You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 5

I. Layunin
Nakagagawa ng dayagrama ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong
napakinggan

II. A. Paksang Aralin


Paggawa ng Dayagrama ng Ugnayang Sanhi at Bunga

B. Sanggunian
F5PN-Iva-d-2
MISOSA 6 SIM # 1

C. Kagamitan
Tsart, Organizer, Powerpoint Presentation, manila paper

III. Pamamaraan

1. Pagsasanay
Anu-ano ang mga dahilan kung bakit ang isang mag-aaral ay nahuhuling
pumasok sa paaralan?

2. Balik-aral
Anu-ano ang dalawang kaayusan ng pangungusap?

3. Mga Gawain

A. Pagganyak

Magpakita ng larawan ng ilog

B. Paglalahad

Ano ang pumapasok sa isipan mo kapag nabasa mo ang salitang ilog?


Naranasan mo na bang mamangka?
Ano ang dapat nating gawin upang ito ay mapangalagaan?
Basahin ang maikling kuwento “Ang Ilog Pasig “MISOSA 6 SIM # 1”

Ang Ilog Pasig


Noon malinis, mabango at malinaw ang tubig kaya marami ang namamasyal at
naliligo sa Ilog- Pasig. Kaya nasira ang kagandahan ng makasaysayang ilog,
pinabayaan ito ng mga tao. Marami ang nagtatapon ng basura sa ilog kaya sa
kaunting pag-ulan ay umaapaw ito. Namatay ang mga isda dahil marumi na ang
tubig sa ilog. Nangangamba ang mga tao na tuluyan nang masira ang Ilog Pasig,
kaya kailangan kumilos sila bago mahuli ang lahat.

C. Pagtatalakay
1. Ano-ano ang dahilan ng pagkasira ng Ilog Pasig?
2. Ano-ano ang mga epekto ng pagkasira ng Ilog Pasig ?
3. Bilang kabataan, paano ka makakatulong upang muling maibalik ito sa
dati?

Gamitin ang mapang pangkonsepto sa unang tanong

Sanhi Bunga

D. Pagpapayamang Gawin

Pangkatang Gawain

Pangkat I – Ngayon, ano kaya ang mangyayari kung ikaw ay hindi susunod sa nanay at
tatay mo?

Sanhi Bunga

Pangkat II-Umuulan nang malakas sa buong magdamag. Napuno ng tubig ang mga
estero at kanal.

Sanhi Bunga

E. Paglalapat
Gumawa ng dayagrama ng sanhi at bunga batay sa nakikita sa larawan.

Sanhi Bunga

F. Paglalahat
Ang pagbibigay ng sanhi at bunga ay may mga dahilan ang bawat pangyayari.
Dapat matukoy na mabuti ang sanhi upang malutas kung ito’y nagdudulot ng suliranin
upang maging maganda ang bunga.

IV. Pagtataya

Gumamit ng dayagram upang pagtambalin ang sanhi na nasa hanay A sa bunga sa


hanay B

S B

A U
N N
H G

I A

A B

1. Paggamit ng dinamit Pag-init ng paligid


2. Panghuhuli ng hayop Pag-abuso sa mga hayop

3. pagpuputol ng punongkahoy Pagkamatay ng mga hayop


4. Pagsunog ng kabundukan Pagdami ng tao
5. Pagtatapon ng basura sa mga ilog Pagdumi ng ilog
Pagbaha

V. Takdang Aralin

Sumulat ng pangungusap na nag-uugnay ng sanhi at bunga

You might also like