You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 5

IKAAPAT NA KWARTER
SY 2020-2021
CLASS OBSERVATION

I. LAYUNIN
a. Nalalaman kung ano ang mga halimbawa ng dayagrama sa ugnayang sanhi at bunga
b. Napapahalagahan ang kaalaman tungkol sa paggamit ng dayagrama sa pagtukoy ng sanhi at bunga.
c. Nakagagawa ng dayagrama ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong napakinggan
Code: F5PN-IVa-d-22
II. NILALAMAN
Paggawa ng Dayagrama ng Ugnayang  Sanhi at Bunga
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro:
 MELC sa Filipino 5 Q 4 pahina 162
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
B. Iba pang Kagamitang Panturo
Tsart, Organizer, Powerpoint presentation, video tungkol sa sanhi at bunga
C. Istratihiya: Differentiated Instruction, Positive Interdependence, group work, group reporting, paggamit ng ICT
Integrasyon: Science V – Characterize weather disturbances in the Philippines and describe their effects to daily
life Q4 Week 3 (No Code in MELC SY 2020-2021)
IV. PAMAMARAAN
Mga Unang Gawain:
3. Pag-tsek ng attendans
4. Pagbibigay ng mga alituntunin sa pag-aaral
5. Balik-tanaw sa aralin kahapon
Gawain: Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
Kompletuhin ang mga pariralang ito upang makabuo ng isang pangungusap.
1. hinahabol ng aso si Mikaela
2. kinuha ni Hilda ang laptop ni Nimfa
3. nakalimutan mag-almusal ni Adams
Ano ang inyong napansin sa ginawan ninyong pangungusap? Natukoy ba ninyo kung ano ang dahilan o bunga
ng mga ito?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Sanhi
Sanhi Bunga
Sanhi

Sanhi
Sanhi

1. Nakakita na ba kayo ng mga hugis na ito? Ano kaya ang tawag sa mga ito?
2. Ano naman kaya ang kanilang gamit?

1|Page
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Panoorin natin ang maikling video tungkol sa TD Auring na nangyari noong Pebrero 22, 2021 dito sa
Lungsod ng Tandag.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

Tingnan ang larawan sa ilog ng Tandag, ano ang masasabi ninyo sa larawan?
Gumawa kayo ng katanungan tungkol sa larawan na ito.

Pakikinig sa teksto na babasahin ng guro.

Bago dumating ang bagyong Auring, malinis at malayang dumadaloy ang tubig sa ilog ng Tandag. May
mga mapagkukunang pagkain sa ilog na ito kung kaya’t maraming bahay ang nakatayo sa gilid. Dinarayo din
ito ng mga bata at mga matatanda upang mamangka at maligo.
Ilang dekada na rin ang nakalipas na hindi nakararanas ng matinding pagbaha ang lungsod ng
Tandag. Ngunit nabago ang lahat noong dumating ang Tropikal Depresyon Auring o mas kilalang TD Auring
noon Pebrero 22, 2021. Dahil sa dala nitong malakas na buhos at magdamag na ulan, mabilis ang pagtaas
sa lebel ng tubig dahilan ng pag-apaw nito abot hanggang bubongan ng mga bahay na nakatira sa gilid ng
ilog.
Naglipana ang mga putol na kahoy, at lumitaw ang mga basura habang tinatangay ito ng malakas na
agos, na kung saan ay naging dahilan ng pagbara ng tubig sa maayos na daloy nito papalabas ng dagat.
Hindi lubos makapaniwala ang mga tao sa nakita nila. Pero nagpapasalamat parin sila dahil walang
masamang nangyari sa kanilang mga pamilya.
Ang pangyayaring ito ay nagsilbing paalala sa mga tao na ingatan ang mga yaman na bigay ng
maykapal. Alagaan ang kapaligiran sa pamamagitan ng pagtapon ng mga basura sa tama, wasto at maayos
na paraan. At huwag magputol ng mga kahoy dahil ito’y nakatutulong sa mabilis na pagsipsip ng tubig kapag
umuulan upang maiwasan ang baha.

(Sagutan muna ang hanging question na ginawa ng mga bata)


Ano ang nanalasa sa lungsod ng Tandag noong Pebrero 22, 2021?
Bakit kaya biglang umapaw ang tubig sa ilog?

Ipakita ang dayagrama na may sanhi at bunga.


Ipaalam ang kahalagahan ng paggamit ng dayagrama.

Integrasyon:
Bilang isang bata, at isang mamamayan ng ating lungsod, paano ka makatutulong sa pangangalaga
sa ating kapaligiran?
Paano mo mapoprotektahan ang mga likas na yaman sa ating lugar?
Ano ang gagawin mong paraan para mapanatiling malinis ang ilog o dagat?

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Pangkatang Gawain
(Bago isagawa ay maglagay muna ng panuntunan sa pagsasagawa ng pangkatang gawain)
Siguraduhing mabuti ng lahat ng lider na nagawa ng maayos, tama sa oras at may disiplina ang bawat
miyembro ng bawat pangkat.
2|Page
Pangkat I – Ano kaya ang mangyayari kung ikaw ay hindi susunod sa nanay at tatay mo.
Ilahad ang pag-uulat sa pamamagitan ng sabayang pagbigkas.
Pangkat II- Umuulan nang malakas sa buong magdamag. Napuno ng tubig ang mga estero at kanal.
Ipakita sa pamamagitan ng drama ang nabuong dayagram.
Pangkat III- Nakalimutan mong isara ang bahay nyo at pumasok ka na sa paaralan.
Ipakita sa pamamagitan ng pagbabalita ang nabuong dayagram.

Gamitin ang mga dayagram para sa ugnayang sanhi at bunga.


Bubuo ng rubric na mapapagkasunduan ng lahat.
Rubrik sa pangkatang Gawain.

Panuntunan 3 4 5

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Ilahad ang maaring maging bunga nito:
1. Pagsunod sa payo ng magulang
2. Maling pagsasalansan ng mga basurang nabubulok at si nabubulok
3. Pag-aaral ng mabuti
4. Hindi pagsasabi ng tapat sa magulang
5. Paglilinis ng paligid
G. Paglalahat ng Aralin
Ano ang natutunan niyo ngayon sa ating aralin?
Ano ang Sanhi? Ano ang Bunga?
Mahalaga ba na matuto tayo kung paano gumamit ng dayagrama sa pa- ugnay ng sanhi at bunga.
H. Pagtataya ng Aralin
Gumamit ng dayagram upang pagtambalin ang sanhi at bunga.
1. Paggamit ng dinamita a. Pag-init ng paligid
2. Panghuhuli ng hayop b. Pagdumi ng ilog
3. pagpuputol ng punongkahoy c.Pagkamatay ng mga isda
4. Pagsunog ng kabundukan d.Pagdami ng tao
5. Pagtatapon ng basura sa mga ilog e. Pag-abuso sa mga hayop
f. Pagkakalbo ng kagubatan
J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation
Sumulat ng 3 pangungusap na nag-uugnay sa sanhi at bunga.

Inihanda ni:

CHALYMIE Q. QUICO
Guro sa Filipino 5 Binigyang Pansin:

CERENITA C. CUARTERO, MAED


Mentor, Master Teacher II

Inapprobahan ni:

MARILOU S. SARANZA, MAED


Punong Guro I

3|Page
Annotation:
* to meet indicator 1 in COT –RPMS, the teacher addressed content correctly and its focus is congruent
with the topic on his presentation of  example and other activities, the teacher motivates his learner to
explore the content area to develop their knowledge and satisfy their natural curiosity that can be seen
on the part of integration in science subject, the teacher made meaningful connections across the
content areas (from Review up to Evaluation and additional activities) and the teacher applied extensive
knowledge of the content beyond inquisitiveness his area of specialization that was perceive during the
discussion and the activities.

** to meet indicator 2 in COT –RPMS, the teacher utilized structured activities that augment and boost
learners’ higher level of literacy e.g. practicing skills in writing that was observed during group work and
assignment.

*** to meet indicator 3 in COT –RPMS, the teacher provided all-encompassing questions including HOTS
questions and activities that challenge the learners to ruminate and have a deeper perception.

**** to meet indicator 4 in COT –RPMS, the teacher employed practical classroom structure
management practices to support flex movement of the learners in all learning activities. The learners
are utterly engrossed in all activities by consuming optimal space and time apposite to their needs.

***** to meet indicator 5 in COT –RPMS, the teacher established a positive learner milieu and used non-
violent castigation to ensure learning focused environment. 

****** to meet indicator 6 in COT –RPMS, the teacher provided differentiated strategies that motivated
and engaged learner to achieve their individual learning needs.

******* to meet indicator 7 in COT –RPMS, the teacher organized sequence of activities intentionally to
lead the pupils in achieving the objectives.

******* to meet indicator 8 in COT –RPMS, the teacher utilizes learning resources which are consistently
aligned with the instructional purposes.

******** to meet indicator 9 in COT –RPMS, the teacher used formative assessment which engaged
learners in assessing own and with their peers.

4|Page

You might also like