You are on page 1of 21

6

Filipino

FILIPINO
Ikalawang Markahan–Modyul 13:
Pagtatala ng Datos
Batay sa Binasang Teksto

CO_Q2_Filipino6_Module13
Filipino – Baitang 6
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan - Modyul 13: Pagtatala ng Datos Batay sa Binasang Teksto
Unang Edisyon, 2019

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Amelita L. Bulquerin
Editor: Lilibeth D. Meliton, Bennedick T. Viola
Tagasuri: Susan J. Quistadio, Junry M. Esparar
Celestino S. Dalumpines IV
Tagaguhit: Froilan T. Detoga, Jr.
Tagalapat: Jeson A. Telesforo Glenn P. Dollete
Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma
Salvador O. Ochavo, Jr.
Elena P. Gonzaga
Jerry A. Oquindo
Segundina F. Dollete
Shirley A. De Juan
Merlie J. Rubio

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region VI


Office Address: Duran Street, Iloilo City
Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653
E-mail Address: region6@deped.gov.ph
6
FILIPINO
Ikalawang Markahan–Modyul 13:
Pagtatala ng Datos
Batay sa Binasang Teksto
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral


sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy na naglalaman


ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
simumang gagabay at tutulong sa pag-aaral at mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang salita upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral
na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya
ang ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang sagot sa bawat Gawain at
pagsusulit. Inaasahan naming na maging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumagamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makaranas ng suliranin pag-unawa sa mga aralin at sa paggamit ng SLM
na ito.
Alamin

Kumusta ka na kaibigan? Ako ang iyong kaibigang


si Kokoy na makakasama mong muli sa iyong
paglalakbay. Binabati kita dahil natapos mo ang
nakaraang modyul. Ipagpatuloy natin ang ating
paglalakbay sa panibagong modyul na ito.

Nakahanda ka na ba sa panibagong
paglalakbay? Sigurado ako na magiging masaya ka
dahil magkakaroon ka ng bagong kaalaman.

Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay


inaasahang:
 nakapagtatala ng datos mula sa binasang
teksto. (F6SS-IIb-10)

Paalala lang kaibigan na bawat bahagi ng


modyul na ito ay nagtataglay ng mga gawain na
susubok sa iyong kakayahan. Huwag kang mag-alala
dahil naririto naman ako na nakahandang gumabay
sa iyo. Handa ka na ba? Tayo na!

CO_Q2_Filipino6_Module13

1
Subukin

Basahin at unawain ang teksto.

Kayamanan ng Pilipinas

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa buong mundo na may


pinakamalaking populasyon. Ito ay itinuturing na isang kayamanan, ang yamang
tao (human resources). Noong 1570, tinatayang kalahating milyon ang
populasyon ng bansa na noo’y nasa ilalim ng pananakop ng mga Kastila. Noon
namang 1591, naitala ang populasyon sa 667,612 batay sa bilang ng mga
nagsisipagbayad ng buwis sa mga encomienda. Tinatayang 1,502,574 ang naging
populasyon dahil sa naranasang pagbuti ng kalusugan ng madla.

Noong 1896, ibinatay ang muling pagtataya sa populasyon sa ginawang


census ng mga Kastila buhat noong taong 1877. Sa kabuoan, ang populasyong
nakuha ay mahigit anim na milyon na may taunang paglaki sa bilis na kalahating
bahagdan mula noong census ng 1887.

Bumilis ang paglaki ng populasyon dahil sa naranasang pagbuti ng


kalusugan ng nakararami. Napigilan ang pagkalat ng mga epidemya ng kolera,
bulutong at salot nang itatag ang Kawanihan ng Kalusugan at Paglilingkod
Kuwarentenas. Ang mga mamamayan ay natuto ng wastong pangangalaga sa
kalusugan at kalinisan. Sa pag-alis ng mga Amerikano noong 1948, tinatayang
19,234,182 ang dami ng mga Pilipino. Lumaki ang populasyon ng Pilipinas
habang lumilipas ang panahon. Mula noong 1970, ang populasyon nating 36.7
milyon ay umabot sa 48.39 milyon noong 1980. Ang antas ng pamumuhay noon
ay tumaas din.
Mula sa: https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6807

CO_Q2_Filipino6_Module13

2
Panuto: Itala ang datos na hinihingi sa talahanayan mula sa binasang teksto
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Itinuturing na kayamanan ng
Pilipinas.
2. Mga naitalang populasyon sa
sumusunod na taon:
 1570
 1591
 1948
 1970
 1980
3. Mga epidemyang kumalat at
napigilan.
4. Institusyong itinatag para
mapigilan ang pagkalat ng mga
epidemya.
5. Ang natutuhan ng mga
mamamayan matapos ang
epidemya.

CO_Q2_Filipino6_Module13

3
Aralin Pagtatala ng Datos Batay sa
1 Binasang Teksto

Balikan

Panuto: Basahin ang sumusunod at gawin sa sagutang papel ang gawain sa ibaba

Pagsali sa Hiphop Dance, Di-natuloy!


Si Majah Jusan ay isang mag-aaral sa kolehiyo na kumukuha ng kursong
edukasyon medyor sa Physical Education (P.E.) sa isang pribadong paaralan sa
Capiz. Isang araw itinalaga siyang isa sa mga miyembro ng hiphop dancers sa
kanilang departamento at sasabak sa paligsahan sa araw ng Foundation ng
paaralan nila. Habang sila ay nag-eensayo sumakit ang kaniyang ulo, sumunod
ang lagnat, dahil sumasayaw hindi niya ito pinapansin. Halos tatlong araw rin
na pabalik-balik ang kaniyang lagnat. Sinabihan ng ina na huwag ng sumali sa
paligsahan pero ayaw niya. Gustong-gusto niya kasi ang pagsasayaw. Dahil
nag-aalala ang ina bago siya pinabalik para sa practice nagpacheck up muna
sila sa doktor at napag-alaman na positibo siya sa dengue. Pinagpahinga siya ng
ina. Ngunit sunod na araw, bumalik na naman siya sa pag-eensayo hanggang sa
saulado na niya ang sayaw. Gabi bago ang paligsahan sumama ang kaniyang
pakiramdam nahirapan siyang huminga at sakit nang sakit ang kaniyang tiyan.
Agad sinabi ng ama na dadalhin siya sa ospital. Ngunit ayaw niya kasi may
contest nga kinabukasan. Pinagalitan siya ng ama kaya nagdesisyon na ring
sumunod sa sinabi ng ama ngunit siya ay iyak nang iyak. Alam niya na madi-
disqualify ang grupo nila dahil kulang ng isang miyembro.
Sariling Katha: Susan J. Quistadio

Gawain: Ipahayag ang iyong sariling ideya sa pamamagitan ng paglalarawan. Sumulat ng


pangungusap na naglalarawan na makikita sa bawat bilang. Gumamit ng mga pang-uri
at pang-abay sa pagpapahayag ng iyong ideya.

Ilarawan ang sumusunod: Pangungusap na nagpapahayag ng sariling


ideya sa pamamagitan ng paglalarawan
1. Si Majah Jusan bilang isang hiphop
dancer
2. Ang pag-eensayo ng mga hiphop
dancers
3. Nang magkasakit ng dengue si Majah
4. Ang mga magulang ni Majah
5. Ang damdamin ni Majah sa kaniyang
desisyon na pagsunod sa ama

CO_Q2_Filipino6_Module13

4
Tuklasin

Dagdagan pa natin ang iyong


kaalaman kaibigan. Halika at basahin ang
teksto sa ibaba. Unawain ng mabuti ang
teksto at itala ang mahahalagang
impormasyon mula sa binasa.

Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Gawin ang kasunod na gawain sa iyong
sagutang papel.

Ang Coronavirus

Ang cononavirus ay pamilya ng mga virus na nagbibigay ng iba’t ibang uri


ng sakit gaya ng mula sa karaniwang ubo at sipon hanggang sa mas
malulubhang impeksiyon. Kung malubha ang kaso, puwede itong maging
sanhi ng pneumonia, acute respiratory syndrome, problema sa bato, at
pagkamatay. Ang karaniwang sintomas ng sakit na dulot nito ay hirap at pag-
iksi ng paghinga, lagnat, at ubo’t sipon. Naipapasa ang virus na ito sa
pamamagitan ng droplet transmission o paglanghap sa tumalsik na laway na
napunta sa hangin mula sa taong infected o positibo dito. Gaya rin ito ng pag-
spray ng tubig sa hangin.

Kailangan pangalagaan at protektahan ang sarili laban sa sakit na dulot


nito sa pamamagitan ng pagsunod sa protective measures na ipinatutupad ng
pamahalaan sa paggabay ng Kagawaran ng Kalusugan. Ito ay gaya ngunit
hindi limatado sa sumusunod: paghugas lagi ng kamay gamit ang sabon at
paggamit ng alcohol at hand sanitizer, pagsusuot ng face mask at face shield
sa tuwing lalabas ng bahay, pag-iwas sa matataong lugar, pagsunod sa social
distancing, pagtakip sa bibig kung bumabahing, pag-iwas sa mga taong
kinakitaan ng sintomas ng sakit, pag-inom ng maraming tubig, pagtiyak na
luto ang mga pagkaing kinakain, at agarang. pagkonsulta sa doctor kung
nakaramdam ng mga sintomas.

Protektahan ang sarili at komunidad. Maging ligtas sa COVID-19.

CO_Q2_Filipino6_Module13

5
Gawain: Itala ang mga hinihinging datos/impormasyon sa balangkas mula sa
binasang teksto. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

______________________________

Pamagat

I. Kaalaman tungkol sa coronavirus

A. _______________________________________________

B. _______________________________________________

II. Mga karaniwang sintomas ng sakit dulot ng coronavirus

A. _______________________________________________

B. _______________________________________________

C. _______________________________________________

III. Dahilan ng pagpasa o pagkahawa ng sakit dulot ng coronavirus

A. _______________________________________________

IV. Protective Measures o pamamaraan ng pag-iwas sa sakit dulot ng

coronavirus

A. _______________________________________________

B. _______________________________________________

C. _______________________________________________

D. _______________________________________________

E. _______________________________________________

F. _______________________________________________

G. _______________________________________________

H. _______________________________________________

CO_Q2_Filipino6_Module13

6
Suriin

Balikan natin ang iyong binasang teksto sa bahaging TUKLASIN. Suriin natin
kung paano mo itinala ang mga datos mula sa iyong binasa.

Paano mo itinala ang mga hinihinging datos sa balangkas mula sa iyong


binasa?

Mahusay! Binasa mong mabuti at inunawa ang teksto at sinuring mabuti mula
sa binasa ang hinihinging impormasyon sa balangkas.

Mahalagang kasanayan na dapat mong matutuhan ang


pagtatala ng datos mula sa napakinggan, nabasa, o napanood.
Ito ay isang pamamaraan ng pagsusuri na hahasa sa iyong
kritikal at mapanuring pag-iisip.
Sa pamamagitan ng pagtatala ng mahahalagang datos,
maipakikita at mapatutunayan mong naunawaan mo ang
iyong pinakinggan, binasa o pinanood. Maaari ding magamit
ang mga naitalang datos o impormasyon para sa hinaharap at
sa iba pang makabuluhang layunin.

Paano ba ang epektibong pagtatala ng datos mula sa binasa?

Ang pagtatala ng datos mula sa tekstong binasa ay mahalaga lalo pa’t kung ikaw
ay inatasan na gumawa ng ulat pagkatapos ng pagbasa. Mahalagang alam mo
kung ano ang iyong binabasa at kung ano ang iyong layunin sa pagbasa nito.

Narito ang tatlong yugto ng pagtatala ng datos.

1. Panimulang paghahanap- sa bahaging ito tinitingnan ang pisikal na


anyo ng teksto, ang pamagat, may-akda at maging ang haba nito.
2. Pagsusuri- suriin kung anong teksto ang iyong pagkukunan ng
impormasyon kasama na ang wikang ginamit sa akda.
3. Pagbasa at pagtatala- basahin nang may pag-unawa at itala ang
mahahalagang impormasyon. Kung kailangang basahing muli upang
higit na maunawaan ang akda ay gawin ito. Balikan ang mga
kahilingan nang sa ganoon ay maitala ang kakailanganing sagot o
impormasyon. Siguraduhing wasto ang mga datos na natatala upang
ito ay maging kapani-paniwala.

CO_Q2_Filipino6_Module13

7
Pagyamanin

Gawain 1
Basahin ang akda at itala ang mga datos o impormasyon na hinihiling
pagkatapos nito.

Talambuhay ni Manny Pacquiao


Si Emmanuel “Manny” Pacquiao o Pacman, ay isinilang noong ika-17, ng
Disyembre 1978, isang Pilipinong propesyonal na boksingero at politiko. Siya
ang kauna-unahang kampeon ng walong dibisyon. Nanalo ng sampung titulo at
unang nakakamit ng Lineal Championship sa limang magkakaibang dibisyon.
Isang senador sa kasalukuyan na nagsimula noong Hunyo 30, 2016.
Emmanuel Dapidran Pacquiao ang buong pangalan na isinilang a Kibawe,
Bukidnon. Anak nina Rosalio Pacquaio at Dionisia Dapidran. Jinkee Jamora
Pacquiao naman ang pangalan ng kaniyang asawa at may limang anak na sina
Emmanuel Jr, Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth at Israel.
Kasalukuyang naninirahan sa Kiamba, Sarangani. Ngunit kilalang maraming
bahay na nabili at naipatayo sa maraming lugar sa Pilipinas at maging sa ibang
bansa.
Si Pacman ay binansagang Fighter of the Year noong taong 2000 ng Boxing
Writers Association of America, at World Boxing Council. Naging Fighter of the
Year din siya noong 2006,2008,2009 ng The Ring at BWAA. Best fighter ESPY
Award noong 2009 at 2011.

Ang mga titulong kampeon nito ay IBO World Junior Welterweight, kampeon ng
WBC World Lightweight, kampeon ng The Ring World Junior Lightweight.
kampeon ng WBC World Super Featherweight, kampeon ng The Ring World
Featherweight. kampeon ng IBF World Junior Featherweight, at kampeon ng
WBC World Flyweight. Kampeon rin sa WBC Emeritus, kampeon ng WBC
Diamond, WBO Super Champion.
Kinilala rin siyang Pambansang Kamao at bayani ng mga Pilipino.

Sariling Akda Susan J. Quistadio

I. Ibigay ang buong pangalan ni Manny Pacquiao


A. ______________________________________________
II. Pangalan ng asawa ni Manny Pacquiao
A. ______________________________________________

CO_Q2_Filipino6_Module13

8
III. Pangalan ng magulang Ni Manny Pacquaio
A. __________________________ tatay
B. __________________________ nanay

IV. Isa-isahin ang mga anak ni Manny Pacquiao


A. _________________________________
B. _________________________________
C. _________________________________
D. _________________________________
E. _________________________________

V. Itala ang mga titulong napanalunan ni Manny


A. _____________________________
B. _____________________________
C. _____________________________
D. _____________________________
E. _____________________________
F. _____________________________
G. _____________________________
H. _____________________________
I. _____________________________
J. _____________________________

Isaisip

Tandaan natin ito!

A. Punan ang sumusunod na talahanayan.

ANO-ANO ANG MGA DAPAT ISAALANG-


ALANG SA PAGTATALA NG DATOS GAANO ITO KAHALAGA?
MULA SA BINASANG TEKSTO?

B. Kompletuhin ang sumusunod na pahayag.

CO_Q2_Filipino6_Module13

9
Kinakailangang maayos ang pagtatala ng datos mula sa binasang teksto
dahil____________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

Isagawa

Basahin ang teksto at itala ang datos o impormasyong hinihingi. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
Masaya si Liza nang makita niya ang naging pagbabago ng kaniyang
marka sa matematika noong nakaraang anim na buwan mula Hulyo hanggang
Disyembre ang marka niya sa Hulyo 85, Agosto 87, Setyembre 90, Oktubre 90,
Nobyembre 92 at Disyembre 95.

A. Asignaturang binanggit sa talata


____________________________________
B. Batang tinutukoy
____________________________________
C. Buwang 90 ang marka si Liza
____________________________________
D. Buwang siya may pinakamababa na marka
_____________________________________
E. Buwang siya ay may pinakamataas na marka
_____________________________________

Tayahin

Ang galing kaibigan. Umabot ka na


sa Tayahin. Ano madali lang ba?
Sukatin natin ngayon ang nabuo
riyan sa isipan mo. Sagutin mo nang
tama ang bawat katanungan dito ha?
Sige simulan mo na.

CO_Q2_Filipino6_Module13

10
Basahin ang teksto at itala ang mga datos ng makikita rito ayon sa
kahilingan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Benepisyo ng Luya

Luya, isang halamang may halong dilaw at berde na kulay ngunit mas
kilala sa ugat nito o ginger root sa Ingles ay karaniwang ginagamit bilang sangkap
sa pagluluto. Kilala ito sa kakaibang binibigay na lasa at pantanggal ng lansa sa
pagkain.
Subok din ang luya sa usaping pangkalusugan. Ito’y hinihiwa ng pinong-
pino upang gawing tsaa o salabat. Ayon sa United States Department of
Agriculture National Nutrient Database, mayaman sa carbohydrates, fiber, at
protein ang luya. Maliban dito taglay rin nito ang potassium, magnesium,
phosphorus, at sodium. Kasama pa ang bitamina C, B5 at folate. Marami rin itong
anti-inflammatory at antioxidants.

Nakatutulong ang luya sa paggamot ng sakit tulad ng ubo, sipon, at


makating lalamunan. Sa panahon ngayon ng pandemya na dala ng COVID-19
ito’y sinusubok ng karamihan. Sa kadahilanang inaatake ng virus ang respiratory
system kabilang ang ilong, lalamunan, at hanggang baga na may sintoma ng ubo,
sipon at makating lalamunan.
Bagama’t maraming nagsasabing ito ay nakatutulong sa paggamot o
paglaban sa naturang virus, hindi pa ito napapatunayan scientifically.
Sariling akda: Susan J. Quistadio

Pagtatala sa balangkas

_______________________
Pamagat

I. Gamit ng luya sa pagluluto


A. ___________________________
B. ___________________________
II. Taglay ng luya ayon sa United States Department of Agriculture
National Nutirents Database
A. ___________________________
B. ___________________________
C. ___________________________
III. Maliban sa natuklasan ng USDA/NND, itala ang iba pang taglay ng
luya.
A. __________________________
B. __________________________
C. __________________________
D. __________________________
E. __________________________
F. __________________________
G. __________________________
CO_Q2_Filipino6_Module13

11
H. __________________________

IV. Karamdamang ginagamot ng luya


A. ____________________________
B. ____________________________
C. ____________________________

Karagdagang Gawain

Basahin at unawaing mabuti ang akda at itala ang datos na makukuha rito
ayon sa kahilingan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Bakuna o Vaccine

Sa panahon ng Pandemya na dala ng COVID-19 ang tao ay natatakot at


nangangamba at naghahanap ng lunas o panangga sa nasabing virus. Kaya
ang bakuna ay isa sa naisip ng nakararami maging ng pamahalaan na
makapapawi sa takot at pangamba ng mga tao.
Ano nga ba ang bakuna o Vaccine?
Ang bakuna o baksinasyon ay ang pagbibigay sa isang tao ng isang
sustansiyang nakasasanhi ng tugon o pagpapalakas ng sistemang imyuno ng
isang tao. Isang paraan ang sistemang imyuno ng paglaban ng katawan sa mga
impeksiyon. Dahil sa tulong ng sistemang imyuno mas mapabababa ang
pagkakaroon ng impeksiyon. Kapag nalantad ang isang tao sa virus o
bakteryang nakapagdudulot ng sakit, mapaglalabanan niya ito at hindi siya
magkakaroon ng karamdaman o sakit.
Naisasagawa o nakukuha ito sa pamamagitan ng pag-inom o pagturok
na kadalasan ay sa braso.

Sariling akda: Susan J. Quistadio

Pagtatala ng Datos

__________________________

Pamagat

I.Sistemang tutugunin ng bakuna sa katawan ng tao

A. __________________________________

CO_Q2_Filipino6_Module13

12
II. Hatid ng COVID-19 sa tao

A. ______________________________
B. ______________________________

III. Kabutihang dulot ng bakuna

A. __________________________________
B. __________________________________
C. __________________________________

Tala para sa Guro


Iwawasto ng guro ang posibleng sagot ng mag-aaral.

Nasagot mo ba nang tama ang mga


tanong? Binabati kita dahil natapos mo ang
lahat ng pagsubok sa ating paglalakbay.
Batid kong naging masaya ka sa ating
paglalakbay kaya naman sa susunod mong
pag-aaral, asahan mong ako ay iyong
makakasama sa Modyul 14: Pagsulat ng
sulating Di-Pormal at Pormal

CO_Q2_Filipino6_Module13

13
14
CO_Q2_Filipino6_Module13
Pagyamanin
I.A. Emmanuel Dapidran Pacquiao
II. A. Jinkee Jamora Pacquiao
III.A. Rosalio Pacquaio
B. Dionisia Dapidran Pacquaio
IV. A. Emmanuel Jr
B. Michael Stephen
C. Mary Divine Grace
D. Queen Elizabeth
E. Israel
V. Ang mga titulong kampeon nito ay
A. kampeon sa IBO World Junior Welterweight,
B.kampeon ng WBC World Lightweight,
C.kampeon ng The Ring World Junior Lightweight.
D.kampeon ng WBC World Super Featherweight.
E. kampeon ng The Ring World Featherweight.
F. kampeon ng IBF World Junior Featherweight. At
G.kampeon ng WBC World Flyweight.
Tuklasin
H. Kampeon rin sa WBC Emeritus,
Pamagat: Ang Coronavirus
I.A. Pamilya ng mga virus na nagbibigay ng iba’t I. kampeon ng WBC Diamond,
ibang uri ng sakit
J. WBO Super Champion.
B. puwede itong maging sanhi ng pneumonia,
acute respiratory syndrome, problema sa bato,
at pagkamatay
II. A.hirap/iksi ng paghinga Balikan Subukin
B.lagnat 1.May dedikasyon 1. populasyon o yamang tao
C. ubo’t sipon sa pagiging dancer 2. 1570- kalahating milyon
III.droplet transmission 2.Masigasig ang 1591- 667,612
IV. A.paghugas lagi ng kamay gamit ang sabon hiphop dancers sa 1948- 19,234,182
B.paggamit ng alcohol at hand sanitizer, pag-eensayo 1970- 36.7 milyon
C.pagsusuot ng face mask at face shield sa 3.Nag-alala ang 1980- 48.39
tuwing lalabas ng bahay, lahat nang 3. Kolera
D. pag-iwas sa matataong lugar, magkasakit si Majah Bulutong
E. pagsunod sa social distancing, 4.Mapagmahal at 4. Kawanihan ng Kalusugan at
mapagmalasakit ang Paglilingkod Kuwarentas
F. pagtakip sa bibig kung bumabahing, mga magulang ni 5. Natuto sa wastong
G. pag-iwas sa mga taong kinakitaan ng Majah. pangangalaga sa kalusugan
sintomas ng sakit, 5.Nalungkot si at kalinisan.
H. pag-inom ng maraming tubig, Majah kaya siya ay
napa-iyak.
Susi sa Pagwawasto
15
CO_Q2_Filipino6_Module13
Tayahin
Pamagat -Benepisyo ng Luya
I.a. nagbibigay ng lasa
b. kumukuha ng lansa
II. a. carbohaydrates
b. fiber
c. protein
III.a. potassium
b.magnesium
c.phosphorus
Karagdagang Gawain d. sodium
Pamagat- Bakuna o Vaccine e.Vit. C
Isagawa
I. a. Sistemang Imyuno f. B5
II. a.. takot g. folate 1. matematika
b. pangamba h. anti-inflammatory antioxidants 2. Liza
III. a. paglaban ng katawan sa IV. a. ubo 3. 90
impeksiyon b. sipon 4. Hulyo
b. lalabanan ang virus o bakterya c. makating lalamunan 5. Disyembre
c. hindi magkakasakit
ISAISIP
Mga posibleng sagot o maaring nakadepende sa guro ang sagot (Idagdag sa kahon)
A.
Nangangailangan ito ng masusing pagbabasa Makuha natin ang inihahatid ng teksto o
at talas ng pang-unawa ang mensahe nito.
Maging mapagmatyag sa bawat datos o Pagkakaroon ng matibay at tumpak na
impormasyon kung ito nga ba ang mga batayan ng mga kaalamang dapat nating
kinakailangan mong kunin. mabatid.
B. ito ang magdudulot ng tiyak na datos o impormasyong ating makukuha at maipababatid sa
iba pang nagnanais na magkaroon ng sapat na impormasyon tungkol sa tiyak na teksto.
Sanggunian:

 2016 K to 12 Gabay Pangkurikulum (F6SS-IIa-6) Filipino 6, pahina 121


 Most essential learning Competencies (MELCs) F6SS-IIb-10, pahina 167
 https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6807
 https://lrmds.deped.gov.ph/detail/1142
 https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6807
 Sariling akda ni Susan J. Quistadio

CO_Q2_Filipino6_Module13

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

CO_Q2_Filipino6_Module13

You might also like