at pinakinggan, nakabubuo
ng pangungusap gamit ang mga sangkap ng iba’t ibang bahagi ng pananalita,
nakagagamit ng diksyunaryo, thes a u r u s , a t i b a p a n g s a n g g u n i a n s a
paghanap ng impormasyon. Inaasahan ring nakapag-aayos ng
napakinggang teksto at naililipat ang impormasyon tungo sa iba pang anyo ng
pagpapahayag. Nagagamit
a n g i b a ’t i b a n g p a n g u n g u s a p s a p a g p a p a l i w a n a g , nakapagbibigay-
solusyon sa mga suliranin batay sa karanasan at mga natutuhang kaalaman sa
anumang sitwasyon, at nakasusulat ng iskrip, paglalarawan, pictorial essay, o
talumpati sa tulong ng mga ideya/tala na binuo ng klase.
Sa kasaysayan ng pagtuturo ng wika, tayong mga g u r o a y n a k a r a n a s s a
p a g d a t i n g a t p a g g a m i t n g maraming pamaraan na unti-unting
kumukupas o nawawala sa paglipas ng ilang panahon. Isa itong siklikal
na proseso ng pagbabago at pag-unlad ng pagtuturo at pagkatuto ng wika
kung kaya patuloy na n a g h a h a n a p a n g m g a g u r o n g m g a
e s t r a t e h i y a / pamamaraan sa epektibong pagtuturo ng ugnayan ngm g a m a k r o
n g k o m u n i k a s y o n t u l a d n g p a k i k i n i g , pagsasalita, pagbasa, at pagsulat.
Samantala, liwanagin muna natin kung ano ang pamaraan

Ganito ang tatlong hierarchy na elemento ng epektibong


pagtuturo ng wika ayon kay Edward Anthony.

1. Pa1. pagPagdulog1.1.

Pamamaraan

teknik teknik
teknik

Sinikap na mailahad ang mga napapanahong k a a l a m a n a t i m p o r m a s y o n


h i n g g i l s a m g a p r a k t i k a l at epektibong dulog sa pagtuturo ng Filipino sa
una hanggang ikatlong baitang. Ibinatay ito sa mga teorya at simulaing
magbigay-hugis at buhay sa mga ito upang mabisang magamit ng mga guro sa
paglinang ng kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral. Ang aklat na ito ay nahahati
sa dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay tungkol sa mga pagdulog,
estratehiya/pamamaraan/teknik sa pagtuturo ng Filipino.

Ang ikalawang bahagi namana y m g a b an gh ay- ar al i n n a m a y i b a ’t i ba ng


m un gk ah i n g e s t r a t e h i y a s a p a g t u t u r o n g Fi l i p i n o s a a p a t n a m a k r o :
pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat. Integratibo ang mga aralin dito sapagkat
nagkakaroon ng pag-uugnayan ang mga kasanayan at paksang-aralin gayundin ang mga
seleksyong tinatalakay sa wika at pagbasa.

Binigyang-diin ang paggamit ng dating kaalaman/iskema ng mga mag- aar al


upang m aunawaan nila ang tekstong pakikinggan, babasahin, o isusulat. Ang
pag-uugnayan ng wika sa pagsulat; pagbasa at pagsulat ay binigyang-diin sapagkat
kapwa prosesong kognitibo ang nililinang sa tulong ng dating kaalaman sa wika
(linguistic knowledge) at kaalaman sa paksa (world knowledge).

Ayon kay Anthony,


a n g p a g d u l o g a y i s a n g s e t n g pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng
wika, pagtuturo, at pagkatuto.

Ang pamaraan ay isang panlahat na pagpaplano para sa isang sistematikong


paglalahad ng wika at batay ito sa isang pagdulog.

Ang teknik ay ang tiyak na gawain na malinaw


na makikita sa pagtuturo at konsistent sa isang pamaraan at katugong pagdulog
MGA BANGHAY-ARALIN UNANG BAITANG

Mga Mungkahing Estratehiyang Ginamit sa Four Pronged


Approach sa Pinagsanib na Pagtuturo ng mga Makrong Kasanayan sa
Pakikinig, Pagsasalita, Pagbasa, at Pagsulat

I. LAYUNIN
A. Pakikinig
• Nagkakaroon ng kawilihan sa pakikinig ng kwento
sa pamamagitan ng paggaya ng napakinggang huni
ng mga hayop

B. Pagsasalita
• Nagagamit ang magagalang na pagbati sa umaga/tanghali/hapon/gabi

C. Pagbasa
• Natutukoy ang mga bagong salita at kahulugan nito
• Nakababasa nang may wastong galaw/hagod ng mata
mula sa kaliwa-pakanan, itaas-pababa

D. Pagsulat
• Nakasusunod sa mga pamantayan sa pagsulat gaya
ng pag-upo, paghawak ng lapis, posisyon ng katawan

II. PAKSANG-ARALIN
A. Pag-uulit ng Huni ng mga Hayop
B. Paggamit ng Magagalang na Pagbati
C. Naligaw si Kambing Liit
• Pagtukoy ng mga Bagong Salita at Kahulugan Nito
• Pagbasa nang may Wastong Galaw ng Mata
D. Pagsunod sa mga Pamantayan sa Pagsulat

SANGGUNIAN/MGA KAGAMITAN
-Pang-elementaryang Kasanayan sa Pagkatuto (PEKSP); batayang aklat sa
Filipino Unang Baitang; -larawan o cut-outs ng mga alagang hayop; -naka-tape
na huni ng mga hayop; Big Book

Pagpapahalaga: Pag-aalaga/pagmamahal sa hayop


Pagiging magalang

MGA MUNGKAHING ESTRATEHIYA/GAWAIN SA PAGKATUTO


Gawain A — Pakikinig

A. Bago Makinig

* Paggamit ng Dating Kaalaman (Teoryang Iskema)


Ipakita ang cut-outs ng mga alagang hayop. Itanong:

“Alin sa mga hayop na ito ang kilala ninyo?


Saannakatira ang mga hayop na kilala ninyo?
Sino sa inyo ang may alagang hayop?
Paano ninyo inaalagaan ang inyong alagang hayop?”

Pag-usapan ang pagpapahalaga sa mga


alagang hayop. Ipaliwanag na isang kwento tungkol sa
isang alagang hayop ang iparirinig ng guro sa klase.

• Pagpapayaman ng Talasalitaan
Ipakilala ang bagong salita mula sa iparirinig na kwento.

1. huni – ang tunog o sinasabi ng mga hayop.


2. alagang hayop – hayop na inaalagaan ng tao sa bahay.
3. kaparangan – malawak at madamong lupain.
4. naligaw – nasa maling direksyon, wala sa wastong pook na patutunguhan.
5. liit – pinaikling salita sa maliit.

• Pagtatakda ng Pamantayan sa Pakikinig


Itanong: “Upang maunawaan ninyo ang kwentong iparirinig ko, ano ang dapat ninyong
gawin?”
Inaasahang sagot:
1. Makikinig po nang mabuti.
2. Hwag pong makipag-usap sa kalapit na kaklase.

• Pagbibigay ng Layunin sa Pakikinig


S a b i h i n : “M a k i k i n i g k a y o s a i s a n g k w e n t o
tungkol sa pagkawala ng maliit na kambing.
Hinahanap niya ang kanyang ina at mga kapatid.
Nagtanong siya sa mga hayop na nakita niya sa

daan. Ginamit nila ang kani-kanilang huni sa


kanilang usapan.” Papag-bigayin ng tanong ang mga
mag-aaral upang maging gabay nila sa pakikinig.

B. Habang Nakikinig
* Paggamit ng Komik Istrip/Big Book
* Pinatnubayang Pakikinig at Pag-iisip

Gamitin ang Big Book upang makatulong sa pagkaka-roon ng kawilihan ang mga mag-
aaral sa pakikinig ng kwento. Basahin nang malakas ang kwento. Magtanong sa bawat
napakinggang pahina upang masubaybayan/malinang ang pag-unawa sa
pinakinggang bahagi ng kwento

Naligaw si Kambing Liit


Maganda ang panahon. Namasyal ang mag-iinang kambing.Nakarating sila sa
malawak na kaparangan na sariwa ang damo.

Kambing liit: Meeh! Meeh! Busog na busog ako ng sariwang damo.


I n a y , m a a a r i p o b a n g maglaro doon sa lilim ng mga
punungkahoy?

Nanay Meeh! Meeh! S i g e . H w a g k a n a n g lalayo sa mga


punong iyon

Itanong:
1.Saan namasyal ang mag-iinang kambing?
2. Saan gustong maglaro ni Kambing Liit?
3. Ulitin ang huni ni Kambing Liit at ni Inang Kambing.

Laro nang laro si Kambing Liit sa lilim ng mga punungkahoy.Takbo! Lundag!


Sirko! ang kanyang ginawa. Ilang saglit pa at natapos na siyang maglaro
subalit napalayo siya sa kanyang ina .Hindi na niya matandaan ang daan pabalik sa
kaparangan. Naligaw
si Kambing Liit !

Kambing Liit: Meeh! Meeh! Naku! Wala na si Inay at ang mga


kapatid ko.Naliligaw na ako

Sa paglalakad, nasalubong niya si Tagpi.

Tagpi: aw! aw! aw!


Magandang umaga Kambing Liit!
Bakit ka nag-iisa?
Kambing Liit: M e e h ! M e e h ! M a g a n d a n g umaga,
Tagpi. Naliligaw ako.Nakita mo ba si Inay at ang mga kapatid
ko
Tagpi: Hindi Kambing Liit.

Itanong:
1. Sino ang nasalubong ni Kambing Liit?
2. Gayahin ang huni ni Tagpi.

Tanghali na. Patuloy pa rin sa paglalakad si Kambing Liit. Nasalubong naman


niya si Inahing Bibi.

Inahing Bibi: kwak! Kwak! Kwak! Magandang tanghali,


Kambing Liit. Saan ka pupunta?

Kambing Liit: Naliligaw po ako.Di ko po makita si Inay at ang


mga kapatid ko.

Itanong:
1.Sino ang nasalubong ni Kambing Liit ng tanghaling iyon?
2. Ulitin ang huni ni Inahing Bib

Hapon na. Napagod na sa paglalakad si Kambing Liit. Naupo siya sa tabi ng isang
puno. Siyang pagdating ni Inahing Baka.

Inahing Baka: Mooo! Mooo! Magandang hapon sa


iyo, Kambing Liit. Bakit ka nag-iisa riyan?

Kambing Liit: Naliligaw po ako. Di ko po makita si Inay at


ang mga kapatid ko

Itanong:
1.Nang mapagod si Kambing Liit, ano ang kanyang ginawa?
2. Ulitin ang huni ni Inahing Baka.
3. Ano ang kanilang pinag-usapan?
4. Ano ang ginawa ni Kambing Liit kay Inahing Baka?
5. Ulitin ang huni ng mga kambing at ni Inahing Baka.

C. Pagkatapos Makinig

Magkaroon ng talakayan tungkol sa napakinggang


kwento.

-Itanong kung sinu-sino ang hayop sa kwento.


-Ipakita ang mga larawan ng mga hayop. Ipaulit/
-Ipagaya ang huni ng bawat hayop.
-Pag-usapan at papunuan ang tsart ng tinalakay na
iba’t ibang huni ng hayop.
* Paggamit ng Graphic Organizer
* Paraang Clustering (Pagkukumpol)

Mga Huni ng Hayop

Mga hayop Ginagawang Tunog

kambing Meeh meeh

aso Aw aw aw

bibi Kwak kwak kwak

baka Mooo mooo

Maaaring dagdagan ang tsart o gumawa ng bagong


tsart para sa iba pang mga hayop.

*Pagkakaroon ng Laro
Pangkatin ang klase sa dalawa (A at B). Bigyan ang
Pangkat A ng cut-outs ng mga hayop. Ipakikita ng bawat
isa sa pangkat ang kanyang cut-out. Ipaulit sa bawat mag-
aaral sa Pangkat B ang huni ng ipinakitang cut-out.

* Pagkakaroon ng Paligsahan
Magpaligsahan sa pagbibigay ng mga huni ng hayop.
Papagbigayin ang bawat pangkat ng mga ngalan ng isang
hayop. Ipabigay ang huni ng mga ito. Ang
u n a n g makapagbibigay ng tamang huni ang mabibigyan ng puntos. Ang
bawat pangkat na magkakaroon ng maraming puntos ang magwawagi.

IV. PAGTATAYA
Ipakita ang mga ginupit na larawan ng mga alagang hayop.
Tawaging isa-isa ang mga mag-aaral at ipaulit ang huni ng
ipakikitang ginupit na hayop. Obserbahan kung magagawa ito ng mga mag-aaral.

V. TAKDANG-ARALIN
Magdrowing ng larawan ng mga alagang hayop. Isulatsa ilalim nito ang:
Ang Aking Alagang Hayop.

Gawain B – Pagsasalita
A. Paghahanda
* Paggamit ng Dating Kaalaman (Teoryang Iskema)

Itanong: “Ano ang bati ninyo sa inyong guro sa


umaga? sa tanghali? sa hapon?

Pagpaparinig ng tugma.
Ang bilin sa akin ng ina’t ama ko
Gamitin ang “po” at “opo” sa matatandang tao.

Itanong: “Ano ang bilin ng ama at ina sa anak?”


Anong uri ng bata ang gumagamit ng “po” at “opo”?
B. Paglalahad

1. Ipakitang muli ang Big Book. Buksan ito sa mga pahina


na naghahanap si Kambing Liit sa ina at mga kapatid.

Sabihin: “Sa paghahanap sa ina at mga kapatid, iba’t


ibang hayop ang nasalubong at napagtanungan ni
Kambing Liit.

Ano ang magalang na salita na ginamit ni Kambing Liit sa:

1. pagbati kay Tagpi ng umagang iyon?


(Buksan ang aklat, basahin ang magalang na salita. Ipakita ang plaskard,
“Magandang umaga”.)

2. pagbati sa tanghali kay Inahing Bibi? (Gawin ang


paglalahad ng magalang na pagbati na nasa
Big Book.)

3. pagbati sa hapon kay Inahing Baka? (Gawin ang


paglalahad ng magalang na pagbati na nasa
Big Book.)
4. sa gabi, ano naman kaya ang magalang na pagbati?
(Ipakita ang plaskard, “Magandang gabi”.)

5. Ano naman ang magagalang na pagsagot sa


matatandang tao? (Ipakita ang plaskard, “Opo,
Hindi po, po”.)

2. Paalala sa mga Guro


Kung may araling ganito sa batayang aklat ng mga
mag-aaral, gamitin ito sa paglalahad at paghahalaw ng
araling ito.
B. Paghahalaw

* Paggamit ng Venn Diagram


Pag-usapan ang magagalang na pananalita
na ginagamit sa umaga, tanghali, hapon, at gabi.
Ipasuri/Papunuan ang Venn Diagram.

Mga pagbati Pananalita


Panahon
Magalang Magagalang
na pananalita na Pananalita 1. Magandang
1.Magandang
1. Umaga
umaga
Umaga
2. Tanghali Po 2. Magandang
Po
2.Magandang Tanghali
3. Hapon opo
opo
tanghali 3, magandang
4. gabi Hapon
3. magandang 4.magandang gabi
hapon
4 magandang
gabi

D.Paglalahat
Ipasagot ang sumusunod na mga tanong.
1. Ano ang magagalang na pagbati ang g i n a g a m i t sa
____________?

a. umaga c. hapon
b. tanghali d. gabi

2. Kailan ginagamit ang ____________?


a. Magandang umaga d. Magandang gabi
b. Magandang tanghali e. po, opo
c. Magandang hapon

E. Paglalapat
Itanong:

1. Kailan ginagamit ang sumusunod na magagalang


na pagbati?

a. Magandang umaga ang magalang na pagbati


sa umaga.
b. Magandang tanghali ang magalang na pagbati
sa tanghali.
c. Magandang hapon ang magalang na pagbati
sa hapon.
d. Magandang gabi ang magalang na pagbati sa gabi.

2. Ano ang magagalang na pananalita sa pakikipag-usap sa nakatatanda?

Ang po at opo ang magagalang na pananalita sa pakikipag-usap sa


matatanda.

F. Pagsasanay

* Pagkakaroon ng Paligsahan

Gamitin ang batayang aklat sa bahaging ito.


1. Magkaroon ng paligsahan. Hatiin ang klase sa
dalawang pangkat.

Ang unang pangkat ay magtatanong: “Ano


a n g m a g a l a n g n a p a g b a t i s a ____________/
pakikipag-usap sa matatanda?
Ang ikalawang pangkat ay sasagot sa tanong.
Magandang ____________ ang magalang na pagbati
sa umaga.

Po, opo ang magagalang na pakikipag-


usap sa matatanda.

Ang pangkat na magkakaroon ng higit na


maraming puntos ang siyang mananalo.

*Paggamit ng Larawan

2. Ilahad sa tsart ang mga larawan ng iba’t ibang


h ay o p . Ip ak uh a a ng l a ra w an s a m a g- a ar al na
tatawagin at ipabigkas ang huni nito.

* Pagkakaroon ng Laro

3. Makinig sa babasahing pahayag ng guro. Itaas ang


kanang kamay kapag tama ang sagot. Ipadyak ang
paa kapag mali.
1. Ikapito nang umaga. Nasalubong mo si Doktor
Silva, ang dentista ng inyong paaralan. Paano
mo siya babatiin?
a. Magandang tanghali po, Doktor Silva.
b. Magandang umaga po, Doktor Silva.
c. Saan po kayo pupunta, Doktor Silva?

2. Hapon na nang dumating ang tatay mula sa


trabaho. Ano ang ibabati ng mga anak sa kanya?
a. Magandang umaga po, Tatay.
b. Magandang tanghali po, Tatay.
c. Magandang hapon po, Tatay.

IV. PAGTATAYA

Ibigay ang sumusunod na mga gawain.


A. Pakinggang mabuti ang bawat sitwasyon. Anong
magalang na pagbati ang sasabihin mo?

1. Nasalubong mo ang ina ng iyong kaibigan habang naglalakad ka


patungo sa paaralan.

2. Isang tanghali , nakasabay mo sa pagpunta sa kantina ang


inyong punungguro.

3. Sa pagpasok mo sa hapon, nakasalubong mo ang inyong guro.

B. Magbigay pa ng ibang sitwasyong magagamit ang


magagalang na pananalita. Obserbahan ang bawat mag-aaral sa pagsagot
sa bawat sitwasyon.

V. TAKDANG-ARALIN
Isulat sa inyong notbuk ang magalang na pagbati sa _____.
1. umaga
2. hapon
3. Tanghali
4. gabi

Gawain C – Pagbasa

A. Bago Bumasa

• Panimulang Gawain

* Paggamit ng Dating Kaalaman

Sabihin: “Alamin natin ang kaliwa at kanang


direksyon. Itaas ang inyong kaliwang kamay. Itaas
ang inyong kanang kamay.”Ipadyak ang kanang paa/kaliwang paa.
Ituro ang bintana na nasa kanan ng silid.”

Ipakita/Ipakilala ang bagong batayang aklat sa Filipino. Ipaliwanag kung


paano iingatan ang bagong aklat.
Itanong: “Ibig ba ninyong makapag-basa na?”

• Pangganyak na Tanong/Paglalahad ng Layunin


sa Pagbasa

Sabihin: “Sa ating pagbabasa, saan tayo dapat


magsimula, sa kanan o sa kaliwa? sa itaas o sa ibaba?

Ito ang ating pag-aaralan ngayon.”

• Pagpapalawak ng Talasalitaan
Muling balikan ang mga bagong salita at kahulugan nito na tinalakay sa
bahaging Pakikinig.

• Pagtatakda ng Pamantayan
Sa pagbasa nang pabi gkas, bumasa nang may
katamtamang lakas ng boses.

B.Habang Bumabasa
* Paggamit ng Big Book (Read Aloud)
Ipakitang muli ang Big Book.
Sabihin: “Babasahin kong muli sa inyo ang kwento ni Kambing Liit. Sasabay
kayo sa akin sa pagbabasa.”
* Paggamit ng Pakwadrong Pagsasalaysay (Story Frame)

Sabihin: “Ganito ang pagbasa nang mula sa kaliwa–


pakanan.”

Basahin nang malakas ang bawat pangungusap sa


tulong ng stick mula kaliwa-pakanan at pabalik sa
dulong itaas, pababa sa kanan. Basahin ang kwento –
unang pahina muna at isunod ang iba pang pahina na
bumubuo ng kwento. Obserbahan ang mga mag-aaral
kung nakasusunod ang bawat isa sa wastong pagbasa
kaliwa-pakanan; pabalik sa dulong itaas, pababa sa
susunod na linya.

C. Pagkatapos Bumasa
• Pagtalakay sa Binasa

Pagsagot sa mga pangganyak na tanong/Pagtalakay


sa nilinang na kasanayan.

• Pag-unawa
Tumawag ng mga mag-aaral. Ipagamit ang stick sa
pagpapakita ng pagbasa sa mga linya ng pangungusap
mula kaliwa-pakanan at pabalik mula sa dulong itaas,
pababa sa kasunod na linya.

• Pagpapahalaga

Itanong:
1. Sinu-sino ang hayop sa kwento?

2. Aling hayop ang inyong alaga? Paano ninyo maipa-


kikita ang mabuting pag-aalaga at pagmamahal
sa inyong alagang hayop?

3. Ano ang magagalang na pananalita sa kwento?


Ginagamit ba ninyo sa araw-araw ang mga salitang
ito? Kailan? Anong uri ng bata ang gumagamit ng
magagalang na pagbati at ng po at opo sa pakikipag-
usap sa matatandang tao?
IV. PAGTATAYA

Ilahad sa pisara/tsart ang naritong pagtataya. Obserbahan


ang bawat mag-aaral sa pagsasagawa nito.

Basahin ang ngalan ng mga nakalarawan mula kaliwa-


pakanan at pabalik mula sa dulong itaas, pababa sa kasunod
na liny
V. TAKDANG-ARALIN
Magdrowing ng dalawang kwadro ng mga alagang hayop.
Gawin ito mula kaliwa-pakanan.
K1 ____________ ____________ ____________
K2 ____________ ____________ ____________
Gawain D – Pagsulat
A. Bago Sumulat

1. Paghahanda
* Paggamit ng Dating Kaalaman (Teoryang Iskema)

Sabihin: “Ngayong kayo ay nasa unang baitang na, ano ang inyong ginagawa habang
nagtuturo angguro? (Inaasahang sagot: “Nakikinig po, Umuupo po nang maayos.”)
Ano naman ang kagamitan ninyo sa pag-aaral? Ipakita nga ninyo ito sa akin.”

2. Paglalahad
* Paggamit ng Modelo
Ipakita sa klase ang wastong pag-upo, posisyon
ng mga paa, at wastong paghawak ng lapis at papel

S a b i h i n : “M a y m g a p a m a n t a y a n s a p a g s u l a t .
(Ipakita ang pamantayan sa pagsulat at ang
pagsasagawa ng guro ng bawat pamantayan.)

Tingnan ninyo kung paano ko ito gagawin.”


1. Umupo nang tuwid.
2. Ilapat sa sahig ang mga paa.
(Ipakita naman ang pamantayan sa paghawak ng
lapis at papel.)
S a b i h i n : “G a g a w i n k o n a m a n a n g l a r a w a n s a
pamantayan sa paghawak ng lapis.”

1. Ipakilala muna ang daliring hinlalaki, hintuturo, at


gitnang daliri. Sabihin: “Hawakan ang lapis ng
tatlong daliri: hinlalaki, hintuturo, at gitnang daliri
isang pulgada mula sa dulo ng tasa ng lapis.”

B. Habang Sumusulat
I pagaya sa m ga m ag- aar al ang wast ong pag- upo,
posisyon ng paa, at paghawak ng lapis na gagawing muli
ng guro.

C. Pagkatapos Sumulat

* Demonstrasyon/Pagpapakita ng Gawain
Ihanda ninyo ang silya na uupuan ng tatawaging
mga mag-aaral at ipahanda sa kanila ang lapis.
Pangkatin ang mga mag-aaral sa anim na pangkat.
Tawagin ang mga mag-aaral sa bawat pangkat.

Sabihin: “Gagawin ni nyo ang wast ong par aan ng


pag-upo, posisyon ng mga paa, at wastong paghawak
ng lapis.
Gagawin ninyo ang sasabihin ko.”
1. Umupo nang tuwid.
2. Ilapat ang paa sa sahig.

3. Hawakan ang lapis ng hinlalaki, hintuturo, at


gitnang daliri isang pulgada mula sa dulo ng tasa
ng lapis

IV. PAGTATAYA
Magpadrowing ng alagang hayop. Obserbahan ang bawat
mag-aaral kung naisasagawa ang wastong pag-upo, posisyon ng mga paa, at
paghawak ng lapis.

V. TAKDANG-ARALIN
Isulat sa inyong notbuk ang kahilingan sa ibaba.
1. Buo mong pangalan
2. Mga magulang
3. Tirahan
4. Mga kapatid
3. Kaarawan

Pagtatasa 3.4 50 Puntos

Isalin sa iyong mother tongue ang isa sa mga kasanayan sa wika na


nasa banghay aralin sa itaas.
I record ang pakitang turo at ipadala sa google classroom.
Aralin 5 . Metodo sa Pagtuturo ng Filipino

Bisitahin ang link. Pag aralan ang walong metodo sa pagtuturo ng


Filipino
https://www.academia.edu/24834283/MGA_SIMULAIN_METODO_SA_PAGTUTURO_NG_FILIPINO

Bumuo ng walong (8) pangkat na binubuo ng 4 na miyembro. Ang 6 any may 4 miyembro samantalang 5
miyembro ang 2 pangkat.

Sumulat ng banghay aralin. Gamitin ang 8 metodo sa pagtuturo ng Filipino. Isang metodo para sa isang
pangkat. Ang nilalaman ay dapat bahagi ng pananalita na tinalakay na natin.
Aralin 3.6 Pangkatang gawain. 50 puntos
Gamit ang wikang Filipino gawin ang pakitang -turo.
Magtulungan kayo sa paghahanda nito. Maaring ikumpuni ang mga
bidyu ng bawat miyembro. Ipadala sa Gclassroom. Bigyan katawagan
ang inyung pangkat.
Aralin 6 . Bahaging Pangnilalaman: Pang-angkop

Mga Layunin

A. a. Naipapaliwanag ang halaga ng pang-angkop sa isang pangungusap.

b. Nalalapatan ng tamang pangangkop ang bawat pangungusap

PANG-ANGKOP – ay ng mga salitang bahagi ng pananalita na ginagamit sa


pagdurugtong o pag-uugnay ng mga salitang magkasunod upang magkaroon
ng kabuluhan ang gamit nito.

–  Dalawa ang pang-angkop ang  NA, NG.

Pinagdurugtung nito ang panuring at ang salitang inilalarawan nito.


1. Ginagamit ang pang-angkop na NG  kapag ang salitang tinuturinagn ay
natatapos sa patinig.

Hal. Bunsong kapatid                                Pusong dakila

2. Ginagamit ang NA kapag sa katinig nagtatapos ang salitang tinuturingan.

Hal.       Mag-aaral na marunong                   Lihim na nabunyag


3. Kapag sa Na nagtatapos ang salitang tinuturingan, idinurugtong na salita
ang G ng pang-angkop na ng.

Hal.       layuning marangal                            pantalong mahaba

Pagtatasa 3.6

Bumuo ng parirala mula sa dalawang salitang ibinigay sa pamamagitan ng


paggamit ng pang-angkop. Isulat ang sagot sa patlang.

1. bilog + buwan = ____________________________

2. buwanan + pagsusulit = ____________________________

3. plastik + bote = ____________________________

4. hangin + amihan = ____________________________

5. baha + kalsada = ____________________________

6. karagdagan + impormasyon = ____________________________

7. matindi + trapik = ____________________________

8. pinakatanyag + boksingero = ____________________________

9. tungkulin + ginagampanan = ____________________________

10. biyaya + natanggap = ____________________________


Aralin 7 . Bahaging Pangnilalaman: Pangatnig

Mga Layunin

a. Naikokontrast ang pangatnig para sa magkatimbang at dimagkatimbang na yunit.


b. Nagagamit ang pangatnig sa pagbuo ng isang malikhaing akda.
c. Nasusuri kung bakit dapat alam ang paggamit ng tamang pangatnig.

Ano ang Pangatnig?

Ang pangatnig o conjunction sa wikang Ingles ang tawag sa mga kataga o


lipon ng mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala, o sugnay
upang mabuo ang diwa o kaisipan ng isang pahayag.

Karaniwan itong makikita sa simula o kalagitnaan ng pangungusap.

Ang pangatnig ay maaari ring magbukod, manalungat, maglinaw, manubali,


magbigay halintulad, magbigay sanhi, at magbigay ng pagtatapos sa isang
kaisipan o pangungusap.

Mga Halimbawa ng Pangatnig sa Pangungusap Narito ang sampung (10) mga


halimbawa ng pangatnig at kung paano ito gamitin sa pangungusap.

1. Ang aking nanay at tatay ay mahal ko.

2. Maglalaro sana ako ngunit tinawag ako ni ate.


3. Ano ba ang mas masarap, lumpia o pritong manok?

4. Gusto kong bumait pero di ko magawa.

5. Bibigyan kita ng lobo kung bibigyan mo rin ako ng laruan.

6. Pag-usapan natin ang bukas habang tayo’y namamasyal.

7. Magtanim ka ng puno upang di bumaha.

8. Magdala ka ng pala saka walis.

9. Pupunta ka lang kina Mylakapag kasama ako.

10. Kinagigiliwan ng lahat si Aira dahil masayahin siyang dalaga. Uri ng


Pangatnig

Mayroong sampung (10) mga uri ng pangatnig:

panlinaw,

panubali,

paninsay,

pamukod,

pananhi,

panapos,

panimbang,

pamanggit,

panulad, at

pantulong.

1. Pangatnig na Panlinaw Ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o


kabuuan ng isang banggit. Maaari itong gamitan ng mga salitang kung kaya,
kung gayon, o kaya.
Mga Halimbawa ng Pangatnig na Panlinaw sa Pangungusap
Nag-usap na kami sa baranggay kung kaya ang ang kasong ito ay tapos
na.

Umamin na si Mando kaya makakalaya na ang napagbintangang si Rico.

Ang prinsipal ay umuwi na, kung gayon ay maaari na rin tayong umuwi.

Nagpaalam na si Ambo sa mga magulang ni Selya kung kaya silang dalawa


ay magpapakasal na.

Ginawa ko na sa paaralan ang aking takdang aralin kaya pag-uwi sa bahay


ay maglalaro na lang ako.

2. Pangatnig na Panubali Ito ay nagsasabi ng pag-aalinlangan. Maaari itong


gamitan ng mga salitang kung, sakali, disin sana, kapag, o pag.

Mga Halimbawa ng Pangatnig na Panubali sa Pangungusap

Gawin mo na agad ang sinabi ni itay kung ayaw mong mapalo.

Sakaling hindi ako makapunta bukas, sabihin mo na lang sa akin ang mapag-
uusapan sa pulong.

Tinanggap mo na sana ang alok niyang trabaho, disin sana‘y may maiipon ka
bago mag-pasko.

Hindi naman mahirap ang buhay kung marunong ka lang dumiskarte.

Kapag sumama si Judy ay sasama na rin ako.

3. Pangatnig na Paninsay Ito ay ginagamit kapag sinasalungat ng unang


bahagi ng pangungusap ang pangalawang bahagi nito. Maaari itong gamitan
ng mga salitang ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahitman, o
kahit. Mga

Halimbawa ng Pangatnig na Paninsay sa Pangungusap

Nakasama ako sa kanila ngunit pag-uwi ko ay pinagalitan ako ni Nanay.

Yumaman si Arriane kahit galing siya sa hirap.


Nakakuha ako ng mataas na marka sa pagsusulit bagaman hindi ako nakapag-
review.

Magarbo ang handaan ngunit baon naman sa utang. Nakapag-asawa siya ng


mayaman kahit siya ay mahirap lamang.

4. Pangatnig na Pamukod Ginagamit ito upang ihiwalay, itangi, o itakwil ang


isa o ilang bagay o kaisipan. Maaari itong gamitan ng mga salitang o, ni,
maging, at man.

Mga Halimbawa ng Pangatnig na Pamukod sa Pangungusap

Ni tumawag ni mangumusta ay di man lang nya ginawa.

Ako man ay ayaw rin sa liderato niya. Mahal kita maging sino ka man.

Ako ba o siya ang pipiliin mong makapareha sa sayaw?

Mapa-luma o bagong empleyado ay ayaw sumali sa Christmas party


presentation.

5. Pangatnig na Pananhi Ito ay ginagamit upang magbigay ng dahilan o


katwiran para sa pagkaganap ng kilos. Maaari itong gamitan ng mga salitang
dahil sa, sanhi sa, sapagkat, o mangyari.

Mga Halimbawa ng Pangatnig na Pananhi sa Pangungusap

Nagkasira-sira ang bahay ni Ka Pilo dahil sa bagyo.

Sanhi sa pabago-bagong panahon kaya siya nagkasakit.

Marumi sa Pilipinas sapagkat ang ibang Pinoy ay walang disiplina.

Walang kuryente dahil sa pagkasira ng poste sa tapat ng bahay.

Bumagsak ka sapagkat hindi ka nag-aaral ng mabuti.

6. Pangatnig na Panapos Ito ay nagsasaad ng nalalapit na katapusan ng


pagsasalita. Maaari itong gamitan ng mga salitang sa lahat ng ito, sa di-
kawasa, sa wakas, o sa bagay na ito.

Mga Halimbawa ng Pangatnig na Panapos sa Pangungusap


Sa wakas ay makakauwi na rin tayo.

Sa di-kawasa, ang klase ngayong araw ay tapos na.

Sa bagay na ito, hayaan nating ang Diyos ang magpasya.

Sa lahat ng ito, ang mabuti’y maging handa anumang oras.

Sa wakas, tapos na ang pulong.

7. Pangatnig na Panimbang Ito ay ginagamit sa paghahayag ng karagdagang


impormasyon o kaisipan. Maaari itong gamitan ng mga salitang at, saka, pati,
kaya, o anupa’t.

Mga Halimbawa ng Pangatnig na Panimbang sa Pangungusap

Ikaw at ako ay mahilig kumain.

Pati tindahan ng matanda ay kanyang ninakawan.

Singkamas at saka talong ang mga paborito kong gulay.

Anupa’t sa lakas ng hangin ay halos tangayin ang aming bubungan.

Pati ang aso ay kanyang inampon.

8. Pangatnig na Pamanggit Ito ay nagsasabi o gumagaya lamang sa pananaw


ng iba. Maaari itong gamitan ng mga salitang daw, raw, sa ganang akin/iyo, o
di umano.

Mga Halimbawa ng Pangatnig na Pamanggit sa Pangungusap

Ako raw ang dahilan ng kanyang pagbagsak.

Sa ganang akin, ikaw ang pinakagwapo sa lahat.

Si Jessica di umano ang unang bumato sa puno ng bayabas.

Maaasahan daw ang mga mag-aaral sa Baitang

Sumama ka na raw sabi ni Ginang Perez.


9. Pangatnig na Panulad Ito ay tumutulad ng mga pangyayari, kilos o gawa.
Maaari itong gamitan ng mga salitang kung sino… siyang, kung ano… siya rin,
o kung gaano… siya rin.

Mga Halimbawa ng Pangatnig na Panulad sa Pangungusap

Kung sino ang may sala, siyang dapat managot.

Kung gaano kalaki ang inumit, siya ring dapat bayaran.

Kung ano ang puno, siya ring bunga.

Kung sino ang nag-aral, siyang tiyak ang makakapasa.

Kung ano ang ginawa mo, siya rin ang babalik sa’yo.

10. Pangatnig na Pantulong Nag-uugnay ito ng nakapag-iisa at hindi nakapag-


iisang mga salita, parirala o sugnay. Maaari itong gamitan ng mga salitang
kung, kapag, upang, para, nang, sapagkat, o dahil sa.

Mga Halimbawa ng Pangatnig na Pantulong sa Pangungusap

Ginagalingan niya sa klase para mataas ang gradong makuha niya.

Makakapaglaro lang ako kapag natapos ko ang aking takdang aralin.

Nag-aaral siyang mabuti upang matuwa ang kanyang mga magulang.

Mag-ehersisyo ka para lumakas ang iyong katawan.

Kumain ka ng kamatis upang gumanda ang iyong kutis.


Pangkat ng Pangatnig

Mayroong dalawang pangkat ng pangatnig: ang nag-uugnay sa


magkatimbang na yunit at ang nag-uugnay sa di-magkatimbang na yunit.

1. Pangatnig na Nag-uugnay sa Magkatimbang na Yunit Sa pangkat na ito


pinagbubuklod ang kaisipang pinag-uugnay. Ginagamitan ito ng mga salitang
o, ni, maging, at, ‘t, at kundi. Ang pangkat ding ito ng pangatnig ay maaaring
pasalungat. Sinasalungat ng ikalawang kaisipan ang ipinahahayag ng nauuna.

Ilan sa mga halimbawa ng salitang maaaring gamitin dito ay ang ngunit,


subalit, datapwat, bagamat, at pero.

Mga Halimbawa sa Pangungusap

Bumili ako ng ubas at mansanas.

Maging ang lupaing iyan ay sa aming angkan.

Ano ang makakatalo sa gunting, bato o papel?

Matalino sana si Buboy ngunit tamad mag-aral. Maliligo sana kami bukas sa
sapa subalit hindi ako pinayagan ni tatay.

2. Pangatnig na Nag-uugnay sa Di-Magkatimbang na Yunit Ang pangkat na ito


ay maaaring nagpapakilala ng sanhi o dahilan gaya ng mga salitang dahil sa,
sapagkat, o palibhasa. Maaari ring gumamit ng mga salitang kung, kapag,
pag, at mga pangatnig na panlinaw gaya ng kaya, kung gayon, o sana.

Mga Halimbawa sa Pangungusap

Dahil sa maulang panahon kaya nagkandasira ang pananim namin.

Ubus-ubos biyaya si Arnel palibhasa anak-mayaman.

Dadalo lang ako sa party kung nandoon si Vina.


Mahirap ang buhay kaya nagsisikap siyang makapagtapos ng pag-aaral.

Bibilhin ko ‘yan kapag hindi ka na makulit.

Gamit ng Pangatnig

Narito ang dalawang (2) gamit ng pangatnig.

1. Gamit bilang Pag-ugnay sa Dalawang Salita

Mga Halimbawa:

a) Sina Ate at Kuya ay mabait sa akin.

b) Gusto ko ng bola saka lobo.

c) Ang relo at singsing ay regalo sa akin ni Nanay.

d) Pupunta kami sa Baguio at Ilocos sa susunod na taon. Bibili ako ng


damit saka sapatos.

2. Gamit bilang Pag-ugnay sa Dalawang Parirala

Mga Halimbawa:

-Ang pag-awit sa entablado at paglalaro ng basketbol ang paborito kong


libangan.

-Mayroon akong mga alagang hayop at mga tanim na halaman sa aming


bakuran.

-Ayaw kumain saka nagkasakit ng malubha ang aso kaya namatay


Pagtatasa 3.6 10 puntos

A. Pagpili ng tamang pangatnig Panuto: Isulat ang pangatnig na bubuo sa


pangungusap. Pumili sa mga pangatnig sa kahon.

subalit kaya dahil bagama’t habang kapag para


upang samantalang o at kasi kung
ngunit at nang kahit hanggang bago
sapagkat

1. Sa panahon ng krisis, tumataas ang presyo ng mga bilihin


_____________ang bayad sa kuryente.

2. Hindi ako nakatulog kagabi _____________masyadong maingay ang aking


kapitbahay.

3. Magsasanay ako tuwing hapon ____________ gumaling ako sa pagtugtog


ng piyano.

4. Mahimbing pa rin ang tulog ni Juan ___________napakalakas ng tilaok ng


mga manok sa kanyang bakuran.

5. Pagod na si Carlo ___________ hindi siya makatulog.

6. Si Patrick ang titingin sa mapa ___________nagmamaneho si Gary.

7. Maaari tayong tumawid ____________berde na ang ilaw.

8. Alin dito ang dadalhin mo bukas, ang itim na pantalon __________ang


bagong maong?

9. Lapis, pambura ___________pantasa lang ang kailangan kong dalhin sa


pagsusulit.

10. Magaling siya maglaro ng basketbol ___________mas gusto niya ang


paglalangoy.
I. Sanggunian

Concepcion D Javier, PhD, et al Pintig ng Lahing Pilipino Ikalawang


Edisyon Quezon Avenue, Quezon City, SIBS Publishing House Inc.

Alma C Dayag, Pinagyamang Pluma Wika at Pagbasa para sa Elementarya,


Quezon City PHOENIX PUBLISHING HOUSE, INC,

Ledecia D Leyson, Ed.D., et al Komunikasyon sa Akademikong Filipino Sta Ana


Manila, Niña Educational & Book Supply.

https://vdocuments.mx/filipino1.html

https://www.academia.edu/24834283/MGA_SIMULAIN_METODO_SA_PAGTUTURO_NG_FILIP
INO

Sanggunian:Makabagong Balarilang Filipino ni Alfonso Santiago

https://samutsamot.com/wp-content/uploads/2013/03/pagpili-ng-tamang-pangatnig_1-
1.pdf

You might also like