You are on page 1of 28

6

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG ZAMBALES

FILIPINO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Pagkakaiba ng Kathang Isip
at Di-kathang Isip na Teksto
Ikaapat na Markahan – Ikatlong Linggo
FILIPINO – Ikaanim na Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Pagkakaiba ng Kathang Isip at Di-kathang Isip na Teksto
Ikaapat na Markahan – Ikatlong Linggo
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan


Sa Pinatnubayang Kasanayang Pamapagkatuto
Manunulat: Analyn Marie A. Guivencan
Editor: Jennifer A. Abundo
Tagasuri at Taga-anyo: Marie Ann C. Ligsay PhD
Paul Regidor L. Almare III
Albin Lee A. Arabe
Tagaguhit at Tagalapat: Julius Hallado
Tagapamahala: Ma. Editha R. Caparas EdD
Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle A. Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Ma. Lilybeth M. Bacolor EdD
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Pansanay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Pagkakaiba ng Kathang Isip
at Di-kathang Isip na Teksto

Panimula

Isa ka ba sa mga batang hilig ang panonood ng cartoons? Sinong cartoon


character ang pinaka paborito mo? Naaliw ka rin bang magbasa ng mga fairytale na
kuwento? Ano-ano ang dahilan mo sa pagbabasa at panonood ng mga ito? Sa loob
ng inyong tahanan, sino-sino naman ang madalas manood o magbasa ng mga balita
at nasisiyahan sa mga kuwentong tungkol sa karanasan o mga kasaysayan? Ano ba
ang maaaring maitulong ng mga ito?

Likas na sa mga mag-aaral na tulad mo ang pagkahilig sa panonood ng


cartoons o di kaya naman ang pagbabasa ng mga fairytale na kuwento sapagkat
nagdudulot ito ng aliw at saya. Sa iyong pagbabasa, mahalagang malaman mo muna
kung anong uri ng teksto ang iyong binabasa at kung anong pakinabang ang maari
mong makuha mula rito. Mahalaga rin na malaman mo na hindi lahat ng iyong
nababasa o napapanood ay totoo. Ang ilang sa mga ito ay maaaring nais lamang
magbigay ng aliw o magbigay kasiyahan, ang iba nama’y naglalayong magbahagi ng
karanasan o mga kaalaman upang mapatalas ang ating isipan at mahubog ang ating
pag-uugali. Alin man sa mga ito ang kinahihiligan mo, mahalagang maging
mapanuri ka sa iyong binabasa o maging sa mga napapanood. Ang pagiging
mapanuri ay ang pagtukoy o pagtataya kung alin ang tama o mali, ang totoo at hindi
para sa makabuluhang pagpapasya.

Sa araling ito ay matututuhan mong suriin ang pagkakaiba ng kathang isip


(fiction) at di-kathang (non-fiction) isip na teksto. Handa ka na bang maging bahagi
ng kasanayang ito? Halika’t pag-aralan mo.

1|Pahina
Kasanayang Pampagkatuto

Nasusuri ang pagkakaiba ng kathang isip at di-kathang isip na teksto (fiction


at non-fiction). (F6PB-IVc-e22)

Mga Layunin

Sa pagtatapos ng Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto


na ito, ikaw ay inaasahang:

1. nabibigyan ng kahulugan ang salitang kathang isip at di-kathang isip


gamit ang grapikong pantulong;
2. naiisa-isa ang mga halimbawa ng kathang isip at di-kathang isip (fiction
at non-fiction) na teksto batay sa nabasang talata; at
3. naitatala ang pagkakaiba ng nabasang kathang isip at di-kathang isip na
teksto (fiction at non-fiction) gamit ang talahanayan.

Balik-aral

Sa nakaraang aralin ay natutuhan mo ang pagpapahayag ng sariling opinyon


o reaksiyon sa napakinggang balita o isyu. Halina’t muling balikan ang iyong
natutuhan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na gawain.

A. Panuto: Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagsasaad ng wasto


patungkol sa opinyon o reaksiyon at Mali naman kung hindi wasto. Isulat sa
sagutang papel ang iyong sagot.

__________1. Ang opinyon ay sariling palagay, pananaw o saloobin tungkol sa isang


balita, isyu o usapan.
__________2. Ang sinoman ay maaaring magpahayag ng kaniyang sariling opinyon.

2|Pahina
__________3. Ang reaksiyon ay ang damdaming nagpakikita ng pagsang-ayon o
pagsalungat ng isang tao tungkol sa kanyang narinig, nabasa, nakita
o napanood.
__________4. Mahalaga ang pagiging magalang sa lahat ng pagkakataon sa
pagbibigay ng iyong sariling opinyon o reaksiyon.
_________ 5. Kailangang maging bukas ang kaisipan sa mga ibibigay na opinyon o
reaksiyon ng iba dahil bawat mag-aaral at bawat tao ay may
karapatang maglahad ng kaniyang saloobin at opinyon na maaaring
kaiba sa iyo.

B. Panuto: Tukuyin kung opinyon o reaksiyon ang mga sumusunod na


pangungusap. Isulat ang opinyon kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng
sariling ideya, palagay, o kuru-kuro at reaksiyon naman kung nagpapahayag
ng damdamin o saloobin. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

________1. Naniniwala akong hindi hadlang ang kahirapan sa pag-abot ng


pangarap.
________2. Nagsigawan ang mga tao nang makita ang artistang hinahangaan.
________3. Namangha ang lahat sa ipinakitang husay ng bata sa pag-awit.
________4. Marahil matatagalan pa bago bumalik ang lahat sa normal.
________5. Sa aking palagay, mas makabubuti pa rin ang pagsusuot ng face
mask kahit wala na ang COVID-19.

3|Pahina
Pagtalakay sa Paksa

Naranasan mo na ba ang maglibot sa isang malawak na hardin? Naaliw at


nasisiyahan ka ba sa tuwing nakakakita ng magagandang bulaklak? Naniniwala ka
ba sa mga diwata?

Basahin ang teksto sa ibaba.

Mga Diwata ng Bulaklak


ni Analyn Marie A. Guivencan, Rabanes ES

Sa isang liblib na baryo sa bayan ng San Marcelino, may isang malawak at


mahiwagang hardin na kinagigiliwan ng mga taong puntahan. Mistulang bahaghari
ang hardin sa taglay nitong iba’t ibang kulay na mga bulaklak. Walang sinoman ang
nagmamay-ari nito, kung kaya’t maging ang mga taong naninirahan doon ay
nagtataka kung paano nito napananatili ang taglay na ganda gayong walang
sinoman ang nag-aalaga ng mga pananim dito.

Lingid sa kaalaman ng mga taong naninirahan doon na may mga kakaibang


nilalang na siyang nangangalaga sa mga ito. Ito ay ang mga diwata ng bulaklak. Sila
ang dahilan kung bakit napakaganda at kaakit-akit ang mga bulaklak na naroon.

4|Pahina
Isang umaga, isang batang babae
ang namasyal at nag-ikot sa malawak na
hardin. Aliw na aliw siyang
pinagmamasdan ang mga bulaklak
habang maingat na hinahaplos ng
kaniyang mga kamay ang talulot ng mga
ito. Maya-maya pa ay nakarinig siya ng
kaluskos mula sa halamanan na
nakatakip sa pinakamagagandang
bulaklak ng hardin.

“Anong ingay iyon?”, nagtatakang tanong niya. Nilapitan niya ito at tiningnan
niyang maigi. Laking-gulat niya nang biglang lumitaw ang isang munting diwata na
nakasuot ng talulot ng rosas. Kumikinang ang kaniyang mga pakpak. Lalong
namangha ang bata nang biglang lumitaw ang
iba pang munting diwata na naglabasan sa
likod ng iba’t ibang uri ng bulaklak. Bawat isa
ay nakasuot ng talulot ng bulaklak at may
hawak na mahiwagang patpat. Pinipintahan
nila ang mga bulaklak gamit ang anilang
mahiwagang patpat. Nilalagyan din nila ng
kumikinang na pulbos ang mga bulaklak
upang manatili ang bango ng mga ito.

Hindi makapaniwala ang bata sa kaniyang nakita. Sabay-sabay na ikinumpas


ng mga diwata ang kani-kanilang mahiwagang patpat upang bigyan ng mas
matingkad na kulay ang mga bulaklak sa kanilang hardin.

Maya-maya pa ay napansin ng isang diwata ang batang nakamasid sa kanila.


Lumipad ang diwata ng bulaklak patungo sa bata at nagwika, “Kamusta ka? Marahil
nagulat ka sa iyong nasaksihan. Narito ka rin ba
upang pagmasdan ang aming mga bulaklak?”

“Opo, tama po kayo. Isa lamang ako sa mga


taong naaaliw sa inyong mga bulaklak. Pumipitas din
po ako ng mga ito upang ibigay sa aking inang may
sakit. Masaya siyang nakikita at naamoy ang mga
bulaklak mula sa inyong hardin.”

“Natutuwa kaming malaman iyan. Tulad mo,


layunin namin ang magbigay ng simpleng kasiyahan sa tao sa pamamagitan ng
aming mga bulaklak. Ibinabahagi mo ang kasiyahang dulot ng aming mga bulaklak

5|Pahina
sa iba, kung kaya’t narito kami upang patuloy
na bigyan ng kulay at ganda ang hardin na
ito.”

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay


nagpatuloy na muli ang mga diwata sa
pagpapaganda ng hardin habang pinanonood
naman sila ng batang babae. Nagmistulang
kumikinang na bahaghari ang kanilang
hardin sa tingkad ng kulay ng mga bulaklak.

Mula noong araw na iyon, sa tuwing


tutungo ang bata sa hardin ay nakaabang at
naghihintay na sa kaniya ang mga diwata ng bulaklak.

Ang kanilang hardin ay bukas para sa lahat ng taong nais pagmasdan ang
mga bulaklak. Magkatulong din sila sa pamimigay at pamamahagi ng mga ito sa
mga tao upang magbigay ng simpleng kasiyahan higit lalo sa mga may sakit at
nalulungkot. Pagkatapos nito ay masayang nakikipaglaro ang batang babae sa mga
diwatang kaibigan.

Pag-unawa sa binasa:

Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol sa binasang teksto. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.

1. Sino ang tauhan sa nabasang teksto?


2. Ilarawan ang mga diwata ng bulaklak.
3. Paano pinaganda ng mga diwata ang hardin?
4. Naniniwala ka ba sa mga diwata? Bakit?
5. Sa iyong palagay, makatotohanan ba ang lahat ng pangyayaring nakalahad
sa teksto? Pangatwiranan ang iyong sagot.

Talakayin Natin

1. Kathang Isip (Fiction)

Ang tekstong iyong nabasa ay halimbawa ng kuwentong bibit o fairytale story


na mas kilala sa tawag na kuwentong pambata. Ito ay mga kuwentong bunga ng
imahinasyon o maaring patungkol sa engkanto, engkantada, engkantado at mga
mahiwagang bagay o pangyayari. Ang mga teksto o babasahing ito ay kathang isip
lamang.

Ang kathang isip na teksto o babasahin ay kinapapalooban ng mga likhang-


isip o imahinasyon ng may akda na inilalahad sa paraang pasalaysay o pakuwento.
Ito ay kinapapalooban ng mga likhang-isip na mga tauhan; tulad ng mahiwagang

6|Pahina
tao, mga diwata, mga hayop na nagsasalita at mga bagay na kumikilos o gumagalaw.
Tampok din dito ang mga mahiwaga o di-makatotohanang lugar at pangyayari.

Halimbawa:

Tauhan Mga diwata ng bulaklak Likhang-isip na tauhan

Likhang-isip o di-
Lugar o Tagpuan Mahiwagang hardin
makatotohanang lugar

Mga pangyayari • Pinipintahan nila ang Mga pangyayaring


sa Kuwento mga bulaklak gamit ang bunga lamang ng
kanilang mahiwagang imahinasyon, di-tunay
patpat. o di-makatotohanan

• Nilalagyan din nila ng


kumikinang na pulbos
ang mga bulaklak
upang manatili ang
bango ng mga ito.

Nilalayon ng kathang isip na teksto na paglakbayin ang isip ng mga


mambabasa; nanlilibang at pumapawi ito ng inip gamit ang mga pangyayari na
pawang kathang isip lamang ng may akda. Ginagamit ang mga ito upang kapulutan
ng mga magagandang aral.

Basahin ang kasunod na teksto. Ihambing ito sa unang tekstong iyong


nabasa.

Talambuhay ni Ramon Magsaysay

Kilala si Ramon Magsaysay bilang Kampeon ng Masa. Siya ang ikapitong


pangulo ng Republika ng Pilipinas. Nanungkulan siya simula Disyembre 30, 1953
hanggang Marso 17, 1957. Siya ay tubong Iba, Zambales at pinanganak siya noong
Agosto 31, 1907. Sina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro ang kaniyang mga
magulang. Siya rin ay isang ama sa tatlo niyang mga anak na sina Teresita, Milagros
at Ramon Jr. Noong Marso 17, 1957, sa pinakahindi inaasahang panahon, ang
sinasakyang eroplano ng pangulo ay bumagsak sa Bundok Manunggal sa Cebu. Ito

7|Pahina
ang kaniyang ikinamatay sa edad na 50. Sa
kaniyang edad at ilang taong pamumuno sa
bansa, hindi maikakaila ang kaniyang mga
kontribusyon sa bansa.

Si Magsaysay ay isang masipag na pinuno.


Noon pa lamang ay nagboluntaryo na siyang
maglingkod sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas
at hinirang pa ni Douglas MacArthur bilang
Military Governor ng Zambales.

Ang Veterans Memorial Hospital ay


naipatayo dahil sa malaking bahagi ni Magsaysay
sa pagpasa ng panukalang batas sa pagbibigay ng
benepisyo ng Estados Unidos sa mga Pilipinong
beterano sa digmaan. Naging kalihim din siya ng Kagawaran ng Pambansang
Depensa noong 1950. Nahikayat niya rin ang kilalang HUKBALAHAP na sumuko at
magbalik sa pamahalaan. Dahil sa kaniyang mga naiambag ay tinagurian siyang
Man of the Year noong 1951 bago pa siya naging pangulo noong 1953.

Noong panahon ng kaniyang termino ay


nabuksan ang pintuan ng Malacańang sa mga
karaniwang tao upang ipahayag ang kanilang
mga hinaing at suliranin sa tinatag na
President’s Action Committee (PCAC). Ito ang
naging dahilan bakit siya kinilalang Kampeon
ng Masa. Dahil sa kaniyang lubos na
pagkamakatao, ang mga magbubukid ay
nagkaroon ng pagkakataong magmay-ari ng
sariling lupa sa batas ng Land Reform Act of
1955. Personal na sumuko sa kanya ang
Supremo ng mga Huk na si Luis Taruc na naghudyat ng ganap na katahimikan ng
bansa.
Hindi lamang makatao si Magsaysay kundi siya rin ay makabansa. Nakilala
siya sa kaniyang pagsuot ng Barong Tagalog imbis na Amerikana sa kaniyang mga
dinadaluhan. Pinakita niya rin ang kaniyang pagiging makabansa noong bigyang
pansin ang mga dukha na salat sa buhay.

8|Pahina
Pag-unawa sa binasa:

Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol sa nabasang teksto. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.

1. Tungkol saan ang nabasang teksto?


2. Ano-ano ang naging kontribusyon ni Ramon Magsaysay sa bansa?
3. Bakit siya kinilalang Kampeon ng Masa?
4. Anong katangian ni Ramon Magsaysay ay pinakahinangaan mo? Bakit?
5. Sa iyong palagay, makatotohanan ba ang mga pangyayaring nakasaad sa
teksto? Ipaliwanag.

2. Di-kathang Isip (Non-fiction)

Ang huling tekstong iyong nabasa ay halimbawa ng talambuhay. Ito ay


nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala,
pangyayari at impormasyon. Ang tekstong ito ay halimbawa ng di-kathang isip na
teksto o babasahin.

Ang di-kathang isip na teksto o babasahin ay nagsasaad ng mga tunay o


makatotohanang pangyayari sa buhay ng tao, pinagmulan ng mga bagay, lugar,
pangyayari o mga ideya na maaring suriin at patunayan. Tampok dito ang mga tunay
na tao, lugar, pangyayari at mga ideya.

Halimbawa:

Tauhan Ramon Magsaysay Tunay na tao

Iba, Zambales Makatotohanang


Tagpuan o Lugar
Bundok Manuggal sa Cebu lugar

• Siya ay tubong Iba, Zambales


at pinanganak siya noong Tunay na
Agosto 31, 1907. pangyayari sa
Mga pangyayari sa buhay ni Ramon
Kuwento Magsaysay
• Ang sinasakyang eroplano ng
pangulo ay bumagsak sa
Bundok Manunggal sa Cebu.

Nilalayon ng mga di-kathang isip na teksto na bigyan ng totoo at angkop na


impormasyon ang mga mambabasa tungo sa pagkatuto. Ang mga limbag na ito ay
dumaan sa pag-aanalisa ng mga dalubhasa upang matiyak na ang nilalaman ay
tama.

9|Pahina
3. Paghahambing ng Kathang Isip at Di-Kathang Isip na Teksto

Ngayon ay alam mo na, na may dalawang uri ng teksto o babasahin, ito ay


ang kathang isip (fiction) at di-kathang isip (non-fiction) na teksto.

Pag-aralang mabuti ang talahanayan na nasa ibaba.

Pagkakaiba ng Dalawang Tekstong Nabasa

Talambuhay ni Ramon
Pamagat Mga Diwata ng Bulaklak
Magsaysay

Uri ng Teksto Kathang Isip Di-kathang Isip

Kinapapalooban ng mga Kinapapalooban ng mga


Tauhan
likhang-isip na tauhan. tunay at totoong tao.

Nagsasaad ng mga likhang-


Tagpuan o Nagsasaad ng mga
isip o di-makatotohanang
Lugar Makatotohanang lugar.
lugar.

Naglalahad ng mga Naglalahad ng mga


Mga
pangyayaring bunga tunay na pangyayari sa
pangyayari
lamang ng imahinasyon, di- buhay ni Ramon
sa Kuwento
tunay o di-makatotohanan. Magsaysay.

Nanlilibang at pumapawi
Nagbibigay ng totoo at
ito ng inip gamit ang mga
angkop na impormasyon
Layunin pangyayari na pawang
sa mga mambabasa
kathang isip lamang ng
tungo sa pagkatuto.
may akda.

Nakikilala mo na ba ngayon ang pagkakaiba ng kathang isip sa di-kathang


isip na teksto?

Tandaan na ang kathang isip (fiction) at di-kathang isip (non-fiction) na teksto


ay lubos na nakatutulong upang mapaunlad ang kaalaman ng bawat mambabasa.
Ang mga ito ay ginagamit upang mapatalas ang kaalaman at mahubog ang ugali ng
bawat mag-aaral.

Nilalayon ng dalawang uri ng teksto o babasahing ito na turuan ang bawat


mambabasa na tukuyin o tayahin ang tama at mali para sa makabuluhang
pagpapasya.

10 | P a h i n a
Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1
A. Panuto: Ayusin ang mga letra sa ibaba upang mabuo ang mga salita na
nagbibigay kahulugan sa salitang kathang isip at di-kathang isip. Punan ang
grapikong pantulong gamit ang mga nabuong salita. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

1. 6.

2. 5. 7. 10.
Kathang Di-
Isip kathang
Isip

3. 4. 8. 9.

1. N I G U - N I G U 6. M A T A
2. H A N G L I K - S I P I 7. N A Y T U
3. H I N A M A I S Y O N 8. Y A T I K
4. A W A G - W A G A MALANG 9. K A M A T O H A T O N A N
5. L A N G W A TOTONANHAKA 10. K A P A N I - N I L A W A P A

B. Panuto: Iguhit ang thumbs down kung ang pangungusap ay tumutukoy sa


kathang isip na teksto at thumbs up kung di-kathang isip na teksto. Gawin ito
sa iyong sagutang papel.

________ 1. Ang tekstong ito ay kinapapalooban ng mga likhang-isip o imahinasyon


ng may akda na inilalahad sa paraang pasalaysay o pakuwento.
________ 2. Nilalayon nito na manlibang at pumapawi ito ng inip gamit ang mga
pangyayari na pawang kathang isip lamang ng may akda.
________ 3. Ito ay teksto o babasahin na nagsasaad ng mga tunay o makatotohanang
pangyayari sa buhay ng tao, pinagmulan ng mga bagay, lugar,
pangyayari o mga ideya na maaring suriin at patunayan.

11 | P a h i n a
________ 4. Layunin ng tekstong ito na bigyan ng totoo at angkop na impormasyon
ang mga mambabasa tungo sa pagkakatuto.
________ 5. Ito ay kinapapalooban ng mga likhang isip na mga tauhan, lugar at mga
pangyayari.

Pinatnubayang Pagsasanay 2
A. Panuto: Ang sumusunod na mga talata ay hinango sa iba’t ibang teksto. Suriin
kung ito ay kathang isip o di-kathang isip. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Isang araw, nang maghahanda na


sa pagluluto ay nagtanong si Pinang sa
kanyang ina kung nasaan ang sandok. Sa
katatanong ni Pinang ay nasuya si Aling
Rosa kaya nasabi niya na, “Naku Pinang!
Sana’y magkaroon ka ng maraming mata
upang lahat ng bagay ay makita mo at
hindi ka tanong ng tanong!”. Umalis si
Pinang upang hanapin ito. Kinagabihan,
nag-alala si Aling Rosa dahil hindi pa bumalik si Pinang. Isang araw, habang
nagwawalis si Aling Rosa may nakita siyang isang halaman na bago lamang sa
kanyang paningin. Binunot niya ito at itinanim sa halamanan. Nang lumaki ito,
nagulat si Aling Rosa na ito ay hugis ulo na napalilibutan ng maraming mata.
Naalala ni Aling Rosa ang huling sinabi niya sa nawawalang anak at noon ay
napagtanto niya na nangyari kay Pinang ang kanyang sinabi. Tinawag niya itong
Pinang na kalaunan ay tinawag na Pinya.

Ang Alamat ng Pinya


Hango mula sa https://philnews.ph/2019/10/14/alamat-ng-pinya-buod-ng-
kwento-na-tungkol-sa-pinagmulan-ng-pinya/

2. Noong bata pa si Manuel Luis Quezon ay lagi


siyang kasama ng kanyang ama sa bukid. Gustong-
gusto niyang sumama rito. Isang araw ay may
napansin siya. “Tatay, Bakit po kulay ginto na ang mga
palay?”, tanong niya sa ama. “Bakit po nakayuko na
ang mga uhay?”, dagdag pa niya. “Malapit na kasing
anihin ang mga palay kaya kulay ginto na ang mga
ito.”, sagot ng kanyang ama. “Salatin mo ang mga
uhay.”, utos nito kay Manuel. “Mataba po ang mga
nakayukong uhay. Wala pong laman at payat ang mga
nakatuwid na uhay.”, sagot ni Manuel. “Ganyan dapat

12 | P a h i n a
ang tao Manuel. Mababa ang loob kahit maraming alam at maraming
katangian.” Matagal na nag-isip si Manuel saka tumango.

Buhay ni Manuel L. Quezon

3. May ibong uwak na nakakita ng karne na


nakabilad sa araw. Tinangay niya ito at lumipad
nang malayo. Sa dulo ng sanga ng isang puno,
sinimulan niyang kainin ang karne. Ngunit
narinig niya ang malakas na boses ng isang aso
na nagsabi, "Sa lahat ng ibon, ang uwak ang
pinaka-magaling. Walang kakumpara!" Natuwa
ang uwak at ibinuka ang bibig para humalakhak.
Nalaglag ang karne mula sa kanyang bibig at nahulog ito sa lupa kung saan
kaagad sinunggaban ng aso.

Ang Aso at Ang Uwak


Hango mula sa https://pinoycollection.com/ang-aso-at-ang-uwak/

4. Ang yugto ng buhay ng paru-paro ay


nagsisimula sa pagiging itlog na kapag napisa ay
nagiging uod. Kapag uod pa lamang ay iniiwasan
dahil perwisyo ito sa mga pananim at kinakain
nito ang mga dahon. Matagal itong natutulog at
nagpapatubo ng pakpak. Paglabas ng uod ay isa
ng kaakit-akit na paru-paro.

Yugto ng Buhay ng Paru-paro

5. Nagsimula ang kasaysayan ng Pilipinas


nang dumating ang mga sinaunang tao sa
pamamagitan ng mga tulay na lupa 67,000
taon na ang nakalilipas. Ang unang tala ng
pagbisita na mula sa Kanluran ay ang
pagdating ni Ferdinand Magellan sa pulo ng
Homonhon, sa timog-silangan ng Samar
noong ika-16 Marso 1521. Nagtayo sila ng mga
permanenteng paninirahan sa Cebu kasabay
ng ekspedisyon ni Miguel López de Legazpi noong 1565 at marami pang mga
paninirahan ang itinatag pa-hilaga hanggang sa maabot ng mga kolonyalista
ang Look ng Maynila sa pulo ng Luzon. Nagtatag ng isang lungsod sa Maynila at

13 | P a h i n a
dito nagsimula ang panahon ng kolonisasyon ng Espanya na nagtagal ng
mahigit tatlong siglo.

Kasaysayang ng Pilipinas

B. Panuto: Itala sa loob ng talahanayan ang pagkakaiba ng kathang isip at di-


kathang isip na teksto. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Pagkakaiba ng Kathang Isip at Di-kathang Isip na Teksto

Uri ng Teksto Tauhan Tagpuan o Lugar Pangyayari Layunin

Kathang Isip

Di-kathang isip

Pang-isahang Pagsasanay

Basahin at unawain ang dalawang teksto sa ibaba at gawin ang kasunod na


pagsasanay.

Unang Teksto:

Si Mahistrado Kuwago

Isang araw, may krimeng pinahuhusgahan sa isang hurado ang ilang hayop.
Kabilang dito ang Ibon, ang Palaka, ang Pagong, ang Alitaptap, at ang Lamok. Upang
maparusahan ang kriminal, napagkaisahan ng lahat na magsilbing huwes ang
Kuwago.

"Sapagkat ako ang napili ninyong magdesisyon kung sino ang kriminal sa
kasong ito, pakikinggan ko kayo sa inyong mga sasabihin."

14 | P a h i n a
Nagsimulang tumindig ang Ibon
na nagpahayag ng kaniyang problema.

"Ako po si Ibon. Hindi po ako


makatulog sa gabi sapagkat kokak
nang kokak ang Palaka."

"O, bakit kokak ka nang


kokak?" tanong ng hurado sa Palaka.

"Ako po si Palaka. Kokak po ako nang kokak sa takot ko pong mahulugan ako
ng bahay ni Pagong."

Tinawag ng hurado si Pagong.

"Totoo ba iyon, Pagong?" takang-takang usisa ng hurado.

"Totoo po. Bakit naman hindi ko po dadalhin ang nag-iisa kong bahay? Takot
po kasi ako sa alitaptap na laging may baong apoy sa likuran."

"E bakit nga naman may apoy ka pang dala-dala?" pag-uusisa ng hurado sa
Alitaptap.

"Lagi po kasing may dala-dalang sibat si Lamok. Para po hindi ako masundot,
proteksiyon ko po ang apoy."

Tinawag ng huradong Kuwago ang itinuturong Lamok.

"Totoo bang may dala-dala kang sibat na panundot?"

Hindi maipaliwanag ng Lamok kung bakit kailangang dala-dala niya lagi ang
sibat.

Hindi nagkamali ang lahat na isisi sa Lamok ang parusang mabilanggo.

Nang akmang ipadadakip na ang hinatulan ay dali-dali itong lumipad.


Kaagad siyang pumunta sa Lamuklandia. Isinumbong niya sa mga kamag-anak ang
malupit daw na Mahistrado.

"Dala-dala mo lang ang sibat na pananggalang, huhulihin ka na upang


parusahan?" galit na reaksiyon ng mga Babaeng Lamok.

"Dapat na ipagtanggol natin ang katribo!" sigaw ng mga lalaking lamok.

15 | P a h i n a
Inayos ng mga Babaeng Lamok ang mga businang panggalugad at mga sibat
na panundot ng kanilang mga asawa.

Humanda na sa paglusob nila ang batalyon ng mga lamok.

Nang mapansin ng Mahistradong dumarating na ang nagliliparang mga


Lamok ay ikinampay na nito ang mga pakpak. Dali-dali itong lumipad at pumasok
sa kuweba sa kagubatan.

Hindi nag-aksaya ng oras ang mga Lalaking Lamok. Upang masigurong


mabibihag ang Mahistrado ay pinuntahan nila ang lahat ng kuweba sa paligid. Pati
na tenga ng mga tao ay sinisilip nila at binubusinahan sa pag-aakalang kuweba rin
itong mapagtataguan.

Bigo ang mga Lamok sa paghahanap nila sa Mahistrado.

Hanggang ngayon ay patuloy sila sa pagsilip at pagbusina sa ating mga tenga.

Ikalawang Teksto:
Ang Pagtuklas ni Magellan sa Pilipinas

Noong Setyembre 20, 1519, si


Ferdinand Magellan na isang Portuguese
na nagtatrabaho para sa Espanya, ay
pinamunuan ang unang ekspedisyon na
layuning ikutin ang buong daigdig para
makahanap ng mahahalagang
pampalasa. Dala ang kanyang 241
tauhan na lulan ng limang barko – ang
Trinidad, San Antonio, Concepcion,
Victoria, at Santiago. Ang
pakikipagkalakan sa mga pampalasa noong mga panahong iyon ay naghahatid ng
napakalaking salapi sa mga bansa sa Europa.

Isinagawa ang ekspedisyon ni Magellan dahil naghahanap ang mga Kastila


ng mga alternatibong ruta patungong silangan upang tumuklas ng mga lupain,
pampalasa, ginto at palawakin ang teritoryo ng Espanya at ipalaganap ang
kristiyanismo.

16 | P a h i n a
Mahaba at mahirap ang
paglalakbay ni Magellan at dalawang
barko lamang ang nananaig. Natuklasan
niya ang isang lagusan na kalaunang
ipinangalan sa kanya bilang Strait of
Magellan sa dulong timog ng South
America at naging unang European na
tumawid ng Pacific Ocean. Dumating ang
kanyang nalalabing mga barko sa isla ng
Homonhon sa Samar noong Marso 16,
1521. Pinangalanan iyon na Isla San
Lazaro. Kalaunan, pinangalanan ang mga isla na Filipinas bilang parangal kay
haring Philip ng Espanya. Idinaos ang unang misang katoliko sa isla ng Limasawa
sa Leyte noong Marso 31, 1521, sa pamamagitan ng prayleng kastila na si Padre
Pedro Valderama. Bininyagan ni Padre Valderama ang dalawang rajah at 400
katutubo noong Abril 14, 1521, sa Cebu kung saan nagtayo si Magellan ng malaking
krus, ang tanyag na “Magellan’s Cross” at inihandog ang ilang imahe ng Santo Niño
sa mga bagong mananampalataya bilang simbolo ng kapayapaan.

Napatay si Magellan sa pamamagitan ng pana


na may lason noong Abril 27, 1521 sa Battle of Mactan
ng mga katutubo sa isla sa pangunguna ng kanilang
kapitan na si Lapu-Lapu na tumututol na kilalanin
ang awtoridad ng Espanya. Ang digmaang ito ay
itinuturing na unang pakikipaglaban ng mga Pilipino
sa mga banyagang mananakop at idinambana si
Lapu-Lapu bilang bayani.

Iniuugnay kay Magellan, bunga ng unang


ekspedisyon nito, ang katunayan na bilog ang mundo
sa pamamagitan ng paglalayag mula silangan hanggang kanluran.

17 | P a h i n a
Panuto: Suriin ang pagkakaiba ng dawalang tekstong nabasa. Itala ang mga
sumusunod ayon sa mga hinihinging detalye. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Pagkakaiba ng Dalawang Tekstong Nabasa

Pamagat

Uri ng Teksto

Tauhan

(Itala ang mga


tauhan at ilarawan
ang mga ito bilang
pagpapatunay na
ito ay kathang isip o
di-kathang isip)

Tagpuan o Lugar

(Itala ang mga


tagpuan o lugar na
nabasa mula sa
teksto at ilarawan
ang mga ito bilang
pagpapatunay na
ito ay kathang isip o
di-kathang isip)

Mga pangyayari sa
1. 1.
Kuwento
2. 2.
(Magtala ng limang
(5) pangyayari na 3. 3.
nagpapatunay na
ito ay kathang isip o 4. 4.
di-kathang isip)
5. 5.

18 | P a h i n a
Pagsusulit

Basahin at unawain ang dalawang teksto sa ibaba at gawin ang kasunod na


pagsasanay.

Unang Teksto

Si Karl Kalabaw
ni Analyn Marie A. Guivencan, Rabanes ES

Si Mang galay ay isang magbubukid na may mga alagang kalabaw. Sa tatlo


niyang alaga, si Karl kalabaw ang pinakapaborito niya. Napakasipag kasi nito at
maaasahan sa lahat ng gawain sa bukid hindi tulad ng mga kaibigan niyang ubod
ng tamad. Maaga pa lamang gumagawa na sa bukid si Karl samantalang ang mga
kasama niya ay mahimbing pang natutulog.
Isang umaga, ginising ni Karl ang kaniyang mga kaibigan.

“Mga kaibigan, tumayo na kayo sa inyong pagkakahiga at simulan na natin


ang pag-aararo,” wika ni Karl sa mga natutulog na kaibigan.

“Masyado pang maaga Karl. Tingnan mo’t


madilim pa ang paligid,” sagot ng isang kaibigan.

“Higit na mainam ang magsimula nang


maaga upang makatapos tayo ng maaga,”
panghihikayat ni Karl kalabaw.

“Masakit ang aking ulo at tiyan, hindi ko


kayang tumayo,” pagdadahilan ng isa pang
kalabaw.

‘‘Ako din. Tila nanghihina ako ngayon,” dugtong ng isa pang kaibigan.

“Naku! Araw-araw ko na lamang naririnig sa inyo ang mga iyan. Tumayo na


kayo at baka makita pa kayo ng ating amo. Tiyak magagalit iyon,” wika ni Karl.

Napilitang tumayo ang mga kaibigan nito at padabog na nagtungo sa bukid.


Kinuha nila ang mga gamit pang-aararo at nagsimula na sa kanilang gawain.

19 | P a h i n a
Maya-maya pa ay nakaramdam na
ng pagod ang dalawa niyang kaibigan. Kaya
huminto na ang mga ito. Samantala, si Karl
ay patuloy pa rin sa kanyang ginagawa.
Wala man ang kanilang amo ay tapat pa rin
siyang gumagawa sa kanilang bukid.

Lumipas pa ang ilang oras ngunit hindi na


bumalik upang magtrabaho ang dalawa
niyang kaibigan.

Maya-maya pa ay dumating na din ang


kanilang amo. Nakita niyang nag-iisa lamang si Karl na gumagawa sa bukid.

“Nasaan ang iyong mga kaibigan? Bakit hindi ka nila tinutulungan?”


nagtatakang tanong ni Mang Galay.

Lumingon ang kanilang amo sa paligid at


natanaw niya ang dalawang kalabaw na
masayang naglalaro at pagulong-gulong sa
matubig at maputik na bahagi ng bukid.

“Naku! Napakatamad talaga ng mga


kaibigan mo. Iniisip ko tuloy na ibenta na
lamang sila kung magpapatuloy sila sa ganyang
gawain. Higit na mapakikinabangan ko pa sila”,
sabi ni Mang Galay.

Labis na nalungkot si Karl sa kaniyang narinig. Ayaw niyang mawala ang mga
kaibigan kaya agad siyang tumakbo patungo sa mga ito at ipinabatid ang balak ng
kanilang amo.

Nang malaman ito ng dalawang kaibigan, ay labis silang natakot. Agad silang
bumalik sa pag-aararo. Ayaw nilang maibenta sa iba. Mabait ang kanilang amo.
Hindi sila pinababayaan sa kanilang pagkain. Nakapagpapahinga rin sila sa tamang
oras at hindi nito inaabuso ang kanilang lakas sa pag-aararo sa bukid. Kaya naisip
ng dalawa na magbabago na.

Simula noon, ay naging masipag na ang mga ito tulad ni Karl. Nais nilang
matuwa ang kanilang mabait na amo upang hindi sila ibenta sa iba.

20 | P a h i n a
Ikalawang Teksto

Ang Ikot-tubig

Ang ikot-tubig o pagpapaulit-


ulit ng tubig o water cycle ay isang
proseso o paraan ng kalikasan kung
saan ang tubig ay pinababago ang
anyo at porma ngunit nanatili ang
pangunahing sangkap nito bilang
isang kompuwesto o pinagbuklod na
sangkap ng elemento ng hidrogeno at
oksiheno.

Ang pagbabago-bago ng
temperatura o init at lamig sa
kapaligiran ay siyang nagiging dahilan kung bakit nagbabago ang panlabas o pisikal
na anyo at ayos ng tubig. Ang katamtamang init at lamig ay siyang nagpapanatili sa
anyo ng tubig bilang isang agos o likido. Sa ganitong anyo, ang tubig ay nagagamit
at mahalaga sa lahat ng uri ng halaman, hayop, mumunti man o malaki at maging
sa mga tao.

Ang labis na init sa hangin dala ng sikat ng araw ay siyang dahilan naman
upang ang tubig ay maging singaw. Sa anyong ito, ang tubig bilang singaw ay
madaling mapadpad sa hangin sa himpapawid.

Kapag ang singaw ng tubig ay nakarating sa himpapawid na may mababang


temperatura, ang tubig ay sasailalim sa paraan ng kondensasyon o pagtitipon ng
bahagi nito upang maging ulap dahil sa malamig na hangin.

Kapag ang natipon na bahagi ng tubig singaw ay mabigat na, ito ay susundan
ng paraan o proseso ng presipitasyon o pagbagsak ng tubig bilang agos o likido dahil
naabot na ang saturation point o wastong bigat para maging ulan ito sa himpapawid.
Ang kaganapang ito ay paulit-ulit na nangyayari sa kalikasan na siyang tinawag
ngang pagpapaulit-ulit ng tubig.

Ang pangangalaga sa mga punong kahoy at sa malawak na kagubatan ay


mahalaga sa prosesong ito upang patuloy na may mapakinabangang tubig sa daigdig
na siyang mahalaga sa lahat ng buhay na naninirahan dito.

21 | P a h i n a
Panuto: Itala ang pagkakaiba ng dawalang tekstong nabasa. Punan ang talahanayan
ng mga hinihinging detalye. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Pagkakaiba ng Dalawang Tekstong Nabasa

Pamagat

Uri ng Teksto

Tauhan o Paksa

Tagpuan o Lugar

Mga pangyayari sa 1. 1.
Kuwento
2. 2.

(Magtala ng limang 3. 3.
(5) pangyayari na
nagpapatunay na ito 4. 4.
ay kathang isip o di-
5. 5.
kathang isip)

Pangwakas

Panuto: Punan ang mga patlang ng salitang bubuo sa kaisipan mula sa tinalakay
na aralin. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ang (1) ______________ na teksto o babasahin ay binubuo ng mga likhang-isip


o imahinasyon ng may akda na inilalahad sa paraang pasalaysay o pakuwento.
Nilalayon nito na paglakbayin ang isip ng mga mambabasa; (2) ______________ at
pumapawi ito ng inip gamit ang mga pangyayari na pawang kathang isip lamang ng
may akda. Ginagamit din ito sa paaralan upang (3) ______________ ng mga
magagandang aral.

Ang di-kathang isip na teksto o babasahin ay nagsasaad ng mga (4)


______________ o makatotohanang pangyayari sa buhay ng tao, bagay o lugar na
maaring suriin at patunayan. Nilalayon nito na bigyan ng angkop na impormasyon
ang mga (5) _______________ tungo sa pagkatuto.

22 | P a h i n a
Mga Sanggunian

Aklat Sanayan sa Filipino 6, Pahina 4, Ang Yugto ng Buhay ng Paru-paru

Ang Ikot-tubig o Pagpapaulit-ulit ng Tubig


https://www.google.com/url?sa=t&rct=j&q=&esrc=s&source=web&cd=&cad
=rja&uact=8&ved=2ahUKEwj6vreB0YrvAhUED6YKHf86Af8QFjAAegQIAhAD
&url=https%3A%2F%2Ftl.wikipedia.org%2Fwiki%2FPagpapaulit-
ulit_ng_tubig&usg=AOvVaw2L96aQt7J8scvUCVFXak-u

ANG PAGKAKATUKLAS NI MAGELLAN SA PILIPINAS | Balita – Tagalog Newspaper


Tabloid
https://www.google.com/url?sa=t&rct=j&q=&esrc=s&source=web&cd=&cad
=rja&uact=8&ved=2ahUKEwiCgv2vlO3uAhUF62EKHQJQCRUQFjAFegQIKR
AC&url=http%3A%2F%2Fbalita.net.ph%2F2015%2F03%2F16%2Fang-
pagkakatuklas-ni-magellan-sa-
pilipinas%2F&usg=AOvVaw1zMaBaoc_mFDo1VJnXCydt

Bayaning Filipino, Talambuhay ng mga Bayani ng Pilipinas, Talambuhay ni Ramon


Magsaysay
https://bayaningfilipino.blogspot.com/2017/08/talambuhay-ni-ramon-
magsaysay.html

FILIPINO 5 DLP 47 - PIKSYON AT DI-PIKSYON.PDF


https://dokumen.tips/documents/filipino-5-dlp-47-piksyon-at-di-
piksyonpdf.html

Philippine News, 2019, Alamat ng Pinya, Buod ng Kuwento sa Pinagmulan ng Pinya


https://philnews.ph/2019/10/14/alamat-ng-pinya-buod-ng-kwento-na-
tungkol-sa-pinagmulan-ng-pinya/

Pinoy Collection, Ang aso at Ang Uwak


https://pinoycollection.com/ang-aso-at-ang-uwak/

Pinoy Edition, Mga Pabula, Si Mahistrading Kuwago


https://www.pinoyedition.com/mga-pabula/si-mahistrado-kuwago/

23 | P a h i n a
24 | P a h i n a
BALIK-ARAL PANG-ISAHANG PAGSASANAY
A. 1. Tama
Pamagat Si Mahistrado Ang Pagtuklas ni
2. Tama
Kuwago Magellan sa Pilipinas
3. Tama Uri ng teksto Kathang isip Di-kathang isip
4. Tama Tauhan Mahistrado Magellan, totoong
5. Tama Kuwago, Palaka, tao
Ibon, alitaptap,
B. 1. opinion Pagong, Lamok,
2. reaksyon mga nagsasalitang
3. reaksyon hayop
Lugar o Lamuklandia, isla ng Homonhon sa
4. opinion Tagpuan likhang-isip na Samar, toong lugar.
5. opinyon lugar kung saan
nakatira ang mga
lamok
PINATNUBAYANG PAGSASANAY 1
Pangyayari
A. Kathang isip Di-kathang isip
GUNI-GUNI TAMA
LIKHANG-ISIP TUNAY
IMAHINASYON TIYAK
PAGSUSULIT
GAWA-GAWA LAMANG MAKATOTOHANAN
WALANG KATOTOHANAN KAPANI-PANIWALA Pamagat Si Karl Kalabaw Ang ikot-tubig
B. 1. 4. Uri ng teksto
Kathang Isip Di-kathang Isip
2. 5.
Tauhan o Paksa
3. Si Karl Kalabaw, Ikot-tubig
kathang isip na paulit-ulit ng
tauhan, masipag, pagbabago ng
PINATNUBAYANG PAGSASANAY 2 mapagmahal sa anyo ng tubig
kaibigan,
1. Kathang isip
nagsasalitang Makatotohanan
2. Di-kathang isip kalabaw g paksa
3. Kathang isip Lugar o Tagpuan
4. Di-kathang isip Sa bukid, lugar Sa ibabaw ng
5. Di-kathang isip kung saan nag- lupa at
uusap ang mga himpapawid,
magkaibigang makatotohanan
Pagkakaiba ng Kathang Isip at Di-kathang Isip na Teksto kalabaw. g lugar kung
saaan
nagaganap ang
Uri ng Tagpuan
Tauhan Pangyayari Layunin pagbabago ng
Teksto o Lugar
anyo ng tubig
Kathang Isip Kinapapa Nagsasaa Naglalahad Nanlilibang Pangyayari
looban ng d ng mga ng mga at pumapawi
mga likhang pangyayarin ito ng inip
likhang isip o di- g bunga gamit ang
isip na makatoto lamang ng mga
tauhan. hanang imahinasyon pangyayari
lugar. , di-tunay o na pawang
di- kathang isip
makatotoha lamang ng
nan. may akda. PANGWAKAS
Di-kathang Kinapapa Nagsasaa Naglalahad Nagbibigay
isip looban ng d ng mga ng mga ng totoo at
1. kathang isip 4. tunay
mga Makatoto tunay na angkop na 2. nalilibang 5. mambabasa
tunay at hanang pangyayari impormasyo
totoong lugar. sa buhay ng n sa mga 3. kapulutan
tao. tao, mambabasa 4. tunay
pinagmulan tungo sa
ng mga pagkatuto. 5. mambabasa
bagay, lugar
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales ang
taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng tagumpay
para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi ng
Ikaapat na Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto sa
lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng
naaangkop na kagamitang pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang
Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga
pamantayan ng pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:
Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga
manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan upang
makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at mga
tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng Kagamitan sa
Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at
katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;
Ikatlo, ang Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales sa kanilang patuloy na
paglalaan ng tulong-pinansyal upang mapunan ang gugugulin sa paglilimbag ng
mga kagamitang pampagkatuto na magagamit ng mga magulang at mag-aaral sa
tahanan.
Ikaapat, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat asignatura sa
kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro, sa kanilang
lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-unlad
ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at
Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy sa
kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay upang
maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral
na maging responsableng indibiduwal sa hinaharap.
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong panahon
ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay na malasakit na
pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.
Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna,
Para sa katanungan o karagdagang puna,
maaaring sumulat o tumawag sa:
maaaring sumulat o tumawag sa:

Pansangay na Tanggapan
Schools Division ng mga Paaralan ng Zambales
of Zambales
Zone
Zone6,6,Iba,
Iba,Zambales
Zambales
Tel./Fax
Tel./FaxNo.No.(047)
(047)602
6021391
1391
E-mail
E-mailAddress:
Address:zambales@deped.gov.ph
zambales@deped.gov.ph
Website:
Website:www.depedzambales.ph
www.depedzambales.ph

You might also like