You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Biñan City
Cluster IV
DR.MARCELINO Z. BATISTA MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
Guro IRENE R. ALOCHA Seksyon MERCURY
Asignatura HEALTH Oras 5:50-6:30 PM
Baitang LIMA Petsa PEBRERO 24, 2020

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipapakita ang mga pangunahing lunas at pamamaraan sa mga
karaniwang sugat at iba pa
B. Pamatayan sa Pagganap Naipapakita ang wastong paraan ng paglulunas sa mga karaniwang sugat
at iba pa
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto a. Naiisa-isa ang mga pangunahing lunas para sa mga nakakagat ng mga
(Isulat ang code ng bawat hayop at insekto
kasanayan) b. Naipapakita ang wastong paraan upang mabigyang lunas ang mga
nakagat ng hayop at insekto
c. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng kaalaman sa wastong paglulunas
sa mga indibidwal na nakaranas ng pagkakagat.

H5IS-IVc-36
II. NILALAMAN
Aralin 15: Pangunahing Lunas sa mga nakagat ng Hayop at Insekto
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Curriculum Guide page 53

2. Mga Pahina sa Kagamitang Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan p.208-213


Pang Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa
Portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Powerpoint Presentation, mga larawan, metacard, tarpapel, video
Panturo clips,out-outs

III. PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/ Laro:Pasahan ng Mensahe (Pass the Message)


o pagsisimula ng bagong aralin. Mensahe: Mag-ingat na makagat ng hayop at insekto
Hakbang sa Paglalaro.
1. Bumuo ng tatlong pangkat.
2. Bubunot ang guro ng mga pangalan ng mag-aaral na bubuo sa bawat
pangkat.
3.Ang bawat pangkat ang pipili ng lider na pupunta sa guro upang
Mabasa o mapakinggan ang mensahe.
4.Sa hudyat ng guro, ipapasa ng lider ang mensahe sa kasunod niyang
Kaklase sa pila.
5.Ang panghuling bata sa pila ang pupunta sa pisara upang isulat ang
mensaheng ipinasa sa kanya.
6.Ang unang pangkat na makapagbibigay ng tamang mensahe ang siyang
nananalo.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa


sa bago ng aralin Sino sa inyo ang may mga alagang hayop?
Ano ang mga ito?
Paano ninyo sila inaalagaan? Paano naman naipapakita ng mga alaga
ninyong hayop ang kanilang pagmamahal sa iyo?
Magpakita ng mga video clips o larawang nagpapakita ng mga nakakagat
ng hayop at insekto.
Video clips at larawan.

1. Ano ang nangyari sa bata?


2. Anong kaya ang nakakagat sa kanya?

Dapat tayong mag-iingat upang makaiwas tayo sa mga ganitong


sitwasyon.

INTEGRATION: E.S.P.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto Ipabasa ang pahina 211 ng kanilang batayang aklat (naka power point). Isa
at paglalahad ng bagong kasanayan isang talakayin ang mga ito.
#1
Pangunang Lunas para sa mga karaniwang Pinsala at Kondisyon
 Kagat ng Insekto/Insect bite
 Kagat ng Hayop/Animal bite)

E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng bagong Panoorin nang mabuti ang mga pamamaraan upang malunasan ang kagat
kasanayan #2 ng mga hayop at mga insekto.
First Aid for Insect Bites
(https://www.youtube.com/
watch?v=brmaBdbMxdA

First Aid for animal Bites


(https://www.youtube.com/results?search
query=first+aid+for+animal+bites

1.Ano ang ipinapakita sa unang video ?


Sa ikalawa?
2.Naranasan na ba ninyo ito? Kung oo , ano ang inyong ginawa?
Kung hindi naman, alam ba ninyo ang inyong dapat gawin sa ganitong
sitwasyon?

F. Paglinang sa Kabihasnan Subukin Natin:


(Tungo sa Formative Tumawag ng tig-iisang pares sa bawat pangkat upang ipakita sa buong
Assessment) klase ang tamang pangunang lunas sa kinagat ng aso, pusa at insekto

(Bigyan diin na mahalagang mabigyan ng pangunang lunas ang nakakagat


ng mga hayop at insekto pagkatapos ay dalhin sa pinakamalapit na
ospital
upang malapatan ng angkop na gamot o bakuna)
G. Paglalapat ng aralin sa pang- 1. Ang bawat pangkat ay makakatanggap ng activity card kung saan
araw-araw na buhay nakasulat ang sitwasyon na kanilang dapat ipakita sa klase.

Pangkat 1:Habang kayo ay naglalaro ng taya-tayaan ay biglang hinabol


ng aso ang iyong kalaro at ito ay nakagat . Dumugo ito. Ipakita
ang pangunang lunas .

 batang nakagat
 taong magbibigay ng paunang lunas
 mga kalaro
 doktor
 Magulang ng batang nakagat

Pangkat 2: Ang inyong pangkat ay masayang namimitas ng bulaklak sa


bakuran ng biglang may bubuyog na lumapit sa inyo isa sa
kanila ay nakagat nito. Paano mo siya lalapatan ng pangunang
lunas. Ipakita ito.

 mga bata
 mga magulang
 guro
 doktor

Pangkat 3: Bumuo ng awitin na nagpapahayag ng kahalagahan ng


kaalaman sa wastong paglulunas sa mga nakaranas ng
pagkakagat. Isulat ito sa manila paper at awitin sa klase

Pangkat 4: Kaarawan ni Myla. Noon pa niya gustong magkaroon ng


alagang pusa., kaya naman niregaluhan siya ng kanyang
kuya Bernard . Sa tuwa, nilaro niya ito at bigla na lamang
siyang nakagat nito. Binigyan siya ng pangunang lunas ng
kanyang magulang saka dinala sa Ospital ng Binan.
 Myla
 Kuya Bernard
 Mga magulang
 Mga kaibigan na dumalo sa kaarawan
 Doctor

Pangkat 5: May alaga kayong ahas at ito’y biglang nakawala sa kulungan.


nakabas ito sa inyong bakuran, kung saan nandoon ang iyong
mga kaibigan. Nagulat ang mga ito ,sa takot di nakaalis sa
kanilang kinaroroonan at natuklaw ang isa sa kanila. Paano mo
siya lalapatan ng paunang lunas? Ipakita ito.
 Mga kaibigan
 Magulang
 Doctor
2. Ipaalala sa mga bata ang mga pamantayan sa paggawa ng pangkatang
gawain.
3. Ipaliwanag ang rubrik na gagamitin sa pagbibigay ng iskor sa
pangkatang gawain.
H. Paglalahat ng Aralin  Paano natin malulunasan ang kagat ng mga hayop? Insekto?
 Gaano kahalaga ang pagbibigay ng paunang lunas sa mga nakagat
ng mga hayop at insekto?
 Bilang isang mag-aaral ano ang dapat mong gawin upang
magkaroon ng sapat na kaalaman sa pagbibigay ng paunang lunas?

I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Paano natin bibigyan ng pangunahing lunas ang nakagat ng aso?

A. Linisan nang mabuti ang sugat gamit ang tubig at sabon.


B. Linisan nang mabuti gamit ang gamot na pula.
C. Pabayaan na lamang at kusa naman itong gagaling.
D.Dalhin sa pinakamalapit na paaralan upang magamot.

2 Ano ang dapat gawin sa natuklaw ng ahas kapag ito ay may sugat?

a. Talian ang sugat para hindi dumugo.


b. Hayaan na lamang dumugo at titigil din ito
c. Dalhin sa pinakamalapit na himpilan ng pulis.
d. Pigain ang sugat o kaya ay sipsipin para mawala ang kamandag
hanggat makakaya ng biktima.

3. Namimitas ng mga rosas sa hardin si Ana kasama ang kaniyang kapatid


na si Rita. Biglang narinig ni Ana ang hagulhol ni Rita, nakagat pala ng
bubuyog ang nakakabata niyang kapatid. Kung ikaw si Ana , paano mo
sya lalapatan ng pangunang lunas ang iyong kapatid?

a. Tatawag ako ng doktor.


b. Dadalhin ko siya sa kanyang mga magulang.
c. Tatalian ko ang bahaging nakagat ng insekto.
d. Tatanggalin ang karayom sa pamamagitan nang marahang pagkayod
sa balat ng kutsilyo, kuko, o matalas na bahagi ng isang bagay.

4. Sa hindi inaasahang pangyayari ay naapakan ni Lesli ang buntot ng


kanyang alagang pusa.kaya siya nakagat nito at nagkaroon ng malaking
sugat. Ano ang nararapat gawin sa kanya ?
a. Turukan agad ng anti-rabis kahit di pa nalilinis.
b. Hugasan ng tubig at sabon saka dalhin sa doctor upang malapatan
ng
anti-rabis
c. Hayaan lamang ito at kusa din na gagaling ang sugat.
d. Wala sa mga nabanggit.

5.Alin sa mga sumusunod ang maaaring gamitin sa paghuhugas sa


bahaging
nakagat ng insekto?
a. alcohol, suka, katas ng lemon o kalamansi
b. alcohol, zonrox, gamot na pula
c. mantika, alcohol, katas ng bulaklak
d. alak, alcohol, shampoo at gatas
J. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin:
takdang aralin at remediation Makipanayam sa mga “ Health Workers” sa Sentrong Pangkalusugan ng
barangay tungkol sa pagbibigay ng pangunang lunas sa nakagat ng lamok.

V.Mga Tala
VI. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa
sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyonan sa tulong
ng aking punungguro at
superbisor?
G.Anong kagamitang panturo ang
aking naidibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

You might also like