You are on page 1of 12

4

EPP - ICT
Markahan 4 - Modyul 8:
PAGSAGOT AT PAGPAPADALA NG
EMAIL NA MAY ATTACHMENT
EPP – ICT – Ika-apat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Markahan 4 – Modyul 8: Pagsagot at Pagpapadala ng Email na may Attachment
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jenny Mae B. Tubil
Editor: Mark Dave M. Vendiola, Reynald M. Manzano
Tagasuri: Jun Rey M. Gubaton, Mark Dave M. Vendiola, Reynald M. Manzano
Tagalapat: Jenny Mae B. Tubil
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispi, EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Antonio B. Baguio, Jr. EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
4
EPP - ICT
Markahan 4 - Modyul 8:

PAGSAGOT AT PAGPAPADALA NG
EMAIL NA MAY ATTACHMENT
Alamin

Maliban sa nakasulat na nais nating ipadala sa ibang tao, maaaring


may mga dokumento rin tayong nais ilakip sa ating ipinadadala. Dati,
inilalakip sa sulat ang mga dokumento o gamit na nais ipadala. Ang mga
dokumento o gamit na kalakip sa sulat ay may karagdagang bayad depende
sa timbang nito. Dahil pinadali na ng teknolohiya ang buhay ng mga tao, ang
paglalakip o paglalagay ng attachment sa mga dokumento sa isang email ay
maaari na ring gawin sa mabilis, magaan, at libreng paraan.
Ang pagsagot at pagpapadala ng email na may kalakip na dokumento
ang kokompleto sa iyong kaalaman sa email.
Layunin:
1. Nakasasagot sa email ng iba
2. Nakapagpapadala ng email na may kalakip na dokumento o iba pang
file media
3. Napahahalagahan ang mga panuntunan sa paggamit ng email

Subukin

Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman at kasanayan?


Maglagay ng tsek ( ) sa hanay ng thumbs up icon kung taglay mo na ito o
ang thumbs down icon kung hindi pa.

KASANAYAN/KAALAMAN

1. Nakapagpapadala ng email na may


kalakip na dokumento o iba pang media
file.

2. Nakapagbubukas ng dokumentong
kalakip ng isang email.

1
Aralin
PAGSAGOT AT PAGPAPADALA NG
8 EMAIL NA MAY ATTACHMENT

Balikan

Kailan ka huling
nakatanggap ng
mensahe sa
email o sa
cellphone?
Nasubukan mo na bang
magpadala ng email na
may kalakip na mga
dokumento o iba pang
media file?

https://bit.ly/3nx4JJT

Tuklasin

Gawain A: Natatandaan Mo Pa Ba?

Inutusan si Christian ng kanyang nanay na bumili


mantika, bawang, sibuyas at paminta na gagamitin niya sa
kanyang lulutuing pagkain. Habang si Christian ay
naglalakad papuntang tindahan, nakita niya ang kapitbahay
nila na naglalaro. Siya ay pumanhik sa mga ito at
nakipaglaro. Makalipas ang ilang oras, siya ay dali-daling
tumakbo papuntang tindahan sapagkat naalala niyang siya
pala ay inutusan ng kanyang nanay. Kung ikaw si Christian,
natatandaan mo pa ba ang ipinabibili ng nanay mo?

2
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Sino ang inutusan ng nanay na bumili sa tindahan?
2. Ano – ano ang ipinabibili ng nanay niya?
3. Ano ang ginawa ni Christian kasama ang kanilang kapitbahay?
4. Kung ikaw si Christian, matatandaan mo pa kaya ang ipinabibili ng
nanay mo?
Mahalaga ang pagtanggap ng mensahe sa kahit na anong uri o porma
ng komunikasyon. Ang maayos na pag – unawa sa natanggap na mensahe at
pagsagot dito ay bahagi ng pang-araw-araw na buhay. Ang sumusunod na
mga Gawain ay magbibigay sa atin ng kaalaman at kasanayan sa pagsagot at
paglakip ng mga dokumento sa email.

Suriin

Gawain B: “Email Mo… Sasagutin Ko…” (Pagsagot sa Isang Email)


1. I-click ang Inbox. Buksan ang iyong email na naglalaman ng mensahe
tungkol sa pagsisimula ng Remote Enrollment.

2. I-click ang “Reply” matapos basahin ang mensahe. I-type sa lumitaw


na message box ang tugon sa mensahe.

3
3. I-click ang “Send” matapos i-type ang sagot sa naunang mensahe.

Pagyamanin

Gawain C: “Attach Mo Sa Email Mo.” (Pagpapadala ng Email na may


kalakip na dokumento o iba pang media files)

1. Buksan ang nagawang email sa http://www.gmail.com

2. I-click ang Compose Mail.

3. I-click ang Attach a file.

4
4. I-click ang “Browse” upang mahanap ang Folder kung saan nakalagay
ang ilalakip na file. Maaari mong ilakip ng isa-isa ang mga dokumento
na nais mong ipadala. Ang kabuuang laki ng files na maaari ming ilakip
sa email ay hanggang sa 25MB.

5. I-click ang Open.

6. Kung ganap na nailakip ang dokumento, makikita ito sa link ng


attachment names.

7. I-click ang “Send”.

Isaisip

Malaking tulong sa mabilis at epektibong komunikasyon


ang kaalaman at kasanayan sa paggawa ng sariling email,
pagpapadala ng mensahe, pagsagot ng email ng iba, at
https://
pagpapadala ng email na may kalakip na ibang dokumento o bit.ly/2P
media files. v62wi

5
Isagawa

Gawain D: “Ise-send Ko, Proyekto Ko” (Pagpapayaman ng


Aralin)
• Gamit ang iyong account, gumawa ka ng email na may kalakip na
dokumento tungkol sa isang proyektong iyong ginawa gamit ang
office document.
• I-send ang email na ito sa iyong guro.

Tayahin

Panuto: Punan ang mga nawawalang titik upang mabuo ang wastong
sagot sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Aling button ang iki-click kung nais makita at mabasa ang bagong
email na ipinadala sa iyo.

I B X

2. Anong button ang iki-click kung nais mong sagutin ang isang email?

R E Y

3. Alin ang iki-click kung nais mong maglakip ng isang dokumento o Iba
pang media files sa iyong email?

A T C

4. Ano ang iki-click kung tapos na nag paggawa ng email at handa na


itong ipadala?

E N

5. Ano ang iki-click para mapili ang dokumentong ilalakip sa email?

B W S

6
Karagdagang Gawain

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga paraan sa pagsagot sa email na may


kalakip na dokumento. Gamitin ang titik A, B, C, D, at E upang maipakita
ang pagkakasunod-sunod nito. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

1. I-click ang Attach a file link.

2. Buksan ang email na ipinadala sayo.

3. I-click ang “Browse” at “browse file” na iyong ilalakip at i-click


ang OK.

4. Matapos itong basahin, i-click ang “Reply”. I-type ang sagot sa


mensahe na ipinadala sa iyo.

5. I-click ang “Send”.

Susi sa Pagwawasto

BROWSE 5.
SEND 4.
ATTACH 3.
ibang kasagutan. REPLY 2.
magkaroon ng iba’t INBOX 1.
-Maaaring
Tayahin
Balikan

kasagutan
ibang kasagutan. iba’t ibang
magkaroon ng iba’t magkaroon ng
-Maaaring -Maaaring

Subukin Tuklasin

7
Mga Sanggunian

Aklat

Samadan, Eden F, Marlon L Lalaguna, Virgilio L Laggui, and Marta R


Benisano. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4:Kagamitan Ng
Magaaral. Pasig City: Vibal Group Inc., 2015.

Websites

“Boy Is Questioning Clipart.” Creazilla, creazilla.com/nodes/36003-boy-is-


questioning-clipart.

“Boy Thinking Clipart - Thinking Boy Cartoon Png Transparent Png


(#1941236) - PikPng.” PikPng.com,
www.pikpng.com/pngvi/mwJmmw_boy-thinking-clipart-thinking-boy-
cartoon-png-transparent-png/.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like