You are on page 1of 50

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Quarter 1- Module 5: Week 5
Tamang Paggamit ng Impormasyon
Tungo sa Makabuluhang Desisyon

Department of Education ● Republic of the Philippines


Edukasyon sa Pagpapakatao - Grade 6
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 - Module 5: Tamang Paggamit ng Impormasyon Tungo sa Makabuluhang
Desisyon
Unang Edisyon 2020
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang
kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at
ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Lanao del Norte Tagapamanihala
ng mga Paaralan: Edilberto L. Oplinaria

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa EsP 6


Manunulat: Alito B. Delos Santos
Illustrator and Layout Artist: Albert Prieto
Proofreader, In-House Content and Language Editors: Mary Grace Yap;
Romelyn Ventures; Soledad Cabardo; Jocelyn Alforque

Management Team

Chairperson: Edilberto L. Oplenaria, CESO V


Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Mary Ann M. Allera


Assistant Schools Division Superintendent

Members Mary Arlene C. Carbonera, Ed.D. OIC-CID Chief


Erl C. Villagonzalo, Ph.D., EPS-EsP
Norhatta Daud, Ph.D., PSDS
Amelita Bagol, Ed.D., Coordinating Principal
Connie A. Emborong, Ph.D., LRMS Manager
Jocelyn R. Camiguing, Librarian II
Myles M. Sayre, PDO II
Regional Evaluator: Rolyn Z. Baquial, Bukidnon Division

Inilimbag sa Pilipinas ng: ______________________


Department of Education – Division of Lanao del Norte
Office Address:Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Comp, Pigcarangan, Tubod, Lanao del
Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lrmdsldn@gmail.com

1
6
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Quarter 1- Module 5: Week 5
Tamang Paggamit ng Impormasyon
Tungo sa Makabuluhang Desisyon

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publikong paaralan ng Departamento ng Edukasyon.
Hinihikayat namin ang mga guro, ibang nasa larangan ng edukasyon, at mga
magulang na mag - email ng inyong mga puna sa Kagawaran ng
mungkahi ng Edukasyon sa lrmdsldn@gmail.com.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

2
COVER PAGE
COPYRIGHT PAGE
TITLE PAGE

Talaan ng mga Nilalaman Mga


Pahina

Aralin 1 – Ang Kahulugan, Gamit at Kahalagahan ng Impormasyon

Alamin - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 6
Subukin - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 6
Balikan- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 8
Tuklasin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 9
Suriin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 10
Pagyamanin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 11
Isaisip - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 13
Isagawa- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 13
Tayahin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 14
Karagdagang Gawain- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 16

Aralin 2 – Ang Kasalukuyang Panahon ng Impormasyon

Alamin - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 18
Subukin - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 18
Balikan- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 20
Tuklasin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 21
Suriin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 22
Pagyamanin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 25
Isaisip - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 25
Isagawa- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 26
Tayahin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 27
Karagdagang Gawain- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 28

Aralin 3 – Ang Wastong Pagsusuri ng Impormasyon

Alamin - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 30
Subukin - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 30
Balikan- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 33
Tuklasin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 33
Suriin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 36
Pagyamanin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 39
Isaisip - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 41
Isagawa- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 41
Tayahin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 43
Karagdagang Gawain- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 46

Sanggunian - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 47

3
MODYUL 5

Tamang Paggamit ng Impormasyon


Tungo sa Makabuluhang Desisyon

TUNGKOL SAAN ANG MODYUL NA ITO

Napakahusay! Ngayon ay nasa ikaapat na modyul ka na. Alam mo ba na


maraming mga tao ngayon sa mundo ang nalilito kung ano ang dapat paniniwalaan
nila lalo na ngayon sa panahon ng pandemya. Naglilipana kasi ang maraming
impormasyon na mababasa, maririnig o makikita sa loob ng social media. May
nagsasabing hindi raw totoo na may pandemic. Mayroon ding nagbabalita na may
gamot na ang Covid-19. Samantalang iginiit din ng iba na walang siyentipikong
basehan ang paggamit ng face mask. Dahil dito, masasabi natin na marami talaga sa
atin ang hindi marunong gumamit ng impormasyon. Kaya palaging nagpapa-alala ang
World Health Organization (WHO) at ang Inter-Agency Task Force (IATF) for the
Management of Emerging Infectious Diseases, na hindi tayo dapat agad maniniwala
bagkus ay kailangan nating suriin muna ang balita nang maigi bago ito paniwalaan.

Kaya sana ay gamitin mong maayos ang modyul na ito dahil sa pamamagitan
nito ay maaari mong matututunan ang wasto at mapanagutang paggamit ng
impormasyon. Nakasisiguro ako na kung tama at responsable ang paggamit mo ng
impormasyon ay hindi ka rin mahihirapan sa paggawa ng isang mabuting desisyon,
desisyon na hindi lang makapagbibigay ng kabutihan sa iyo, kundi makapagdudulot
din ito ng higit na kaligayahan sa iyong kapwa.

Ang module na ito ay may tatlong aralin:


• Aralin 1: Ang Kahulugan, Gamit at Kahalagahan ng Impormasyon
• Aralin 2: Ang Kasalukuyang Panahon ng Impormasyon
• Aralin 3: Ang Wastong Pagsusuri ng Impormasyon

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

1. Nakagagamit ng wasto/tamang impormasyon (EsP6PKP- Ia- i– 37).

1.1. natutukoy ang kahulugan, gamit, at kahalagahan ng impormasyon


1.2. nakapagpapaliwanag sa kung ano ang kasalukuyang panahon ng
impormasyon
1.3. nakapagsasagawa ng wastong pagsusuri ng impormasyon

4
o PAANO MO
GAGAMITIN Bago pa tayo magsimula, nararapat na
ANG MODYUL tandaan mong maigi ang mga sumusunod:
NA ITO?

• Huwag sulatan ang alinmang bahagi ng Modyul sapagkat mayroon pang ibang
mga mag-aaral na maaaring gagamit nito. Sa halip, gumamit ng isang maliit na
kuwaderno bilang iyong REFLECTIVE JOURNAL at dito mo isusulat ang lahat
ng iyong kasagutan sa bawat gawain. Huwag kalimutang maglagay ng LABEL
sa iyong mga natapos na gawain ayon sa modyul, aralin at petsa sa paggawa
mo ng mga ito.
• Ang bawat modyul ay may maikling panuto at sinusundan ito ng paglalahad ng
mga layunin. Basahin ang mga ito at sunding maigi ang mga tagubilin.
• Bago simulan ang mga gawain, sagutin muna ang PRE-TEST. Tandaan na ang
bawat gawain ay naaayon sa mga layunin ng modyul o aralin. Isiping mabuti
ang bawat kasanayan na nais mong linangin.
• Matapos ang bawat gawain, kailangan mong balikan ulit ang mga aytem na sa
palagay mo ay hindi mo napagtagumpayan.
• Sagutin ang POST TEST kung sa palagay mo ay nauunawaan mo na ng lubos
ang lahat ng mga aralin.

5
Aralin
Ang Kahulugan, Gamit at
1 Kahalagahan ng Impormasyon

Alamin

Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 ng pag-aaral sa Edukasyon sa


Pagpapakatao! Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Unang Kwarter, Ikaapat
na Linggo. Ito ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo
bilang gabay sa pag-aaral sa mga paksa sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 na
binubuo ng mga aralin na kinakailangang matapos sa loob ng isang linggo.

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga tamang
hakbang bago makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat
Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob para sa
ikabubuti ng lahat
Tatas: Inaasahan na ang mga mag-aaral ay ay makasagot sa mga tanong tungkol
sa paggamit ng impormasyon.
Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na:
1.1. nakapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa
sarili at pangyayari (EsP6PKPIa-i– 37)

Subukin

Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng
pinakaangkop na sagot.
1. Alin dito ang may parehong kahulugan ng impormasyon?
a. balita b. kaalaman c. pamamaraan d. patalastas

2. Alin sa sumusunod ang nabibilang sa mga halimbawa ng impormasyon?

6
a. anunsyo b. cellphone c. radyo d. telebisyon

3. Ano ang pinakamalalim na dahilan kung bakit mahalaga para sa isang tao ang
magkaroon ng sapat na impormasyon?
a. Upang makasagot sa mga tanong ng guro.
b. Para hindi iisipin ng iba na ikaw ay isang mangmang.
c. Ito ay nakakaimpluwensiya sa paghubog ng ating pagkatao.
d. Maipapakita sa iba na ikaw ay nakapag-aral at marami nang alam.

4. Ano ang kinakailangan mong matutunan sa panahon ngayon kung kailan naging
mas madali na para sa isang batang tulad mo ang pag-access sa internet?
a. Pangangalaga sa sarili laban sa maling impormasyon.
b. Pagpapakalat ng balita kahit na hindi pa napatotohanan ito.
c. Pagpo-post ng mga maselang impormasyon sa social media.
d. Pakikipag-chat nang madalas sa mga taong nakilala lamang sa Facebook.

5. Sa iyong pakikipag-text, nakakilala ka ng isang kaibigan. Hindi nagtagal, naging


malapit na kayo sa isa’t isa. Isang araw, humingi ang iyong textmate ng tulong
sa iyo dahil ninakaw daw ang kaniyang mga gamit pati na rin ang kanyang wallet.
Kaya kung maaari daw ay padalhan mo siya ng limandaang peso kahit alam
naman niya na wala ka pang trabaho. Nagkataon naman na may sapat kang pera
na nalikom sa iyong alkansiya. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi muna iti-text ang kaibigan dahil ayaw mong magbigay.
b. Manghingi ng pera sa magulang upang ipadala sa kaibigan.
c. Padalhan ng sariling pera ang kaibigan dahil kailangan niya ito.
d. Tapatin ang textmate na kahit malapit na kayo sa isa’t isa, mayroon pa ring
limitasyon ang inyong pagkakaibigan.

6. Nabasa mo mula sa isang Facebook post ng iyong kapitbahay na isinailalim daw


sa General Community Quarantine (GCQ) ang inyong lugar. Dapat mo bang
paniwalaan kaagad ito?
a. Oo, dahil lahat nang balita ay tama
b. Oo, dahil nurse ang kapitbahay mo
c. Hindi, dahil dapat na magsaliksik ka muna
d. Hindi, dahil lahat ng makikita sa Facebook ay fake news

7. May isang taong hindi mo kilala ang nagpalaboy-laboy sa inyong lugar at


nagsusumigaw na may parating daw na lindol sa isang malapit na bayan na kung
saan nandoon ngayon ang iyong mga magulang. Ano ang gagawin mo?
a. Puntahan kaagad ang mga magulang upang silay mailigtas.
b. Ipapabugbog ang di kilalang tao dahil nagpapakalat ito ng fake news.
c. Hindi papansinin ang kaniyang sinabi kasi wala namang makakahula ng
paparating na lindol.
d. Ipo-post sa facebook ang sinabi ng di kilalang tao upang mabigyan ng babala
ang maraming tao lalong-lalo na ang iyong mga magulang.

8. Nag-away kayo ng bunso mong kapatid. Dahil sa init ng pagtatalo ay nasabi niya
na ampon ka lang daw ng mga magulang nyo. Ano ang gagawin mo?
a. Aalis ng bahay at makikitira sa ibang kamag-anak.
b. Hahanapin at ipapakita sa kapatid ang iyong birth certificate.

7
c. Iisipin na nasabi lang ito ng iyong kapatid dahil sa galit niya sa iyo.
d. Aawayin ang mga magulang dahil sa paglihim nila sa pagkatao mo.

9. Narinig mo mula sa iyong katabi na may kaklase raw kayo na nagsabing


kinokopya mo lang daw ang kanyang mga sagot kaya nakapasa ka sa una
ninyong pasulit. Alam mong hindi naman ito totoo. Ano ang gagawin mo?
a. Sisigawan ang nasabing kaklase at pagmumurahin.
b. Magmakaawa sa iyong kaklase na babawiin niya ang kaniyang sinabi.
c. Isumbong sa iyong tigasing kuya ang ginawa niyang pagbebentang sa iyo.
d. Huwag pansinin ang sinasabi niya alam mo namang walang katotohanan ang
kaniyang mga paratang.

10. Nakatanggap ka ng text mula umano sa isa sa mga malaking kompanya ng


bansa. Bibigyan ka raw ng sampung libong peso dahil nais ng kompanya na
mamahagi ng kanilang kita sa mga mamamayan lalo na ngayon na may
pandemya. Upang matanggap ang pera ay kailangan mo lang daw mag-register
at magpadala ng dalawang daan sa isang bank account para daw ma-proseso
nila ang iyong pera. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi papansinin ang nasabing text.
b. Palihim na magpadala ng pera mula sa iyong ipon.
c. Mangutang ng dalawang daan upang makapag-register.
d. Manghingi ng pera sa mga magulang ngunit hindi sasabihin kung saan ito
gagamitin.

Balikan

Marahil ay nasasabik ka na ngayon na aralin agad ang pamilyar na paksang


ito. Hindi kasi natin maikakaila na isinilang at lumaki ka sa panahon ng impormasyon
(information age). Nasisiguro ko na musmos ka pa lamang nang una mong natuklasan
ang paggamit ng facebook, youtube, at iba pang application sa internet na nagbibigay
sa iyo ng samu’t saring impormasyon. Kaya nga ikaw at ang mga kasama mo sa iyong
henerasyon ay tinagurian na mga digital natives.
Ngunit, bago tayo magpatuloy agad sa ating pag-aaral, nais ko munang
bisitahin mo ulit ang nakaraang aralin. May iilan akong katanungan na makikita mo sa
ibaba. Nais kong basahin at pagnilayan mo nang maigi ang mga ito at isulat ang iyong
mga sagot sa iyong Reflective Journal.
1. Bakit kailangang pag-isipang mabuti ang pagpapasiyang gagawin?
2. Paano mo nasisiguro na tama ang iyong pagpapasiya?
3. Paano nakatutulong ang pagiging mahinahon sa paggawa ng pasiya?

8
Tuklasin

Girl-taking-selfie-eating: Freepik.com;
Children-using-computer-tablet: Freepik.com

Gawain 1. Suriing maigi ang mga larawan na nasa itaas at sagutin ang mga
sumusunod na tanong sa iyong Reflective Journal:
1. Ano ang ginagawa ng mga bata sa larawan?
2. Bakit aliw na aliw ang mga bata sa kanilang hawak na gadyet?
3. Ano ang mga mabubuting bagay na nakukuha nila sa mga gadyet na ito?
4. Kailan maging di kanais-nais ang paggamit ng mga gadyet na ito?
5. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng mga batang ito, ano ang gagawin mo sa
gadyet na hawak mo? Ipaliwanag.

Kids-reading-books-working-computer: Freepik.com

Gawain 2. Ngayon naman ay tingnang mabuti ang pangalawang grupo ng mga


larawan. Pag-aralan ang mga ito at pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano ang ginagawa ng mga bata na makikita sa larawan?

9
2. Bakit nila ginagawa ang ganitong mga bagay?
3. Ano ang hinahanap nila sa mga hawak nilang libro at laptop?
4. Sa iyong palagay, saan nila gagamitin ang mga impormasyong
nakakalap? Ipaliwanag.
5. Mahalaga ba sa isang bata ang malaman kung ano ang kahulugan ng
impormasyon at kung ano tamang paggamit nito? Bakit? Bakit hindi?

Suriin

Ayon sa Webster Dictionary ang impormasyon ay ang kaalaman na


makukuha mula sa pagsisiyasat, pag-aaral, o pagtuturo. Ito ay nagpapahiwatig ng
mga detalye ukol sa isang tao, lugar, bagay, pangyayari, sitwasyon, at iba pa. Ang
salitang ito ay katumbas din sa salitang katunayan (facts) at datos (data). Ang ilan sa
mga halimbawa ng impormasyon ay ang mga sumusunod: (1) balita, (2) patalastas,
(3) anunsyo, (4) dokumentaryo sa radyo o telebisyon, (5) lista ng mga sangkap sa
label ng mga mabibiling pagkain, (6) mga pamamaraan (procedure) sa paggawa ng
mga bagay-bagay kagaya ng pagluluto, at (7) iba pang mga kaalaman na makukuha
sa pahayagan, magasin, diksyunaryo, ensiklopedya, atlas, at iba pang uri ng medya.

Ngayon, may ipapakita ako sa iyo na isang mahalagang bagay. Kailangan


mong basahin at intindihin ang nilalaman nito nang mabuti dahil may katanungan
akong ipasasagot sa iyo maya-maya lamang. Handa ka na ba? Sige, subukin natin!

10
Gawain 3. Sagutin ang mga tanong:
1. Masasabi mo ba na ito ay isang halimbawa ng impormasyon? Bakit?
Bakit hindi?
2. Kung naniniwala ka na ito nga ay isang halimbawa ng impormasyon,
ano naman ang uri ng impormasyong ito?
3. Tungkol saan ang mga datos na makikita sa itaas? Ipaliwanag.
4. Ano ang kahalagahan ng mga datos na ito sa iyo, sa iyong pamilya, at
sa iyong pamayanan?
5. Paano mo magagamit ng tama ang impormasyong ito?

Pagyamanin

Panuto A: Lagyan ng tsek (✓) ang bilang kung ito ay nagpapakita ng isang halimbawa
ng impormasyon at ekis (x) naman kung hindi. Pagkatapos ay magbigay ng isang
linyang paliwanag tungkol sa iyong naging kasagutan. Gawin ito sa iyong Reflective
Journal.
Halimbawa:

Mga mahal naming kababayan, doon po


sa kabilang kanto ang sakayan
patungong Barangay Pag-asa.


______ Paliwanag: Ito ay isang halimbawa ng impormasyon
dahil nagbibigay ito ng kaalaman tungkol sa tamang
sakayan ng trisikel patungong Barangay Pag-asa.

Magandang balita, gumagaling na


ang lahat na nagpopositibo ng
Covid-19 sa buong mundo sa araw
na ito.

_____ 1. Paliwanag: ____________________________________

Mga anak makinig kayong mabuti


dahil iisa-isahin ko sa inyo ang mga
tamang hakbang sa paglalaba
upang matututo rin kayo. Una,
_____ 2. ihiwalay ang mga puti sa mga de-
kolor. Pangalawa, lagyan ng tubig…

11
Paliwanag: ____________________________________

TRABAHO ba ang HANAP mo?


Naghahanap po ang aming kompanya ng
isang magaling na pintor na may ganitong
mga katangian:
_____ 3. ◼ Nagtataglay ng sertipiko mula
saTESDA
◼ Apat o mahigit pang taon na karana-
san sa pagpipinta ng bahay
Kung interisado ay magsadya lamang sa
aming tanggapan o tumawag sa numero:
09498623607. Ano pa ang hinihintay mo?

Paliwanag: _____________________________________

Ipinagbabawal pa rin ng
_____ 4.
pamahalaan ang
paglabas naming mga
Senior Citizen sa bahay.

Paliwanag:____________________________________

_____ 5. Paliwanag:
_____________________
_____________________
_____________________

.
Panuto B: Tukuyin kung alin sa limang aytem sa itaas ang maituturing mo na isang
maling impormasyon. Pagkatapos ay pangatwiranan mo kung bakit ito ang napili

12
mong sagot. Kopyahin mo ang pormat sa ibaba sa iyong journal at punan lamang ang
mga patlang upang magawa mo ang gawaing ito.

Ang aytem bilang ____ ay isang maling impormasyon dahil ________


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Isaisip

Mahalaga para sa lahat ng tao ang pagkakaroon ng sapat na impormasyon.


Mahalaga rin na malaman niya kung tama ba ang impormasyong kaniyang nakalap o
peke. Ang impormasyon kasi ay tila may kapangyarihan na maaaring humubog sa
pag-iisip, pag-uugali, pagkilos at pagpapasya ng isang tao sa araw-araw. Marahil ay
nakarinig ka na ng mga kuwento tungkol sa mga indibidwal na nailagay sa alanganin
ang kanilang buhay dahil sa hangad nilang maisakatuparan ang isang facebook
challenge. Dahil dito nararapat lamang na malaman mo kung aling impormasyon
talaga ang kailangang mong tanggapin at alin naman ang hindi dapat paniwalaan.
Pakatandaan na ang impormasyon ay parang isang tabak na dalawa ang talim
(double-edged sword)—minsan ito’y nakabubuti, minsan naman ito’y nakasasama.

Sa panahon ngayon na kung saan madali lang sa isang batang katulad mo ang
pag-access sa internet, mas kinakailangan mong matutunan kung paano mo
mapangalagaaan ang iyong sarili laban sa mga lumalaganap na mga maling
impormasyon. Maliban dito, kailangan mo rin na magkaroon ng isang mapanuring
pag-iisip upang makaiwas ka rin sa pagpapakalat ng fake news sa iba. At higit sa
lahat, kinakailangan mo na maging mas alisto ngayon laban sa mga mapagpanggap
at mapang-abusong indibidwal at mga huwad na katuruan sa loob ng social media.

Isagawa

Gawain 4. Isulat sa iyong Reflective Journal ang mga kongkretong hakbang na


kailangan mong gawin magmula ngayon upang maisakatuparan ang wastong
paggamit ng impormasyon at maitataguyod ang kahalagahan nito sa sarili at sa kapwa
tao.

13
Para sa aking pamilya gagawin ko ang mga sumusunod:

___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________

Para sa aking paaralan gagawin ko ang mga sumusunod:

___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________

Para sa aking pamayanan gagawin ko ang mga sumusunod:

___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________

Tayahin

Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng
pinakaangkop na sagot.
1. Alin dito ang may parehong kahulugan ng impormasyon?
a. balita b. kaalaman c. pamamaraan d. patalastas

14
2. Alin sa sumusunod ang nabibilang sa mga halimbawa ng impormasyon?
a. anunsyo b. cellphone c. radyo d. telebisyon

3. Ano ang pinakamalalim na dahilan kung bakit mahalaga para sa isang tao ang
magkaroon ng sapat na impormasyon?
a. Upang makasagot sa mga tanong ng guro.
b. Para hindi iisipin ng iba na ikaw ay isang mangmang.
c. Ito ay nakakaimpluwensiya sa paghubog ng ating pagkatao.
d. Maipapakita sa iba na ikaw ay nakapag-aral at marami nang alam.

4. Ano ang kinakailangan mong matutunan sa panahon ngayon kung kailan naging
mas madali na para sa isang batang tulad mo ang pag-access sa internet?
a. Pangangalaga sa sarili laban sa maling impormasyon.
b. Pagpapakalat ng balita kahit na hindi pa napatotohanan ito.
c. Pagpo-post ng mga maselang impormasyon sa social media.
d. Pakikipag-chat nang madalas sa mga taong nakilala lamang sa Facebook.

5. Sa iyong pakikipag-text, nakakilala ka ng isang kaibigan. Hindi nagtagal, naging


malapit na kayo sa isa’t isa. Isang araw, humingi ang iyong textmate ng tulong
sa iyo dahil ninakaw daw ang kaniyang mga gamit pati na rin ang kanyang wallet.
Kaya kung maaari daw ay padalhan mo siya ng limandaang peso kahit alam
naman niya na wala ka pang trabaho. Nagkataon naman na may sapat kang pera
na nalikom sa iyong alkansiya. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi muna iti-text ang kaibigan dahil ayaw mong magbigay.
b. Manghingi ng pera sa magulang upang ipadala sa kaibigan.
c. Padalhan ng sariling pera ang kaibigan dahil kailangan niya ito.
d. Tapatin ang textmate na kahit malapit na kayo sa isa’t isa, mayroon pa ring
limitasyon ang inyong pagkakaibigan.

6. Nabasa mo mula sa isang Facebook post ng iyong kapitbahay na isinailalim daw


sa General Community Quarantine (GCQ) ang inyong lugar. Dapat mo bang
paniwalaan kaagad ito?
a. Oo, dahil lahat nang balita ay tama
b. Oo, dahil nurse ang kapitbahay mo
c. Hindi, dahil dapat na magsaliksik ka muna
d. Hindi, dahil lahat ng makikita sa Facebook ay fake news

7. May isang taong hindi mo kilala ang nagpalaboy-laboy sa inyong lugar at


nagsusumigaw na may parating daw na lindol sa isang malapit na bayan na kung
saan nandoon ngayon ang iyong mga magulang. Ano ang gagawin mo?
a. Puntahan kaagad ang mga magulang upang silay mailigtas.
b. Ipapabugbog ang di kilalang tao dahil nagpapakalat ito ng fake news.
c. Hindi papansinin ang kaniyang sinabi kasi wala namang makakahula ng
paparating na lindol.
d. Ipo-post sa facebook ang sinabi ng di kilalang tao upang mabigyan ng babala
ang maraming tao lalong-lalo na ang iyong mga magulang.

8. Nag-away kayo ng bunso mong kapatid. Dahil sa init ng pagtatalo ay nasabi niya
na ampon ka lang daw ng mga magulang nyo. Ano ang gagawin mo?
a. Aalis ng bahay at makikitira sa ibang kamag-anak.

15
b. Hahanapin at ipapakita sa kapatid ang iyong birth certificate.
c. Iisipin na nasabi lang ito ng iyong kapatid dahil sa galit niya sa iyo.
d. Aawayin ang mga magulang dahil sa paglihim nila sa pagkatao mo.

9. Narinig mo mula sa iyong katabi na may kaklase raw kayo na nagsabing


kinokopya mo lang daw ang kanyang mga sagot kaya nakapasa ka sa una
ninyong pasulit. Alam mong hindi naman ito totoo. Ano ang gagawin mo?
a. Sisigawan ang nasabing kaklase at pagmumurahin.
b. Magmakaawa sa iyong kaklase na babawiin niya ang kaniyang sinabi.
c. Isumbong sa iyong tigasing kuya ang ginawa niyang pagbebentang sa iyo.
d. Huwag pansinin ang sinasabi niya alam mo namang walang katotohanan ang
kaniyang mga paratang.

10. Nakatanggap ka ng text mula umano sa isa sa mga malaking kompanya ng


bansa. Bibigyan ka raw ng sampung libong peso dahil nais ng kompanya na
mamahagi ng kanilang kita sa mga mamamayan lalo na ngayon na may
pandemya. Upang matanggap ang pera ay kailangan mo lang daw mag-register
at magpadala ng dalawang daan sa isang bank account para daw ma-proseso
nila ang iyong pera. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi papansinin ang nasabing text.
b. Palihim na magpadala ng pera mula sa iyong ipon.
c. Mangutang ng dalawang daan upang makapag-register.
d. Manghingi ng pera sa mga magulang ngunit hindi sasabihin kung saan ito
gagamitin.

Karagdagang
Gawain

Gumawa ng isang Advocacy Campaign tungkol sa wastong paggamit ng


impormasyon at masigasig na paglaban sa paglaganap ng fake news. Hayaan kitang
gawin ito sa sarili mong pamamaraan batay sa iyong kakayahan, talento,
pagkamalikhain, imahinasyon, hilig, pagkakaroon ng mga angkop na kagamitan sa
iyong tahanan o komunidad (halimbawa: computer, printer, internet, coloring pens,
construction paper, pintura, atbp.), haba ng oras na dapat ilaan, at iba pang
mahahalagang sangkap sa pagbuo nito. May ilan lang akong rekomendasyon para sa
proyekto mo. Maaari mong gawin ang isa (1) sa mga sumusunod:
1. Poster
2. Slogan
3. Bulletin board
4. Paper mosaic
5. Video presentation
6. Short film
7. Maikling Kuwento

16
8. Music video
9. Song (mp3)- sariling komposisyon
10. Interpretative Dance (video recorded)
11. Talumpati
12. Iba pang malikhaing pamamaraan

Mga Sagot

17
Aralin
Ang Kasalukuyang
2 Panahon ng Impormasyon

Alamin

Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 ng pag-aaral sa Edukasyon sa


Pagpapakatao! Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Unang Kwarter, Ikaapat
na Linggo. Ito ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo
bilang gabay sa pag-aaral sa mga paksa sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 na
binubuo ng mga aralin na kinakailangang matapos sa loob ng isang lingo.

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga tamang
hakbang bago makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat

Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob para sa
ikabubuti ng lahat

Pamantayan sa Pagkatuto : Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na:

1.1 nakapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at


pangyayari (EsP6PKPIa-i– 37)

Subukin

Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga sitwasyon. Ano ang gagawin mo
kapag naharap ka sa sumusunod na sitwasyon? Isulat ang titik ng iyong sagot sa
journal.

18
1. Alin sa sumusunod ang tamang paglalarawan ng panahon ng impormasyon?
a. lalong humihina ang kalakalan o negosyo sa bansa
b. nagiging mas totoo at tama ang mga kumakalat na impormasyon
c. nagiging mabilis ang pagpapalitan ng mga datos sa buong mundo
d. dumadagsa ang mga makalumang pamamaraan ng komunikasyon

2. Alin sa mga sitwasyong ito ang nagpapakita ng mabubuting naidulot ng


panahon ng impormasyon?
a. Lumalaganap ang maraming nagpapakalat ng fake news.
b. Nagiging mas mapaniwalain ang mga tao dahil sa social media.
c. Madaling makakausap ng tao ang kaniyang mga mahal sa buhay.
d. Naging mas komplikado ang pagsusuri sa mga nakalap na impormasyon

3. Ano ang nagbunsod sa pag-usbong ng panahon ng impormasyon?


a. Kaalaman sa lipunan c. Makabagong kaalaman
b. Kaalaman sa teknolohiya d. Kaalaman sa pananalapi

4. Bakit maaaring ituring ang impormasyon bilang isang “tabak na dalawa ang
talim” o “doubled-edged sword”?
a. Ito’y maaaring makapagdudulot ng kabutihan at kapahamakan sa tao.
b. Kung tutuusin, ang impormasyon ay walang mabuting maibigay sa tao.
c. Ang impormasyon ay gaya ng isang tabak na maaring makakasakit ng tao.
d. Dahil sa impormasyon, mas umunlad ang isipan ng mga tao katulad ng
isang matalim na tabak.

5. Alin sa mga sumusunod na paraan ang nanghihikayat na magsangguni sa mga


magulang kung hindi sigurado sa nakikita o nababasa sa social media?
a. Iwasang mag-share ng mga maling impormasyon.
b. Ang social media ay lugar para sa pagkakaibigan.
c. Tandaan na ang social media ay isang publikong lugar.
d. Ugaliing magtanong sa mga nakakaalam bago magkomento.

6. Bakit kailangang napatotohanan muna ang meme bago ito i-share sa iba?
a. Upang maiwasan na makasakit ng iba.
b. Dahil ito’y magiging katatawanan lamang.
c. Upang madaling mag-viral ang ginawang meme.
d. Dahil walang nagkakainteres sa mga meme na hindi na-verify.

7. Alin dito ang nagpapakita ng isang maling dahilan ng paggamit ng internet?


a. Matuto at maliwanagan c. Mapabuti ang pamumuhay
b. Manlinlang ng kapuwa d. Malinang ang pakikipagkapwa-tao

8. Alin sa mga alituntunin sa ibaba ang tuwiran mong nilabag kung mamasamain
mo at insultuhin ang isang netizen dahil lang sa magkaiba ang inyong pananaw
sa isang bagay?
a. Iwasan ang pagpapakalat ng hindi beripikadong balita.
b. Iwasan ang pag-post ng maseselang litrato, video, o paksa.
c. Intindihing mabuti ang nilalaman ng isang artikulo bago ito i-share sa iba.
d. Igalang ang opinyon ng iba kahit na salungat ito sa sarili mong paniniwala.

19
9. Ano ang mangyari kung sakaling magkokomento ka sa isang balita na hindi mo
naman masyadong naiintindihan dahil ang headline lang nito ang iyong binasa?
a. Angkop ang iyong magiging tugon sa balita.
b. Maiiwasan mo ang maging biktima ng fake news.
c. Maitataguyod mo ang pagpapalaganap sa mga totoong balita.
d. Maaaring lumihis ang iyong pagkaintindi sa nilalaman ng balita.

10. Ngayong may pandemya naisip ng pamilya mo na sumubok sa isang online


investment kahit na wala naman kayong karanasan dito. Madali lang daw ang
magkakapera rito ayon sa nag-recruit sa inyo. Ang kailangan lang daw ninyong
gawin ay mag-imbita nang mag-imbita ng mga bagong miyembro at kikita na
kayo nang libu-libo. Ilang linggo bago pa ito nangyari ay may napanood kayong
dokumentaryo sa TV na kung saan nagbabala ang NBI sa lahat laban sa
naglipanang mga investment scam. Sino ngayon sa kanila ang mas
paniniwalaan ninyo at bakit?
a. Ang NBI dahil nakikita ninyo sila na ini-interview sa TV.
b. Ang recruiter dahil kung kumikita siya, kikita din kayo gaya niya.
c. Ang NBI dahil marami na silang karanasan sa ganitong mga scam.
d. Ang recruiter dahil kapani-paniwala ang kanyang pagpapaliwanag.

Balikan

Sa nagdaang aralin ay natalakay natin kung ano ang kahulugan, gamit, at


importansiya ng impormasyon sa atin bilang tao. Natutunan mo rito kung gaano ka-
halaga ang pagkakaroon at pagpapanatili ng sapat at tamang impormasyon sa araw-
araw. Bukod dito, nakita mo rin mula sa nakaraang aralin na ang impormasyon pala
ay may malaking papel na ginagampanan sa iyong buhay. Hindi mo maikakaila na ito
ay maaaring makaimpluwensiya sa iyong pagkatao. Kaya napagtanto mo na
nararapat lamang din na maisasabuhay mo ang pangangalaga sa iyong sarili laban
sa mga maling impormason o fake news at sa mga taong mapagpanggap na
naglipana ngayon sa facebook, youtube, twitter, at iba pang mukha ng social media.

Bago pa tayo umusad tungo sa bagong aralin, nais ko munang basahin mo at


pagnilayang maigi ang mga tanong na nasa ibaba at isulat ang iyong mga sagot sa
iyong Reflective Journal.
1. Bakit mahalagang magkaroon ng tamang pag-unawa sa kahulugan, gamit,
at kahalagahan ng impormasyon sa ating buhay?
2. Ano sa palagay mo ang makatarungang paggamit ng impormasyon?
Ipaliwanag.
3. Anu-ano ang maari mong gawin upang mailapat mo ng kongkreto ang
pagkatuto sa araling ito?

20
Tuklasin

Nasubukan mo na bang maglaro ng Logo Quiz? Ang larong Logo Quiz ay isa
sa mga pinakatanyag na mobile game kung saan sinusukat nito ang iyong kaalaman
o pagkakilanlan sa iba’t ibang company logo (tatak) dito sa ating bansa o sa buong
mundo. Gusto mo bang sumubok sa larong ito at malaman kung gaano kalalim ang
iyong pagkakilala sa mga tatak na ito? Bakit hindi?

Gawain 1A. Tukuyin o hulaan ang tamang pangalan ng kumpanya batay sa logo na
ipapakita ko. Isulat ang iyong mga kasagutan sa patlang sa iyong Reflective Journal.

______ 1. ______ 3. _______ 5.

______ 2. ______ 4.
Iskor:
5
Modern-social-media-icon: Freepik.com

Gawain 1B. Ngayon may hamon ako sa iyo. Paki-usapan mo ang iyong magulang na
gawin din niya ang ipinapagawa ko sa iyo sa Gawain 1A. Tandaang mabuti, hindi
pinahihintulutan sa gawaing ito na ibahagi o ipakita mo ang iyong sagot sa iyong
magulang. Hayaan mo na siya at siya lamang ang sasagot sa pagsubok na ito.

Sagutin ang mga tanong:


1. Ilan ang tamang nakuha mo sa Logo Quiz na ito? Ilan naman ang tamang
nahulaan ng iyong magulang?
2. Sino sa inyong dalawa ang may mas mataas na nakuha sa maikling
pagsusulit na ito?
3. Naging madali ba ang game na ito sa iyo? ng iyong magulang?
4. Bakit parang nakakalamang ka sa pagsusulit na ito kahit na mas nauna
pang namuhay sa mundo ang magulang mo kaysa sa iyo?
5. Masaya ka ba sa iyong napagtagumpayan? Bakit? Bakit hindi?

Marahil, marami sa mga mag-aaral na nasa ika-anim na baitang ngayon,


kagaya mo, ang nasisiyahan dahil mas mataas ang nakuhang iskor nila kaysa sa
kanilang magulang. Gusto mo pa bang maglaro ulit tayo? Ayos!

Gawain 2A. Suriin ang mga acronym sa ibaba at ibigay ang tamang kahulugan nito.
Isulat ang iyong sagot sa patlang. Gawin ito sa iyong Journal.

21
1. BAE - __________________________________
2. BTW - __________________________________ Iskor:
3. FTW - __________________________________
4. TBH - __________________________________
5. YOLO - __________________________________ 10
6. OMG - __________________________________
7. LOL - __________________________________
8. BRB - __________________________________
9. Thx - __________________________________
10. FB - __________________________________

Gawain 2B. Paki-usapan mo ulit ang isa sa iyong mga magulang na gawin din niya
ang ipinapagawa ko sa iyo sa Gawain 2A. Tandaang mabuti, hindi pinahihintulutan
dito ang pagbabahagi o pagpapakita mo ng iyong sagot sa iyong magulang. Hayaan
mo na siya at siya lamang ang sasagot sa pagsubok na ito.

Sagutin:
1. Ilan ang tamang nakuha mo sa pagsusulit na ito? Ilan naman ang tamang
nahulaan ng iyong magulang?
2. Sino sa inyong dalawa ang may mas mataas na iskor?
3. Naging madali ba ang pasulit na ito sa iyo? ng iyong magulang?
4. Bakit nakakalamang ka sa pagsusulit na ito kaysa sa iyong magulang?
5. Ano ang pinakamahalagang aral na nakuha mo sa gawaing ito? Ipaliwanag.

Suriin

Napatunayan mo kani-kanina lang na may mga bagay pala na napakadali lang


gawin para sa iyo samantalang napakahirap namang gawin ang mga ito para sa iba.
Alam mo ba ang dahilan nito? Isinilang, inaruga, at lumaki ka kasi sa pana-hon ng
impormasyon! Opo, tama po ang pagkabasa mo, namumuhay ka ngayon sa Panahon
ng Impormasyon o Information Age. Ano ba ang ibig sabihin nito?
Ayon sa Webster Dictionary, ito ay ang panahon kung saan ang impormasyon
ay nagiging isang bagay na maaaring bilhin o ipagbili (commodity) nang mabilisan at
malawakan at ito rin ay madaling makuha at magamit ninuman sa tulong lamang ng
mga makabagong teknolohiya tulad ng kompyuter at internet. Dahil dito naging sing-
bilis ng kidlat ang pagpapalitan ng impormasyon sa buong mundo. Noon, daraan pa
ng ilang oras bago makarating sa mga taga-Mindanao ang mga nasyonal na
pahayagan na nagmula pa sa Luzon. Ngayon, mapapanood mo na ang balita sa real
time o sa oras habang nangyayari ito.

22
Ang galing di po ba? Dahil sa mabilis na pagpapalitan ng impormasyon,
nagawa ng isang bata na makausap niya ang kaniyang inay na nagtatrabaho sa
Middle East, napadali ng isang ordinaryong mag-aaral ang paggawa ng kaniyang
pananaliksik sa Science, birtuwal na nakakausap mo ang iyong class adviser sa
pamamagitan ng video chat, at marami pang mga kapakinabangan.

Subalit, gaya ng sinabi ko kanina, ang impormasyon ay parang isang tabak na


dalawa ang talim (double-edged sword). Maliban sa kabutihang idinudulot nito sa ating
buhay, maaari ding magbigay ito ng maraming kapahamakan kung hindi tayo nag-
iingat sa ating paggamit ng impormasyon lalung-lalo na sa panahon ngayon.

Basahin mo ngayon ang talata sa ibaba na hango sa payo ng isa sa mga


eksperto ng marketing and communications sa ating bansa. Ito ay tungkol sa tamang
paraan ng paggamit ng impormasyon sa social media. Pagnilayan mo itong mabuti at
pagkatapos ay sagutin mo nang masinsinan ang mga tanong.

Ano nga ba ang tamang paraan ng pag-gamit ng social media?


Published Sept. 11, 2016 ni Ken Lerona

Paano nga ba ang tamang paraan ng pag-gamit ng social media? Isa-


isahin natin ang ilan lamang sa mga pamamaraan. Maaring sa pamamagitan
ng mga maliliit na gawaing ito, magsilbi tayong halimbawa sa mas nakararami
pa nating mga kababayan at kaibigan upang mapanatili natin ang kagandahang
asal online.

1. Tandaan na ang social media at ang internet ay isang publikong


lugar. Anumang bagay na ipost natin sa social media at sa internet ay
maaring mabasa ng daan-daan nating mga kaibigan o maging sa
milyun-milyong naka-konekta sa internet. Kaya dapat maging maingat
tayo sa lahat ng ating mga pananalita, mga pictures, at maging sa ating
ekspresyon. Hanggat maaari, iwasang mag-post ng masyadong
pribadong mga paksa, maseselang litrato at video, at mga makakasakit
sa ibang tao lalo na ang patungkol sa kasarian, relihiyon, at pulitika.

2. Ang social media ay lugar para sa pagkakaibigan at


pagkakaunawaan. Ang social media ay nilikha upang paigtingin ang
ating koneksyon sa ating mga mahal sa buhay, kaibigan, sa pamayanan,
at maging sa kabuuan ng lipunan. Maaring dumating minsan ang punto
na magkasalungat ang ating mga pananaw sa iba’t ibang mga bagay
subalit tandaan natin na karapatan ng bawat isa ang magpahayag ng
paniniwala at saloobin. Hindi ito masama. Importante lang na mas
manaig ang respeto sa mga pagkakaiba nating ito.

23
3. Ugaliing basahin nang buo at maigi ang nilalaman ng article bago
magkomento o mag-share. Dahil masyado na tayong nasanay sa
instant: instant noodles, instant coffee, atbp. minsan pati sa mga bagay
na nakikita natin online, gusto na rin natin ng madalian at mabilisan.
Kaya, maraming beses tayong napapaso dala ng pag-react sa headline
lamang. Kaya kapag hindi lubusang naintindihan ang nababasa o
nakikitang mga imahe, mas mainam na magtanong sa nakaka-alam.
Magtanong sa mga magulang, kamag-anak, guro, o mga otoridad na
may mas malawak na kaalaman sa paksa ng artikulo o litrato.

4. Iwasang mag share ng hindi beripikadong mga article o meme.


Tandaan natin na ang totoo at beripikado lamang na mga impormasyon
ang ating isi-share sa social media. Kaya alamin kung totoo at batay
lamang sa katotohanan ang nilalaman ng artikulo at mga larawan.
Tandaan natin na may mga websites na ang tanging pakay lamang ay
manlinlang at magpakalat ng hindi totoong mga impormasyon. Iwasan
natin ang mga ito. Maaring sa pagsi-share natin kasi ng mga maling
impormasyon ay makasakit tayo sa iba, maging dahilan ito ng panic, o di
kaya’y maging sanhi ng kaguluhan sa ating lipunan.

5. Maging responsable sa lahat nang oras. Paulit-ulit nating tandaan na


ang responsableng pag-gamit ng social media ay ang tanging solusyon
upang maibalik natin ang kaayusan at katiwasayan online. Ang pagiging
responsable online ay nag-uugat sa dalawang bagay lamang:
katotohanan at paggalang. Kung ang bawat isa sa atin ay responsable sa
ating pag-aasal sa social media, maiiwasan natin ang bangayan, hindi
pagkaka-uunawaan, siraan, at pagkaka-watak-watak.

Kaya, gamitin natin ang social media nang tama. Gamitin natin ito upang
linangin ang ating pakikipag-kapwa tao. Gamitin natin ito upang tayo ay matuto.
Gamitin natin ang Facebook, Twitter, Instagram, atbp. upang mas mapabuti pa
ang ating pamumuhay.

Source: https://medium.com/@ken.lerona/paano-nga-ba-ang-tamang-paraan-ng-pag-
gamit-ng-social-media-fa41e64041df

Gawain 3. Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Alin sa mga hakbang na ito ang pinakamahalaga para sa iyo?
Ipaliwanag.
2. Alin sa mga hakbang na ito ang nagawa mo na? Ipaliwanag.
3. Alin naman dito ang hindi mo pa lubos na naipatupad sa iyong sarili?
Ipaliwanag.
4. Sang-ayon ka ba sa mga payo na ibinigay? Mayroon ka pa bang naisip
na tagubilin na nais mong idagdag sa listahan? Anu-ano ang mga ito?
5. Paano makatutulong ang mga hakbang na ito sa iyong personal na
buhay bilang kabataan?

24
Pagyamanin

Panuto: Suriin ang iyong karanasan sa paggamit ng impormayon sa social media.


Gumawa ng tseklist ng mga nasusunod at di mo pa nasusunod sa mga alituntunin ng
tamang paggamit ng social media gamit ang talaan sa ibaba. Pagkatapos ay tukuyin
mo ang dahilan kung bakit hindi mo ito nasusunod. Lagyan ng tsek (✓) ang nasusunod
at ekis (x) naman ang hindi. Gawin ito sa iyong Reflective Journal.

Mga Alituntunin Nasusunod Di-nasusunod Balakid sa


Pagsunod
1. Iwasan ang pag-post ng
mga maseselang paksa,
litrato at video, at yaong
mga makakasakit sa iba.
2. Igalang ang opinyon ng
iba kahit na salungat man
ito sa sarili mong
pananaw o paniniwala.
3. Basahin nang buo at
intindihing maigi ang
nilalaman ng artikulo
bago ito i-like, i-share o
bigyan ng komento.
4. Iwasan ang pagpapakalat
ng hindi beripikadong
mga artikulo o meme.
5. Maging responsable sa
paggamit ng social media
sa lahat nang oras.

Isaisip

Ang mabilis na pag-unlad ng teknolohikal na kaalaman sa mundo ang


nagbunsod sa pag-usbong sa isang makabagong panahon—ang Panahon ng
Impormasyon. Ang panahong ito ay nagdudulot ng maraming kabutihan at
kaginhawahan sa buhay ng tao. Dahil dito nagdagsaan ang samu’t-saring mga gadyet,
application, online games, programs, electronic file, mga makabagong pamamaraan
ng komunikasyon (social media), edukasyon at komersiyo, at marami pang iba na

25
nagkakaroon ng buhay dahil sa internet. Naging madali at mabilis ang maraming
bagay na minsa’y naging mabigat na pasanin tulad ng pagpadala at pagtanggap ng
pera. Naging karaniwan din ang paggamit ng mga touchscreen na cellphone,
computer, internet TV, iPad o tablet. Kaya kahit nasa loob ka lang ng iyong tahanan,
marami ka nang magagawa at maabot sa isang pindot mo lang.
Nakakalungkot lang isipin na sa bilis ng pagdaloy ng impormasyon ngayon ay
sumabay din ang bilis ng paglipana ng mga maling impormasyon. Impormasyon na sa
una mong tingin ay tama, ngunit nalilinlang ka na pala. Kasabay nito, naglipana din
ang mga pekeng indibidwal sa social media, mga netizen na ginagamit ang kahinaan
at kamangmangan ng iba para sa kanilang sariling kapakanan. Kaya, magmula
ngayon marapatin na natin ang paggamit ng impormasyon. Iwasan natin ang paggamit
ng social media maliban kung gagamitin natin ito upang mas mapaunlad pa ang ating
mga sarili, ang ating kapuwa, at ang kabutihang panlahat.

Isagawa

Panuto: Suriin ang sarili at isulat ang hindi bababa sa tatlong (3) gawain mo na
nagpapakita ng maling paggamit ng impormasyon sa social media. Isulat sa tapat nito
ang resolusyon sa pagbabagong gagawin gamit ang pormat na makikita sa ibaba.
Ilagay ang mga kasagutan sa iyong Reflective Journal.

Magmula ngayon, ako ay


_____________________
Noon, ako ay _____________________
______________ _____________________
______________ _____________________
______________ _____________________
______ _______________

Magmula ngayon, ako ay


_____________________
Noon, ako ay _____________________
______________ _____________________
______________ _____________________
______________ _____________________
______ _______________

26
Tayahin

Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga sitwasyon. Ano ang gagawin mo
kapag naharap ka sa sumusunod na sitwasyon? Isulat ang titik ng iyong sagot sa
journal.
1. Alin sa sumusunod ang tamang paglalarawan ng panahon ng impormasyon?
a. lalong humihina ang kalakalan o negosyo sa bansa
b. nagiging mas totoo at tama ang mga kumakalat na impormasyon
c. nagiging mabilis ang pagpapalitan ng mga datos sa buong mundo
d. dumadagsa ang mga makalumang pamamaraan ng komunikasyon

2. Alin sa mga sitwasyong ito ang nagpapakita ng mabubuting naidulot ng


panahon ng impormasyon?
a. Lumalaganap ang maraming nagpapakalat ng fake news.
b. Nagiging mas mapaniwalain ang mga tao dahil sa social media.
c. Madaling makakausap ng tao ang kaniyang mga mahal sa buhay.
d. Naging mas komplikado ang pagsusuri sa mga nakalap na impormasyon

3. Ano ang nagbunsod sa pag-usbong ng panahon ng impormasyon?


a. Kaalaman sa lipunan c. Makabagong kaalaman
b. Kaalaman sa teknolohiya d. Kaalaman sa pananalapi

4. Bakit maaaring ituring ang impormasyon bilang isang “tabak na dalawa ang
talim” o “doubled-edged sword”?
a. Ito’y maaaring makapagdudulot ng kabutihan at kapahamakan sa tao.
b. Kung tutuusin, ang impormasyon ay walang mabuting maibigay sa tao.
c. Ang impormasyon ay gaya ng isang tabak na maaring makakasakit ng tao.
d. Dahil sa impormasyon, mas umunlad ang isipan ng mga tao katulad ng
isang matalim na tabak.

5. Alin sa mga sumusunod na paraan ang nanghihikayat na magsangguni sa mga


magulang kung hindi sigurado sa nakikita o nababasa sa social media?
a. Iwasang mag-share ng mga maling impormasyon.
b. Ang social media ay lugar para sa pagkakaibigan.
c. Tandaan na ang social media ay isang publikong lugar.
d. Ugaliing magtanong sa mga nakakaalam bago magkomento.

6. Bakit kailangang napatotohanan muna ang meme bago ito i-share sa iba?
a. Upang maiwasan na makasakit ng iba.
b. Dahil ito’y magiging katatawanan lamang.
c. Upang madaling mag-viral ang ginawang meme.
d. Dahil walang nagkakainteres sa mga meme na hindi na-verify.

7. Alin dito ang nagpapakita ng isang maling dahilan ng paggamit ng internet?

27
a. Matuto at maliwanagan c. Mapabuti ang pamumuhay
b. Manlinlang ng kapuwa d. Malinang ang pakikipagkapwa-tao

8. Alin sa mga alituntunin sa ibaba ang tuwiran mong nilabag kung mamasamain
mo at insultuhin ang isang netizen dahil lang sa magkaiba ang inyong pananaw
sa isang bagay?
a. Iwasan ang pagpapakalat ng hindi beripikadong balita.
b. Iwasan ang pag-post ng maseselang litrato, video, o paksa.
c. Intindihing mabuti ang nilalaman ng isang artikulo bago ito i-share sa iba.
d. Igalang ang opinyon ng iba kahit na salungat ito sa sarili mong paniniwala.

9. Ano ang mangyari kung sakaling magkokomento ka sa isang balita na hindi mo


naman masyadong naiintindihan dahil ang headline lang nito ang iyong binasa?
a. Angkop ang iyong magiging tugon sa balita.
b. Maiiwasan mo ang maging biktima ng fake news.
c. Maitataguyod mo ang pagpapalaganap sa mga totoong balita.
d. Maaaring lumihis ang iyong pagkaintindi sa nilalaman ng balita.

10. Ngayong may pandemya naisip ng pamilya mo na sumubok sa isang online


investment kahit na wala naman kayong karanasan dito. Madali lang daw ang
magkakapera rito ayon sa nag-recruit sa inyo. Ang kailangan lang daw ninyong
gawin ay mag-imbita nang mag-imbita ng mga bagong miyembro at kikita na
kayo nang libu-libo. Ilang linggo bago pa ito nangyari ay may napanood kayong
dokumentaryo sa TV na kung saan nagbabala ang NBI sa lahat laban sa
naglipanang mga investment scam. Sino ngayon sa kanila ang mas
paniniwalaan ninyo at bakit?
a. Ang NBI dahil nakiita ninyo sila na ini-interview sa TV.
b. Ang recruiter dahil kung kumikita siya, kikita din kayo gaya niya.
c. Ang NBI dahil marami na silang karanasan sa ganitong mga scam.
d. Ang recruiter dahil kapani-paniwala ang kanyang pagpapaliwanag.

Karagdagang
Gawain

Gumawa ng mga paalala o reminders para sa tamang paraan ng paggamit ng


impormasyon/social media at mga makabagong gadyet/teknolohiya.

28
Impormasyon/Social Media

Makabagong gadyet/teknolohiya

Mga Sagot

29
Aralin
Ang Wastong Pagsusuri
3 ng Impormasyon

Alamin

Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 nang pag-aaral sa Edukasyon sa


Pagpapakatao! Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Unang Kwarter, Ika-apat
na Linggo. Ito ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo
bilang gabay sa pag-aaral sa mga paksa sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 na
binubuo ng mga aralin na kinakailangang matapos sa loob ng isang linggo.

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga tamang
hakbang bago makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat

Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob para sa
ikabubuti ng lahat

Pamantayan sa Pagkatuto : Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na:

1.1. nakapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa


sarili at pangyayari (EsP6PKPIa-i– 37)

Subukin

Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng
pinakaangkop na sagot.
1. Ano ang itinuturing na pinaka-dahilan kung bakit kinakailangan nating suriin
ang pagkakapareho at pagkakaiba ng dalawa o higit pang bagay?
a. Malalaman mo kung alin sa impormasyon ang dapat tanggapin.
b. Maliliwanagan ka kung ano ang kulang sa nararapat mong gawin.
c. Matutulungan ka sa paggawa ng tama at makabuluhang desisyon.
d. Malalaman mo kung aling impormasyon ang hindi dapat seseryosohin.

30
2. Sa harap ng pagdagsa ng samu’t saring impormasyon, paano makatutulong
ang isang Graphic Organizer sa atin?
a. Naipapakita nito ang iyong kasanayan sa pagguhit
b. Naipapamalas nito ang iyong kakayahan sa pagbasa
c. Napapalawak nito ang iyong pag-unawa sa sitwasyon
d. Nagbibigay ito ng isang mas maayos na pagsusulatan

3. Bakit mahalaga na malaman mo muna ang buong kaganapan o pangyayari


bago ka magpasya?
a. Hindi maganda ang mga desisyon na padalos-dalos.
b. Mababago ng panahon ang iyong pagkaintindi sa sitwasyon.
c. Kadalasan ay hindi magiging tama ang pasya kung kulang ang iyong
nalalaman.
d. Kinakailangang kasi na matingnan muna ang sitwasyon sa mga eksperto at
hintayin ang kanilang opinyon bago ka gumawa ng desisyon.

4. Bakit nagkakaroon ng dalawa o higit pang bersyon ang mga kuwento o balita
na maaaring marinig?
a. Iba’t iba ang pananaw ng bawat isa sa atin.
b. Pare-pareho ang epekto ng mga kaganapan sa lahat.
c. Hindi maiiwasan ng tao ang kaniyang pagiging makasarili.
d. Malikhain ang tao kaya madali siyang makakagawa ng mga kuwento.

5. Naghahanap ka ng magagamit mong laptop para sa iyong blended learning


ngayong taon. Napag-alaman mo na may dalawang brand ng laptop ang
available sa isang online shop. Magkakapareho lang ang presyo at
specifications ng dalawa, ngunit ngayon mo lang narinig ang pangalan ng brand
ng isa. Kaya nakapagdesisyon mo na bilhin na lamang ang laptop na kilalang-
kilala mo na ang brand. Ano ang mas pinagbabatayan mo sa desisyong ito?
a. Kutob ng loob c. Kaalaman tungkol sa laptop
b. Diskwento na makukuha d. Presyo ng dalawang laptop

6. Nais ni Tony at ng kaniyang mga kapatid na magbukas sila ng computer shop


sa bayan, ngunit kulang ang kanilang pera upang makapagsimula ng negosyo.
Dapat bang ituloy nila ang ideya o maghanap muna ng mga kaibigan na
interisado mamuhunan sa ganoong negosyo?
a. Agarang simulan ang negosyo bago magkaroon ng ka-kompetensiya.
b. Hindi na ituloy ang negosyo dahil nakakaabala lang ito sa buhay ninyo.
c. Dahil kulang ang pera mas mabuti kung maghanap lang muna ng pwedeng
maging kasosyo sa negosyong ito.
d. Dapat na ituloy kaagad ang ideya baka mawalan pa ng gana kung
maghihintay pa ng iba na sasama sa mga plano ninyo.

7. Ang pamilya ni Mang Oscar ay gumagawa ng wood carving sa loob ng


mahabang panahon. Kamakailan, ipinagbawal na ng lokal na pamahalaan ang
pagputol ng isang uri ng puno na siyang ginagamit sa kanilang produkto. Dahil
dito apektado ang pinagkukunan ng kabuhayan ni Mang Oscar. Kaya nag-isip
siya kung ano ang mas mabuti niyang gawin. Hihinto na ba siya sa pagwo-

31
wood carving o itutuloy niya pa rin ito nang patago? Kung ikaw ang nasa
kalagayan niya, ano ang gagawin mo?
a. Itutuloy ito nang patago para maitaguyod ang pamilya.
b. Hihinto sa pagwo-wood carving at lumuwas sa Maynila upang doon
maghanap ng trabaho.
c. Titigil sa gawain at umaasa na lamang sa tulong ng gobyerno upang
mapakain ang pamilya.
d. Itutuloy pa rin ito gamit ang ibang uri ng materyal kasabay ang pahintulot ng
lokal na pamahalaan.

8. Nagbabalak na umalis ng bansa ang iyong ama upang makapagtrabaho sa


Middle East. Nakakuha na siya ng pasaporte mula sa isang opisina na
nagtataguyod nito. Nang minsa’y nag-uusap ang iyong mga magulang ay
narinig mong peke pala ang dokumentong ito. Sa iyong palagay, dapat bang
ituloy ng iyong ama ang kaniyang pangingibang-bansa?
a. Siyempre, para sa kabutihan din ito ng inyong pamilya.
b. Dapat lang dahil nakapagbayad na siya ng malaki para dito.
c. Itutuloy ang binabalak matapos makakakuha ng tunay na pasaporte.
d. Delikado ang pangingibang-bansa kung peke ang dala-dalang dokumento
kaya kailanma’y hindi na lang siya mag-abroad.

9. Nagtitinda ng mga pekeng DVD ang isa sa iyong mga kapitbahay. Karaniwang
bumibili ang iyong kuya Arnold nito dahil sa mahilig siyang manood ng mga
sine at ito lang ang kaya niyang bilhin. Wala naman itong naging problema
noong una dahil parang orihinal ito. Kaya lamang napansin mo na unti-unting
nasira ang inyong DVD player. Kausapin mo ba ang iyong kuya Arnold tungkol
dito o manahimik ka na lang lalo na at may pagka-mainitin ng ulo ang kuya mo?
a. Manahimik na lang dahil baka mag-aaway pa kayo.
b. Walang gagawin, bibili na lang ng bagong DVD player kung sakaling
tuluyang masisira na ang lumang player na ito.
c. Sasabihin mo na lang ito sa iyong mga magulang upang sila na mismo
ang magpatigil sa karaniwang gawain ng kuya.
d. Kausapin nang masinsinan si kuya Arnold at ipaliwanag sa kaniya ang
masamang epekto sa kakabili niya ng mga pekeng DVD.

10. May ipinapagawang pagsasanay sa pananaliksik ang iyong guro gamit ang
isang Graphic Organizer bilang bahagi ng itinakdang requirement ng inyong
aralin. May nagsabi sa iyo na marami namang mada-download na ganito mula
sa internet na maaari mong pagbabasehan sa iyong gawain. Ngunit tinatamad
ka na kaya naisipan mong ipi-print na lang kaagad ang nakuha mo. Kaya lang
naaalala mo rin ang babala ng iyong guro laban dito. Ano ang gagawin mo
ngayon, i-edit mo ba muna ito o i-print na kaagad?
a. I-edit na lang ito dahil sa takot na mapagalitan ka ng iyong guro.
b. Gawin ang sariling pananaliksik at gamitin lang ang na-download na
organizer bilang pagbabatayan mo.
c. Ipi-print na ito kaagad, hindi naman ito malalaman ng iyong guro na hindi
mo pala sariling gawa ito.
d. Walang gagawing pagbabago sa na-download na organizer maliban sa
pagsulat ng itong pangalan, petsa, baitang at seksyon.

32
Balikan

Natatandaan mo pa ba kung ano ang tinalakay natin sa ikalawang aralin ng


modyul na ito? Tama! Ang nagdaang aralin ay tungkol sa kung paano natin
magagamit nang tama ang impormasyon at social media sa panahon ngayon ng
impormasyon. Bago natin puntahan ang susunod na aralin ay nais ko munang sagutin
mo ang mga katanungan na makikita mo sa ibaba. Nais kong basahin at pagnilayan
mong mabuti ang mga ito at isulat ang iyong mga sagot sa iyong Reflective Journal.
1. Paano nakatutulong ang Panahon ng Impormasyon sa iyong pag-unlad
bilang tao?
2. Ano-ano ang mga nananatiling hamon sa iyo tungkol sa paggamit ng
impormasyon at social media?
3. Anu-anong pamamaraan ang maaari mong isagawa upang maging kapaki-
pakinabang ang paggamit mo ng impormasyon?

Tuklasin

Technologic-devices: Freepik.com

Gawain 1. Gamit ang Venn Diagram na makikita sa ibaba, isulat mo ang


pagkakapareha at pagkakaiba ng laptop at cellphone. Gawin ito sa iyong Journal.
(Note: Magtanong sa guro kung hindi alam ang paggamit ng Venn Diagram).

33
Laptop Tablet

Laptop at
Tablet

Mga tanong:
1. Kung bibigyan ka ng sapat na pera upang mabili ang isa sa dalawang
aparato (device), alin dito ang bibilhin mo? Bakit?
2. Mas madali ba ang pagpili ng dalawang bagay matapos malaman mo
ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba? Bakit? Bakit hindi?
3. Ano ang kahalagahan ng pagsusuri tungkol sa pagkakatulad at
pagkakaiba ng dalawa o higit pang bagay?
4. Suriin ang sitwasyon: Naghahanap ka ng magagamit mong device
para sa pinili mong blended learning ngayong taon at napag-alaman
mo na ang dalawang aparatong ito ay available sa isang online shop.
Kung halimbawa magkapareho lang ang nabanggit na presyo at
taglay na kakayahan ng dalawang aparato, ngunit ngayon mo lang
narinig ang pangalan ng brand ng isa sa mga ito, alin sa dalawa ang
ipagbibili mo sa mga magulang mo?

Gawain 2. Pag-aralan ang mga sintomas ng Trangkaso (Flu) at Covid-19. Pagham-


bingin ang dalawa gamit ang pormat na nasa ibaba. Gawin ito sa iyong Journal.

34
35
Paghahambing ng Sintomas ng Trangkaso at Covid-19
Paano sila nagkakatulad?

TRANGKASO COVID-19

Paano sila nagkakaiba?

Sagutin ang mga tanong:


1. Mas nakikilala mo na ba ngayon ang dalawang sakit na ito? Bakit?
Bakit hindi?
2. Kung halimbawa may kakilala kang may sipon, ubo, at lagnat,
masasabi mo ba kaagad na siya ay may Covid-19? Ipaliwanag.
3. Ano ang imumungkahi mo sa iyong pamilya, base sa dalawang info-
mercial na nakita at sinuri, kung saka-sakaling nagkaroon ng sipon,
lagnat, at ubo ang iyong nakababatang kapatid? Ipaliwanag.

4.
Suriin

Natalakay na natin sa nakaraang aralin na ang kasalukuyang panahon ay ang


Panahon ng Impormasyon. Kasabay nang mabilis na pagdating ng impormasyon mula
sa mga pahayagan, magasin, at librong elektroniko, radyo at telebisyon na may
kakayahang mag-internet, kompyuter, at cellphone tungo sa atin, ay ang pagdagsa ng

36
hindi mabilang-bilang na impormasyon na imbes maghatid ng kalinawan ay kalabuan
pala ang dala ukol sa isang isyu o bagay. Bakit? Dahil hindi lahat ng impormasyong
ito ay tama, kapaki-pakinabang, at mapagkakatiwalaan.

Ito ang dahilan kung bakit ibinahagi ko sa iyo kung paano paghambingin ang
dalawa o higit pang bagay. Ang pagsuri sa pagkakapareho at pagkakaiba ng mga
bagay kasi ay isa sa makatutulong sa iyo upang malaman mo kung alin sa mga
impormasyon ang dapat tanggapin at alin naman ang hindi lubos paniniwalaan dahil
sa kakulangan ng mga detalye. Makatutulong din ito upang maliwanagan ka kung
anong hakbang ang nararapat mong gawin bilang tugon sa mga impormasyon ng
iyong nakalap (halimbawa: Alin ang bibilihin mong gadyet? at, Ano ang dapat gawin
kung sakaling may sinisipon, nilalagnat, at inuubo na kasapi ng iyong pamilya?).

Sa madaling salita, sa pamamagitan ng pagkukumpara ng dalawa o higit pang


mga bagay ay matutulungan ka hindi lamang sa pagtukoy kung alin sa mga
impormasyon ang dapat mong ingatan, kundi matutulungan ka rin sa pagkamit ng
isang tama at makabuluhang desisyon para sa sarili at sa iyong kapwa.

Gawain 3. Basahin at pag-aralan ang dalawang bersyon ng Alamat ng Pinya.


Pagkatapos ay punan ang hinihingi sa Graphic Organizer at sagutin ang mga
sumusunod na tanong.

Unang Bersyon ng Alamat ng Pinya


Si Pinang ay nag-iisang anak ni Aling Rosa. Mahal na mahal niya ito
kung kaya ninais niyang lumaki itong may kaalaman sa mga gawaing bahay.
Ngunit si Pinang ay hindi mahilig sa paggawa ng mga ito. Ang tangi niyang
nais ay makipaglaro sa kanyang mga kaibigan.

Isang araw na nagkasakit ang kanyang ina napilitan si Pinang na


gumawa ng mga gawaing bahay. Isang araw sa kanyang pagluluto hindi niya
makita ang sandok. Kanya itong itinanong sa kanyang ina, sa inis ng ina
sapagkat lahat na lamang ay tinatanong ni Pinang sinabi niya dito na sana
ay magkaroon ito ng maraming mata upang makita nito ang mga bagay na
hinahanap nito.

Umalis si Pinang sa silid ng ina ng di umiimik. Kinagabihan, hindi na


bumalik si Pinang sa kanyang silid. Agad niya itong tinawag ngunit walang
sumasagot sa kanyang tawag. Hindi niya na ito nakita.

Isang umagang nagwawalis si Aling Rosa sa kanilang bakuran nakita


niya ang isang halaman na tumubo sa silong ng kanilang bahay. Kinuha niya
ito at itinanim sa kanilang bakuran. Pagkaraan ng mga araw ito ay lumaki at
namunga.

37
Nagulat si Aling Rosa sa itsura ng bunga ng halaman sapagkat ang
bunga nito ay napapalibutan ng mata. Kanyang naalala ang kanyang anak
na si Pinang at ang kanyang sinabi dito. Naiisip niya na ang sinabi niya kay
Pinang ay tumalab dito. Kung kaya ang halaman ay tinawag niyang itong
Pinang. Nang magtagal ito ay tinawag na Pinya.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1973997#readmore

Ikalawang Bersyon ng Alamat ng Pinya


Si Pina ay kaisa-isang anak ni Aling Marya. Palibhasa nag-iisang
anak, si Pina ay hindi pinapagawa ng ina at sa halip siya na lang mismo ang
gumagawa ng lahat ng gawaing bahay. Kaya ang nakasanayang gawin lang
ni Pina ay maglaro, maligo, magbihis at matulog.

Hanggang isang araw si Aling Marya ay nagkasakit nang malubha at


palagi na lang nakahiga. Kaya nakiusap siya sa anak na lutuan siya ng
lugaw. Naglugaw si Pina subalit dahil sa walang alam sa gawaing bahay ang
nilutong lugaw ay nasunog. Tumagal ang sakit ni Aling Marya at si Pina ay
nagrereklamo na sapagkat pagod na raw sa pagsisilbi sa nanay niya.

Isang umaga, si Pina ay nagluto ngunit hindi niya makita ang sandok.
Kaya nagtanong siya sa kaniyang ina kung saan. “Bakit ba hindi ka na lang
magkaroon ng maraming mata para makita mo ang hinahanap mo!” ang sabi
ng ina. “Marami pa naman kayong sinasabi eh, nagsesermon pa kayo!” ang
galit naman na tugon ni Pina. Pagkasagot sa ina ay sabay panaog si Pina.
Lumipas ang maghapon, gumabi, at nag-umaga ngunit hindi na nakabalik si
Pina sa itaas.

Isang araw habang nagwawalis sa bakuran si Aling Marya, ay nagulat


ito ng makita ang umusbong na halaman sa malapit sa kanilang
tarangkahan. Dinilig ni Aling Marya ang halaman at inalagaan araw-araw.Di
nagtagal at nagkaroon ng bunga ang halaman. Napansin ni Aling Marya na
ang bunga ay tila hugis ulo na maraming mata. Naalala niya ang huling sinabi
sa anak bago ito nawala.

“Si Pina nya!” ang sabi ng mga kapitbahay ng makita nila ang prutas
na maraming mata. Mula noon tuwing makikita ng mga tao ang prutas na
maraming mata ay tinatawag nila itong si “Pina nya”. Nang lumaon ay naging
Pinya na lamang ang naging tawag dito.

Source: https://pinoycollection.com/alamat-ng-pinya/

38
Ang Alamat ng Pinya
(Bersyon 1 at 2)
Puntos ng Mga Pagkakatulad Mga Pagkakaiba
Paghahalintulad
1. Mga Tauhan sa
alamat
2. Taglay na mga
katangian ng ina
3. Taglay na mga
katangian ng anak
4. Dahilan kung bakit
umalis ang anak
5. Aral na mapupulot
mula sa kuwento

Sagutin:
1. Alin sa dalawang bersyon ng alamat ang mas nagustohan mo? Bakit?
2. Sino sa dalawang tauhan ang may mas malaking pananagutan sa sinapit ng
anak? Ang anak mismo o ang kanyang ina? Panindigan mo ang iyong sagot.
3. Bakit nagkakaroon ng dalawa o higit pang bersyon ang mga kuwento o
balitang ating naririnig?
4. Dahil nagkakaroon ng maraming bersyon ang isang istorya o balitang
naririnig sa radyo, telebisyon, o social media ano ang nararapat mong gawin
upang malaman mo ang totoong nangyari? Ipaliwanag.
5. Bakit kailangang malaman muna natin ang buong kaganapan o istorya bago
tayo magpasya?

Pagyamanin

Panuto. Alamin ang kuwento tungkol ni Lamok at ng kaniyang mga Kapitbahay.


Pagkatapos ay punan ang Graphic Organizer at sagutin ang mga katanungan na nasa
ibaba.

1. Noong unang panahon, sa isang malayong kaharian, ay may


magkakapitbahay na si Palaka, Pagong, at Alitaptap. Tahimik at
mapayapa ang pamumuhay ng magkakapit-bahay hanggang sa lumipat
si Lamok at doon na rin manirahan sa kanilang lugar.

39
2. Isang araw, biglang nagambala ang mahimbing sanang pagtulog ni
Lamok dahil sa sobrang ingay na kaniyang narinig mula sa malakas na
halakhak ng kaniyang kapit-bahay na si Palaka. Noong una ay hinayaan
niya lamang ito subalit habang nagtagal ay mas lumakas pa ang tawa ni
Palaka.

3. Kaya, pinuntahan ni Lamok si Palaka at kinausap nang masinsinan na


kung maaari ay hinaan nito ang kaniyang pagtawa upang hindi siya
madidistorbo sa kaniyang pagtulog. Ngunit patuloy pa rin ang malalakas
na pagtawa ni Palaka. Kinausap siya ni Lamok ng maraming beses pa
pero wala pa ring nagbago. Kaya, napagpasiyahan na ni Lamok na
isumbong na lamang si Palaka sa kanilang Hari.

4. Inilahad ni Lamok ang nangyari sa kanya sa Hari kaya agad na inutusan


ng Hari ang kanyang mga kawal na dalhin si Palaka sa kanyang palasyo
upang masagot nito ang reklamo ni Lamok.

5. Nagmamakaawa si Palaka sa Hari na intindihin ang kanyang kalagayan.


Wala daw siyang kasalanan dito, kasalanan daw ito ni Pagong kung bakit
napahalakhak siya nang malakas. Aniya, sino daw ang hindi matatawa
kung makikita mo ang iyong kapitbahay na dala-dala ang kaniyang
mabigat na bahay kahit saan magpunta ito. Kaya ipinatawag ng Hari si
Pagong.

6. Umiyak na nagpapaliwanag si Pagong sa Hari na hindi raw niya


kasalanan kung bakit tumawa nang malakas si Palaka at hindi makatulog
si Lamok. Ang sabi niya, si Alitaptap daw ang totoong salarin dahil kung
hindi lang sana mahilig magdala ng apoy si Alitaptap, ay hindi rin daw
dadalhin niya ang kaniyang bahay kung magpunta siya sa ibang lugar.
Natatakot lang daw si Pagong na baka masunog pa ito ni Alitaptap. Dahil
dito, pinatawag din ng Hari si Alitaptap.

7. Nakatitig si Alitaptap kay Lamok habang ikinuwento niya kung bakit


palagi siyang may bitbit na apoy na siyang dahilan kung bakit dala-dala
ni Pagong ang kaniyang bahay, kung bakit hindi mapigilan ni Palaka ang
kaniyang malakas na paghahalakhak, at kung bakit hindi makatulog si
Lamok. Bukas-loob na inamin niya ito sa hari,
“Mahal na Hari, totoo po na may bitbit akong apoy araw-araw.”
“Bakit?” ang nababahalang tanong ng Hari.
“Ginamit ko kasi ang apoy bilang pangtaboy sa bago naming
kapitbahay... ito kasing si Lamok ay nangangagat!”
Source: Hango mula sa kuwento ng Tiyahin ng Module Writer

40
Bilang
D A H I L… ng
Talata
Hindi makatulog si Lamok

Malakas ang pagtawa ni


Palaka
Pasan-pasan ni Pagong
ang kaniyang bahay
May bitbit na apoy si
Alitaptap

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Sino ang totoong salarin sa kuwento? Ipaliwanag.
2. Nalaman mo ba kaagad ito? Bakit? Bakit hindi?
3. Mabuti ba ang ginawa ng Hari na ipinatawag ang lahat na may
kaugnayan o kaalaman sa nangyari upang mapakinggan ang istorya ng
bawat isa sa kanila? Bakit? Bakit hindi?
4. Bakit mahalaga na malaman mo ang buong kaganapan o pangyayari
bago ka magpasya?
5. Ano ang naitulong sa Graphic Organizer sa paghahambing mo sa bawat
dahilan na inilahad ng mga tauhan sa kuwento?

Isaisip

Sana matapos ang lahat ng pinapagawa ko sa iyo ay nakumbinsi ka na ang


pagsuri ng impormasyon ay kailangang-kailangan upang magamit mo ang
impormasyon nang mas maayos at maiwasan mo ang maling paggamit nito. Isa sa
mga pinakamadaling paraan ng pagsuri ng impormasyon ay ang paghahambing at
pag-iiba nito sa iba pang mga impormasyon gamit ang Graphic Organizer. Sa
pamamagitan nito ay makikita mo kung paano magkapareho o magkaiba ang dalawa
o higit pang klase ng impormasyon. Ang pagkukumpara ng dalawa o mas maraming
impormasyon ay makatutulong sa iyo ng malaki sa pagpapalawak ng iyong pag-
unawa sa sitwasyon o mga bagay na isa sa mga pinakamahalagang sangkap sa
pagbuo ng isang tama, mapanagutan, at makabuluhang desisyon.

Isagawa

41
Gawain 4. Pag-aralan at suriing mabuti ang tula. Mamili ng alinmang Graphic
Organizer na nagamit mo na upang paghambingin si Rizal at Bonifacio at masagot
ang tanong: “Sino ang higit na dakila?” Gawin ito sa iyong Reflective Journal.

Sino ang higit na dakila: Si Rizal o Bonifacio?


Published on December 31, 2006 as Pilantik ni Dadong Matinik

Bonifacio Day natin ang November 30


At Rizal Day naman ang December 30;
Sila’y dalwang taong sa baya’y nagsilbi
Kaya kinilalang parehong bayani!

Bayani si Rizal sapagka’t ang diwa


Ay nailarawan sa kanyang pagkatha;
Mga pang-aapi ng mga Kastila
Buong tapang niyang nasabi sa bansa!

Nang ang baya’y lubhang sakal ng dayuhan


Itong Bonifacio ay naging matapang;
Kanyang itinaas ang tabak na tangan
Tinagpas ang leeg ng mga kalaban!

Dr. Jose Rizal nangibang bayan pa


Upang ipakita ang masamang gawa —
Ng mga kaaway nitong ating bansa
At ang himagsika’y noon nagsimula!

Himagsikang iyon ay pinapag-apoy


Nitong Bonifacio’ng nagmistulang dragon;
Naging bukambibig saanman paroon
Kanyang kagitingang paglaya ang misyon!

Kaya nga si Rizal at si Bonifacio


Ay kapwa bayani at ating idolo
Naglaho man sila dito sa ‘ting mundo
Ang pamana nila’y tapang at talino!

Marunong si Rizal pagka’t ang panulat


Ay ating nabasa na nakagugulat;
Matapang si Andres sa hawak na tabak —
Pagka’t lider siyang sa baya’y nagmulat!

Ginamit ni Rizal -— diwang kayumanggi


At si Bonifacio —- dupil ang baluti
Sila ay bayaning bayani palagi
Sapagka’t simbolo at dangal ng lahi!

Source: https://www.philstar.com/opinyon/2006/12/31/377650/sino-ang-higit-na-
dakila-si-rizal-o-bonifacio

42
Gabay na Tanong:

Batay sa tulang nabasa at sa ginawang paghahambing, sino sa palagay mo


ang higit na dakila, si Jose Rizal o Andres Bonifacio? Ipaliwanag.

Tayahin

Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng
pinakaangkop na sagot.
1. Ano ang itinuturing na pika-dahilan kung bakit kinakailangan nating suriin ang
pagkakapareho at pagkakaiba ng dalawa o higit pang bagay?
a. Malalaman mo kung alin sa impormasyon ang dapat tanggapin.
b. Maliliwanagan ka kung ano ang kulang sa nararapat mong gawin.
c. Matutulungan ka sa paggawa ng tama at makabuluhang desisyon.
d. Malalaman mo kung aling impormasyon ang hindi dapat seseryosohin.

2. Sa harap ng pagdagsa ng samu’t saring impormasyon, paano makatutulong


ang isang Graphic Organizer sa atin?
a. Naipapakita nito ang iyong kasanayan sa pagguhit
b. Naipapamalas nito ang iyong kakayahan sa pagbasa
c. Napapalawak nito ang iyong pag-unawa sa sitwasyon
d. Nagbibigay ito ng isang mas maayos na pagsusulatan

3. Bakit mahalaga na malaman mo muna ang buong kaganapan o pangyayari


bago ka magpasya?
a. Hindi maganda ang mga desisyon na padalos-dalos.
b. Mababago ng panahon ang iyong pagkaintindi sa sitwasyon.
c. Kadalasan ay hindi magiging tama ang pasya kung kulang ang iyong
nalalaman.
d. Kinakailangang kasi na matingnan muna ang sitwasyon sa mga eksperto at
hintayin ang kanilang opinyon bago ka gumawa ng desisyon.

4. Bakit nagkakaroon ng dalawa o higit pang bersyon ang mga kuwento o balita
na maaaring marinig?

43
a. Iba’t iba ang pananaw ng bawat isa sa atin.
b. Pare-pareho ang epekto ng mga kaganapan sa lahat.
c. Hindi maiiwasan ng tao ang kaniyang pagiging makasarili.
d. Malikhain ang tao kaya madali siyang makakagawa ng mga kuwento.

5. Naghahanap ka ng magagamit mong laptop para sa iyong blended learning


ngayong taon. Napag-alaman mo na may dalawang brand ng laptop ang
available sa isang online shop. Magkakapareho lang ang presyo at
specifications ng dalawa, ngunit ngayon mo lang narinig ang pangalan ng brand
ng isa. Kaya nakapagdesisyon mo na bilhin na lamang ang laptop na kilalang-
kilala mo na ang brand. Ano ang mas pinagbabatayan mo sa desisyong ito?
a. Kutob ng loob c. Kaalaman tungkol sa laptop
b. Diskwento na makukuha d. Presyo ng dalawang laptop

6. Nais ni Tony at ng kaniyang mga kapatid na magbukas sila ng computer shop


sa bayan, ngunit kulang ang kanilang pera upang makapagsimula ng negosyo.
Dapat bang ituloy nila ang ideya o maghanap muna ng mga kaibigan na
interisado mamuhunan sa ganoong negosyo?
a. Agarang simulan ang negosyo bago magkaroon ng ka-kompetensiya.
b. Hindi na ituloy ang negosyo dahil nakakaabala lang ito sa buhay ninyo.
c. Dahil kulang ang pera mas mabuti kung maghanap lang muna ng pwedeng
maging kasosyo sa negosyong ito.
d. Dapat na ituloy kaagad ang ideya baka mawalan pa ng gana kung
maghihintay pa ng iba na sasama sa mga plano ninyo.

7. Ang pamilya ni Mang Oscar ay gumagawa ng wood carving sa loob ng


mahabang panahon. Kamakailan, ipinagbawal na ng lokal na pamahalaan ang
pagputol ng isang uri ng puno na siyang ginagamit sa kanilang produkto. Dahil
dito apektado ang pinagkukunan ng kabuhayan ni Mang Oscar. Kaya nag-isip
siya kung ano ang mas mabuti niyang gawin. Hihinto na ba siya sa pagwo-
wood carving o itutuloy niya pa rin ito nang patago? Kung ikaw ang nasa
kalagayan niya, ano ang gagawin mo?
a. Itutuloy ito nang patago para maitaguyod ang pamilya.
b. Hihinto sa pagwo-wood carving at lumuwas sa Maynila upang doon
maghanap ng trabaho.
c. Titigil sa gawain at umaasa na lamang sa tulong ng gobyerno upang
mapakain ang pamilya.
d. Itutuloy pa rin ito gamit ang ibang uri ng materyal kasabay ang pahintulot ng
lokal na pamahalaan.

8. Nagbabalak na umalis ng bansa ang iyong ama upang makapagtrabaho sa


Middle East. Nakakuha na siya ng pasaporte mula sa isang opisina na
nagtataguyod nito. Nang minsa’y nag-uusap ang iyong mga magulang ay
narinig mong peke pala ang dokumentong ito. Sa iyong palagay, dapat bang
ituloy ng iyong ama ang kaniyang pangingibang-bansa?
a. Siyempre, para sa kabutihan din ito ng inyong pamilya.
b. Dapat lang dahil nakapagbayad na siya ng malaki para dito.
c. Itutuloy ang binabalak matapos makakakuha ng tunay na pasaporte.
d. Delikado ang pangingibang-bansa kung peke ang dala-dalang dokumento
kaya kailanma’y hindi na lang siya mag-abroad.

44
9. Nagtitinda ng mga pekeng DVD ang isa sa iyong mga kapitbahay. Karaniwang
bumibili ang iyong kuya Arnold nito dahil sa mahilig siyang manood ng mga
sine at ito lang ang kaya niyang bilhin. Wala naman itong naging problema
noong una dahil parang orihinal ito. Kaya lamang napansin mo na unti-unting
nasira ang inyong DVD player. Kausapin mo ba ang iyong kuya Arnold tungkol
dito o manahimik ka na lang lalo na at may pagka-mainitin ng ulo ang kuya mo?
a. Manahimik na lang dahil baka mag-aaway pa kayo.
b. Walang gagawin, bibili na lang ng bagong DVD player kung sakaling
tuluyang masisira na ang lumang player na ito.
c. Sasabihin mo na lang ito sa iyong mga magulang upang sila na mismo
ang magpatigil sa karaniwang gawain ng kuya.
d. Kausapin nang masinsinan si kuya Arnold at ipaliwanag sa kaniya ang
masamang epekto sa kakabili niya ng mga pekeng DVD.

10. May ipinapagawang pagsasanay sa pananaliksik ang iyong guro gamit ang
isang Graphic Organizer bilang bahagi ng itinakdang requirement ng inyong
aralin. May nagsabi sa iyo na marami namang mada-download na ganito mula
sa internet na maaari mong pagbabasehan sa iyong gawain. Ngunit tinatamad
ka na kaya naisipan mong ipi-print na lang kaagad ang nakuha mo. Kaya lang
naaalala mo rin ang babala ng iyong guro laban dito. Ano ang gagawin mo
ngayon, i-edit mo ba muna ito o i-print na kaagad?
a. I-edit na lang ito dahil sa takot na mapagalitan ka ng iyong guro.
b. Gawin ang sariling pananaliksik at gamitin lang ang na-download na
organizer bilang pagbabatayan mo.
c. Ipi-print na ito kaagad, hindi naman ito malalaman ng iyong guro na hindi
mo pala sariling gawa ito.
d. Walang gagawing pagbabago sa na-download na organizer maliban sa
pagsulat ng itong pangalan, petsa, baitang at seksyon.

Karagdagang
Gawain

Gumawa ng isang maliit na pananaliksik sa pamamagitan ng paggamit ng


internet o pagtatanong sa mga magulang o sa may otoridad at alamin kung totoo nga
ba ang mga sumusunod na balitang kumakalat sa social media:
1. Maaaring lunas sa COVID-19 ang saging at bawang. Epektibo rin ang
pagmumumog ng tubig na may asin at pag-inom ng alak.

2. Epektibong panlaban sa virus ang hand dryers at UV lamps.

3. Maligo gamit ng mainit na tubig upang hindi mahawa ng COVID-19.

45
4. Mag-spray ng rubbing alcohol o chlorine sa katawan o nasal spray para sa ilong
upang mawala ang virus.

5. Hindi magtatagal ang buhay ng virus sa Pilipinas dahil mainit ang klima rito.

Mga Sagot

46
Talasanggunian
Mga Aklat

Brizuela, Mary Jean B. et al. Edukasyon sa Pagpapakatao (Modyul para sa


Mag-aaral). Unang Edisyon. Pasig City: FEP Printing Corporation, 2015.

Punsalan, Twila et al. Kaganapan sa Maylalang. Unang Edisyon.


Quezon City: Rex Printing Company, Inc., 2007.

Ylarde, Zenaida, and Gloria Peralta. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon


(Batayang Aklat). Quezon City: Vibal Group, Inc., 2016

Ylarde, Zenaida, and Gloria Peralta. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon


(Manwal ng Guro). Quezon City: Vibal Group, Inc., 2016

Diksyonaryo

Merriam-Webster. “Information,” accessed June 18, 2020,


https://www.meriam-webster.com

Merriam-Webster. “Information age,” accessed June 19, 2020,


https://www.meriam-webster.com

Mga Artikulo mula sa Internet

“Paano nga ba ang tamang paraan ng paggamit ng social media,” Medium,


published Sept. 11, 2016, https://bit.ly/3fLwhGg

“Maikling Buod ng Alamat ng Pinya,” Brainly, published Nov. 11, 2018,


https://brainly.ph/question/1973997

“Alamat ng Pinya,” accessed June 19, 2020, https://bit.ly/3fM3Wjb

“Sino ang higit na dakila: Si Rizal o Bonifacio?”, published December 31, 2006,
https://bit.ly/313pGmz

Downloaded Resources

Pagsusuri ng Impormasyon. June 17, 2020.


https://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02/pagsusuri-ng-
impormasyon.pdf.

47
Mga Larawan mula sa Internet

Freepik. Accessed June 17, 2020, <https://www.freepik.com>

Mindanaos covid 19 positives. Accessed June 17, 2020, <https://bit.ly/2ZaDzwT>

Ano ang New Normal. Accessed June 18, 2020, < https://bit.ly/3dqMdvX>

Sintomas ng Trangkaso. Accessed June 18, 2020, <https://bit.ly/2NjkRxi>

Sintomas ng Covid-19. Accessed June 18, 2020, <https://bit.ly/3emp2Ep>

48
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Lanao del Norte


Office Address: Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Compound,
Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address : lrmdsldn@gmail.com

49

You might also like