Professional Documents
Culture Documents
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG ZAMBALES
FILIPINO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Pagbibigay ng Solusyon
sa Naobserbahang Suliranin
Ikaapat na Markahan - Ikatlong Linggo
(Aralin 1)
FILIPINO – Ikalimang Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Pagbibigay ng Solusyon sa Naobserbahang Suliranin
Ikaapat na Markahan – Ikatlong Linggo (Aralin 1)
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang
parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa
Kagawaran.
Panimula
Ang suliranin ay walang pinipiling edad o kasarian. Maging ang isang batang
tulad mo ay maaaring may pinagdaanan, pinagdaraanan, at pagdaraanang suliranin
o problema.
Kasanayang Pampagkatuto
1|Pahina
Mga Layunin
Balik-aral
Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
2|Pahina
Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang nabasa mong teksto?
2. Anong suliranin o problema ang inilahad sa teksto?
3. Nakatulong ba ang nilalaman ng teksto sa iyo? Bakit?
4. Ano ang nais ipahayag na paniniwala ng may-akda ng teksto?
5. Ikaw, sa paanong paraan mo nabibigyan ng proteksiyon ang iyong sarili
ngayon laban sa virus?
Pagtalakay sa Paksa
3|Pahina
Sa tingin mo, ano ang suliranin ni Buboy? Maaari kang pumili ng iyong sagot.
Ano ang iyong sagot? Tingnan kung tama ang iyong sagot.
Magpatuloy ka sa pagbabasa ng kuwento.
4|Pahina
Lumipas ang ilang minuto, natapos sa paglalaro si Buboy. Habang siya
ay nakaupo, biglang may sumagi sa kaniyang isipan.
5|Pahina
Mga halimbawa ng suliranin mula sa tekstong nabasa:
1. Hindi maunawaan ni Buboy ang panuto sa kaniyang modyul.
2. Walang nakatatandang kasama sa bahay na maaaring
mapagtanungan si Buboy.
Suliranin Solusyon
Kahit mahina lamang ang ulan ay Linisin ang mga baradong kanal
nagkakaroon na ng baha sa paligid. at magtanim ng maraming puno.
6|Pahina
Laging nakatambak ang mga plato Sanayin na pagkatapos kumain
sa lababo pagkatapos kumain at ay agad na hugasan ang
iniiwang marumi. pinagkainan.
Tandaan:
7|Pahina
Gawain
Pinatnubayang Pagsasanay 1
Panuto: Tukuyin ang maaaring solusyon batay sa ipinakikitang suliranin sa bawat
larawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1.
Solusyon: __________________
2.
Solusyon: __________________
3.
Solusyon: __________________
8|Pahina
4.
Solusyon: __________________
5.
Solusyon: __________________
9|Pahina
Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang suliraning inilahad sa bawat sitwasyon at
magbigay ng posibleng solusyon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Suliranin Solusyon
10 | P a h i n a
Pang-isahang Pagsasanay
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento. Pag-aralan ang mga suliranin
sa kuwento.
Isang araw, nanonood ng telebisyon ang mag-inang sina Aling Luz at Luna.
“Hay naku, tumaas na naman ang presyo ng mga bilihin. Ang karne ay parang
ginto ang presyo! Ang gulay ganoon din. Ano pa kaya ang mangyayari sa atin?”
bulalas ni Aling Luz nang maibalita ang panibagong pagtaas ng presyo ng mga
bilihin.
“Kaya nga nanay. Hindi pa nga natatapos ang pandemya dumaragdag pa
iyan.” pagsang-ayon ni Luna.
“Sana laging mag-iingat si tatay. Dapat may dala siyang alkohol at uminom
ng bitamina para lumakas ang kaniyang katawan laban sa virus.” mungkahi ni
Luna.
11 | P a h i n a
“Bukas na bukas din bibili ako.” sagot ni Aling Luz.
“Dapat lagi tayong handa dahil hindi natin alam ang maaaring mangyari sa
hinaharap. Kaya nga nanay, naisipan kong ihanda na rin ang emergency kit natin.”
sabi ni Luna.
“Aha! Alam ko na! Magtatanim ako ng gulay sa bakuran para may tiyak na
pagkukuhaan ng pang-ulam sa araw-araw. At siyempre, maaari rin itong itinda
kung sakali.” masayang naisip ni Luna.
Kinabukasan, nagpabili si Luna ng mga buto o punla ng iba’t ibang gulay kay
Aling Luz. Habang hinihintay ni Luna ang kaniyang nanay, pumunta siya sa
kanilang bakuran at nakita niyang matataas na ang mga damo rito. Sinimulan niya
nang bunutin at alisin ang mga damo. Sa kaniyang paglilinis ay marami siyang
nakitang mga bote at mga lata. Inipon niya ang mga ito at naisip niyang ibenta para
makatulong sa kaniyang mga magulang.
12 | P a h i n a
Panuto: Kompletuhin ang talahanayan. Ibigay ang mga suliranin at solusyong
binanggit sa kuwento. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
2.
3.
4.
Pagsusulit
Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Magbigay ng dalawang (2) maaaring solusyon
sa suliraning binanggit. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.
1. Isang araw, nagpasama sa iyo ang iyong nanay papuntang Iba, Zambales.
Bibili siya ng mga kagamitang pangkusina. Sa inyong paglalakad papunta sa
sakayan ng bus, nakita mong nagsusunog ng mga plastik at tuyong dahon
ang inyong kapitbahay.
Solusyon 1: _______________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Solusyon 2: _______________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Solusyon 1: _______________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Solusyon 2: _______________________________________________________________
___________________________________________________________________________
13 | P a h i n a
3. Nang may dumating na bus, ang mga pasahero ay dali-daling pumila. Dahil
dito, natanaw mo ang isang matanda na maraming bitbit at nabitawan nito
ang isang supot na may lamang mga gulay. Napansin mong walang nais
tumulong sa kaniya.
Solusyon 1: _______________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Solusyon 2: _______________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Habang namimili ang iyong nanay sa pamilihan, may narinig kang umiiyak.
Sa iyong paglingon, nakita mo ang isang batang nakaupo, umiiyak at
palingon-lingon sa kaniyang paligid. Naisipan mo siyang lapitan at tanungin.
Napag-alaman mong siya ay nawawala dahil nakabitaw siya sa
pagkakahawak ng kaniyang ina.
Solusyon 1: _______________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Solusyon 2: _______________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Solusyon 1: _______________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Solusyon 2: _______________________________________________________________
___________________________________________________________________________
14 | P a h i n a
Pangwakas
Panuto: Punan ng wastong ideya o kaisipan ang mga patlang upang mabuo ang diwa
ng pangungusap. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
Mga Sanggunian
Agarrado, Patricia Jo, Maricar Francia, Perfecto III Guerrero, and Genaro Gojo
Cruz. 2016. Alab Filipino 5. Quezon City. Philippines: Vibal Group,
Inc., pp. 194-201
15 | P a h i n a
16 | P a h i n a
Balik-aral Pang-isahang Pagsasanay
1. Limang hakbang laban sa (Mga posibleng sagot. Maaaring magkakaiba
coronavirus ang sagot ng mga bata)
2. (depende sa sagot) Suliranin nina Solusyon sa Suliranin
3. Upang magbigay gabay para Aling Luz at Luna
malabanan ang coronavirus Pagtatanim ng mga
4. (depende sa sagot) Pagtaas ng presyo gulay para maging
5. (depende sa sagot) ng bilihin ulam at pagbenta
nito.
Pinatnubayang Pagsasanay 1 Paglaganap ng Laging mag-ingat
(Mga posibleng sagot. Maaaring magkakaiba bagong COVID Mag-alcohol lagi
ang sagot ng mga bata) variant Uminom ng bitamina
1. Magkusang pulutin ang mga basura Mga Laging ihanda ang
sa ilog. nararanasang sarili at ang
2. Magtanim ng mga puno sa bakuran. paglindol emergency kit
3. Turuan ang bata ng tamang Matataas ang mga Magkusang bunutin
pagtapon/paghihiwalay ng mga damo sa bakuran at linisan ang
basura. bakuran
4. Pagsabihan ang mga bat ana bawal
Maraming mga Ipunin ang mga ito.
sumira/magpunit ng libro dahil
bote at lata sa Ibenta para may
maaari pa itong magamit.
bakuran pandagdag sa
5. Pagsabihan ang bata na masama
gastusin. Irecycle
ang pag-aaksaya ng tubig at dapat
magtipid sa paggamit ng tubig.
Pagsusulit
Pinatnubayang Pagsasanay 2 (Mga posibleng sagot. Maaaring magkakaiba
(Mga posibleng sagot. Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga bata)
ang sagot ng mga bata) 1. Solusyon 1: Makiusap nang mahinahon sa
1. Humiram ng bolpen sa kapitbahay na masama sa kalusugan ang
nakatatandang kapatid pagsusunog ng plastic.
2. Magkukusa akong magluto Solusyon 2: Ipagbigay-alam sa barangay.
3. Umamin sa kasalanan at humingi ng 2. Solusyon 1: Magkusang pulutin ang mga
paumanhin nagkalat na mga basura.
4. Makiusap sa kapitbahay na maaari Solusyon 2: Maglagay ng paalala na
bang hinaan at sabihin ang dahilan maging responsible at paghiwalayin ang
5. Pagsasabihan ang dalawang kaibigan nabubulokat di-nabubulok na mga
na matutong magbigayan at mamili basura.
na lang sila ng ibang laruan 3. Solusyon 1: Tulungan sa pag-akyat ang
matanda.
Solusyon 2: Tulungan pulutin ang mga
nalaglag na mga gulay at tulungan bitbitin
ang mga ito.
4. Solusyon 1: Ipagbigay-alam sa kasamang
nakakatanda.
Solusyon 2: Ipagbigay-alam sa security
guard sa mall.
5. Solusyon 1: Bigyan sila ng makakain.
Solusyon 2: Ipagbigay-alam sa DSWD.
Pangwakas
(depende sa sagot ng mga mag-aaral)
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales ang
taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng tagumpay
para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi ng
Ikaapat na Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto sa
lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng
naaangkop na kagamitang pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang
Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga
pamantayan ng pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:
Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga
manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan upang
makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at mga
tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng Kagamitan sa
Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at
katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;
Ikatlo, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat asignatura sa
kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro, sa kanilang
lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-unlad
ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at
Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy sa
kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay upang
maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral
na maging responsableng indibiduwal sa hinaharap.
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong panahon
ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay na malasakit na
pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.
Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!
Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna,
maaaring sumulat o tumawag sa: