You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF GAPAN CITY
MANGINO ELEMENTARY SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 5

Paaralan: Mangino Elementary School Baitang: FIVE


Guro: DARWIN G. GONZALES Asignatura: Filipino
Petsa: January 23, 2023 Quarter :2nd- Week 10
Oras: Punungguro: CARMENCITA S. PINTOR
School Principal III

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa pagpapahayag ng sariling
ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
B. Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng isang ulat o panayam

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos (F5WG-IIIa-c-6)


(Isulat ang code ng bawat kasanayan)
II. NILALAMAN Pagsulat ng Simpleng Patalastas, Islogan at Pagbaybay nang Wastong mga Salitang Hiram
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa gabay ng guro K to 12 MELCs
2. Mga pahina sa gabay ng mag-aaral Filipino, Ikalawang Markahan – Modyul 8: Pagsulat ng Simpleng Patalastas, Islogan, at
Pagbaybay nang Wasto sa Salitang Hiram
B. Iba pang kagamitang pangturo Larawan, tsart, plaskard, aklat, powerpoint presentation, DLP
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o
pagsisimula ng bagong aralin

B. Paghahabi ng layunin ng aralin Alam ba ninyo na ang ating wikang Filipino ay wikang buhay? Ito ay buhay dahil patuloy
itong ginagamit at pinagyayaman. Patuloy ito sa pag-unlad kapag patuloy itong ginagamit at
tinatanggap ang mga bagong salita na dumadagdag dito.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Basahin at unawain ang sumusunod na patalastas. Sagutin ang kasunod na mga tanong sa
bagong aralin inyong sagutang papel.

MGA HAKBANG UPANG MAPROTEKTAHAN ANG SARILI AT ANG IBA LABAN SA


COVID-19

1. Ugaliing laging hugasan ang mga kamay ng malinis na tubig at


sabon. Gumamit ng hand sanitizer at alcohol.
2. Magsuot ng face mask at face shield sa matataong lugar at iwasan ang paghawak sa
iyong mata, ilong at bibig
3. Takpan ang iyong bibig kung uubo at babahing bilang pag-iingat at pag-iwas sa local
transmission.
4. Iwasan ang matataong lugar at sundin ang social distancing
5. Mag-home quarantine kung ikaw ay may karamdaman.
6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa paghinga, kumonsulta agad sa doctor,
tawagan muna ang nakatalagang health care worker sa inyong lugar.
7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang health authority.
(sariling bersiyon ni Trinidad Tanglao)

Mga tanong:
1. Ano ang paksa ng binasa?
2. Paano protektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19?
3. Ginagawa mo ba ang binanggit? Ano pa ang mga paraan na ginagawa mo na hindi
binanggit sa iyong binasa?
4. Pansinin muli ang mga salitang naka-italiko, ano kaya ang tawag sa mga salitang ito?
5. Paano binaybay ang mga salitang naka-italiko?
D. Pagtalakay ng bagong konspeto at Alam mo bang maraming banyagang salita ang ating ginagamit sa ating araw-araw na
paglalahad ng bagong kasanayan. pakikipag-usap. Karamihan sa mga ito ay mga salitang teknikal, siyentipiko, at mula sa iba’t
#1 ibang disiplina. Kaya naman, hindi natin maiiwasang manghiram ng mga salita lalo na kung
wala nito sa ating sariling wika. Gayunpaman, bahagi ito ng pag-unlad ng wika. Habang
patuloy na nadadagdagan at ginagamit ang ating wika patuloy itong umuunlad.

Ang tawag sa mga bagong salitang dumadagdag sa ating wika, na hindi orihinal o hindi likas
sa atin ay mga salitang hiram. Sa araling ito, tatalakayin natin ang wastong pagbaybay ng
mga salitang hiram.

karugtong, pahina 5-7 ng modyul


E. Pagtalakay ng bagong konspeto at Panuto: Suriin ang larawan, sumulat ng isang patalastas at islogan tungkol. Gumamit ng
paglalahad ng bagong kasanayan. mga hiram na salita at baybayin nang wasto.
#2.
pahina 7 ng modyul
F. Paglinang sa kabihasnan A. Panuto: Isulat ang wastong baybay ng salitang hiram na tinutukoy sa bawat
(Tungo sa Formative Assessment) pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ginagamit na pantakip sa ilong at bibig upang maiwasan ang pagpasok ng virus.

2. Tawag sa mga elektronikong kagamitang gaya ng cellphone, laptop, ipod at iba pang
katulad.
3. Tawag sa mga sites na gaya ng facebook, instagram, twitter.
4. Tawag sa lugar kung saan inililikas ang mga nasalanta ng bagyo, lindol, sunog, at iba
pang katulad.
5. Kilalang search engine na madalas ginagamit sa kasalukuyan, hindi makakapag-search
dito kung walang connection sa internet.
G. Paglalapat ng aralin sa pang araw- 1. Magtala ng limang salitang hiram mula sa inyong mga napakinggan, napanood, at
araw na buhay nabasa.
2. Balikan ang mga naitalang salitang hiram at suriin kung tama ang inyong pagbaybay
ayon sa tuntunin.
3. Kung natiyak na ninyo na wasto ang inyong baybay, bumuo naman ng pangungusap
gamit ang mga salitang hiram na inyong naitala. Isulat ito sa inyong sagutang papel.
H. Paglalahat ng aralin Panuto: Sabihin ang iyong mga natutuhan sa aralin. Kompletuhin ang sumusunod na talata.
Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Ang Natutuhan Ko sa Aralin

Ang hiram na salita ay ____________________________. Ang panghihiram ng salita ay


may mabuting dulot sa ating sariling wika gaya
ng_________________________________________. Mahalagang matutuhan ang mga
tuntunin sa wastong pagbaybay ng mga hiram na salita dahil
_______________________________. Mapauunlad ang kasanayan sa wastong pagbaybay
ng mga salitang hiram sa pamamagitan ng
_________________________________________. Maaari tayong gumamit ng salitang
hiram sa mga patalastas at islogan lalo na kung ang tema ay mula sa ibang disiplina o
pansiyentipiko. Makatutulong ito para
_________________________________________________________________________.

I. Pagtataya ng aralin Sagutan ang pahina 9, Gawain A at B ng Modyul


V. TAKDANG-ARALIN Follow DepED Memorandum No. 392 s.2010
No Assignment
PAGNINILAY

Address: Mangino, Gapan City, Nueva Ecija


Telephone No.:(044) 958-4401
Email: 105326@deped.gov.ph

You might also like