You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV-A Timog Katagalugan
SANGAY NG RIZAL
Paaralang Elementarya ng Balanti

Banghay Aralin sa Health


Ikalimang na Baitang
Ikaapat na Markahan

I. Layunin:

A. Pamantayang Nilalaman

Naipamamalas ang pang-unawa sa layunin at panuntunan sa pagbibigay


ng paunang-lunas o first aid.

B. Pamantayan sa Pagganap

Naisasagawa ang wasto at angkop na Gawaing makatutugon sa


paglalapat ng tulongo pangangailangan ng paunang-lunas.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

Naipapaliwanag ang layunin ng pagbibigay ng paunang-lunas


(H5IS-IV-34)

ARAWANG LAYUNIN:

Nagagamit ang kaalaman sa wastong layunin at paraan sa pagbibigay-


lunas para sa biktima ng mga karaniwang sakuna.

II. Nilalaman:

Paglalapat ng kaalaman sa pagbibigay paunang-lunas

Sanggunian : Mga Pahinang nakalap sa internet, CG Health 5, larawan, bidyo

https://www.youtube.com/watch?v=rwE3eNLP_fE

III. Pamamaraan:
A. Pagganyak:

Magpakita ng video clips tungkol sa sakuna/disgrasya.

Itanong:
1. Ano ang nangyari sa napanood ninyo?
2. Ano-anong kahandaan ang kanilang ginawa?
3. Kung kayo ba na sa sitwasyon, gagawin niyo rin ba ang kanilang
ginawa?
4. Mahalaga ba na malaman natin ang mga paunang-lunas sa sakuna?
Bakit?

B. Paghahabi ng Layunin ng Aralin:


Itanong: Nasubukan niyo na bang mabigyan ng first-aid? Sa anong
pangyayari?

Sabihin: Sa araling ito, malalaman natin ang mga tamang paraan sa


pagbibigay ng first-aid para sa ilang pangkaraniwang sakuna lalo pa kung
walang makatutulong sa biktima ng sakuna sa paaralan o sa ating
tahanan man.

Magpakita ng larawan tungkol sa mga sumusunod na sakuna;


 Balinguynguy
 Kagat ng insekto
 Sugat

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin (Paglinang sa


Talasalitaan)

Ilahad ang mga sumusunod na karaniwang sakuna sa klase;


 Balinguynguy
 Kagat ng insekto
 Sugat

D. Paglalahad
Ipabasa ang mahahalagang impormasyon para sa bawat karaniwang
sakunang nakatala sa aralin

E. Pagtatalakay
Talakayin kung ano-ano ang dahilan ng mga sumusunod na sakuna;
 Balinguynguy
 Kagat ng insekto
 Sugat

F. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


#2
Ano-ano ang mga pangunahing lunas sa mga sumusunod na sakuna:
 Balinguynguy
 Kagat ng insekto
 Sugat

G. Paglinang sa kabihasnan (Tungo sa Formative Assessment)


Bakit mahalagang may kaalaman sa pagbibigay ng first-aid bago isagawa
ang mga ito?

H. Pangkatang Gawain

Group 1
I-Arte Mo: Ipakita ang mga tamang gawain kapag ikaw ay nahulog
sa hagdanan at nabali ang iyong paa.

Group 2
Balitaan: May isang lalaking naglapat ng paunang-lunas sa isang
lalaking nahulog sa hagdan at ito ay nasugatan sa ulo.

Group 3
Ipakita Mo: Ipakita ang tamang gagawin kung ang nanay mo ay
napaso sa kamay habang nagluluto.

Group 4
Role Play: Ipamalas kung ano ang gagawin kapag may taong
nahimatay

I. Paglalahat
Sino ang maaaring maglapat ng first-aid?
Ano-anong sakuna o karamdaman ang maaaring lapatan ng first-aid?

IV. Pagtataya

V. Takdang Aralin:

Magsaliksik tungkol sa paraan ng pagbibigay ng paunang-lunas sa nalunod.

Inihanda ni:

GNG. JOSELYN A. LOBOS


Guro I

Binigyan pansin ni:

GNG. LEA SD. MARINAY


Pang-ulong Guro III

You might also like