You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
SDO ZARAGOZA
STA. LUCIA YOUNG ELEMENTARY SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG HEALTH V


IKATLONG MARKAHAN
WEEK 3

I. LAYUNIN

Mga Kasanayan sa Pagkatuto


a. identifies products with caffeine (H5SU-IIIb-8)
b. describes the general effects of the use and abuse of caffeine, tobacco and alcohol
(H5SU-IIIde-10)
c. Pagsusuri sa mga epekto sa kalusugan ng individwal, pamilya, at pamayanan ng
paggamit at pag-abuso ng caffeine, tabako at alkohol.

II. 1. PAKSANG ARALIN: Paksa: Epekto ng sobrang paggamt ng mga Drogang Gateway
Sanggunian: K to 12 MELCS with CG Codes H5SU-IIIde-10, H5SU-IIIb-8
2. Kagamitan: larawan, powerpoint presentation, sipi ng pagsusulit
3. INTEGRATION: Science V - Explain how the organs of each organ system work together
S6LT-IIa-b-1
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik – aralan ang mga produktong may sa caffeine, nikotina at alcohol. Idikit ito sa
hanay na nabibiliang.
2. Pagganyak
Pagpapakita ng mga larawang epekto o sakit na dulot ng drogang gateway.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad ng guro sa mga epekto ng sobrang paggamt ng mga Drogang Gateway
2. Pagtalakay sa aralin:
- Ano ang caffeine? Ano ang sigarilyo o tabako na may nikotina?
- Ano-ano ang mga uri ng tao na maninigarilyo?
- Ano ang alcohol?
3. Pagsasanay
- Bilang kabataan, paano mo mapangangalagaan ang iyong katawan o ang iyong
kapwa maging kapamilya na umiwas sa sobrang paggamit ng drogang gateway?
Lalo’t higit ang internal organ na tulad ng atay, bago at lalamunan maging ang
isipan
- Paano mo mahihikayat ang mga tao na hanggat maaari ay ihinto o iwasan ang
palaging paggamit ng drogang gateway na ito?
4. Paglalapat
PANGKATANG GAWAIN
SITWASYON A – May magbabarkadang lasing at uuwi pa ng lalawigan mula sa
lungsod, ang isa sa kanila ang magmamaneho ng sasakyan
SITWASYON B – inaalok ng grupo ng mga kalalakihan ang mag-aaral na manigarilyo
SITWASYON C – Nagkayayaan magkakapatid na kumain ng tsokolate bago matulog
SITWASYON D – Isang lasing na pasuray-suray sa lansangan at nambabato ng mga
bahay na kaniyang nadadaanan.

5. Paglalahat
- Pagpapakita ng mga larawan ng epekto ng sobrang paggamit ng drogang
gateway. Tukuyin ito kung napabibilang sa epekto ng caffeine, nikotina at
alcohol.

IV. PAGTATAYA
A. Isulat sa patlang ang C kung ang tinutukoy ng epekto ay caffeine, A kung epekto ng
alcohol, at N kung epekto ng nikotina.

____1. Pagiging nerbyoso


____2. Insomnia
____3. Pangungulubot ng balat
____4. Pagkakaroon ng aksidente sa lansangan
____5. Kanser sa bibig, lalamunan, at baga
B. Tukuyin ang epekto ng sobrang paggamit ng drogang gateway sa bawat pahayag.
Isulat ang caffeine, alcohol at nikotina bago ang numero.
____6. Mabilis na pagtibok ng puso
____7. Sakit sa atay
____8. Pagkalagas ng buhok
____9. Nagdudulot ng high blood at sakit sa puso
____10. Pagkabulok ng ngipin

V. TAKDANG ARALIN
Isulat sa iyong kuwaderno ang maaaring maging epekto ng mga sumusunod na sitwasyon.
1. Si Aling Susan ay apatnapung taong gulang na. Nagsimula siyang manigarilyo sa edad na
labing-isa.
2. Minsan ay nadatnan ni Camille ang mga batang pinsan na naninigarilyo nang patago. Hindi
siya pumayag nang niyaya siyang subukan din ito. Ngunit lagi naman siyang sumasama sa
kanila.

Inihanda ni:

OHSHIN MIKAELA R. SIOBAL


Teacher
Iniwasto ni:

EVANGELINE S. OLAGUER
Master Teacher II

Binigyang-pansin:

ROBERTO A. MORALES
School Principal II
E-CIGARETTE / VAPE
COCOA
NIKOTIN
A
CAFFEIN
E
ALCOHO
L

You might also like