You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF GAPAN CITY
MANGINO ELEMENTARY SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA EPP 4

Paaralan: MANGINO ELEMENTARY SCHOOL Baitang: IV


Guro: DARWIN G. GONZALES Asignatura: EPP-ICT/
Petsa/Araw: Quarter: FIRST-WEEK 8
Oras: Pinuna ni:
CARMENCITA S. PINTOR
Punungguro III

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang kaalaman at kasanayan sa computer at Internet
Pangnilalaman sa pangangalap at pagsasaayos ng impormasyon
B. Pamantayan sa Pagganap Nakagagamit ng computer at Internet sa pangangalap at pagsasaayos ng impormasyon
C. Mga Kasanayan sa Nakagagawa ng table at tsart gamit ang Electronic Spreadsheet Tool
Pagkatuto EPP4IE -0h-15
(Isulat ang code ng bawat
kasanayan) Pagsasanib: Math, Science, Current Events, Araling Panlipunan, ESP,
Entrepreneurship, MAPEH

Pagpapahalaga : Kahalagahan ng mabuting dulot ng wastong paggamit ng teknolohiya


sa pang-araw-araw na buhay

II. NILALAMAN Paggawa ng Table at Tsart Gamit ang Spreadsheet Tool


KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa gabay ng K-12 MELC pahina 399
guro
2. Mga pahina sa gabay ng SELF-LEARNING MODULE (SLM), EPP-ICT 4 Modyul pahina 26-30
mag-aaral
B. Iba pang kagamitang MS Teams, PowerPoint presentation, laptop, cellphone, audio-visual presentation
pangturo
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang Pagsasanay
aralin at/o pagsisimula ng 1. Ano ang paborito mong online games ngayon?
bagong aralin 2. Saan ka mas madalas magbabad na social media?
a. Facebook
b. Twitter
c. Instagram
d. Snapchat
3. Anong tool ang madalas mong gamitin sa paggawa ng online project report at
activities?
a. Word Document/Microsoft Word
b. Microsoft Powerpoint
c. Microsoft Excel
d. Canva

Tanong:
Sa hinihingi ng makabagong teknolohiya, ano-anong mabuting dulot ang iyong
napupuna at ano-ano naman ang hindi mabuting naidudulot nito?
Balik-Aral
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at piliin ang tamang sagot.

1. Ito ang ginagamit upang ma-adjust ang laki o liit ng text sa isang word document.

A. Font Style C. Bold Text


B. Font Size D. Copy Text

2. Ano ang tawag sa word processing tool na itinuturo ng arrow sa larawan?

A. Font Color C. Text Highlight Color


B. Font Style D. Text Border

3. Ito ang word processing tool na ating ginagamit kung nais nating kapalan ang font ng
letra sa bawat text sa ating document.

A. Text Style C. Text Color


B. Text Bold D. Text Design

4. Ito ang icon sa word processing tool kung saan ginagamit natin upang ma-adjust ang
space ng bawat line o paragraph sa ating text document.

A. C.

B. D.

5. Ano ang tawag sa word processing tool na nakabilog sa larawan?

A. Text Bold C. Text Color


B. Text Borders D. Text Design

B. Paghahabi ng layunin ng
aralin
4 PICS 1 WORD game

Panuto: Kilalaning mabuti ang mga bagay na nasa larawan at buuin ang mga
letrang ibinigay sa bawat bilang upang matukoy ang ngalan nito.

1.
N U M E R I K A L

2.

T E K S T U W A L
3. M I C R O S O F T
O F F I C E

4.

C H A R T

5.
T A B L E

C. Pag-uugnay ng mga Panuto: Basahin ang kwento at sagutin ang mga tanong.
halimbawa sa bagong aralin
ANG E-NEGOSYO NINA SHEM AT JEAN

Nagkasundo ang magkapatid na Shem at Jean na magnegosyo


onlayn upang makaipon ng pera pantulong sa kanilang mga
magulang. Nagpasiya silang magluto ng meryenda at itinda ito
onlayn.

Kumita sila ng Php250 sa unang araw ng kanilang


pagtitinda, Php380 sa ikalawang araw, Php550 sa ikatlong
araw, at Php490 sa ikaapat na araw. Naging maulan ang
ikalimang araw, kaya kumita lamang sila ng Php220.
Upang malaman ang halaga ng kinita sa bawat araw ng
pagbebenta ng meryenda, gumamit sila ng Microsoft office sa
paggawa ng table.
Naisipan din ng magkaibigan na gawan ng tsart ang ulat ng
kanilang kinita sa bawat araw ng pagbebenta.

Mga Tanong:
1. Sa tingin mo ba ay nakatulong kina Shem at Jean ang paggawa ng table ng kanilang
mga kinita sa limang araw ng kanilang pagtitinda? Sa paanong paraan ito
nakatulong?
2. Sa anong paraan naman nakatutulong sa magkaibigan ang ginawa nilang tsart?
3. Ano kayang Microsoft office tool ang ginamit nila Shem and Jean?

D. Pagtalakay ng bagong Pambungad na tanong:


konspeto at paglalahad ng Ano ang Electronic Spreadsheet at saan natin ito maaring gamitin?
bagong kasanayan. #1 Paano makagagawa ng table at chart sa electronic spreadsheet?
Ano ang kahalagahan ng paggawa ng table at chart?

Panonood ng Video lesson:


*(Pagpapaalala sa mga mag-aaral ng pamantayan sa panonood ng VIDEO LESSON)
Pagbasa o panonood ng aralin tungkol sa
Paggawa ng Table at Chart sa Electronic
Spreadsheet

Nilalaman ng video lesson

Electronic Spreadsheet Tool


Ang impormasyong numerikal (dami o
bilang, presyo o halaga, timbang at populasyon)
at tekstuwal na impormasyon (pangalan,
produkto at aytem) ay maaaring magbigay ng
mahalagang kaalaman sa atin kung ang mga ito ay isasaayos at maipapakita gamit ang
table at tsart. Ang spreadsheet application ay isa pang software na maaaring gamitin
upang makagawa ng mga table at tsart. Kadalasan itong may isang workbook na
naglalaman ng mga worksheets. Bawat worksheet ay naglalaman ng rows at columns.
Ipinapasok ang datos sa loob ng cells. Ang mga cells ay ang mga kahon kung saan
nagtatagpo ang bawat column at row.

Ang cell name o cell reference ay ang


pangalan ng bawat cell sa spreadsheet. Ang
bawat row ay gumagamit ng numero bilang
label habang ang bawat column ay gumagamit
ng titik o letra. Makikita ang cell reference box
sa bandang itaas ng screen.

I. PAGGAWA NG TABLE SA
SPREADSHEET
Sa pagpasok ng mga datos sa electronic spreadsheet ang tekstuwal na datos ay naka-
align sa kaliwa, samantalang ang mga numerikal na datos ay naka-align sa kanan ng cell.

1. Buksan ang inyong electronic spreadsheet tool.


2. I-type ang sumusunod na datos sa nakatalagang cell. Tandaang pagkatapos i-type ang
datos sa bawat cell, pindutin ang Enter key.
Cell A1: DONNA’S PIZZA HOUSE Cell B4: 700
Cell A2: Pizza Flavor Cell C4: 200
Cell B2: Kinita sa Site 1 Cell A5: Pepperoni
Cell C2: Kinita sa Site 2 Cell B5: 800
Cell A3: Hawaiian Cell C5: 200
Cell B3: 700 Cell A6: Seafood
Cell C3: 200 Cell B6: 900
Cell A4: Ham and Cheese Cell C6: 150
3. Ayusin (adjust) ang lapad ng bawat column sa pamamagitan ng pagtatapat sa pointer
ng mouse sa linyang naghihiwalay sa dalawang column (border) at hilahin ito.
Pagkatapos mai-type ang datos at ma-adjust ang lapad ng columns ay magkakaroon ka
ng output na katulad nito.
4. I-click ang File tab at piliin ang Save as. I-save ang workbook sa iyong folder at
bigyan ito ng file name na Spreadsheet Table.

A. PAG-FORMAT NG TABLE SA SPREADSHEET


Upang magmukhang mas kaaya-aya ang table sa spreadsheet, maaaring i-format
ang properties ng table. Sundan ang sumusunod na hakbang upang mapaganda ang
table.

A.1 Pag-Center ng mga Teksto at Pag-Merge ng mga Cells


1. Buksan ang iyong file sa nakaraang gawain – Spreadsheet Table.
2. Gamit ang mouse, i-select ang Cell A1 to Cell C1.
3. Sa Home tab ng ribbon ng spreadsheet, makikita ang Merge & Center button. I-click
ito.

4. Pansinin na ang Cell A1 hanggang Cell C1 ay naging isa na lamang at ang teksto ay
napunta sa gitna

A.2 Paglalagay ng Border sa Table

1. I-select ang lahat ng cells ng table.


2. Mag-right click sa loob ng selection.
3. I-click ang Format Cells. Tingnan ang
larawan sa kanan.
4. Magbubukas ang Format Cells
dialog box.
5. I-click ang Border tab.
Magbubukas ang Border dialog
box katulad ng sumusunod na
larawan.

6. Itakda ang line style at kulay ng


border.
7. Siguraduhing nai-click ang Outline at Inside sa ilalim ng Presets upang
mailapat ang formatting.

8. I-click ang OK.


Magkakaroon ka ng
table na tulad nito.
9. I-save ang file.

B. PAGGAWA NG TSART SA SPREADSHEET

Subukin naman nating gumawa ng tsart gamit ang electronic spreadsheet.


Sundan ang sumusunod na pamamaraan:

1. Buksan ang file na Spreadsheet Table.


Gagawa tayo ng column chart mula sa
mga datos na napasok na natin.
2. Gamit ang mouse, i-select ang Cell A2
hanggang Cell C7.
3. Pagkatapos mai-highlight ang cells, i-
click ang Insert tab upang magbukas
ang mga options.
4. I-click ang Column option na nasa
Charts group.
5. Piliin ang 3-D Clustered Column na nasa 3-D Column group. Tingnan ang
larawan sa kanan.
6. Magkakaroon ng tsart sa iyong spreadsheet.
7. I-save as ang file sa iyong folder. Gamit ang bagong file name na Spreadsheet
Chart.

B.1 Paglagay ng Chart Title


Mapapansin na wala pang pamagat ang ating tsart. Sundan ang sumusunod na
pamamaraan upang lagyan ito ng pamagat.
1. I-click ang tsart na napili.
2. Magbubukas ang Chart Tools tab at ang ribbon ng options.
3. I-click ang Layout sub-tab na nasa ilalaim ng Chart Tools tab.
4. I-click ang Chart Title button
at piliin ang Above Chart upang
magkaroon ng textbox kung
saan ita-type ang pamagat ng tsart.
5. Palitan ang nakalagay na default
text sa pamamagitan ng
paghighlight nito at
pagpindot ng Delete sa
keyboard.
6. I-type ang bago nitong
pamagat: Kinita sa Donna’s Pizza House.
7. I-save ang file

B.3 Pag-Format Ng Tsart Sa


Spreadsheet
Maaari din nating ma-format ang iba’t
ibang properties ng ating tsart gamit ang
spreadsheet. Maraming options ang nasa
Design, Layout, at Format sub-tab ng
Chart Tools tab na maaaring makatulong
sa atin.

A. Pagpapalit ng Uri ng Tsart

1. I-click ang tsart na napili.


2. Kung nais palitan ang uri ng tsart na
ginamit ay i-click lamang ang
Design sub-tab at i-click ang Change
Chart Type button. Magbubukas ang
Change Chart Type dialog box.
Tingnan ang larawan sa kanan.
3. Piliin ang Clustered Bar in 3D at i-click ang OK.
4. Mapapalitan ang Column tsart ng Clustered Bar in 3D tsart.

Mga Tanong:
1. Ano ang electronic spreadsheet?
2. Saan natin maaring gamitin ang electronic spreadsheet?
3. Ano ang gamit ng chart at table sa electronic spreadsheet?
4. Paano ang paglalagay ng table at chart sa electronic spreadsheet?
5. Ano ang kahalagahan ng table at chart sa pagpresenta ng mga datos o
impormasyon?
E. Pagtalakay ng bagong Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Pagsunud-sunurin ang hakbang sa
konspeto at paglalahad ng paggawa ng table gamit ang hand signal ng A, B, C,
bagong kasanayan. #2. D at E.

1. I-click ang file tab at piliin ang save as. I-save ang workbook sa iyong folder at bigyan
ito ng file name na Spreadsheet Table.

2. Buksan ang inyong electronic spreadsheet tool.

3. Ayusin ang lapad ng bawat column sa pamamagitan ng pagtatapat sa pointer ng


mouse sa linyang naghihiwalay sa dalawang column at hilahin ito.

4. I-type ang sumusunod na datos sa nakatalagang cell. Tandaang


pagkatapos i-type ang datos sa bawat cell, pindutin ang enter key.

5. I-select ang nais ninyong I-merge at center button.

F. Paglinang sa kabihasnan PANGKATANG GAWAIN


(Tungo sa Formative 1. Pagbuo ng 3 grupo
Assessment) 2. Pagpili ng pinuno sa bawat grupo
3. Pagbibigay ng gawain sa bawat grupo

PANGKAT 1 ICT TECHY


- Gamit ang datos ng COVID-19 patient sa ating lungsod na inyong naging takdang-
aralin, gumawa ng table gamit ang Google Excel Sheet.

(image ng data from fb navoteno ako)

Tanong:
Ano ang kahalagahan ng pagpapakita ng bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa ating
lungsod gamit ang table tool sa electronic spreadsheet?
PANGKAT 2 ICT WIZARDS
-Gumawa ng chart sa Google Excel Sheet gamit ang datos na inyong nakalap mula sa
mga mag-aaral sa Baitang 4 tungkol sa kung sino ang sang-ayon, hindi sang-ayon at
pinag-iisipan pa na pagkakaroon ng face-to-face na klase.

Tanong:
Sa ginawa ninyong chart, alin ang nagpapakita ng may pinakamataas na boto mula sa
Baitang 4? Sa inyong palagay, bakit ito ang pinakamataas?

PANGKAT 3 ICT WITTY


Gamit ang pie chart, gumawa ng talaan ng inyong gawain sa isang araw at ilagay ang
oras na ginugugol ninyo rito.

Hal.
Aldrin Panood ng Tv 2 oras

Tanong:
Alin sa gawain ninyo sa isang araw ang gumugugol ng malaking oras ninyo sa isang
araw? Sa inyong palagay, bakit ito ang naging resulta?

G. Paglalapat ng aralin sa Bilang batang mag-aaral, sa paanong paraan mo pa magagamit ang table at chart sa
pang araw-araw na buhay electronic spreadsheet?
H. Paglalahat ng aralin 1. Ano ang gamit ng electronic spreadsheet?
2. Paano maipapakita ang paggawa ng table at chart sa electronic spreadsheet?
3. Bakit mahalaga ang electronic spreadsheet sa paggawa ng table at chart?

I. Pagtataya ng aralin Sa bahaging ito, ay gagamit ng Microsoft Form ang mga mag-aaral

A. Panuto: Basahing mabuti at tukuyin ang sinasaad sa bawat bilang. I-tick ang napiling
sagot.

1. Ito ay isang application na maaaring makagawa ng table at tsart.


A. Spreadsheet C. PowerPoint
B. Canva D. Publisher

2. Kung nais mong igitna ang isang word, ito ang maaari mong gamitin.
A. Split Table C. Merge & Center
B. Split Cells D. Insert Cell

3. Ito ay isang uri ng chart na hugis bilog.


A. Bar graph C. Line Graph
B. Pie Chart D. Picto Graph

B. Panuto: Basahin ang proseso sa bawat bilang. Tukuyin ang tamang pagkasunod-
sunod nito. I-tick ang napiling sagot.

4. Piliin ang tamang pagkasunod-sunod ng paggawa ng table sa spreadsheet.

1. Pagkatapos i-highlight ang mga cell na naglalaman ng datos, i-click ang Insert
tab.
2. Gamit ang mouse, piliin ang cells na naglalaman ng datos na gagamitin para sa
tsart.
3. Pagkabukas ng mga options sa ribbon ng Insert tab, piliin ang klase ng tsart na
nais gamitin sa Charts group.
4. Pagkalitaw ng tsart sa spreadsheet, i-save ang file sa inyong folder.
5. Pagkabukas ng file na spreadsheet table, gumawa ng tsart mula sa datos dito.

A. 5, 2, 1, 3, at 4 C. 5, 4, 3, 2, at 1
B. 1, 2, 3, 4, at 5 D. 2, 3, 5, 1, at 4

5. Piliin ang tamang pagkasunod-sunod ng paglalagay ng title sa chart na nasa


spreadsheet.
1. I-click ang tsart na napili. Magbubukas ang Chart Tools tab at ang ribbon ng
options.
2. I-click ang Layout sub-tab na nasa ilalaim ng Chart Tools tab.
3. I-click ang Chart Title button at piliin ang Above Chart upang magkaroon ng
textbox kung saan ita-type ang pamagat ng tsart.
4. Palitan ang nakalagay na default text sa pamamagitan ng paghighlight nito at
pagpindot ng Delete sa keyboard.
5. I-type ang bago nitong pamagat at I-save ang file.

A. 5, 4, 3, 2, at 1 C. 2, 3, 4, 1, at 5
B. 1, 2, 3, 4, at 5 D. 4, 5, 1, 2, at 3

V. TAKDANG-ARALIN Gumawa ng pie chart sa Google Excel Sheet na nagpapakita ng mga oras sa bawat
gawain mo sa isang araw.

MGA TALA
PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ___ mag-aaral ang nakakuha ng 80% pataas
ng 80% sa pagtataya
B. Bilang mag-aaral na ___ mag-aaral na nangangailangan ng karagdagang mga aktibidad para sa remidiation
nanganagailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedia;? ___Oo ___Hindi
Bilang ng mag-aaral na ___ mag-aaral na nakaunawa sa aralin
nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na ___ mag-aaral na patuloy na nangangailangan ng
magpatuloy sa remediation? remidiation

E. Alin sa mga istratehiya ng Epektibong estratehiyang ginamit:


pagtuturo ang nakatulong ng • ___ Metacognitive Development: Mga Halimbawa: pagsusuri sa sarili, mga diskarte sa
lubos? Paano ito nakatulong? pagkuha ng tala at pag-aaral, at mga takdang-aralin sa bokabularyo.
• ___ Pagtutulay (Bridging): Mga Halimbawa: think-pair-share, quick-writes, at
anticipatory chart.
• ___ Pagbuo ng Iskema: Mga Halimbawa: pagkakaiba at pagkakatulad, pag-aaral ng
jigsaw, peer teaching, at mga proyekto.
• ___ Kontekstwalisasyon: Mga Halimbawa: demonstrasyon, media, manipulatibo, pag-
uulit, at mga lokal na pagkakataon.
• ___ Text Representation: Mga Halimbawa: pagguhit, video, at laro na likha ng mag-
aaral.
• ___ Pagmomodelo: Mga Halimbawa: Mabagal at malinaw na pagsasalita,
pagmomodelo ng wikang gusto mong gamitin ng mga mag-aaral, at pagbibigay ng mga
halimbawa ng gawain ng mag-aaral.
Iba pang mga Teknik at Istratehiyang ginamit:
___ Tahasang Pagtuturo
___ Pagtutulungan ng pangkat
___Gamification/Pag-aaral sa pamamagitan ng paglalaro
___ Pagsagot sa mga paunang gawain/pagsasanay
___ Carousel
___ Diads
___ Muling Pagbasa ng mga Talata/Tula/Kuwento
___ Differentiated Instruction
___ Role Playing/Drama
___ Paraang Pagtuklas
___ Paraang Lektura
Bakit?
___ Kumpletong IMs
___ Pagkakaroon ng mga materyales
___ Ang pananabik ng mga mag-aaral na matuto
___ Kolaborasyon/pagtutulungan ng miyembro ng grupo sa paggawa ng kanilang mga
gawain
___ Audio Visual Presentation ng aralin
F. Anong suliranin ang aking __ Bullying sa mga mag-aaral
naranasan na solusyonan sa __ Pag-uugali/saloobin ng mga mag-aaral
tulong ng aking punong guro at __ Makukulay na IMs
superbisor? __ Hindi Magagamit na Kagamitan sa Teknolohiya (AVR/LCD)
__ Science/ Computer/ Internet Lab
__ Karagdagang mga gawaing Klerikal
G. Anong kagamitang panturo ang Mga Nakaplanong Inobasyon:
aking nadibuho na nais kong __ Kontekstwalisayon/Lokalisasyon at Indiginisasyon ng IM's
ibahagi sa mga kapwa ko guro? __ Mga Lokal na Video
__ Paggawa ng malalaking libro mula sa mga tanawin ng lokalidad
__ Pagre-recycle ng mga plastik na gagamitin bilang IMs
__ lokal na komposisyong patula

Address: Mangino, Gapan City, Nueva Ecija


Telephone No.:(044) 958-4401
Email: 105326@deped.gov.ph

You might also like