You are on page 1of 6

Entrepreneurship/ Information and Communication Technology

Kakayahan: 5.3. Nakapagpapadala ng email na may kalakip na dokumento o iba pang


media file

I. LAYUNIN
1. Nakasasagot sa email ng iba.
2. Nakapagpapadala ng e-mail na may kalakip na dokumento o iba pang media file. 3.
Napahahalagahan ang mga panuntunan sa paggamit ng email

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa : Pagsagot sa Email ng Iba Pagpapadala ng Email na may Kalakip na Dokumento
(attachments) at Iba pang Media File
Sanggunian : K to 12 CG p.7 - EPP4IE – Oh 18, LM pp.161-167

Online Resources:
▪https://www.netliteracy.orgwp-contentuploads201207Basic-EmailSkills
▪https://ph.answers.yahoo.com/question/index?qid=20080919100910AArqowd
▪http://www.computerhope.com/issues/ch000887.htm
▪Computer Hope: How can I send an Attachment in E-mail?
Kagamitan : computer, internet, PowerPoint presentation.
Araw :1

Integrasyon : Home Economics, ESP

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik- Aral: Paksa: Ang E-mail
Sagutin: 1. Ano ang gagawin mo kung may natanggap kang email?
2. Ano-ano ang mga hakbang sa pagsagot ng email?
2. Pagasanay
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ito ay isang computer software na ginagamit upang maghanap at makapunta sa iba’t
ibang websites. A. web browser B. website C. Google Chrome
2. Ito ang pinakamabilis na paraan ng pagpapadala at pagtanggap nbg mensahe gamit
ang internet. A. sulat B. facebook C. e-mail
3. Pag-alis ng Balakid
Multimedia files- ito ay maaring graphic files, sound files at video files.
Attach- iki-click kung nais momng maglakip ng dokumento o iba pang media files.
Browse- iki- click para mapili ang dokumentong ilalakip sa e-mail.
B. Gawaing Pagganap o Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Tukuyin ang mga larawang ipinakita, ano ang gamit ng mga ito?
C. Paraan ng Pagganap:
A. Paglalahad
1. Mula sa mga larawang inyong nakita saan at paano kaya ito ginagamit?
2. Bakit mahalagang malaman ang bawat gamit ng mga ito?
3. Makatutulong ba ang paggamit ng mga ito para mapabilis ang pagpapadala ng
kinakailangang dokumento?

4. Talakayin ang kahalagahan ng pagpapadala ng email na may kalakip na dokumento


o attachments.
➢ Malaking tulong sa mabilis at epektibong komunikasyon ang kaalaman at
kasanayan sa paggawa ng sariling email, pagpapadala ng mensahe, pagsagot sa
email ng iba, at pagpapadala ng email na may kalakip na ibang dokumento at
media files, email, email media files.
➢ Mas mapapabilis ang pagpapadala ng dokumento kung ito ay idadaan s
pamamagitan ng email.
➢ Makakatulong din ang mga ito upang makatipid sa pera, oras at pagod.
Mga halimabawa ng dokumento o attachments na maaring ipada:
- Video file - Audio file
- Text and graphic file - Pictures
1. Ipakita ang halimbawa ng isang e-mail na may kalakip na dokumento.
Mga hakbang sa pagdadala ng email na may attachments o dokumento: A.
Buksan ang nagawang email sa
http://www.gmail.com.
B. I-click ang Compose Mail.

C. I-click ang Attach a file.

D. I-click ang “Browse” upang mahanap ang Folder kung saan nakalagay ang ilalakip ng
file. Maaari mong ilakip ng isa-isa ang mga dokumento na nais mong ipadala. .

E. I-click ang OK
F. Kung ganap na nailakip ang dokumento, makikita ito sa link ng attachment names.
G. I-click ang “Send”.

4. Pangkatin ang mga mag-aaral at ipagawa ang gawain na nasa ibaba. Isulat ang mga
nakalap na impormasyon sa papel at hayaan silang iulat ang kanilang ginawa.

Gawain A. “Attach Mo sa Email Mo”.


(Pagpapadala ng email na may kalakip na dokumento o iba pang media files)
Panuto:Pumili ng invatition card o anumang uri ng atttachments at ipadala sa email ng
iyong kaibigan.

D. Paglalahat
Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang matutunan mo ang pagsagot at pagpapadala ng
email na may attachments o kalakip na dukomento?
Paano makatutulong ang pagpapadala ng email na may attachments o kalakip na
dokumento?
Kailang mo pwedeng sabihin na ito ay nakakatulong sa isang mag-aaral na tulad mo?
Paano at kalian nakakatulong sa mag-anak ang ganitong gawain?

IV. PAGTATAYA
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga paraan sa pagsagot sa email na may kalakip na
dokumento. Gamitin ang titik A, B, C, D, at E upang maipakita ang
pagkakasunod-sunod nito.

________1. I-click ang Attach a file link.


________2. Buksan ang email na ipinadala sa iyo.
________3. I-click ang “Browse” at “browse file” na iyong ilalakip. at i-click ang OK.
________4. Matapos itong basahin i-click ang “Reply”. I-type ang sagot sa mensahe na
ipinadala sa iyo.
________5. I-click ang “Send”.

V. KARAGDAGANG GAWAIN
Gamit ang dating pagpapangkat, maaaring ituloy ang gawain sa paglakip o pag-attach
ng dokumento at iba pang media files sa email. Ang mga mag-aaral na nakagawa na nito ay
maaaring gabayan ng mga kamagaral na di nagkaroon ng pagkakataong magawa ito.
ACTIVITY SHEET
“Attach Mo sa Email Mo”.
(Pagpapadala ng email na may kalakip na dokumento o iba pang media files)
Panuto:Pumili ng invatition card o anumang uri ng atttachments at ipadala sa email ng
iyong kaibigan.

Mga hakbang sa pagdadala ng email na may attachments o dokumento: A.


Buksan ang nagawang email sa
http://www.gmail.com.
B. I-click ang Compose Mail.

C. I-click ang Attach a file.

D. I-click ang “Browse” upang mahanap ang Folder kung saan nakalagay ang ilalakip ng
file. Maaari mong ilakip ng isa-isa ang mga dokumento na nais mong ipadala. .

E. I-click ang OK
F. Kung ganap na nailakip ang dokumento, makikita ito sa link ng attachment names.
G. I-click ang “Send”.

Rubrik sa Pagpapadala ng email na may kalakip na dokumento o attachments.


Lagyan ng Tsek ang nararapat na puntos sa bawat pamantayan.
Pamantayan Puntos

4 3 2 1
1. Paggamit ng Attachments
Gumamit ng uri ng attachment na nais ilakip sa
email(tulad ng litrato, video,audio, o document
files)
2. Pagsunod ng wastong pamamaraan
Nasunod ng wasto ang mga pamamara
3. Bilis ng Gawain.
Naisagawa sa tamang oras na itinakda ang
gawain.

4. Pagkama- ideya
May sariling ideya sa paggamit ng mga
attachments na nais ilakip (tulad ng litrato,
video,audio, o document files)

Kabuuang Puntos

Pagpapakahulugan:
20-16 – Napakahusay
15-11 – Mahusay
10-6 – Hindi Gaanong Mahusay
5-1 – Kailangan pang Paghusayin

Source : www.gtps.k12.nj.us

You might also like