You are on page 1of 12

6

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 6:

Paggamit ng Salita Bilang Pang-


uri at Pang-abay
Filipino – Ikaapat na Baitang
Unang Markahan – Modyul 6: Paggamit ng Salita Bilang Pang-uri at Pang-abay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Evelyn R. Fetalvero


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Diana Cel N. Blanco
Editor: Name (These are the in-house editors/reviewers)
Tagasuri: Marlyn A. Publico
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Evelyn R. Fetalvero SDS
Janette G. Veloso CID Chief
Analiza C. Almazan LRMS Manager
Ma. Cielo D. Estrada CID ADM Focal Person
CLMD EPS (Learning Area) CID EPS (Learning Area)

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Name of SDO Developer

Office Address: ___________________________


Telefax: ___________________________
E-mail Address: ___________________________
6

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Paggamit ng Salita Bilang Pang-
uri at Pang-abay
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring
sulatan ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy
pagkatapos ng mga gawain.
Kung mayroon kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga
inilaang gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang
isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa
sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin
Nakapagtala ka na ba ng mga datos? Ano ang ginawa mo
upang matukoy ang mga salita na ginamit sa teksto?
Sa araling ito, magagamit mo ang mga salitang naglalarawan sa
pagtatala ng mga datos o impormasyon sa loob ng kuwento.
Magagamit mo rin ito sa pagbuo ng makabuluhang mga pangungusap
na galing sa mga impormasyong nakalap mula sa tekstong binasa.

Pagkatapos ng ating araling ito inaasahan kong:

1. Nagagamit ang iba’t ibang salita bilang pang-uri at pang-abay sa


pagpapahayag ng sariling ideya.
2. Nakapagtatala ng datos mula sa binasang teksto.

Subukin Natin
Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Sagutin ang
sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Isulat sa patlang ang PU kung pang-uri ang nakasalunguhit na salita at


PA kung pang-abay.

____1. Inaabuso ng iba ang kalikasan upang kumita ng mas madali.


____2. Ang pagtatanggal ng basura sa ilog ang isa sa pinakamabisang
pagliligtas sa maruming ilog.
____3. Dahil sa patuloy na pagtapon ng basura sa mga ilog, nagiging
marumi ang mga ito.
____4. Marami ang namamatay na isda dahil marumi ang tubig sa mga ilog.
____5. Taimtim na nagdarasal ang lahat sa pagliligtas ng ating mga ilog .

Aralin Natin

1
Halina’t pag-aralan natin ang tekstong ito. Sasagutin natin ang mga
katanungan dito.

May Pakinabang ang Ilog


Ni: Diana Cel N. Blanco

(1)Napakaganda ng mga ilog na makikita natin noon. (2)Masaya ang


mga bata habang naglalaro sa ilog. (3)Masayang lumangoy sa malinis na
ilog. (4)Napakagandang masdan ng ilog na kasing linaw ng porselana.
Marami kang makukuhang pagkain na puwede mong pagkakakitaan sa ilog.
Ang ilog ay kapakinabangan sa lahat hindi lang sa tao maging sa mga hayop
din.
Bakit nagbago ang mga ilog natin sa kasalukuyan? Ano ba ang
nangyayari dito? Sino ba ang dapat sisihin sa napakaruming ilog natin
ngayon? Isa sa mga dahilan ay ang pagtatapon ng basura sa ilog. Tayong
lahat ang dapat sisihin sa mga pangyayaring ito. Dapat ay mahigpit na
ipinatupad ang batas laban sa pagtatapon ng basura sa ilog. Dapat ding
bukal sa loob na makiisa ang bawat mamamayan sa programang
pangkalikasan.
Sa ngayon, palakasin natin ang kompanya laban sa wastong
pagtatapon ng basura. Ipaalam at ibahagi ang mga natutuhan sa pagliligpit
nito. Sa pamamagitan nito ay mabawasan ang pagtatapon ng basura sa ilog.
Muli nating ibalik ang dating ganda na minsan na’y naranasan ng mga
nakatatanda sa atin noon.

Sagutin Natin:
1. Ano ang pagkalarawan mo sa ilog natin noon?
2. Ano-anong impormasyon ang inilahad sa teksto?
3. Bakit nagkaroon ng pagbabago ng ilog sa kasalukuyan?
4. May pag-asa pa bang bumalik sa dating ganda ang mga ilog natin?
Patunayan.
5. Ano ang mga salitang may salungguhit? ______
6. Pareho ba ito ng pagkagamit sa mga pangungusap? _______
7. Ano ang tawag sa salitang nakasalungguhit
sa pangungusap bilang 1 at 4? _______. Sa pangungusap bilang 2 at 3?
_______.

Ang tawag sa mga salita na nakasalunguhit ay mga Pang-abay at Pang-uri.


Ang salitang nakasalunguhit sa pangungusap 1 at 4 ay mga Pang-uri at ang
mga pangungusap 2 at 3 ay mga Pang-abay.

Ang pang-uri at pang-abay ay parehong naglalarawan o nag bibigay turing.

Gawin Natin

2
Gagawin natin ang pagsagot sa mga pahayag na naglalaman ng
impormasyon. Basahin natin at unawain ang mga pangungusap sa
ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Punan ang mga patlang lagyan ng √ kung ang naka salungguhit ay Pang-uri
at x kung Pang-abay sa mga impormasyong nakapaloob sa pahayag.

____1. Dapat ay mahigpit na ipatupad ang mga batas laban sa pagtatapong


ng basura sa ilog.
____2. Dapat ay maging masaya ang bawat mamamayan sa mga
programang pangkalikasan.
____3. Inaasahan na lubusang makikiisa ang bawat sector ng lipunan sa
layuning ito.
____4. Sana ay mas estrikto ang mga batas sa pagpapanatiling walang
nakatira malapit sa mga ilog o daluyan ng tubig.
____5. Kailangan bantayang maigi ang mga lugar na dinadaluyan ng tubig.

Sanayin Natin
Sanaying mabuti ang paghahambing ng pang-abay at pang-uri sa
mga pangungusap. Sa bahaging ito ay pagtuonan natin ng pansin
ang iyong kaalaman sa kasanayang ito.

Bilugan ang panlarawan sa pangungusap.Iguhit ang ☺ sa patlang kung ito


ay Pang-abay at ☻ kung ito ay Pang-uri.
____1. Masuyong kinausap ng magulang ang kanyang anak sa usapin
tungkol sa druga.
____2. Ang magulang ay masuyong ama na pilit ipabatid ang masamang
dulot ng maagang pagbubuntis.
____3.Ang kanyang anak ay masunuring bata dahil nag-aaral ito ng
leksiyon.
____4.Magalang na sumunod ang bata sa ina sa pagtitinda ng mga pagkain.
____5.Siya ay mapitagang sumagot sa nakatatanda habang nag-aaral
tungkol sa Mitolohiya.

3
Tandaan Natin
Ating tatandaan ang mga salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa mga
salitang inilalarawan. Pagtuonan ng pansin na maibahagi ng maayos ang
tamang salita na gagamitin.

Ang pang-uri at pang-abay ay parehong naglalarawan o nag bibigay turing.

Pang-abay- ay nag bibigay- turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.

Hal:
1.Nagpalipad nang mataas na saranggola ang mag-ama.
2. Totoong mahusay gumabay ang ama sa anak.

Pang-uri- ay nagbibigay-turing sa pangngalan at panghalip.

Hal:
1.Mahusay na ama ang nag sasalita sa tula.

2.Siya ay responsible.

Suriin Natin
Bilugan ang salitang panlarawan sa pangungusap. Isulat kung ito ay
pang-uri o pang-abay. Bumuo ng bagong pangungusap mula rito.
Bawasan o dagdagan ang mga salita sa pangungusap upang ibahin ang
tinuturingan nito.
Hal:
Pang-abay: Tunay na maaasahan ng ama ang anak.
Pang-uri: Ang maasahang anak ay hindi na sinasabihan pa ng
gagawin.
______ 1. Pinakamaliit na yunit ng lipunan ang pamilya.
__________________________________________________________________

_______2. Ang mga anak ay responsable sa kanilang tungkulin sa tahanan.


________________________________________________________________________

_____3. Ang taong responsable ay hindi na naghihintay ng utos.


________________________________________________________________________

4
_____4. Gumawa siya nang tama sa lahat ng pagkakataon.
__________________________________________________________________________

_____5. Matagumpay ang bata dahil disiplinado at mahusay siya.


__________________________________________________________________________

Payabungin Natin
Basahing mabuti ang mga sitwasyon. Sagutin ito ng maayos.

Kumpletuhin ang talata. Lagyan ng angkop na pang uri o pangabay ang


mga pangungusap.

____ ang problema ng mga ilog ngayon, _____ ang tubig na dumadaloy sa
_____ ilog na ito dati. Ngayon _____ nang ipinagbabawal ang paliligo at
pagkuha ng tubig upang gawing inumin. Hindi na yata matututo ang mga
_____ taong nakatira sa gilid nito. Kaya pala _____ na nadudumihan ang ilog
simula ng tirhan ng mga _____ tao ang gilid ng ilog. _____ tao ang
ginagawang tapunan ng basura, palikuran o banyo ang ilog. Kaya naman
____ ang panawagan ng gobyerno sa lahat ng kinauukulan. Sama-sama
nating sagipin ang _____ ilog. Huwag tayong magbingi bingihan. Makiisa na!

Pagnilayan Natin

Ang kalusugan ng isang tao ay isang likas na yamang


dapat nating pagsikapang makamtan. Ang kalusugan ng bawat
mamamayan ay kalusugan din ng ating bayan. Ang wastong
pagtapon ng basura ay isang paraan upang tayo ay maging
malusog. Malayo tayo sa polusyon na dulot ng mga basurang ito.
Ating pagsikapang makamit ang kalinisan sa ating paligid lalong-
lalo na sa ilog natin. Malaki itong pakinabang hindi lang sa tao
pati sa mga hayop at halaman. Ating bigyan ng pansin, ating
isaisip at isapuso ang paglilingkod sa ating bayan. Maging bahagi
tayo sa pagbabago ng ating likas na yaman na nasira. Tayo ay
makiisa.

5
Susi sa Pagwawasto

Subukin Natin Aralin Natin Gawin Natin


1. PA Iwawasto ng guro 1. Maaaring
2. PA magkaiba ang
3. PU sagot ng mga
4. PU bata
5. PA Gawin Natin 2. Maaaring
1. a magkaiba ang
sagot ng mga
2. b bata
3. a 3. Maaaring
4. b magkaiba ang
sagot ng mga
5. b bata

4. Maaaring
magkaiba ang
sagot ng mga
bata

5. Maaaring
magkaiba ang
sagot ng mga
bata

6
Sanggunian

K to 12 Most Essential Learning Competencies. Filipino 6;


Muligrade BOW p.19. Filipino 456

7
s

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Region XI

F. Torres St., Davao City

Telefax:

Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph

You might also like