You are on page 1of 19

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 6
Pelikula-Balita

Unang Markahan
Ikawalong Linggo
Modyul 8
Kasanayang Pampagkatuto:
1. Nasusuri ang mga kaisipan/ tema/ layunin/ tauhan/
tagpuan at pagpapahalagang nakapaloob sa napanood na
maikling pelikula,
2. Naipahahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang
balita, isyu o usapan.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng
inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-
aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba
para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na
ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kuwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL
1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos
makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya
ng aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa
bagong aralin.

2
Aralin Pagsusuri ng Maikling
1 Pelikula

Inaasahan
Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• Nasusuri ang mga kaisipan/tema/layunin/tauhan/tagpuan at


pagpapahalagang nakapaloob sa napanood na maikling pelikula

Matutulungan ka ng modyul na ito na:


✓ Matukoy ang mga kaisipan at tema na nakapaloob sa maikling pelikula
✓ Maibigay ang mga detalye na hinihingi sa mga tauhan at tagpuan
✓ Maisabuhay ang mga aral na nais iparating ng maikling pelikula

Unang Pagsubok
Panuto: Babasahin ang buod ng maikling pelikula o kaya ay i-click ang link na
nasa ibaba ng pamagat para mapanood ito. Maaaring ang magbasa ng
kuwento ay ang tagapagdaloy.

MUNTING KAHON NG PANGARAP

https://www.youtube.com/watch?v=KKH60hsDi2o

Ito ay tungkol sa isang ama na nangarap ng magandang buhay para sa


kanyang mga anak at nais na magkaroon ng sariling jeep ngunit ang nakikitang
pag-asa ay ang paghahanapbuhay sa Saudi. Ang kanyang panganay na anak na
si Ana ay labis na nagmamahal sa kanyang tatay at ayaw niya itong umalis kaya
naman gumawa siya ng paraan upang hindi na umalis ang kanyang ama at
mangibang-bansa. Naisip ni Ana na magbenta ng polvoron at sa bawat bumibili
ay inilalagay sa ginawa niyang kahon na nakalagay ay PARA SA JEEP NI TATAY
dahil ang mapagbebentahan nito ay itutulong upang mabili ng kanyang ama ang
jeep na makatutulong sa hanapbuhay. Sa katapusan ng kuwento ay iniabot ni
Ana ang isang kahon na ginawa niya para sa ama at nasa loob nito ang lahat ng
kinita niya sa pagbebenta ng polvoron.

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng wastong sagot sa iyong
kwaderno.
1. Saang bansa nais magpunta ang ama ni Ana upang maghanapbuhay?
A. Italy B. Dubai C. Saudi D. Japan

3
2. Ano ang naisip na paraan ni Ana upang makatulong sa kanyang ama?
A. mamalimos sa kalsada C. maglilinis ng mga sapatos
B. maglalaba ng damit sa kapitbahay D. magtitinda ng polvoron
3. Ano ang isinulat ni Ana sa kahon kung saan ihuhulog ang mga
napagbentahan ng mga tindang polvoron?
A. Para sa Aking Laruan
B. Para sa Jeep ni Tatay
C. Para sa Aming Bahay
D. Para sa Gamit ng Aking Kapitbahay
4. Bakit naisip ni Ana na magbenta ng polvoron?
A. upang magkaroon ng maraming pera
B. upang makakain sa restauran
C. upang matulungan ang kanyang ama na makabili ng jeep
D. upang makaipon para sa pambili ng kanilang bahay
5. Ano ang naging reaksyon ng ama ni Ana nang malaman ang ginawa niya?
A. nagalit sa ginawa ni Ana C. natakot sa ginawa ni Ana
B. nainis sa ginawa ni Ana D. naawa sa ginawa ni Ana

Balik-tanaw
Panuto: Basahin ang pahayag sa bawat bilang. Tukuyin ang inilalarawan.
Gamiting gabay sa pagsagot ang mga magkakahalong mga letra. Isulat
ang sagot sa kuwaderno.
1. Ang maaaring panooran ng mga bidyu EBUTUOY

2. Ang uri ng libangan na mapapanood sa mga sinehan AIPKELUL

3. Ang lugar kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa akda P G A A U N T

4. Aktor na gumaganap sa pelikula/akda UNAATH

5. Isang gadget na maaring makapanood ng pelikula TTLEBA

Maikling Pagpapakilala ng Aralin


Libangan ng marami ang panonood ng pelikula. Sa makabagong
panahon ay hindi lamang sa sinehan maaaring makapanood ng mga pelikula
kundi maging sa mga makabagong teknolohiya katulad ng laptop, cellphone at
tablet. Mayroon na ring mga uri ng pelikula na kung tawagin ay short film na
kung saan ay maikli lamang ang oras na gugulin sa panonood nito ngunit
katulad din ito ng ibang pelikula na hindi lamang nakalilibang kundi
nagbibigay din ng aral sa buhay.

4
Sa pagsusuri ng maikling pelikula, mahalaga na tukuyin ang mga
sumusunod:

A. Tauhan - Ang mga nagsiganap sa pelikula at ang kanilang pag-


uugali.
B. Tagpuan - Ang lugar kung saan naganap ang pelikula at ang
kaligiran nito.
C. Tema - nilalaman ng kuwento o kung saan tungkol o hango ang
pelikula
D. Layunin - salitang may kaakibat na pagkilos at may katiyakang
maisasakatuparan ang anumang gawain o bagay sa pelikula.
E. Kaisipan - tumutukoy sa ideya o pananaw ng maikling pelikula.

Panuto: Babasahin ang buod ng maikling pelikula o kaya ay i-click ang link na
nasa ibaba ng pamagat para mapanood ito. Maaaring ang magbasa ng
kuwento ay ang tagapagdaloy. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

Regalo
https://www.youtube.com/watch?v=cGevbJhWB5g

Ito ay tungkol sa magkaibigan na Denmark at Sam. Si Sam ay


masasabing may sapat na mga kagamitan at simple lamang ang kanilang
pamumuhay samantalang si Denmark ay nakatira lamang sa isang
bakanteng bahay at wala na itong sariling pamilya. Simula ng makilala ni
Sam si Denmark ay tinulungan na niya ito sa pamamagitan ng pagbibigay
ng mga kagamitan kagaya ng damit at tinulungan pa ito upang magkaroon
ng pera sa pamamagitan ng pangangaroling.

Ngunit ilang araw bago mag-Pasko ay umalis ang pamilya ni Sam


upang sa ibang lugar mag-Pasko. Nalungkot si Denmark dahil wala si Sam
sa Pasko ngunit nag-iwan ito ng regalo sa kanya. Laking tuwa ni Denmark
na ang regalo ni Sam ay isang bagong damit.

Ang perang ginamit ni Sam na pagbili ng damit ay ang kanyang


inipong pera na para sana sa nais niyang bilhin sa sarili sa darating na
Pasko.

1. Para saan ang perang iniipon ni Sam?


____________________________________________________________________
2. Bakit tinutulungan ni Sam si Denmark?
____________________________________________________________________
3. Sa paanong paraan tinulungan ni Sam si Denmark?
____________________________________________________________________
4. Ano ang nararamdaman ni Denmark nang malaman na umalis sina Sam?
____________________________________________________________________

5. Ano ang ginamit ni Sam para makabili ng regalo para kay Denmark?
____________________________________________________________________

5
Gawain
Gawain 1
A. Panuto: Basahin ang mga katanungan at isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

1. Sino-sino ang mga tauhan sa 2. Ilarawan ang mga katangian


maikling pelikulang “Regalo”? ng mga tauhan nasabing
maikling pelikula.

Saan naganap ang maikling Ilahad ang kapaligiran o mga


3. pelikulang “Regalo”? 4. lugar na pinuntahan nina
Sam at Denmark sa
nasabing maikling pelikula.

Gawain 2
A. Panuto: Basahin ang buod ng maikling pelikula o kaya ay i-click ang
link na nasa ibaba ng pamagat para mapanood ito. Sagutin ang mga
tanong sa at isulat sa kuwaderno ang letra ng tamang sagot..

COVID 19- FRONTLINER HERO


https://www.youtube.com/watch?v=2_oQjOYn93M
Ito ay tungkol kay Dra. Guevarra na frontliner sa panahon ng COVID-19
at marami siyang inaalagaang pasyente na nagpositibo sa nasabing sakit
ngunit hindi siya makauwi sa kanilang tahanan sa takot na maiuwi niya ang
mikrobyo at malagay sa panganib ang kanyang dalawang anak.

Kahit sa kaarawan ng kanyang bunsong anak ay hindi nakauwi ang


doktora sa kanilang bahay. Isang araw ay inuubo na si Dra. Guevarra at
sinabihan ng mga kasamahan na sumailalim sa test upang malaman kung siya
ay nahawaan ng virus.
Nagpositibo si Dra. Guevarra sa COVID-10 at nang lumaon ay
naakaratay na siya sa ospital. Tinawagan siya ng kanyang anak at nagbigay ng
mensahe upang lumakas ang loob at labanan ang naturang sakit. Ngunit dahil
sa kumplikasyong dulot ng virus ay namatay din si Dra. Guevarra.
Nagpasalamat ang kanyang mga kasamahan sa ospital sa hindi matatawarang
serbisyo na kanyang ginawa at inialay ang kanyang buhay upang magampanan
ang tungkulin na makapagbigay ng serbisyong medikal sa mga maysakit.

6
1. Saan dinadala ang mga nagpositibo sa COVID-19?
A. bahay C. ospital
B. restawran D. palaruan
2. Sino ang doktora na maituturing na frontliner ?
A. Dra. Guevarra C. Dra. Jacinto
B. Dra. Santos D. Dra. Robles
3. Sino ang may kaarawan?
A. ang pasyente C. ang mga tindera
B. ang kapwa doktor D. ang anak na bunso
4. Bakit hindi nais umuwi ng doktora sa kanilang bahay?
A. Magulo ang kanilang bahay.
B. Ayaw niyang makita ang mga anak.
C. Nangangamba na mahawa ng sakit dala ng mikrobyo mula ospital.
D. May ginagawa pa sila.
5. Ano ang ginawa ng mga kasamahan sa ospital nang mamatay ang doktora?
A. nagdiwang C. nagpasalamat
B. umalis D. umuwi

Panuto: Sagutin sa kwaderno ang mga tanong na nasa loob ng mga kahon.

Ano ang paksang Sa iyong palagay,


tinatalakay sa ano ang layunin o
maikling pelikula? nais na mabatid sa
pelikula?

Tandaan
Ang maikling pelikula ay tulad ng tradisyunal na pelikula na may
kabuuan ang kuwento ngunit mapapanood lamang sa maikling oras.
Maaaring sa loob ng maikling oras ay matutukoy na ang tauhan,
tagpuan, tema, layunin, kaisipan at mensahe na nakapaloob

Pag-alam sa mga Natutuhan


Panuto: Basahin ang buod ng maikling pelikula o kaya ay i-click ang link upang
mapanood ito at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa
kuwaderno.

7
Kuwentong Quarantips
https://www.youtube.com/watch?v=GCBJBumcb7s

Sa panahon ng pandemyang COVID-19 ay nawalan ng pasok


hindi lamang sa paaralan kundi maging sa mga opisina at pabrika.
Ito ay tungkol sa mga maaaring gawin sa panahon ng lockdown.
Narito ang mga sinasabing mga gawain habang quarantine o
itinuturing na quarantips:

A. Gumising nang maaga upang makapag ehersisyo.


B. Maaaring magkaroon ng ZUMBA activity sa inyong bahay.
C. Magkaroon ng gulayan sa bahay upang makatipid sa pamimili
at maiwasan ang madalas na pagpunta sa palengke.
D. Ito ay panahon upang maglinis ng bahay.
E. Isa sa mahalagang dapat tandaan ang paliligo at paghuhugas
ng kamay dahil ito ay isa sa mabisang panlaban sa COVID-19.
F. Kunin ang pagkakataon na makapagluto ng mga
masusustansyang pagkain,
G. Ito ang panahon na makasalo ang inyong pamilya sa hapag
kainan at magkaroon ng oras para makasama sila.
H. Huwag kalimutan magdasal ng pasasalamat at paghingi ng
proteksyon at gabay sa ating Panginoon.

1. Ano ang tawag sa hindi paglabas ng tahanan upang hindi na kumalat pa


ang virus?
A. Lock up C. Exit
B. Quarantine D. Entrance

2. Kailan nararapat gumising sa panahon na ito?


A. hapon C. umaga
B. gabi D. madaling-araw

3. Bakit sinuspinde ang klase at trabaho?


A. may bagyo C. bakasyon na
B. may pagdiriwang D. sa paglaganap ng COVID19

4. Ano ang isang mabisang paraan sa pangangalaga sa katawan?


A. lumabas ng bahay C. manigarilyo
B. maghugas ng kamay at maligo D. kumain ng kendi

5. Ano ang hindi nararapat makalimutang gawin sa panahong ito?


A. magdasal C. maglaba
B. mag-aral D. magluto

8
Panuto: Gumawa ng isang poster na naglalaman ng magagawa ng isang mag-
aaral sa pangangalaga ng katawan at isipan sa panahon ng
quarantine. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Panuto: Batay sa nakaraang pelikulang “Quarantips” ay sagutin ang mga


sumusunod:

Ano sa iyong palagay ang mga maaari Ano ang mensaheng ibig iparating
pang gawin sa panahon na nasa loob ng maikling pelikula sa mga
ng inyong tahanan? manonood nito?

Pangwakas na Pagsusulit
Panuto Basahin ang buod ng maikling pelikula o kaya ay i-click ang link na nasa
ibaba ng pamagat para mapanood ito. Sagutin ang mga sumusunod na
tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

MGA IBA’T IBANG URI NG VIOLATORS


https://www.youtube.com/watch?v=j20V0P5OEUc
Ito ay tungkol sa mga lumabag sa quarantine rules kaya
naman inilarawan ang kanilang kaparusahan depende sa kung
ano ang kanilang nagawa:

9
➢ The Baller- Ang mga ito ay naglalaro ng basketball na kung saan
ay ipinagbabawal ang lumabas at magkaroon ng pagtitipon-
tipon. Ang naging parusa sa kanila ay ang paglalaro ng
basketball na may kasamang pagtalon ngunit walang bola, ring
at nakahilera sa kalsada para hindi na pamarisan pa.
➢ The Gamers- mga naglalaro ng Mobile Legends sa labas ng bahay
kaya ang naging kaparusahan ay maglaro ng ML na walang
hawak na cellphone.
➢ The Kite- Nagpapalipad ng saranggola kaya ang parusa ay
inaarte nila na sila ay pagpapalipad ng saranggola.
➢ The Riders- Paggamit ng motor na may angkas kaya naman ang
parusa ay pag-ikot sa buong court na walang motor ngunit ang
paraan ng paglakad ay parang nakamotor.
➢ The Card Magician- Mga nagsusugal sa kabila ng lockdown kaya
pinaglaro sila ng pusoy na walang baraha.

Mga Tanong:
1. Ano ang ginagawa sa mga lumabag sa ECQ?
A. pinakulong C. pinakanta
B. pinaglinis ng kalsada D. ipinaulit na ikinilos nang walang
gamit
2. Ano ang kasalanan ng mga The Card Magician?
A. namitas ng bulaklak C. nag-iinuman
B.naglalaba sa labas ng bahay D. nagsusugal
3. Ano ang kasalanan ng mga The Kite?
A. nagpalipad ng saranggola C. umalis nang walang pass
B.nagdilig ng halaman D. nagpasimuno ng pagtitipon
4. Ano ang kasalanan ng The Baller?
A. naglalaro ng chess C. nagluluto
B.naglalaro ng basketball D. natutulog
5. Bakit hindi ikinulong at sa halip ay ipinaulit ang mga kasalanan nang
walang kagamitan?
A. upang malaman nila ang kamalian C. upang sila ay tumawa
B. upang sila ay umiyak D. upang sila ay magalit

Papel sa Replektibong Pagkatuto


Panuto: Gumawa ng isang tula na may dalawang (2) saknong at malayang
taludturan (walang sukat at tugma) na naglalaman ng iyong natutuhan
tungkol sa pagsunod sa batas kaugnay sa kasalukuyang quarantine.

10
Aralin Pagbibigay Opinyon
2 sa Balita

Inaasahan
Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• Naipahahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang balita, isyu o usapan.

Matutulungan ka ng modyul na ito na:


✓ matukoy ang mga mahahalagang detalye ng mga balita
✓ makapagtala ng obserbasyon sa napakinggan o nabasang balita
✓ makapagpahayag ng reaksyon o opinyon batay sa balita na nabasa

Unang Pagsubok
Panuto: Babasahin ang balita. Maaaring ang magbasa ng kuwento ay ang
tagapagdaloy.

Pinas Prayoridad ng China sa Bakuna


MANILA, Philippines — Tiniyak ni Chinese President Xi Jinping
kay Pangulong Rodrigo Duterte na magiging prayoridad ng China ang
Pilipinas sa sandaling magkaroon ng bakuna kontra COVID-19.
Nagkausap sa telepono sina Pangulong Duterte at Pres. Xi noong
Huwebes (Hunyo 11) na tumagal ng 38 minuto.

Sa pahayag ng Palasyo, nangako ang dalawang lider na


magtutulungan upang mas palakasin ang bilateral, regional at global
efforts para matalo ang COVID-19. Ipinunto ni Duterte kay Xi ang
kahalagahan ng kooperasyon sa pagsasagawa ng research trials para sa
pagtuklas ng COVID-19 vaccine.

Binanggit din ni Duterte na mahalaga na maging “accessible” at


abot-kaya para sa lahat ng bansa ang bakuna kabilang ang Pilipinas.
Muling binanggit naman ni Xi ang pangako ng China sa international
community na hindi ipagdadadamot ang madidiskubreng vaccine at
bilang “friendly neighbor” magiging prayoridad ang Pilipinas.

11
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng wastong sagot sa sagutang
papel.
1. Anong bansa ang prayoridad ng China sa bakuna?
A. Italy C. Hongkong
B. Pilipinas D. Japan
2. Ano ang napagkasunduan ng dalawang pinuno?
A. Magtutulungan ang dalawang bansa.
B. Magpipiknik ang dalawang bansa.
C. Magkakaroon ng digmaan ang dalawang bansa.
D. Mamimili ang dalawang bansa.
3. Ano ang hindi kabilang sa palalakasin ng dalawang pangulo upang matalo
ang COVID-19?
A. regional efforts C. bilateral effort
B. wuhan market D. global effort
4. Gaano katagal na nagkausap sina Pangulong Duterte at Pangulo Xi?
A. 57 minuto C. 15 minuto
B. 22 minuto D. 38 minuto
5. Ano ang mahalagang bagay na nararapat unawain sa pagtuklas ng gamot?
A. mahal at hindi abot-kaya
B. mahirap gawin
C. abot kaya para sa lahat
D. para sa bansang China lamang
D.

Balik-tanaw
Panuto: Punuan ang mga patlang ng letra upang mabuo ang salita. Basahin ang
mga pangungusap na makatutulong sa pagbuo ng salita. Isulat ang
sagot sa kwaderno.

A. Mga pangyayari sa araw-araw sa loob at labas ng bansa (makikita sa diyaryo)


____ A _____ _____ ______ A

B. Pahayag na mula sa sariling pananaw hinggil sa isang ideya. (mula sa personal


na pananaw)
O _____ _____ _____ _____ O _____

Maikling Pagpapakilala ng Aralin


Sa bawat araw na nagdaraan ay maraming balita ang naririnig ng
bawat isa na naglalaman ng mga pangyayari sa paligid. Ang mga balita ay
madalas na maituturing na gabay sa kung paano ang mga nagiging
pamumuhay na naakibat sa mga pagbabago batay sa detalye ng mga balita
na may kinalaman sa pulitika, batas, negosyo at iba pa. Sa pamamagitan din
ng balita ay maaaring magbigay ng saloobin ang mga mamamayan hinggil sa
mga pangyayari.

12
Isa sa paraan ng paglalahad ng saloobin o reaksyon ay pagbibigay ng
opinyon. Kaya naman mahalaga rin sa balita na mayroong editoryal o
anumang kaugnay na seksyon nito para marinig ng mga mamamayan ang
maaaring maging saloobin ng nakararami.

Panuto: Batay sa balitang nabasa, sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Sino ang dalawang pangulo ng Bansang Pilipinas at China?


______________________________________________________________________________
2. Ano ang ipagkakaloob ng bansang China sa Pilipinas?
______________________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, bakit nais tulungan ng China ang Pilipinas na malampasan
ang pandemya?
_______________________________________________________________________________
4. Ano ang iyong opinyon? Nararapat ba na tanggapin ng Pilipinas ang tulong mula
sa China?
________________________________________________________________________________
5. Sa iyong palagay, ano ang epekto ng kasunduang ito sa ating bansa?
________________________________________________________________________________

Gawain
Gawain 1
Panuto: Basahin ang editoryal at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot
sa kwaderno.

EDITORYAL – nCoVphobia

Nadagdagan pa ang mga bansang may namatay dahil sa nobel coronavirus


(nCoV). Isa ang namatay sa Hong Kong at isa rin sa Bangkok. Dito sa Pilipinas, isa
na ang namatay.
Ayon sa Department of Health (DOH) ang biktima ay isang 44-anyos na
Chinese at naging companion ng 38-anyos na babaing Chinese na unang nag-
positive sa nCoV. Ayon sa DOH, galing Wuhan City sa China ang lalaki. Ang
Wuhan ang epicenter ng nCoV outbreak na sa kasalukuyan ay 400 na umano ang
namamatay.
Ang pagkamatay ng lalaki ay nagdulot naman ng pangamba sa marami at
nag-panic sa pagbili ng face mask. Halos lahat ng mga naglalakad sa kalye ngayon
ay naka-face mask sa takot na mahawa sa nCoV.
Bago pa ang balita sa pagkamatay ng Chinese, marami na ang dumagsa sa
mga tindahan ng face mask sa Bambang, Sta. Cruz para makabili ng face mask.
Mayroong nakipagbalyahan para lamang makasiksik sa pila ng mga bumibili ng
face mask. Mayroong nagmumura dahil nauna siya sa pila pero siya ang huling
nabigyan ng face mask.

13
Mayroong eskuwelahan na pinagbawalan ang mga estudyanteng Chinese
na pumasok sa klase sa takot na mahawahan ng nCoV. Mayroon pang nag-
tatanong kung dapat ba siyang magsuot ng face mask kahit nasa bahay. Mayroon
din namang nakasuot ng face mask kahit nagmamaneho ng kotse.
Marami ang nagka-nCoVphobia. Sabagay, karaniwan na lamang ang
ganitong nararamdaman dahil nakakatakot na mahawahan ng sakit. Pero sabi ng
DOH, hindi naman daw dapat mag-panic. Hindi raw dapat makipag-unahan sa
pagbili ng face mask ang mga tao.
Payo ng DOH, ipaubaya ang pagsusuot ng face mask sa mga nasa front liner
o mga hospital workers. Sila ang dapat naka-face mask sapagkat sila ang
nakaharap sa mga pasyente.
Payo pa ng DOH, kailangang palakasin ang immune system para hindi
mahawa ng sakit. Kumain ng masustansiyang pagkain at panatilihin ang
kalinisan sa katawan. Laging maghugas ng kamay upang hindi kumalat ang sakit.
Hindi raw dapat mataranta, matakot at mag-panic ang mamamayan!

1. Ano ang mga bansang nadagdag sa listahan ng nagkaroon ng COVID-19?


____________________________________________________________
2. Saan madalas makakita ng mga tindahan ng face mask sa Pilipinas?
____________________________________________________________
3. Ano ang tawag sa panibagong uri ng takot dahil sa COVID 19?
____________________________________________________________
4. Ano ang nararapat pagtibayin sa katawan ayon sa DOH?
____________________________________________________________
5. Magbigay ng isang paraan upang makaiwas ang katawan sa sakit.
____________________________________________________________
Gawain 2
Panuto: Basahin ang tanong at isulat ang sagot sa kuwaderno.

Batay sa nabasang editoryal,


ilahad ang mga dahilan ng
pagkakaroon ng nCoVphobia.

1. _____________________________________________
2. _____________________________________________
3. _____________________________________________
4. _____________________________________________
5. _____________________________________________

Gawain 3
Panuto: Sagutin ang tanong sa kwaderno.

Sa iyong palagay,
nakatutulong ba ang
pagkakaroon ng
nCOVphobia sa mga
mamamayan?

14
Tandaan
Ang balita ay nakatutulong sa pamumuhay ng bawat
mamamayan dahil bukod sa nababatid ang mga pangyayari sa loob at
labas ng ating bansa, ang mga opinyon tulad ng editoryal at nagiging
gabay ng bawat isa sa pagsunod sa mga patakaran at sa pagbuo ng
uri ng pamumuhay na nais ng mga tao.

Pag-alam sa mga Natutuhan


Panuto: Basahin ang isa pang buod ng maikling pelikula o kaya ay i-click ang
link upang mapanood ito. at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot
sa kuwaderno.

Tag-ulan, Pumasok na- PAG-ASA


MANILA, Philippines — Opisyal nang inanunsiyo ng PAG-ASA ang
pagsisimula ng tag-ulan o rainy season sa bansa.
Ayon sa PAG-ASA, ang epekto ng Tropical Depression “Butchoy” at
Southwest Monsoon o Habagat sa nakalipas na ilang mga araw ay nagdala ng
sapat na dami ng tubig-ulan sa western sections ng Luzon at Visayas.
Dahil dito, nakamit na ang ‘criteria’ para sa pagdedeklara ng
panahon ng tag-ulan. Pero ayon sa PAG-ASA, maaari pa ring makaranas ng
dry periods o monsoon break na pwedeng tumagal ng ilang araw hanggang
dalawang linggo. Samantala, inalis na ng APAG-ASA ang nakataas na
Tropical Cyclone Wind Signal sa mga naapektuhan nitong lalawigan.
Si ‘Butchoy’ ay inaasahang lalabas ng bansa ngayong Sabado
matapos 2 beses mag-landfall sa Quezon Province.

1. Ano ang tawag sa ahensya ng pamahalaan na nag-uulat tungkol sa panahon?


A. PAGLUNSAD C. PAG-ASA
B. PAG-IWAS D. PAGKUHA
2. Ano ang panahon na naideklara ayon sa balita?
A. taglagas C. taglamig
B. tag-init D. tag-ulan
3. Ano ang batayan sa pagdedeklara ng nasabing pagpasok ng bagong panahon?
A. may bagyo C. may ulan
C. may araw D. may hangin
4. Ano ang pangalan ng bagyong papasok?
A. Buchi C. Butsok
B. Butling D. Butchoy
5. Anong lugar kung saan tatama ang bagyo?
A. Quezon City C. Quezon Province
B. Quezon Avenue D. Quezon Boulevard

Panuto: Basahin ang panuto at isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.


Magbigay ng mga programa na Magbigay ng mga suhestiyon upang
nararapat isagawa ng gobyerno sa mapalawig pa ang mga naisasagawa
panahon ng tag-ulan nang mga programa ng gobyerno sa
panahon ng tag-ulan.

15
Panuto: Gumawa ng isang poster sa kuwaderno na naglalaman ng magagawa
ng isang mag-aaral kapag nasa loob ng bahay sakaling magkaroon
ng bagyo.

Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Basahin ang editoryal at sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.

Ekonomiya o Kalusugan

Nahaharap sa isang crucial decision si President Duterte. Paluluwagin ba


ang umiiral na community quarantine para maging normal ang operasyon ng
ekonomiya, o ito ba’y mananatiling mahigpit upang mapigil ang paglaganap ng
COVID-19?

Ano ang silbi ng normal na operasyon ng kabuhayan kung patuloy na


mananalanta ang isang pandemyang unti-unting lumilipol sa sangkatauhan?

At kung patuloy na paiiralin ang lockdown subalit wala namang


mapagkakakitaan ang taumbayan, malamang mamatay din sa gutom ang tao
kaya ano ang napapala rito?

Kung ano ang magiging pasya ng ating Pangulo sa komplikadong isyung ito
ay maaaring malaman natin sa araw na ito. Pananatilihin ba ng dalawa pang
linggo ang General Community Quarantine (GCQ) o ito ba ay itataas sa Modified
Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila?

Dapat sana’y ibababa na ito sa mas maluwag ng modified general


community quarantine pero ayon na rin sa Spokesman ng Pangulo na si Harry
Roque, mukhang malabo pa itong mangyari. Ani Roque, sa nakaraang dalawang
linggo na ang Metro Manila ay nasa general community quarantine, nagkaroon
ng pagtaas sa kaso ng COVID-19. Natural na mangyayari ito dahil mas marami
na ang taong pinapayagang magsilabas ng tahanan kaya malaki ang tsansa ng
virus na magpalipat-lipat ng mga warm bodies na bibiktimahin.

16
Bukod sa Metro Manila, ang GCQ ay ipinatutupad din sa Central Luzon,
Cagayan Valley, Calabarzon, Central Visayas, Pangasinan, Zamboanga at Davao
City. Nasa atin daw mga taumbayan nakasalalay ang mabilis na pagpuksa sa
COVID-19 kung kusa tayong iiwas sa pakikisalamuha sa mga tao. Ngunit tila
imposibleng gawin ito dahil sa pang-araw-araw ay bahagi ng ating buhay na
makipagtransaksyon sa iba. Bahagi iyan ng ating gawain upang kumita ng pera.

1. Ano ang desisyon na kailangang gawin ni Pangulong Duterte?


A. umalis ng Pilipinas
B. bumili ng gamot
C. pananatilihin ang mahigpit na patakaran o ECQ
D. makausap ang pangulo ng China
2. Bakit magkakaroon ng paghihirap kapag napalawig pa ang lockdown?
A. dahil mawawalan ng pagkakakitaan ang mga tao
B. dahil maraming nakakain ang mga tao
C. dahil umaalis ang mga tao
D. dahil nagtatago ang mga tao
3. Alin sa mga sumusunod na lugar ang kabilang sa GCQ?
A. Cagayan Valley C. Tawi-Tawi
B. Basilan D. Aklan
4. Ano ang naganap sa loob lamang ng dalawang linggo na GCQ sa Metro
Manila?
A. bumaba ang kaso ng positibo sa COVID 19
B. nawala na ang COVID 19
C. tumaas ang bilang ng positibo sa COVID 19
D. may natuklasan na gamot sa COVID 19
5. Sino ang Spokesman ng Pangulong Duterte?
A. Salvador Panelo C. Francisco Duque
B. Leonor Briones D. Harry Roque

Papel sa Replektibong Pagkatuto


Panuto: Sumulat ng isang panalangin tungkol sa kalagayan ng ating bansa sa
panahon ng COVID 19.

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

17
Sanggunian
Most Essential Learning Competencies, K to 12 Curriculum
https://www.youtube.com/watch?v=GCBJBumcb7s
https://www.youtube.com/watch?v=2_oQjOYn93M
https://www.youtube.com/watch?v=KKH60hsDi2o
https://www.youtube.com/watch?v=j20V0P5OEUc
https://www.youtube.com/watch?v=cGevbJhWB5g
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2020/06/13/2020515/pinas-
prayoridad-ng-china-sa-bakuna
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2020/06/13/2020514/tag-ulan-
pumasok-na-pagasa
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2020/02/06/1990773/editoryal-
ncovphobia
https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/opinyon/2020/06/15/2020890/ekonomiya-o-kalusugan

Pangkat ng Tagapamahala at Paglinang sa SLeM

Tagapamahala ng mga Paaralang Sangay: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Punong Superbisor ng Edukasyon: Aida H. Rondilla
CID Superbisor sa Programang Edukasyon: Edwin R. Mabilin, Ph.D.
CID Superbisor sa LR: Lucky S. Carpio, Ed.D.
CID-LRMS Biblyotekaryo II: Lady Hannah C. Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/Tagasuri: Ma. Teresa M. Chico, PSDS


Allen C. Delgado, MT II
Manunulat: Maria Cristina P. Deus, TIII

Susi sa Pagwawasto
ARALIN 1
Unang Pagsubok Balik-Tanaw
1. C 1. YouTube
2. D 2. pelikula
3. B 3. tagpuan
4. C 4. tauhan
5. D 5. tablet

18
Pagtutulungan Gawain 1
1. para may pambili ng damit Mga Posibleng Sagot
2. dahil mahirap si Denmark 1. sina Denmark at Sam
3. binigyan ng kagamitan, 2. Denmark- mabait, palakaibigan
tinulungan sa pag-iipon ng pera Sam- mabait, matulungin
4. Siya ay nalungkot. 3. sa isang pamayanan o
5. Ginamit niya ang kanyang ipon barangay
na pera. 4. Ang bahay nina Sam ay maayos
at maaliwalas samantalang sa
Gawain 2 tagpi-tagping kahoy lamang
1. C nakatira si Denmark.
2. A
3. D
4. C Pag-alam sa mga Natutuhan
5. C 1. B
2. C
Paksa: Tungkol sa Pagtulong sa 3. D
kapwa 4. B
Layunin: Maipabatid sa mga 5. A
manonood na ang pagtulong ay
nakapagbibigay saya sa ibang tao.

Pangwakas na Pagsusulit
1. D
2. D
3. A
4. B
5. A

ARALIN 2
Unang Pagsubok Balik-Tanaw Maikling Pagpapakilala ng Aralin
1. B A. BALITA 1. Pang. Xi Jingping at Pang. Duterte
2. A B. OPINYON 2. Bakuna
3. B
3-5. Sariling sagot ng mga mag-aaral
4. D
batay sa kanilang kaalaman sa
5. C
nasabing balita.

Gawain 1 Pag-alam sa Pangwakas na


1. Pilipinas mga Natutuhan Pagsusulit
2. Bambang 1. C 1. C
3. nCOVphobia 2. D 2. A
4. Palakasin ang Immune 3. A 3. A
System 4. D 4. C
5. Mag-ehersisyo 5. C 5. D

19

You might also like