You are on page 1of 14

6

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 7:

Pagsulat ng Liham
Filipino – Ikaanim na Baitang
Unang Markahan – Modyul 7: Pagsulat ng Liham
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Evelyn R. Fetalvero


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Diana Cel N. Blanco
Editor: Delsie Porras
Tagasuri: Marlyn A. Publico
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Evelyn R. Fetalvero SDS
Janette G. Veloso CID Chief
Analiza C. Almazan LRMS Manager
Ma. Cielo D. Estrada CID ADM Focal Person
CLMD EPS (Learning Area) CID EPS (Learning Area)

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Name of SDO Developer

Office Address: ___________________________


Telefax: ___________________________
E-mail Address: ___________________________
6

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 7:

Pagsulat ng Liham
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring
sulatan ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy
pagkatapos ng mga gawain.
Kung mayroon kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga
inilaang gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang
isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa
sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin
Ang pagsulat ng mga sulatin ay medyo mahirap, katulad ng
pagsulat ng liham. Ito ay isang kasanayang mahalaga mong
matutuhan. Sa pamamagitan nito, maaari mong mahihatid sa isang
tao ang nais mong iparating.
Ang araling ito ay naglalayong matuto ka sa paghahatid ng
mensahe ng maayos at maiintindihan ito nang lubos.

Kasanayang Pampagkatuto:

Nakasusulat ng sulating di pormal, pormal, liham pangangalakal at


panuto. F6WC-IIf-2.9, F6WC-IIg-2.10, F6WC-IIh-2.3, F6WC-Iii-2.22

Subukin Natin
Basahin at unawaing mabuti ang liham. Sagutin ang
sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Purok 14, Tibal-og, Sto. Tomas,


Davao del Norte
Oktubre 2, 2020

Gng. Floramae Santillan


Tagapangulo
Skin Care Company
Tagum City, Davao del Norte

Mahal kong Gng. Santillan:

Ito po ay pagpapahayag ko ng interest na maging kasali ng iyong kompanya


bilang isang encoder. Batid ko pong tinataglay ko ang hinahanap ng iyong
kompanya para sa nabanggit na posisyon.

Kasama po sa sulat na ito ang aking bio-data.

Umaasa po akong bibigyan ninyo ng magandang tugon ang liham kong ito.

Nagpapasalamat,

Juan Magalang

1
Sagutin ang katanungan:

1. Anong uri ng liham ang sinulat ni Juan?


a. liham pangkaibigan c. liham pangangalakal
b. liham nagbibigay mungkai d. liham pahintulot

2. Gng. Floramae Santillan


Tagapangulo
Skin Care Company
Tagum City, Davao del Norte

Anong bahagi ng liham ito?


a. pamuhatan c. bating panimula
b. patunguhan d. katawan ng liham

3. Anong posisyon ang inaaplayan ni Juan sa kompanya?

a. encoder b. manager c. administrative aid d. tagapagsalita

4. Ito ay naglalaman ng pinakamahalagang mensahe na nais ipabatid ng


sumulat sa sinulatan?
a. lagda b. katawan ng liham c. pamuhatan d. pangwakas

5. Anong bantas ang ginamit sa bating panimula ng liham?

a. tuldok b. kuwit c. tuldok kuwit d. tutuldok


6. Pormal ba o di pormal ang ginawang sulat ni Juan? Patunayan.
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Aralin Natin
Halina’t pag-aralan natin ang tekstong ito. Sasagutin natin ang
katanungan dito.

Purok Waling-waling,Kinamayan,
Sto. Tomas, Davao del Norte
Ika-2 ng Oktubre, 2020

Bayani Lacosta
Tagapangulo
Davao Planters Association

2
Minamahal kong Tagapangulo:

Nabasa ko ang pagpaskil ninyo ng bakanteng trabaho sa labas ng inyong


tanggapan. Naghahanap kayo ng trabahante na may kaugnayan sa kursong
pang-agrikultura. Isa po ako sa mag-aaplay ng trabaho kaugnay sa
hinahanap ninyo.

Ako nga pala si Delfin Santos, nagtapos ng kursong pang-agrikultura. Gusto


ko pong makapagtrabaho sa inyong tanggapan. Kung iyong mararapatin ay
gusto ko pong maging bahagi ng inyong kompanya. Madali ko pong
matutuhan ang trabaho kahit na walang magsusubaybay sa akin. Puwede
ninyo akong tawagan sa numerong ito 09466814577 para sa isang interbyu
at handa po ako kahit anong araw ito gagawin.

Sana ay bigyan ninyo ng pansin ang aking liham.

Lubos na Gumagalang,

Delfin Santos

Sagutin ang tanong:


1. Sino ang sumulat ng liham?
_______________________________________________________________________

2. Ano ang nilalaman ng liham ni Delfin Santos?


_______________________________________________________________________

3. Nasusunod kaya ni Delfin ang bahagi ng liham na kaniyang ginawa?


Patunayan.
_______________________________________________________________________

4. Nasa anong bahagi ng liham ang Minahal kong Tagapangulo?


_______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

5. Ano-anong bantas ang ginagamit sa bawat bahagi ng liham?


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Gawin Natin

3
Basahin ang anunsiyong matatagpuan sa ibaba. Sagutin ang
katanungang may kaugnayan dito.

Kikita ka Dito Tuwing Hapon


Magbuburda ng mga bag na gawa sa abaka
Madali lamang-parang naglilibang
Makipagkita ng personal sa may-ari o kaya’y tumawag sa
telepono bilang 143-25-28

Isulat kung ano ang tinutukoy ng mga pahayag na hindi tapos.


1. Ang anunsiyo ay nakasulat sa________________________________
2. Magsisimula ang trabaho sa__________________________________
3. Kung hindi makatawag sa telepono upang makausap ang may-ari,
maaari namang_______________________________________
4. Ang bag na gagawin ay gawa sa_______________________________
5. Ang trabahong papasukan ng mag-aaplay ay
__________________________

Sanayin Natin
Sanaying mabuti ang mga bahagi ng liham-pangangalakal. Suriin
ang bawat bahagi nito.

Isulat sa tsart kung saang hanay nabibilang ang sumusunod na


impormasyon.

Pamuhatan Patutungu Bating Nilalaman Pangwakas Bating Lagda


han Pambu na Pangwakas
ngad pananalita

1. G. Lorenzo Costas

4
Punong Barangay
Barangay Bagtok

2. Mahal na G. Costas:
3. Lubos na gumagalang,
4. Ako po ay humihiling kasama ng aking mga kaibigan na magtayo
basketball court upang ang mga kabataan any hindi malolong sa
droga.
5. Salvador Templa
Pangulo, samahan ng Kabataan

6. Umaasa po kaming paunlakan ninyo an gaming kahilingan.


7. Purok 13, Barangay Bagtok
Paquibato, davao City
Oktubre 2, 2020

Tandaan Natin

Kung naging madali sa iyo ang pagsulat ng liham pangkaibigan,


magiging madali rin sa iyo ang pagbuo ng liham pangangalakal. Halos
pareho ang anyo o bahagi nito subalit iba ang tono at nilalaman ay
magkaiba. Pormal na pagsulat ang liham pangangalakal.

Alam mo ba ang mga bahagi ng liham-pangangalakal?

Basahin at tandaan ang mga pahayag.

1. Pamuhatan- nasusulat ditto ang numero, kalye at lungsod at ang


petsa kung kalian isinulat ang liham.

2. Patunguhan- isinusulat sa bahaging ito ang pangalan ng sinulatan,


katungkulan, departamentong nasasakop at kung saan ito
matatagpuan.

3. Bating pambungad/panimula- sinusulat sa bahaging ito ang pagbati


sa taong susulatan.

4. Katawan ng liham/Nilalaman- nasusulat sa bahaging ito ang


intension ng sumulat. Naaayon ito sa uri ng liham-pangangalakal.

5. Bating pangwakas- bating pagpapasalamat sa lumiham.

6. Lagda- nasusulat dito ang pangalan ng nagpapadala ng liham.


Suriin Natin

5
Suriin natin ang liham pangangalakal. Basahin at unawain ito upang
matukoy ang mahalagang detalye o impormasyon sa binasa.

Purok 13, Distrito 4


Brgy. Tulalian, Sto. Tomas,
Davao del Norte

Renee Santos
Tagapamahala
Maniki, Kapalong, Davao del Norte

Mahal na Ginoo:

Nabasa ko ang iyong palathala sa isang diyaryo, Octobre 2, 2020 na


nangangailangan kayo ng isang mekaniko. Nais ko po sanang mamasukan
sa inyong tanggapan.

Ako nga pala si Jayman Pagdato. Nag-aaral po ako ng pagmemekaniko sa


Tagum Trade School at nakapagtrabaho bilang mekaniko sa loob ng tatlong
taon sa Mylex na matatagpuan sa Sto. Tomas Davao del Norte.

Handa po akong humarap sa inyong interbyu sa araw at oras na inyong


itatakda.

Lubos na gumagalang,

Jayman Pagdato

Sagutin ang katanungan:


1. Ang sumulat ng liham ay nakatira sa ________________________________
2. Ang kumpanyang sinulatan ay matatagpuan sa _____________________
3. Nabasa ng sumulat ang anunsiyo noong ____________________________
4. Ang papasukang trabaho ay _______________________________________

6
5. Ang sumulat ay nakaranas nang makapagtrabaho bilang mekaniko sa
tanggapang _____________________________________________
6. Ang pangalan ng sumulat ay ______________________________
7. Ang bahagi ng liham na binasa ay binubuo ng _____________________
____________________________________________________________________
8. Ang dapat na paghandaan ng sumulat sa pakikipagharap sa may-ari
ng tanggapan ay ___________________________________________

Payabungin Natin
Isaayos ang sumusunod na impormasyon upang makabuo ng isang
liham-pangangalakal.

1. Mahal na Ginoo:
2. Lubos na gumagalang,
Fernando Mabuti
3. Napag-alaman ko po sa aking kaibigan na ang inyong shop ay
nangangailangan ng isang barbero. Interesado po ako sa posisyong
ito.
4. Nakahanda po akong makipanayam anumang oras na inyong
itatakda.
5. Ako po ay 18 taong gulang at nakapagtapos ng bokasyonal na kurso
sa pagiging barbero.
6. Rolito Madrona
Tagapamahala
Madronas’ Barber Shop
Sto. Tomas, Davao del Norte
7. Purok 9A, Salawao,
Talaingod, Davao del Norte
Oktubre 4, 2020
8. Nakapagtrabaho na rin po ako bilang barbero sa loob ng isang taon sa
John’s Barber Shop sa Sto. Tomas.

Pagnilayan Natin
7
Sinasabing salamin ng pagkatao ang liham. Mababakas
ditto ang pag-uugalii ng sumulat sapagkat ito ang ekspresyon ng
damdamin at kaisipan kaya’t kung liliham tayo, tiyaking ito’y
malinis at nasa maayos na kalagayan.

Sa pagsusulat ng liham pangangalakal, dapat maging


malinaw sa iyo kung ano ang mga impormasyong isinasaad sa
anunsiyong nabasa. Mahalaga ito upang matiyak ang trabahong
nais pasukan. Mahalaga ding malaman o matutuhan ang mga
impormasyong nararapat na maging sangkap ng liham na
ipadadala upang makatiyak na maagap na pagtugon.

Susi sa Pagwawasto

Subukin Natin Aralin Natin Gawin Natin


1. PA Iwawasto ng guro 1. Maaaring
2. PA magkaiba ang
3. PU 8 sagot ng mga
4. PU bata
5. PA Gawin Natin 2. Maaaring
magkaiba ang
Sanggunian

Emilia L. Banlaygas, et.al. Yamang Filipino-Batayan at Sanayang Aklat sa


Filipino,856 Nicanor Reyes, Sr. St., Manila, Rex Book Store. 2019

Remedios B. Ramos, et. al. Wow Filipino-Integratibong Aklat para sa Wika at Pagbasa ,
Sto. Domingo, Quezon City, Vibal Group, Inc. 2020

9
s

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Region XI

F. Torres St., Davao City

Telefax:

Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph

You might also like